I Love You Lian Santarita

June 9, 2014 (2 years ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: First Time, Reluctance | Tags: ,

Ang pangalan ko po ay si Lian Santarita, isang matagumpay na Certified Public Accountant at isang respitadong Compliance Officer ng Corporate Office sa isang tanyag na bangko. Nung college palang ako, may dalawang masusugid akong manliligaw. Isang architecture student na si Victor at isang criminology student na si Lucio. Dala ng determinasyong pumusa sa CPA board, from first year up to the fifth of my college, wala talaga akong oras na sinasayang kundi sinagad ko ito sa pag-aaral, hanggang natutunan ko ang gumamit ng bato, sa layuning di ako aantukin sa aking pag-aaral tuwing gabi. Wala sa isip ko ang magnobyo at natapos ko ang aking pagkokolihiyo na di man lang nakatikim ng halik sa isang lalaki.

Isang araw nung ika-third year ko ng college, na notice ko na si Victor nalang ang naiwang nag-iisang umaaligid sa akin. Tanong ko sa sarili, “saan na kaya si Lucio”. Nabalitaan ko nalang na kumalas na pala si Lucio sa Criminology Department sa school namin kasi natanggap at pumasok na siya sa police academy.

Patuloy ang buhay sa loob ng Unibersidad, hanggan nalaman ni Victor sa paminsan-minsan ay nagbabato ako. Sa pagkakaalam ko, ni isang besis ay hindi talaga nakatikim o tumikim si Victor ng shabu. Ngunit sa paglalayong maka-score sa akin ay pinilit niyang alamin ang kalakaran sa loob ng Unibersidad kung papano umiskor ng bato para sa akin. Di naman ako ganun ka addict, but I enjoyed the convenience na naibigay ni Victor sa akin para di ko mapagdaan ang hassle sa pag.iskur ng bato. He really got my appreciation.

Ito namang si Lucio ay paminsan-minsan ay dumadalaw sa bahay namin kapag makapag campus leave sa Academy. Ngunit ay parang napalayo na ata siya sa aking damdamin buhat sa dami ng sakripisyo na ginawa para sa akin ni Victor. Kung medyo magkulang ang pangbayad ko sa school, sinasakripisyo ni Victor ang kanyang allowance ‘wag lang akong maantala sa pagkuha ng mga pasulit tuwing midterms and finals. Bukod pa dun yung pang.iskur ng bato na binibigay niya sa akin. Sa madaling salita, natutunan ko nang mahalin si Victor. Lalo na nung grumadwet ako at pumasa sa CPA board, dun ko na narealized na may kagwapuhan din pala itong lalaking ito at lamang na lamang talaga s’ya kung sex appeal ang pag-uusapan kompara kay Lucio. Well, siguro dahil medyo humupa na ang stress level gawa ng pag-aaral, dun ko na siguro nakikita ang mga lalaki sa paligid ko.

Dumating ang araw na sinagot ko si Victor. Ngunit kahit magboyfriend na kami ay tuloy parin ang panunuyo ni Lucio sa akin. Sabi niya hangga’t di ako ikinakasal kay Victor, patuloy niya akong liligawan. May pabiro pa itong salita, sabi niya, “kahit mag-ilang dosena na ang anak ko kay Victor, pagmayroon siyang pagkakataon, ay aagawin pa rin niya ako sa nobyo ko.” Sa totoo lang na flattered din ako. Pinag-aagawan ako sa dalawang binatang may binatbat naman sa buhay, isang magaling na archetikto at isang promising na police officer.

Dumaan ang ilang araw, buwan at taon. Lahat kaming tatlo ay nakakuha na ng trabaho. I was hired as assistant accountant sa bangkong pinatatrabahuan ko ngayon. Si Victor matapos niyang makuha ang diploma ng structural architecture sa Sweeden ay matagumpay niyang nairaos ang kanilang family construction business at sunod-sunot itong nakakuha ng projects both in private and government sectors. Si Lucio naman ay nabalitaan kong pumasok sa BJMP at nakapagtapos na din ng Master of Criminal Psychology.

Talagang nagpursue si Victor sa aming relationship. Ni minsan ay di ako nakarining ng ingay na mayroon siyang ibang babaeng pinopormahan. Hanggang dumating ang moment na nagpropose siya sa aking at ini-schedule namin ang aming kasal. Dalawang araw bago kami ikinasal, lumitaw si Lucio. Sabi niya, kino-congratulate lang daw niya kami. Nang umalis ito ay pinisil niya ang aking braso sabay iwan ng salitang, “mapasakin ka rin”. Nang tinitigan ko siya ng matulis, komambyo ito ... “di ka naman mabiro ah”. Yan tanggap ko na, na si Victor talaga ang nagwagi sa puso mo.”

Dumating ang araw ng aming kasal. Nung pagdating ako sa simbahan, namalayan ko si Lucio na dun lang sa kabilang gusali, nagmamasid lang na para bang hindi nawawalan ng pag-asa na in the eleventh hour di sisipot si Victor at mapasakanya din ako. Ngunit, under ideal condition, natuloy ang aking kasal. Tapos sa simbahan lumipat kami sa reception, at batid kong umaaligid lang si Lucio. Umuwi kami sa bahay ng mga magulang ko at the next day umakyat kaming Baguio.

Gabi na ng dumating kaming Baguio. At sa kabutihang palad ay agad kaming nakakuha ng... Read More

About the Author :

Joined: April 28, 2014 (2 years old)
Writings: 1

Send PM · Male · Offline

7 comments   0 favorite   2,669 views