Jenna (Part 1)

July 18, 2015 (1 year ago)
Posted in Story: Fiction, Taglish | Categories: One Night Stand | Tags:

Ang tagal ko na sanang gusto magsulat dito kaso sobrang busy sa acads, so ayun. Ngayon lang nagkaroon ng oras. Gusto ko na talaga ilabas 'tong nakastock na ideas sa imagination ko. Haha. First time ko po magsusuat (ng erotica), so bare with me! And also, baka cliche 'yung kalabasan ng story pero I'll try to write the beast out of me. Haha. Have fun! Thank you. -Jan

"Putangina nila." Bulong ko sa sarili ko. Nakaupo pa din ako sa stairs ng Palma Hall. 9pm na, may nagjojog pa din sa acad oval. Dalawang oras na yata ako nakaupo doon. Ayokong umuwi sa sorority house kasi malamang kukulitin nila akong magkweto. Kaya eto ako ngayon, parang patay na batang nakaupo sa isang madilim na parte ng UP Diliman.

"Ikaw." Nagulat ako sa boses na narinig ko. Though wala akong idea kung sino 'yun, nagulat pa din ako. Kasi medyo madilim talaga, tapos nakayuko pa ako, so hindi ko inakala na may makakakilala sa akin doon. Saka hindi ko college 'yun eh. "Ikaw 'yung girlfriend ni Josh, 'di ba?"

"Ex-girlfriend." Inistress ko 'yung word na ex. Natawa siya. Tumingala ako at nakatayo pala siya sa harap ko. 'Di ko masyado makita mukha niya kasi ilaw lang ng poste 'yung nagbibigay liwanag sa gabing 'yon. Pero sobrang ganda ng mata niya, sobrang bright, sobrang intense ng kulay nitong hazel brown kahit na konting ilaw lang ang tumatama doon. Ngumiti siya ng marealize niyang nakatitig ako sa mukha niya.

"Francis." Sabi niya, sabay abot ng kamay niya. Imbes na makipag-shakehands ay hinawakan ko 'yun para makatayo sa pagkakaupo. Tapos bumaba ako sa hagdan, sumunod siya. Sa tantiya ko, mga 5'10 'yung height niya. Batak ang biceps at sobrang strong ng built ng katawan niya. Putangina. Hottie.

"Jenna." Sabi ko.

"Alam ko, kilala kita. Matagal na." Medyo creepy 'yung pagkakasabi niya so kinunot ko lang 'yung noo ko. "'Di ba, tatakbo ka sa Student Council this school year? Matunog pangalan mo e. Saka achiever ka din daw." Medyo naflatter ako sa sinabi niya so ngumiti lang ako. "Do you smoke?" Tumango lang ako. "Tara." Tapos lumakad siya palayo, nakasunod lang ako sa kaniya. Hanggang makarating kami sa tapat ng Engineering, tapos lumakad kami papasok sa Sunken Garden. "Black lang meron ako e." Sabi niya, sabay abot ng fliptop pack niya. Kumuha ako ng isa, tapos nilapit niya mukha niya sa akin para sindihan 'yung yosi ko gamit 'yung yosi niya. Naamoy ko 'yung buhok niya. Puta, napakabango niya.

Umupo ako sa isang bato doon, tapos siya nakatayo lang sa harap ko. Nakatitig lang kami sa isa't isa. Wala talagang nagsasalita. Nakadalawang stick ako. Siya, hindi ko na nabilang. Tinapon niya 'yung huling yosi tapos inapakan hanggang sa mamatay 'yung baga. "Movie tayo, tara."

Hinawakan niya kamay ko tapos naglakad kami papunta sa isang parking lot. Nagunlock siya ng isang kotse tapos sumakay naman ako. Nagbukas siya ng ilaw sa loob ng kotse. "Alam kong gusto mo makita mukha ko." Ngumisi siya. Tumawa ako.

Gwapo pala siya. Almond-shaped eyes, pareho kami. Pale 'yung labi niya. Matangos ilong niya, pero 'di gaanong pointed. Makinis ang mukha niya. Tapos wavy 'yung hair niya. Gwapo, putangina talaga. "Tell me something about yourself." Sabi niya, tapos he started the car's engine.

"I love coffees, books, films, well, you see, I'm an art student so my life is basically anything that is related to art." Tumango siya. Pero wala siyang sinabi, pero parang gusto pa niyang magsalita pa ako. "Napanood mo ba ako mag-beast mode kanina?" Natawa siya, tapos tumango ulit. Ang sarap lang sa tenga ng tawa niya. Napakagenuine. "Putangina kasi. Nahuli ko na sila dati, kaso 'di ko kinompronta. Eh kanina, kitang-kita na, hindi ko na pinalagpas. Naprovoke ako e!"

"Hahahahahahaha!" Napangiti na lang ako at napatingin sa malayo habang tumatawa siya. "Alam mo, hindi naman kayo bagay ni Joshua." Tumigil siya saglit. "Parang mas bagay tayo." Tumingin siya sa mata ko tapos biglang kumindat. Puta, nahulog puso ko e.

Pinark niya 'yung kotse sa tabi tapos lumabas siya at pinagbuksan ako ng pinto. Pamilyar 'yung lugar. Krus na Ligas lang pala kaya madali lang 'yung biyahe. Pumasok kami sa isang bahay. "Bahay mo?" Tanong ko.

"Namin. My parents are here." Medyo tumawa siya. "Pero nasa taas na sila. Gabi na din e. Umupo ka." Sabi niya, sabay turo sa sofa. Nilapag niya 'yung bag niya sa isang table tapos tinabihan niya ako. Inabot niya 'yung remote ng TV tapos in-on niya. Naglipat-lipat siya ng channel pero ang ending, pinatay din niya ulit. Tinanggal niya 'yung sapatos niya tapos nag-indian sit sa sofa, nakaharap siya sa akin.

Ang nangyari, nag-usap na lang kami. Tungkol sa acads, sa ex ko, sa ex niya, sa aliens, sa pyramid of Giza, sa intergalactic space, tapos hindi ko namalayan...nakadikit na ang labi ko sa labi niya.

&q... Read More

Part #: 1

About the Author :

Joined: December 26, 2014 (1 year old)
Writings: 12

Send PM · Female · Offline

My life is definitely anything that is related to art; so you can say that I am so into literature and sex. So here I am, writing you some lame erotica.
14 comments   1 favorite   4,968 views