Ikaw Ang Miss Universe Ng Buhay Ko Part 12

May 24, 2016 (6 months ago)
Posted in Story: Fiction, Taglish | Categories: Romance | Tags:

Makalipas ang dalawang araw ay nakalabas na ng ospital si Gardo at punagpahinga muna ng kanyang boss. Pinagbigyan naman ni Pia ang kahilingan ni Marcus na maging prom date bago siya bumalik ng America. Halos kalahating taon paang bubunoin niya para matapos ang kanyang korona.

Sa prom ni Marcus ay na star struck ang mga batchmate niya sa kanya. Miss Universe lang naman kasi ang kanyang prom date. Dito panay ang pa picture kay Pia ng kanyang mga batchmate at bilib na bilib sila kay Marcus. Isinayaw ni Marcus si Pia ng gabing iyon. Ninamnam ni Marcus ang gabing iyon na ka date niya ang dati niyang tutor na Miss Universe. Nang matapos ang prom ay ihinatid na ni Marcus si Pia sa kanilang tahanan.

Marcus: Maam Pia thank you very much.

Pia: walang anuman. Tsaka Ate Pia na lang. Masyado mo akong pinapatanda eh. Hahah.

Marcus: Sige po Maam Pia este Ate Pia pala.

Niyakap ni Pia ang kanyang dating estudyante at nagpaalam na da isa't isa. Isang linggo na lamang ang natitirang bakasyon ni Pia bago siya bumalik sa New York upang tapusin ang kanyang obligasyon. Dito ginugol niya ang kanyang oras kay Gardo at kanyang pamilya. Dito panay pa rin ang kanchaw ni Gardo kay Pia.

Gardo: Kumusta ang young at heart? Hahaha

Pia: syempre maganda pa rin. Ikaw naman tumanda ng paurong. Hahaha

Masaya si Pia sa takbo ng buhay niya ngayon. Binalewala naman ni Joe Espinosa ang estado ng buhay ni Pia at siya pa rin ang napili nitong image model ng kanyang mga damit.

Nang matapos ang kanyang bakasyon ay bumalik na sa New York si Pia at namalagi siya doon hanggang matapos ang kanyang korona. Halos anim na buwan din siya sa New York hanggang sa naipasa na niya ang kanyang korona sa bagong Miss Universe ng taong iyon. Umuwi naman agad sa Pilipinas si Pia matapos ang kanyang obligasyon. Dito sinalubong agad siya ni Gardo pati na ng buong pamilya niya.

Dito niyakap siya ng mahigpit ni Gardo. Miss na miss na niya ang kanyang nobya at ngayon ay makakasama na niya ito.

Pia: Pano yan? Hindi na ako Miss Universe. Mahal mo pa rin ba ako?

Gardo: kahit wala na sa iyo ang korona. Ikaw pa rin ang Miss Universe ng buhay ko.

Napaiyak sa tuwa si Pia nang sabihin ito sa kanya ni Gardo at niyakap niya ito ng mahigpit. Ninamnam na nila ang pagiging magkasintahan at nagpatuloy sa kanilang buhay. Nakabili ng bagong bahay si Pia para sa kanyang pamilya sa isang sikat na subdivision. Bunga ito ng kanyang pagod at pagsisikap. Si Gardo naman ay nakabili na ng townhouse para sa lipatan nilang mag tyahin pero tinanggihan ito ni Norma.

Gardo: chang naman. Bakit ayaw mong sumama sa akin?

Norma: Gardo masaya ako at ako ang inaalala mo. Pero dito na ako ipinanganak, lumaki, nagka isip at tumanda. Masakit sa akin iwan ang lugar na ito. Yang bahay na yan ay para sa inyo ni Pia.

Tinanggap naman ni Gardo ang desisyon ng kanyang tiyahin at inayos at pinaganda na niya ang bahay nito. Naging maganda ang takbo ng trabaho ni Gardo at naglakas loob siyang magtayo ng sariling kumpanya. Full support naman si Pia sa naging desisyon ni Gardo. Kaliwat kanan naman ang guesting at hosting job ni Pia at malayo na rin ang kanyang narating. Pinatigil na niya sa trabaho ang kanyang mga magulang dahil sobra na rin ang kanilang sakripisyo sa kanilang tatlo. Kahit na busy sa kanilang trabaho ay hindi naman sila nawawalan ng oras sa isat isa.

Makalipas ang mahigit isang taong ay nag propose na si Gardo kay Pia. Romantic ang kanyang proposal sa isang magarbong restaurant at iniabot sa dalaga ang singsing sabay luhod.

Gardo: Pia, will you marry me?

Napaluha sa tuwa si Pia.

Pia: Yes. I will marry you.

Kinabukasan ay pormal nang namanhikan sila Gardo at Norma sa bahay nila Pia. Tanggap din naman ng pamilya ni Pia si Grado dahil sa bait at sipag nito. Halos limang buwan ang naging preparasyon nila sa kanilang kasal. Kinuha nilang ninong at ninang sila Mr Yap at nobya nitong si Pia. Hindi rin naman nawala si Marcus at dalawang kapatid niya bilang abay sa kasal nila. Maid of Honor naman ang bestfriend ni Pia na si Paula.

Nang malapit nang matapos ang seremonya ay iniabot ni Mr Yap ang regalo niya sa mag asawa. Naka red envelope ito. Kaugalian kasi ito sa kultura ng tsinoy.

Mr Yap: Pia gift naming tatlo para sa inyo ni Gardo.

Pia: Ano po ito sir?

Mr Yap: Buksan mo.

Binuksan naman agad ni Pia ang nasabing envelope at laking gulat niya sa kanyang nakita. Plane ticket ito papuntang Maldives with matching hotel accomodation.

Pia: Sir this is really too much.

Mr Yap: Pia you already did a lot to our family. Parte ka na ng pamilya at buhay namin.

Napayakap si Pia kila Mr Yap, nobya nitong si Pia at sa dati niyang estudyante na si Marcus. Halos maluha sa tuwa si Pia.

Pia: Thank you very much.

Marcus: You're always welcome Ate Pia.

Matapos ang reception ay pu... Read More

Part #: ...12

About the Author :

Joined: December 29, 2015 (11 months old)
Writings: 95

Send PM · Male · Offline

I am a very friendly person. I hate people who are credit grabbers
2 comments   2 favorites   1,058 views