Kabilang Mundo 21 - Ang Pinagsimulan

May 29, 2017 (5 months ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Supernatural, Romance | Tags:

The Last Witchcrafter's POV

Ako ang mas higit na nahihirapan sa tuwing nakikita ko ang kapatid ko. Heto sya at naghihingalo sa tabi ko. Ang mas nagpapahirap pa sa loob ko ay wala akong magawa upang iligtas ang buhay nya, ni bawasan man lang ang sakit na nararamdaman nya.

Hindi ko rin alam kung saan o kanino ako hihingi ng tulong. Nasa kulungan kasi kami ng mga Black Witches. Matapos nilang pagpapaslangin ang mga kalahi kong White Witches ay ikinulong nila kaming magkapatid sa pihitan na ito noong mahuli nila kami.

Ni hindi ko alam kung may natitira pang buhay sa mga kasamahan namin. Napakasakit sa akin ng sinapit ng lahi namin. At ngayon heto, naghihingalo sa tabi ko si Ate Alyana dahil sa pagprotekta nya sa akin.

"Ate, tibayan mo ang loob mo." ito na lang ang magagawa ko, ang palakasin ang loob nya, "Heto, gagawan ulit kita ng pampalakas." patuloy ko.

Pinahirapan si Ate Alyana sa harapan ko nung mga walang pusong witches upang paaminin ako kung saan namin itinago ang ipinagbabawal na witch hazel. Sinadya nilang saktan ang kapatid ko upang pahirapan ang kalooban ko, nang sa gayon ay makuha nila ang gusto nila. Pero sinabihan ako ni Ate na kahit anong mangyari ay huwag kong ibibigay iyon.

"Huwag na Herminia. Ilaan mo na lang ang natitirang pampalakas para sa sarili mo."

"Pero paano ka Ate?"

"Huwag ng matigas ang ulo mo Herminia! Huwag mo akong alalahanin, kaya ko pa."

"O sige, lilikha na ako ng apoy para makatakas na tayo dito." dudukitin ko na sana yung mga sangkap para sa paggawa ng apoy pero pinigilan ako ni Ate Alyana.

"Huwag! Huwag muna! Baka mahuli lang nila tayo. Mamaya mo na lang gawin, magmatyag ka muna."

Sinunod ko si Ate. Nagtingin-tingin muna ako sa pagitan ng mga kahoy sa kulungang ito. Alam ko may isang higanteng wizzard na nagbabantay dito. Hihintayin ko na lang magdapit-hapon, alam kong tulog ang mga wizzard sa ganoong oras.

Nung muli kong lingonin si Ate Alyana nakita kong nakapikit ang mga mata nya. Ang buong akala ko natutulog lang sya at nagpapahinga, pero nung subukan ko syang gisingin ayaw na nyang magising.

"Ate, ate! Tara na! Gumising ka na d'yan, tulog na yung wizzard, kailangan na nating tumakas!"

Pero kahit anong gawin kong alog sa katawan nya, hindi na talaga sya nagising.

"Ate! Bakit mo ako iniwan?" iyak na ako ng iyak.

Masamang-masama ang loob ko. Ang puso ko punong-puno ng galit! Galit para sa mga Black Witchcrafters! Mga wala silang puso! Mga taksil!

"Ate, hindi ka maaaring mamatay! Pinapangako ko na muli kang mabubuhay! Pinapangako ko sa iyo na mapeperpekto ko rin ang Witch hazel at bubuhayin ko ang buong lahi ng White Witchcrafters!" isinumpa ko sa harapan ng kapatid ko.

Nagpursige na akong makatakas. Lumikha na ako ng apoy, buti na lang at naituro ito sa akin ni Ate Alyana, ang paggawa ng iba't ibang klase ng turno (magic spell).

Nung sumiklab na ang apoy ay isa-isa kong sinunog ang mga kahoy ng kulungang ito, at nung makagawa na ako ng sapat na butas na malulusutan ay hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Binuhat ko ang katawan ni Ate Alyana at inuna kong ilinabas mula sa kulungan.

Alam kong nasa ilalim kami ng lupa kaya kailangan kong dumaan sa pinakamahirap at tanging madadaanan ko, ang hagdang yari sa kawayan. Pero kahit mahirapan ako, hinding-hindi ko pababayaan ang katawan ni Ate Alyana, hinding-hindi ko sya iiwan sa lugar na ito.

Buong pwersa ko syang binuhat paakyat sa hagdan. Muntik pa kaming mahulog sa hagdan, buti na lang nagawa kong balansehin ulit ang sarili ko.

Laking pasasalamat ko nung marating na namin ang taas. Kahit pagod na pagod ako pinagpatuloy ko pa rin ang pagbubuhat sa kapatid ko.

Nasa pasilyo na kami ng Black Witches' cabin nang may marinig akong yapak. Tiningnan ko gamit ang kapangyarihan kong tumagos ang paniningin sa dingding. Nakita ko ang higanteng wizzard na paparating.

Naghanap ako ng matataguan, buti na lang at may malapit na silid na walang laman, maari kaming magtago doon. Pinasan ko sa aking balikat ang katawan ni Ate Alyana, sa sobrang taranta hindi ko na napansin ang bigat.

Payuko akong naglakad hanggang makarating sa bakanteng silid. Doon ako pumasok at nagtago kasama ang walang buhay na katawan ni Ate Alyana.

Binabantayan kong mabuti ang pagdaan ng wizzard, at nung masiguro ko na nakalampas na sya, mabilis kong pinasan ulit ang katawan ni Ate.

Alam kong pupunta yung wizzard sa kulungan upang tingnan kami kaya mayroon na lang kaming konting oras para makatakas, dahil kapag nadiskubre nung wizzard ang pagtakas namin siguradong simula na ng paghahanap nya.

Paglabas ko sa silid, pasan si Ate sa likod ko, kaagad na akong tumakbo palabas ng cabin. Hinanap ko agad ang daan papunta sa teritoryo ng mga White Witches. Kahit papaano ligtas kami doon, kahit alam kong nawasak na ng mga Black Witches ang pananggalang.

Tumakbo ako sa mga punongkahoy dito sa bundok Sinai. Hinanap ko yung tulay na palatandaan na nakarating na kami sa aming sariling teritoryo.

Salamat na lang at nakarating kami agad. Kahit pagod na pagod na ako sa pagbuhat sa katawan ni Ate Alyana ay nagawa ko pa rin syang itawid sa tulay na yari lang sa lubid.

Hinang-hina na ako nung makaabot na kami sa aming tahanan. Tuluyan ng gumabi nung makarating kami. Ihiniga ko ang katawan ni Ate Alyana sa katre sa loob ng kubo namin.

Kinuha ko yung lamparang nakasabit, at hinanap ko sa ilalim ng katre namin yung baol kung saan nakatago yung Witch hazel. Ito yung turno (spell potion) na kayang ibalik ang buhay ng ano mang nilalang na pumanaw na at hindi na muling mamamatay pa kailanman.

Ito ang gagamitin ko upang ibalik ang buhay ni Ate Alyana at ng iba pa naming kasamahang white witches na pumanaw na. Ngunit kailangan ko muna itong subukan, dahil hindi ko pa alam kung perpekto na ito.

Lumabas ako ng kubo at hinanap ko ang bangkay ng alaga kong wolverine (A rare kind of weasel/fox) na pinaslang din ng mga walang pusong black witches! Sya yung pinakamainam para subukan ang witch hazel.

Nakita ko ito na nakahimlay sa ilalim ng malaking puno. Ang kawawa naming bantay! Wala na talaga syang buhay! Naglagay ako sa palad ko ng witch hazel (lotion) at ipinahid ko sa katawan nito, una sa kanyang sugat, hanggang sa mapahiran ko sya ng buo.

Tapos inabangan ko ang susunod na mangyayari matapos kong dasalan ng orasyong kaakibat nito. Sana lang mapagaling sya nito at maibalik ang kanyang buhay. Pero mukhang wala namang nangyayari. Nakahimlay pa rin ang katawan nya at hindi man lang gumagalaw.

Hindi ako nawalan ng pag-asa, sinubukan ko uli ang witch hazel sa ibang patay na hayop. Naghanap-hanap pa ako ng patay na hayop sa kagubatan na mainam subukan, pero halos ang tagal ko ng naghahanap wala pa rin akong nakita.

Hanggang sa may matalisod akong malaking paniki. Kinuha ko agad ang witch hazel mula sa bag ko at tulad ng ginawa ko sa wolverine, pinahid ko rin sa buong katawan ng paniki.

Pero tulad doon sa nauna, wala ring naging epekto, ni senyales ng progreso nito wala din. Hindi ko alam kung saan ako nagkamali, sigurado ako sa orasyong ginamit ko. Iniisip ko na baka may nawawala pa ring sangkap. Hindi ko ito pwedeng gamitin kay Ate Alyana o sa iba pa naming kasama kapag ganito.

Malungkot akong bumalik sa kubo, yung tipong nawalan ng pag-asa. Umupo na lang ako sa tabi ng nakahimlay na katawan ng kapatid ko at walang tigil na humihingi ng tawad.

"Ate patawarin mo ako, nabigo ata ang witch hazel."

Alam ko ano mang oras nito darating na ang wizzard na iyon o kaya ay ang buong pwersa ng mga Black Witches upang muli akong bihagin. Hindi nila ako pinapatay dahil gusto nilang kunin sa akin ang witch hazel.

Pero kahit patayin o parusahan pa nila ako, hinding-hindi ko pa rin ito ibibigay, at hindi ko ibibigay sa kanila ang pataan kung paano ito nililikha. Alam kong sa masamang paraan lang nila ito gagamitin, gusto nilang gawing imortal ang kanilang mga sarili para sakupin ang mga tao.

Biglang umusbong ang itim na usok sa mga siwang ng dingding sa kubo namin, pumasok ito ng mabilis kaya mabilis akong napatayo at tinakpan ko ang ilong at bibig ko gamit ang aking kamay.

Alam ko ang usok na ito, isang uri ng turno na ginagamit upang pampatulog. Bumulong kaagad ako ng orasyon upang kontrahin ito, at sa huling katagang sinambit ko, lumabas mula sa palad ko ang makapal na puting usok na lumaganap sa buong paligid. Tinapalan nito ang itim na usok.

Alam kong panandalian lang ang orasyon na ito, at alam kong sa mga sandaling ito may mga Black Witches na sa paligid. Dali-dali akong lumabas ng kubo. At laking gulat ko nung makita ko ang isang bola ng apoy na paparating na sa akin.

Mabilis akong bumulong ng panibagong orasyon. Ginamit ko ang tubig doon sa tapayan at mabilis itong kumilos na naipon sa harapan ko at naging yelong pananggalang. Doon tumama ang bolang apoy, pero dahil malakas ang pwersa nito nagawa pa rin akong itilapon paatras sa pagsabog nito.

"Aaahhhhgggg!" napasigaw ako nung tumilapon ako sa mesa sa likod ko.

Nasaktan ako kaya hindi agad ako napatayo, at nung maglaho na ang usok na gawa ng pagsabog ay nakita ko ang tatlong Black Witches na nakatayo sa harapan ko.

Isang orasyon na naman ang dinasal ko upang bigyan ako ng malakas na pananggalang. Isang harang upang hindi nila ako malapitan o maatake. Hindi ito nakikita, pero nung subukang lumapit nung tatlong babaeng Black Witches sa akin doon nila napansin ang nilikha kong pananggalang.

Hindi sila makalampas sa harang na patuloy kong dinadasalan dahil kapag huminto ako sa pagsambit ng orasyon siguradong mawawala bigla ang pananggalang na mahika.

Inilabas na nila ang mga baston (magic wand) nila, kinakabahan ako kasi baka kontrahin nila ang orasyon ko, pero hindi, mukhang hindi nila alam ang orasyong makakapagpawalang bisa sa mahika ko.

Bagkus naging malalaking maso ang mga baston nila at mano-mano nilang winawasak ang pananggalang ko. Tinangka ko ang pagkakataon habang abala sila sa pagpukpok upang makatayo.

Alam kong kahit ano pang klaseng paghampas o pagwasak sa mahikang harang ay wala silang magagawa. Makapangyarihan ang pananggalang na ito na kahit dragon hindi nito kayang wasakin.

Ngunit ang inaalala ko ay nanghihina na ako ng husto. Sa bawat katagang sinasambit ko kasi ay nauubos ang lakas ko. Kailangan kong makagawa ng ibang paraan, hindi ako tatagal sa ganito.

Dinukot ko ang baston ko sa bag ko sa tagiliran. Binitawan ko ang orasyon ng mahikang pananggalang at mabilis kong inorasyonan ang baston ko. Humaba ito sa kamay ko na singhaba ng isang sibat, at kaagad ko itong sinakyan.

Hindi ko sila kayang harapin mag-isa, kaya kailangan ko silang takasan! Umupo ako sa baston ko atsaka ko na ito pinalipad. May batas kaming sinusunod sa aming lahi, na bawal sakyan ang baston hangga't hindi pa sumasapit ang aming ikawalungpu't limang kaarawan, pero ito na lang ang tanging paraang naiisip ko, at tutal, ako na lang ang kaisa-isang white witch na nabubuhay.

Maging ang witch hazel ay mahigpit ding ipinagbabawal ang paglikha, at sa tribo namin ay piling-pili lang ang nabiyayaang magkaroon ng kapangyarihang lumikha ng witch hazel at sambitin ang orasyon nito.

Napansin kong nagsiliparan din ang tatlong Black Witches sakay ng kanilang kanya-kanyang baston pagkalipad ko. Inasahan ko na, na hindi talaga nila ako titigilan hanggat hindi nila ako nahuhuli.

Ang problema lang, hindi pa ako ganoon kasanay sumakay sa baston, nangangapa lang ako sa orasyon nito. Hindi ko mapalipad ng mataas, hindi ko rin gaanong mabalanse, sapat lang para makalipad pero sa lagay kong ito siguradong maaabutan nila ako.

Tinumbok ko ang gitnang kagubatan, doon sa mga naglalakihang puno na buwis-buhay kong iniiwasan. Ang totoo hindi ko talaga alam kung saan ako pupunta, pero ang balak ko ngayon ay mailigaw man lang sila o malinlang sa kagubatan.

Kaso mukhang hindi ko iyon magagawa. Kung may Sharinggan ako na kayang palawakin ang paningin, mayroon din sila.

Sinubukan ko silang lingonin. Napahinto na lang ako nung mapuna ko na wala na palang sumusunod sa akin, pero sa paghinto ko sana ay hindi ko napansin ang sanga na nakalawit sa isang puno. Nabangga ko tuloy ito, nawalan ako ng balanse at nagpagewang-gewang ang baston ko.

"Aaahhhhgggg!" napasigaw na lang ako nung bumagsak ako sa lupa.

Biglang humapdi ang kaliwang balikat ko, nung tignan ko ang daming galos. Ito kasi ang sumadsad sa lupa bago ako nagpagulong-gulong.

Ang buong akala ko wala na talaga yung tatlong Black Witches na humahabol sa akin. Kinabahan na lang ako nung makita ko sila sa himpapawid na nakahilera, nakaupo sa kanilang baston at nakatingin sa akin.

Sinubukan kong bumangon ni makaupo man lang, pero hindi ko magawa dahil napagod na talaga ako ng husto. Dinasalan ko ng orasyon ang baston kong nakalutang pa rin sa ere. Pinaliit ko na ito at bumalik na sa dati nitong anyo.

Binuka ko ang kanang kamay ko at kusa na lang lumapit ang baston ko sa akin. Hinawakan ko ito ng mahigpit. Pinaghahandaan ko ang magiging atake sa akin nung tatlong black witches. Ilalaan ko na lang ang natitirang lakas ko upang depensahan ang aking sarili.

Kabisado ko ang lahat ng orasyong alam ng kahit sinong witch, kahit iyong mga mahihirap at ipinagbabawal na orasyon alam ko rin. Kaya ganoon na lang ang pasasalamat ko at naging kapatid ko si Ate Alyana, sya kasi ang nagturo sa akin sa lahat ng ito. Kaya kahit ano pang gawing atake sa akin ng tatlong ito, kaya kong kontrahin. Yun ay kung may sapat pa akong lakas.

"Huwag ka ng lumaban Herminia. Huwag ka ng magmatigas pa! Sumapi ka na lang sa amin at ituro sa amin ang sangkap ng witch hazel pati ang orasyon nito." sabi sa akin nung isa sa kanila.

"Hindi! Hinding-hindi ninyo makukuha sa akin ang witch hazel! At hinding-hindi ako aanib sa tribo ninyong masasama at walang budhi! Ikinahihiya kayo ng angkan nating Witchcrafters!"

"Hahaha" napahalakhak sya, "Iyan ang mahirap sa inyong mga White Witches! Masyado kayong nagmamalinis! Ilang beses na naming sinabi sa inyo na kahit kailan hindi pwedeng magsama ang mga Witchcrafters at ang mga tao! Kamatayan lang ang nararapat sa kanila!"

Alam kong malaki ang galit nya sa mga tao, gawa ng pagpatay ng mga ito sa kanyang Ama. Pero para sa tribo namin inosente ang mga tao, akala lang talaga nila na sasakupin sila ng mga Witchcrafters, at dahil iyon sa mga Black Witches na nananakit.

"Mamili ka Herminia, ang witch hazel, o ang kamatayan mo?"

"Sige, patayin nyo na ako!"

Biglang tumalim ang mga mata nung black witch na kumakausap sa akin, "Talagang inuubos mo ang pasensya ko!"

Biglang nangitim ang kulay ng mga mata nya kasabay ng pagbuo ng isang bolang apoy sa palad nya. Mabilis akong nag-isip ng paraan upang harangan iyon. Dahil sa kawalan ng tubig, naisip ko na lupa na lang ang gamitin ko.

Sinambit ko agad ang orasyon bago pa nya pakawalan sa akin yung bolang apoy. Umangat ang lupa sa harapan ko na naging isang mataas na dingding. Alam kong kapag tinamaan ito ng bolang apoy nya ay siguradong sasabog, kaya sinubukan kong makatayo upang makalayo.

Pero bago pa nya magawang pakawalan ang bolang apoy sa palad nya upang ibato sa akin ay nakita ko ang isang hubo't hubad na lalaki na sumulpot mula sa mga dahon ng isang malaking punongkahoy at mabilis na inatake yung witch na may hawak sa bolang apoy.

Nasorpresa ang tatlong Witchcrafters at nabulabog nung matamaan ng isang pwersadong suntok nung lalaki yung black witch sa mukha.

Iniisip ko kung saan ko ba nakita ang lalaking ito. Parang kilala ko sya pero natitiyak kong ngayon ko lang sya nakita. Kung titignan mo sya parang lang syang ordinaryong tao na may ordinaryong pangangatawan at mukha pero hindi ordinaryo ang kanyang pagkilos.

Kahit nasa himpapawid kasi ay nagawa nyang pabagsakin ang tatlong black witches. Ni hindi nila nagawang sumambit ng orasyon sa bilis gumalaw ng lalaki. Ito talaga ang kahinaan naming mga Witchcrafters, hindi namin kayang harapin ang malapitang atake, lalo na kung ganoon kabilis at kalakas.

Ang mga orasyon o mahikang gamit namin ay nilikha lang para sa malayuang atake. Buti na lang at wala silang kasamang wizzard na nagagawang humarap sa malapitang paglusob.

Wala tuloy nagawa yung tatlo kundi umatras nung bumagsak na sila sa lupa. Kung hindi pa sila aalis ay talagang malalamog sila sa bugbog.

Pagkatapos ng lahat ng labanang nangyari ay ako naman ang hinarap ng estrangherong lalaki. Hindi ko pa magawang tumingin ng diretso sa kanya kase nakahubad sya at kitang-kita ko ang pagkalalake nyang nagmamalaki.

Naglalakad sya papalapit sa akin. Ako naman ay biglang nataranta, lalo't hindi ko pa kayang tumayo. Hinawakan ko ng mahigpit ang baston ko habang sinusubukang makaatras, para kung sakaling may gawin syang masama sa akin ay maipagtanggol ko ang aking sarili kahit papano.

"Sino ka?" sinubukan ko syang kausapin pero hindi nya ako sinasagot.

Tuloy-tuloy lang sya sa paglalakad at talagang kinikilabutan ako sa pagtitig nya na lagi kong iniiwasang makatagpo. Hindi ko alam kung sino sya at kung saan sya nagmula, at kung bakit nya inatake yung tatlong witches. Hindi ko rin ngayon matukoy kung ano ang balak nyang gawin sa akin sa kanyang malamlam na paglapit.

Sinubukan kong gumawa ulit ng mahikang pananggalang pero wala na talaga akong sapat na lakas upang orasyonan ito, o mas akmang sabihing wala na talaga akong natititang lakas dahil nanlalambot na talaga ako at nagsimula ng mahilo. Sinubukan ko ring gumawa ng turno na pampalakas pero hindi ko na talaga maigalaw ang mga kamay ko.

Napahilata na ako sa lupa kasabay ng pagbagsak ng mga kamay at paa ko. Naiisip ko ang kapatid ko at pamilya at ang buong lahi namin, sa loob-loob ko umiiyak na ako dahil mukhang sa mga sandaling ito nabigo na ako sa lahat ng hangarin ko.

Naramdaman ko na lang na umangat ang buo kong katawan, at ang huling nakita ko bago ako nawalan ng malay ay binuhat ako ng matipunong lalaki.

Nagising ako sa tabi ni Ate Alyana na sa pagkakatanda ko ay nakahimlay sa loob ng aming dampa. Natanto ko na nasa loob nga ako ng kubo namin. Naalala ko na binuhat ako nung hubad na lalaki, at kung dito nya ako dinala, paano nya nalaman ang tahanan namin?

Sinubukan kong bumangon at nung makaupo ako ay ang bag ko ang una kong kinapa. Gumawa ako ng turno na pampalakas na kaagap kong nilunok. Ilang saglit pa ay nanumbalik na kaagad ang lakas ko. Hindi man buo pero sapat na para bumuti ang pakiramdam ko at makatayo.

Tiningnan ko ang buong paligid upang hanapin yung lalaki. Akala ko wala na sya pero paglabas ko sa kubo ay nakita ko syang palakad-lakad sa paligid na para bang nakatanod na nagbabantay.

Naalala ko bigla ang mga Black Witches. Alam kong ano mang oras babalik sila. Pero bago ko alalahanin iyon ay gusto ko munang kilalanin ang lalaking inakala kong kalaban ngunit akin palang tagapagligtas.

"S-sino ka?" sigaw ko sa kanya kase medyo malayo sya sa kinatatayuan ko.

Napahinto sya at napatingin sa akin. Hubad pa rin sya at mukhang walang balak saplutan ang sariling katawan. Pinagmamasdan ko sya habang papalapit sya sa akin. Kahit alam kong niligtas nya ako ay kinakabahan pa rin ako sa bawat hakbang nya. Binalaan ko ang sarili ko na kailangan pa ring mag-ingat.

"Sino ka nga ba?" muli kong tanong. Hindi pa rin kasi sya sumasagot kahit ilang beses ko na syang tinanong.

Napaatras ako nung makalapit na sya sa akin. Natakot kasi ako nung bigla syang lumuhod sa tapat ko. Akala ko ay kung ano na ang gagawin nya pero nagulat na lang ako nung bigla nyang yakapin ang binti ko at paulit-ulit na ikinikiskis ang pisngi nya dito. Parang syang isang aso na nagpapaamo.

"Ano ka ba?! Ano'ng ginagawa mo? Tumayo ka nga!"

Bigla na lang syang tumayo nung marinig nya ang utos ko. Magkatapat kami sa isa't isa at nagkatinginan ng matagal. Parang tumibok ang puso ko nung magkatitigan kami ng mata sa mata.

Maamo ang kanyang mukha at sa palagay ko mapagkakatiwalaan naman sya.

"Bakit ka nakahubad? Sino ka? Ano'ng ngalan mo?" sunod-sunod na tanong ko pero hindi talaga sya kumikibo at pinagmamasdan lang nya ako. Ang mga mata nya ay punong-puno ng pagtataka na para bang nahihiwagaan sa pananalita ko.

"Halika. Tumuloy ka."

Pinapasok ko sya sa loob ng kubo namin at pinaupo sa mahabang upuan na yari sa kahoy. Mulha syang inosenteng nilalang na ngayon lang isinilang, at pilit kong iniisip kung bakit hindi sya nagsasalita.

"Hintayin mo ako dyan, huwag kang aalis ha."

Kinuha ko yung balde at nag-igib ako ng tubig doon sa balon sa tabi lang ng kubo namin. Pinuno ko ng tubig yung tapayan na nasa palikuran. Madungis kasi ang hitsura ng tagapagligtas ko kaya naisip ko na baka gusto naman nyang maligo at magbihis.

"Halika." pagtawag ko sa kanya pagkatapos kong mapuno yung tapayan, "Maligo ka muna." sabi ko sa kanya.

Pumasok nga sya sa palikuran pero nanatili lang syang nakatayo sa loob at nakatingin lang sa akin. "Ah! Oo nga." bigla kong naisip na baka hindi pa nya sinisimulang maligo ay dahil nasa loob pa ako, baka naiilang sya kaya lumabas na ako at isinara ang tabing.

Habang naliligo sya ay naisipan ko syang gawan ng saplot para doon sa pagkalalaki nya na noong una kong masilay ay hindi na matanggal sa isip ko hanggang ngayon. Malamang dahil ngayon lang ako nakakita ng ganoon.

Sa buong buhay ko ay hindi pa ako umibig ng lalaki, at hindi ko pa naranasan ang ginagawa ng magkasintahan. At sa puntong ito hindi ko maunawaan ang sarili ko kung bakit sa isang iglap lang ay interesado ako sa buhay magkasintahan. Parang may kakaiba akong nararamdaman na mas malakas pa sa ano mang uri ng turno o mahika.

Nakuha ko ng tapusin ang ginagawa kong saplot nya pero hindi pa rin sya natatapos sa loob ng palikuran. Naisipan ko syang tingnan dahil baka kung ano na ang nangyari sa kanya doon sa loob.

Pagtanggal ko sa tabing ng palikuran nakita ko sya na nadoon pa rin at nakatayo, at sa itsura nya mukhang hindi pa nya nasisimulan ang paliligo.

"O, ano? Tatayo ka na lang ba d'yan? Bakit hindi ka pa maligo?"

Pailing-iling na lang ako. Bakit pa nga ba ako nagtatanong kung alam ko namang hindi nya ako sasagutin? Sa tingin ko hindi talaga nakakapagsalita ang taong ito.

Nanatiling palaisipan sa akin ang tunay na pagkatao ng nilalang na ito, pero sa ginawa nyang pagliligtas sa akin kailangan ko syang pagmalasakitan. Hindi ko sya pwedeng basta paalisin na lang, lalo na nakita ko ang isang kasangga sa katauhan nya.

Kahit paliguan man lang sya ang tanging magagawa ko upang masuklian ang pagpapakabayani nya. Dinampot ko ang bao (coconut shell) atsaka ako sumalok ng tubig sa tapayan at ibinuhos ko sa katawan nya.

Nakita ko pang nanginig ang katawan nya, marahil ay nalamigan. Malalim na kasi ang gabi kaya medyo malamig na rin sa paligid, pero sa palagay ko mukhang kaya naman na ng katawan nya.

May mumunting ngiti na lumabas sa aking bibig nang damputin ko ang batong panghilod at sinimulan kong hagurin ang likod nya. Pinasadahan ko mula sa balikat nya hanggang ibaba.

Medyo nakadama ako ng hiya nung masilayan ko ang mauumbok nyang pwet. Ngayon lang ako may pinaliguang ganito, tapos lalaki pa, hindi naman ako tuod para hindi makaramdam ng senswalidad.

Nagulat ako nung bigla syang humarap sa akin. Bumulgar kasi ang pagkalalaki nya sa akin, nanlalambot at nakalawit. Napalunok ako upang ibsan ang panunuyo ng lalamunan ko. Parang biglang kumapal ang pisngi ko at biglang uminit ang katawan ko.

Kinumusta ko sya, parang wala lang sa kanya na makita ng isang babae ang pagkalalaki nya ng ganito pa kalapitan. Basta nakatingin lang sya sa akin.

May kung anong mahiwagang damdaming dumating sa akin at bigla ko na lang syang hinalikan sa labi. Pero nung dumampi ang mga labi ko sa mga labi nya bigla na lang syang napaatras.

"Ah, paumanhin..." mahiya-hiya kong sabi.

Nakatingin sya sa mga labi ko at nagtataka. Baka tulad ko, ito rin marahil ang unang beses nyang makahalik.

Muli ko syang sinubukang halikan. Hindi na sya umiiwas pero hindi rin lumalaban, parang akong humahalik sa dingding.

Naging mapang-ahas ako at sumidhi ang halik. Naglalagablab na ang apoy sa loob ng kaluluwa ko at kusa na lang gumalaw ang kamay ko upang hawakan ang pagkalalake nya.

Napaatras na naman sya at nagulat nung dumampi ang palad ko sa kahabaan nya. Ako man nagulat sa sarili ko, pero matinding pagnanasa ang nananalaytay ngayon sa buong katawan ko.

Kinabig ko ang braso nya upang pigilan ang paglayo nya sa akin, "Teka, huwag kang malikot." at tuluyan ko ng hinawakan ang pagkalalake nya.

Habang hinihimas ko ay unti-unti itong lumalaki at tumitigas. Napapakadyot pa sya ng bahagya.

Hindi nya alam ang gagawin kaya inalalayan ko sya at tinuruan matapos kong hubarin ang saplot ko.

Ang sumunod na nangyari ay napakabilis na. Pinaikot nya ako at pinatalikod sa kanya. Napayuko ako at napahawak sa tapayan ng tubig. Tapos naramdaman ko na lang na biglang sumakit ang parteng ibaba ng katawan ko nung pasukin na nya ako.

Matinding pananakit at panghahapdi ang natatamasa ko, "Aahhhh Aaahhhhh" na nagpapasigaw sa akin.

Pikit na pikit ako, ang pananabik ko kanina parang napalitan na ng takot habang humahampas sa akin ang lalaking ito. Parang gusto ko ng matapos a... Read More


About the Author :

Joined: July 10, 2013 (4 years old)
Writings: 188

Send PM · Male · Offline

I dreamt of being a published writer of inspirational and motivational stories, cause I want to inspire those who have physical disabilities and less fortunate people whom are downhearted. I want to bring hope into their hearts and I want them to see a beautiful world that's full of dreams.

I also want to share my thoughts about unconditional love, life's regrets and marital failures through Erotic stories. I may not change your world, but I wish, with my simple works, i've touched your hearts.
0 comment   0 favorite   1,691 views