Ikaw Ang Miss Universe Ng Buhay Ko Part 10

May 20, 2016 (6 months ago)
Posted in Story: Fiction, Taglish | Categories: Romance | Tags:

Pag balik sa New York ay samut saring charity works ang pinuntahan ni Pia at isa na dito ay ang lugar ng mga inabusong bata. Karamihan dito ay tinapon na ng mga magulang nila sa orphanage dahil ayaw nila ng responsibilidad. Dito naalala niya ang estudyante niyang si Marcus. Minsan na kasi siyang gustong ipasok dito ng girlfriend ng tatay niya na naging dahilan ng kanyang pag rerebelde.

Kahit busy sa kanyang responsibiliad ay hindi naman siya nakakalimot maghanap ng oras para sa kanyang pamilya maging kay Gardo at Paula. Lagi niya itong niyayayang makipag usap sa Skype upang magkaroon sila ng komunikasyon. Halos apat na buwan pang namalagi si Pia sa New York pero kinailangan niya ding umuwi upang ipasa ang kanyang korona sa susunod na BB Pilipinas Universe. Isang buwan ang binigay sa kanyang bakasyon ng Miss Universe Organization at sinamantala na niya ang pagkakataong ito.

Ninamnam na niya na makapiling ang kanyang pamilya at kasintahang si Gardo. Sinamantala na niya ang pagkakataong ito at madalas silang mag bonding tulad ng out of town at manood ng sine. May limang buwan pa siya sa kanyang trono bago niya ito ipapasa sa bagong Miss Universe.

Kinausap na rin niya si Lawrence na gusto na niyang pumirma ng kontrata para maging endorser ng clothing line ni Lance Villarama.

Makalipas ang isang linggo ay pinuntahan na nila si Lance upang ayusin at plantsahin na ang kontrata. Habang nag uusap ay may hindi sila napagkasunduang bagay.

Malou: Pia kailangan nating baguhin ang image mo.

Pia: Ho?

Lawrence: ano naman ang babaguhin natin sa kanya?

Lance: High end ang mga damit na binebenta ko syempre kailangan maganda ang image ng modelo.

Lawrence: ano po ang ibig niyong sabihin?

Malou: Friend babaguhin natin ang image ni Pia. Papalabasin natin na buena de familia siya. Nakatira siya sa Forbes Park. Para din ito sa brand.

Pia: Ano? Hindi ko kayang gawin yan sir Lance.

Lance: Pia please. Para ito sa publicity ng produkto ko.

Pia: Sobra namang publicity yan sir Lance. Gusto mo itakwil ko ang pamilya ko. Sir Lance kung alam mo lang ang hirap ng mga magulang ko para igapang ang pag aaral naming magkakapatid. Isang kaibigan at boyfriend na kahit sa kahirapan ay nandyan para damayan ka. Sir Lance kung hindi dahil sa kanila wala ako dito.

Lance: You need to do it Pia.

Pia: Sorry po sir at hindi ko po kayang itakwil ang pamilya ko. Tara na Lawrence. Walang patutunguhan ang usapan natin.

Nagwalk out si Pia at bigla namang humirit si Malou.

Malou: ang yabang yabang naman porket Miss Universe siya! Matatapos din ang trono nyan! Tignan ko lang kung lumaki pa ulo ng alaga mo!

Lawrence: Malou, Sir Lance sana huwag dumating ang araw na itakwil kayo ng anak niyo. May punto siya. Magulang niya ang mga yon.

Sinamahan na ni Lawrence si Pia para pagaanin ang loob nito.

Lawrence: Don't worry Pia. May darating din para sa atin. Mas maganda pa.

Pia: salamat Lawrence.

Lawrence: As of now i-enjoy mo na muna si Gardo at pamilya mo. Sama mo na rin si Paula.

Pia: thanks.

Hinayaan na lamang niya ito at ginugol ang panahon para sa kanyang pamilya ay nobyo. Paminsan minsan ay pumupunta siya ng charity works at madalas niyang dalawin ang girlstown at boystown upang magbigay inspirasyon dito. Habang nasa girlstown ay tinawagan siya ni Lawrence.

Lawrence: Pia may gathering bukas sa bahay ni Joe Espinosa bukas. Isang sikat na designer. At may mga product line siyang ilalabas. Malay mo ito na ang break na hinahanap natin. Sama mo na rin si Gardo.

... Read More


About the Author :

Joined: December 29, 2015 (11 months old)
Writings: 95

Send PM · Male · Offline

I am a very friendly person. I hate people who are credit grabbers
2 comments   0 favorite   2,120 views