#HARSHTAGLAMIG

December 11, 2013 (2 years ago)
Posted in Blog: Tagalog | Categories: Erotic | Tags:

Sakto .

Seven years ago nang makilala ko ang lalaking nagpatibok sa puso ko ng 143 beats per minute. Si Luvs na walang sawang kinakantahan ako ng Gitara tuwing breaktime . Si Luvs na tingin pa lang kilig much na ng bongang-bonga.

The same guy na dudurog pala sa puso ko ng pinong-pino.

Bigla na lang niyang sinabing “ Itigil na natin ‘to. ”

Nanlamig buong katawan ko . Hindi ko nagawang mag salita , hindi ko masabing .. BAKIT?
Simula nun parang hindi na ko nag i-exist sa earth , mag kasalubong man kami deadma lang siya . Parang wala lang sa kanya . O mas tamang sabihin na wala lang talaga sa kanya .

Hinayaan ko siya . Tama ng alam niyang mahal na mahal ko siya . Tama ng alam niyang kayang kong mag paka-tanga ng dahil sa kanya .

Nakuntento na kong tanawin na lang siya .. ako na ang umiwas , hindi ko kaya na nilalagpasan lang niya . Sakit kaya , SOBRA ! Halos isang linggo din akong pumapasok sa school na mukhang palakang puyat dahil sa kaiiyak . Pero kahit ganun gustong-gusto ko pa rin siyang nakikita, kahit sulyap lang ayos na ang buto buto . Sa loob ng isang taon nakuntento ang puso ko sa ganung set up . Pero everytime na maririnig ko yung Gitara, feeling ko mamatay na ko ! Nang matapos ang highschool tuluyan na ring natapos ang pag-asa ko .

Kahit di ko na siya nakikita , si Luvs pa rin ang gumugulo sa isip ko madalas . Until one night natutunan kong paligayahin ang sarili ko , pero siya pa rin ang pinag-pantasyahan ko TSK . Sa sobrang kagagahan naisip ko pa ngang magpa buntis sa kanya eh HAHAHAHAist

Madalas sa tuwing maalala ko siya umiiyak ako , tipong I can’t cry hard enough ang peg . Pero makalipas ang maraming buwan dumating ako sa point na manhid na , nagsawa na kong mag ilusyon na magiging akin si Luvs someday. Sa wakas natuyot din ang tear ducts ko.

Sa ngayon , bitter pa rin ako sa nakaraan tuwing ganitong panahon . Medyo bad trip ako sa malamig na simoy ng hangin lalo na sa umaga , KAKAINIS ! May masamang epekto sakin ang hanging amihan, hindi ko maiwasang maalala siya . Kaya eto ko ngayon, nag e-emote na naman >_<

   Di mo lang alam
   Naiiisip kita
   Baka sakali lang maisip mo ako
   Di m... Read More

About the Author :

Joined: September 27, 2013 (3 years old)
Writings: 6

Send PM · Female · Offline

3 comments   0 favorite   799 views