Kalabaw Lang ang Tumatanda

August 23, 2015 (1 year ago)
Posted in Blog: Tagalog | Categories: Non-Erotic | Tags:

Kalabaw Lang ang TumatandaDiskleymer: Ang mga mababasa nyo sa sulating ito ay bunga ng sariling opinion at pananaw ng poging poging me akda (again, opinion ko to wag kang kontra!). Ang lahat ng paglalarawan at impormasyon ay walang basehan sa syensya at matematika. Karamihan sa mababasa nyo ay puro imbento lamang ng nagsulat at bunga ng malikot at nakakakiliting imahinasyon. Kung ano man ang pagkakahawig sa pangalan ng tao, lugar, bagay, hayup hayop sa tunay na buhay ay pawang pagkakataon lamang at hindi sinasadya. Ang mga mababasa nyo ay puros mura at bastos na pananalita e.g. putangina, bayag, pekpek, etc. Kung maarte ka at madidirihin sa mga salitang kalye eh maari mo ng ihinto ang pagbabasa at wag ng magpatuloy pa (Punta ka national bookstore tas hanapin mo ang religious section, dun ka maghanap ng babasahin na libro or magazine.) Salamat at pagpalain nawa kayo ni bathala ng siksik liglig at umaapaw na biyaya.

Habang binabagtas ko ang kahabaan ng SLEX papuntang Sta Rosa galing BGC the Fort, gumagana ang malikot at medyo bastos kong pagiisip at narealize ko na tangina parang tumatanda na yata talaga ako. Don’t get me wrong, yung pagtanda ko eh hindi exaggerated, tumatayo pa naman si Junjun ko kahit tanong mo pa ke XXXXXXXX (Ang bahaging ito ay sadyang binura dahil sa paglalaman ng sensitibong impormasyon at hindi nababagay sa mga bata.) Hindi naman ako sobrang tanda na pwede ng magka-apo. Sa totoong buhay eh magdadalawang taon pa lang ang panganay ko, medyo late bloomer lang po talaga ang inyong lingkod. Meron akong kilala na feeling forever21 ang potah, kahit amoy lupa na ayaw pa rin aminin ang totoong edad nya.  Ako, hindi ko man banggitin ang numero eh aminado ko na medyo napaglilipasan na ko ng panahon. Ayoko magpretend na bagets pa rin ako. Malamang sa lamang marami makakarelate sa akin dito sa nararamdaman ko pero marami rin ang magdedeny na tumatanda na at hindi na sila kasing asim ng iniisip nila, kili kili na lang nila, ilalim ng suso, at leeg ang umaasim sa totoong buhay.

Eto ang mga mangilan-ngilan sensyales ko kaya nasasabi kong hindi na talaga ko bumabata

Party-partey – Dati rati ang pag sinabing party pupunta kami sa club, sa beerhouse or sa cheap ass hotel na pwede magbitbit ng maraming tao. Kadalasan eh me babaeng hubad na magsasayaw, magpeperform at chuchupain ang celebrant sa ilalim ng kumot. (Imposibleng ang stag party eh hindi kakantot ang celebrant ng chicks unless it’s a gay wedding) Lahat ng attendees ay magsisigawan at magpapalakpakan habang nagaganap ang pagsubo ng ratbu ni celebrant at pag inabutan na namin ng condom ang chicks, alam na kung ano ang susunod na mangyayari. Ang party dati laging me kasamang alak at pulutan. Ngayon, ang party na inaattendan ko eh puro makulay na lobo, mga magician na ubod ng corny at pagkain ng chicken, spaghetti, burger, softdrinks at ice cream for dessert. Dalawa sa pinakamadalas na hangout namin ngayon eh Mcdo or Jollibee. Minsan pinagtripan namin ng mga tropa ko na mga tatay na rin na lagyan ng fundador patago yung coke na iniinom namin para sumaya naman.

Musika ng buhay – Yung mga favorite ko na kanta at banda eh kadalasang tinutugtog sa classic day sa mga radio station every Friday and Saturday sa 89.9 Magic, Friday sa 96.3 Easy Rock, Wednesday naman sa 103.5 K-Lyte. Di na ko natutuwa sa mga bagong tugtugan, feeling ko noise lang sya at hindi music. Pag top10 hits naghahanap ako ng mga lumang banda saka ko lang papakinggan or papanoorin the rest wapakels na. Nauulaw ako sa mga trip ng mga kabataan ngayon in terms of music. Di ko magets kung papaano naging music ang techno at dubstep… Tunog family computer ampota! Ang playlist ko eh consist of 90’s and early 00’s rock alternative at yun ang pinatutugtog sa oto kahit paulit ulit.

Mukhang bata ang lahat – Lahat na lang ng propesyunal eh mukhang bata sa paningin ko. Lagi ko tinatanong sa sarili ko, bakit ang babata ng mga pulis ngayon at sundalo. Yung mga engineer parang kakatapos lang ng High School. Feeling ko yung mga driver ng tricycle at jeep eh mga supot pa at hindi pa nakakahimas ng pekpek. Yung mga doctor sa ospital, pakiramdam ko eh para silang si Doogie Howser M.D. (kung di mo sya kilala, masyado ka pang bata. Yung mga nakakakilala sa kanya wag na kayo magpretend dahil matanda na rin kayo) at wala talagang experience bukod sa sekswal na experience nila sa sarili nila. Yung mga dancer sa bar parang hindi pa yata dinadatnan ng regla at ngayon pa lang tinutubuan ng bulbol (Although mas madalas na wala talaga silang bulbol dahil shinashave nila)

Damit at pustura – Dati rati pag bibili ng damit di bale ng sumayad sa lupa ang pantalon at magmukhang gago sa itsura basta makaporma lang. Kahit hirap na hirap sa pagsarado ng butones dahil sa buttonfly jeans ng levi’s okey pa rin, tangina uso eh. Yung sapatos kahit napakaraming tatanggalin na sintas ok lang since yun ang suot ng marami. Yung tshirt at polo kahit di makahinga bibilin pa rin kasi ganun din ang suot ng mga kaklase ko. Ngayon pagbibili ako, wala na ko pakialam kung uso or hindi, ang mahalaga komportable ako sa suot ko. Dati ayaw ko ng crocs dahil ang sagwa ng itsura, ngayon dahil napakasarap nya sa paa wapakels ako kung mukha syang itik or gansa. Ngayon uso yung skinny jeans, tanginang skinny jeans yan, kanila na yan, ayoko ng naiipit ang betlog ko mas orayt sa akin na tumetempang-tempang sya parang bell. Masaya na ko sa loose fit or regular straight cut sa ngayon.

Boss Balita – Dati pag dating ng bahay ang gusto kong panoorin mga DVD ng bagong movies or PBA. Minsan pag napadaan sa tindahan ng DVD ng porn, magkukulong ako sa kwarto at dun ko pagmamasdan ang kagandahan ng nabili kong DVD tangina 100.00 Php pag movie DVD, pag porn 150.00Php! Gastos amputa! Ngayon iba na pag uwi ng bahay ang unang papanoorin balita. TV Patrol, Saksi, or pag maaga pa ililipat sa DZMM Teleradyo para making ng mga nangyayaring kaganapan sa bansa natin na wala na yatang pagasang umunlad pa.

Ingay sa Lugar – Dati kami yung maingay sa lahat ng lugar mapa pribado man or pang publiko. Wala kaming pakialam kung magkwentuhan kami ng bastos or matino. Sino syota ni ganito, sino nakantot ni ganyan. Tawanan ng malakas na parang wala ng bukas. Ngayon naiirita ko sa mga putanginang maiingay lalo na sa mga grupo ng kabataan. Gusto ko pagkukutusan ang mga hindot! Minsan gusto ko silang apiran eh… ng silya… sa mukha nila. Ayoko na talaga ng magulo at maingay sa ngayon. Mas gusto ko lang ng chill, yung simpleng kwentutan lang. Wag ng sumigaw kasi di pa naman ako bingi. Oo tumatanda ako pero hindi pa naman humihina ang pandinig ko. Natatandaan ko pa nung magsimula ang Central BBQ Grill sa Malugay Makati, kami ang isa sa mga nauna nilang parokyano. Dalawang beses na ko nakipagsuntukan dyan at muntik ng dalin sa presinto. Ngayon ayaw ko na ng ganung kaingay. Mas steady na lugar mas ok sa akin. Pero kung magiinom ako, mas gusto ko sa bahay na lang talaga. Gagawa ako ng malupit na pulutan at ilalagay sa freezer ang beer para pag ininom eh palong palo talaga.

Kwarta o kahon – Noon, wala akong pakialam sa gastos. Larga dito, larga doon… bahala na si Batman bukas. Dati halos buwan buwan bumibili ng bagong sapatos, gadget, at kung anong mga uso. Iinom na parang walang bukas at kakain sa mga mahal na restau. Tas 5 days before sweldo, kingina petcha de peligro na. Tipid to max na ang nangyayari. Aasa na lang sa libreng kape sa pantry at mangbuburaot ng officemate na me baon. Ngayon bawal na to, kelangan me pera palagi sa wallet at sa ATM. Kelangan me negosyong sideline, dehins pwede umasa sa sweldo lang. Kung kailangan maginvest, magiinvest kaagad para sa school ng anak, baon sa school, diaper, gatas atpb. Tangina mamatay ka sa dami ng gastusin di pwedeng iisa ang kabuhayan.

Manibela at Kambyo – Dati rati pag nasa kalsada wala akong pakialam kung gaano kabilis ang takbo, singit dito singit doon. Nakikipagtitigan sa mga nakakasalamuha sa kalye. Kahit saan magpunta ok lang, di naman ako gumagastos sa gasolina kundi erpats ko. Hala sige sa harurot parang wala ng bukas. Pag nasa expressway hala sige sa birit 120 to 140 tutal wala pa speed limit nun. Ngayon kelangan ko ng magtipid sa gas since ako na gumagastos. Kailangan alagaan ang sasakyan dahil ako rin ang magpapaayos. Kailangan ng extrang ingat lalo na nung nagkaanak ako di na rin ako nakikipagkarera sa slex or nlex pero minsan di ko mapigilan at tumatakbo pa rin ako ng 140 (hanggang dito lang kaya ng sasakyan ko eh) pag ako lang magisa… speed thrills! *kilig* ahihihihihi!

Kama – Noong kalakasan ko, kaya ko yung sunod sunod na putok. Nakapagtala ako ng sarili kong record na 6 sa short time period. Yung halos tubig na lang ang lumalabas, pero matikas pa rin si Junjun. Yun para bang itsura ni Hulk yung maugat at matigas at galit na galit kahit dumura na ng ilang beses. Ngayon taena pag nakatatlo ko sa short time ang saya saya ko na. Tumitigas pa rin naman sya at inuugat sa galit, sabihin nating para na lang syang si Punisher hindi si Punisherrano yung hair stylist ah malambot yun eh. Yung Punisher na superhero. Matikas pa rin pag kinakailangan lalo na pag mainit yung bakbakan. Pero hindi sa lahat ng oras. (Y... Read More

About the Author :

Joined: October 21, 2013 (3 years old)
Writings: 18

Send PM · Male · Offline

52 comments   1 favorite   2,434 views