Kaibigan o Kahibangan (The Last Part)

July 6, 2014 (2 years ago)
Posted in Confession: True Story, Tagalog | Categories: Reluctance, Romance | Tags: ,

Kaibigan o Kahibangan (The Last Part)Masakit pagdaanan ang ganitong ordeal. Ang akala mong langit walang kinahantungan kundi kalungkutan.

Pakiramdam ko nun, ang lalaking aking binigyan ng panahon ay walang bayag. bahag ang buntot.....di nga ba lahat ng lalaki ganyan?

O sadyang tanga lang talaga ako.........

Lumipas ang araw at nakasanayan ko na ang mag-isa, naligtas nga ako sa kahihiyan pero dala ko ang sugat at pilat ng kahapon.

At ngayon nandito ako sa lugar kung saan kami unang nagkita.

Bumalik sa aking alala nang muli akong tumapak sa waiting shed na ito. Parang kelan lang, lagpas dalawang taon na pala. Binaybay ko ang kabilang kalsada para maghintay ng bus, muli sinipat ko ang lugar kung saan kami nagsimula, kung dati noon balewala lang yun, ngayon parang napakahalaga sakin. Ngayon ito ay bitak bitak na. Buo kaya ito nung una kaming nagkita?

Naalala ko tuloy kung paano siya magalit ng sinabi ko sa kanya, ‘ BUNTIS AKO’. Naisip ko tama siya sana nag-ingat ako.

Hindi siya nakarinig ng kahit ano sa akin. Siguro nun kapag nagseselos ako nakapagsasalita ako ng hinanakit, kapag nangungulit ako, pero kahit paano ni hindi ko kinuwestyon ang pagkatao at pagkalalaki niya.

Kaibigan ko pa rin siya.........isang buwang pagkatapos ng nangyari sa akin kinumusta niya ako. Nag-usap kami.......ang sabi niya ayaw niyang mawala ako ngunit mas gugustuhin niyang maging magkaibigan kami.....bestfriends.......

Tinanggap ko yun..

Marahil magtataka ang ibang tao tungkol sakin. Anong klaseng babae ba ako at parang sobrang kumplikado ang dating?

Kung tutuusin simple lang naman ako eh. Makabago ang ibang pananaw, pero may makaluma pa rin.

Alam ko naman na hindi siya gaya ng sinasabi nila, alam ko dahil nakasama ko siya. Kelan ko ba siya nakitaan ng pagnanasa? Hindi yata eh, dahil sa pagtinutukso ko siya sa text, biglang mananahimik. At kung makasama ko naman , maka-isa man o wala, ayos lang sa aming dalawa.

Alam niya na mahal na mahal ko siya, madalas pa nga sinasabi ko sinasamba ko siya eh. Sabay tawa, pero totoo yun kahit madalas na ini-ignore niya.

Anong saya ko minsan ng hindi sa inaasahan, nabitawan niya ang salitang “Mahal kita”. Hindi na naulit yun ngunit alam ko iba na nga siya.

Tanda ko ng last kaming magkita, hindi ko nga alam na last na pala yun dahil magkakaron ng lamat ang aming pagsasama, Sinundo niya ako sa tapat ng isang mall, kahit nakahelmet at hindi man alisin, mata pa lang kilala na. Gaya ng dati hindi niya na kailangan magsalita, angkas agad, ni hindi nga kami nag uusap kung saan pupunta, parang alam na kung saan dapat tumungo, sa lugar na malaya kami.

Nakita ko may belt bag siya,hindi man ako magtanong parang alam ko na ang laman noon, Ni hindi naman kasi siya nagdadala nang ganun sa dalawang taon naming patagong pagsasama. Pumasok kami sa loob ng motel.

Naligo ako ngunit ako ay nabigla dahil paglabas ko ng CR galing siya sa may hagdan, hawak niya ang baril niya na parang may tiningnan siya. Bigla, natakot ako nun, iniisip ko may papatay kaya sa aming dalawa? Biniro pa nga niya ako, baka sinundan ako ng asawa ko, matagal na naman akong hiwalay sa asawa ah.

Ang sabi ko nga baka hinuhuli siya ng asawa niya, pero hiwalay na nga din siya. Pero seryoso, sinabihan ko siya, kung kasama ako, kung may papatay sa akin dahil sa nakalipas niyang kasalanan kung saan ang hatol ay hindi na siya liligaya sa piling ng iba kailanman  hayaan na lang, huwag niya lang ipapakita sa akin ang service firearm niya.

Naisip ko ng sinabi niyang hindi ko alam ang rason kung bakit umayaw siya sa anak ko, ngayon alam ko na, para malayo ako sa anumang gulo sa buhay niya. Dahil habang buhay, may hahabol at kikitil ng kaligayahan niya, dahil sa minsang pagkakasala ng asawa niya na may nagbuwis ng buhay at araw araw death threat ang balik sa kanya.

Maraming naapektuhan ng pagkakasalang yun, may namatay na din sa pangalawang pagkakataon.....nung nakisama sa iba ang asawa niya....at di malayong mangyari yun sa akin, alam ko ayaw niya mangyari yun, dahil kahit gaano niya man ako itaboy, gaano niya man ilayo ang sarili niya sakin, alam ko di siya manhid na gaya ng pilit niya pinapakita sa akin.

Ngayon, alam ko galit siya, ni paramdam wala. Okey lang sige humayo siya, kung  totoo nga na may GF siya, sige magpakasaya siya. Yun n... Read More

About the Author :

Joined: June 28, 2014 (2 years old)
Writings: 32

Send PM · Female · Offline

naging napakalungkot ng aking mga nagdaang buwan kung kaya't naisipan kong manahimik...kung malungkot man ang naisusulat ko ngayon ....warm up lang yan.......sabi nga pagnasobrahan sa hagupit.....may tigreng lumalabas sa pagkatao......at yan ay nagwawala na parang kakain ng tao........kung sa pagsusulat.....mas ninanamnam....mas maiiinit.....
3 comments   0 favorite   1,485 views