Ikot ng Baso

March 25, 2016 (8 months ago)
Posted in Poem: Tagalog | Categories: Erotic | Tags:

Tunggain mo ang baso, hanggang masaid ang alak.
Wag mong sasayangin, ang kahuli-hulihang patak.
Pagkat ang kasunod mo'y, sabik ng lumaklak.
Sa serbesa mong tangan, at humahalimuyak.

Sa  sarap ng tagayan, tayo'y nagtatawanan.
Hindi alintana, mga problemang nakagisnan.
Sa sandaling panahon, lungkot malilimutan.
Basta't ang kasama, ay barkadang kainuman.

Ayos lang na lumabis, ang tagay sa iyong bibig.
Wag lamang sosobra, sa pulutang tinitipid.
Pagkat mani lamang, ang siyang magiging kapalit.
Kung lalantakan mo, pulutang sisig na mainit.

Punuin mo ang tagayan, parang mauubusan.
Wag mo lang itatapon, sa likod ng kainuman.
Kapag ika'y nahuli, ay malilintikan.
Di ka na makakasam... Read More

About the Author :

Joined: September 8, 2013 (3 years old)
Writings: 34

Send PM · Male · Offline

Love is blind, but open ur mind!
Sex first den next seven....lol:-)
13 comments   2 favorites   887 views