Ikaw!

June 22, 2014 (2 years ago)
Posted in Poem: Tagalog | Categories: Non-Erotic | Tags: , , , ,

Ikaw! Oo, ikaw. Ikaw nga tinutukoy ko. Kelan ka ba matututo? Ayan ka na naman eh. Paulit‑ulit ka na lang.

Ilang beses mo na bang sinabi ang mga katagang “ayoko na” at “suko na ako”? Ilang beses mo na bang sinabi na “Last na to, pramis. Pagkatapos nito, titigil na ako.”? Ilang beses na di ba? Pero heto ka na naman. Sa tuwing lalapit sya sayo, di mo naman mahindian.

“Nandiyan ka na naman
Tinutukso-tukso ang aking puso
Ilang ulit na bang iniiwasan ka
Di na natuto”              

Naku! Bagay na bagay sayo ang kantang yan. Di ka na kasi natuto.

Naku, huwag mong sabihin na in-love ka sa kanya. Akala mo lang yun. Marahil nalulungkot ka lang kasi karamihan ng mga taong nasa paligid mo ay may asawa, may kabit, may inaasawa, may kinakabit, may nobyo, may nobya—ikaw lang ang wala.

Tatawagan ka nya kasi badtrip sya at wala syang makausap. At ikaw namang si gaga, nagkukumahog kang sagutin ang tawag niya. Pag di mo naman nasagot, tatawagan mo sya agad o kaya ite-text ng “Sorry I missed your call.” And you wait for him to call you back counting every minute until he does and hating yourself for missing his call.

Eh ano kung tumatawag sya sayo? Naku, wag kang kiligin. Wag mong kulayan ang isang bagay na walang kulay. Wag mong bigyan ng kahulugan ang isang bagay na walang kahulugan. Hindi ikaw ang una niyang naisipang tawagan. O siguro nga naalala ka niyang tawagan kasi alam niyang sasagutin mo tawag niya at may makikinig sa kanya. Ayan… Tagapakinig ka lang!

Iimbitahan ka nyang lumabas. It is nothing special. Nagugutom lang yun at naghahanap ng makakasamang kumain. Lahat naman tayo kailangan kumain, di ba? Ibalik so sa cabinet ang little black dress mo. Wag ka nang mag-aksayang maglagay ng make-up o kung ano pang pagpapaganda. Hindi niya yan mapapansin. Magpapaseksi ka lang at magpapaganda sa wala.

Hindi ikaw ang dahilan kung bakit suot nya ang polo na yun. Hindi rin ikaw ang dahilan kung bakit yun ang ginamit nyang pabango.

Tama na nga ang drama. Tumigil ka na sa pagiging emo dyan. Buksan mo ang mga bintana mo. Papasukin mo yung hangin. A burst of fresh air could be just what you needed.

Lumabas ka ng bahay. Wag kang magkulong sa kwarto. Magpaaraw ka. Baka pag naarawan ka matauhan ka na.

“You should never be an option.”—isaksak mo yan sa isip mo.

© DropDeadDiva, 2012. Unauthorized us... Read More

About the Author :

Joined: April 7, 2014 (2 years old)
Writings: 48

Send PM · Female · Offline

What is a Writer?

A good writer is also a good storyteller. He/she must ensnare the minds of the readers, trap them in a mind world that would make them believe what is happening is real, make them feel every stroke, feel every kiss, feel that final blow, and feel that explosion.

THE MIND IS A VERY POWERFUL THING.

A CREATIVE MIND, well now that’s A DEADLY TOOL.
27 comments   0 favorite   1,709 views