Hindi Ako Naniniwala Sa LDR

November 11, 2015 (1 year ago)
Posted in Poem: Tagalog | Categories: Non-Erotic | Tags:

.

Hindi Ako Naniniwala Sa LDR

Paano mo naman mamahalin
Ang isang taong hindi mo nakikita ng personal
Hindi nakakausap, hindi nakikita
At hindi nahahawakan ng aktuwal

Ang hirap ding mag build ng trust
Kapag nasa malayo ang iyong mahal
Kabi-kabila ang tukso
Kahit sabihing matagal na kayong kasal

Kaya hindi ako naniniwala sa LDR
Parang hindi ako tatagal
Sa isang relasyong pang malayuan
Sabihin mang tunay ang pagmamahal

Ngunit ng makilala ka
Di napigil ang puso, kahit anong sakal
Kinuha ang fb, kinuha ang number
Tsaka nakipag-chat sayo ng matagal

Tapos naramdaman ko nalang
Umusbong na ang pagmamahal
Sa aking pusong sira-ulo
Kahit alam namang ito'y bawal

Sinabihan pa kita
Tiwala lang, pilitin nating magtagal
Pero lagi kang nega
Takot na ang puso ay isugal

Lagi mong sinasabi
Panandalian lang ang pagmamahal
Magsasawa at mawawala
Isang linggo lang ang itatagal

Hindi naman kita masisi
Baka kasi danas mo na ang LDR
Nasawi't nasaktan
Sa relasyong hindi pang personal

Ganun pa man, pinagbigyan mo ako
At sinagot aking dasal
Naging tayo, nobyo mo ako
Nobya kita, aking mahal

Pero sadya yatang
Mahina ang pundasyon ng LDR
Nakita mo akong on-line at di ka napansin
Nagagalit agad at naaasar

Hanggang sa lumala
Inaway mo ako, inakusahang may ibang mahal
Kahit anong paliwanag ko sarado na ang pusot isip
Ako na lang daw ay magpatiwak... Read More

About the Author :

Joined: September 2, 2015 (1 year old)
Writings: 152

Send PM · Male · Offline

Its just me, so nevermind :)
10 comments   0 favorite   789 views