Harapin Ang Liwanag! Chapter XXVIII

August 5, 2015 (1 year ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Supernatural, Sci-Fi and Fantasy | Tags:

Chapter XXVIII: REASONS!

Naghanda na ang tatlong Hari para umatake "ako sa kanan" sabi ni Ingkong Romolo "ako sa kaliwa" sabi ni Haring Helius "hmm.. alam ko na kung saan ako" sabi ni Haring Narra na nag-ipon silang tatlo ng enerhiya "TAYO NA!" sigaw nilang tatlo at bigla silang nawala. Naging alerto naman si Hilda at napalingon siya sa kaliwa, sa kanan at sa harap niya nung sumulpot ang tatlo malapit sa kanya na napangiti lang ang Dyosa ng Dilim. "AMIN KA NGAYON!" sabay nilang sigaw ng biglang tumalon si Hilda at nakailag ito sa atake nila sabay ikot nito sa ere at tinamaan ang mga mukha nila nung nag-round kick ito at napatapon silang tatlo.

Hindi pa man nakaapak sa lupa ang paa ni Hilda biglang sumulpot sa kanan niya si Ingkong Romolo dala ang sandata niya at hinampas niya si Hilda na sinalo lang ng kamay nito ang sandata niya at binalibag si Ingkong Romolo sa lupa. Lumabas naman sa portal si Haring Helius at me puting bola ng enerhiya ang kanang kamay niya na ihahampas na sana niya ito sa mukha ni Hilda ng biglang umikot ito kaya nailagan niya ang atake ni Haring Helius. Nahawakan siya nito sa balikat at ang kamay niyang me hawak na puting enerhiya at sa lakas ni Hilda nahila niya ito at tumama ang puting enerhiya sa mukha ni Haring Helius at pumutok ito dahilan kaya napatalsik ang dalawang Hari palayo kay Hilda.

Lumabas mula sa lupa sa likod ni Hilda si Haring Narra at tutuhogin niya sana si Hilda ng biglang me lumabas na itim na metal mula sa lupa at dinepensahan siya nito, umatras palayo si Haring Narra at pinagdikit agad niya ang dalawang kamay niya. Lumabas ang maraming puno sa paligid ni Hilda at naglabasan ang maraming matutulis na kahoy mula sa puno at pumunta ito kay Hilda na umikot lang ang Dyosa ng DIlim na nagdulot ito ng malakas na hangin at napalipad niya hindi lang ang puno pati narin ang matutulis na kahoy na tinira ni Haring Narra sa kanya na agad nagtago sa ilalim ng lupa ang Hari para makaiwas sa mga binato ni Hilda sa kanya.

Lumabas mula sa ilalim ng lupa si Haring Narra sa pagitan nina Haring Helius at Ingkong Romolo "mabilis si Hilda, hindi ko mahabol ang galaw niya" sabi ni Ingkong Romolo "ang lakas niya.. haahhh.." sabi ni Haring Helius. "Mapanganib si Hilda, hindi basta-basta siya natatamaan ng atake natin, magaling ang depensa niya" sabi ni Haring Narra na sumang-ayon sa kanya ang dalawa, nakita nilang nakalutang lang si Hilda at nakatingin ito sa kanila. "Tapos na kayo?" tanong ni Hilda sa kanila na nagkatinginan silang tatlo "bukas ako sa ano mang suhistyon niyo" sabi ni Haring Narra sa dalawa "hmmm.. " lang si Haring Helius.

"Ako meron" sabi ni Ingkong Romolo na napatingin sa kanya ang dalawa "pero delikado ang planong ito" dagdag niya na nagkatinginan si Haring Narra at Helius at tumingin muli sila kay Ingkong Romolo "nakikinig kami" sabi ni Haring Narra sa kanya na napangiti si Ingkong. Pagkatapos niyang sabihin sa dalawa ang plano niya agad naghanda ang dalawa "sigurado ka bang epektibo ito, Romolo?" tanong ni Haring Helius "oo, pulido ito" sagot niya na tumango si Haring Narra at bigla silang nawala sa tabi ni Ingkong Romolo. Na alerto si Hilda na napatingin siya sa kanan at sa kaliwa niya kaya bigla siyang tumalon na nahawakan ni Haring Narra ang paa niya nung lumabas ito sa ilalim ng lupa.

Lumabas naman mula sa portal si Haring Helius sa kaliwa niya at nahawakan nito ang kaliwang paa ni Hilda at hinila nila ito pababa na pilit silang pinapatid ng Dyosa ng Dilim. Pareho silang naglabas ng puting enerhiya sa mga kamay nila at binato nila ito kay Hilda na nagtabon naman nito para depensahan ang sarili niya na agad kumilos si Ingkong Romolo at naging higanting Lobo siya. "HETO NA AKO!!!" sigaw niya habang abala si Hilda sa atake ng dalawa kaya nung nasa ibabaw na niya si Ingkong Romolo at kakagatin na siya nito "HINDI!" sigaw ni Hilda sabay kagat ni Ingkong Romolo sa kanya. "TAGUMPAY BA?!" sigaw na tanong ni Haring Narra kay Haring Helius "HAHAHAHA....AH!" tumawa ng malakas si Haring Helius pero natahimik nalang ito bigla.

"Ah.. ano...ano ang nangyari?" takang tanong ni Ingkong Romolo dahil hindi laman ang nararamdaman niya sa ipin niya kundi "NABABALUTAN NG ITIM NA METAL SI HILDA!" sigaw ni Haring Helius "ROMOLO LUMAYO KA, IKAW DIN HELIUS!" sigaw ni Haring Narra sabay bitaw niya sa paa ni Hilda. Agad itong ginawa ni Haring Helius at pumasok muli siya sa portal niya pero hindi si Ingkong Romolo dahil pinilit niyang isara ang bibig niya na nagbabakasakali siyang makagat niya si Hilda "HAHAHAHAHA" natawa lang si Hilda at nakaramdaman ng matutulis na bagay si Ingkong sa bibig niya kaya agad siyang tumalon palayo kay Hilda at bumagsak nalang siya sa lupa nung tinamaan siya sa gilid sa lumipad na itim na bakal na binato ni Hilda sa kanya.

"ROMOLO!" sigaw ni Haring Narra na sinalo niya si Ingkong nung bumalik na ito sa anyo niya kanina at nung dumapo na sila sa lupa agad sumulpot si Hilda sa harapan nila at sabay silang napalipad nito nung sinuntok sila pareho. Lumabas sa portal si Haring Helius dala ang sandata niya at inatake niya si Hilda na dinepensahan naman ito ng itim na metal kaya hindi makapasok ang ataki ng Hari sa kanya. Tumalon paatras si Haring Helius palayo kay Hilda na hinabol siya ng mga itim na metal kaya nag-ipon siya ng enerhiya at tinira niya ito sa mga nag-aabanteng itim na metal at nawasak ito "HELIUS SA LIKOD MO!" sigaw ni Ingkong na huli na siya dahil natusok ang kanang balikat niya.

"NARRA!" tawag ni Ingkong ng umabante silang dalawa para tulongan si Haring Helius ng biglang me lumabas na malalaking itim na metal sa lupa at bumalot ito sa kanila "AAHH!" napasigaw sila sa sakit nung humigpit ito sa katawan nila. "Hahahahaha.." natawa si Hilda sa nangayari sa tatlo na me lumabas na itim na metal sa kinatatayuan ni Haring Helius at bumalot din ito sa katawan niya at humigpit pa ito kaya napasigaw din siya sa sakit. Narinig ni Hilda si Olivia na gumagapang ito palayo "tsk tsk tsk hindi pa ako tapos sa'yo Olivia" sabi ni Hilda na lumutang ito papunta sa kanya at inapakan niya ito sa likuran para hindi ito makatakas.

"KAMAHALAN!" sigaw ni Hen Romualdo na nakasuspende parin ito sa ere at hindi ito makagalaw "tumahimik ka aso! Huwag kang mag-alala magsasama kayo ng Hari mo sa hukay" sabi ni Hilda sa kanya na tiningnan niya si Olivia. "Ma..maawa ka sa akin..." pagmamakaawa ni Olivia kay Hilda na ngumiti lang ito at tinuon ang kaliwang palad niya at lumabas ang itim na metal mula sa palad niya at nasaksak ito kay Olivia. "AH!.... ma.. maawa ka sa akin.. ma...mahal na Dyosa.. ta..tapat naman ako sa'yo" pagmamakawa ni Olivia sa kanya "hiram ang buhay mo Olivia, pinahiram ko sa inyo ang buhay niyo para matupad ko ang mga plano ko" sabi ni Hilda sa kanya na tinaas din niya ang kanang palad niya at lumabas mula sa lupa ang itim na metal na tumusok ito sa palad niya.

Biglang nakaramdaman ang tatlong hari na hinihigop ang kapangyarihan nila kaya nagpupumiglas sila para makawala sa pagkakagapos ng itim na metal sa katawan nila "HAHAHAHA SABAY-SABAY KONG HIHIGOPIN ANG MGA KAPANGYARIHAN NIYO! HAHAHAHAHA" natatawang sabi ni Hilda. "KAMAHALAN!!!" sigaw ni Hen Romualdo na biglang me lumabas na itim na metal mula sa lupa at tinuhog siya nito sa leeg "ROMUALDO!!!" sigaw ni Ingkong nung nakita niya ito. "Ma.. maawa kaa...." sabi ni Olivia na nawala na ang kulay ng balat niya at natuyo na ito at ang dating itim niyang buhok naging puti ito at nalagas. "Hi... hindi.. " sabi ni Olivia na tiningnan siya ni Hilda "ano ang sabi mo?" tanong niya "hindi ito.. ang katapusan ko.... " sabi ni Olivia "tama ka, ilang sandali lang tapos kana" sabi ni Hilda sa kanya.

"Tingin.. mo.. magtatagumpay ka?" tanong ni Olivia sa kanya "bakti hindi? Tingnan mo nga ang nangyayari sa inyo ngayon" sabi ni Hilda "habang... habang nabubuhay ang... liwanag.. hindi.. hindi magtatagumpay ang dilim.." sabi ni Olivia. "Mali ka Olivia, mamamatay ang liwanag at maghahari ang dilim sa mundo" sabi ni Hilda "heh!.. " lang si Olivia "bakit?" tanong ni Hilda na lumingon si Olivia sa tatlong Hari at lumingon siya sa kanan. "Binibitawan ko na kayo.... binibitawan ko na kayo...." mahinang sabi ni Olivia na bumagsak na sa lupa ang mukha niya "....Bailan...." huling sinabi ni Olivia bago siya naging abo at nawasak ang buong katawan niya. "Hmmm... " lang si Hilda nung marinig niya ito at tumingin siya sa direksyon na tiningnan ni Olivia "Bailan..." sabi niya.

"I.. inay.. yung... marka sa dibdib niyo" sabi ni Julian kay Lala na napatingin si Lorenzo sa dibdib niya "oonga, nawala na yung marka ni Olivia" sabi ni Lorenzo "ano ang ibig sabihin nito?" tanong ko sa kanila. "Iisa lang ang ibig sabihin nito, wala na si Olivia" sabi ni Lala na hiniga siya ni Julian sa lupa at agad tumayo si Lorenzo at lumapit sa kanila, nagulat si Julian sa paglapit ni Lorenzo na pinigilan siya ni Lala "huwag anak... tama na... wala na ang marka ni Olivia sa amin" paliwanag ni Lala sa kanya. Lumuhod sa kanan ni Lala si Lorenzo habang nasa kaliwa naman si Julian "malaya na kaming makakagalaw, patawarin mo kami anak" sabi ni Lorenzo kay Julian.

Lumapit ako at umupo ako sa tabi ni Julian "inay." tawag ni Julian na hinawakan niya ang kamay ni Lala "matagal..matagal ko ng gustong mahawakan ka anak.. mahal na mahal kita.." sabi ni Lala sa kanya. "Dadalhin ko po kayo sa pagamutan, me tinayong pagamutan si Haring Narra dito, pwede ka nilang gamutin" sabi ni Julian na hinawakan siya ni Lorenzo sa balikat "anak" sabi nito "hindi pwede" sabi ni Lorenzo sa kanya. "Bakit? Pwede ka nilang gamutin dun nay" sabi ni Julian "hindi pwede anak" sabi ni Lala "bakit nga hindi pwede?!" galit niyang tanong sa kanila "dahil matagal na kaming patay" sabi ni Lorenzo sa kanya na pareho kaming nagulat ni Julian.

Tama nga si Lorenzo matagal na nga silang patay at binuhay lang muli sila ni Olivia para gawin ang pinaplano niya "hindi na buhay ang katawan namin anak, patay na ito" sabi ni Lorenzo sa kanya na naluha lang si Julian dahil wala na siyang magawa para sa nanay niya. "Hahayaan lang ba nating mamatay si Inay?" tanong ni Julian na napayuko lang ang ulo ni Lorenzo "mahal... kong anak.. hayaan mo na akong manahimik" sabi ni Lala kay Julian na naiyak na ito "nay... nanay..." sabi ni Julian na niyakap niya si Lala at umiyak siya sa dibdib nito. "Lorenzo..." tawag ni Lala sa kanya "mahal?" "pinapaubaya ko na sa'yo.. ang lahat" sabi ni Lala sa kanya "hintayin mo ako sa kabilang mundo, mahal ko" sabi ni Lorenzo sa kanya na niyakap ni Lala ng mahigpit si Julian.

"Ohh. anak ko.. mahal kong anak... huwag kang mag-alala.. habang natutulog ka noon.. nakabantay lang ang nanay at tatay mo..." sabi ni Lala na kita kong naluha na si Lorenzo pati narin ako naiyak sa kanila. "Huhuhu.." umiiyak na si Julian "sa pagbalik ko sa kabilang mundo.. hindi na ako malulungkot.. dahil sa wakas.. nayakap na kita.. at alam kong hindi na ako mag-aalala sa'yo dahil.. alam kong.. kasama mo siya.. " tumingin sa akin si Lala "at alam kong.. hinding-hindi ka niya pabababayaan... hindi ba.. Lucia" sabi ni Lala na napangiti si Reya Lucia sa loob ni Julian. Hinawakan ni Lorenzo ng mahigpit ang kamay ni Lala "hintayin mo ako Lala, sabay tayong uuwi sa Isla ng Kuro" sabi ni Lorenzo sa kanya na ngumiti na si Lala at pumikit na ang mata nito "paalam, anak" sabi niya nung hinalikan niya si Julian at namatay na siya.

Hinayaan lang muna ni Lorenzo si Julian at tumayo siya at kinuha ang espada niya, tumingin siya sa direksyon ng pintuan ng dilim "Isabella" tawag niya sa akin na nagpapahid ako ng luha "po?" tanong ko. "Me ipapakiusap sana ako sa'yo" sabi niya "ano po yun?" tanong ko "hanapin mo ang Aklat ng Dilim" sabi niya sa akin na bumangon na si Julian at inayos niya ang kamay ng nanay niya sa dibdib nito. "Ako po ang bahala dun" sagot ko na kinuha ni Lorenzo ang pana at espada ni Lala sa lupa at nilagay niya tio sa dibdib niya "Julian.. alam kong masakit para sa'yo ang... " "wala na po yun ama, naiintindihan ko po" pagputol ni Julian sa kanya.

"Nay, maraming salamat sa pagmamahal niyo sa akin" sabi ni Julian at tumayo narin siya at nagkaharap sila ni Lorenzo, pinatong ni Lorenzo ang kanang kamay niya sa balikat ni Julian at pumikit ito. Natahimik silang dalawa ng sandali at nung binuka na niya ang mata niya "salamat sa pag-intindi, Lucia" na biglang naghilom ang lahat ng sugat ni Julian at nagulat ako nung nagsalita siya "walang anuman Lorenzo". Tumingin si Lorenzo sa pintuan ng dilim pati narin si Julian kaya tumayo narin ako at tumingin doon "Isabella, mag-ingat ka" sabi ni Julian sa akin na humakbang si Lorenzo papunta sa pintuan ng dilim at sabing "tayo na Julian, kailangan nila ang tulong natin" "opo, ama!" sagot ni Julian na niyakap ko siya at siniil ko siya ng halik "mag-ingat din kayo" sabi ko sa kanya nung binitawan ko siya "dalhin mo narin ito" binigay ko sa kanya ang espada ko at sumunod na siya kay Lorenzo.

Tiningnan ko muna si Lala at nag-alay ako ng dasal sa kanya at pagkatapos umalis narin ako "alam ko kung saan hanapin ang Aklat ng Dilim" sabi ko "mag-ingat ka Julian" sabi ko habang nakatingin sa kanila ni Lorenzo na papalayo na sa akin. "Anak..." tawag ni Lorenzo sa kanya "po?" tanong ni Julian "me dapat kang malaman tungkol sa makakalaban natin" sabi ni Lorenzo. "Alam ko na po ama" sabi ni Julian "alam mo na? Paano?" tanong ni Lorenzo "simula nung dumating ako naaamoy ko na siya" sabi ni Julian "hmp, anak nga talaga kita" nakangiting sabi ni Lorenzo "alam kong binalik ni Olivia si Isabella" sabi ni Julian na tiningnan lang siya ni Lorenzo.

"Kasalanan ko ito anak kung bakit nakuha ni Olivia ang katawan ni Isabella" kumpisal ni Lorenzo "bakit mo nasabi yan, ama?" tanong ni Julian habang tumatakbo sila "alam ko yung lugar kung saan ka natulog" saogt niya. Nagulat si Julian nung marinig niya ito "a-alam niyo?" tanong niya "oo" sagot ni Lorenzo na napangiti siya "yun ang palagi naming pinupuntahan ni Lucia kung gusto naming mapag-isa... uhm... alam... hehehe" natawa lang si Lorenzo nung sinabi niya ito. Tiningnan tuloy siya ni Julian "ah hahahaha yun ang lugar kung saan kami mag ano ni..." "HUWAG NIYO NG SABIHIN AMA, SOBRANG NAKAKAILANG YAN!" sigaw ni Julian sa kanya na natawa si Lorenzo

"Pero seryoso ako anak, kami ng nanay mo ang nagpunta para kunin ang katawan ni Isabella" seryosong sabi ni Lorenzo na natahimik lang si Julian "sampung taon na ang nakalipas simula nung nawala ka kaya nung hindi ka mahanap ni Olivia binalik niya kami" kwento ni Lorenzo. "Alam niyang wala na sa palasyo ni Lucia ang Aklat ng Dilim at alam din niyang nasa sa'yo o kay Zoraida ito kaya ka niya pinahanap" kwento niya. "Nagtatago narin si Zoraida dahil hindi lang Aswang ang naghahanap sa kanya kundi mga sundalong Kastila din kaya naging desperado si Olivia" tumingin si Lorenzo kay Julian "kaya niya kami binalik dahil konektado kami sa'yo" dagdag niya.

"Kayo pala ni inay ang sinabi nilang me nangyayaring ritwal sa gubat ng mga Aswang" sabi ni Julian "oo, dalawang daang taon narin kaming nabubuhay kaya alam namin ang lahat ng nangyayari sa paligid mo" kwento ni Lorenzo. "Bakit hindi niyo ako ginising? Bakit hindi niyo kayo gumawa ng hakbang para magkita at magkausap tayo?" tanong ni Julian sa kanya "patawad anak, nakipagkasundo kami ni Olivia noon na huwag ka niyang galawin kapalit ng katawan na hinahanap niya" kwento ni Lorenzo. "Bakit si Isabella? Bakit siya ang pinili ni Olivia?" tanong ni Julian "dahil sa dinadala niya" sagot ni Lorenzo na nagulat si Julian "dahil sa batang nasa sinapupunan ni Isabella" dagdag ni Lorenzo na biglang huminto si Julian.

"A..ano ang kinalaman ng anak namin ni Isabella sa plano niya?" tanong ni Julian kay Lorenzo na huminto narin ito "me dugong Bailan ang batang yun anak at ang batang yun ang sinakripisyo niya para mabuhay muli si Isabella" kwento ni Lorenzo na napakamao ni Julian ang mga kamay niya. "Sinakripisyo ni Olivia ang anak namin ni Isabella?" galit na sabi ni Julian na napalingon siya sa pintuan ng dilim kaya nilapitan siya ni Lorenzo at hinawakan siya sa balikat. "Patawarin mo ako anak" sabi ni Lorenzo na niyuko ni Julian ang ulo niya sa lupa ".... wala na ang anak namin, kasama siya nung namatay si Isabella.. kaya wala na kayong dapat ihingi pa ng tawad sa akin ama" sabi ni Julian sa kanya.

Napangiti si Lorenzo sa kanya "tayo na, marami pa tayong gagawin bago natin harapin si Hilda" sabi ni Lorenzo sa kanya na napatingin si Julian "ano ang gagawin natin?" tanong niya "hindi sapat ang kaalaman natin tungkol sa espada ng alamat, alam ko kung saan tayo makakakuha ng kaalaman tungkol nito" sabi ni Lorenzo. "Yung espada ko pala" sabi bigla ni Julian "tawagin mo anak" sabi ni Lorenzo sa kanya na tinaas niya ang kamay niya at pumikit siya at ilang sandali lang ay lumipad papunta sa kamay niya ang espadang binigay ni Makisig sa kanya. Lumiwanag ang dalawang espada nung magkalapit na ito "tara na, puntahan muna natin ang mga Bailan na binuhay ni Olivia" sabi ni Lorenzo "bakit?" tanong ni Julian.

Unang tumakbo si Lorenzo na sumunod sa kanya si Julian "nangako ako sa kanila na dadalhin ko sila sa Isla ng Kuro" sagot ni Lorenzo "tama, narinig kita kanina nung sinabi mo yan kay nanay" sabi ni Julian. "Lahat ng Bailan na pumanaw anak napupunta sa Isla ng Kuro at ang pinuno nila ang inatasang magdala sa kanila doon" paliwanag ni Lorenzo "sa position nila si Marawi ang dapat magdala sa kanila pero matagal naring patay si Marawi, ang buhay lang na pinuno ng Kuro ang pwedeng magdala sa kanila" dagdag niya. "Paano mo sila dadalhin doon, hindi ba pati ikaw patay narin? Tsaka wala na ang Kuro kaya wala ng pinunong magdadala sa kanila doon" tanong ni Julian sa kanya na tumingin sa kanya si Lorenzo "me paraan anak" sagot niya.

Tumakbo na ako papunta sa pintuan ng dilim sa ibang daanan na tinatahakan nila ni Julian, ngayon ko lang nararamdaman ang sakit at hapdi ng mga sugat ko hindi pa nakatulong ang pagod sa katawan ko. "Shit, umaga na ata ako makakarating dun" sabi ko na napasandal ako sa pader dahil sa pagod at hapdi ng mga sugat ko ng biglang me narinig akong ingay ng sasakyan sa malayo kaya napatayo ako at napatingin sa direksyon na yun. "Shit! Hindi maganda ito, sa sitwasyon ngayon ng syudad at sa kondisyon ko paano ko maipapaliwanag sa kanila ito" sabi ko na magtatago na sana ako para hindi nila ako makita ng biglang "TENYENTE!" narinig kong sigaw mula sa sasakyan.

"Huh?!" nagulat ako "TENYENTE!" narinig ko muli ito at ngayon na bobosesan ko na ang tumatawag sa akin "TENYENTE! NANDITO NA KAMI!" sigaw ni Romero sa akin na nabuhayan ako ng loob nung makita ko ang matabang niyang mukha. "ROMERO!" sigaw ko na paika akong naglakad para salubongin sila, nakita ko ang dalawang sasakyan sa kabilang kanto at huminto ito nung nasa harapan ko na sila. "Tenyente pasensya kung nahuli kami" sabi ni Alan sa akin "wala yun, ang importante nandito na kayo" sabi ko sa kanya "hey there beauti.. uh ano ang nangyari sa'yo?" tanong ni Andres sa akin. "Andres, hindi ako makapaniwalang sasabihin ko sa'yo ito pero natutuwa akong makita ka" nakangiti kong sabi sa kanya na napasimangot siya.

"Bakit?" takang tanong ko sa kanya na inalis nito ang signature shades niya kahit sobrang dilim ngayon ng syudad "ano ka ba, bakit yan parin ang tawag mo sa akin? Hindi ba nag-usap na tayo tungkol dyan?" inis na sabi niya sa akin. "Oonga naman Tenyente" sabi ni Alan sa akin "oo na, ano dala niyo ba ang hinihingi ko, Andre5K?" tanong ko sa kanya na napangiti ito "of course, para sa maganda at seksing Tenyente" sabi nito na tinaas lang ang isang kamay at bumaba ang tauhan niya bitbit ang mahabang maleta. "Libre hindi ba?" sabi ko na napasimangot muli si Andres "haayyy alam mo Issa nakailang libre kana sa akin" sabi niya "Romero sa likod ka, ako dyan" sabi ko na agad lumipat sa likod si Alan at umupo ako sa passenger side.

"Nasaan na ang sila, Tenyente?" tanong ni Alan sa akin "marami ang nawala Alan, yung iba hindi ko na alam kung nasaan" sagot ko "ano ba ang nangyari dito at parang warzone ang buong Quezon City" tanong ni Andres. "Mga Aswang at maligno, Andres" sagot ko na tiningnan niya ako ng masama "Andre5K" sabi ko na napangiti ito "sinabi ko na sa kanila ang tungkol nito Tenyente" sabi ni Alan "teka, nasaan na pala ang dalawang Engkantong kasama niyo?" tanong ko sa kanya. "Nasa kabilang sasakyan, kanina pa sana kami nakarating kung hindi lang hinimatay ang dalawa" sabi ni Alan "sila din pala" sabi ko "bakit? Ano ba ang nangyari sa kanila, Tenyente?" tanong ni Alan.

"Nakikita niyo yang malaking pintuan?" tanong ko sa kanila "oo" sagot ni Andres "hinihigop ng pintuan na yan ang kapangyarihan nila kaya sila ngayon nanghihina" paliwanag ko sa kanila "kaya pala bigla nalang bumagsak yung dalawa nung malapit na kami dito" sabi ni Alan. "Tapos dyan tayo pupunta?" tanong ni Andres "oo, kailangan nating mahanap ang Aklat ng Dilim, ito lang ang paraan para bumalik ang liwanag sa buong syudad" paliwanag ko sa kanila "kung ganun" sabini Andres na kinuha niya ang walkie-talkie niya "boys! Party time!" sabi niya sa linya na narinig naming naghiyawan ang mga tauhan niya. Tumayo si Alan sa likod at inalis ang telang nakatabon sa 50 caliber machine gun na nakalagay sa ibabaw ng humvee.

"Hindi na ako magtatanong kung saan mo nakuha yan" sabi ko kay Andres "hehehe well, you know me Issa magaling ang mga connections ko" nakangiting sabi niya sa akin "ang ganda nito, ngayon lang ako makakagamit nito" sabi ni Alan na kita kong natuwa pa siya. Sa totoo lang matagal ko ng kilala si Andres, partner ng papa ko noon ang papa niya sa gun smuggling business kaya hindi na ako magtataka kung me ganitong gamit si Andres. Noong naghiwalay na ang papa ko sa papa niya nag solo na ang papa niyang humawak sa lahat ng shipments at clients nila noon kaya kung me makita akong mga bagong armas sa kalye o sa mga taong mahuli namin alam ko na agad kung sino at kanino galing ito.

Kababata ko si Andres kaya matagal ang pinagsamahan namin, aaminin ko naging maruming pulis ako pero isang beses lang nung pinatakas ko ang lokong ito noong ni raid namin ang warehouse niya. "Dahan-dahan lang sa paggamit niyan, Issa" paalala niya sa akin sa armas na binigay niya "bakit?" tanong ko "hindi ko pa na test yan kaya hindi ko alam kung ano ang resulta niyan" sabi niya "hmp! Kilala mo ako Andres" sabi ko sa kanya na "ANDRE5K!" sigaw niya na tinapik ko siya sa pisngi at natawa ako "TENYENTE!" sigaw ni Alan "ayan na sila" sabi ko kay Andres "shit! Lahat ng klasing tao nakita ko na pero ibang level ito, Issa" sabi niya sa akin na umayos ako ng upo at tinutok ang semi-automatic na armas na binigay niya "ngayon nakita mo na lahat!" sabi ko sa kanya.

"FIRE!" sigaw ko na kinalabit ni Alan ang gatilyo ng 50 caliber machine gun at nag-iingay na ito pati narin sa kabilang humvee "sa kanan mo Issa" sabi ni Andres kaya binaril ko ang mga malignong papalapit sa amin. Habang si Alan naman at ang tauhan ni Andres ang tumitira sa mga Aswang na nasa harapan namin at pati mga manananggal na lumilipad papunta sa amin "sa likod!" sabi ng isang tauhan ni Andres na binaril din nila ang mga tumatakbong maligno sa likuran namin. "WOOOOOOOOO!!!!" sumigaw si Alan habang natutuwa siyang pinagbabaril ang mga Aswang sa daan "Alan MAG RELOAD KA!" sigaw ni Andres na agad nag reload si Alan at nag-iingay na muli ang armas niya.

Dinaanan nina Lorenzo at Julian anga mga Bailan na binuhay ni Olivia at isa-isang sinaksak ni Lorenzo ang mga puso nila na nabuhay ito sandali lang para magpasalamat kay Lorenzo bago pumasok ang kaluluwa nila sa espada niya. "Bakit mo ginagawa ito, ama?" tanong ni Julian "responsibilidad ko bilang pinuno ang madala ang kaluluwa nila sa Isla, ang huling distinasyon ng mga Bailan" paliwanag ni Lorenzo. "Kaya pala sinabi mo kay nanay kanina na hintayin mo siya" sabi ni Julian "oo, dahil sabay kaming lahat na pupunta doon" sabi ni Lorenzo na lumingon siya sa direksyon ni Marawi "tara anak isa nalang" sabi ni Lorenzo na nagsimula na ulit silang tumakbo.

"Paano niyo napanatiling sekreto ang museleyong tinulogan ko?" tanong ni Julian sa kanya "ang nanay mo, siya ang nagbabantay sa'yo habang ako ang gumagawa sa mga inuutos ni Olivia sa amin" sagot ni Lorenzo. "Mabuting bantay ang nanay mo anak" nakangiting sabi ni Lorenzo "bakit?" tanong niya "walang Aswang ang nakakalapit sa islang yun dahil malayo pa ito patagong pinapana ito ng nanay mo, lalo na yung sumusunod sa amin" kwento ni Lorenzo. "Buti hindi nalaman ni Olivia ito" sabi ni Julian "nung una hindi pero kalaunan nalaman din niya dahil kay Enrico na patago din palang sumusunod sa amin, sumisipsip kasi siya kay Olivia para makakuha ng mga ginto" kwento ni Lorenzo.

"Pero hindi sila makakalapit dahil sa nanay mo, hindi ko naging asawa si Lala dahil sa kagandahan niya anak" sabi ni Lorenzo "alam ko yun ama, pinakita ng espada niyo ang nangyari sa inyo noon" sabi ni Julian. Na tumigil sila sa tabi ni Marawi "pinakita ng espada ko ang nangyari noon?" gulat na tanong ni Lorenzo sa kanya "oo, pati narin ang ritwal kung saan kinasal kayo ni nanay at yung paligsahan sa pagpili ng maging asawa niyo at nung gabing..." pagputol ni Julian. ".... pagsunog ni Lucia sa akin" dugtong ni Lorenzo na tumango si Julian "hmmm" lang si Lorenzo at niluhod niya ang kanang tuhod niya sa lupa at sinaksak niya sa puso si Marawi na agad itong nagising.

"HA! HAH.. oh.. ikaw pala" sabi nito na napatingin din ito kay Julian "Marawi, iuuwi na kita sa isla" sabi ni Lorenzo sa kanya "hehehe.. pasensya na Lorenzo kung nahati ang katawan ko" sabi ni Marawi. "Wala yun, hindi naman importante kung buo ka o hindi" sabi ni Lorenzo na lumuhod din si Julian sa tabi niya "oi! Itong anak mo, magaling bang lumaban?" tanong ni Marawi na tumingin si Lorenzo kay Julian "intindihin mo na hindi siya lumaki sa Kuro" sabi ni Lorenzo "HAH! Hindi magaling, buti nalang hindi ako ang humarap sa'yo kung hindi matagal ka ng patay" sabi ni Marawi kay Julian na napasimangot ito.

"Sinabi ko kay Romolo, Lorenzo" sabi ni Marawi sa kanya "mabuti, ngayong alam na nila" sabi ni Lorenzo "hindi ko alam kung maniniwala siya sa akin" sabi ni Marawi "tama na siguro yun, nandito naman si Julian" sabi ni Lorenzo. "Hah! Ang batang Bailan na hindi lumaki sa Kuro, hoy! Alam mo ba kung paano gamitin ang espadang yan?" tanong ni Marawi kay Julian na tiningnan siya nito "yun nga ang itatanong namin sa'yo Marawi" sabi ni Lorenzo "hmp! Sabi ko na nga ba! Sinabi ko dun sa babae na ibigay sa akin ang espada pero hindi siya nakinig" dismayadong sabi ni Marawi "paano ba mabuo ang espada ng alamat?" tanong ni Lorenzo.

"Pinuno!" sabi ni Marawi "ano?" tanong ni Julian "isang pinuno ng Kuro lang ang pwedeng magbuo nito" sabi ni Marawi "kung ganun pwede mo palang buohin ang espada ng alamat, ama?" tanong ni Julian. "Hahahaha hindi pwede!" natawang sabi ni Marawi "bakit? Pwede ka din hindi ba dahil dati ka ding pinuno ng Kuro" sabi ni Julian "hahahaha" natawa lang si Marawi "haayy tama nga si Makisig nung sinabing makulit ka" sabi ni Julian na natahimik si Marawi. "Paano mo nalaman ang pangalang yan?" tanong agad ni Marawi sa kanya na nagtaka si Julian "kasama ko siya sa Isla nung nag-ensayo ako, bakit?" tanong niya.

"Seryoso ba ang anak mo, Lorenzo?" tanong ni Marawi "saang Isla ka nagpunta anak?" tanong ni Lorenzo "hindi niyo alam? Yung Isla kung saan nakaipon ang lahat ng mga espada ng mga dating pinuno ng Kuro, nandun nga si Makisig na taga bantay doon" kwento ni Julian. "Anak.. na.. nakapunta kana sa Islang yun?" gulat na tanong ni Lorenzo "oo" sagot ni Julian na nagkatinginan si Lorenzo at si Marawi. "Bakit? Paliwanag sa akin ni Makisig na yun ang Isla ng Kuro na lumubog noon" kwento ni Julian na napahiga ang ulo ni Marawi sa lupa habang napaupo naman si Lorenzo "bakit? Ano ba ang Islang yun? Hindi ba yun ang Isla ng Kuro?" tanong ni Julian sa kanila.

"Marawi" sabi ni Lorenzo na tumingin sa kanya si Marawi at tumingin siya kay Julian "hmmm hindi lang iisa ang Isla natin kundi dalawa ito, ang Islang tinitirhan ng mga Bailan at ang pangalawa ay ang Isla ng mga espada" kwento ni Marawi. "Ayun sa kwento noong nasa Isla pa ako ang Isla kung saan nakalagay ang lahat ng espada ng mga dating pinuno ay ang Isla kung saan nakalibing si Una" kwento ni Marawi. "Isa lang ang alam kong nakapunta doon yun ang dati kong guro na si Makisig, kung nakilala mo si Makisig at napuntahan mo ang Islang ito ibig sabihin nito" sabi ni Marawi na tumingin siya ni Lorenzo na tumingin ito kay Julian "tama ang propesiya anak na ikaw nga ang reenkarnasyon ni Una" sabi ni Lorenzo sa kanya.

"Hahaha.." natawa si Marawi "bakit ka natawa?" tanong ni Julian sa kanya "hahaha natatawa lang ako dahil imbes na magalit ako kay Olivia dahil sa ginawa niyang pagbuhay sa amin at binaba niya ang kakayahan ng mga tauhan ko, magpapasalamat pa ako sa kanya dahil sa ginawa niya dahil nakilala at nakakasalimuha ko ngayon ang pangawalang Una" sabi niya kay Julian. "Marawi" sabi ni Lorenzo "alam ko, alam ko... nakahanda narin ako" tumigin siya kay Julian "tandaan mo bata, magiging buo ang espadang yan kung matatanggap mo na kung sino ka" sabi ni Marawi sa kanya "alam kong hindi mo parin matanggap na isa kang Bailan.. pero.. BAILAN KA!" sabi ni Marawi sa kanya.

"Marawi!" sabi ni Lorenzo "haayyy alam ko, tandaan mo kailangan ng buhay na pinuno para mabuo ang espadang yan" sabi ni Marawi na ngumiti ito kay Julian at pinikit ang mga mata niya "uuwi na ako sa wakas" sabi niya at hinigop na ng espada ni Lorenzo ang kaluluwa niya at namatay na muli siya. "Saan ako hahanap ng buhay na pinuno ng mga Bailan kung ako nalang ang natitirang Bailan sa mundong ito?" tanong ni Julian kay Lorenzo na nakatingin lang ito kay Marawi. "Tayo na anak" sabi ni Lorenzo "ama, hindi mo ba pwedeng buohin ang espadang ito?" tanong ni Julian sa kanya "anak, dalawang daang taon na akong patay... mag-iisip ako ng paraan para mabuo natin ang espada ng alamat pero sa ngayon harapin muna natin ang dilim na dala ni Hilda" sabi ni Lorenzo kay Julian na nauna itong tumakbo at sumunod sa kanya si Julian.

Malapit na kami sa pintuan ng dilim ng biglang sumulpot mula sa ilalim ng lupa ang malaking Aswang na humarang ito sa amin "ANDRES!' sigaw ko sa kanya na agad niyang niliko pakanan ang humvee kaya nakailag kami. Muntik pa kaming mabangga sa pader mabuti nalang naapakan agad ni Andres ang brake "ok lang ba kayo?" tanong niya sa amin "ok lang ako, Alan?" "ok lang ako Tenyente" sagot niya at naririnig namin ang 50 caliber sa kabilang humvee at ang sigaw ng higating Aswang. Inatras ni Andres ang humvee at dumaan kami sa kabilang kalye para maikutan namin ito at nung nasa likod na kami ng Aswang "Issa me gamit ako sa likod" sabi niya.

Samantala tumulong si Zoraida sa paggamot sa mga nasugatan habang binabantayan niya si Jasmine na ngayon ay nakahiga sa katabing kama dahil nanghihina din ito "Zoraida, kami na ang bahala dito" sabi ni Rosas sa kanya. "Hindi, kailangan ko ding tumulong" sabi niya "hindi, kailangan mo ay magpahinga maraming sugat ang tinamo mo at marami ka naring enerhiyang nawala kaya kailangan mo ng magpahinga" sabi ni Gumamela. "Hindi, ok lang ako kaya ko pa ito" sagot ni Zoraida na ginamot niya ang isang sundalo ng Lobo "Zoraida" sabi ni Rosas na pinigilan siya nito "kung hindi mo ipahinga ang katawan mo madadagdagan lang ang pasyente namin dito" sabi niya na napatigil si Zoraida.

"Samahan mo nalang si Jasmine, mas kailanganin ka niya ngayon kesa dito" sabi ni Gumamela sa kanya "Jasmine" sabi ni Zoraida "halika na Zoraida" yaya ni Sampaguita sa kanya na tumigil sa paggagamot si Zoraida at dinala siya ni Sampaguita sa tabi ni Jasmine. "Magpahinga ka dito" sabi niya na pinaupo siya sa tabi ni Jasmine "TULONG! KAILANGAN NAMIN NG TULONG!" narinig nlang sigaw sa labas "dyan kalang kami na ang bahala dito" sabi ni Sampaguita sa kanya na lumabas ang ibang manggamot na Taong Puno at nagulat nalang si Zoraida nung makita niya kung sino. "So-Solomon!" sabi niya nung pinasok nila sa loob ng tent si Solomon at hiniga tatlong kama lang mula kay Jasmine.

"Me balita ba kayo kay Isabella o kay Julian?" tanong ni Zoraida kay Ramir "pasensya Zoraida wala kaming balita" sagot nito "ano na kaya ang nangyayari sa kanila?" tanong ni Zoraida "sigurado akong ligtas sila, Zoraida" sabi ni Ramir sa kanya. "Sana nga, sana nga" sabi niya "nay.." nagising na si Jasmine "anak, ano na ang pakiramdam mo?" tanong ni Zoraida sa kanya "nahihilo pa ako pero hindi na kagaya kanina, nasaan ang lolo ko?" tanong ni Jasmine "lumabas, tutulongan niya si Narra at Romolo anak" sagot ni Zoraida "sana ok lang ang lolo ko" sabi ni Jasmine "anak huwag kang mag-alala kung magkasama ang tatlong yun tiyak akong ligtas siya" nakangiting sabi ni Zoraida kay Jasmine na napapikit ito at ngumiti.

Balik sa tatlo, nararamdaman na nilang nanghihina na sila dahil hinigop ni Hilda ang kapangyarihan nila "AAAHHH KAILANGAN... AAHHHH. KAILANGAN NATING MAKAWALA!" sigaw ni Haring Helius sa dalawa. "MAG.. MAG-IPON KAYO NG ENERHIYA AT HAAAAA..." napasigaw si Haring Narra nung tumusok sa gilid niya ang itim ne metal at sinipsip nito ang lakas niya "NARRA!" sigaw ni Ingkong Romolo na dahan-dahan naring bumabalik ang dati nilang anyo. "HAHAHAHA hindi kayo makakatakas sa kapangyarihan ko" sabi ni Hilda sa kanila "kailangan nating makawala kundi baka matulad tayo kay Olivia" sabi ni Haring Narra na biglang lumiwanag ang maliit na puno sa likuran niya at natulak niya ng konte ang itim na metal na nakabalot sa kanya.

Ganun din ang ginawa ng dalawa "hahahaha kahit ano pa ang gagawin niyo hindi kayo makawala, tanggapin niyo nalang ang kapalaran niyo at maging parte ng kapangyarihan ko" sabi ni Hilda sa kanila. "Helius.... magbukas ka ng portal" sabi ni Haring Narra sa kanya "sinubukan ko na pero ayaw gumana ng kapangyarihan ko" sagot niya kay Haring Narra "Romolo..." tawag ni Haring Narra "AWOOOOOOO!!" umalolong si Ingkong na lumiwanag ang katawan niya at biglang lumaki ito at dahan-dahan siyang naging higanting Lobo "hmmm..... Read More


About the Author :

Joined: February 5, 2014 (2 years old)
Writings: 114

Send PM · Male · Offline

0 comment   0 favorite   1,110 views