Ikaw Ang Miss Universe Ng Buhay Ko Part 11

May 24, 2016 (6 months ago)
Posted in Story: Fiction, Taglish | Categories: Romance | Tags:

Kinabukasan ay pinuntahan nila si Joe Espinosa at ipinakilala naman ni Lawrence ang dalaga. Habang papasok sila Pia at Lawrence ay napagtripan sila ng tatlong adik. Sakto namang dumating si Gardo ng mga oras na iyon at hindi na siya nag dalawang isip iligtas ang kanyang nobya. Nilabanan niya ang tatlong adik at nakawala naman si Pia ng maayos. Naitaboy ni Gardo ang mga adik ngunit nachambahan siya ng isang adkin at nasaksak siya sa tagiliran.

Tumakas agad ang tatlong adik at agad namang pinuntahan ni Pia ang kanyang nobyo. Panay ang tulo ng luha ni Pia habang nakahiga sa kalsada ang kanyang nobyo. Humingi naman agad ng saklolo sila Joe at Lawrence at eksakto namang may humintong sasakyan at nag alok ng tulong.

Boy: Maam Pia sakay na.

Tulala si Pia at hindi niya kilala ang lalakeng nag alok ng tulong.

Boy: Maam Pia sakay na.

Pinagtulungan nung lalake at ng kanyang driver na maisakay si Gardo sa sakakyan kasama si Pia, Lawrence at Joe sa hospital. Nang makarating sa hospital ay sinugod agad sa emergency room si Gardo upang magamot.

Habang nasa ospital ay tulala pa rin si Pia sa taong tumulong sa kanya.

Pia: excuse me sir. Tanong ko lang. Ano pangalan mo?

Boy: Maam Pia si Marcus po ito.

Laking gulat ni Pia nang malaman ito.

Pia: Marcus Yap?

Marcus: Opo Maam.

Pia: OH MY GOD! KUMUSTA KA NA?

Napayakap si Pia sa dati niyang estudyante at dito nailabas niya ang halo halong emosyon. Saya na nakilala pa siya ng kanyang estudyante at lungkot na nasa emergency room pa si Gardo. Habang magkayakap ay pinatahan ni Marcus ang dati niyang tutor.

Marcus: Maam huwag ka na pong umiyak. He will be ok in no time.

Dito bahagyang natigil ang luha ni Pia.

Pia: grabe hindi kita namukhaan ah. Kumusta ka na?

Marcus: mabuti naman po Maam. 4th year high school na po ako maam.

Pia: wow! May napili ka na bang course?

Marcus: napapaisip pa nga ako maam kung Engineering or accountancy.

Pia: Wow! Mahilig ka na sa Math ah.

Marcus: masaya naman kasi ang Math maam. Hindi boring. Hahaha.

Pia: eh kumusta naman si Mr. Yap?

Marcus: mabuti naman po maam. Nakahanap na rin ng lovelife.

Pia: wow. Hindi ka na kontra?

Marcus: kinilatis ko muna syempre. Hahaha.

Pia: ano itsura niya?

Marcus: Katulad mo. Maganda, mabait at matalino. Pareho pa kayo ng pangalan.

Pia: SERYOSO???

Marcus: Yes Maam.

Habang naguusap ay biglang lumabas ang doktor mula sa ER.

Pia: Doc. Kumusta na po siya?

DR: ligtas na siya. Hindi naman malalim ang pagkakasaksak sa kanya. Kailangan lang muna niyang magpahinga sa recovery room tapos ililipat na natin siya sa kwarto.

Nakahinga ng malalim si Pia nang mga oras na iyon at muling napayakap sa dati niyang estudyante. Mga ilang sandali ang lumipas ay dumating ang tiyahin ni Gardo na si Norma sa ospital matapos mabalitaan ang nangyari.

Norma: Pia kumusta na si Gardo?

Pia: Ligtas na po siya Aling Norma.

Napayakap si Norma kay Pia nang mga oras na iyon.

Norma: salamat naman sa Diyos at ligtas na siya.

Dito ipinakilala ni Pia ang dati niyang estudyante kay Aling Norma.

Pia: Ay syanga po pala Aling Norma siya po si Marcus. Dati kong estudyante. Marcus siya naman si Aling Norma. Tiyahin siya ni Kuya Gardo mo.

Marcus: kumusta po kayo?

Norma: Mabuti naman iho. Siguradong marami kang natutunan kay Ate Pia mo. Ay syanga pala Pia nasan na si Gardo?

Pia: nasa recovery room pa po siya. Lilipat na din po siya sa kwarto oras na magkaroon na po ng bakante.

Makalipas ang kalahating oras ay nailipat na sa kwarto si Gardo.

DR: Nagpapahinga lang siya. Maya maya lang ay magigising na siya.

Pia at Aling Norma: salamat po doc.

DR: Wala pong anuman.

Naghintay na ang tatlo sa loob ng kwarto at hinintay nang magising si Gardo. Mga ilang sandali ang lumipas ay nagising si Gardo at bigla niyang binaggit ang pangalan ng dalaga.

Gardo: Pia?

Agad na pinuntahan ni Pia si Gardo sa kama at sumabay na rin sila Aling Norma at Marcus.

Aling Norma: Kumusta ka na Gardo?

Pia: Gardo wag mo muna pilitin.

Gardo: Chang ok naman po ako. Hon sino siya?

Pia: ay hon si Marcus nga pala. Estudyante ko siya dati at sakto namang napa daan siya nung nangyari yon. Marcus siya nga pala si Kuya Gardo mo. Boyfriend ko.

Marcus: Kumusta po kayo?

Gardo: mabuti naman. Pero wag ka nang mag "po" sa akin. Di naman nagkakalayo edad natin. Hahaha

Pabirong hirit ni Gardo sa dating estudyante ni Pia.

Aling Norma: Pia pagbigyan na natin at nananaginip pa ng gising. Hahaha

Pia: oo nga po Aling Norma hahaha.

Mga ilang sandali pa ay dumalaw naman ang buong pamilya ni Pia pati na rin ang best friend niyang si Paula nang malaman ang insidente. Hindi rin naman nagpahuli si Mr Yap at ang kanyang nobyang si Pia (Ka tokayo ng tutor ni Marcus).

Matangkad siya sa taas na 5'9". Tisay na tisay angkanyang kulay at sakto ang proportion ng kanyang katawan. Para siyang model ng Victoria's Secret.

Marcus: Hi Papa, Hi Tita Pia.

Dito ipinakilala agad ni Marcus ang girlfriend ng kanyang tatay sa dati niyang tutor.

Marcus: Maam Pia siya po si Tita Pia. Girlfriend ng tatay ko. Tita Pia siya naman po si Maam Pia. Dati kong tutor.

Inabot agad ng Tita Pia ni Marcus ang kanyang kamay sa dati niyang tutor.

Tita Pia: Sofia Nolasco. Pia for short. Pleased to meet you Miss Pia Baldomero. Grabe ang ganda sa personal.

Pia: salamat po.

Masaya sa loob ng kwarto ng ospital at hindi nabagot si Gardo dahil sa dami ng dumamay sa kanya. Dito rin biglang kumambyo si Mr Yap para sa kanyang anak.

Mr Yap: Marcus sabihin mo na kay Maam Pia mo ang gusto mong sabihin.

Marcus: hiya ako papa.

Narinig ito ni Pia at nilapitan ang dati niyang estudyante?

Pia: Marcus ano gusto mong sabihin?

Marcus: Hiya po ako Maam.

Gardo: Pia matanda ka na pala. Hahaha

Pia: tumigil ka dyan hahahah

Aling Norma: Naku itong pamangkin ko talaga. Nakahilata na nga ang lakas pang humirit.

Pia: Wag ka nang mahiya Marcus. Just tell me.

Dito mautal utal si Marcus para sabihin ang gusto niyang sabihin.

Marcus: Ma.... Am pwwweeeedee ba kitang maging prom date?

Pia: kelan yan?

Marcus: next week po maam. Kung ok lang po kay Ku... Read More


About the Author :

Joined: December 29, 2015 (11 months old)
Writings: 95

Send PM · Male · Offline

I am a very friendly person. I hate people who are credit grabbers
1 comment   0 favorite   1,140 views