Ikaw Ang Miss Universe Ng Buhay Ko Part 5

May 6, 2016 (7 months ago)
Posted in Story: Fiction, Taglish | Categories: Romance | Tags:

Isang araw habang naglalakad sa mall kasama ang bestfriend niyang si Paula ay sinabi niya na sinagot na niya si Gardo.

Pia: Best guess what?

Paula: ano yun?

Pia: Sinagot ko na si Gardo.

Paula: wow congrats best.

Pia: salamat best.

Nagpatuloy sila sa kanilang window shopping hanggang sa may lumapit sa kanya.

Guy: Excuse me miss. I am Lawrence Castro. Isang talent manager. Naghahanap ako ng pwede kong isali sa BB Pilipinas. At 100% sure ako mananalo ka.

Pia: Ho?

Inabot ni Lawrence ang calling card niya sa dalaga.

Lawrence: by the way ito ang calling card ko. Tawagan mo lang ako ha.

Pia: sige po.

Pagkaalis ni Lawrence ay kinumbinsi ni Paula si Pia na sumali.

Paula: best sali ka na. Malay mo manalo ka nga talaga.

Pia: best pano naman ako mananalo. Eh di hamak naman na marami pang mas magaganda sa akin at mas matalino.

Paula: eh bakit hindi mo subukan? Malaki din premyo dun. Malay mo ikaw pa maging Miss Universe. Yun nga lang baka malimutan mo na kami ha.

Pia: kung mangyayari man yun eh yun ang hinding hindi ko gagawin. Ang kalimutan kayo.

Matapos magliwaliw sa mall ay umuwi na si Pia at dito kinausap naman niya si Gardo.

Pia: Hon may nagbigay sa akin ng calling card. Kinukumbinsi akong sumali sa BB Pilipinas.

Gardo: Wow! Pagkakataon mo na yan Hon. Bakit hindi mo subukan?

Pia: Gardo naman marami pang mas maganda sa akin. Mas matalino, mas maganda ang korte ng katawan.

Gardo: susubukan mo lang naman eh. Malay mo makachamba ka.

Napaisip si Pia sa sinabi ni Gardo lalo na't malaki din ang premyo dito. Maari niyang maiahon ang kanyang pamilya dito. Kinunsukta niya ang kanyang pamilya ngunit bayolenteng tumutol ang kanyang ina.

Nanay: ANO??? PIA HINDI NAMIN IGINAPANG NG AMA MO NA MAKAPAGTAPOS KAYO SA PAG AARAL PARA RUMAMPA! TAPOS ANO? RARAMPA KA TAPOS IPAPAKITA MO ANG IYONG KATAWAN???

Pia: inay hindi naman po ganun yon. Sayang naman po kasi ang premyo. Malaking tulong ito sa atin para maiahon natin ang buhay natin. Para din ito kay Jack inay. Graduating na si Jack at ayoko siyang matigil sa pag aaral.

Nanay: BAKIT? GINAGAWA NAMAN NAMIN NG TATAY MO ANG LAHAT AH! TATAY MO NGA NAGPAPA DOUBLE SHIFT PA LALO NA PAG MALAPIT NA ANG BAYARAN!

Pia: alam ko po yon inay. Gusto ko lang naman pong makatulong sa inyo ni itay. Nahihirapan po ako tuwing nakikita kong nagkakanda kuba na kayo sa pagtratrabaho. Inay hayaan niyo naman po akong tumulong. Marami na kayong isinakripisyo ni itay sa aming magkakapatid. Hayaan mo naman na makapag ambag kami.

Niyakap ni Pia ang kanyang ina pero nagpumiglas ito at nag walk out. Umiiyak si Pia matapos ang komprontasyon nilang mag ina at pinatahan naman siya ng dalawa niyang kapatid na sila Benjo at Jack.

Benjo: Ate tama na. Ako na bahala kumausap kila itay at inay.

... Read More


About the Author :

Joined: December 29, 2015 (11 months old)
Writings: 95

Send PM · Male · Offline

I am a very friendly person. I hate people who are credit grabbers
0 comment   0 favorite   2,105 views