I Hate Weekends, I Love You

July 1, 2016 (5 months ago)
Posted in Poem: Tagalog | Categories: Erotic | Tags:

I hate weekends.., di na tayo makakapag-usap
I love you..., ititigil ko na pagpapanggap
Yeah, ikaw dahilan ng mga ngiti ko
At nung sumagot ka, tuwang-tuwa ako

Kaya lang, alam kong di ka pa rin sigurado
Galing lang kasi ang puso mo sa pagkabigo
Ako naman, isang hamak na mapagbiro
At sa tingin mo, hindi ko kayang magseryoso

Biyernes na, di na kita matatawagan
Sa Lunes nalang ulit tayo maglokohan
Ok lang, ganun talaga ang buhay, paikot-ikot lang
Ngayon napapasaya kita pero hanggang kailan

I hate weekends.., di dahil wala akong pang gimik
I love you..., subukan ko nalang manahimik
Hindi rin naman tayo pwede, di ko na ipipilit
Hindi na rin aaminin, na sa iyo'y umiibig

Ano naman kasi mapapala mo sakin
Malamang ikaw lang ay paiiyakin
Sa mga walang kwenta kong sasabihin
Na hindi mo rin naman seseryosohin

Mas mabuti pa, itigil ko nalang ito
Ilang linggo rin na naging masaya tayo
Pero ramdam kong di ka pa handa
Nakangiti, tumatawa subalit lumuluha

I hate weekends.., lumipas na naman ang isang linggo
I love you...,... Read More

About the Author :

Joined: June 14, 2016 (5 months old)
Writings: 2

Send PM · Male · Offline

Suggested writings:
7 comments   0 favorite   536 views