Ikaw Ang Miss Universe Ng Buhay Ko Part 8

May 20, 2016 (6 months ago)
Posted in Story: Fiction, Taglish | Categories: Romance | Tags:

Matapos makuha ang koronang BB Pilipinas Universe ay muling hinasa ni Lawrence si Pia para sa Miss Universe. Mas lalo pa nila itonh pinaghandaan at bantay sarado si Lawrence at Gardo dito. Maliban sa kinakain ay sinasamahan din siya ng kanyang boyfriend sa gym. Hinasa muli ng talent manager ang kanyang tindig pati na ang pag sagot sa mga judges lalo sa sa Q&A.

Tatlong buwan ang lumipas ay nagtungo na ng Malaysia si Pia para sa nasabing patimpalak. Mas marami pang nag gagandahang dilag na kandidata sa patimpalak nito. Ibat ibang laki ang mga kalahok dito pero hindi nagpadala sa kaba si Pia.

Pagsapit ng nasabing patimpalak ay nagrampahan na ang lahat ng kandidata mula sa ibat ibang bansa. Dito magsimula na ang kanilang entrada at maayos naman itong nagawa ni Pia. Sinubaybayan naman ng kanyang mga mahal sa buhay ang pagsabak niya dito at oanay ang kanilang hiyaw tuwing tatawagin ang pangalan niya.

Nagpaseksihan sila sa kani kanilang swimsuit at pa bonggahan naman sila sa kanilang evening gown. Muli ay pinalad mapasama si Pia sa Top 15 hanggang sa Top 5. Pag dating ng kanyang Q&A ay buong kumpyansa niyang nasagot ang katanungan sa kanya ng hurado. Napaganga ang huradong ito at napa palakpak ng malakas.

Makalipas ang ilang sandali ay inanunsyo na ng host kung sino ang nanalo. Sa ikalawang pagkakataon ay nagulat siya nang sinabing siya ang nanalo bilang Miss Universe. Napaluha sa tuwa si Pia nang ipinasa na ng reigning Miss Universe sa kanya ang korona at sash. Napalakas naman ang hiyaw ng mga mahal sa buhay ni Pia nang mapanood ito sa TV. Ultimo si Lawrence ay napatalon sa tuwa at panay ang pag update niya sa kanyang social media account.

Matapos mapanalunan ang korona ay tumuloy na siya sa kanyang hotel at tinawagan niya agad ang kanyang mga mahal sa buhay via skype.

Pia: Itay, inay, Benjo, Jack, Gardo kumusta kayo?

Itay: eto anak mabuti.

Inay: anak alagaan mo ang sarili mo ha.

Jack: Ate may good news ako sa iyo.

Pia: Ano yun?

Jack: Ate magtatapos na ako next month. Sana nandito ka.

Pia: Wow Congrats! Sige magpapaalam ako at uuwi ako dyan. Full force din kami.

Jack: Salamat Ate.

Pia: Gardo. Kumusta ka naman?

Gardo: eto mabuti naman. Maganda din ang pasok ng trabaho sa opisina.

Pia: wow! Pagbutihan mo yan ha.

Gardo: Oo naman. Miss ka na namin dito.

Pia: ako din. Sige magppaalam muna ako ngayon ha. Tatawag ulit ako.

Lahat: Ingat ka.

Matapos ang patimpalak ay nagtungo na siya na New York upang gampanan ang kanyang tungkulin bilang Miss Universe.

Pagdating sa New York ay tumuloy siya sa isang magarang apartment na ipinahiram sa kanya ng organisasyon. Habang kausap ang mga organizer ay nagpaalam siya sa pag uwi niya sa Pilipinas para sa graduation ng kanyang kapatid. Pumayag naman ang mga ito at masaya niya itong ibinalita sa kanyang pamilya.

Pia: itay, inay, Benjo, Jack. Makakauwi ako sa graduation ni Jack.

Jack: salamat ate.

Itay: anak miss ka na namin.

Pia: ako din po... Read More


About the Author :

Joined: December 29, 2015 (11 months old)
Writings: 95

Send PM · Male · Offline

I am a very friendly person. I hate people who are credit grabbers
0 comment   0 favorite   1,417 views