Jeep

February 12, 2013 (1 year ago)
Posted in Story: Fiction, Taglish | Categories: First Time, Romance | Tags: , ,

(Note: Ang istoryang ito ay bunga ng aking mga panaginip at ano mang pagkakahawig sa mga pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya.

Ito ay isang pasasalamat rin kay Ser Admin at lahat ng bumubuo ng FSS para sa walang sawang pagintindi sa FSS members at pagpapaganda ng site.

At dedicated ito sa aking mga sisterakas.  *winks* .

Paalala, kung hanap ninyo ay puro sex sa isang istorya, ako na ang nagsasabing huwag ninyo ng basahin ito. )




"Mama sandali po!" ang sigaw ni Alexa habang hinahabol ang papalayong  jeep. Buti na lang at  narinig naman nang driver ang sigaw  at huminto ito para makasakay siya. 


Bakit kasi late pa ako nagising? Sana hindi ako maubusan ng slot sa History II,
ang sabi ni Alexa sa kanyang sarili habang naghahanap ng upuan sa jeep. At nang makakita ng maliit na puwang sa kanang bahagi ng sasakyan, dali-dali siyang naupo at pinagsiksikan ang pwet doon. 

Huling araw na kasi ng enrollment sa universidad kung saan nag-aaral si Alexa ng Economics. At kung hindi siya makapag-enroll sa History II subject, siguradong hindi siya makaka-graduate at mapapahiya sa kanyang mga magulang. Lalo't pinilit niya ang kanyang Daddy na umuwi ng Pilipinas para makadalo sa kanyang graduation.

"Miss, sige ikaw na yung pumasok." ang sabi ng lalaki sa kanyang kaliwa. Umabante ng kaunti ang lalaki para maayos na makaupo si Alexa. 

Wow, bait naman, ang naisip ni Alexa. Pagka-abante ng lalaki ay siya namang pagurong ni Alexa at inayos muna niya ang pagkakapatong ng bag sa kanyang kandungan at saka tumingin sa lalaki para magpasalamat. 

"Thank..." lamang ang nasabi ni Alexa nang makita ang mukha ng lalaki at parang nawalan siya nang kakayahang magsalita.  

Nakangiti ang mga mata ng lalaki habang pinagmamasdan ang babae sa kanyang kanan. Naka-ponytail ang mahaba nitong buhok na may pagka-dark brown ang kulay, medyo maputi ang kutis, bilugan ang dark brown na mga mata, maliit at hindi masyadong matangos ang ilong, at mala-Angelina Jolie ang labi. Parang ang sarap dilaan, ang naisip ng lalaki. 

Napansin din niya na nakatitig lang ang babae sa kanya at tila humihinggal. Mabilis kasi ang pagtaas baba ng tayong-tayong suso ng babae sa ilalim ng suot nitong puting t-shirt na may nakasulat na I LOVE YOU MORE THAN BUR-GER. Hindi maiwasan ng lalaki na pagmasdan ang paggalaw ng mga iyon.

Tulala pa rin si Alexa na nakatitig sa lalaki. Shit ang cute niya! 

Hindi naman gwapo ang lalaki, malakas lang talaga ang sex appeal nito sa mga babae lalo na kapag ngumiti. Hindi lang kasi labi ang nakangiti kung hindi pati ang mga mata nitong medyo singkit. At dahil sa kayumanggi nitong kulay, hindi maitatanggi na lalaking lalaki ang dating niya sa mga babae. 

Sarap sigurong halikan nito. Teka saan ba siya nakatingin? Pagtatakang tanong ni Alexa sa sarili ng mapansin na hindi sa mukha niya nakatingin ang lalaki. Napayuko si Alexa para tingnan kung ano ang tinititigan ng lalaki. 

"Miss mahilig ka ba sa burger?" ang tanong ng lalaki kay Alexa. 

"Hmmp!" ang tugon ni Alexa sa lalaki sabay irap. Kainis! cute sana pero pervert!

Natawa na lang ang lalaki sa reaction ng babae. Suplada pala si Miss Burger.

Kinuha ni Alexa ang kanyang bag at niyakap sa kanyang dibdib at medyo iniwas niya ang kanyang katawan sa lalaki. Hindi na nagkibuan ang dalawa pero nararamdaman pa rin ni Alexa ang pagkakatitig ng lalaki sa kanya. Makalipas ang ilang minuto, laking pasasalamat niya ng makita ang Registrar's building. 

"Mama, para po," sabi ni Alexa sa driver. Tumayo ng payuko si Alexa upang makababa sa jeep. Ewan at kung ano ang pumasok sa isip niya ng bigla na lang niyang tinapakan ng mariin ang kanang sapatos ng lalaking katabi.

"Aray!" ang sigaw ng lalaki.

“Sorry po," sabi ni Alexa at binigyan pa ng malditang ngiti ang lalaki bago siya tuluyang bumaba. 

Pagkababa, tumingin si Alexa sa kanyang relo at ng makita na meron na lamang 30 minutes para makapag-enroll, ay tumakbo na siya papunta ng enlistment room.

Pagkarating sa enlistment room, ay ibinigay niya kaagad ang registration form at ID sa student assistant. 

"Mag-enlist ako sa History II," sabi ni Alexa sa student assistant. 

"Naku, Miss wala ng slot sa History II," ang sagot ng student assistant. 

"Ha?! Bakit meron pang 25 minutes ah, so pwede pa akong mag-enlist."

"Oo nga, pero marami kasing maagang nag-enlist ngayon, kaya napuno kaagad yung class ni Dr. Gomez. Isa lang kasi  ang section na binuksan para sa History II."

"Naku, hindi pwede! Graduating ako. Hindi ako makaka-graduate kung hindi ako makapag-enlist sa subject ni Dr. Gomez," ang mariing sabi ni Alexa sa student assistant.

"Eric, payagan mo na si Miss makapag-enroll. Ako bahalang magpaliwanag kay Dr. Gomez ," wika ng isang lalaki sa likuran ni Alexa. 

Lumingon si Alexa at nagulat ng makita ang katabi niyang lalaki sa jeep. Si Mr. Pervert!!


"Kaibigan mo ba yan Roman?," tanong ng student assistant sa lalaking nasa likod ni Alexa. 

"Oo naman," tugon ni Roman kay Eric sabay kindat kay Alexa. 

Magsasalita na sana si Alexa para pabulaanan ang sinabi ni Roman ng marinig ang sinabi ni Eric. 

"Ganun ba? Hmmm, sige ikaw na bahala kay Dr. Gomez. O ikaw naman dito at nagugutom na ako. Ikaw na lang ang mag-enlist kay Miss dela Vega." Tumayo si Eric at sabay kuha sa kanyang backpack. Tinapik niya si Roman sa balikat bago tuluyang umalis ng enlistment room.

Umupo si Roman sa dating inuupuan ni Eric at kinuha ang student ID ni Alexa. 

"So Miss dela Vega, ano naman makukuha ko kung i-enlist kita sa History II class?"

"Hoy! bawal ang bribery dito sa school!" ang supladang sagot ni Alexa kay Roman.

"A ganun? So i-finalize ko na lang ang class list ni Dr. Gomez. Ipapasa ko na ngayon ang listahan sa kanya." At kunwaring inaayos ni Roman ang mga papel sa mesa at aktong aalis na ng kwarto. 

"Uy, huwag naman agad-agad. Teka lang, ano ba ang gusto mo?"

"Hmm, gusto ko ng…"

Kitang kita ni Alexa kung paano tumingin si Roman sa kanyang hinaharap bago sinagot ang kanyang tanong. "Sabihin mo na para matapos na to" ang pagalit na sagot ni Alexa kay Roman.

Nilubayan ng tingin ni Roman ang suso ni Alexa at tumingin ito sa mga mata ng babae. "Gusto ko ng burger," ang sabi ni Roman at binigyan pa niya si Alexa ng pilyong ngiti. 

Kung hindi lamang kailangan ni Alexa ang tulong ni Roman para maka-enlist sa class ni Dr. Gomez, ay pihadong sasakalin na niya ito at sisipain ng husto. "Yun lang ba? O sige ibibili na kita ngayon pero i-enlist mo muna ako." 

"Hindi lang iyon ang gusto ko. Bago kita i-enlist, ibili mo muna ako ng burger samahan mo na rin fries at coke, gutom na gutom na kasi ako. Iyon ang kapalit ng pag-apak mo sa paa ko. Tapos may utang ka pa sa akin pag sinama kita sa class ni Dr. Gomez."

"Hoy! Hindi ko naman sinasadya ang pag-apak sa paa mo no?! Saka iyong paa mo kasi ang laki at nakaharang kaya naapakan ko."

"Miss dela Vega, hindi nakaharang ang paa ko kanina at alam kong sinadya mo ang pag-apak sa akin. Saka hindi ko kasalanan na malaki ang paa ko. Hindi mo ba alam na pag malaki ang paa ng lalaki eh, malaki rin ang alam mo na." At kumindat ulit si Roman kay Alexa. 

Napapikit na lamang si Alexa sa galit at ng buksan niya ang kanyang mga mata ay nakangiti pa rin si Roman sa kanya. 

"Ok fine! Panalo ka na. Bibili na ako ng Happy Meal sa McDo pero pagkatapos i-enlist mo na ako."

"Teka ayaw ko ng Happy Meal. Gusto ko ng BigMac meal."

"Excuse me, may burger sa Happy Meal. Saka di ba gusto mo ng burger? Wala ka namang sinabi kanina na gusto mo ng BigMac burger. Well, iyon lang ang bagay sa iyo." Tinalikuran ni Alexa si Roman at nagmamadaling lumabas para bumili ng McDo Happy Meal.


Naisihan ako dun ah. Happy Meal?! Si Miss Burger suplada talaga.
Natatawang sabi ni Roman sa kanyang sarili. 

Makalipas ang 45 minutes ay nakabalik na rin si Alexa sa enlistment room. Marami kasing tao sa McDo kaya nahirapan siyang bumili ng pinangakong Happy Meal kay Roman. Nang makapasok sa enlistment room, hinanap niya kaagad ang lalaki pero tanging ang student assistant na si Eric ang nasa loob ng kwarto. Medyo nahihiya pang lumapit si Alexa kay Eric. Nag-aalala siya baka may sinabi si Roman kay Eric tungkol sa kanya. 

"Excuse me, hmmm Eric di ba? Check ko lang yung status ng enlistment ko sa History II," 

"Uy, Miss dela Vega. Tapos na, kanina pa pinasa ni Roman yung class li... Read More

Part #: 1

About the Author :

Joined: December 9, 2012 (1 year old)
Writings: 12

Send PM · Female · Offline

25 comments   1 favorite   6,151 views