I Was There

January 31, 2015 (1 year ago)
Posted in Story: Fiction, Taglish | Categories: First Time | Tags:

"Happy Birthday Mom!" bati sa akin ng anak kong si Jillian sa telepono.

"Thank you dear! By the way, sabi mo ngayon mo ipapakilala sa akin ang boyfriend mo."wika ko.

"Of course Mom. Actually nasa expressway na kami. Mas maaga pa sana kami nakabiyahe but nasiraan kami ng car kanina. Pero don't worry, by lunchtime nandiyan na kami."

"Good. I'm super excited to meet him na. Tsaka gusto rin siyang ma-meet ng mga friends ko na nandito ngayon sa house. Oh by the way, pinagluto ko kayo ng favorite mong caldereta."

"Oh. I love you Mom! Sobrang miss ko yan talaga. Wala kayang makapantay sa sarap ng caldereta niyo."

"I know Iha. Alam kong like na like mo talaga yan kaya niluto ko yan para sa'yo. So ingat kayo ha. See you later."sabi ko sa aking anak.

I'm Alice, and today is my fourty-eight birthday. Nakatira ako dito sa Batangas while my twenty-four year old daughter Jillian lives in Manila as she works sa isang engineering firm doon. Usually, twice a month kung dumalaw ang unica hija ko sakin dito. But that was before. For the past six months hindi na siya nakadalaw sakin dahil naging busy siya sa work niya and that was the time she told me she met Jerome.

As a mom, I know my daughter was very happy kay Jerome. Hindi palakuwento si Jillian about sa kanila ni Jerome, yet, I can tell just by how she mentions him to me over the phone na sobrang happy ang anak ko. Masaya ako para sa anak kong si Jillian. Hindi ko pa siya narinig na ganito kasaya. Kung nabubuhay lang sana ang Dad niyang si Jude I'm sure kasing supportive ko din siya sa happiness ng aming tanging anak. At my daughter's age, She's old enough to know what's good for herself. I'm just here to give advice to her but nevertheless, na kay Jillian pa rin naman ang desisyon sa gusto niyang gawin sa buhay niya.

My name Alice pretty much coincidences to a fact na malaki daw ang pagkakahawig ko sa actress with the same name. Halos magkasing-age din kami. Nakakatuwa because whenever pupunta ako sa mall, people would ask for my autograph although I keep on insisting to them na hawig ko lang siya. Ilang talent scouts na din ang lumapit sa'kin before asking me to try modelling and acting but those were the time na sobrang focused ako sa mag-ama ko. Grade four si Jillian nang mamatay ang husband ko sa isang accident. I was devastated but life must go on for me and my daughter. Nagtayo ako ng small business mula sa insurance claim na nakuha ko sa mister ko. Sinuwerte naman at napalaki ko ang simpleng carinderia ko into a resto. Nabigyan ko ng komportableng buhay ang aking unica hija. After my husband's death, marami uling nanligaw sa akin up to now. Four years ago, sinubukan kong buksan muli ang puso ko sa isang lalake. Minahal ko siya ng lubos pero natakot ako. Natakot ako para saming dalawa. Natakot ako para sa sarili ko. Kasi in the end, feeling ko masasaktan lang ako. Lumayo ako sa kaniya at di na muling nagpakita pa.

Afterwards, ibinuhos ko na lang ang oras ko sa resto ko. Nag-aral din ako sa mga cooking schools pati sa isang business school para mas mag-improve pa ang business ko. Now, may mga branches na ang resto ko sa ilang malls sa Manila. Gusto ko sanang si Jillian ang mag-manage ng ilan dito pero sabi niya mas hilig niya talaga ang ibang career so I have to live with her decision. Kung sakali man, sa kanya naman mapupunta ang lahat ng ito.

Napatingin ako sa oras, alas onse na ng umaga. Malapit nang dumating sina Jillian. Nagpaalam ako saglit sa mga friends ko sa sala. Umakyat ako at nagtungo sa kwarto ko upang maligo. Pinawisan kasi ako sa kusina kanina habang nagluluto. Sa pagpasok ko sa loob ng shower room, napatingin ako sa sarili ko sa harap ng salamin. Karamihan sa friends ko ang nagtatanong kung ano ba ang sikreto ko kung bakit after all these years eh bata pa rin akong tingnan. Kahit ako hindi ko rin alam ang isasagot sa kanila maliban sa pagiging maalaga ko lang sa aking katawan. Naghubad ako ng damit sa harap ng salamin at doon ay tiningnan ko ang hubad kong katawan. Ang suso ko na tayong-tayo na may pinkish na utong ay terno sa hugis ng aking balakang. Nagtungo ako sa shower at naligo. Gusto kong maging presentable mamaya sa pagsisimula ng aking birthday celebration.

Makalipas ang labinlimang minuto, lumabas ako kuwarto ko. Suot ko ang isang eleganteng bestida. Nakarinig ako ng masasayang usapan sa sala. Narinig ko din ang boses ni Jillian. Nakarating na pala siya. Mabilis akong bumaba at sinalubong ang aking anak sa sala.

"Mom! Happy Birthday!"yakap sa akin ng aking anak.

Nagyakap kaming mag-ina.

"I missed you Iha. Sobrang na-miss kita."wika ko habang yakap ng mahigpit si Jillian.

"I missed you too Mom."

"Where's Jerome? Sabi mo kasama mo siya?"

"Nasa labas lang siya Mom, susunod din yun agad dito. Nag-overheat yung car namin a few blocks from here. He's just checking it out. From there kitang-kita naman yung house natin dito sa i said to him na mauuna na ako at sumunod na lang siya agad."

Nagkuwentuhan kaming mag-ina habang dumarating ang ilan ko pang mga bisita. Saglit kong iniwan si Jillian nang dumating ang bestfriend kong si Tori na kakagaling lang ng States.
Nagsipagtungo na ang karamihan sa mga bisita sa garden kung saan naroon ang mga nakahandang pagkain.

Nagkukwentuhan kami ni Tori nang may dumating. Halos mahulog ako sa pagkakatayo sa lalakeng dumating. Sa sandaling iyon biglang tumigil ang oras sa aking mga mata sa pagpasok niya... 

Diyos ko...Siya?!?

Siya nga. Bakit siya nandito...A-Anong...

Siya ang lalaking nakilala ko apat na taon na ang nakakaraan.

Ang lalakeng minahal ko nang lubos subalit dahil sa takot kong masaktan ay lumayo ako sa kanya...

"Jerome!"masayang sabi ng anak kong si Jillian.

"Sorry medyo natagalan ako. Buti na lang hindi grabe yung sira ng sasakyan kundi..." nahinto sa pagsasalita ang lalake. Nahinto iyon nang makita niya ako.

Walang kamalay-malay ang lahat na kapwa kami tila natuklaw ng ahas ni Jerome. Ramdam kong siya man din ay hindi makapaniwala sa aming muling pagkikita.

"Huuuy. Hun, i'm talking to you. Bakit parang na-petrify ka naman diyan."narinig kong sinabi ni Jillian sa kaniya.

"H-Ha? A-Ano ba yung sinasabi mo?" wika ni Jerome. Hindi pa rin niya inaalis ang tingin niya sakin.

"Hmmmp. Sabi ko ipapapakilala kita kay Mom. Ayan si Mommy sa harap mo oh."

Hinila siya ni Jillian papunta sa akin. Mabilis ang pagtibok ng aking dibdib. Para akong hihimatayin sa pagkabigla. Siya ang lalakeng minahal ko four years ago. Sa maigsing panahon naming nagkakilala ay nagmahalan kaming dalawa. Ang lalakeng iniwan ko dahil sa takot na baka ako masaktan. Iniwan ko siya at hindi na nagpakita pang muli. Kasama doon ang mga pinangako kong pagmamahal sa kaniya na tinangay na rin ng aking paglisan.

Hindi na namin namalayan ni Jerome na magkatapat na kami. Hawak niya ang kamay ko habang ipinapakilala ako ng aking anak sa kaniya.

"Mom are you okay?"pagtatakang tanong sakin ni Jillian.

"A-Ah..O-Oo naman Iha. S-Siya pala ang boyfriend mo?"

"Oo Mom. And finally nag-meet na rin kayong dalawa."

Hindi kumikibo si Jerome. Nakatitig lang siya sa akin. Ramdam ko ang pagtatanong sa kaniyang mga mata. Ang pagtatakang iyon sa nangungusap niyang mata ay may halong galit.
Ramdam ko na humigpit ang hawak niya sa aking palad. Nanlalambot ang aking tuhod. Parang gusto kong himatayin na lang. Siya ang lalakeng minahal ko. At ngayon siya naman ang lalakeng minamahal ng anak ko.

"Excuse me, I forgot something sa kwarto ko."dahilan ko sa kanilang dalawa.

Lingid kay Jillian, sa sandaling iyon ay nanghihina na ang tuhod ko. Na pinanawan na ako ng lakas at tamang pag-iisip nang muli kong makita si Jerome. Hindi ko na matandaan pa ang mga iba pang sinabi ko pati na ang mga sinabi ni Jillian sa bigla kong pag-alis. Namalayan ko na lang ang sarili ko sa likod ng pintuan ng kuwarto ko. Doon ay napaupo ako sa sahig----at umiyak.

Minsan, mapagbiro talaga ang tadhana. Sa dinami-dami ng lalakeng pwedeng mahalin ng anak ko...Bakit siya pa?

Kusang dumaloy ang luha sa aking mga mata. Hindi ko na iyon napigilan. Tahimik akong humagulgol. Hindi kinaya ng mahihina kong paghikbi ang bigat ng aking nararamdaman.

Ilang saglit pa, may kumatok sa pinto.

"Mom? Okay lang kayo diyan? Can I come in?"sabi ni Jillian sa labas ng pinto.

Nag-ayos ako ng sarili Tumayo ako at nagpahid ng tissue sa aking mga mata. Bahagyang namumula iyon sa pagtingin ko sa salamin.

"Wait lang Iha. Sumama lang bigla yung pakiramdam ko."

Pumasok na si Jillian sa loob. Kasama niya si Jerome. Nakita ko na naman ang lalakeng puno't dulo ng aking pag-iyak. Napaupo ako sa gilid ng kama.

"What's happening ba?"pag-aalala ng aking anak.

Napaupo siya sa aking harapan. Nasa likod niya si Jerome. Hindi ko makuhang tingnan ang nobyo ng aking anak.

"Wala ito anak. Mommy's fine."

"Hmmm...Senti mode ka naman kasi eh."biro ni Jillian sa akin.

Hinagod niya ng malambot niyang daliri ang natitirang bakas ng luha sa aking mga mata.

"Sorry Iha. Nag-senti mode lang si Mommy mo."dahilan ko.

"Well you should be happy Mom. It's your party."

"And I can cry if I want too naman di'ba?"

"Well...not this time Mom. Masasayang yung ganda ng dress mo if matuluan ng mascara mo."

Napangiti ako. Hinalikan ako ng anak ko sa pisngi. Tumayo si Jillian.

"Sunod na kayo sa ibaba Mom. Hinahanap na rin nila kayo eh. Kakarating lang din ng mga childhood friends ko dito. I invited them on our way here. Nasa sala na din sila ngayon. Bababa muna ako kasi nakakahiya sa kanila."

"Sige Iha. Susunod na lang ako dun sa baba. Magre-retouch lang ako ng make-up ko."

"Jerome let's go Hun. Ipapakilala kita sa mga friends ko dito."

"Uhmm...Jillian. Sunod na lang ako. May sasabihin lang ako sa Mom mo."

"Hmmmm...If I know magsusumbong ka lang yata kay Mom na pasaway ako sa Manila."biro ni Jillian.

"Iha, sunod na rin ako sa'yo sa baba."sabi ko.

"No Mom It's okay. Fix your make-up first. Tsaka mukhang gusto kang kausapin ng boyfriend ko eh. So mauna na ako sa inyo."sabi ni Jillian. Wala siyang kaalam-alam sa nangyayari sa amin ni Jerome.

Pipigilan ko sana si Jillian na huwag isara ang pinto pero huli na, sa paglabas niya ay nailock niya iyon. Naiwan kaming dalawa ni Jerome sa loob. Hindi ko makuhang makatingin sa kaniya ng diretso. Tumayo ako at pumunta sa wash room ng aking silid. Sinundan ako ni Jerome doon.

Nasa harap ako ng salamin ng sink. Nasa likuran ko si Jerome. Isang nakakabinging katahimikan ang namagitan sa aming dalawa. Magkatinginan lang kami ni Jerome sa salamin. Ang tingin niyang iyon ay balot ng katanungan. Ng galit. Ng sama ng loob.

"Alice pala ang pangalan mo. After all these years hindi ko man lang alam ang pangalan ng babaeng minahal ko. How stupid of me." narinig kong sabi ni Jerome sa akin.

Bakas ang tampo at galit sa mga mata niya. Muli siyang nagsalita.

"For four years I've longed for this moment to happen."sabi niya.

"Finally, nagkita din tayo...or shall I say nakita din kita...Alice. Well, ni hindi sumagi sa isip ko na magtatagpo ang landas natin sa ganitong paraan."

"Jerome, it's been four years na. Matagal na rin yun enough para makamove-on ka."

"Ganun lang pala kadali ang lahat sayo? So...Ganun lang pala yun? Yung nangyari sa'ting dalawa? Ganun lang ako sa'yo?"halata ang galit sa boses niya.

"J-Jerome...I can explain...K-Kasi naman..."naputol ako sa pagsasalita nang barahin ako ni Jerome.

"No no no. For Christ's sake let me talk."sabi niya.

Huminga siya ng malalim at muling nagsalita.

"If what we had was just a game to you...then that's bullshit! Despite that fact that I had no clue what your name was, yet i know every inch of your body. Ang tanga-tanga ko. I fell in love with you and the funny thing is, you wouldn't even allow me to know your name o kung saan kita mahahanap. Pero ako binigay ko sa'yo name ko kahit ayaw mo. How fucked up was that? I'm like a clueless prince in distress searching for a girl na wala nang planong tuparin ang pangakong binitawan niya."

"Jerome...please...Let me explain."

"It was exactly four years. Birthday mo pala nung iniwan mo ko sa ere. Iniwan mo ako na parang tanga sa meeting place natin kung san tayo laging nagme-meet. I was there. That night you promised me na magkakakilala na tayo ng mas mabuti..."

"Jerome..."

"I was there that night. And the night after. And another night after that. Para akong tangang naghihintay sa'yo dun. Hindi ko alam kung ano na nangyari sayo or what. Halos ikamatay ko ang pag-iisip kung nasan ka na. Ang hirap nun alam mo ba? I waited there every night hoping one day you'd come. Na tutupad ka sa pangako mo. Kulang na lang maging logo na yung mukha ko ng coffeeshop na yun eh."

"I'm really sorry Jerome."

"No. Don't tell me you're sorry coz' you're not. You don't have any idea how much I've suffered sa biglang pagkawala mo."

"Natakot kasi ako..."

"Dahil mahirap lang ako?"

"No...hindi yun..."

"Then what?"

"Hindi mo kasi maiintindihan..."

"Kasi ayaw mong ipaintindi.."

"Dahil hindi mo maiintindihan..."

"Ikaw ang malabo. Ikaw ang hindi ko maintindihan kung bakit natatakot ka. Dahil ba mas bata ako sa'yo ha? Iyun ba yon? Dahil sa age gap nating dalawa?"

Natigilan ako sa sinabi ni Jerome. Tama siya. Iyun ang iniisip ko.

"Pesteng buhay to. Fuck!"galit na sabi ni Jerome. Tumalikod siya sa akin. Ramdam ko ang hinagpis ni Jerome. Kasalanan ko ang lahat.

Muli siyang nagsalita.

"Magpo-propose na ako sayo that night. Kaya kong tanggapin lahat dahil mahal na mahal kita."

Tumulo ang luha sa mata ko. Humikbi ako. Mahal ko pa rin si Jerome hanggang ngayon. Mahal na mahal ko pa rin siya.

"Hindi nako makaka-move on sayo Alice. Tanggap ko na yun. Sinabi ko naman sayo diba? Na matatanggap ko lahat sa'yo basta mahalin mo lang ako. Mahirap bang gawin yun?
Sinubukan kong magmahal muli nang makilala ko si Jillian because she reminds me of you. Hindi ko alam kung bakit ang sama ng tadhana sakin dahil anak mo pala siya."

"Mahal ka ng anak ko Jerome"

"And I'm trying to love her Alice gaya ng pagmamahal ko sayo...pero hanggang ngayon----Ikaw pa rin ang mas mahal ko."

"Boyfriend ka na ng anak ko."

"Wala akong minahal na gaya ng sayo."

"At mahal na mahal ka niya."

"Pero ikaw ang mahal ko. Mahal na mahal pa rin kita."

Gusto kong sagutin ang sinabi ni Jerome. Gusto kong sagutin na mahal ko din siya higit pa sa buhay ko. Subalit pinigilan ko ang sarili ko. Wala na ako sa posisyong sabihin pa iyon.

Naramdaman ko ang pagdikit ni Jerome sa likuran ko. Iniharap niya ako. Nagtama ang aming mga mata. Halos magdikit ang mukha namin. Inilapit ni Jerome ang labi niya sa labi ko. Napapikit ako. Ramdam ng labi ko ang init ng kaniyang hininga.

"Jerome....."

"Alice.."

Hahalikan ako ni Jerome.

"No...please...huwag...."sabi ko. Pero mahinang protesta lang iyon sa lalakeng minamahal ko kumpara sa tunay na gusto ng buong pagkatao ko.

Hindi ako pinakinggan ni Jerome. Hinawakan niya ako sa pisngi. Ang init ng kaniyang palad ay tumatagos sa aking katinuan. Sa isang iglap nanumbalik sa akin ang masasayang sandali namin ni Jerome. Ang init ng pagmamahalan na aming pinagsaluhan. Napapikit ako. Kusang bumuka ang aking labi sa paglapit ng labi ni Jerome.

Nagdikit na ang aming labi nang...

"Mom? Okay lang kayo diyan?" katok ni Jillian sa pinto.

Sabay kaming napadilat ni Jerome. Magkadikit ang aming labi. Kapwa nanginginig ang aming paghinga. Itinuloy ni Jerome ang paghalik sakin subalit pinigilan ko siya.

"N-No...Stop...please..."marahang tulak ko sa kaniyang dibdib.

Muling kumatok si Jillian.

"Y-You should go...Jerome please...Ayoko ng iskandalo...please...I beg you...."

Namalayan ko na lang na lumakad si Jerome at pinagbuksan ng pinto si Jillian.

"I'd better check the car outside."sabi nito sa anak ko at lumabas ng kuwarto.

"Mom? Are you okay?"may malasakit sa pagtatanong na iyon ni Jillian.

Nakita niya akong nakatayo sa harap ng sink. Pilit kong kinukubli ang tunay kong nararamdaman.

"I-I'm fine Iha."

"You sure? Kase parang medyo...Oh well, nevermind."sabi niya.

Ngumiti ang anak ko. Bumaba itong muli at iniwang nakabukas ang pinto. Naiwan akong mag-isa sa loob habang litong-lito at hindi makapaniwala sa pangyayari.

* * * * * *

"So tell us about you and your boyfriend. Paano kayo nagkakilala?"dinig kong tanong ng kaibigan ni Jillian sa anak ko.

Nasa loob kami ng sala. Magkatabing nakaupo sina Jillian at Jerome sa mahabang couch kausap ang ilang kababata ng anak ko. Ako naman ay nakatayo malapit lang sa kanila habang kakuwentuhan ko ang isa ko pang bisita. Bagaman may kausap ako ay hindi ko maiwasang mapakinggan ang usapan nila. Sa totoo lang gusto ko ring malaman kung paano nagkakilala si Jerome at ang anak ko.

"It's a long story kaya."tawa ni Jillian.

"Come on Jillian, tell us na."interesadong sabi ng kababata niyang babae.

"I went to a coffeeshop six months ago. Hindi siya sobrang sikat like sa starbucks but I love the coffee there and the place was very cozy."

"So nagkakilala kayo dun? Nagpakilala si Jerome sayo dun?"

"Kind of. Actually I was surprised the night I went there bigla niya akong sinalubong at niyakap."

"Really? Ginawa ni Jerome yun sayo?"

"Yeah as in. Nagulat ako and I was about to slap him thinking he was a pervert but then..."

"Then what? Don't be such a tease Jillian. Tell us na."

"He smells so good. Yeah I might sound cheap but yeah. Mabango siya. At ang sarap niyang yumakap. Sincere yung yakap niyang yun."

Napatingin ako sa kinauupuan nila. Nakita kong napasulyap din sa akin si Jerome. Nagkatitigan kami. Inalis ko ang tingin ko sa kaniya.

"So creepy na may kilig factor pala kayo ha. Then what happened?"tanong muli ng kababata ng anak ko.

"Then nag-sorry siya. He thought daw na ako yung girl na inaantay niya. Yeah he's so creepy that night. But he's so bango so i forgave his creepiness coz of that."tawa ni Jillian.

Nagsalitang muli ang anak ko.

"Afterwards, bumalik siya sa puwesto niya. Nandun lang siya while sipping his coffee. Pa-smoke smoke siya dun while looking sa mga taong dumadaan. Ilang times pa siyang tumingin sakin with a puzzled look in his face."

"Yun lang? Hindi siya gumawa ng move after that?"

"Yup. Hindi kaya. Hanggang sa tumayo na ako later para umalis. Sinundan pa niya ako ng tingin with that puzzled look in his eyes. Creepy talaga."

"Weird."tawa ng kababata ni Jillian.

"I know."tawa din ng anak ko.

"So yun lang?"

"After a few nights bumalik ako dun. Nakita ko ulit siya dun. Sa puwesto ding iyon. We saw each other again."

"Jillian, pansin ko ang tahimik naman ni Jerome. Uy magsalita ka naman."sabi ng babae kay Jerome.

Ngumiti si Jerome.

"Well, totoo naman yung sinabi ni Jillian. That's all I can say."

"Hmmmp. Ang daya naman nito. Ayaw mag-share."sabi ng babae.

"Nahihiya lang yan dahil sinabi kong creepy siya. Sige ako na lang magkukuwento."biro ni Jillian. Muli siyang nagkuwento. Halata sa anak ko ang saya habang nagsasalita.

"So, that night mukhang bored siya habang nakaupo lang dun at pakape-kape. Parang frustrated or something. Mukha naman kasi siyang mabait so I approached him."

"Ikaw pa talaga ha."sabi ng babae.

Tumawa si Jillian.

"Yeah. Na-curious kasi ako eh. So I approached him and nagbiro ako na sabi ko sa kaniya if he's still waiting for that girl."

"Then?"

"Oo daw. But nung tinanong ko kung ano name ng girl na yun hindi daw niya alam. So naisip ko weird nga talaga tong tao nato. Baka ginawa lang niyang excuse yun para maka-tsansing sa mga girls just like what he did to me nung niyakap niya ako."

Humagikgik ang dalawang magkaibigan. Napasulyap ako kay Jerome. Nakita kong pasulyap-sulyap din siya sa akin.

"Well, after that nagkuwentuhan na kami. Nagpakilala siya sakin and I gave her my name."

"So Ikaw kilala ka na niya unlike that girl na hinahanap niya."wika ng babae.

"Oo."ngiti ni Jillian. Nagsalita siyang muli.

"After that night, I frequented that coffeeshop and lagi na kaming nag-uusap until sa maging kami na later on."

"Umamin ka nga Jerome, nahanap mo na ba yung girl na yun?" tanong ng kababata ng anak ko. Kinabahan ako sa tanong niyang iyon kay Jerome.

"Oo."sagot ni Jerome. Muli siyang sumulyap sa akin.

"Talaga? Saan?"

Makahulugan kong tinitigan si Jerome. Nainitindihan niya ang gusto kong sabihin.

"Dito."

Sa aming tinginan ni Jerome, ipinahalata ko sa kaniya na hindi ko nagustuhan ang isinagot niya sa kababata ng anak ko. Ginantihan lang niya iyon ng tingin na tila wala siyang pakialam kung nagalit ako sa sinabi niya.

"Baka ako naman yun ha. Sige ka agawin kita ke Jillian."sabi ng babaeng kaibigan ng anak ko.

"Tse! Siyempre ako yun."sabat ni Jillian."Ngayon me pangalan na yung girl at Jillian ang name nun. Sorry na lang kung sino man yung girl pero hindi ko na pakakawalan to."sabi ng anak ko sabay yakap niya kay Jerome.

Nagkatinginan kami ni Jerome. Gusto kong maiyak subalit pinigilan ko ang sarili kong emosyon. Akala ko naka-move on na ako. Hindi pa pala. Sobrang hindi dahil nasasaktan ako sa nakikita ko. Dinudurog ang puso ko sa nakikita ko.

"Alice, you have another visitor."kalabit sa akin ni Tori.

Kinurot ni Tori ang braso ko. Kinikilig siya sa pagdating ng isa ko pang bisita---Si Franz

"Is that Franz Ramirez?"bulong ni Tori sakin.

"Oo. He's my suitor."mahinang sabi ko.

Pumasok sa sala si Franz, sa edad niyang singkuwenta'y dos ay guwapo din ito. Bagaman may ilang puting buhok na ito sa maigsi nitong buhok ay mukha lang itong nasa 30's lang.
Matangkad din ito gaya ni Jerome. Fit din itong tingnan. Disente ito sa suot nitong semi-fitted gray slacks at fitted lavender polo shirt. May bitbit siyang isang box ng regalo. Nasa ibabaw nun ang isang bouquet ng flowers. Hiwalay sa asawa si Franz, may isa din siyang anak gaya ko. Owner siya ng isang malaking restobar sa Tagaytay. Nagkakilala kami sa isang culinary expo. After that niligawan na niya ako. He was very persistent. Sinabi ko na sa kaniya noon na kaibigan lang ang turing ko sa kaniya.

"Happy Birthday Alice!"bati ni Franz sa akin.

Bigla niya akong hinalikan sa pisngi. Nabigla ako dun. Never pa niya akong hinalikan at never naman akong papayag na pahalik sa kaniya. Iniabot niya sa akin ang dala niyang regalo at flowers.

"Uhmm..Thank you."naiilang kong sagot kay Franz.

Nakita ko ang reaksiyon ni Jerome sa nangyari. Tiningnan niya kaming dalawa ni Franz. Hindi maikakailang nasaktan siya sa nakita. Tumayo si Jerome at nagpaalam kina Jillian at sa mga kaibigan nito. Nakita ko siyang lumabas at nagtungo sa garden.

"Why did you kissed me?"mahinang sabi ko kay Franz

Ngumiti lang si Franz. Sumagot ito ng mahina malapit sa aking tenga

"Well...kiss lang naman yun ah. Tsaka birthday mo naman so what's wrong with that?"

"For you it's just a kiss, pero alam kong sinamantala mo lang yun dahil kilala mo ko."

"Na hindi mo ako papahiyain sa harap ng bisita mo? Of course Alice. Tsaka alam mo naman na gusto kita talagang halikan."

Lumapit samin si Tori.

"Hi! You must be Franz. I've heard about you and your restobar in Tagaytay."

"Really? You should try our steak there. You won't regret it."

"I'm sure masarap yun. Guwapo ang owner so the food must also taste good."

Tumawa si Franz.

"I'm Tori Hernandez. Friend ko si Alice."

Nagkamay silang dalawa sa harap ko.

"I see. Maybe naikukuwento ako ni Alice sayo."

"Honestly...No. Pero I'm surprised why she didn't. Actually, I've seen your face sa isang food magazine last month. So from there I guess I remembered you and I was totally surprised sa pagpunta mo dito."

"Well, it seems mas marami pang dapat ikuwento ang kaibigan mo tungkol sa amin."ngiti ni Franz sa kanya sabay kindat sa akin.

Sinakyan ko na lang ang patutsada ni Franz sa akin.

"Excuse me lang Franz, Tori...May titingnan lang ako sa garden."

Nagsalita si Tori, "Sure. Hey Franz, I'd like to know more about sa restobar mo. I'm interested to know if you're willing to have a franchising for it."

"Ganun ba? Well sa ngayon pinag-iisipan ko pa yan."

Nagkuwentuhan na ang dalawa habang ako naman ay umalis at pasimpleng pumunta sa kinaroroonan ni Jerome.

Lumabas ako at nakita ko si Jerome sa bandang dulo ng garden sa gilid ng bahay. Siya lang tao doon. Nakatayo siya at nakatingin sa malawak na kabukiran ng aking likod bahay. Hinihithit niya ang isang sigarilyo. Sa maigsing panahon na nakilala ko siya at minahal, batid ko na nagsisigarilyo si Jerome kapag may problema siya.

Napalingon siya sa akin sa paglapit ko sa kaniya. Huminto ako ilang hakbang sa likod niya. Hindi kami nakikita ng kahit sinuman sa puwesto naming iyon. Hindi na rin halos madinig sa kainatatayuan namin ang masasayang usapan sa loob ng aking bahay.

"Siya ba?" may galit at pagdaramdam na tanong sakin ni Jerome.

"Ang alin?"

"Alam mo naman ang tinatanong ko Alice. Sagutin mo na lang please."

May tigas sa boses ni Jerome. Wala pa ring nagbago sa kaniya. Ganun siya sakin kapag galit siya o pikon siya sakin.

"Nanliligaw lang siya sakin."

Humithit pa ng malalim si Jerome sa sigarilyo. Nakatingin pa rin siya sakin.

"Lumabas ako dahil nasaktan ako sa nakita ko alam mo ba yun?"

Nagpakatotoo na ako sa sandaling iyon.

"Kaya nga kita pinuntahan dito eh. Iniwan ko sila dahil alam kong nagyoyosi ka na naman."

"Kesa naman basagin ko ang mukha ng lalake na yun."

"Diyos ko Jerome, gagawa ka pa ng iskandalo sa gagawin mo."

"Kaya nga hindi diba?"

"Kilala kita Jerome. Alam kong babasagin mo yung mukha nun."

"Noon. Oo. Pero ngayon hindi ko na alam kung saan ako lulugar sa puso mo o kung nandiyan pa ako."

"Nagseselos ka dun sa lalake?"

"Oo nga. Alam mo naman eh tinatanong mo pa."

"Malay ko ba na nagseselos ka pa..."

"Mas kilala mo ako kesa sa anak mo."

"Na girfriend mo..."

"Na naging girlfriend ko dahil iniwan moko..."sabi niya sabay pukol niya ng sigarilyo niya sa lupa.

"Jerome..."

"Sabi mo noon hindi ka masyadong mag-eexpect sa relasyon natin. Na wala tayong patutunguhan. Sinabi mo yun diba?"

"Oo. Sinabi ko yun."

"So ginago mo ko."

"Ginago kita Jerome?"

"Hindi pa ba malinaw na ginago mo ko nang nangako tapos eh iiwan mo lang ako?"

"Hindi kita ginago Jerome. Hindi yun ang rason kung bakit lumayo ako."

Napailing lang si Jerome. Hindi niya tinanggap ang naging dahilan ko.

"Mahal mo ba ako Alice?"

Hindi ko kayang sagutin ang tanong niya. Kung ibang babae lamang ang involve ay tiyak na sasabihin kong Oo. Pero ang anak ko na ang involve dito. Puso na ng anak ko ang masasaktan ko kung sasagutin ko ang tanong ni Jerome.

Hindi ako nakakibo dala ang bigat ng aking dibdib. Nagsalitang muli si Jerome.

"Dahil ako Alice...Mahal na mahal pa rin kita. Na handa kong iwan si Jillian para sayo. At alam kong ayaw mo yun dahil anak mo siya. Dapat masaya nga ako ngayon eh... Kase nakita na kita. Pero tang-ina, ambigat sa dibdib ko ang nangyari satin ngayon. Selfish ako dahil handa akong ipaglaban ang pagmamahal ko sayo. Pero Ikaw alam kong hindi. Kilala kita...sa huli alam ko masasaktan lang ulit ako. Kasi alam kong kapakanan ng anak mo ang pipiliin mo."

"Hindi ko kayang saktan ang damdamin ng anak ko... Read More

Part #: 1

About the Author :

Joined: July 11, 2014 (2 years old)
Writings: 78

Send PM · Male · Offline

I love to write erotic stories. I also write in Wattpad under the same name. My stories will be published soon.
39 comments   5 favorites   4,202 views