Kami Ni Best! - Part 4

May 4, 2015 (1 year ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Romance | Tags: , ,

Kami Ni Best! - Part 4Paalala: Ang genre po ng kwentong ito ay lovestory + fiction/true story. Ang mga pangyayari po ay hango sa totoong pangyayari pero may halong kathang isip xD.  Pagpasensyahan nyo na po at sana mag enjoy kayo. 

PS. Yung naka BOLD na PANGALAN kanila pong Point of View yun. Baka lang po Malito. Thank you.

"Relationships are stronger when you're best friends first and a lovers second."

~Kathy

Naging maayos lahat samin ni Raven, maliban nalang dun sa pinsan kong si Alice, Grabe kung makakapit naman kay Raven akala mo tuko!

Kaso may karapatan ba akong magselos?  May karapatan ba akong magalit? Gayong hindi ko alam kung ano ba talaga kami. Natatakot kasi akong malaman ang sagot nya kapag nagtanong ako kung ano ba talaga. Bestfriend pa din ba? Pero may nangyari na samin kahit isang beses pa lang yun.

Pero naramdaman ko naman na mahal nya talaga ako eh, haayst kainis naman ayokong sakin manggaling yun eh.

"Girl may problema ba?" umupo si Lyka sa tabi ko.

"Hindi ko kasi alam kung ano ba talaga ang status namin ni Raven" sagot ko nalang

"Bakit di mo itanong? Hindi mo malalaman ang sagot kung iisipin mo lang uso din naman magtanong di ba?"  - Lyka

"Natatakot kasi ako sa pwede nyabg isagot, Tingnan mo nga oh ang laki ng ngiti ng mokong na yun kapag kasama nya yung pinsan ko" sabay turo ko kila Raven habang naglalakad patungo samin.

"Ikaw din baka maunahan ka pa. Hindi na uso ngayon ang pa maria clara ang peg! Babae na din ang unag gumagawa ng move gaga" napabuntong hininga na lang ako. 

"Best kain na tayo?" pagaaya ni Raven ng makalapit sila. Tiningnan ko lang sya ng bored look.

"Busog pa ako, Mauna na kame may klase pa kasi. Bye" hinila ko ang kamay ni Lyka at naglakad palayo sa dalawa.

"Hoy bruha! Ano iwasan ang peg mo ngayon? Gaga ka talaga pag tinuloy mo yan mawawala na talaga sayo si Raven mo"

"Eh kasi naiinis ako kapag magkasama silang dalawa, Ayokong makipag away baka isipin ni Raven despereada ako nuh" 

"Bakit hindi ba? Tsk ewan ko sayo ha wag kang iiyak kapag nabalitaan mo na sila na" 

~Raven

"Tara kumain na tayo nagugutom na ako" hinila ako ni Alice papunta sa canteen. Hindi ko alam kung bakit gajun na lang ang pakikitungo ni Kathy sakin ngayon. Hindi ko maintindihan. Kailangan makausap ko sya.

"Ah sige mauna ka na" inalis ko ang kamay nya na nakapulupot sa braso ko at tumakbo patungo sa room ni Kathy.

Habang nasa hallway nakasalubong ko si Lyka.

"Uy tol! San punta mo?"

"Tol nasan si Kathy, i need to talk to her"

"Naku kaalis lang, Masama pakiramdam eh uuwi na daw sya"

"Ganun ba. Galit ba sya sakin?"

"Ahm hindi selos lang yun haha, Sige na sundan mo maabutan mo pa yun"

"Sige tol salamat"

Tumakbo na nga ako patungo sa gate, At nakita ko nga sya na nakayuko habang naglalakad. 

"Kat-- Shit!"

Hindi ko na naituloy ang pagtawag ko sa kanya ng may makabangga sya. Tumakbo na agad ako papalapit sa kanya.

"Sorry miss nasaktan ka ba?" 

"Ok lang ako"

"Kathy" hinila ko ang braso nya at chineck ko kung nagkagalos sya.

"Raven, ok lang ako"

"Pare tumingin ka kasi sa dinadaanan mo" 

"Pasensya ka na miss ha"

"Ok lang"

"Tara na Kathy, Hatid na kita" hinila ni Kathy yung braso nya na hawak ko.

"No need, Kaya ko ang sarili ko" Naglakad na sya palayo sakin

"May problema ba tayo?" pero hindi sya sumagot. Nagderetsyo lang sya sa paglalakad.

Hinayaan ko na lang sya, baka ayaw nya talaga akong kausap ngayon. Bumalik na lang ako sa room ko para umattend ng klase.

....

6:30 na ako nakauwi sa bahay, Nagkayayan pa kasi maglaro ng dota. Dumaan na din ako sa bahay nila Kathy para icheck sya.

"Naku anak wala pa gagabihin daw sya ng uwi may project daw na ginagawa" sabi ni tita 

"San daw po?" 

"Dun sa bahay ni Lyka"

"Sige po."

Nagderetsyo ako sa bahay ni Lyka dahil alam ko naman kung saan yun sa kabilang barangay lang naman sila kaya ok lang.

Pagdating ko dun isang lalaki ang nagbukas ng pinto, at pamilyar sya pinapasok nya naman ako.

"Uy tol naligaw ka?" tumingin ako kay Kathy na busy na nakaharap sa laptop nya.

"Pinasusundo sya ni tita"  pagsisinungaling ko

"Maya maya matatapos na din naman kami, upo ka muna. Sya nga pala si Vince classmate namin at ka group din namin"

"Pare, ikaw yung kanina di ba?" 

"Ah oo kaya pala pamilyar ka. Raven pare" inabot ko ang kamay ko.

"Culinary ka din pala?"

"Oo hindi ko nga alam na classmate ko pala si Kathy hindi kasi sya umattend kanina, Transferee lang kasi ako" tumango na lang ako bilang sagot.

Itinuloy na din nila ang ginagawa nila, Pinagmamasdan ko lang sila at naiinis ako kapag nagtatawana sila.

"Baliw ka talaga ahahaha, Hindi naman ganyan eh. Dapat yung unique" masayang wika ni Kathy dun kay Vince tss
 -_____-

"Eh unique naman yung sinabi ko diba? Sigurado ako tayo ang makakakuha ng perfect score"

"Ahahaha baliw, baka kulelat kamo"

"Baka may maenvelope este madevelope pala" pagbibiro ni Lyka

"Eheem" tikhim ko. Nakita ko naman na napailing nalang si Lyka pero wala man lang reaction si Kathy na patuloy pa din sa ginagawa.

Makalipas ang kalahting oras ay natapos na din sila.

"Bye bye girl! Bukas na lang ulit"

"Sige ingat ha"

"Bye Kath, see you when i see you ahahah"

"Baliw. Sige bye" 

"Tss tara na" hinawakan ko na ang kamay nya at nagsimula na maglakad.

Ilang minuto na kaming naglalakad pero wala pa ding nagsasalita samin. Hawak ko pa din ang kamay nya. AWKWARD.

"Hey. May problema ba tayo?" pagbasag ko sa katahimikan

"W-wala bakit?" tumigil ako sa paglalakad at humarap sa kanya

"Bakit pakiramdam ko umiiwas ka sakin. Now tell me may nagawa ba ako para maging ganito ka sakin?" yumuko sya pero hinawakan ko ang baba nya at inangat ang mukha nya.

"Ano ba ako sayo Raven?" tiningnan ko sya sa mata, Parang may gumigilid na luha. Ngumiti ako bago sumagot.

"Ikaw ang bestfriend ko"

"Sabi ko nga" ngumiti sya ng mapakla at nagsimula na ulit maglakad 

"Ikaw ang babaeng mahal ko,Ikaw ang babaeng gusto kong unang makita kapag gumigising ako at ang babaeng huli kong makikita kapag ipipikit ko ang mata ko, Ikaw ang babaeng gusto kong makasama. Ikaw yun"

Tumigil sya sa paglalakad at humarap sakin.

"Ano ba talaga ako sayo? Mahal mo ba ako dahil Bestfriend mo ako? o sinasabi mong mahal mo ako dahil na--" 

"Dahil nakuha na kita ganun ba? Hindi Kathy, Mahal kita dahil ikaw si Kathy, hindi lang bilang bestfriend ko" lumapit ako sa kanya at hinawakan ang dalawang kamay nya

"Please? wag mo na akong iwasan nahihirapan kasi ako"

"So t-tayo na ba?" ngumiti ako sa kanya bago halikan ang mga labi nya.

"Pwede bang manligaw muna ako?"  tumango sya at saka kumapit sa batok ko, Hinalikan nya din ako at masasabi kong namis ko ang labi nya.

"Ok na tayo ha" 

"Opo. Uwi na tayo gutom na ako"

Nauwe kami ng masaya, Kailangan ko na din magpaalam kila tita na liligawan ko si Kathy, gusto kong gawing legal ang lahat samin.

"Magpapaalam ako kila tita na liligawan kita" 

"Baka magalit sila"

"Hindi naman siguro. Gusto mo ba na tago ang relasyon natin?"

"Hindi pero kasi.."

"Dont worry ok? Ako na bahala ha, wag ka muna magisip ng tungkol dun" tumango lang sya at ngumiti. Ang ganda nya talaga lalo kapag nakangiti kaya mahal na mahal ko to.

"Raven, y-yung nangyari satin"

"Bakit gusto mo ulitin" pilyo kong sabi sa kanya

"H-hindi nuh! Kaasar ka naman eh" 

"Ahahaha joke lang. Pero namis ko yun" hinampas nya lang ako, at namula sya. 

Cute.

"Joke lang, Sige na pasok ka na nandito na pala tayo. Kita nalang tayo bukas" 

Hinalikan ko sya sa noo bago tuluyang umalis.

~Kathy

"Anak mukhang masaya ka ah" sabi ni papa na nasa lamesa at umiinom ng kape. Umupo naman ako sa tabi nya.

"Hindi naman po hehe, Bakit di pa po kayo natutulog"

"Hinihintay ko kasi dumating ang bunso ko" niyakap ko si papa.

"Papa naman eh, Malaki na ako" 

"Ikaw pa din ang baby ko."

"Oo na po. Akyat na po ako, Ikaw din pa pag tapos ng kape mo matulog ka na din ha"

"Sige anak. Goodnight"

"Nyt papa"

...

Sabado ng umaga nagpaalam nga si Raven kila mama at papa, pumayag naman agad si mama pero si papa ay parang hindi kumbinsido pero sa huli pumayag din naman.

Nanuod din kame ng sine, Kumain nag arcade at kung ano ano pa ang ginawa namin, Sabi ko naman sa kanya na hindi na kailangan na ligawan nya ako pero nagpumilit sya at gusto naman daw nyang gawin. Kaya yun pumayag na ako kahit kami na nililigawan pa din nya ako. 

Sana hindi na matapos to.

...

5am nagkitakita kami para hindi kami abutan ng traffic. At nandito kame sa resort sa batangas, brithday gift ng parents ni Raven sa kanya, kasama din si Lyka, Vince at yung pinsan ko. Crush kasi ni Lyka si Vince kaya hindi ito pumayag na hindi isama si Vince, sila mama hindi naman nakasama kasi may trabaho sila.

19  na si Raven at next year gagraduate na sya. Honor student kasi kaya kahit ano hingin nya binibigay ng parents nya.

9am ng makarating kame sa resort. 

"Happy Birthday Raven" bati ko ulit sa kanya. 

"Thank you asawa ko." sabay halik sa labi ko. Smack lang naman.

"Pasok ka na ayusin nyo gamit nyo, Pag may kailangan kayo tawag ka lang ha"

"Opo" hinalikan nya ako sa noo bgo umalis 

"Anak ng! Nilalanggam na ako dito ha"  pagbibiro ni Lyka na nasa likod ko pala.

"Sira ulo." nakita ko naman na ang sama ng tingin ni Alice o baka guni guni ko lang yun.

Kaming tatlong babae ang magkakasama sa isang kwarto, sila Vince at Raven naman sa kabila. 3 days and 2 nights kami dito, Katatapos lang din kasi ng exams kaya ok lang kahit di muna kami pumasok.

4:30 pm nandito kami sa tabing dagat, nakaupo lang nakasandal ako sa kanya at masayang naliligo si Lyka kasama si Vince, Samantalang si Alice naman ay hindi ko alam kung saan nagpunta bahala sya ang mahalaga masaya ako kasama sya.

"Wala ba akong gift?" naka pout nyang sabi. Haha ang cute ng boyfriend ko. Binigyan ko sya ng matamis na halik, Hinawakan nya naman ang batok ko at tinugon ang halik ko, Halos maubusan ako ng hininga bago naghiwalay ang labi namin.

"Ang sarap naman ng gift ko isa pa nga"

"Tumigil ka nga, Baka kung ano isipin ng makakita satin eh"

"Daya naman" pinisil ko ang pisnge nya at saka binigyan ulit sya ng halik.

"Ligo tayo" hinila ko sya papunta sa dagat. 

Pinagmasdan lang namin ang papalubog na araw. Nakayakap sya sa likod ko habang nasa tubig kame.

"Masaya ka ba?" tanong ko kay Raven na nakatingin sa malawak na dagat.

"Oo kasi ikaw ang kasama ko"

"Bolero ka talaga. Ako din masaya. Happy Birthday" 

"Totoo yun. Salamat ng paulit ulit asawa ko" 

Humarap ako sa kanya at isinabit ang mga kamay ko sa batok nya, Hinalikan ko sya at tumugon naman agad sya nilagay nya ang mga kamay nya sa bewang ko at inilapit sa kanya, naramdaman ko naman na parang may nakaumbok sa ibaba nya. 

"Mukhang nagagalit na yan ah" pagbibiro ko sa kanya ng magbitaw ang mga labi namin.

"Oo nga eh haha. Tara na dun hinihintay na nila tayo"

..

Kinagabihan nagkayayaan kaming uminom, Pinakilala din samin ni Alice yung nakilala nya daw si Axel kung titingnan mo sila para silang mag jowa na dalawa. Kaya ayun kasama namin sila uminom.

Hindi naman ako masyado uminom kasi madali akong malasing, si Lyka ayun bagsak na si Raven halatang amy tama na din pati yung si Axel lasing na din kaya hinatid na ni Alice sa kabilang cotage.

Umalis muna ako saglit para kumuha ng kumot at unan kasi hindi ko naman sila mabubuhat papunta sa kwarto, Lasing na sila lahat eh. 

~Alice

Nakita kong umalis si pinsan sa cotage, napangiti naman ako dun, Pumunta agad ako dun at nakita ko ang mahimbing na natutulog na si Raven.

"Kathy" tss kahit tulog si Kathy pa din ang hinahanap mo

"Bakit hindi na lang ako Raven, Kaya ko ibigay sayo lahat" hinalikan ko sya sa... Read More


About the Author :

Joined: May 16, 2013 (3 years old)
Writings: 11

Send PM · Female · Offline

~ ♥♡ i do believe in FOREVER ♡♥ ~
1 comment   0 favorite   2,582 views