"Haymisyu"

June 5, 2015 (1 year ago)
Posted in Blog: Tagalog | Categories: Non-Erotic | Tags:

“Haymisyu” - - - yan lang naman ang gusto kong sabihin, walang labis, walang kulang. Yan na mismo ang mensahe na gusto kong ipa-abot, wala nang iba pa. Walang ibang ibig sabihin, walang kasagutan na hinihintay, walang panghihinayang, walang hinihingi.

Di tulad ng “haylabyu” na maaring makasakit; di rin tulad ng nagmamaka-awang “haynidyu” at lalong di rin tulad ng “haywantyu” na makasarili.

“haymisyu” lang - - - simple, tapat at diretso sa punto. Isang linya na nagpapahiwatig ng nakaraan na may kaugnayan pa rin sa kasalukuyan. Isang linya na nagdadala sa yo pauwi sa iyong kanlungan.

“Haymisyu” - - - pwedeng sabihin sa lahat nang taong malapit sa puso, sa magulang man o kapatid; mga kaibigan at ka-ibigan. Subalit hindi basta-basta masasabi nang walang katotohanan. Isang linyang mababaw kung pakinggan pero mas makahulugan.

Ito ang linyang hindi sukdulan sa lungkot, sakit at pait. Nagpapahiwatig lamang ng pangungulila na maaaring punan ng mga ala-ala. Nagpapahiwatig ng kaligayahan sa pagbabalik-tanaw sa nakaraan. Nagpapahayag ng pag-asa sa muling pagkikita.... Read More

About the Author :

Joined: May 30, 2015 (1 year old)
Writings: 5

Send PM · Female · Offline

A not so ordinary woman in an ordinary world who loves to read and wishes she could write.
12 comments   1 favorite   787 views