IDK

Posted in
Blog: Tagalog · Categories: Non-Erotic · Tags:
Date: April 24, 2018 (2 months ago)


Naalala na naman kita. Tangina.

Iang linggo ba? Buwan? O 'wag mo sabihing taon ang aabutin na ganito ako? Grabe naman!

Ano? Araw araw nalang?

Araw araw nalang ako gigising na mabigat na agad yung loob ko?
Araw araw ko nalang uumpisahan yung araw ko na pilit yung mga ngiti ko?
Araw araw nalang na ang sikip sikip ng dibdib ko?
Araw araw ba talaga? Hindi ba pwedeng every other day?!

Ano?! Sagutin mo naman! Ayoko na sa'yo e!
Ayoko na. Ayoko na nito.
Ang sakit sakit kaya.

Ayaw ko na umiyak...

Ayaw na kita maalala. Ni amoy mo sa damit ng katabi ko sa jeep, ayoko malanghap. Nasasaktan ako kahit fabcon lang yon. Pucha.
Ayaw na kita mamiss. Nagtatrabaho ako ng maayos, tapos makikita ko mannerisms mo dun sa ka-officemate ko.
Literal, nabadtrip ako. Saya e. Ang saya, sobra.

Di ko na mabilang kung ilang buntung hininga na nagawa ko habang tinatype ko 'to.
Nakakatawa na ako yung #1 listener ng mga katrabaho o kaibigan ko sa mga lovelife nila, pero pag sa akin di ko ma-open sa kanila.
Naalala ko kasi palaging, walang tayo. Wala.

Napapagod na ko agad sa sarili ko.
Bakit kasi ginawa kitang source of happiness ko.
Bakit kasi tinotoo ko yung mga bagay na dapat biruan lang.
Bakit kasi ang landi mo!
At bakit naman kasi ang rupok ko! Naku naman!

Langya. Napagdaanan ko na 'to e. Sabi mo di mo hahayaan na maramdaman ko ulit 'to, pero bakit ginaya mo sila?
Nagkamali ba ako sayo? O nagtiwala lang ako masyado?
Wala ka rin palang pinagkaiba sa kanila, sa totoo lang parang mas malala ka pa. :)

Gusto kong magalit sayo.
'Pag naaalala nga kita minumura kita sa isip ko o kaya sa cr 'pag umeepal ka sa isip ko iihi nalang ako.
Pero wala e. Sa huli, bago matapos ang araw, bago ko ipikit yung mga basa na namang mata ko, pinagdarasal pa rin kita.

Na sana okay ka lang. Na sana kumakain ka na sa oras at 'di nalilipasan ng gutom gaya ng nakasanayan mo. Na sana matupad mo yung mga goals mo bago ka mag-24. Na sana, sa susunod na may makikilaka ka, lagyan mo naman yung inyo ng label.

...

About the Author :

Joined: January 8, 2016 (2 years old)
Writings: 18
Send PM  ·  Female  ·  Offline
Description:
I don't think all writers are sad. I think it's the other way around --- all sad people write.
Signature Text:
Mahirap maghanap ng taong pangmatagalan sa sitwasyong pangmabilisan.

Suggested writings:

0  ·  7  ·  0  ·  508
 · 

Comments
DoctorVince
April 24, 2018 (2 months ago)

Ah?
Eh?
Hmm...

Kalimutan mo na yan, sige sige maglibang...

Ewan! I dont know kung makakatulong sa iyo ito? Sabi ng lola ko, one thing daw na to do and to cope up with break up is to improve your self. Well, masyado kong  sinabuhay, inimprove ko ang eating habbit ko, ayun nag improve ang weight ko. Hehehe? Corny...

Ate lilipas din yan...

Loding petmalung feeling writer

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Filipiniana
April 24, 2018 (2 months ago)

Oo naman. Palagi namang ganon. Lilipas din to.
Hahaha

Thanks! :)

Mahirap maghanap ng taong pangmatagalan sa sitwasyong pangmabilisan.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
H
HoneySuckle
April 24, 2018 (2 months ago)

Black, red or blue label ba? Ano gusto mo?

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Filipiniana
April 24, 2018 (2 months ago)

Depende kung anong ibig sabihin ng mga kulay na sinabi mo. 😏

Mahirap maghanap ng taong pangmatagalan sa sitwasyong pangmabilisan.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
buratilyo
April 24, 2018 (2 months ago)

awww hndi na post reply ko....

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
buratilyo
April 24, 2018 (2 months ago)

well ulitin ko na lang...hndi ko alam naging setup nyo or ano man meron jan sa inyo b4..but still i knw nasasaktan ka..obviously. may isang question lang naman po ako..."ANO NAPAPALA MO?" that simple question helped me alot b4 nung nasaktan din ako. everytime na malulungkot ako kasi naiisip ko sya yan lang tanong ko sa sarili ko...hangang dumating ung time na realized ko un sagot "WALA"

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Filipiniana
April 24, 2018 (2 months ago)

Alam mo yan din yung hinihintay ko. Marirealize ko din yan, di ko lang sure kung kailan at kung gaano pa katagal. At least ikaw natauhan na. Diba. :)

Anyway, salamat. :)

Mahirap maghanap ng taong pangmatagalan sa sitwasyong pangmabilisan.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
Recent Comments