Blog

Kaleidoscope

May 26, 2014 (2 years ago)
Posted in Blog: Taglish | Categories: Non-Erotic | Tags:

Go back. Ang istoryang ito ay NON-EROTIC. You have been warned. :)

*****
Setting: Rizal, Philippines 2007. Matapos ang pagsuko ng mga Hapon noong World War II ay nanatili ang bansa sa pamamalakad ng America hanggang 1986. Hindi naihalal na pinuno si Ferdinand Marcos kaya walang naipatupad na Martial Law. Ang EDSA Revolution ay naganap hindi upang alisin sa pwesto si Marcos, bagkos ay para tuluyang palayain ang Pilipinas mula sa banyagang mananakop. Nilagdaan man ni Ronald Reagan ang kasulatang nag bigay sa mga Pilipino ng kanilang independensiya, ang naihalal na Pangulo ng bansa nama'y nagmula sa angkan ng mga Robles na di umano'y kontrolado ng America. Bagama't walang kasiguraduhan ang kalayaan ng Pilipinas, dahil sa kanluraning pamamaraan at pamamalakad na inangkop ng bansa, at dahil sa hindi nagawang maipuslit ang kalakihan ng pondo ng nasyon, nanatili itong First World Country.

San Leon -isang maunlad na bayan sa Rizal bagama't napalilibutan ng bundok. Sa gitna nito ay isang malawak na lawa na animo'y nagsisilbing hati sa kanluran at silangang parte ng bayan. Ang lawang ito, na tinatawag nilang Jaiwanaoya, ay kilalang tourist attraction ng bansa dahil sa kakayahan nitong magpalit ng kulay base sa panahon. Ito ang pangunahing dahilan ng pag unlad ng bayan. Inaasahang sa lalong madaling panaho'y magiging ganap na siyudad na ang San Leon.

*****

EPISODE 1 - KEIRAN AND...

Isang oras at tatlumpu't limang minuto ang iginugol ng kanyang mga mata sa isang palabas na halata namang hindi papatok sa takilya at maibibida ng mga movie-goers sa telebisyon habang humihiyaw sa sobrang kilig. Gasgas ang plot. Tipid sa budget. At higit sa lahat, walang kilalang artistang gumanap. Para ka lang nagbayad ng ticket upang mag palamig sa loob at mang-huli ng mga mag-on na ginagawang extension ng Mariposa ang sinehan. Napailing na lamang si Keiran sa tanawin mula sa pinaka mataas na hilera ng mga upuan.

Bumuntong hininga s’ya saka pumangalumbaba. Sa manakanakang pag libot ng kanyang mata, Tantiya n’ya’y nasa dalawampu’t tatlo ang magjojowang sige lang sa pagkapkap sa katabi nila na parang may hinahanap na bomba. Ano nga kaya kung may makapa sila? Napailing na lang si Keiran saka inalis ang paningin sa dalawang nilalang na kulang na lang ay magkapalitan ng dila. Iba talaga ang trend ng pinoy.

Tama na. Tumayo na siya at tinungo ang exit. Iniwan ang bote ng Mountain dew na binili sa isang convenience store at itinago sa bag upang maka mura sa inumin -wala nang say-say manood ng credit roll kung hindi mo naman natatandaan ang mga gumanap. Sayang pa sa disk space ng utak.
Kabisado niya ang daan palabas. Kahit nakapikit pa yata ay kaya nyang tahakin ito nang hindi nababangga. Kung tutuusin, mas maraming beses pa siyang nag labas pasok sa sinehan kaysa sa eskwelahan. Pero walang kaso iyon sa kanya. Hindi naman niya napapabayaan ang pag-aaral. Isang pangakong handa niyang tuparin para sa "Love Team".

Nasa tapat na si Keiran ng swinging doors ng bigla itong bumukas at muntikang tumama sa kanyang balikat kung hindi naagapan ng kanyang kamay. Isang babaeng mahaba ang buhok, may choker, at bilugan at itim na mata ang pumasok at napatitig sa kanya. Kilala niya ito. Si Lei, na marahil ay isa sa pinaka kilalang estudyante sa San Leon University. Sikat dahil lingguhan kung mag palit ng nobyo. Marami namang ganon sa campus pero pangalan ni Lei ang pinaka nakalutang sa drinking fountain ng Cafeteria.
'Ay, sorry...' ani Lei na bahagyang nakayuko ang ulo at sinisipat ang hand bag.
'Sa pagkakatanda ko Exit ang daanan na to eh. Binago na ba nila?' sagot ni Keiran habang hinahayaang sumara ang pinto.
Napatingin ang dalaga sa kanya. 'Hinde. Exit pa rin. Masama bang mag CR?' tinuro ni Lei ang bathroom para sa mga babae.
Sinulyapan ni Keiran ang pinto at nag kibit balikat. 'Pwede na ba kong dumaan?'
Umangat ang dalalwang kamay ni Lei patungo sa baywang. 'Suplado ka pala, Keiran.'
Sandali siyang napatulala sa pagkakabanggit ng babaeng nasa harapan niya sa kanyang pangalan. Kilala siya nito. Bagay na hindi niya aasahan higit pa mula rito. Nag iwan ito ng hindi kanais nais na panlasa sa kanyang dila. 'Siguro. Ewan ko...' bumalik ang tingin niya sa pinto. 'Pwede na ba kong dumaan... Please?'
Subalit hindi pa rin s'ya pinakawalan ng dalaga. 'Teka, sinong kasama mo ha? Schoolmate din natin?'
'Wala.'
Tumaas ang isang kilay ni Lei. 'Huh? Wala? Nanood ka mag-isa?'
'May batas bang nagbabawal non?'
'Suplado ka talaga. Pero di ko alam na mahilig ka rin pala sa mga ganitong pelikula.'
'Hinde. At palagay ko naman hindi ka rin mahilig sa ganitong palabas.'
'Eh bakit naman ako manonood kung hindi ko gusto?'
'Manood ka nga kaya?'
'Huh? Anong ibig mong-' Hindi na hinayaang matapos ni Keiran si Lei. Binuksan niya ang pinto at involuntarily namang napa-usog ang babae. Umibis siya mula sa sinehan at walang lingong binaybay ang pasilyo ng mall. Nakita niya pang naghihintay ang date ni Lei malapit sa Entrance ng sinehan.
'At dalawampu't apat na ang mga magsisipag-hanap ng bomba sa loob...'

***

Sa isang kwartong nalilimusan ng kaunting liwanag mula sa bintanang balot ng kurtina, umangat ang isang kamay patungo sa katabing desk ng kama, marahang inabot ang orasan at muling ibinalik sa pwesto. Mapungay ang mga matang tumayo si Keiran mula sa pagkaka-tabon ng mga libro na tila nagsilbing kumot niya sa magdamag. Humikab at nag-inat. Sinaliksik ang kwartong balot ng nagdaang gabi. Wala na siyang panahong mag-linis ng kwarto ngayong hindi na niya halos mabitawan ang controller ng Xbox dahil sa larong ni-rekumenda ni Gig sa kanya. Maganda talaga ang taste ng mokong na iyon pag dating sa mga laro. Teka nga, nasaan nga ba ang contoller nya?

Hindi pa siguro maganda ang takbo ng utak n’ya dahil sa tatlong oras na tulog. Mukhang napapadalas na ang pagpupuyat n’ya ngayong may kasabay ng video game ang tinatapos n’yang libro. Ang masakit pa nito, andami n’yang club memorandums at alin man sa tatlo ay hindi n’ya magawang bitawan. Mahalaga sa kanya ang laro pang relieve ng stress, ang club activity para may stress na ire-relieve, at ang mga libro n’yang naging sanktuaryo sa madidilim na bahagi ng buhay. Teka nga, nasaan nga ba ang librong iyon?
Wala na siyang panahong maghalukay pa ng mga bagay sa loob ng kwarto niya. Swerte na lang at laging nakasabit ang kanyang towel sa likod ng pintuan. At least, ang consistent na pagsasabit ng tuwalya sa isang lugar ay pwede na niyang maging hidden talent. Tumayo na siya matapos ang ilan pang pag iinat at pag hikab. Binuksan niya ang pinto habang kinukuha ang tuwalya sa likod niyon. Bumaba sa hagdanan at inihanda ang sarili sa "Love Team".

'ANAK!!! Wow! Ang kisig-kisig talaga ng anak ko! Good morning!!' bati ng isang babaeng balingkitan, maputi, mahaba ang buhok at hindi mapagkakamalang may dalawampung taong gulang na anak sa hubog ng katawan at batang mukha. 'Honeybunch! Gising na ang ating mahal na prinsipe!!'
Lumabas mula sa sliding glass door ng CR ang isang matipunong lalakeng may katangkaran, at may pang Korean Superstar Hairdo. 'Oh, gising ka na pala, Kei! Ang gwapu-gwapo talaga ng anak natin Honeypie...' nagkunwang maiiyak sa tuwa. 'Manang-mana sa ama niyang hearthrob at sa nanay niyang Ms. Universe!'
'Ano ka ba Honeybunch? Nag-ba-blush tuloy ako sa harapan ng anak natin. Gosh naman...' sabay haplos ng dalawang palad sa pisngi at pumikit waring hiyang-hiya.
'Oh, Honeypie, napaka-cute mo talaga! I love you...'
'Honeybunch... I love you too...' sagot ng ina niya sabay lingon sa ama.
'Honeypie...'
'Honeybunch...'
Unti-unting nag lapit ang dalawa hanggang sa magdikit ang kanilang mga palad.
'I'll never let you go babe, Forever...'
'Honeybunch...' bulong ng kanyang ina habang tumitingkayad para abutin ang labi ng kanyang ama.
'Ehem...' dagling udlot ni Keiran dahilan para mapatunghay sa kanya ang Love team. Humila siya ng upuan sa hapag para umupo. 'Anong almusal, Remy?'
Tumititig sa kanya at ngumiti ang isang dalagitang marahil ay kanina pa nakaupo at humihigop ng hot chocolate sa kabilang dulo ng mesa. 'Mag bahaw ka na lang muna kuya. Ininit ko na yung tirang ulam kagabi. Medyo na late ako ng gising eh.' sabay dumila ng bahagya.
'Uhh... Kanina ka pa ba diyan?'
'Medyo.'
'Hindi mo man lang sila pinipigilan?' tanong niya sa kapatid habang sumenyas sa Love Team na nakatitig pa rin sa isa't isa habang nag kikislapan ang mga mata at tila napalilibutan ng mga rosas na namumukadkad.
'Ano ka ba kuya? Hindi ka na nasanay. Ang cute kaya nilang panoorin. Sana nga may mag-mahal din sakin katulad ng ganyan. Habang buhay. Walang Hanggan...'
'Amen.' dugtong ni Kei. 'Paabot naman ng ulam.'
Matapos kumain ay tinungo ni Keiran ang CR para maligo. Ilang minuto pa ang lumipas at nasa may pintuan na siya palabas ng bahay.
'Remy, una na ko... Ingat ka.' sambit ni Keiran ng hindi lumilingon.
'Okay. Ingat ka rin. Mamaya pa kong nine-thirty eh.' umalingawngaw ang boses ni Remy mula sa living room.
'Si Mom at Dad baka pwede mo nang paghiwalayin. Malalate na sila eh...'
'Fine.'
Iniluwa ng pinto si Keiran habang chini-check niya ang mga bulsa ng pantalon para makasiguradong walang nalimutan. Nag simula na siyang maglakad patungo sa University nang mapansin niyang may kabigatan ang dala-dala niyang bag. Binuksan niya ito para malaman kung anong meron.
Ah, nandito pala ang controller nya. Nasaan naman kaya yung libro?

***

'Okay that's good. You may sit down. Now, According to Berlo's Theory---' paliwanag ni Ms. Sanvictores sa harapan ng klase habang itinuturo ng ruler ang bahagi ng blackboard kung nasaan ang chart. Naka upo si Keiran sa pinaka dulong hilera ng mga upuan pinaka malapit sa bintana. Maaliwalas ang panahon ngayon; may kainitan ngunit kayang-kayang pawiin ng amihang hanging nagmumula sa nakapalibot na kabundukan. Nasa third floor ng building ang kwarto kaya bahagyang natatanaw dito ang Lawa at mga punong naka sulpot sa pagitan ng mga bubong ng konkretong gubat. Tahimik siyang nakikinig sa lecture subalit tangan ng asul langit na pa minsa'y dinadaluhan ng malalaking ulap ang kanyang paningin at diwa.
'You sir, the boy at the back.' turo ng professor sa gawi niya. Napalingon si Keiran at nakitang sa kanya nakatitig ang guro. 'Kindly explain the SMCR Model of Communication.'

Tumayo si Keiran kasabay ng paglingon ng mangilan-ngilang ulo. 'Sender, Message, Channel, and Receiver. Berlo's Model states that---' inumpisahan niyang magpaliwanag dahilan para dumami ang bilang ng mga ulong lumilingon sa direksyon nya. Hindi nya ito nagustuhan. Sa loob ng dalawang taon sa Unibersidad napanatili niya ang maging anonymous sa mga tao, maging sa mga naging kaklase. Hindi siya anti-social, wala siyang enochlophobia tulad ng sinabi ng iba niyang mga naging kaklase, at lalong wala siyang body odor gaya ng sinabi nila Arx. Ang isang bagay lang na ayaw niya ay maging tampulan ng atensiyon at maka kilala ng mga taong sa huli ay hindi ka naman kayang panindigan. Hindi siya palakaibigan subalit hindi ibig sabihin niyon ay wala siya nito. Sila Cro, Gig, Arx, at Dylan. Kahit sino man sa mga kabarkada niya ang tanungin ay sasabihing totoo s'ya at maaasahan. Yun eh kung kikilalanin lang nila si Keiran at malalagpasan ang mala yelong karakter nito sa labas.

Natapos ang pagpapaliwanag ni Keiran. Umupo siya at muling ibinalik ang tingin sa labas ng bintana na parang nag-inat lang sandali. Narinig niyang pinuri siya ni Ms. Sanvictores ngunit hindi ito dahilan para ngumiti siya pabalik dito. Karapat-dapat naman ang papuring iyon sa isip-isip niya. Bumalik na rin ang tingin ng lahat sa harapan. Wala na siya sa spotlight. Salamat naman. Hahabulin sana ng kanyang tingin ang dalawang maya na naghaharutan sa sanga ng isang puno kung hindi lang niya naramdaman ang isang pares ng matang nakatuon sa kanya. Nilingon niya ito.

Tama ang hinala ni Keiran. May nakatingin nga sa kanya. Marahil mula pa noong nag recite siya ay naka tunghay na ang mga matang iyon sa kanya. Mga matang bilugan at maitim. Kahit wala ang choker, makikilala niya ang nag mamay-ari ng mga matang iyon. Ngumiti ito kaya ginantihan niya rin ito ng ngiti. Ibinalik ng dalaga ang atensiyon sa nagpapaliwanag na guro sa harapan at siya nama'y muling sinaliksik ang sanga ng puno malapit sa bintana. Wala na ang mga maya. Ipinasiya niyang makinig na lamang ng mabuti kay Ms. Sanvictores para mag palipas ng oras. Aksidenteng napatitig siya sa mahabang buhok ng may-ari ng mga mata kanina. May kaguluhan ito. Hindi tulad ng buhok ng karamihan sa mga babae sa loob ng klase na inabuso sa conditioner at leave-on. Wala rin itong make-up noong nakita niya ito sa sinehan noong Sabado; taliwas sa gawain ng mga normal na dalagang nakikipag-date. Nag-hanap pa si Keiran ng mga kaibahan ng babae sa iba ngunit nahuli siya nitong titig na titig sa buhok nito dahilan para siya naman ang ngumiti at ngitian. Nakabawi si Lei.

'Umm.. Raghnall, may tumatawag sa'yo...' saad ng isang dalaga na kung hindi nagkakamali si Keiran ay Secretary ng klase. Kalalabas lang ng guro sa kwarto at handa na ang lahat para sa tanghalian.
Tiningala niya ito. 'Sino daw?'
'S-Si Gig...' tumuro ang sekretarya sa direksyon ng pinto. Nilingon ni Keiran ito at nakitang naka silip ng bahagya ang ulo ni Gig habang sumesenyas at pinalalapit siya. 'A-ano, Raghnall close ba kayo ni Gig?'
Tinitigan niya ang dalaga. May tama ata ito. Tumayo s'ya at bahagyang nag inat. 'Walang girlfriend si Gig, mahilig sa barbeque at video games. Seryoso pag dating sa mga relationships at madaling mag kagusto sa mga babaeng tulad mo na madaling mag blush...'
Tumalikod siya at nag lakad habang nanatili sa kinatatayuan ang namumulang dalaga.
'O, problema?' bati ni Keiran kay Gig sa may pintuan.
'Asshole move nanaman pre, ah.' bungad nito sa kanya ng masaksihan ang ginawa sa kawawang babae. 'Tara, sa rooftop tayo.' yakag nito. Nag simula silang maglakad, lumiko at binaybay ang mga hagdanan pataas.
'Ano kamusta yung laro? Astig no?' panimula ni Gig nang marating nila ang rooftop at maupo malapit sa steel fence.
'Yeah! Astig.' sagot ni Keiran na binigyang diin ang salitang astig.
'Pautang.'
'Ulol.'
Tumayo si Gig, humarap sa steel fence at minasdan ang kabuuan ng San Leon. Ang simoy ng hangin galing sa lawa kung saan umiikot ang kabuuan ng nayon ay naglalaro sa kanyang buhok at inihehele ito. Ang ugong ng mga sasakyang maririnig sa malayo ay nahahaluan ng huni ng mga ibon at palaspas ng dahon sa tuwing iihip ang amihan. Bumuntong hininga si Gig at inaninag ang anino ng magkakapatid na bundok na s'yang nakapalibot sa San Leon na s'ya namang napagigitnaan ng Lawa ng Jaiwanaoya saka nagsalita, 'Napakaganda talaga ng view dito sa rooftop...'
Napangiti si Keiran sa turan ng kaibigan. 'Sinabi mo pa.' Huminga din siya ng malalim.
'Pautang.' singit ni Gig.
'Nope.' dagli nyang sagot.
Hinarap siya ng kabarkada. Batid nitong hindi siya basta-basta bibigay. Wala na. Labasan na ng talent.
'Tol...' halos pabulong na sabi ni Gig.
Tumingala si Keiran at nasaksihan niya ang isang bagay na magiging laman ng kanyang bangungot sa loob ng ilang linggo.
'A-anong ginagawa mo?' nahihindik niyang tanong.
"Puppy-dog eye Technique. Nakuha ko kay Sophie." saad nito na ang tinutukoy ay ang nakababata nitong kapatid. Inilapit pa ni Gig ang kanyang mukha. "Pare pautang naman... Pretty please with cherr-"
"Tama na! Hindi ko alam kung anong masamang espiritu ang sumanib sa'yo pero tama na! Magkano ba kailangan mo?"
"Two-hundred fifty..." malambot ang pagkakabigkas ni Gig na sinabayan ng beautiful eyes.
"Utang na loob... Nasusuka na ko pare... E-eto na oh." inabot niya ang saktong amount. "Do me a favor... Kahit wag mo nang bayaran."
Inabot ni Gig ang marked money at di-ni-spel ang PDE (Puppy-dog Eye) Technique. "Salamat tol. Lifesaver ka." Tumawa ito. "Oh, anong favor?"
"Wait, make that two."
"Shoot."
'Si Anise.' tila tumigil ang pag-ihip ng hangin. Iniiwas ni Keiran ang tingin sa kabarkada patungo sa kalawakan ng paligid. Naging seryoso ang ambiance.
'The usual?' tanong ni Gig.
'White Roses, Oo...'
Matamang tinitigan ni Gig si Keiran; animo'y nanunuri. Batid n'yang sa mga ganitong pagkakataon ay dapat s'yang mag-ingat sa anumang sasabihin. 'Deal. Ano yung pangalawa?'
Tumawa si Keiran dahilan para gumaan ang tensiyong namuo dahil sa pag-kakabanggit sa pangalan ng isang senior. 'Utangan mo sila Arx. Gamitan mo rin ng Technique.'
Natawa si Gig. 'Areglado.'

***

Mahigit isang minuto nang naka tulala sa harap ng kanyang locker si Keiran. Pasado alas-kwatro na ng hapon at karamihan sa mga ka batch niya ay nag si uwi na. Tumaas ang isang kamay niya patungo sa metal na kaha. Sa mga ganitong panahon niya nararamdaman ang lungkot at pag-aasam. Sinikap niyang pasiglahin ang sarili sapagkat alam niyang wala itong maidudulot na productive. Buti na lang at nandito ang barkada. Naalala niya tuloy ang nangyari kanina:

Isang subject na lang at matatapos na ang araw sa eskwela. Dahil maagang na dismiss ang klase, minabuti ni Keiran na bumaba sa mga vending machines at kumuha ng maipapanulak ng laway. Pabalik na siya ng klase nang makita niya si Cro na kumakaripas pababa ng hagdan.
'KEI!!! Halika dali! Sama ka muna sa kin!' Inakbayan siya nito at hinila patungo sa Music club ng building.
'Cro, anong meron?' tanong niya habang yakag ng kaibigan.
'Tang ina pare, si Gig. Nasapian ata ang hayup na yon.'
Hindi niya mapigilang humagikgik.
Napahinto si Cro sa pag lalakad at hinarap siya. 'Teka, may alam ka no? Abnormal na yon, umutang ba naman sa kin tapos... shit! Para kong babangungutin.'
Lumakas ang tawa ni Keiran.
'Gago kayo. Anong trip to?' naningkit ang mga mata ni Cro.
'Si Gig lang. Ginawa niya rin sa kin yan. Gusto ko lang sana ma experience nyo.' sagot niya sa pagitan ng pag tawa.
'Buti tumagal ka.'
'Hindi nga eh. Bawas ako ng two hundred fifty.'
'Tang ina ako rin eh. Three hundred pa nga sa kin.' Nahulog si Cro sa malalim na pag-iisip. Bigla itong natauhan ng may maalala.
'Shit! Si Arx. Si Arx sunod niyang bibiktimahin! Tara na dali sa Music room! Papunta na talaga ko don ngayon para mag kwento. Tara na bilis!'
Nagsimula silang tumakbo. Umugong ang mga yabag nila sa pasilyo kahit na ipinagbabawal ito dahil nakakasagabal sa ibang mag-aaral. 'Mukhang nag-aalala ka ng husto kay Arx ah.' ani Keiran habang mabilis na binabaybay ang daan patungo sa Music Clubroom.
'Hindi gago. Kailangan nandun tayo para makita natin kung pano mag re-react si Arx! Dalian mo!'
'Sabi na eh...'
Napuno ng komosyon ang Music club ng hapon na iyon at ipinasiya na lamang ni Keiran na huwag nang pasukan ang last period niya...

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Keiran sa pag-aasam na maisama sa hangin ang ka-hungkagang nadarama sa mga oras na ito. Tuluyan niyang binuksan ang locker at nilagay ang mga bagay na hindi na naman kailangang dalhin sa pag-uwi. Sa totoo lang, kahit ilagay niya ang lahat ng gamit sa loob ay walang kaso dahil hindi niya rin naman ito pakikialaman kung nasa bahay man ito. Ang siste, wala siyang props. Isa ang bag sa mga mandatory paraphernalia na kinakailangan upang maka hingi ng baon. At baon ang lifeline ng isang estudyante. Sa madaling salita, ang bag ay lifeline ng isang estudyante. Tama nga ang mga Professors.
Imbes na magmukmok, na-isip na lang ni Keiran na mag-hanap ng paraan para talunin ang boss sa isang partikular na dungeon sa laro. Hindi niya ito nagawang talunin kaninang umaga. Marahil ay bagsak na rin ang mga mata niya sa sobrang antok at nangangamatis na ang mga daliri ka pipindot ng "A" button. Ang sipag niya talaga basta sa mga bagay na hindi kina-kailangan ng x=n, law of supply and demand, logarithmic expression, at Digestive System.
Sinara na ni Keiran ang pintuan ng locker. Palabas na sana siya nang mapansing hindi lang siya ang nasa locker room ng mga oras na iyon. May isang grupo ng mga kalalakihan sa kabilang panig ng kwarto at mukhang walang malay ang mga ito sa presensya niya. Sinuri niya ang naturang grupo at napag alamang varsity ito ng Unversity's Basketball team. Hindi niya ugaling makinig sa usapan ng iba subalit may kung anong nagtulak sa kanya para mag eavesdrop.
'Ano nga pare?' wika ng isang lalakeng naka uniform pang basketball tangan sa kaliwang braso ang bola.
'Wala ka sa hulog kanina sa practice ah..' saad pa ng isa.
Tumayo ang sentro ng pagpupulong. Humarap ito sa isa sa mga locker at inundayan ng suntok. Kumalabog sa kabuuan ng kwarto ang tunog ng nayuyuping bakal na umalarma sa grupo.
'Pare okay ka lang?' nag-aalalang tanong ng isa.
Walang sagot.
Tuluyang lumapit ang grupo sa lalaking nanapak ng locker na sa palagay ni Keiran ay hindi naman talaga pag-aari nito.
'That bitch!' sigaw ng umalipusta sa locker.
'Rex, pare, sino ba yan?'
'Bullshit! Sino pa ba?!'
'S-si Lei?'
'Tang ina ano ba to gaguhan? Limang araw pa lang ayaw niya na?' himutok ng tinawag na Rex.
Walang nakapagsalita sa lupon ng kalalakihan. Minasdan ni Keiran ng mabuti si Rex. Tama, siya nga yong kasama ni Lei sa sinehan nung nakaraang Sabado. At sa itinatakbo ng usapan, mukhang umiral nanaman ang notorious na reputasyon ng dalaga -less than a week this time.
Sa totoo lang, walang kabuluhan ang pinag-uusapan nila. Akala niya'y may balak mag aklas ang mga ito laban sa hindi makatarungang lasa ng adobo sa canteen. O kaya ay mag reklamo dahil sa mga manyak na ngiti sa kanila ng bagong Janitor na lalaki. Kung sa bagay, lahat naman ito'y walang kinalaman sa kanya. Lumabas na siya sa pinag tataguan at lumakad patungo sa pinto. Nakita niya sa peripheral vision na lumingon ang iba sa mga lalakeng naka jersey. Labas naman s'ya sa issue kaya hindi niya ito pinansin.

'Keiran!' bulyaw ni Rex na nag pakawala uli ng isang duma-dagundong na sapak sa pobreng locker.
Napatigil siya sa kinatatayuan at naalarma. Bakit kilala siya nito? Ni hindi pa niya ito naka usap ng personal. Imposibleng may atraso siya dito. Ganoon ba kalaking kasalanan ang pang e-eavesdrop? Siguro ayaw nito sa ganon. Eh pano naman nito nasigurong nakikinig siya sa pinaguusapan nila?
Napa-isip na lang si Keiran kung kakayanin ba niyang mag pataob ng anim na denumerong higanteng nanlalagkit sa pawis kung nag kataon. Patay, tagilid ata. Balot man ng pag-aalala para sa sariling kapakanan, hinarap niya si Rex. Bahala na, mas malapit siya sa pinto. Marathon na lang hanggang sa gate. Inihanda niya ang sarili sa pag-split.
Ngunit laking pag tataka niya ng mapansing hindi sa kanya ito naka tingin. Bagkos ay sa metal na kahang hindi na nga mukhang parisukat dahil sa bugbog.
Maya maya pa’y nag salita ang may hawak sa bola. 'Keiran?'
'Oo, yung gagong yun.' Nagtatagis ang mga panga ni Rex.
'Huh, bakit? Sino ba yon at anong ginawa sa’yo?'
Hindi ito umimik.
'Pare!' tumaas ang boses ng may hawak ng bola sa pag nanais na hilahin ang kaibigan mula sa malalim na pag-iisip.
Nagpakawala ng marahas na hininga si Rex. Bakas ang poot sa pawisang mukha. 'Mukhang yong lintik na yon ang bago ni Lei...'
Halos sabay-sabay bumulalas ang grupo. 'ANO?!'
Parang mabibilaukan si Keiran sa narinig gayong wala namang laman ang bibig. 'Ano ba yan?! Pano ko nadawit dito?' paghihimagsik niya.
'T-teka nga tol, san mo nalaman yan? Parang ang labo ah…' hirit uli ng binatang may tangan ng bola.
Hinarap ni Rex ang kaibigan ngunit naka pako pa rin ang tingin nito sa sahig. 'Tinanong ko si Sandy kanina. Hindi na mahalaga kung anong mga sinabi n’ya. Basta ang alam ko, nabanggit n’yang madalas magkita si Lei at yong Keiran.'
'Eh teka pare, pano ka naman nakasigurong iyon nga ang bago ni Lei? Biruin mo, ni hindi nga natin kilala yon eh.'
'Ibi-break niya ba ko kung hinde!?' singhal ni Rex.
Natahimik ang lahat at napayuko. Wala atang gustong mag-salita.
'Ahh... Teka nga, tang ina sino ba yon? Nag-aaral ba yon dito?' basag ng may hawak ng bola na tila di na maka tiis na hindi mag bukas ng bibig.
'Wala pa rin akong naririnig na Keiran dito kaya nga nagulat ako ng malaman kong dito nag-aaral yon.'
'So dito nga nag-aaral yon?' tanong ng pinaka mausisa sa grupo. 'Ayos ah, mukhang hindi sikat ang ---'
'Hoy! Second half na! Tayo na d'yan! Mamaya na yan! Puro kalibugan nanaman pinag uusapan nyo! FOCUS TEAM! LET'S GO!!' Hindi na naituloy ng lalaki ang pangungusap dahil biglang sumilip ang coach sa locker room at pumito.
Walang nagawa ang grupo kundi sumunod sa coach. Nilampasan siya ng mga ito na parang ordinaryong kagamitan lang sa kwarto at tuluyan nang lumabas
Parang naitulos sa kinatatayuan si Keiran. Maraming tanong ang naglalaro sa kanyang isip habang minamasdan ang mga naglalabasang manlalaro. Nakaramdam siya ng pinong inis para sa dalaga at pag-aalala para sa mga buto niyang muntik nang ikaldereta ng mga goons kung alam lang nilang siya yong tampalasang nang-agaw ng nobya. Sinulyapan niya ang nayuping locker. Trouble ata ito. Napabuntong hininga na lamang siya. Usad pagong n’yang tinahak ang pasilyo palabas ng Unibersidad. Isang munting hiling ang pilit na sumasagi sa isip niya...
'Bro, sana po may kapangalan lang ako...'

Hindi na masakit sa balat ang sinag ng araw ngayong mag aalas singko na. Nilinga-linga ni Keiran ang school grounds at mukang mga members na lang ng kung ano-anong club ang naiwan. Bitbit ng kaliwang kamay ang bag, patuloy siya sa paglakad at pagmasid sa kabuuan ng Eskwelahan habang ang kanan ay busy sa pag hahanap ng kanta sa I-Pod.
'Ba't napaka weird ng araw na to...?' napailing siya.
Ilang hakbang na lang at labasan na ng mapansin niyang may taong nakasandal sa poste ng gate. Umangat ang kanyang tingin sa mukha nito at napahinto.
'Ang tagal mo. Kanina pa ko naghihintay dito.' umalis sa pag kakasandal si Lei at inayos ang tayo. May gana pa itong ngumiti.
Umiral ang pag-kainis niya sa dalaga. 'Sorry ha, nakasalubong ko kasi yong ex mo eh. At kung nag kataong kilala n’ya ko malamang naka stretcher na kong ilalabas dito...' puno ng sarkasmong pahayag niya.
Imbes na ma-asar, natawa ang dalaga at tumitig. Mas lalong na bad trip si Keiran. 'Pwede ba sisihin na lang natin si Sandy? Akala mo ba ikaw lang ang nabulabog?'
'Siya ba nag kalat ng tungkol don?'
'Oo. At mukang kalat na kalat talaga...'
Parang tumigil ang oras sa paligid ni Keiran sa narinig. Noong mga panahong ding iyon ay gusto na niyang magpapalit ng pangalan at ibigay na lang ito kay Gig o kila Arx. Hindi ito nangyayari. Parang gusto niyang hugutin ang controller sa bag, hunting-in ang walanghiyang chismosa at ipasak sa bunganga nito ang kabuuan ng controller. Hindi, masyado pang mabait yon.
'Joke lang...' bawi ni Lei na halatang aliw na aliw sa ekspresyon ng kanyang mukha. "Halos barkada lang ang nakaka-alam ng tungkol sa t... Read More

About the Author :

Joined: November 18, 2013 (3 years old)
Writings: 9

Send PM · Male · Offline

Nako si RF ba? Ay pucha, tol wag yan. Matindi yan. Ngiti pa lang nakakapag paluwag na ng garter ng panty. Alam mo bang pinag sabay nyan si Anne Curtis at si Cristine Reyes tapos hiniwalayan para kay Anne Hathaway? Yung account nya sa FB? Susmaryosep tol, ini-stalk ng lahat ng chickas. Oras oras nga raw may nagmakaawang makipag date sa-- Huh? Sinong rhythmfreak? Aba malay ko.. Hindi ko kilala yon. Ipagtanong mo sa iba.
21 comments   1 favorite   910 views