Hip Hop si Kuya Chronicles: Boom! Shake the Room Part III

August 30, 2015 (1 year ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Mature | Tags: ,

********** Flashback**********

1996

"Ma, bakit walang dalang Chips Ahoy! si tito Albert?"

"Naku, Joel, madalian lang kasi uwi ng tito Albert mo kaya di na naka bili ng mga pasalubong."

"Eh, bakit puro CD ang bigay sa atin?"

"DJ kasi ang tito Albert mo sa Amerika kaya nagdala sya ng mga sample ng mga pinapatugtog niya. Ubusin mo na pagkain mo at pupunta tayo sa lola."

***********************************

Inikot-ikot ko ang album case sa kamay ko habang pinakikinggan ang CD na laman nito. Linakasan ko ang volume at pinikit ang mata ko. Bakit ba? Lunch break ko naman eh.

Naalala ko pa ang una kong pagkakataong patugtugin ang Code Red album ni DJ Jazzy Jeff and The Fresh Prince. Nang nalaman ng tito Albert na wala kaming CD player, agad ito bumili sa mall at binigay sa mama ko.

Namulat ang pandinig ko at isipan ko sa isang uri ng musika na walang katulad. Ang kanilang pagbigkas, bilis ng bibig at kathang isip, kakaiba. Nahilig ako kaagad. Nag-ipon ako ng aking mga baon at nagsimulang bumili sa mga bangketa ng mga CD na di orihinal. Nagbabasa ako ng mga artikulo tungkol sa rap, minsan palihim sa National Bookstore.

Oo, isa ako sa mga sumisira sa plastic ng mga selyadong magasin sa magasin rack sa National. Pasensya na.

Memoryado ko rin ang mga rapper at kanilang mga kanta. Kung pwede lamang kumita dahil sa hilig ko, mayaman na sana ako.

Nahinto ang aking pagninilay-nilay ng may kumatok sa pinto.

KNOCK KNOCK KNOCK

"Sino yan?" tanong ko.

"Kuya, si Lyn po."

Binuksan ko ang pinto at pinapasok si Lyn sa loob ng utility room na ang laman ay tatlong upuan, isang mahabang mesa at dalawang shelf na puro kagamitan pang-linis sa kwarto. Bawal tumambay dito pero walang magawa ang mga security sa akin dahil mga kaibigan ko sila.

"O, 12:30 pa lang. Tapos ka na kumain?"

"Yes, kuya. Diet ako eh." sagot ni Lyn sabay tapik sa tiyan nito.

"Di ka naman mataba ha. Sexy mo nga eh." Sibakin kita dyan eh.

"Hay, si kuya, bolero. Paupo muna ha."

"Sure, kung gusto mo, yosi pa tayo dito." mayabang kong sinabi.

"Pwede ba dito? Baka sumabog tayo." ani niya sabay tingin sa mga supply sa shelf.

"Wala yan, doon ka lang sa may bintana. Eto, sabayan pa kita."

Sumindi ako ng yosi sabay sindi sa stick ni Lyn. Di ko mapigilang tumitig sa mukha nito na halos tatlong dangkal lang ang layo sa mukha ko. Hindi parang artista ang ganda niya, hindi striking pero may dating. Medyo chinita at tulad ng nabanggit ko, malaman ang katawan. Napunta rin ang mata ko sa dibdib ng dalaga. Inisip ko kung ano pakiramdam ng masipsip ang mga nipple nito. Pink pa siguro. Tapos iipitin ko sa pagitan ng mga dede niya ang ari ko habang...

"Kuya, pwede magtanong?" bigkas niya pagkatapos humithit ng usok.

Oo ba, basta chupain mo ako.

"Oo ba, basta masasagot ko."

"May pamilya ka na?" tanong ni Lyn.

"Wala pa. Wala pang nagkakamali. Hehe. Pero kailangan na yata eh, bago pa ko tumanda. Mukha na ba akong matanda? Hehe."

"Di naman, siguro you're around 26. Yung nga next question ko, di sa linalahat ko mga janitor or anything pero di po kayo mukhang janitor. Bakit po kayo naging janitor, kuya?"

"28 na ako. Naku, mahabang kwento. Hmm.. Ito na lang, nang mamatay magulang ko, walang naiwan na pera sa amin ng kapatid ko. Wala pang isang taon sa kolehiyo, tumigil na ako dahil walang pang matrikula. Since kailangan ng pambayad sa gastusin sa bahay at sa pagaaral ng kapatid ko, pumasok na lang ako janitor dito. Di kataasan ang sweldo pero at least nakakakain kami at nakakapasok si Jay-Jay, ang kapatid ko."

"Wow, kakatuwa naman pala po kayo, kuya. Bihira lang ang ganyan magmahal sa kapatid. Dapat sa inyo, binibigyan ng medalya! Hahaha!"

Sabit ko kaya panty mo sa leeg ko? Pwede ba?

"Tama na kwento, 1:00 pm na. Tara na ulit sa kwarto!" sabi ko sa kanya.

Napatawa ulit ang dalaga. Pero imbes na magtago ng saloobin tulad ng dati, di ko inaasahan ang biglang sinabi nito.

"Kuya, pangalawang beses na yan ha. May gusto ka yata pahiwatig! Game ako dyan! Hahaha!"

Shiiiiiiiiiiiit!

"Uy, tigilan mo yan at mapapahamak tayo sa iniisip mo! Trabaho na! Hahaha!" nakangiti kong sinabi kay Lyn.

Tumayo si Lyn at inayos... Read More


About the Author :
3 comments   0 favorite   2,143 views