he says

December 2, 2013 (3 years ago)
Posted in Blog: Tagalog | Categories: Erotic | Tags:

he says

hindi madaling ang tukso ay talikuran
kaya mahal iyo sanang maintindihan
duda mo ay walang basehan
magloko sa iyo, wag mo kong bigyan ng dahilan

nang ialay sa iyo, apelido ng nuno ko
ilang araw ang inilaan , tama ba ang gagawin ko
mga kaibigan nagsabi, oi ikaw ba ay siraulo
bakit mo hahayaang ikaw ay masolo

pero dinaig ng pagmamahal lahat ng kantyaw
sa gaya mong biyaya ng langit, sino ba naman ang aayaw
sapat ng dahilan , maging makulay bawat mga araw
iyo ako kahapon, ngayon, bukas at sa balangaraw

==
alay sa mga lalaking nananatiling tapat sa mga babaeng kanilang irog... Read More

About the Author :

Joined: October 10, 2013 (3 years old)
Writings: 45

Send PM · Female · Offline

crazy on most days, with a pinch of sense every now and then
charming without trying, if i try, you know you're up for something ;)
14 comments   0 favorite   1,197 views