Isinumpang Lahi

July 13, 2014 (2 years ago)
Posted in Blog: Tagalog | Categories: Non-Erotic | Tags: ,

Having the chat with Mr. M  earlier and talking about breaking the chain made me think of what was bothering me eversince......this blog was once published at Definitely Filipino and i just want to share it here....i've been working much on breaking the chain myself but then i was not lucky enough....hope my next generation will not suffer the same fate.....

but still I ang wish ko pa rin naman maging happy ako....




Minsan, nakasabay ko ang aking pinsan sa bus. Nagkakuwentuhan kami. Tinanong niya ako sa status ng aking marriage and sabi ko hiwalay pa din. Natawa ako nang sinabi niya na hiwalay na din siya sa asawa.

Napaisip ako at naibulalas ko sa kanya yun. “Di kaya isinumpa ang lahi natin?”

Eh sino naman kasi ang hindi magtataka, ang nanay ko hiniwalayan ang tatay ko, ang kapatid niya hiniwalayan ng asawa nito…ang lola ko nag-asawa at the age of 22, nabalo at the age of 25 ngunit hindi na nag-asawa. At ngayon sa aming henerasyon, ang kapatid ko ay divorced at walang anak din at ako ay ganun din.

At kung iisa-isahin ang bawat babaeng kaapelyido namin sa mother side halos karamihan ay hiwalay sa asawa. Di naman sa nagloko kami…ang lagay nga kami pa ang niloko..o dili kaya nagkasakit ang minahal..namatay o hindi nagkatuluyan.

Sabi naman ng pinsan ko “‘di naman daw siguro, sadyang kapalaran lang naman at circumstances yun”.

Naisip ko ngayon sa pinagdaanan ko sa buhay sadyang kung susumahin ang kaligayahang naramdaman ko sa tanang buhay ko…kokonti ito kesa sa kalungkutang dinanas ko.

Ilang ulit ko mang isipin,  ‘di ko mawari kung sadyang ako nga ba ay masamang tao kaya sukdulan ang pahirap sa kalooban na pinaparanas sa akin.

Kilala ko naman ang sarili ko.. Di naman ako mapang-api, pero bakit ganun. Mula pagkabata,  sadyang lahat ng minamahal ko ay nawawala…

Minsan, nang magkita kami ng nanay ko noon, ako ay 21 years old na.  First time yun after iwan niya ako nung ako ay 1 year old pa lang. Parang gusto kong angkinin lahat.  Sabi ng nanay ko, hindi ako marunong magmahal.  Kasi daw pag sinabihan ako ng I love you nagdududa ako sa taong nagsasabi ng ganun, kaya di ko matanggap….

Ang paliwanag ko naman dun…eh sa walang nagturo sa akin ng ganoon…ang alam ko natatakot akong mawala ang taong importante sa ‘kin. Inaamin ko naman na sakim ako eh. Sakim ako na agawin sakin ang taong mahal ko..pero kahit kelan di ako umiimik kahit nasasaktan ako.

Unfair ba sakin ang mundo…at lahat ng taong pinag-ukulan ko ng pansin ay nawawala at kinukuha sa kin?

Kung ‘di man ay ano?…bakit ganun na lang ang nararanasan ko?… Ano ba ako nung unang panahon at ganun na lang ang karmang pinaparanas sa kin sa kapanahunang ito..totoo kaya ang reincarnation?

Sana naman,... Read More

About the Author :

Joined: June 28, 2014 (2 years old)
Writings: 32

Send PM · Female · Offline

naging napakalungkot ng aking mga nagdaang buwan kung kaya't naisipan kong manahimik...kung malungkot man ang naisusulat ko ngayon ....warm up lang yan.......sabi nga pagnasobrahan sa hagupit.....may tigreng lumalabas sa pagkatao......at yan ay nagwawala na parang kakain ng tao........kung sa pagsusulat.....mas ninanamnam....mas maiiinit.....
24 comments   1 favorite   1,709 views