IMORAL Chapter II

December 30, 2014 (1 year ago)
Posted in Story: Fiction, Taglish | Categories: Taboo, Wife Lovers | Tags: , ,

IMORAL  Chapter IIChapter II

Ginabi nang uwi si Jonas mula sa overtime sa trabaho. Naabutan niya sa labas ng gate ang itim na suv ng kaniyang tiyuhin. Pagsapit niya sa gate, napansin niyang nakabukas iyon. Naisip ni Jonas na malamang ay kakauwi lang ng Tiyo Ramon niya at nakalimutan lang nitong isara ang gate. Tumunog ang bakal na gate matapos niya iyong isara. Napansin din ni Jonas na bukas ang ilaw ng isang kuwarto sa itaas ng malaking bahay. Na marahil ay kuwarto iyon ni Tiyo Ramon.

Naglakad na si Jonas papunta sa kanilang tinutuluyang bungalow sa likod ng malaking bahay.

“Jonas!” tawag sa kanya ni Ramon.

Nasa pintuan ng malaking bahay ang kaniyang tiyuhin. Nakagayak muli ito at tila may lakad. Hawak nito ang susi ng kaniyang sasakyan. Mula sa pinto ay lumabas din ang misis niyang si Nilda.

“Siyangapala Jonas. Tinawag muna ni Alynna kanina si Nilda sa bahay niyo.” Pagsisinungaling ni Ramon, “Baka kasi nabo-bored na daw ang misis mo kaya tinawag niya para makakuwentuhan. Nanood din kami ng movie kanina. Actually, kakaalis lang ng girlfriend ko.”

“Ganun po ba? Salamat po Tiyo Ramon.” wika ni Jonas.

Lumapit si Nilda sa mister. Nilingon niya ang biyenan,”Salamat po pala kanina.”

Makahulugang nagkatinginan sina Ramon at Nilda.

Ngumiti si Ramon. Makahulugan siyang nagsalita sa manugang, “Wala yun. Basta’t pag nabo-bored ka, puntahan mo lang si Alynna. Marami pa daw kayong panonooring pelikula.”

Naglakad palabas ng gate si Ramon,”Jonas, naikuwento pala sa akin ni Nilda na naghahanap din siya ng trabaho dito sa Subic. Well, if you want…I’m looking for an assistant sa mga businesses ko. Hindi kasi puwede si Alynna dahil wala yung tiyaga sa negosyo. Kung okey lang sa’yo…kukunin ko si Nilda bilang assistant ko.”

Hindi agad nakapagsalita si Jonas. Isang dahilan na ang nahihiya na si Jonas sa mga nagawang tulong sa kaniya ng tiyuhin. Tila kalabisan na iyon.

“Pag-isipan mo Jonas. Hindi naman mapapagod ng husto si Nilda. Kelangan ko lang talaga ng assistant sa ngayon.”

“Sige po Tiyo Ramon. Kung okey lang po sa asawa ko eh ayos lang po sa’kin. Sa laki ng naitulong nyo sa’min kahit masuklian man lang namin kayo sa ganitong paraan.”

“Good. Actually napag-usapan na namin kanina ni Nilda ang proposal ko. Sabi niya itanong ko daw muna sa’yo. Very well, since male-late na ako sa pupuntahan ko…si Nilda na ang bahalang magsabi sa’yo ng napag-usapan namin about sa trabahong ibinibigay ko.”

Nagpaalam na si Ramon sa mag-asawa at lumabas na ito para sumakay sa maganda niyang sasakyan. Ilang saglit pa ay umandar na ang suv nito palabas ng subdibisyon.

Habang naroon sila ay nakapansin ng kakaiba si Jonas sa asawa.

“Mahal, may napapansin ako sa’yo”  sabi ni Jonas.

“H-Ha?. B-Bakit? A-Ano yung napapansin mo?”

“Ewan ko ba. Para kasing…”  wika ni Jonas habang tinitingnan si Nilda, “Hayaan mo na Mahal. Kalimutan mo na lang yung sinabi ko.”

Kinabahan si Nilda. Hindi niya batid kung may hinala si Jonas sa kaniya.

Inusisa niya ang mister,”Bakit Hon? Ano bang napansin mo sa’kin?”

“Magtapat ka nga Nilda.” sabi ni Jonas.

“A-A-Anong ipagtatapat ko?” halos hindi makapagsalitang sabi ni Nilda.

“Baka naman pino-problema mo pa rin yung kapatid mo. Hindi ba nag-usap na tayo na susunod din naman si Celine dito? Kelangan lang muna nating makahanap ng malilipatan.”

May disi-nuwebe anyos na kapatid na babae si Nilda na nasa Bisayas. Plano nilang mag-asawa na pag-aralin sa isang kolehiyo sa Subic si Celine sa kurso nitong Optometry. Dalawang taon na lang ay ga-graduate na ang dalagang kapatid ni Nilda na nahinto kailan lang dahil nasira ng malakas na bagyo ang negosyo ng kanilang magulang sa probinsiya.  

 “Nag-aalala lang ako sa kapatid ko.” pagdadahilan ni Nilda, “Kasi baka hindi siya umabot sa nalalapit na semester.”

“Kahit anong mangyari Mahal…makakapag-enroll ang kapatid mo next semester. Kaya huwag ka nang mag-alala.”

 Nagpunta na sina Jonas at Nilda sa likod ng malaking bahay. Kanina pa napapansin ni Jonas ang tila kissmark sa batok ng asawa. Pagdating nila sa kanilang bahay, doon na dinapuan ng matinding pagod si Jonas. Katulad ng mga nakaraang araw, kayod kabayo silang mangagawa sa ginagawang barko. Kanina, isa sa kasamahan niyang quality inspector ang nahulog sa pinakatuktok ng ginagawang barko. Bumigay ang bakal na scaffolding na tinutuntungan ng lalaki habang nag-iinspeksiyon. Nahulog siya sa pinakaibaba ng barko at bumagsak sa malalaking steelbars. Dead on the spot ang kanilang kasamahan. Pansamantalang nahinto ang trabaho ng ilan sa lugar na kinamatayan ng lalaki. Isang ambulansiya ang dumating doon makalipas ang isang oras. Gayunman, tuloy pa rin ang kanilang trabaho. Patuloy si Jonas sa pag-iinspeksiyon ng ilan pang matataas na parte ng barko. Kabado niyang inakyat ang nakakalulang parte ng barko at nagdadasal na sana’y hindi siya magaya sa kaniyang minalas na kasamahan.

Hindi na niya ikinuwento sa asawa ang nangyari. Ayaw niyang mag-alala pa ito. Sa isip ni Jonas, mas mainam nang tiwasay ang isipan ni Nilda. Wala din namang maidudulot ng mabuti kung pag-aalalahin pa niya ang mahal niyang asawa. Nakaupo siya sa sofa habang nagmumuni-muni nang tawagin siya ni Nilda para kumain. Nakahanda na pala ang mainit na pagkain sa hapag-kainan nang hindi namamalayan ni Jonas. Malaking epekto sa kanya ang nangyari kanina sa barko bagay na inilihim niya sa asawa.

Sinabayan siya ni Nilda sa pagkain. Napag-usapan nila habang kumakain ang inaalok na trabaho ni Tiyo Ramon.

“Hon, twenty thousand din iyon buwan-buwan.” ani Nilda,”Di-hamak na mas malaki ang kikitain ko sa tiyuhin mo kesa ‘pag nagtrabaho lang ako sa mga malls dito.”

“Gusto mo ba talaga yung inaalok ni Tiyo Ramon?” tanong ni Jonas habang kumakain.

“Nanghihinayang lang ako. Tsaka ikaw naman ang nagsabi na sukilan natin ang kabaitan ng tiyuhin mo hindi ba? Bakit…Ayaw mo ba Jonas?”

“Hindi sa ganun Mahal.”

“Eh ano? Kasi hindi ko maintindihan kung bakit parang tumututol ka. Eh tiyuhin mo naman ‘yun.”

Hindi maipaliwanag ni Jonas sa asawa na may napansin siya kanina sa tiyuhin. Hindi niya maintindihan pero parang may halong malisya ang tingin ni Tiyo Ramon sa kaniyang asawa kanina.

“Dahil ba mas malaki ang sasahurin ko kesa sa’yo? Iyun ba ang rason Jonas?”

“Iyan ba ang pagkakakilala mo sa’kin Nilda?” sumama ang loob ni Jonas. Ngayon lang niya narinig ang bagay na iyon sa asawa.

Nakonsensiya si Nilda nang hindi na muling kumibo ang mister. Sa halip ay sinabi nitong busog na ito at marahang tumayo sa harap niya. Lumabas si Jonas at dinaan na lang sa sigarilyo ang sama ng loob.  Sinundan siya ni Nilda. Naabutan niyang nakatingin sa malayo ang asawa habang nagsisigarilyo.

“Sorry. Nabigla lang ako.” Mahinang sabi ni Nilda. Nilapitan niya ang mister at yumakap sa likod nito.

“Gusto mo ba talaga Mahal?”

“Trabaho na ang lumalapit sa’kin Mahal. Hangad ko lang naman na makaipon tayo para sa pangarap natin… Sa pangarap nating dalawa.”

“Sige payag na ako. Sabihin mo lang sa’kin kapag nahihirapan ka sa trabaho mo. Maghahanap pa rin ako ng malilipatan natin.”

Ilang saglit pa ay naiwang mag-isa si Jonas habang tinatapos ang paninigarilyo. Nakatingin siya sa kalayuan. Sa mga magaganda rin na bahay na naroon.

Naisip niya ang pangaral ng kaniyang pumanaw na ina,”Mas mabuti ng nabubuhay tayo ng mahirap anak, taas naman ang noo natin dahil nabubuhay tayo ng marangal.” Tama ang kaniyang ina. Ang may-ari ng kumpanyang pinapasukan niya ay ubod ng yaman. Pero nalaman niya ang tunay na kulay ng Intsik na iyon nang madisgrasya ang kanilang kasamahan. Imbes na magkaroon ng habag sa namatay ay nagalit pa ito. Sinermunan niyang lahat ang naroon. Sinisi din niya ang nadisgrasyang lalaki dahil sa tatanga-tanga daw ito. Mas inalala pa ng behong iyon ang pagka-delay ng pagkayari ng barko kaysa sa mga naiwang mahal sa buhay ng isang padre de pamilyang nasawi sa trahedyang iyon.

Pumasok na si Jonas sa loob. Nasa loob na ng kanilang kuwarto si Nilda at nagpapahinga na. Nakagawian na ni Nilda na matulog nang nakaharap sa gilid ng kama. Humiga na rin si Jonas. Panibagong pakikibaka na naman sa trabaho ang haharapin ng pagod niyang katawan kinabukasan. Dinikitan ni Jonas ang nakatalikod na asawa. Naglakbay ang kamay niya sa dibdib ni Nilda. Sinapo niya ang suso ng asawa sa damit nito. Piniga-piga niya iyon.

“Hon, next time na lang.” pakiusap ni Nilda. Halatang inaantok na ang boses nito.

Inalis ni Jonas ang kamay sa dibdib ng asawa. Nasa harapan niya ang buhok ni Nilda. Sa pagkakahiga ng asawa ay muling nakita ni Jonas ang tila kissmark sa makinis na batok ng babae. Mistulang sinipsip iyon ng isang labi. Alam iyon ni Jonas dahil ginagawa din niya iyon sa suso ng asawa.

“Mahal, ano itong nasa leeg mo?”

“Ha? Bakit?”

“Namumula eh.”

“Kinamot ko yan kanina. Me insektong kumagat. Humapdi nga iyan kanina nang nilagyan ko ng alcohol. Parang nairita.”

Napapikit na si Jonas. Nakatulog ito na nakayakap sa asawa. Si Nilda naman ay gising pa…nakatingin naman siya sa dilim. Binalikan niya ang nangyari kanina sa pagitan nila ng biyenan.

Hindi lang sa loob ng banyo nagtapos ang nangyari sa kanila ni Tiyo Ramon. Nasundan pa iyon matapos ang ilang saglit. Dito sa kuwarto nila siya muling inangkin ng biyenan kanina. Sa mismong kamang hinihigaan nila ilang beses siyang nagpagalaw kay Ramon.  Hindi na niya matandaan kung ilang beses silang  nag-espadahan ng dila kasabay ng pagpunla ng tamod ni Ramon sa loob ng kaniyang sinapupunan. Hindi rin totoong nagpunta si Alynna kanina, dinala siya ni Ramon sa kuwarto nito sa itaas kung saan muli silang nagtalik ng makailan pang beses habang nanonood ng bold movies hanggang sa marinig nila ang pagdating ni Jonas.

 *  *  *  *  *  *

“Pre, pinapatawag ka daw ni Mr. Cheong.” sabi kay Jonas ng kapwa niya quality inspector habang nasa isang deck siya at nagtatrabaho.  

“H-Ha? Bakit daw pre?” pagtataka ni Jonas. Ito ang unang beses na makakausap niya ang pinaka may-ari ng kumpanya. Ang department head kasi nila ang tumanggap sa kanya at ito ang nagpapirma sa kaniya ng kontrata.

“Ewan ko pre. Ganyan daw talaga yan dito lalo sa bagong gaya natin. Me sindak factor siyang ginagawa. Nakita mo naman yung nangyari kahapon. Namatayan na nga tayo ng kasama pero parang tigre pa rin siya sa galit habang pinagagalitan tayong lahat.” sabi nito sa kanya.

Pumunta si Jonas sa opisina. May kausap sa telepono ang boss nilang intsik. Pinatuloy siya nito at sinenyasang maupo sa upuan sa harap ng desk niya.

Malamig ang opisina. Panay larawan ng barko ang naroon sa dingding. Ilang blueprints din ang magkakapatong sa desk ni Mr. Cheong.

Ibinaba ng intsik na negosyante ang telepono. Kinuha naman nito ang resume ni Jonas sa lamesa at tiningnan ito sa kanyang harapan.

“Ikaw pala marunong computer? Dito nakasulat ikaw marunong autocad. Ito tama di’ba?”

“Opo Sir. Dati po kasi akong nagtrabaho sa isang maliit na architectural firm. Dun na po ako natuto mag-autocad.”

“Mabuti. Kasi ako meron problema blueprint. Ako sisante aking artist dito dahil lagi absent.”

“Ganun po ba?”

“Oo. Kailangan ko artist. Kung ikaw marunong gusto ko ikaw palit sa kanya.”

“Wala pong problema Sir.”

Ipinakita ng boss niya ang isang blueprint na hindi natapos ng dating artist ng kanilang kumpanya. Ilang sandali pa, nasa harap na ng computer si Jonas sa loob ng opisina ni Mr.Cheong. ang matandang boss naman niya ay may kausap sa telepono. Bagaman intsik ang salita, halatang nagmamando ito sa mga nakakausap.

Matapos ang isang oras, pinuntahan siya ng boss niya upang tingnan ang kaniyang ginagawa. Eksakto namang kakatapos lang gawin ni Jonas ang nakalagay sa blueprint. Nakita iyon ni Mr.Cheong. Tinapik-tapik siya ng matandang intsik sa balikat.

“Ayannn. Ikaw pala talaga marunong gawa plano. Ikaw sayang. Dapat ikaw apply na lang draftsman. Mas laki iyo sahod.”

Ilang beses nang nag-apply dati si Jonas bilang draftsman, sa kasamaang palad ay hindi siya matanggap mula sa hindi niya maipaliwanag na dahilan ng mga employer. Kung kaya’t naglakas loob siyang mag apprentice bilang welder sa pier na sa katagalan ay naging mahusay siya dito. Ito na rin ang panahon na nakilala niya ang asawang si Nilda habang namamasyal siya sa isang mall malapit sa pinagtatrabahuhan. Saleslady doon si Nilda. Humanga agad siya kay Nilda sa unang beses pa lang niya itong makita. At iyon na ang naging simula nila hanggang sa magpakasal sila sa huwes.

“Ikaw gusto gawin kong drafsman?” alok ni Mr.Cheong sa kanya, “Mas laki bigay ko sahod sa’yo kesa ke Bololoy.” Sabi nito ukol sa palayaw ng lalaking department head ng departamento ni Jonas. 

May naririnig din si Jonas na may tagong porsiyento ang kanilang department head sa mga sahod nila. Biro pa nga ng ilan sa kasamahan niyang matatagal na, ikapu daw iyon sa diyos nilang Bololoy. Isa iyon sa mga pantangi nilang diskusyon kapag sabay na kumakain kapag breaktime. Gaya din ni Mr.Cheong, pala sermon din si Bololoy sa mga nagtatrabaho doon.

“S-sige po Sir. Tatanggapin ko po ang alok niyo.”

“Mabuti. Simula ngayon ikaw na dito loob aking opisina magtatrabaho. Diyan ka trabaho computer.” sabi ni Mr.Cheong.

Sinabi ng kaniyang boss ang magiging bagong sahod niya. Di-hamak na mas malaki iyon sa sahod niya bilang quality inspector. Kinalkula ng intsik sa calculator nito ang sinahod ni Jonas sa ilang araw nito bilang quality inspector. Isinulat niya iyon sa voucher at saka pinirmahan. Sinabi ni Mr.Cheong kay Jonas na pwede na niyang kubrahin mamaya sa accounting department nila ang kaukulang sahod sa dati niyang trabaho.  Dahil bukas ay magsisimula na siya bilang draftsman na may mas mataas na rate ng compensation at pati na mga benefits. Hindi maipaliwanag ni Jonas ang tuwang nararamdaman sa hindi inaasahang pangyayari.

Patapos na rin ang oras ng trabaho sa kumpanya, muli siyang bumalik sa harap ng computer kung saan may mga nilagay pang gagawin si Mr.Cheong para sa kaniya.

*  *  *  *  *  *

Naglalakad si Jonas palabas ng kumpanya. Alas sais na ng gabi at pauwi na siya. Medyo nanibago si Jonas. Kadalasan kasi ay halos hilahin na niya ang paa sa sobrang pagod.

“Pre! Na-promote ka daw ni Tandang Tigre ah.” sabi ng lalake sa kanyang likuran. Siya yung lalaking nagsabi sa kanya kanina na pinapatawag siya ni Mr.Cheong.  Nakita ni Rudy si Jonas habang kumakain ito ng tindang mami sa labas habang nasa kinse minutos itong break. Nilapitan niya si Jonas. May mga kalawang pa ang damit nito.

“Ah eh..Oo pre. Ginawa niya akong draftsman.” sagot ni Jonas. Nakasukbit sa likod niya ang bagpack na naglalaman ng maduming damit niya kanina.

“Naks naman. Buti ka pa. Kanina alam mo ba, may nabalitaan akong baka magkatanggalan ng trabahador.”

“H-Ha? Bakit daw?”

“Kasi may nagpasok daw na underqualified na welder. Yun din daw yung naglagay ng scaffolding na tinuntungan nung namatay kahapon.”

“Kung totoo man yan. Nalulungkot ako para dun sa namatay nating kasama.”

“Oo nga eh. Tsaka kapit sa patalim pala yung sinasabing welder na yun. Me sakit pala yung asawa kaya kahit di-gaanong maalam sa welding eh nag-aplay dito.”

“Buhay nga naman.” Buntong-hininga nilang pareho.

 May hawak na isang lata ng gatas na ginawang alkansiya si Rudy “Ngapala Jonas, nag-aambag-ambag kami ng abuloy para kay Diego. ” wika ng lalake ukol sa namatay nilang kasama.

Kumuha ng limandaan si Jonas mula sa kinubrang pera kanina. “Pre, isama mo na ‘tong abuloy ko kay Diego. Kelan ba kayo pupunta sa burol niya?” ani Jonas. Nilagay niya sa alkansiya ang abuloy.

“Pre, nasa morgue pa daw si Diego. Naghahanap pa ng madidilhensiyahan yung pamilya niya. Kanina nagpunta dito yung misis niya. Iyak ng iyak. Paano na daw sila sa pagkamatay ni Diego.”wika naman ni Rudy.

“Ganun ba?”may awang sabi ni Jonas. Muli siyang kumuha ng pera at dinagdagan ang inilagay na abuloy.

“Salamat pre. Alam mo ba iilan lang tayong nagbigay? Kapos din yung mga kasama natin.”

Nag-usap pa ang dalawa. Ilang sandali pa ay nagpaalam na si Jonas. Bumalik naman si Rudy sa kinakain niyang mami dahil patapos na ang kinse minutos niyang break.

Nag-aabang na ng masasakyan si Jonas nang may humintong sasakyan sa tapat niya. Sasakyan iyon ni Ramon. Bumukas ang bintana sa harapan niya.

“Jonas! Sakay ka na.” nakangiting anyaya ni Tiyo Ramon sa kanya.

Sumakay si Jonas sa magandang suv ng kaniyang tiyuhin. Sa halip na tahakin nito ang daan pauwi sa bahay nito ay nag-buwelta ito at binirada ang manibela sa kabilang lane ng kalsada.

“Galing ako sa bahay. Actually, nandun si Alynna ngayon at kakuwentuhan niya si Nilda.”

Hindi maintindihan ni Jonas ang nais ipahiwatig ng tiyuhin. Nagmaneho lang ito at lumiko sa isang kalsada kung saan may mga bukas na bar sa gabi.

“Palamig muna tayo saglit Jonas. Kahit ilang shot lang bago tayo umuwi.” Ani Ramon.

Gusto na sanang umuwi ni Jonas. Subalit dahil hindi siya makatanggi lalo pa’t request ng kaniyang tiyuhin, tahimik lang siyang naupo habang isa-isang kinikilatis ni Ramon ang mga bar na nakikita. Pumarada ang sasakyan ni Ramon sa isang magandang ktv bar. May seksing babae na sa tingin ni Jonas ay isang gro ang nasa labas. Bumaba sila ng tiyuhin sa sasakyan at pumasok sa loob. Tiningnan si Jonas ng seksing babae. Tantiya niya ay nasa dise-otso anyos lamang ito. Sinundan pa siya ng tingin nito hanggang sa makapasok sila ni Ramon sa loob.

Batid ni Jonas na maraming ganitong uri ng bar sa lugar na iyon. Kagaya din ito ng Ermita at Pasay. Iba-iba nga lang ang tawag--- Beerhouse, Casa, Cabaret, KTV, Patay-Sindi, Club at kung anu-ano pa…pare-pareho lang din namang bar ang mga iyon. Alak at babae din naman ang bentahe nilang pare-pareho. Lugar kung saan madalas ay hindi lang alak ang nasa menu. Nagpupunta din dito ang mga gustong makatikim ng binabayarang kaligayahan.

 Ilang beses nang nadadaanan ni Jonas ang mga kagaya nito sa jeep sa pag-uwi niya sa gabi lalo pa noong nasa Maynila pa siya . Sa umaga ay tila ordinaryong establisimento lamang ang mga ito. Pero sa pagkagat ng dilim,  nagkakabuhay ang mga ito mula sa makulay at nagkikislapang bumbilya na may mga larawan ng mga magaganda’t batam-batang babae na siyang pang-akit nito sa mga parikyanong kalalakihan.

 “Umorder ka ng alak na gusto mo.”sabi ni Ramon sa pamangkin.

Apat na bote ng pilsen ang inorder ni Jonas sa waiter. Si Ramon naman ay umorder ng isang bote ng scotch at pati na ang kanilang pulutan.

Saglit lang ay dumating agad ang inorder nila. Isang plato naman ng special sisig ang inilapag ng waiter sa harapan nila.

“Kamusta yung trabaho mo?”tanong ni Ramon

“Ayos naman po. Kanina ginawa akong draftsman sa kumpanya.”

“Congrats Jonas. Let’s cheers to that.”

Uminom silang dalawa. Napatingin sila saglit sa isang seksing babae na nasa stage di-kalayuan sa kanila. Iniilawan ito ng mga spotlight habang nagsasayaw ng naka two-piece. Gumigiling ang makinis nitong balakang kasabay ng seductive saxophone classic ni Kenny G. 

Muli silang nag-usap, “Kanina sinabi ni Nilda na pumapayag ka na daw na mag-work siya sa’kin.”ani Ramon.

“Opo Tiyo Ramon.”

“Salamat kung ganoon Jonas. Kailangan ko din talaga ng assistant sa negosyo ko. Alam kong mapagkakatiwalaan ko si Nilda. Kasi asawa mo siya. Sino pa bang magtutulungan ‘di ba?”

“Salamat din po Tiyo Ramon. Malaking bagay ang pagtira namin sa inyo habang naghahanap kami ng malilipatan.”

“Well, sabi ko naman sa’yo. Bukas ang bahay ko sa’yo Jonas…sa inyo ng misis mo. Anytime. Gaya nga ng sabi ko, ikaw na lang ang natitirang kamag-anak ko.”

“Wala po ba talaga kayong kamag-anak ni Nanay? O kapatid man lang?”

“Wala. Dalawa lang kaming magkapatid ni Ligaya.”wika ni Ramon ukol sa pangalan ng ina ni Jonas.

Uminom si Ramon sa baso at muling nagsalita. Nagkuwento na ito kay Jonas,”Rebeldeng kabataan ako nung kaedad kita. Marami akong naging bisyo…alak,sugal…Babae. Malayong-malayo ako sa ugali ng nanay mo. Mabait si Ligaya. Tsaka tanda ko pa…Ang nanay mo ang pinakamaganda sa bayan namin. Tingin ko alam mo rin naman na may lahi tayong kastila. Ang lolo’t lola mo ang may-ari ng isa sa malaking azucarera sa lugar natin nung bata pa kami ng nanay mo. Pero nalulong sa sugal ang lolo mo. Siya ang dahilan kung bakit nalugi at naibenta ang azucarera. Sinisi niya ang sarili dahil sa pagkalugi ng kabuhayan natin noon. Naapektuhan siya ng husto. Nagkasakit siya at naubos ang pera ng pamilya natin sa pagpapagamot sa kaniya hanggang sa mamatay siya. Namatay naman ang lola mo nang nag-asawa na ang nanay mo. Ako naman nang mamatay ang lola mo, nagpunta ako sa Maynila na natuloy sa abroad.”

Tanda ni Jonas ang kuwentong iyon ng kaniyang ina. Subalit wala itong masyadong naikukuwento tungkol kay Tiyo Ramon. Maagang namatay ang tatay ni Jonas sa sakit sa puso. Ang ina naman ni Jonas ay namatay noong nasa Maynila na si Jonas at nagtatrabaho. Siya lang ang naging anak ng nanay niyang si Ligaya dahil hindi na ito nag-asawa pang muli. Nagturo na lang ito sa pampublikong eskuwelahan hanggang sa dapuan ito ng karamdaman habang nasa Maynila si Jonas. Umuwi si Jonas at inasikaso ang ina hanggang sa pumanaw ito. Hindi na inabot ng ina ang makitang nakapag-asawa ang kaniyang unico hijo.

“Mabuti nga po at pinalad kayong umasenso Tiyo Ramon.”ani Jonas. Muli siyang uminom sa bote ng pilsen na hawak. Nangalahati agad iyon.

 “Sinuwerte lang ako sa pagsusulat. Kung tutuusin, libangan ko lang ito nung umpisa. Pinalad namang nagustuhan sa ibang bansa ang librong isinulat ko habang nagtatrabaho ako sa abroad.”

“Ganun po ba? Mahusay din kasi talaga kayong magsulat Tiyo Ramon kahit dati pa.”

“Teka nga pala, parang tanda ko dati nung maliit ka pa binabasa mo yung mga istoryang sinusulat ko sa mga luma kong notebook dati eh. Bata ka pa lang talaga mahilig ka nang magbasa. Tsaka nagtatanong ka pa sa’kin dati kung magiging kagaya mo din ako na mahilig magsulat.”

“Ang totoo niyan Tiyo Ramon, mahilig din akong sumulat ng kuwento. Pero ang kuwento ang walang hilig sa’kin eh.”

Natawa si Ramon, muli siyang lumagok ng alak sa baso,”Ang maipapayo ko lang sa’yo, kung hilig mo talaga…wag mong isuko dahil lang hindi mo nagustuhan yung sinulat mo. Gaya ko, kapag wala akong maisip na idea lumalabas ako. Nag-eenjoy gaya ngayon. Kasi kung pipilitin ko yung sarili ko for the sake lang na matapos ko yung istorya…hindi ko nabibigyan ng justice yung kuwentong sinusulat ko. Hinog sa pilit ika nga Jonas. Iyan ang kaibahan ng pressure kang tapusin ang kuwento kumpara sa inspirado kang tapusin ang sinusulat mo. Tingin ko sa’yo madali ka lang mainip.” 

Natawa si Jonas sa huling sinabi ng tiyuhin. Muli silang nagkuwentuhan habang umiinom.

“Siyangapala, ipagpapaalam ko si Nilda sa’yo bukas. Tutal pumayag ka na maging assistant ko siya. Isasama ko siya bukas sa Maynila para siya ang mag-aayos ng papeles ng bagong apartment na nabili ko sa Maynila. Isasabay ko siya paluwas habang ako naman eh may booksigning na pupuntahan. Sabay na rin kaming uuwi pero baka gabihin lang kami ng kaunti.”ani Ramon.

Hindi na tumutol si Jonas,”Ah eh…S-Sige po. Alam na po ba ng misis ko na pupunta kayo ng Maynila bukas?”

“Oo. Siya na rin ang nagsabi na itanong ko muna sa’yo kung okey lang.”

Ilang sandali pa silang nag-usap. Matapos iyon ay tinawag na ni Ramon ang waiter at kinuha ang kanilang chit. Matapos magbayad sa waiter ay tumayo na silang dalawa.

“Tiyo Ramon, kaya nyo pa bang mag-drive?”

“Oo naman. Kaunti lang naman ang nainom ko.”wika ni Ramon.

Naiwan sa lamesa ang paubos ng laman ng long neck na bote ng scotch. Naubos naman ni Jonas ang apat na bote ng pilsen. Tila nasa dugo nila ang matagal kapitan ng tama ng espiritu ng alak. Tuwid pa ding maglakad si Ramon. Si Jonas naman ay nakadama ng pagkabitin bagaman kontrolado ang sarili dahil may pasok pa siya kinabukasan.

“Gusto mong mang-chicks muna tayo bago umuwi?”kayag ni Ramon sa pamangkin.

May ilang babae na nakatayo malapit sa kanila. Alam nilang dalawa kung ano ang trabaho ng mga iyon. May lalaking bugaw na lumapit sa kanila habang pasakay sila sa sasakyan.

“Boss, goodtime? Batambata…Maganda…Sariwa…Masarap”sabi ng bugaw sa kanila.

“Magkano naman?”tanong ni Ramon.

“Two-five. Sing and dance na boss.”wika ng bugaw. Ang sing and dance na iyon ay nangangahulugan ng tsupa at paggiling habang nakaibabaw ang babae sa costumer nito na lalake.

“Baka magka-Nawasa naman ako niyan.”pabirong sabi ni Ramon ukol sa salitang Nawasa na salitang kanto sa sakit na tulo.

“Wala boss. Bago lang yung ibibigay ko sa’yo. Dalagang-dalaga. Sariwa.”sabi ng bugaw. Tinawag niya ang isang babae mula sa mga nakatayo doon.

Lumapit ang isang dalaga. May itsura ito. Nanghinayang si Jonas sa babaeng iyon. Maganda kasi ito at batambata pa ang hitsura.

Bumulong ang bugaw kay Ramon, “Ano boss, game na? Sabi ko sa’yo bago yan eh. Masarap yan boss.”

“Hindi ako boss, busabos ako. Driver lang ako nitong boss ko.”turo ni Ramon kay Jonas.

Napakamot na lang sa ulo ang bugaw nang pumasok na ang dalawang lalake sa magandang sasakyan at umalis.

 “Loko yun ah.”natatawang sabi ni Ramon habang nagmamaneho.

Nagsalita ulit ito,”Alam mo bang natikman ko na yung babaeng iyon. Tandang-tanda ko pa yung alupihan niya sa tiyan.”

“Alupihan sa tiyan?”pagtataka ni Jonas.

“Alupihan…ibig sabihin tahi iyon sa tiyan niya nang manganak siya ng caesarian. Para kasing alupihan ang pagkakatahi sa tiyan niya.”

Dumating na sina Jonas sa bahay. Si Nilda na ang nagbukas ng gate matapos siyang itext ni Jonas na magkasama sila ni Tiyo Ramon. Na uminom muna sila.

Nagmano si Nilda kay Ramon sa pagbaba nila ni Jonas sa sasakyan. Inabot naman ni Ramon ang kamay sa manugang,”Nilda nasabi ko na kay Jonas ang lakad mo bukas sa pag-aayos ng papeles ko.”wika ni Ramon.

“S... Read More


About the Author :

Joined: July 11, 2014 (2 years old)
Writings: 78

Send PM · Male · Offline

I love to write erotic stories. I also write in Wattpad under the same name. My stories will be published soon.
15 comments   5 favorites   13,892 views