Sex Story

I THINK I'M IN LOVE

August 11, 2014 (2 years ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: First Time, Romance | Tags: , ,

I THINK I'M IN LOVE

               "True love waits. No matter how long it takes,  It's always worth the wait" 



                     ♥    ♥    ♥    ♥    ♥    ♥    ♥

                      
_________________________________________________________________________



                                                                 Chapter 1


                                                 Matabungkay, Batangas

 Napakaganda ng repleksiyon ng ginintuang kalangitan sa dagat habang ang mga alon nito ay banayad na humahalik sa puting buhanginan.  Ang gintong kulay ng paglubog ng araw sa kalangitan ay sinasalubong ng kulay asul at abong mga ulap mula sa itaas nito.  Ang preskong simoy ng hangin naman ng dagat ay dama ng taong naroon. Ang pag-ihip niyon ay mistulang isang romantikong tugtugin sa mga sanga ng punong niyog habang sila'y marahang dinadala ng ritmo nito.

 Kaysarap ding pakinggan ng tunog na likha ng mga alon sa dalampasigan, tila himig ito ni Inang dagat, habang ipinaghehele niya ang mga balsang nasa kanyang mapag-arugang mga bisig.   

 Dalawang anino ng babae ang magkatabing nakaupo sa isang balsang malapit sa dalampasigan. Ang mga binti nila ay nakatampisaw sa tubig at pinakikiramdaman ang mga daloy ng alon niyon. 

 "It's been four years already Andrea, matagal nang patay si Brent. Yet, hinihintay mo pa rin ang isang taong hindi na kailanman babalik..." sabi ng isang babae.

 Sumagot ang babaeng kausap niya. Nakatingin ito sa horizon ng dagat. " Iba kasi ang nararamdaman ko Claire eh. Nung isang gabi, napaginipan ko na naman siya. Alam kong buhay siya. Basta, iyon ang nararamdaman ko." 

"Eh kung buhay siya, bakit hindi na siya bumalik? Tsaka  di'ba confirmed naman na ng mga authorities na yung identity ng charred victim sa kotse e kay Brent nga?
sabi ni Claire.

"Yung mga ID's nya Oo! Pero hindi naman talaga na identify yung body di ba?" sagot ni Andrea.

"Paano naman maa-identify pa yun e halos abo na lang nga di ba?" sabi naman ni Claire.

"Yun nga eh. Hindi nila sure kung si Brent nga talaga yun. Tsaka hindi ko talaga matanggap na freak accident yung nangyari sa kanya." sagot ni Andrea.

"Hay naku Andrea, four years ng closed ang kaso ni Brent. Freak accident yung nangyari." sabi ni Claire.

Hindi kumibo si Andrea.

Nagsalitang muli si Claire, "Isipin mo ah, hindi ka din pumunta nung isaboy ng parents ng fiancee mo yung ashes nya. Ikaw lang ang wala dun at nagtatampo sa'yo ang in-laws mong hilaw."  

"Basta, Claire...Ramdam kong buhay si Brent"
sabi ni Andrea.

Nagsalita ulit si Andrea, "Claire, tutal Sunday naman bukas, sama ka sa'kin sa Talisay."
 

 "Wag na. Mukhang alam ko yan eh. Iko-commemorate mo yung fourth year death anniversary ni Brent di ba? Na-bored lang ako last year na sinama mo ko eh." sabi ni Claire.

 
"Grabe ka naman. Special kasi yung place na yun saming dalawa eh."
  sagot ni Andrea.

Tinapik ni Claire ang kaibigan sa balikat, "Uy ito naman, joke lang yun ha. Alam ko naman yun eh. Kaya lang may date kasi kami ni Ben ko bukas eh hihihi"

Ngumiti naman si Andrea, "I'm happy for you Claire. Mabait si Ben. I'm sure mahal na mahal ka nun" 

Biglang nagseryoso si Claire, "Andi, kamusta na nga pala kayo ni Luke? Yung dating bestfriend ni Brent?"

"Alam naman ni Luke na hanggang kaibigan lang ang tingin ko sa kanya. si Brent lang talaga ang mahal ko eh."
sagot naman ni Andrea

"Pero ano tong nababalitaan ko na hanggang ngayon eh nililigawan ka pa rin ni Luke. Why not try giving him a chance? Mukhang serious naman siya sa'yo Andrea."
sabi ni Claire.

"Oo, sabi niya hindi daw siya titigil sa panliligaw sa'kin. Malayong-malayo siya sa ugali ni Brent. Nagtataka nga ako kung bakit naging bestfriend ni Brent si Luke eh. Besides, obvious naman na nanliligaw lang yun dahil sa negosyo. Yung hotel business naman ng family ko dito sa Batangas ang habol nya eh. Pamilya din kasi ng mga businessman si Luke. Yung parents naming dalawa ang magkasosyo sa ilang mga hotels sa Talisay di ba?"
sabi ni Andrea.

"Sabagay kasi nakapangalan sa'yo yung isang business nyo di ba? Maiba nga tayo, napansin ko lang, ikaw lang ata ang nalihis ng negosyo ng pamilya Luna ah. Sila panay hotels and resort ang business, ikaw naman eh events ang hawak mo." sagot ni Claire.  

"Masaya kasi ako sa events eh." sagot ni Andrea.

"Ang sabihin mo Andi, masaya ka sa events kasi dun mo naaalala si Brent hihihi." sabi naman ni Claire.

Ngumiti lang si Claire sa sinabi ng kaibigan. 

Muling nagsalita si Claire, "Andi, naniniwala ka ba talagang buhay pa si Brent hanggang ngayon?"

"Yun ang nararamdaman ko eh. Sinasabi ng puso ko na buhay pa siya." sagot ni Andrea.

"Kung yun talaga ang paniniwala mo, ipaglaban mo Andi." tugon naman ni Claire.

"Malay mo naman, sa next concert event mo, nandun sya at isayaw ka nya ulit"
sabi ni Claire.

Hindi ulit kumibo si Andrea.

Nagsalita ulit si Claire,"Alam mo friendship, sana nga magkatotoo yung mga sinasabi mo tungkol kay Brent."

Ngumiti naman si Andrea,"Sana nga magdilang anghel ka din na isayaw ako ulit ni Brent." sabi ni Andrea.

"I can still remember that. Nagsayaw pa nga kayo ni Brent sa gitna ng audience habang nagco-concert ang freestyle di ba?" sabi ni Claire.

"Oo, and that was one of the happiest moment in my life, Claire." sambit ni Andrea.

Kinilig naman si Claire sinabi ng kaibigan. Kumanta ito, "♬ I Think i'm in love...i think i'm in love..with you... ♬ " 

Namugto agad ang mata ni Andrea habang inaalala ang nangyaring iyon sa kanila ni Brent.
Bumalik sa kanya ang mga masasayang alaala sa piling ng fiance.

Naalala na naman nya ang lahat ng iyon sa isang iglap...

 Nanonood sila ni Claire ng concert ng freestyle. Nang kinanta ni Jinky Vidal ang song na I Think I'm in love, may isang lalaking lumapit sa kanya, si Brent.

Hindi gaanong ka-guwapuhan si Brent subalit parang na spellbound si Andrea. Hindi niya maipaliwanag subalit iba siya sa mga lalaking nakilala at nakita niya. Ang tindig nito habang naglalakad palapit sa kanya...ang paraan ng pagbukas ng tiklop nitong palad upang hingin ang kanyang kamay... ang kislap sa mga mata nito...ang kakaibang ngiti nito...ang mga mapuputing ngipin nito na medyo kumakagat sa kanyang labi habang ngumingiti... ang cute nitong mga mata habang nakangiti, naramdaman na lang ni Andrea na nagsasayaw na silang dalawa.

 Hawak ni Brent ang isa niyang kamay, ang isang kamay nito ay nasa kaniyang tagiliran. Ramdam ni Andrea ang init ng mga palad nito, at ang matatag na balikat nito.  Nagustuhan din  ni Andrea ang amoy ng pabango nito sa dibdib nitong nakatapat sa mukha niya.

 Magkatinginan silang sumasayaw. Sa mga oras na iyon ay tila pareho nilang ramdam sa kasayaw ang mensaheng nilalaman ng kanta. Hindi nila namalayan ang camera at spotlight na nag-focus sa kanilang dalawa habang nagsasayaw sa audience, malakas na hiyawan mula sa mga audience ang nakawala ng atensiyon nila sa isa't-isa. Napansin na lang nilang dalawa na napapanood na pala sila sa malaking screen sa may stage habang naroon at kinikilig din sa kanila ang magandang singer na si Jinky Vidal habang kumakanta.

Sa isang iglap, naramdaman na lang ni Andrea na parang nahulog agad ang puso niya kay Brent. Matapos ang araw na iyon ay lagi na silang magkasama ni Brent. Isang buwan simula nang magkakilala sila sa concert na iyon ay sinagot niya ng matamis na Oo ang lalaki.

Iyon ang simula ng matamis na pagmamahalan nila ni Brent. Walang araw na hindi sila masayang dalawa. Malambing at maalalahanin na boyfriend si Brent. Mahal na mahal ni Andrea si Brent. Si Brent lang ang tanging naging boyfriend nya at siya din ang tanging naging girlfriend ni Brent.  

 Nang sumapit sa isang taon ang kanilang relasyon, nagpunta silang dalawa sa isang resort sa Talisay, Batangas...ang The Garden Resort. Habang kumakain sila sa isang resto sa loob ng resort, inilabas ng isang babaeng service crew ang cake na inorder ni Brent para sa kanilang dessert.  Nabasa ni Andrea ang nakasulat sa cake, "Andi, Will You Marry Me?"  at sa tabi nito ang isang engagement ring. Kinuha ni Brent ang singsing at lumuhod ito sa harapan ni Andrea. Hinawakan niya ang isang kamay ng nobya at sa kabilang kamay naman niya ang hawak niyang engagement ring. Nagsalita si Brent:

"Andi, the first time i looked in your eyes i saw Love. They say Love only happens in fairy tales, but when i first saw you...my heart skipped a beat and I've loved you eversince. Andi...Will you be my wife?"

Tumulo ang luha sa mata ni Andrea, ngumiti ito at nagsalita, "Brent, I fell in love with you the first time i saw you. I'm afraid to lose you when i first saw you...You are my life...my hapiness. The answer is Yes!

Sobrang sayang tumulo din ang luha sa mata ni Brent sa narinig. Isinuot niya ang singsing sa kamay ng nobya. Tumayo silang dalawa. Niyakap siya ni Brent, hinalikan siya nito sa kanyang labi. Halos himatayin ang babaeng service crew sa sobrang kilig sa kanilang dalawa, maging ang manager ng resto na nasa counter.

 Isinet nilang dalawa ang kanilang kasal sa loob ng anim na buwan. Sa The Garden Resort din nakatakdang idaos ang magiging kasalan nila. Isang garden wedding.

 Handa-handa na silang dalawa para sa darating na kasal. Kumuha din sila ng magaling na wedding planner. Excited na si Andrea Cristine Luna o Andi na  maging wife ni Brent Tiozon na isang bagong graduate sa kurso nitong aviation. Kinuha agad ito ng isang sikat na airline company ng bansa. 

Isang masayang pagsasama ang naghihintay kay Andrea sa piling ng mahal niyang si Brent. Subalit, hindi na matuutloy iyon, wala ng kasalang magaganap.

 Tumulo ang luha ni Andrea nang sumagi sa isip niya ang huling araw na nakausap niya si Brent isang buwan bago ang kasal nila.

Excited pa si Brent na tumawag sa kanya at sinabing pupunta siya sa The Garden Resort  upang personal na dalhin ang naka-flash drive na files ng mga picture nilang dalawa para sa projector.

 Iyon na pala ang huli nilang pag-uusap. Tinawagan siya ng mga magulang ni Brent at pinapunta siya sa resort. Sa bungad pa lang ay napansin na niya ang napakaraming tao na humaharang sa daraanan ng kaniyang dalang sasakyan. Halos mapuno ng mga usyosero ang lugar, nakita din nya ang malaking trak ng bumbero at isang ambulansyang nakaparada sa lugar na iyon. May ilang pulis din na naroon para sa crowd control.

Nakita niya mula sa kotse ang manager ng resort, kausap ang umiiyak na magulang ni Brent. Mabilis na bumaba ng sasakyan si Andrea. Sinalubong siya ng nanay ni Brent at humahagulgol ito at basang-basa ng luha ang damit nito. Ang ama naman ni Brent ay naka-shades at kausap ang ilang pulis at ang manager ng resort, halata din ang mga luha nito sa pisngi at sa damit. May mga mantsa din ng abo ang damit nito na siya niyang ipinagtaka.

"Andi huhuhuhuhu! Andi!" Hagulgol ng nanay ni Brent habang nanginginig itong yumakap sa kanya.

Umiiyak na rin si Andrea, "Ma? Anong nangyari? Si Brent? Nasan si Brent Ma?"

Lalong humagulgol sa pag-iyak ang nanay ni Brent.

"Andi, huhuhuhu! Tinawagan kami ng manager ng resort. Wala na si Brent Huhuhuhuhu!" iyak nito.

"P-Po? P-paanong...b-bakit?" Hindi na naituloy ni Andrea ang sasabihin. Nakita niya ang kinaroroonan ng sasakyan ni Brent, tupok na tupok ito sa pagkakasunog, nakasalampak sa lugar ng driver seat ang isang sunog na katawan nito.  

Hinimatay si Andrea. Nahimasmasan na siya sa loob ng isang umaandar na ambulansiya. Naroon na rin ang magulang niya. Umiiyak ang nanay niyang yumakap sa kaniya. Kasunod naman ng ambulansiya ang isang van ng medico legal na naglalaman ng sunog na bangkay ni Brent. 

Nawalan na ng ganang mabuhay si Andrea dahil sa nagyari. Hindi na siya makausap. Hindi din siya kumakain. Nakatulala na lamang ito at minsan ay bigla na lang hahagulgol ng malakas at tinatawag ang pangalan ni Brent. Itinakbo siya ng kaniyang magulang sa ospital dahil dito. Dinala siya sa isang private room ng ospital at doon ay nag-undergo siya ng theraphy sa mga psychologist. Lahat ng espesyalista na tumingin sa kanya ay napapailing na lang sa resulta ng theraphy sa kanya. Halos mawalan na ng pag-asa ang mga magulang niya. Mahal na mahal nila ang anak na si Andrea, masakit din sa kanila ang pagkamatay ni Brent. Napakabait kasi nito at alam nilang mahal na mahal nito ang kanilang anak.   

 Eksaktong araw sana ng magiging kasal nila ni Brent, kahit nanghihina sa hinihigaan, nagawa pa rin na agawin ni Andrea sa attending nurse nya ang mga dala nitong iba't-ibang mga mga tableta at mabilis na nilulon ang mga ito upang magpakamatay habang pinipigilan siya ng kaniyang mga magulang. Ibinuhos na palang lahat ni Andrea ang natitira nyang lakas para sa bagay na iyon. Handang-handa na siyang mamatay. Dagling nagpuntahan ang iba pang mga doktor at nurses sa nangingisay na si Andrea sa sahig. 

 Tatlong buwang comatose si Andrea sa isang private ICU. Bagaman tulog ang pisikal na anyo ng dalaga, ang diwa naman niya ay masaya sa lugar ng mga panaginip. Sa dakong iyon natupad ang pangarap niyang makasamang muli si Brent. Sa dakong iyon sila kinasal. Buhay na buhay ang anyo ni Brent sa balintataw niyang iyon.

Masaya silang nag-uusap ni Brent sa panaginip niyang iyon.

"Brent, mahal na mahal kita alam mo ba yon?" sabi ni Andrea.

Niyakap siya ni Brent, "Ikaw din naman eh. Mahal na mahal din kita at ayokong nakikita kang umiiyak...nasasaktan ako alam mo ba?" sagot naman ni Brent.

Umiyak na si Andrea, "Ayokong mawala ka kasi sa'kin Brent. Takot akong mabuhay ng wala ka...Hindi ko kaya."

Hinawi ni Brent ang luha ni Andrea, hinalikan siya ng fiance, nagsalita si Brent, pigil ang pag-iyak nito, "Andi, tandaan mo lagi, Mahal na mahal kita. Lahat gagawin ko para sa'yo. Kahit ikamatay ko. Alam mong ayokong nakikita kang umiiyak. Ayokong nakikita kang nasasaktan. Magkikita din tayong muli Andi...may aayusin lang ako...ipangako mong aantayin mo'ko...wag kang susuko...lumaban ka para sa'ting dalawa...gaya ng ginawa ko para sa'tin." 

"Huhuhu! Brent, Hindi ko na ata kaya pang tiisin ang sakit...hindi ko kayang mabuhay ng wala ka! huhuhu! Dito na lang ako...kasama ka. Huhuhu!"
sabi ni Andrea.

Umiiyak na rin si Brent, "Makinig ka Andi, hindi ito ang lugar na para sa'ting dalawa. Basta ipangako mo, lalaban ka gaya ng ginagawa ko para sa'tin. Mahal na mahal kita. Lumaban ka para sa'ting dalawa. Mangako ka Andi! Huhuhu. Lalaban ka...Ipangako mo huhuhu!" 

"Oo Brent, huhuhu! Nangangako ako. Ipinapangako kong lalaban ako para sa'ting dalawa. Huhuhu" sabi ni Andrea.

Niyakap siyang mahigpit ni Brent. Naramdaman na lamang ni Andrea na hinigop siya ng isang nakakasilaw na liwanag mula sa kalangitan. Pilit niyang inaabot ng kamay ang nakatinging si Brent habang hinihila ng liwanag na iyon hanggang sa tuluyan na siyang masilaw sa liwanag na iyon. 

Dahan-dahang dumilat ang kaniyang mata at nanibago sa liwanag ng totoong mundong kaniyang ginagalawan. Nabanaag ng mga mata niya ang imahe ng krus sa dingding. Dito na nagsimulang bumalik sa normal ang kaniyang paningin. Nasa loob ng room na iyon ang kaniyang magulang at mga kapatid. Masaya ang mga ito sa pagkagising ni Andrea.

Biglang umiyak si Andrea, paos ang boses nito, "Ma! Pa! Sorry po huhuhu! I'm sorry!" napahagulgol si Andrea. Gusto niyang yakapin ang mga magulang sa kabila ng mga nakakabit na dextrose at iba pang wires sa kanyang braso at katawan

Mabilis na lumapit ang pamilya ni Andrea sa kanya. Niyakap siya ng mga ito. Umiiyak silang lahat.

Umiiyak na nagsalita ang kaniyang Papa, "Bunso, Mahal na mahal ka din namin. Nandito lang kaming pamilya mo para sa'yo. Tandaan mo yan anak. Mahal na mahal ka ng pamilya mo."

Humahagulgol din ang mama niya na humahalik sa pisngi nga, "Huwag mo nang uulitin yan Anak, huhuhu. Mahal na mahal ka namin. Ikamamatay namin ng papa mo kung mawawala ka."

Humahagulgol din maging ang kaniyang kuya at ate, pareho silang nagsalita, "Andi, sabihin mo lang kung ano ang magagawa namin. Nandito lang kami para sa'yo. Mahal na mahal ka namin bunso. Kaya natin yan Andi...malalagpasan mo yan...pagtutulungan natin yan."

"Huhuhu! I'm sorry! Huhuhu! S-Salamat Kuya...Ate...Pa..Ma...Oo hindi ko na uulitin 'to. Lalaban na ako. Hindi na ako susuko huhuhu."
sabi ni Andrea sa kanila. 

Ipinagpatuloy ni Andrea ang mabuhay. Nagising siya dahil may pangako siyang binitawan kay Brent. 

Nilibang ni Andrea ang sarili. Nahanap niya iyon sa kaniyang negosyong itinayo, ang Ventus Inc, isang events company na nag-oorganize ng mga concerts. Naging successful itong events company. Ito ang kinukuhang organizer ng mga sikat na singer at mga nangungunang tv stations. Naging abala dito si Andrea, isa pang rason ay masaya dito si Andrea dahil sa concert niya nakilala si Brent. 

Isang tapik sa balikat ang gumising kay Andrea mula sa mga alaalang iyon,"Huy, natutulala ka na naman diyan. Kanina pa kaya ako nagsasalita dito, wala naman pala akong kausap dahil absent-minded na naman pala tong katabi ko hihihi" sabi ni Claire.

Natawa si Andrea, tumingin ito sa kaibigan, "Ano nga ba ulit yung sinasabi mo?" 

"Wala. Tara na nga at nang makauwi na hihihi. Teka, sasabay ka na ba sakin ngayon sa Taguig?". tugon ni Claire.

"Hindi. Sige mauna ka na dun friendship at alam kong may date pa kayo ng labs mo bukas. Pupunta muna ko dun sa resort bukas bago ako umuwi ng Taguig."
sabi ni Andrea.

"O sige, basta ingat na lang ha. Yung pagda-drive mo Andrea ha! Alam kong parang race car driver ka kung mag-drive eh." sabi naman ni Claire.  

"Don't worry Claire, nagmamadali lang naman ako pag kelangan talaga. Thanks ha. I'll be careful. Ikaw din, ingat ka sa pagda-drive" sabi naman ni Andrea.

"Andi, san ka nga pala uuwi ngayon?" tanong naman ni Claire. 

"Dun na lang ako sa isang hotel ng kuya ko na medyo malapit lang dito. Andun din daw sya ngayon eh. Para madalaw ko na rin siya." sagot naman ni Andrea.

Bumaba na ng balsa ang magkaibigan at nilusong ang hanggang beywang na tubig dagat at lumakad nang palayo ng dalampasigan.

                                                     
Talisay, Batangas



Vroooommmmmmhhhhhh!

Kinabukasan ng umaga ay nag-drive na si Andrea papunta sa The Garden Resort.  Minamaneho niya ang isang kulay white na 2012 Nissan Skyline GT-R na hiniram niya sa kuya Paul niya.

 Maganda ang panahon at Kakaunti lang ang mga kasabay niyang sasakyan. May nakasabay siyang isang itim na Maserati Gran Turismo at binusinahan siya nito. Nang tumapat ito sa kanya, bumaba ang tinted window nito sa passenger seat at nakita ni Andrea si Marian Rivera at ang nagda-drive dito na si Dingdong Dantes.

 Alam niyang barkada ng kuya niyang si Paul ang aktor at dahil heavily tinted ang kotse ng kuya nya, akala siguro ni Dingdong Dantes na ang kuya Paul niya ang nagmamaneho ng Skyline nito. Pinindot ni Andrea ang power window at kinawayan ang dalawa sa kabilang sasakyan.

Bahagyan idinikit ni Dingdong ang kotse nito sa Skyline.

Nagsalita si Marian, "Hi! Ikaw yung kapatid ni Paul di ba? Andrea of Ventus Inc, right?" Ngumiti ito kay Andrea. 

Ngumiti din si Andrea sa magandang aktres, "Hi Ms. Marian! Oo, ako nga. Nice to meet you again." sabi ni Andrea.

Nagsalita naman si Dingdong, nagbiro ito, "Andi, ingat ka dyan sa kotse ng kuya mo ha, hehehe. Mabilis yan."
sabay thumbs-up ng gwapong aktor sa kanya.

Tumawa si Andrea, "Haha. Oo kuya Dong, parang ayaw pa ngang ipahiram sa'kin eh, baka daw magasgasan ko haha." 

"Hahahahaha! Naman! Pati rin sa'kin ayaw ipagamit ni Paul yan eh. Mahal na mahal nya yang kotse na yan eh. Uy ingat ka sa pagda-drive ha! Halimaw sa set-up ang sasakyan na yan eh."
sabi ni Dingdong.

"Uy Andi! mag-artista ka na lang kaya? Ang ganda-ganda mo eh, manang-mana ka sa Ate Marian mo"  sabi ni Marian.

"Haha. Thank you 'te, yaan mo pag-iisipan ko. Uy, Kakanan na'ko dun sa kabila, Ingat din kayo ni kuya Dong sa biyahe."
sabi naman ni Andrea.  

 Ngumiti silang dalawa kay Andrea at nagpaalam na rin. Kumanan na sa kabilang daan ang sasakyan ni Andrea papunta sa resort.  Malapit-lapit na dun ang resort. Preskong hangin mula sa dagat ang pumasok sa loob ng sasakyan ni Andrea. Tanaw na rin ang  magandang beach ng Talisay mula sa dinadaanan niyang kalsada. Muli, dadaanan na naman ni Andrea ang lugar na pinaka-ayaw niyang daanan...ang lugar na pinangyarihan ng malagim na aksidente ni Brent. Subalit, wala siyang choice dahil iyon lang ang tanging daan para makarating sa resort.

Nang dumaan siya sa spot na iyon ay iniwas na lang ni Andrea ang tingin dito. 

May nakasalubong siyang isang kotse bago pumasok ng entrance ng The Garden Resort. nag give-way muna siya sa paglabas nito bago siya pumasok sa entrance ng resort.

Wala pang katao-tao sa loob ng resort na iyon. Bumaba na si Andrea sa sasakyan at naglakad na papunta sa malawak na garden ng resort na madalas nilang tambayan ni Brent. May partikular na lugar silang gustong-gustong puntahan dati ni Brent. Iyon ay ang wooden bench na may swing sa mataas na parte ng garden na malapit din sa dagat.  Ang ganda kasi ng lugar na iyon, kaharap nila ang dagat ng Talisay. Ang paligid din ng lugar na iyon ay napapalibutan ng mga bulaklak, halaman at malalaking puno. Naglipana din sa lugar na iyon ang mga paru-paro.  

 Dito siya dinala ni Brent kinaumagahan matapos niya itong makilala sa concert. Dito sila unang nag-date. Dito rin niya sinagot si Brent. Dito rin sila unang nag-kiss. Nagkataon naman na nire-renovate ang swing na iyon nung nag-propose sa kanya si Brent. Puno ng masasayang alaala ni Brent ang lugar na iyon. Mga masasayang alaala ni Brent na nagpapasaya kay Andrea nung nabubuhay pa ito. Sa lugar na ito kumukuha ng lakas si Andrea.

 Nagulat si Andrea paglapit niya sa upuan ng swing...medyo umuuga pa ito at may isang bundle ng pulang rosas na naroon sa upuan, sariwa pa ito at mukhang kakalagay lang.

 Bigla ding nanlambot ang mga tuhod niya. Napahikbi siya sa isa pang nakita...sa tabi ng bulaklak ay may isang box ng chocolate...ang brand ng chocolate na isang tao lang ang laging nagbibigay sa kanya...si Brent.

Di na niya napigilan at tuluyan na siyang umiyak. 

Umiiyak na nasabi ni Andrea sa sarili, "Totoo ba ito? Nangyayari ba talaga to?"

Nakita siya ng matandang babae na nagdidilig ng mga bulaklak, "Isang lalake ang naglagay nyan dyan Ineng. Kakaalis lang niya. Siguro nagkasalisi lang kayo."

Nabigla si Andrea sa narinig. Tumakbo siya palabas ng garden. 

"Manong, me lalaki po bang kakalabas lang ng garden kanina? Nasan na siya?" Excited na tanong niya sa nagwawalis na caretaker ng resort.

"Ah...yung lalake ba?" tapos ay idinetalye ng caretaker yung taas at tindig ng lalaking dumaan

Excited na sumagot si Andrea, "Oo.Oo..yun..yun..yun nga manong. Asan na po siya?... Read More

About the Author :

Joined: August 9, 2014 (2 years old)
Writings: 1

Send PM · Male · Offline

12 comments   2 favorites   1,331 views