Kabila ng Tadhana 8 - Kirot

November 27, 2015 (1 year ago)
Posted in Story: True Story, Tagalog | Categories: Romance | Tags: , , , ,

Chapter 13

Halos tatlong buwan na ulit nung huling makasama ko si Lala. Ramdam ko man nuon, di ko inakalang ganto kami katagal na di magkikita. Lumayo sya sa 'kin. Una ay akala ko parang dati pa. Ilang beses akong nagtext sa kanya, meron yung "hiram", kaso hindi sya sumasagot. Tinatawagan ko sya halos gabi gabi ng dalawang linggo, kaso ganun din. Masyadong risky pag bibisitahin ko sya sa kanila, kaya minsan ay inabangan ko sya sa Jollibee nung pa-out na sya. Nakita nya ako, pero nagtago ulit sya sa may crew area. Nung lumabas sya ay kasama nya mga crewmates nya, parang protektado ba. Gusto kong tawagin kaso andun din si Leo sa malapit. Ayaw kong magkaskandalo. Sinundan ko lang sila, may distansya. Nang naghiwalay na sila ng mga kasama nya, lumingon sya sa 'kin at umiling. Para akong nasuntok sa bituka. Pero naintindihan ko. Ayaw na talaga nya. Tumango na lang ako. Paguwi kong nakasakay ng taxi, di ako mapakali, may sobrang sakit na kirot sa dibdib ko. Sinuntok ko binti ko para may ibang sakit lang na pumatong. Naliwanagan na ako sa kabuluhan nung nangyari sa 'min nuon sa Burnham Lake. Paalam nya pala yun.

Matagal din pero habang dumaan ang mga araw ay humupa din ang sakit, kaso ramdam talaga ito sa paggising sa umaga, at sa pagtulog sa gabi. Napapayakap na lang ako sa isa kong unan, iniisip ko mga dinaanan namin ni Lala. Minsan para mapatungan din ang kirot sa dibdib eh inalala ko ang mga kantutan namin, at nagpaparaos na lamang ako. Iniisip ko, sana sya 'tong unan na 'to, matapos ay sasabog ako. Nang tumagal ay di ko na rin masyadong ginagawa at sinusubukan kong kay Arianne na lang talaga ako magfocus. Ba't ko nga ba kasi inumpisahan 'to? May napakaganda akong girlfriend na nagmamahal din sa 'kin. Matapos nun ay naging mas attentive na rin ako sa girlfriend ko, lagi kong sinasakyan mga gusto nya. Pati mga palabas na paborito nya, na pilit nyang ipapanuod sakin, ay pinanuod ko na rin. Sumaya rin ulit ang buhay, kaso may mga oras na di maiwasan na iniisip ko pa rin si Laarni.

Christmas break na, wala na ulit pasok. Paakyat na ulit si Arianne. May tatlong araw syang tinabi para dito, kaso feeling ko baka magextend rin sya. Ala una na ng hapon at inaantay ko si Arianne sa Victory Liner. Nakatayo lang ako, nakasandal sa isang poste nang biglang may tumapik sakin sa balikat. Paglingon ko ay si Laarni, nakangiting nakatingin sa 'kin. Ang ganda ng ayos nya ngayon. Nakared na headband sya at pansin kong medyo humaba pa buhok nya, sa dulo ay pinakulot nya ito. May suot syang medyo loose na black & white striped t-shirt, di ko alam kung t-shirt pero medyo maluwang yung sa may butas na lusutan ng ulo, na isinama neto ang kaliwang balikat kaya kita ang balat nya dun. At may kita rin ang pulang strap mula sa harap papalikod, at may konteng cleavage syang pinapakita. Ang mas may dating eh ang korte nung dibdib nya, hindi bakat pero parang nakasabit yung shirt sa boobs nya, kaya loose sa ibabang parte. Nakakalibog! Nakajeans sya at gulat ako eh may parang slippers syang medium heels. Ang sexy ng dating! Nakanganga lang siguro ako.

"Hi! Musta?" tanong nya.

"Uhh... uy, Lala... wow... uhh... eto, ok lang naman. A-andito ka?" medyo awkward para sa 'kin, biglang nahiya ako ng sobra sa kanya.

"Eh syempre, darating yung kumare ko. Eh san pa ba sya tutuloy?" patawa nyang sinabi.

"Aah. Ay, oo nga pala noh." sabi ko na lang.

"Okay ka lang? Ang weird mo ngayon." tanong nya.

"Ah, wala. Gulat lang siguro ako. So kamusta ka na ngayon? Jollibee ka pa rin?" tanong ko. Ang weird talaga sa 'kin. Parang bago lang ulit kaming nagkakilala, eh tangina napasok ko na sya ilang beses. Pero sa totoo lang, linalabanan ko ang sarili ko. Gusto ko syang laplapin at yakapin! Iba ang dating nya, at nararamdaman ko ulit yung gigil nung una ko syang nakantot.

"Oo, dun pa rin. Wala, eto, wala masyado nagbago." sabi nya.

"Sigurado ka? Iba get-up mo nga ngayon eh." sinabi ko, medyo parang nagiging natural na naman at least konte yung usapan namin.

"Ah, hinde. Matagal ko lang di sinusuot mga 'to, eh feel ko lang isuot uli ngayon." sabi nya. "Eh, ikaw? Humahaba na buhok natin ah. Rakistang rakista!"

"Oo nga eh, pwede na rin ako mag pony tail. Aagawin ko na mga pantali ng buhok nyo. May pantali ka ba dyang may bungo bungo? Para rak! Ha ha ha!" dumadali na ulit ang usapan.

"Ha ha ha! Meron, pero Hello Kitty!" biro nya.

"Ha ha! Tagal nung bus ni Arianne, ah. Tara upo muna tayo dun." aya ko sa kanya at pumuwesto kami sa isang dulo ng mga bakanteng upuan. Nauna syang naglakad at pinanuod ko muna. Naka heels kasi sya parang bakat yung pwet nya. Iba na talaga ang dating nya ngayon, nakakapanggigil! Sinundan ko sya at tumabi ako sa kanya.

"May boyfriend ka na ba ulit?" tanong ko agad. Kailangan kong malaman.

"Wala naman sa ngayon, kaso may mga umaaligid aligid dyan." sabi nya.

"May nanliligaw sa 'yo?" tanong ko.

Tumango sya. "Pero ewan, di ko sila masyadong feel."

"Sila? More than one?" tanong ko ulit.

"Eh di oo, plural nga eh!" sabi nya. May kirot ulit akong nadama.

Nakatingin sya sa malayo, at napatingin ako sa kabuuan nya. Napatingin ako sa leeg nya pababa, medyo kita ng konte ang cleavage nya. Kita ko pa ang detail, maliit na nunal sa taas banda ng kaliwang suso nya. Shet! Ang ganda ng hugis ng mga suso nya sa suot nyang yun. Gusto kong ibaon ang mukha ko muli sa gitna ng dibdib nya. Pagtaas ko ng tingin eh nakatingin na pala sya sa 'kin. Napangiti sya at tumingin ulit sa malayo.

"Tumataba ka ah. Halata dyan sa leeg at cheeks mo." sabi nya.

"Eh, ganun talaga. Couch potato eh. Ha ha!"

Nagkwentuhan pa kami siguro ng 15 minutes. Linagkitan ko ang tingin ko sa mga mata nya. Parang gusto kong imemorize ang mukha nya ngayon. Gustong gusto ko kung nakangiti sya at sumisingkit mata nya, at mas pronounced yung eye bags nya. Gusto ko ulit syang matikman. Di ko pansin na nakatitig lang pala ako sa mukha nya, at tumitingin rin sya sakin, pero parang nahihiya sya at titingin sa iba sabay balik ulit, parang di mapakali.

"Saglit, CR lang ako ah." paalam nya, dinala nya bag nya at nagtungo sa CR.

Habang inaantay ko sya, iniisip ko, gusto ko ulit bumalik sa dati. Pero eto nga, lumayo na sya sa 'kin at tinigil na namin yun. Malamang ayaw na nya. Naglalaban na mga boses sa utak ko. Gusto ko pa rin. Kailangan kong sabihin sa kanya, baka sakali...

"Lalim ng iniisip mo ah." bigla kong narinig boses ni Laarni.

"Ay, dyan ka na pala." sabi ko.

"Ang lalim nga. Tinatawag kita eh. Kape muna sana tayo sa taas. Ang tagal ni mare eh."

"Ay, saglit. Upo ka nga muna. May sasabihin lang ako."

Parang may hesitation sya pero umupo ulit sya sa tabi ko. Hinawakan ko kamay nya, hinigpitan ko, linapit ko sa mukha ko at inamoy ko pa. Nakakagigil!

"Alam mo, sobra kitang na-miss..." sabi ko sabay piga ulit sa kamay nya, dinampi ko na sa pisngi ko, gusto kong maramdaman.

"JB..." sabi nya.

"Inaalala ko pa rin yung mga ginagawa natin nun." tuloy ko, sabay hingang malalim, inamoy ko kamay nya.

"JB..." sabi nya ulit.

Naputol ang usapan naming nang may pumasok na bus na terminal. Binawi agad ni Laarni yung kamay nya. Eto na ata bus ni Arianne. Sinisilip ko mga bintana sabay nakita kong kumakaway si Arianne sa amin, ngiting ngiti sya. Ngumiti rin ako sabay kumaway rin sa kanya. Nakingiti na lang din si Laarni. Napabuntong hinginga akong malalim.

Sinalubong namin si Arianne sa may pinto ng bus. May dalawa syang backpack na dala, plus yung handbag nya. Binaba nya muna mga 'to sabay yakap sa 'kin.

"Beeeeh!" higpit nyang yumakap, sumabit pa sya sakin kasi tinaas nya mga paa nya. "Merry Christmas!"

Hinalikan ko sya saglit at inabot ko yung isa at sinabit ko sa balikat ko at bitbit ko na lang din yung isa. Pumara kami ng bus sabay nagtungo ulit kina Lala. Parang yung unang dating ulit ni Arianne, kaming dalawa sa likod at sa harapan si Laarni. Nakakapit girlfriend ko sa kaliwang braso at nakasandal ulo nya sa balikat ko. Nasilip ko ulit si Laarni sa may sidemirror, parang ang layo ng tingin nya, parang malungkot. Nagkatinginan kami at ngumiti sya. Nagkwentuhan muna ang dalawang babae hanggang sa makarating kami sa aming destinasyon. Iniwan namin gamit ni Arianne sa kwarto ni Lala at lumabas ulit kami. Dating gawi, punta ulit kami sa Pizza Volante.

"Natry nyo na ba to?" sabi ni Lala, may linabas syang box galing sa bag nya.

"Ah, yan yung Capri na yosi. Natikman mo na?" tanong ni Arianne.

"Oo. Okay lang sya. Mas trip ko pa rin yung DJ Mix." sabay abot nya sa amin tig isang stick nung Capri. Manipis yung stick, parang stick ng marijuana tuloy ang itsura. Sinindihan namin at wala lang nga. Mas trip ko pa rin brand kong Marlboro Lights Gold. Naka ilang refill kami ng kape duon, nabusog din sa mga pizza na inorder namin at naubos namin isang pack ng DJ Mix na green. Medyo nakakatama kombinasyon ng kape at yosi.

Kung titignan mo kami sa labas, parang walang nagbago sa amin mula nung nagsama kami, pero may malalalim na rin na pagkakaiba. Si Arianne, medyo mas mature na ang pananamit nya ngayon. Kahit bakasyonista sya ngayon eh nakasuot na sya ng parang dress, hanggang taas tuhod lang, sabay mag black syang jacket na nakapatong, pero di nya pinasok mga kamay nya sa sleeves ng jacket. Nakikita ko ang diperensya habang humithit pa sya ng yosi nya. May pinakita syang picture nya sa pitaka nya, pinagcorporate attire daw sila sa school, parang may mock interview daw sila. Ganda nya sa corporate attire, pero kilala ko pa rin sya, yung pagkabata nyang ugali pero medyo binabawasan na nya ito. Naisip ko, may epekto kaya yung pagkakabiyak ko sa kanya? Parang may from a girl to a woman.

Si Lala naman ay nauna na syang ganun as compared kay Arianne. Sya lang ang nagtratrabaho sa aming tatlo ngayon. Sadyang mas mature si Laarni, pero parang medyo humahabol ng konte si Arianne. Parang mas malakas na sya ngayon, di tulad nung sila pa nuon ni Leo. Parang presko na ang dating nya at sa suot nya ngayon eh parang mas confident sya. Yung sabi ko sana eh magfocus na lang ako kay Arianne, nawawala, kasi nahihila pa rin loob ko kay Laarni.

Naging awkward ulit ang table namin nung nagpaalam mag CR si Arianne. Dalawa lang ulit kami at naalala ko yung sinabi ko sa kanya na namiss ko sya. Nagkatinginan kami at nangiti sya, sabay tingin sa kape nya, linalaro nya teaspoon nya at pinapanuod ko kamay nya. Unti unti kong linapit kamay ko sa kamay nya. Tinaas ko hinliliit kong daliri at dinampi ko sa likod ng kamay nya, at dinama ko kutis nya. Ang kinis. Hinahaplos ng dulo ng mga daliri ko ang likod ng kamay nya. Pinapanuod lang namin yung ginagawa ko. Naramdamang kong pumatong yung kabilang kamay niya, hinigpitan nyang piniga mga daliri ko, pero di nya inalis. Nagtitigan lang ulit kami ng matagal. Biglang binawi ko agad kamay ko nung nagpakita ulit si Arianne.

"Tara na. Shot naman tayo." sabi ni Lala.

Chapter 14

Nakapagpaalam na ako in advance kay mama na late ang uwi ko kaya ok lang akong uminom ngayon. Pero ang balak ko ay uuwi ako at aantayin ulit na makatulog mga tao sa bahay tapos tatakas ulit ako.

Nagpunta kami sa Legarda road at pumasok kami sa isang dance club, Alberto's ang pangaln. Sayawan talaga dito, at sinugurado ko naman na meron yung ID ko, at surely enough, hinanap nung guard ulit sakin dahil di makapaniwalang nasa legal na edad na ako. Binayaran ko entrance namin na 50 per head. Mukhang nabuhayan si Laarni. Papunta pa lang kami sa table eh may sayaw na ang lakad nya. May babaeng banda na tumutugtog sa stage, dalawang vocalist, at sa baba nila ang dance floor. May mga sumasayaw na rin duon. Medyo packed ang lugar, suspetcha ko kasi patapos na classes at di pa bumababa mga studyante. Gimik gimik muna sila.

Nakapwesto na kami sa table namin. Actually, yung oras na yun, pangalawang beses ko pa lang mapasok ng sayawan na lugar. Nagtitingin kami ng maiinom.

"O, ano gusto nyo?" tanong ko.

"Ikaw bahala, beh. Di ko alam mga andito eh." sabi ni Arianne habang nagscascan sa menu na iniilawan ng waiter.

"Ikaw, Lala? Ano mas trip nyo ba? Cocktails or beer?" tanong ko sa kanilang dalawa.

"Magcocktail nga tayo. Ano 'to kuya? Pitcher 'to di ba?" tanong ni Lala sa waiter.

"Opo, ma'am. Pitcher." sabi ng waiter.

"Ok, sige. Eto kayang Weng Weng? Actually, wala rin akong alam dito, pero kakatuwa kasi 'to, baka ma weng weng tayo." suggest ko sa kanila.

"Baka sobra namang nakakaweng weng talaga yan." sabi ni Lala.

Honestly, di ko alam na mas malakas pala tama nung Weng Weng na yun kesa sa ibang cocktails na nandun. Pero yun yung inorder namin. Nagorder na lang ako ng onion rings at fries na pulutan, kasi nasa budget kami eh at yung lang mga mura. Ha ha!

Habang nagaantay kami ng drinks eh tinitignan namin mga sumasayaw. Mukhang in na in si Lala kasi makikita mo yung mga balikat nyang tumataas baba, sumasabay sa beat nung banda. Si Arianne nanonood lang pero ngiting ngiti sya. Dumating na ang drinks namin, isang pitchtel at tatlong shot glass. Humingi si Arianne ng isang basong tubig sa waiter. Kinargahan ko mga shot glass at binigay ko sa kanilang dalawa shot nila.

"Oh, cheers tayo!" sabi ko sabay taas ng shot glass at nagkampay kaming tatlo, sabay inom. Straight up ko yung akin, pati rin si Lala, pero kalahati lang nainom ni Arianne, naubo pa sya.

"Aaahhh... (ubo ubo)... ang lakas..." sabi ni Arianne.

"Sa umpisa lang yan mare, masasanay ka rin." nakangiting sabi ni Lala, sabay tuloy ang pataas baba ng balikat nya.

Nagbreak muna ang banda kaya nagsibalikan sa mga table nila ang mga taong sumasayaw. Pansin kong may mga lalakeng napapatingin rin sa table namin. Pano ba naman kasi, magaganda yung mga kasama ko sa table. Ha ha!

"Uy, sayaw tayo tatlo ha!" sabi ni Lala sa 'kin.

"Ha?" sabi ko. Ayoko ang pinatutunguhan.

"Sasayaw tayo!" inulit ulit ni Lala.

"Di ako marunong sumayaw!" bawi ko.

"Ah, basta! Sasayaw tayong lahat! Di ba mare?" sabi nya ulit.

"Eeh, di ko alam." sabi ni Arianne.

"Kita mo? Ayaw rin ni Arianne." sabi ko.

"Gusto nya yan! Napasayaw ko na sya dati." sabi ni Lala.

"Lala, rockers don't dance!" sabi ko.

"Achuuus! May paganyan ganyan ka pang nalalaman!" bawi ulit nya.

"Eh totoo naman kasi!" pilit ko pa rin. Si Arianne ay nanunuod lang sa sumbatan naming dalawa, parang naaliw.

"Eh ganto kasi, JB. Gusto kong sumayaw. Pero di ako magisang sasayaw dyan, at sasama at sasama si mare." umpisa ni Lala.

"Ngayon, dapat samahan mo kami! Para di kami lapitan ng mga echos na mga lalake dyan na naghahanap lang ng mababastos." explain pa ni Lala sabay kinargahan ulit nya yung shot glass nya at inom.

"Eh, pano 'yang mga handbag ninyo. Baka nakawin dito sa upuan natin?" palusot mo pa rin, at nagtagay rin ako ng sarili kong shot sabay inom. Ayaw kong patalo kay Lala. Tatagayan ko sana si Arianne ng sa kanya rin pero umiling sya at sinenyas nyang meron pa yung shot nya kanina.

"Eh di ibubulsa ko yung pitaka at cellphone ko. Ganun din kay bes. Wala na silang makukuhang mahal dyan. Saka sasayaw naman halos lahat eh, walang magnanakaw dyan." talagang tira ni Lala.

"Eh, di nga ako marunong talaga. Gusto nyo kasayaw nyo parang timbre lang na tumatalon talon?" banat ko ulit.

"Okay lang yun. Walang pakialamanan dito noh. Di mo naman sila kilala di ba? Ang importante, sasayaw kaming dalawa sa 'yo, at di kami mababastos. Ganun lang." huling pasabi ni Laarni.

"Haaay, sige na nga." talong sinabi ko, sabay buntong hininga.

"Yaaay, beeh." nakangiti ring sinabi ni Arianne sabay halik sya sakin.

"Sumasayaw ka rin?" tanong ko sa girlfriend ko.

"Minsan." sabi nya.

Mukhang inubos rin nya yung unang shot nya. Kinargahan ko ulit mga baso sabay kampay kami at inom ng Weng Weng. Sumasarap na yung alak. Nagsindi ulit kami ng mga yosi namin.

Bumalik na ulit yung mga babaeng banda at nagsimulang tumugtog, una ay slow song na di ko alam.

"Kelan tayo sasayaw?" tanong ko.

"Mamaya sa mabilis. Usually mabagal muna tugtog nila, aantayin nilang dumami yung mga sasayaw saka bibilis tugtog nila." explain ng resident expert namin.

"Aaah..." sabi ko na lang. Bahala na. Yung girlfriend ko naman eh nakikikanta na sa banda, mukhang in the mood rin.

Tumagal tagal, nasa sobrang kalahati na yung bawas sa pitcher namin at dumami na rin sumasayaw, ay nagaya na si Lala sa dance floor. Binulsa nung dalawa yung mga wallet at cellphone nila, hawak ko kamay nung dalawa patungo sa sayawan. At di ko na ikukwento kung anung abnormal na sayaw ang mga ginawa ko, let's stick to the girls. Ha ha! Pagkapunta sa dance floor ay taas agad ang kamay ni Lala, may sexing kilos na sayaw ang banat nya. Ang galing! Ang galing nyang sumayaw.

"Mare, 'lika!" hinila nya si Arianne sa tabi nya, pareho silang nakaharap sa 'kin.

"Oh, mare. One, two..." sabi nya. May dance moves pala ang dalawa! Nagsabay silang may steps at nakatingin sila sa akin na dalawa, in sync na sumayaw.

"Wow!" sabi ko na lang. "Galing nyo pala." sabi ko. Mas bigay ang sayaw ni Lala, at mas mahinhin sayaw ni Arianne.

"Oo kaya, dance club kami nung high school noh." sabi ni Lala. "Oh, mare, one two..." sabi nya ulit at may bagong dance moves na naman silang ginawa. Galing talaga.

At gaya nga ng sinabi ni Lala, may mga bugok na na lumapit, pumupwesto sa likod ng magbest friend. Ginawa ko eh nagswitch sides para ako ang nasa dati nilang pwesto at pinunta ko yung magkumare sa mga likod ng isang grupong babae na sumasayaw. Mukhang disappointed yung mga lalake at naghanap ng ibang babaeng tiyetyempuhan.

Natuloy ang sayawan namin, kakabilib ang sayaw ng mga kasama ko samantalang ang alam ko lang ata ay magfist pump! Ha ha ha! Nagpaalam saglit si Arianne, CR daw muna sya at naiwan ulit kami ni Lala. Mula dito ay ang lagkit ng tingin nya sa 'kin. Medyo sumayaw sya ng pagkaerotic dance, malandi ang dating. Humawak sya likod ng leeg ko at parang gumiling. Napahawak ako sa balakang nya. Grabe! Ang wild nya talaga. Di ko pa malilimutan ang sumasabay na kanta.

"I said hey, hey yeah. I love you till the morning comes." kanta ng naunang vocalist.

"I said hey, hey yeah. I'll kiss you till the morning shine." kanta nung pangalawa.

"Teret tet tet tere te, tere re ret tet tet tet tet tee..." tugtog habang naglock ang tinginan namin, at sumasayaw pa rin sya, may pilyang ngiti. Wala na akong pakialam sa paligid ko.

(Btw, ang kanta eh Hey by Fatima Rainey. Rinisearch ko talaga nun at memorable song para sakin.)

Natapos ang kanta ay lumingon ako sa table namin. Andun na si Ariannem, nakangiting pinapanuod kami. Sumenyas akong pumunta sya sa amin pero sumenyas sya na parang sige lang, kayo muna. Sabay inom sya ng tubig nya.

"Balik na tayo? Di kaya makahalata sya." tanong ko Lala.

"Isa pang kanta." sabi nya.

Tumugtog ang Crush ni Jennifer Paige. Tuloy ulit ang sayaw namin. At parang kanina, mesmerized na naman ako sa mga kilos nya, sa lagkit ng mata nya.

"It's just a little crush (crush) Not like I faint every time we touch..." kanta ng isa at second voice yung isang babae.

"It's just some little thing (crush) Not like everything I do depends on you..."

"Sha-la-la-la, sha-la-la-la..." feeling ko ako na kinakausap ng kumakanta.

Natapos ang sayaw namin, pawis kaming dalawa. CR din daw si Lala at ako ay bumalik sa table namin. Hinalikan ko girlfriend ko at tumabi sa kanya. Nagtagay ako ng shot ko sabay tungga.

"Grabe sumayaw si Lala!" sabi ko.

"Oo, beh. Ang galing talaga nyan. Sya nagturo sa akin." ngising sabi ng Arianne.

"Galing nyo pala sumayaw. Ba't di nyo sinabi?" tanong ko.

"Eh ngayon lang naman kasi tayo nagsayawan noh. Kailangan mo matuto, beh. Hi hi hi!" kanchaw nya sa akin.

"Di ba? Sabi ko na sa inyo. Mapapahiya lang kayo pag kasama nyo ako dun." sabi ko.

"Di naman, beh." lumapit sya sa pwesto at hinalikan ako sa pisngi. Yinakap nya ulit braso ko at sandal sa balikat. Bumalik na si Laarni, medyo hinihingal.

"Wow mare, bigay na bigay ka ah. Namiss mo sumayaw noh!" kanchaw ulit ni Arianne.

"Oo, mare. Ang sarap sumayaw ulit. Parang nakakagaan ng feeling! Tara ulit mamaya!" aya pa nya.

Manghang mangha akong nakatingin sa kanya. Tinignan rin nya ako, habang yung ulo ng girlfriend ko nakasandal sa balikat ko. Eto siguro ang complete realization ko na inlove na rin talaga ako kay Laarni, at suspecha ko eh matagal na rin, kaso dinedeny ko lang sa sarili ko.

Chapter 15

Bumili ulit kami ng isa pang pitchel, umorder kami ng isang kulay green naman. Di ko na maalala kung ano pangalan. Mas mild sya sa nauna pero masarap din. Pabalik balik kami sa dance floor at nagenjoy sa sayawan. Nagpalit na sila ng banda. Mga lalake naman. Mas enjoy ko yung naunang banda. Nagsimula sila ng medyo mga slow ulit na kanta.

"Beh, tara. Tayo naman. Habang slow pa kanta nila." aya sakin ni Arianne.

May tatlong magjowa sigurong sumasayaw sa dance floor, at magkahawak kamay kaming pumasok. Parang magkayap lang ang sayaw namin, at sway lang left and right. At least di ako magmumukhang tanga, sabi ko sa sarili ko.

Tumugtog sila una ng Rainbow by South Border. Not really my type of music pero gustong gusto rin kasi ni Arianne at Lala yung kanta. Umiikot lang kaming magkayakap ni Arianne, at sa pagikot namin, nakikita ko ang table kung saan nakaupo si Lala, medyo madilim pero alam kong pinapanuod nya kami. Natapos ang kanta ay next na kinanta nila, medyo tumagos habang naaninag ko si mga mata ni Lala.

"I'll be your dream, I'll be your wish, I'll be your fantasy..."

"I'll be your hope I'll be your love, Be everything that you need..."

Nginitian ko si Lala at ngumiti sya pabawi. Sabay nakita ko ulit na tumungga sya ng shot glass. Tinuloy lang namin sayaw namin.

Nung bumilis ang kanta eh nagbalik kami sa table. Di ko pa pansin pero iba na ang mood ni Lala.

"Oh, habol naman kayo sa shot. Wag kayong ganyan." kinuha nya pitchel at muntik na nyang matabig yung baso ng tubig ni Arianne.

"Oh, ingat mare. Okay ka pa?" tanong ni Arianne.

"Okay pa ako, mare. Ikaw kulang pa, eto shot mo na." malakas na bigkas ni Lala.

Alam kong tamado na rin sya, pero bigla kong napansin yung pitchel, halos kalahati na nabawas. Parang konte lang nabawas namin dito kanina ah. Tinungga namin kasi medyo makulit na si Laarni. Medyo may pangamba akong nararamdaman.

"Uy, Lala. Chill ka lang. Nakarami ka na ata." sabi ko.

"Kaya nga... kaya humabol naman kayo sa 'kin..." sabi nya, medyo may pagkaslurred na ang boses nya, at dumidikhay dikhay pa sya. Nagsindi pa ulit sya ng yosi.

"Oh, shot nyo na yan at marami pa ohh..." sabi nya ulit, parang minamadali kami.

"Maya maya konte mare, please?" mahinang sabi ni Arianne, parang nagmamakaawa.

"Sige. Saglit, CR muna ako tapos sayaw ulit tayo..." sabi nya, tumayo syang medyo alanganin at inalalayan ko muna. Sinabayan ko syang nagtungo ng banyo, may konteng akbay para di sya mahulog pero halfway... siniko nya ako.

"Ako na dito, kaya ko nah." sabi nya, sabay nagtungo sa CR nila.

Aray ko, ang sakit ng tagiliran ko. Langyang lasing na Lala 'to. Nagbalik ako sa table namin at sinamahan ko muna si Arianne. Inaayos nya yung sa table namin.

"Beh, kaw muna umupo dito. Tignan ko si Lala. Parang kinalahati nya tong pitchel eh." napansin rin pala nya. Umupo ako dun at nagtungo sa CR si Arianne.

Lumipas 5 minutes. Wala pa sila. 10 minutes, wala pa rin. 20 minutes na siguro nung bumalik sila, medyo akbay ni Arianne si Lala, may umaalalay rin na waitress sa kanila. Tumayo ako at nagtungo agad sa kanila.

"Beh, tara na. Bayaran mo na muna yung bill natin." sabi ng girlfriend ko, habang pinaupo nya muna si Lala sa malapit na bakanteng table.

Binayaran ko yung bill namin at kinuha ko mga naiwan na gamit namin sa table. Bumalik ako sa kanila at pinalitan ko si Arianne sa pagkakaalalay kay Lala. Pinaakbay ko sya sa 'kin.

"Nagsuka suka sya sa CR, beh." sabi nya.

"Ba't kaya nya kasi binilisan uminom. Dapat sinama natin syang sumayaw." sabi ni Arianne.

"Eh malay ba natin, beh." sabi ko na lang. "Tara."

Mukhang medyo conscious pa naman si Lala kasi nakikisabay sya ng lakad. Pagkalabas namin eh parang nakakabuhay yung malamig na simoy ng hangin. Ang init kasi sa loob at ang usok. May parang maliit na parking lot sa harap ng bar at yung kalsada na.

"Beh, upo muna tayo dito. Pahanginin lang natin si mare." utos ni Arianne.

Pinaupo ko si Lala sa may malaking bato. Si Arianne, tumabi, pinapaypayan nya siya gamit kamay.

"Mare naman kasi." alalang sabi ni Arianne.

Kalahating bumukas mga mata ni Lala. Ngumiti sya, "Hi, mare." sabi nya, sabay yakap sya kay Arianne. Sinandal nya ulo nya sa balikat ng girlfriend ko tapos yinakap rin ni Arianne, hinaplos haplos nya likod nya.

"Oh, okay ka lang ba, mare?" tanong ni Arianne.

"Mareeee..." sagot nya.

"Mareeee, sorry aaah... nalasing ako..." narinig kong sabi ni Lala.

"Ohh... ssshhh... okay lang yan, mare."

"Maareee... sorryyyy, lasing ako ngayonnn..." sabi ulit ni Lala, lumalakas ang boses.

"Oo, mare. Okay lang yun. Ano ka ba?" awat ni Arianne, tuloy nyang hinahaplos likod nya.

"Mareeee... sorryyyy..." sabi nya ulit. "Sorry mareee..." at nagumpisa na syang umiyak.

"Ssshhh. Okay lang yan, mare. Uy, tahan na. Wag ka na umiyak..."

"Shet, mare... sorry talaga!" lumalakas na iyak nya, sabay tuloy tuloy na nyang binuhos, talagang iyak, yung tipong parang bata na di na maawat. Naluluha na rin ako. Alam ko kung ano yung hinihingan nya ng patawad. Lumapit ako at hinaplos ko rin likod nya.

"Waaaahh.... aha aha aha.... mareee... waaaaaah!"

"Ssshhhh... si mare naman oh... may problema ka ba, mare?" naiiyak na rin si Arianne.

Tuloy pa rin ang iyak nya. Gulat ako nung biglang yung kanang kamay nya eh mahinang sumusuntok na sa dibdib ni Arianne.

"Aray! Uy, mare! Aray, masakit... oi!" sabi ni Arianne habang inaawat nya kamay ni Lala.

"Beh, hawakan mo nga kamay nya..." pero inunahan ko na sya. Hawak ko kamay ni Lala, at todo pa rin syang umiiyak.

Naiinis na ako sa sarili ko. Ang bigat na rin ng pakiramdam ng dibdib ko. Pansin kong luhaan na rin si Arianne, at ako naman ay todong pinipigilan kong umiyak. Mga kinseng minuto kaming andun lang sa posisyon na yun, hanggang sa medyo tumahan si Laarni. Humihikbi hikbi na lang sya.

"Okay ka na mare?" tanong ni Arianne.

Di sumagot si Lala pero gumalaw ulo nya, parang tumango.

"Ok, sige. Para na tayo ng taxi ha, para uwi na rin tayo. Makapagpahinga ka."

Tumango na lang ulit si Lala.

Nagpara ako ng taxi at alalay pa rin ni Arianne na sinakay si Lala sa likod habang ako naman sa harap. Pagkarating namin kina Lala...

"Beh, dito ka muna sa labas ah. Ipasok ko lang muna si mare. Baka gising tatay neto eh papagalitan tayo pag kasama ka." sabi ni Arianne.

"Tawagin kita mamaya."

Naupo muna ako sa gilid ng putik na kalsada sa labas. Ang bigat pa rin ng pakiramdam ko. Ano gagawin ko? Di ko alam. Maayos kaya 'to? Sumasakit puso ko para kay Lala, at lalo pang ang sama ng pakiramdam ko dahil sa sobrang pangangalaga ni Arianne sa best friend nya. Kung alam nya lang. Namangha rin ako sa girlfriend ko. Sya ang parang angkora namin sa gabing 'to. Dumaloy na mga luhang kinikimkim ko. Sinuntok ko ulit ang binti ko, paulit ulit.

Di ko namalayan kung gaano ako katagal naghihintay sa labas, pero medyo matagal din. Bumukas yung gate at tinawag ako ni Arianne.

"Beh, 'lika na, pasok dali." bulong nya.

Dali dali akong pumasok at sinara ni Arianne yung gate.

"Namumula mata mo? Umiyak ka rin ba?" tanong nya.

"Ah, hinde. Inaantok lang siguro ako." palusot ko.

"Oh, tara na. Dahan dahan. Kakapasok lang nung uncle sa kwarto nila." bulong nya ulit.

Dahan dahan kaming pumasok, nauna sya at sumilip sa loob, sabay senyas sakin. Binilisan kong pumasok at dumerecho sa kwarto ni Lala. Sumunod rin si Arianne. Nakita kong natutulog na si Laarni sa pwesto nya sa kama. As in, tulog na talaga. Di na naalis ni Arianne ang mga damit nyang panlabas, natanggal na lang nya ang heels na suot nya. Naawa ako sa kanya.

"Eto, suot mo muna 'to. Yung dating shorts niya na sinuot mo rin dati." sabay abot sa 'kin ni Arianne. Nagtanggal ako ng pantalon at sinuot ko na yung shorts. Nagtanggal na rin ng suot si Arianne sa harap ko, wala ng pakialam kung nakahubad sya sa harapan ko, di tulad ng dati na nahihiya pa. Tinanggal nya na yung dress nya, sabay unhook agad nya yung bra nya sa likod, at tumambad agad sakin ang mga suso na. Yinakap ko sya bigla. Panty at medyas na lang ang suot nya. Yinakap ko sya, parang gusto kong pasalamatan sa kanina, at hinalikan ko sya sa pisngi. Dahil sa mga nangyari kanina ay di pa ako ganun kaganado, o nalilibugan. Magkayakap lang kami at parang sumasayaw tulad nung kanina. Hinahaplos ko ang makinis nyang kutis sa likod. Napatingin ako kay Lala, sabay yakap ng mahigpit kay Arianne.

"Beh, tanggalin mo na rin t-shirt mo. Gusto rin kita maramdaman." sabi ni Arianne at sinundan ko naman.

Magkayakap na ulit ang hubad na balat namin. Dama ko ang init ng katawan nya. Medyo tinigasan na rin ako. Hinalikan ko si Arianne, torrid na halikan muli. Linabas nya dila nya at minasahe naman yung nung akin. Humigpit ang yakap ko at patuloy ang aming laplapan. Habang naghahalikan kami eh binuka ko mata ko, napatingin ako sa pwesto ni Lala. Shet, sana ikaw 'to, sabi ko sa isip isip ko, at nararamdaman ko na bigla ang libog. Bigla kong naalala ulit yung kantutan namin ni Lala.

Dahan dahan kong tinulak ang girlfriend ko papalapit sa pwesto namin sa kama. Nung tumama na sya dun ay napaupo muna sya, at tuluyan na nyang tinanggal panty at medyas nya. Sumunod naman ako at hinubad ko na ang shorts ko. Pareho na kaming walang saplot. Tinignan ko ang makinis nyang katawan, parang flawless ang kutis nya. Ang puti pa. Pinahiga ko sya at pinaurong pataas at sumabay na rin akong pumatong sa kanya. Umiinit na rin talaga pakiramdam kong, at nagagalit na talaga pagkalalaki ko. Pinuwesto ko titi ko sa harap ng mukha nya, parang yung ginawa namin ni Lala nuon. Nagets ni Arianne na gusto kong magpatsupa. Wala naman syang angal, sinubo nya agad ang ari ko. Naramdaman ko init ng bunganga nya na pumalib... Read More


About the Author :

Joined: November 13, 2015 (1 year old)
Writings: 10

Send PM · Male · Offline

introvert... extremely shy... working on it...
4 comments   0 favorite   2,659 views