Kabilang Mundo 18

May 21, 2014 (2 years ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Supernatural, Romance, Sci-Fi and Fantasy | Tags: , , , ,

Please refer to the previous part.

(Kapitulo kuarienta y nueve)

Sa pustura ni Jacob, parang siyang nangangalit na wolf, ang mga mata niya'y puting-puti at nanlilisik, at sa pagtigil ng pag-ihip ng hangin, sa isang iglap lang bigla nalang siyang naglaho sa kinaroroonan niya.

Hindi! hindi siya naglaho kundi mabilis na umatake, parang hangin sa sobrang bilis niya, hindi ko man lang napansin ang paglapit niya sa nakamaskarang nilalang.

Nakita ko na lamang siya na nasa tapat na ng kalaban, sa pagitan nina Maya at ng halimaw. Ang akala ko aatake na siya, ngunit kinuha niya muna si Maya, binuhat at dinala sa mismong tabi ko para iligtas sa kamay ng kalaban.

Napakabilis ng pagkilos niya, ni hindi ko man namalayan ang paglapit niya sa akin habang buhat-buhat si Maya.

Heto na ang mga wolves, ang apat na mata napakatalim, at lahat nakatingin sa nakamaskarang nilalang.

Nanggagalaiti sa galit, nagsisipagtayuan pa ang mga balahibo. Nakakatakot talaga sila. Malalaki, mababangis.
Nakakasindak kahit titignan lang sila.

Pinaikotan ng mga higanteng wolves ang kalaban, tapos isa-isa nila itong sinugod ngunit hindi nila ito matamaan, ni Magalusan.
Gayunpaman, hindi rin naman makatama ang espada ng kalaban sa mga wolves.

Sa kalagitnaan ng kanilang paglalaban bigla na lamang sumulpot si Tony sa eksena, at mabilis na tumagos ang kamay niya sa katawan ng kalaban, sa dibdib mismo ng nakamaskarang nilalang.
Walang kahirap-hirap gawa ng mga matutulis niyang itim na mga kuko, gayundin ang kaitiman ng kanyang mga mata.

Tama, kung nagagamit ni Jacob ang kapangyarihan niya sa lugar na ito gayundin naman si Tony.
Ba't nga ba hindi nila agad naisip o nadiskubre?

Napatigil ang mga gigil na gigil na Wolf, at muli silang nanatiling nakapaikot kina Tony na nakabaon pa rin ang kamay sa maskaradong nilalang.

Napayuko na lang ang kalaban, bagsak ang mga kamay at nahulog sa lupa ang hawak niyang espada.
Napaluhod na rin siya sa lupa.

Akala ko tapos na ang laban, ngunit napansin ko ang dalawang maliliwanag na buwan na parang tumutulo ang dugo mula sa mga ito.

Parang pinagpapawisan ito ng dugo at nang mapatak ang dugo sa lupa dun ko nalaman na mababa lang ang dalawang buwan na ito, at sa pagdampi ng unang patak ng dugo sa lupa bigla nalang akong nahilo.

Nakakarandam nanaman ako ng pagyanig. Ano nanaman kaya ito?
Naalarma ang lahat sa pagyanig ng lupa, ngunit nanatiling nakatayo lang sa kani-kaniyang puwesto.

Unti-unting nagbabaga ang katawan ng maskaradong kalaban, parang lava ng bulkan na mabilis ding naging abo at tinangay ng hangin.

Bigla namang nag-crack ang lupang kinatatayuan ni Tony, kung saan nakapalibot ang mga wolves.

Nagulat na lamang kami nang bigla nalang naging bato ang katawan ng mga wolves ni Jacob.

"Teka! Ano'ng nangyari?!"
biglang nag-alala si Jacob.

Biglang may bumangon na bangkay sa ilalim ng lupa, sa mismong kinatatayuan ni Tony.
Napaatras si Tony kasabay ng pagtayo ng bangkay.
Isang batang lalaki na sa tingin ko ay teenager pa lamang.

Parang ordinaryo lang siyang bata kung titignan pero may mga maliliit na kadenang bakal na nakakabit sa bawat daliri niya, parang silver na tanikalang singnipis lang kuwintas ngunit mahahaba ang mga ito, at ang bawat dulo ng mga kadena ay may matalas na talim.

May kung anong nagliwanag sa dibdib ng bata, pulang liwanag na parang pulang ruby, at nang magliwanag na ito ng husto ay parang nagkaroon ng buhay ang mga kadena sa mga daliri niya at isa-isang lumutang sa ere.

Sa tingin ko kinokontrol ng pulang ruby ang mga kadenang ito para gumalaw at parang may buhay talaga.

Ang sumunod na nangyari ang nagpaluhod kay Jacob sa lupa.

Nag-spread ang mga kadenang bakal at isa-isang tumagos sa mga estatwang batong katawan ng mga wolf ni Jacob.

Isa-isang nawasak at nadurog ang mga nakapalibot na wolf, at nagkapira-piraso ang kanilang mga katawan.

"Hhaaaaahhhhh"

Bigla namang napasigaw si Jacob at napansin ko ang magkabilang braso niya na parang nagbabaga ang mga nakatatak.
Alam kong iyon ang mga tatak ng wolves niya.

Bigla akong nalungkot nang maisip ko na isa-isang namatay ang mga wolf ni Jacob.
Randam ko ang pag-iyak ni Jacob, tagos sa aking puso.
Ang mga minamahal niyang wolves, sa isang iglap lang isa-isang nadurog.

Halos mamilipit siya sa sakit habang hawak ang saliring magkabilang braso niya.

"Nadare... Saiha... Setsuna..."

Alam kong galit na galit na si Jacob dahil sa pagkamatay ng mga wolves niya.
Hindi niya siguro lubos akalaing sa isang iglap lang ay mamamatay na ang mga pinakaiingatan niyang wolves.

"Obeshi... Madohka... Ruyi... Coque..."

Tuluyan nang nadurog ang mga batong katawan ng pitong wolf.

Sinimulan na ni Tony ang pagsalakay sa bagitong kalaban, habang itong si Jacob ay tinatangisan pa rin ang mga alaga niya.
Basta umiyak lang siya, nakaluhod sa lupa.

Pinilit namang makabangon ni Maya at tinabihan si Jacob, niyakap niya ng mahigpit at sinabayan niya ang pagluluksa ni Jacob.

Ngunit lalong nadagdagan ang pighating nadarama ni Jacob nang biglang nakalas ang mga kamay ni Maya na nakayakap sa kanya, at bigla nalang bumagsak sa lupa ang kanyang katawan.

"Maya! Maya!"

"Jake... Hindi ko na kaya Jake, nanlalambot na ako."
hirap na hirap na pananalita ni Maya.

"Lumaban ka Maya, kaya mo yan! 'wag kang matutulog! Maya! Maya!"
sambit ni Jacob habang ginigising-gising niya si Maya.

"Hanggang dito na lamang ako Jake..."

biglang tumulo ang luha sa mga mata ni Maya, kasabay ng paghawak niya sa pisngi ni Jacob.

Nang makita ni Jacob ang kamay niya, puno ito ng dugo mula sa likod ni Maya.
Mukhang nauubusan na talaga siya ng dugo.

"Ma-mahal kita..."
mga huling katagang nasambit ni Maya at pagkatapos ay tuluyan na siyang pumikit.

"Maya... Maya... 'wag mo 'kong iiwan... Maya..."
napakasakit ng pag-iyak ni Jacob.

Niyayapos-yapos niya at hinahalik-halikan habang patuloy na inaalog-alog ang katawan, umaasa na magigising pa niya si Maya. Hindi niya matanggap na ngayon iniwan na siya ni Maya kasama ng mga wolves niya.

Linapitan ko sila. Yayakapin ko sana si Jacob, peo laking-gulat ko na lang nang bigla akong nakuryente sa katawan niya.
Ang lakas ng boltahe, ni hindi ko mahawakan si Jacob.

Sa tingin ko sumagad na sa sukdulan ang galit niya. Ang pighati, samu't-saring emosyon, nakakapangilabot.

(Kapitulo Sinkuenta)

Tumigil na rin sa wakas ang pagyanig. Napalingon ako kay Tony na abalang nakikipaglaban.
Hirap na hirap siya sa pag-iwas sa mga matatalim na dulo ng mga kadenang metal ng binatilyong kalaban.

Ang panibagong kalabang may mahaba at dilaw na buhok, at ang dibdib niya patuloy na nagliliwanag.
Hindi ako makapaniwalang galing sa hukay ang nilalang na ito.

Mukhang napakatibay ng mga kadenang nasa mga daliri niya.
Ni hindi makalapit si Tony gawa ng mga kadenang patuloy na sumasalakay sa kanya.

Tinangka niyang hawakan at pigilan ang isa, pero dumulas lang sa kamay niya kaya nabitawan din.
Maliksi din kumilos ang bata, parang sanay na sanay sa laban.

Biglang lumusob si Jacob, ang bilis niya. Napansin ko na may puting usok na nanggagaling sa katawan niya, parang nagmumula sa loob ni Jacob.
Ang bilis ng galaw niya, pero tulad ni Tony hindi rin siya makalapit dahil hinarangan din siya ng mga kadenang armas ng kalaban.
Buhay na buhay, parang mga ahas na lumulutang-lutang sa ere.

Tinabihan ko si Maya. Tinangisan ko. Ang daming ginawa ni Maya para sa akin, mula nung mga kaluluwa pa lang kami, hanggang ngayon sa mga oras na 'to. Sisiguraduhin kong hindi masasayang ang pagbubuwis niya ng buhay.

"Tony, ano bang ginagawa mo?!"
sigaw ni Jacob kay Tony, sa kalagitnaan ng labanan.

"Hindi umuubra ang jenjitsu ko sa kanya Jake."

"Huh?! Ganun ba katapang ang isang 'yan?!"

"Hindi Jake! Wala siyang puso kaya hindi siya makuha ng jitsu ko."

Biglang nagteleport si Tony, sumulpot sa likod ng kalaban, pero bago pa niya nahawakan ang bagitong kalaban naunahan na siya ng mga matatalim na kadena nito.

Tinamaan si Tony, isa-isang bumaon sa likod niya ang mga patalim sa dulo ng mga kadena.

"Tony! Tony!"
napasigaw ako.

Bigla kong naalala na nagagamit nga pala nila ang kapangyarihan nila dito, ibig sabihin, buhay din ang immortality nila sa lugar na ito.

Pwede namang magteleport ulit si Tony, pero bakit nanatili pa siya sa likod ng kalaban at sinasalo niya ang bawat saksak ng mga matatalim na kadena sa likod niya?

Nasagot ang tanong ko nang makita ko si Jacob na lumusob mula sa harapan ng kalaban, at buong pwersa niyang nilaslas ang leeg ng batang nilalang gamit ang matatalim na kuko niya.

Nagtagumpay si Jacob, nalaslas niya ang lalamunan ng kalaban, tumulo pa ang kulay berdeng likido mula sa leeg nito, parang ito ang dugo niya, kulay berde nga lang.

Muling nagteleport si Tony at nagpunta sa harapan ng kalaban, tuluyan na niyang pinugot ang ulo ng nilalang gamit ang kuko niya.

Tumilapon sa lupa ang pugot na ulo, at ang naiwang katawan, natumba at humandusay, bigla namang nagsihulog ang mga lumulutang na kadena, parang nawalan na ng buhay at ngayon parang ordinaryong kadena na lang.

Napanatag ang kalooban ko nang makita kong natalo na ang kalaban.

"Tara na! Umalis na tayo! Bilisan na natin!"
utos agad ni Tony, halos kahihilom lang ng mga sugat niya sa likod.
Ngayong ko lang nalaman na may kapangyarihan pala siyang self-healing, siguro dahil immortal siya.

"Teka! Paano si Maya?! Iiwan na lang ba natin siya dito?!"
alalahanin ni Jacob.

Patay na si Maya pero hindi pa rin niya kayang iwanan.

"Buhatin mo nalang siya Jake! Kailangan na nating umalis, mas maraming mamamatay kapag inabutan tayo ng dilim sa labas."
pagmamadali ni Tony.

Naalala ko bigla si Marcus at ang misyon namin. Tama si Tony, kailangan na nga naming magmadali, hindi namin natitiyak kung aabutan pa namin ang liwanag, sabagay, wala pang kakaibang nangyayari sa akin kay may oras pa.

Binuhat na ni Jacob sa balikat niya si Maya. Ang bangkay ng aming yumaong kaibigan.

Paalis na sana kami nang biglang nagliwanag ang pulang ruby na nasa dibdib ng nakahandusay na binata.

"Anak ng..... Buhay pa rin!"
pagkasabi ni Tony mabilis siyang tumalon papunta sa nakahigang katawan ng kalaban.

Mula sa ere kumuha siya ng puwersa pababa, umatake at mukhang deadly na talaga ang posisyon ng mga matatalas niyang kuko.
Pero bago pa siya bumagsak sa kalaban, bumulusok na muli ang mga pangil ng mga kadenang metal na nasa mga daliri niya.

Sinasabi ko na nga ba, hindi ang katawan ng batang ito ang nagpapagalaw sa mga kadena, kundi ang ruby.

Teka! Sa'n ko nga ba nakita 'to? Parang pamilyar, parang nakita ko na ang pulang ruby na 'to na may mga galamay.
Oo, tama! Ito yung nakaukit sa kwebang pinasukan namin kanina!

Buti na lang at mabilis na nakapag-teleport si Tony, kundi, siguradong napuruhan siya.

"Tony, kaya mo bang magteleport mula dito hanggang sa pintuan?"
mukhang nakaisip ng paraan si Jacob.

Napatindig si Tony at pareho nya kaming tinignan ni Jacob.
"Oo, pero kung hanggang saan lang ang nakikita ko hanggang dun lang ako makakarating, at...at isang tao lang ang kaya kong isama."

"Ayos na 'yon! Sige, mauna na kayo ni Maita, susunod na lang kami ni Maya. Ako na'ng bahala dito. Sige na! Umalis na kayo!"

"Pero Jake!"

"Wala ng pero-pero! Wala na tayong oras! Mukhang walang kamatayan ang halimaw na 'to, kaya ang natitirang paraan nalang pigilan siya!"

Isinakripisyo ni Jacob ang sarili nya tulad ng ginawa ni Maya. Kailan ba matatapos ang delubyong ito? Isang buhay na ang nawala, sana naman 'wag na si Jacob.

Mukhang desidido talaga si Jacob na magpa-iwan. Mabilis niyang sinugod ang kalaban.

"Sige na! Umalis na kayo!"

Biglang hinawakan ni Tony ang kamay ko, at bago pa ako maka-react, nagulat na lang ako nang biglang magbago ang paligid.

Paglingon ko, nakita ko si Jacob sa malayo na nakikipaglaban, samantalang kanina halos katabi lang namin sila.
Ang galing, sa isang iglap lang nakalayo na kami.

Napansin ko nanaman ang mga mata ni Tony, umaandar na naman yung mala-camera lens niyang mata at nakatingin sa malayo, sa dulo ng daan kung saan nakapalibot ang mga kandila.

Nagteleport nanaman kami, papalayo ng papalayo kay Jacob hanggang makaabot kami sa dulo ng daan.

"Ito na ba 'yon?"
tanong ko kay Tony nang marating na namin ang katapusan ng daan at ng mga kandila.

Isang malaking pader ang bumungad sa amin. Hindi! Hindi lang basta pader! Kung titignan sa malayo para itong isang higanteng lapida.
Oo tama! Hugis lapida nga ang pader na ito at ang tuktok ay may nakalagay na baliktad na krus.

"Nasa'n na ang pinto?!"
naitanong ni Tony habang kinakapa-kapa ang mga titik na nakaukit sa lapida.

Nilinis niya, nagtulungan kami. Hinawi-hawi namin ang mga damong baging na nakasabit sa pader. Hinila-hila at hinatak pero wala pa rin kaming nakikitang pinto.

"Hindi kaya niloko lang tayo ng mga Malay na yon at Amazona?"
pagdududa ko.

Baka ipinain lang ang lahat ng ito at gusto lang nila kaming patayin sa lugar na 'to.

"Hindi naman siguro. Malamang may sikreto ang pader na ito. Tignan mo yung mga titik parang may ibig sabihin."

Pinagmasdan kong mabuti ang pader. Tama si Tony, punong-puno nga ng mga letrang hindi ko naman maintindihan kung ano.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang mapatingin ako sa lupa.
Nakaramdam ako ng kaba at nangatog bigla ang mga tuhod ko.

"Haaahhh! Tony! Tony!"

Nagtatatalon ako at napayakap sa bisig ni Tony.

"Bakit? Bakit?"

"Tignan mo tong inaapakan natin! Puro bungo at buto ng tao!"

Napatingin kami pareho. Ngayon ko lang natanto na nakaapak pala kami sa napakaraming nangingitim na bungo at kalansay ng tao! Kinikilabutan ako ng husto, sa sobrang dami, aakalain mong lupa lang talaga.

"Mukhang marami na nga ang namatay sa lugar na 'to! Marami ding nakaabot dito, pero dahil siguro hindi nila mahanap ang pinto, heto, namatay na silang lahat."
ani Tony.

"Pero sino ang pumatay sa kanila?"

"Siguro yung kalaban ni Jacob ngayon."

(Kapitulo Sinkuenta y uno)

Hindi matanggal ang pag-aalala ko para kay Jacob. Ilang minuto na rin ang lumipas pero hanggang ngayon hindi pa rin bumabalik. Isa pang problema ang pintuan, paano naman kaya namin makikita gayong purong pader lang ang nakikita ko.

"Tony, balikan kaya natin si Jake?"
napaupo pa ako sa isang malaking bato.

"Wala na tayong oras Maita. Huwag kang mag-alala, imortal din si Jake."

"Pero kahit imortal siya, nasasaktan parin sya diba? Atsaka, mamamatay din sya at matagal bago muling mabuhay diba?"

"Naku, ang mabuti pa tulungan mo nalang akong maghanap sa pinto Maita!"

May bigla akong naalala. Napatayo ako at napatalon sa sobrang tuwa.

"Hoy Tony! Diba may X-vision ka?! Ba't di mo nalang kaya gamitin at nang hindi na tayo mahirapan?"
Napayakap pa talaga ako sa kanya.

Sa sobrang galak ko hindi ko napansing nakatitig pala sa akin si Tony.
Narealized ko na lang na nakayakap parin ako sa kanya.

"Ah! Sorry... Sige na..."

Ginamit na nga nya ang X-vision nya. Ito yung tinatawag nyang shareingan.

"Wala! Wala akong makita Maita. Walang laman ang pader na ito!"

"Paano nangyari 'yon? Hindi kaya hindi naman ito yung pintuang hinahanap natin? Pero ang sabi ni Reyna Amazona at Haring Malay, sa dulo ng daan na napapalibutan ng kandila natin matatagpuan ang lagusan."

"Eh wala nga eh! Ni mekanismo wala! Ni bakas ng pinto wala!"

Napalingon akong muli sa lapidang pader. Napansin ko yung butas na hugis dyamante. Napahawak ako sa suot kong pendant.

"Teka Tony, hindi kaya..."

Lumapit ako sa butas at itinapat ko dito ang pendant. Nagulat nalang ako nang bigla itong magliwanag.

Napaatras kami ni Tony at inabangan ang susunod na mangyayari. Parang lumang pelikula lang 'to na napanood ko.
Sumunod na nagliwanag ay ang mga titik na nakasulat sa buong pader.
Naalala ko na yung mga titik. A-li-bata ang pagkakasulat nito.

Unti-unting nagkaroon ng crack ang pader, nabibiyak, parang nagigiba, hanggang sa gumuho ng tuluyan at ang tanging natira ay isang kwadradong pinto na nakatayo sa gitna.

"Nakapagtataka namang hindi ko nakita ang pintong ito sa x-vision ko."
nasambit pa ni Tony.

Hinanap ko yung kwintas ko at nang makita ko muli kong isinuot.
Tinititigan ko yung pinto, parang vault sa banko ang dating.

"Panibagong problema nanaman! Paano natin to bu... Read More


About the Author :

Joined: July 10, 2013 (3 years old)
Writings: 177

Send PM · Male · Offline

I dreamt of being a published writer of inspirational and motivational stories, cause I want to inspire those who have physical disabilities and less fortunate people whom are downhearted. I want to bring hope into their hearts and I want them to see a beautiful world that's full of dreams.

I also want to share my thoughts about unconditional love, life's regrets and marital failures through Erotic stories. I may not change your world, but I wish, with my simple works, i've touched your hearts.
11 comments   1 favorite   2,469 views