Harapin Ang Liwanag! Chapter XXVII

August 4, 2015 (1 year ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Supernatural, Sci-Fi and Fantasy | Tags:


Chapter XXVII: RETURN!

"Anong ako ang liwanag sa dilim?" takang tanong ni Julian sa kanila "patawad anak pero wala na tayong oras" sabi ni Lorenzo "Lala" tawag ni Lorenzo na hinawakan ni Lala sa balikat si Lorenzo at dahan-dahan na silang nawawala. "Julian! Makinig ka sa akin!" sabi ni Reyna Lucia sa kanya "...... " hindi nagsalita si Julian na nakatayo lang siya at hindi siya kumilos "me dahilan kaya ka nila binuhay, me dahilan din ako kung bakit kita binuhay!" sabi ni Reyna Lucia sa kanya na biglang natauhan si Julian sa sinabi niya. "Me.. dahilan ka?" tanong ni Julian sa kanya "PUNYETA!" sigaw ni Hen. Guillermo na siya na ang humawak sa katawan ni Julian at umilag sa mga atake nina Lorenzo at Lala.

Samantala tuloy pa din sa paglaban sina Ingkong Romolo at si Marawi, biglang bumilis ang galaw ni Marawi na nahahabol na niya ang galaw ni Ingkong Romolo "HAHAHAHA" tawa lang ng tawa si Marawi sa tuwing umaatake siya. Biglang nawala si Ingkong Romolo nung hinampas siya ni Marawi at tumama ang paa niya sa kaliwang mukha ni Marawi na agad naman itong nakabalanse at nakonekta nito ang kaliwang paa niya sa mukha ni Ingkong Romolo. Napaatras ang Hari ng mga Lobo palayo kay Marawi at pareho nilang hinimas ang mga mukha nila "hehehehe" napatawa si Marawi na napangiti lang sa kanya si Ingkong Romolo.

"Totoo ngang makapangyarihan ang katulad mo, Romolo" sabi ni Marawi sa kanya "salamat, ikaw din Marawi" sabi ni Ingkong Romolo "mas makapangyarihan ka pa sa ama mong si Damian" sabi ni Marawi na hinanda niya ang sarili niya. "Hindi, mas makapangyarihan ang ama ko kesa sa akin" sagot ni Ingkong "dahil ito sa pangil ng Dyosa naming si Luna kaya ako umabot sa ganitong antas" paliwanag ni Ingkong. "Ganun ba? Yung pangil na sinaksak mo sa dibdib mo kanina?" tanong ni Marawi na tumango si Ingkong ng biglang nawala nalang si Marawi sa harapan niya kaya naghanda ang Hari ng Lobo at inamoy niya ito sa hangin.

Lumingon siya sa kaliwa pero hinampas niya sa kanan ang sandata niya na biglang sumulpot si Marawi sa kanan niya at sinalo ng espada niya ang sandata ni Ingkong Romolo "tingin mo makaka-isa ka?" nakangiting tanong ni Ingkong sa kanya. "Hehehe matalas nga ang pangamoy mo, Romolo" sabi ni Marawi sa kanya na bigla itong lumayo habang hindi niya inaaalis ang tingin kay Ingkong Romolo "pero..." sabi ni Marawi nung huminto na siya. Humarap sa kanya si Ingkong Romolo ".. me alam akong teknik na alam kong hindi mo mapapantayan" sabi ni Marawi sa kanya na bigla nalang nawala si Marawi sa paningin niya.

"Hindi ka parin makakatago sa ilo..." bigla nalang naputol si Ingkong Romolo nung naramdaman niya ang espada ni Marawi sa likod niya "ano nga uli ang sabi mo?" nakangiting tanong ni Marawi sa kanya na tinulak nito ang espada niya at lumusot ito sa tyan ni Ingkong Romolo. Napasuka ng dugo si Ingkong sa ginawa ni Marawi at niyakap pa siya nito sa leeg na parang sinakal siya at lalo pang tinulak ni Marawi ang espada niya. "Oohhh... Hari ng mga Lobo.. ano ngayon ang masasabi mo sa teknik kong yun?" tanong ni Marawi sa kanya na napatingala sa langit si Ingkong Romolo at nabitawan niya ang sandata niya. "Ahh..ah...haaaa...." nalang si Ingkong nung maramdaman niya ang bakal sa ibabaw ng hawakan ng espada ni Marawi sa likuran niya.

Lumingon si Ingkong sa kanya at ngumiti ito "he..hehe...hehe.. na...naloko mo ako dun ah!' sabi niya na napangiti si Marawi "sa totoo lang kaibigan, hindi sa akin ang teknik na yun" kumpisal ni Marawi. "Ah..ha..ha..haha.." natawa lang si Ingkong "ang totoo niyan, kay Lala ko natutunan yun" nakangiting sabi ni Marawi sabay hugot niya sa espada niya at tinulak niya palayo si Ingkong na napaluhod ito sa lupa at tumulo ang maraming dugo niya. Dinilaan ni Marawi ang dugo ni Ingkong Romolo sa espada niya at dahan-dahan itong lumapit at tumayo sa kaliwa niya "sayang, napakalakas mo pa naman, Romolo" sabi ni Marawi sa kanya.

Tumingin si Ingkong sa kanya at nakita niyang nakatingin si Marawi sa pintuan ng dilim sa malayo "alam ko ang mangyayari pagnabuksan na ni Olivia ang pintuang yan" sabi ni Marawi sabay tingin niya kay Ingkong Romolo. "Hindi ang multo ng kahapon niyo ang dapat niyong katakutan" sabi ni Marawi sa kanya "... ang multo ng mga Bailan... ang kahapon ni Una ang dapat niyong katakutan" sabi ni Marawi "kaya magpasalamat ka sa akin" dagdag ni Marawi. "Bakit?" tanong ni Ingkong sa kanya "dahil hindi mo na maaabutan ang dilim na yun..." sabi ni Marawi na tinaas niya ang espada niya para pugutan ng ulo si Ingkong ng biglang me naramdaman siyang presensya sa likod niya kaya mabilis siyang umilag at lumagpas sa kanya si Benson.

"Pa.. pasensya na Ingkong... kung... na..haahhh.huli ako..." nauutal na sabi ni Benson sa kanya na kita niyang maraming sugat ito sa mukha at sa katawan "Be...Benson!" tawag ni Ingkong sa kanya. Humarap sa kanila si Marawi nung nakalayo ito "buhay ka pa pala" sabi ni Marawi sa kanya "he..hehe...hehehe... hanggang.. me hininga.. pa.. ako...." sabi ni Benson "areglado" sabi ni Marawi na bigla itong nawala sa paningin nila. "Ingkong... me... plano ako..." sabi ni Benson "kailangan... ko... ang lakas mo..." sabi ni Benson ".... sige...." sagot ng Hari ng mga Lobo na biglang naging anino si Benson at umabante siya.

Nakita ni Ingkong na lumabas si Marawi mula sa pinagtataguan niya at umaatras lang ito sa mga atake ni Benson na para bang pinaglalaruan lang niya ito "aaahhh.. ka...kailangan kong... aaahhhh.." nararamdaman ni Ingkong ang sakit ng sugat niya. Hinawakan niya ang sugat niya at pinisil niya ito na pinagdikit niya ang balat niya para tumigil ang paglabas ng dugo. Nung nagawa na niya ito naghintay nalang siya sa pagkakataon niya para umatake, nakita niyang tinadyakan ni Marawi si Benson at natumba ito sa lupa at hindi na ito gumalaw. "Isturbo!" inis na sabi ni Marawi na naglakad na ito papunta kay Ingkong Romolo "nasaan na nga..." naputol nalang siya at napatigil nung humawak sa paa niya si Benson.

"Hi... hindi.. pa ako... tapos..." sabi ni Benson "hindi, tapos kana!" sagot ni Marawi sabay saksak nito sa espada niya sa likod ni Benson na napanganga nalang ang Bampira at sumuka ito ng dugo nung binaon pa ni Marawi ang espada niya sa likod niya. "Yan! Tapos kana!' sabi ni Marawi sa kanya "he... hehehe.. hehehe..." natawa lang si Benson "hmm... bakit?" tanong ni Marawi "... salamat..." sabi ni Benson na nanlaki nalang ang mata ni Marawi at nilingon niya si Ingkong Romolo na nawala na ito sa kinaroroonan niya. Napalingon nalang siya sa lupa at nakita niya ang malaking anino na nakapalibot sa kanya "oh!" nalang ang nasabi ni Marawi dahil pagtingiin niya sa taas nakita nalang niya ang maraming pangil na kakagat sa kanya.

"Ikaw.. ang.. tapos!" sabi ni Benson sabay kagat ni Ingkong Romolo na ngayon ay naging higanting Lobo at kinagat ang kalahating katawan ni Marawi at nakita nalang ni Benson ang pagbagsak ng kaliwang kamay niya sa lupa habang yung kanan ay nakahawak pa sa espada niya. "GRAAAAAHHHHHHHHHH!!!!" sumigaw si Ingkong Romolo pagkatapos niyang kagatin si Marawi at dinura niya ang itaas na parte ng katawan niya sa lupa at dahan-dahan na siyang bumalik sa pagiging tao. Napaliguan ng dugo ni Marawi si Benson na kinatuwa naman nitong hinugop, agad tuimakbo si Ingknog Romolo sa tabi ni Benson na ngayon ay nakahawak parin sa paa ni Marawi.

"BENSON!" tawag niya na binitawan na nito ang paa ni Marawi at kusa nalang itong bumagsak sa lupa, tinanggal niya ang espada ni Marawi at inangat siya ni Ingkong at pinatihaya siya na kita nitong nakangiti si Benson "he..hehehe..hehehe.." natawa pa ito. "Benson, dadalhin kita sa pagamutan" sabi ni Ingkong sa kanya "hindi na... hahh..hahhh...katapusan ko narin" sabi nito na tinaas niya ang kamay niya na agad namang hinawakan ni Ingkong Romolo. "Ki... kina..gagalak kong.. makasama.. kang lumaban.. ka...kamahalan.." sabi ni Benson sa kanya "karangalan kong nakasama kita sa labanang ito" sabi ni Ingkong sa kanya. "Si.. Julian... " sabi ni Benson "kami na ang bahala sa kanya" sagot ng Hari "hehe... maraming.. salamat...." ang huling sinabi ni Benson bago ito namatay at nakangiti pa ito nung dahan-dahan na itong nasunog at naging abo.

Narinig niya sa malayo ang boses ni Marawi na tila buhay pa ito kaya agad niya itong pinuntahan at nakita niyang pilit pa itong bumangon at hinanap ang espada niya. Ipinatong ni Ingkong ang kanang paa niya sa dibdib ni Marawi at tinutok niya ang dulo ng sandata niya sa leeg nito. "Hahaha.. na... naloko niyo ako.. hahahaha.." natawa pa ito "oo, si Benson ang nagplano nun" sabi ni Ingkong sa kanya "sana... sana tinudas ko na siya kanina..." sabi ni Marawi sa kanya. "Kasalanan mo yun kung bakti hindi mo yun ginawa" sabi ni Ingkong sa kanya na hiniga na ni Marawi ang ulo niya sa lupa at tumingin ito sa langit.

"Yung sinabi mo sa akin kanina" sabi ni Ingkong na tumingin sa kanya si Marawi "ano ang ibig mong sabihin nun?" tanong niya na seryosong tumingin sa kanya si Marawi at lumingon ito sa pintuan ng dilim. "Si... Una... ang ninuno namin...me... nakaraan siya... na.. humahabol sa kanya hanggang... ngayon.." kwento ni Marawi "maging alerto kayo... dahil ang dilim na ito... ay... mas.. mas mabangis pa kay Hilda..." dagdag ni Marawi. Niluhod ni Ingkong ang isang tuhod niya para mapalapit siya kay Marawi "i...isa lang.. ang dapat niyong gawin.. ma...mabuhay si.. Julian.. hanggang sa... araw ng.. pagtutuos.." kwento ni Marawi. "Bakit? Ano ang kinalaman ni Julian sa sinasabi mong dilim?" tanong ni Ingkong sa kanya na ngumiti si Marawi at sabing "siya ang pisikal na re-enkarnasyon ni Unaaahhh...." at namatay na ito.

Narinig nalang ni Ingkong na gumalaw ang espada ni Marawi nung namatay na ito at biglang lumutang ito sa ere at kagaya ng pagdating nito kanina ganun nalang din ito nawala, samantala sa Isla napatingin si Makisig sa paparating na espada ni Marawi at bumalik ito sa kinalalagyan niya. "Marawi.. " lang ang nasabi ni Makisig at pinikit niya ang mga mata niya at nag-alay siya ng dasal sa dating niyang disipolo noon. Tumayo si Ingkong Romolo nung namatay na si Marawi at napatingin siya sa pintuan ng dilim at dahan-dahan narin siyang naglakad papunta dun pero habang naglalakad siya dahan-dahan narin niyang nararamdaman ang sakit ng sugat niya. "Ah! Hindi na ata ako aabot" sabi niya dahil dahan-dahan naring nawawala ang kapangyarihan ng pangil sa katawan niya.

Nanghihina na si Ingkong Romolo nang hindi na siya makahakbang sa sobrang pagod at sa tinamo niyang mga sugat bigla nalang siyang napatumba at naramdaman nalang niyang napasandal siya sa likod ng isang tao. Nagulat siya nung nakita niya ang mukha "Da...Dante!" sabi niya "Ingkong, ako na ang bahala sa'yo" sabi nito sa kanya "ba.. bakit ka nandito? Akala ko ba kasama mo sina Narra?" tanong niya. "Pinadala ako ni Haring Narra para bantayan ang buong syudad, narinig niyo naman ang sinabi ni Isabella kanina, hindi po ba?" sabi niya "ah.. oo" sagot niya "ako na ang bahala sa inyo Ingkong, idadaan ko kayo sa pagamutan" sabi ni Dante na naging Lobo ito at sinakay niya sa likod ang pinuno niya.

Nasa daan na sila nung binuka ni Ingkong ang mata niya at nagulat nalang siya nung nakita niya ang tatlong anak ni Solomon na tumatakbo narin kasama ni Dante "nadaanan ko sila kanina Ingkong nung papunta ako sa'yo" paliwanag ni Dante. "Si Solomon ba yan?" gulat na tanong niya "oo, nahanap nila sa loob ng gusali bago ito gumuho at sa tulong narin ng Engkanto kaya sila nakalabas" kwento ni Dante. "Kamahalan!" sabi ni Ramir sa kanya na ngayon ay isa ng Lobo at nakasakay sa likod niya si Solomon "mabuti! At natutuwa ako na ligtas kayong lahat" sabi niya sa kanila na nakita niyang nakasakay sa likod ni Raul ang Engkantong tumulong sa kanila "natutuwa akong ligtas kayo..." sabi niya bago ito nawalan ng malay.

"JULIAN!" sigaw ni Hen. Guillermo sa kanya na natauhan na si Julian "patawad sa inyo!" sabi niya na hinayaan na siyang gumalaw ni Hen. Guillermo nung nakalayo na siya sa mga magulang niya. "Kailangan na nating tapusin ito, Lala" sabi ni Lorenzo sa kanya na biglang nalungkot si Lala pero sumang-ayon ito sa kanya "ikukulong natin siya para hindi tayo mapilitang patayin siya" sabi ni Lala sa kanya "ikaw ang masusunod" sagot ni Lorenzo. Humihingal na si Julian sa pagod pati narin ang mga Bampira sa loob niya na halos maubosan na sila ng enerhiya sa pakikipaglaban sa kanila "Julian, kailangan nating matapos ito dahil nararamdaman kong nagiging peligro na ang sitwasyon natin habang tumatagal" sabi ni Reyna Lucia sa kanya "alam ko mahal na Reyna, pero..." sabi ni Julian na napatingin siya sa mga magulang niya.

"Patawad, mahal na Reyna, Heneral" sabi ng ilang Bampira na bigla silang napabitaw at napaluhod sa pagod "naiintindihan ko" sagot ni Reyna Lucia sa kanila na isa-isa din sa kanila ang napabitaw dahil narin sa malapit ng maubos ang lakas nila. "Julian, kailangan naming magpahinga" sabi ni Kap. Morietta na nanghihina narin "naiintindihan ko po, ako na muna ang bahala dito" sabi ni Julian sa kanila na bumitaw si Kap. Morietta at napaupo ang mga Bampirang nasa likod niya. "Nandito pa kami" sabi ni Hen. Guillermo "salamat Heneral, mga kasama" sabi ni Julian sa kanila na biglang humihina ang liwanag sa katawan ni Julian.

"Nanghihina na sila, oras na Lala" sabi ni Lorenzo "oo" sagot ni Lala na naglakad na sila palapit kay Julian habang umaatras naman ang huli para makalayo sa kanila "patawad anak" sabi ni Lala sa kanya. "Julian, tatagan mo ang loob mo" sabi ni Reyna Lucia sa kanya "nandito pa ako, kahit ano'ng mangyari hindi kita bibitawan" dagdag niya "salamat po, mahal na Reyna" sabi ni Julian na tinaas niya ang espada niya at hinanda ang sarili sa mangyayari. Hinanda narin ni Lorenzo ang dalawang espada niya "hindi ko na kailangan pang gamitin ang ilusyon ko, Lorenzo" sabi ni Lala sa kanya dahil nakita nilang wala ng maibubuga si Julian.

"Isabella... sana ligtas ka..." sabi ni Julian sa sarili niya ng biglang "....bakit, mahal na Reyna?' tanong ni Hen. Guillermo sa kanya "JULIAN! YUMUKO KA!" sigaw ni Reyna Lucia sa kanya na biglang yumuko si Julian at nakita niyang napatigil ang mga magulang niya at napatingin ito sa ibabaw. "JULIAAAAAAANNNNNNN!!!" sigaw ko nung ginawa kong rampa ang gumuhong pader at lumipad ang mobile car na sinasakyan ko papunta sa kalaban ni Julian. Agad kong kinuha ang espada sa tabi ko at tumalon ako palabas ng mobile namin at tumalbog ako sa lupa bago gumulong nung dumapo ako, agad kong tiningnan ang dalawa na tumama sa kanila ang mobile car na sinasakyan ko "BULLS EYE!" sigaw ko. "ISABELLA!" narinig kong sigaw ni Julian na agad akong bumangon at pumunta sa kanya.

"Julian! Ok ka lang ba ha?" tanong ko sa kanya na kita kong pagod na ito sa condition niya ngayon kaya inakay ko siya dahil nakayuko na ito "nandito na ako" sabi ko sa kanya "hahh..haahhh... ang tagal mo..hahh..hahhh.." sabi niya sa akin. "I'm sorry, na traffic kasi ako eh" nakangiti kong sabi sa kanya na napangiti narin siya "ang importante ay nandito na ako" sabi ko sa kanya. "Kumusta na sa kabila?' tanong niya sa akin "maayos lang" sabi ko sa kanya "nagsisinungaling ka" sabi niya sa akin na napangiti ako "alam ko" dahil nakita niya ang condition ko at alam niyang hindi maganda ang nangyayrai sa kabilang labanan. "Maghanda ka" sabi niya "teka, nasaan ang espada mo?" tanong ko sa kanya "ito" sabi niya "hindi, yung katulad nito" pinakita ko sa kanya ang espadang dala ko na napatingin siya sa likod niya "nabitawan ko kanina" sagot niya.

"Kailangan nating hanapin yun para mabuo natin ang espada ng alamat" sabi ko sa kanya "hindi na muna ngayon" sabi niya sa akin "bakit?" tanong ko na nakita kong tumingin siya sa kotseng sinakyan ko kanina at nagulat nalang ako nung nakita kong nahati ito sa dalawa. Lumabas si Lorenzo at nakita kong me kasunod itong babae "sino naman siya?" tanong ko na nakita kong napatigil yung babae nung makita ako "i..ikaw" narinig kong sabi nito. "Isabella, ipinakilala ko sa'yo ang nanay ko.. si Lala" pakilala ni Julian "siya ang nanay mo?" gulat kong tanong sa kanya "oo" sagot niya "bakti ka nandito?" tanong ni Lala sa akin "ano'ng bakit?" takang tanong ko sa kanya "ibang Isabella yan, Lala" sabi ni Lorenzo sa kanya "oh, ang kasalukoyang Isabella pala ito" sabi ni Lala.

"Julian kaya mo pa bang lumaban?" tanong ko sa kanya dahil kita kong marami na siyang sugat at tila nanghihina na siya "oo, kaya ko pa" sagot niya na hinawakan ko ang kamay niya "ako ang bahala sa nanay mo, hahayaan kitang kalabanin si Lorenzo" sabi ko sa kanya. "Lala" tawag ni Lorenzo sa kanya "ako ang bahala sa Isabella'ng ito" sagot ni Lala "mag-ingat ka" sabi ni Julian sa akin "nakahanda na ako, mahal" sabi ko sa kanya na napalingon siya sa akin at nginitian ako. "SIGE!" sigaw niya na naghiwalay kami, siya sa kanan habang ako naman sa kaliwa na ganun din ang ginawa ng dalawa at hinabol ako ni Lala habang narinig ko nalang ang ingay ng espada nina Julian at Lorenzo sa malayo.

Tumakbo ako sa gumuhong gusali at narinig kong tumatama ang bala ng mga pana sa pader nito kaya napayuko ako at nagtago "hindi ka makakatakas sa akin" sabi ni Lala na narinig ko nalang ang yapak nito sa gilid ko kaya hinampas ko ang espada ko at sinalo ito ng espada niya. "Magaling!" sabi ni Lala na tinulak niya ako palayo na agad akong umabante nung nakabalanse ako at inatake ko siya na parang wala lang sa kanya ang mga atake ko dahil naiilagan niya ito o sinasalo ito ng espada niya. "Shit dehado ako nito" sabi ko sa sarili ko na lumabas ako sa gusali para makalayo sa kanya na pinapana niya ako "shit!" napamura ako at napatago muli sa isang gumuhong gusali na hindi ako makahanap ng timing sa pag-atake sa kanya.

Samantala, binato ni Lorenzo ang isa sa espada niya na hinampas ito ni Julian kaya nasaksak ito sa lupa kaya agad siyang umabante na nag-espadahan silang dalawa at nung nakita niyang me hinila si Lorenzo agad siyang tumalon sa kaliwa niya kaya nailagan niya ang espada ng ama niya. Bago paman mahawakan ni Lorenzo ang isang espada niya bigla siyang binugahan ni Julian ng apoy na wala siyang nagawa kundi tumalon pataas kaya hindi niya nakuha ang isa niyang espada. Nagulat nalang si Lorenzo nung nasa ere na siya dahil bigla nalang siyang hinila ni Julian na nahawakan pala niya ang lubid ng espada niya kaya napaabante siya papunta kay Julian sabay hampas niya ng espada niya na sinalo ito ng isa pang espada ni Lorenzo.

Nagtutulakan silang dalawa habang naghihilahan din sila sa lubid ng espada ni Lorenzo "magaling!" sabi niya sa anak niya na biglang binuka ni Julian ang bibig niya at lumabas ang maraming tubig na tumama ito sa mukha ni Lorenzo. Napaatras si Lorenzo at pilit inaalis nito ang tubig sa mukha niya na agad hinila ni Julian ang lubid na hawak niya at napaabante si Lorenzo papunta sa kanya at nasaksak niya ang ama niya sa kaliwang dibdib nito. "AAKKK!" napasigaw si Lorenzo dahilan kaya napatigil si Lala sa pag-atake kay Isabella at lumingon ito sa direksyon ng mag-ama niya, sumilip ako sa labas at nakita kong parang abala si Lala sa mag-ama niya kaya dumaan ako sa hagdanan papunta sa second floor at nung nakakuha ako ng tyempo tumalon ako para atakihin siya.

Natumba kaming dalawa sa lupa at nabitawan ko ang espada ko at nabitawan din niya ang pana niya na sabay pa kaming bumangon na kita kong malapit lang sa kanya ang pana niya kaya wala akong choice kundi umabante. Nakita niya akong umabante kaya hindi na niya kinuha ang pana niya dahil alam niyang maaabutan ko siya bago pa niya makuha ito kaya hinarap nalang niya ako at nauna akong sumuntok sa kanya na umilag siya at sumuntok din siya na agad ko ding inalagan. Sa Police Academy mandatory kasi ang self-defense class, number two defense mo ito pagwala kang baril sa panahon na makaharap mo ang ganitong hostile na kaaway.

Magaling si Lala sa hand-to-hand combat, aaminin ko ito dahil kita ko sa galaw at sa porma niya na talagang dalubhasa ito sa pakikipaglaban, pinatid ko siya sa kaliwa niya na sinalo ito ng kamay niya at gumanti siya na kumonek ang kanang paa niya sa gilid ko kaya napatumba ako sa lupa. Tumalon siya sabay suntok sa akin na agad akong gumulong at bumangon na binigyan ko siya ng round-house kick na kumonek ito sa dibdib niya kaya siya na ngayon ang natumba sa lupa. Nakita kong hindi sinadyang nahawakan niya ang espada ko kaya kinuha niya ito at bumangon siya at tinutok niya ito sa akin pero nagulat nalang ako nung tumigil nalang siya bigla sa pag-abante nung nakita niya ng maayos ang espadang hawak niya.

Napaatras ako at bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba "bakit?" naglakas loob akong nagtanong sa kanya dahil kita kong titig-na-titig ito sa espadang hawak niya "saan mo ito nakuha?" tanong niya sa akin. "......Bakit?" tanong ko sa kanya "sabihin mo sa akin saan mo ito nakuha?" tanong niya muli sa akin "sa dating tinitirhan niyo noon, sa isang kweba" sagot ko sa kanya na binagsak niya ang espada sa lupa at tumingin siya sa akin. "Isa lang ang ibig sabihin nito" sabi niya sa akin sabay tingin niya sa pintuan ng dilim "ano?" tanong ko sa kanya na bigla nalang siyang lumuhod at binagsak ang isang palad niya sa lupa na nagulat nalang ako na me bumalot na buhangin sa katawan ko hanggang sa leeg ko.

"AAHHHH" napasigaw ako at pilit kong gumalaw pero sobrang higpit itong nakabalot sa katawan ko nakita kong hinugot niya ang espada at lumapit ito sa akin "paano mo ito nagawa?" tanong ko sa kanya "ang alen?" tanong niya sa akin na lumagpas ito sa akin. Pilit kong lumingon sa likuran ko pero hindi ako makagalaw "ito.. itong ginawa mo sa akin" sabi ko sa kanya na nakita kong tumayo ito sa tabi ko na kinuha pala niya ang pana niya. "Iba kaming mga Bailan" sabi niya na tumayo ito sa harap ko at tinutok sa leeg ko ang espada ko "pwede kitang patayin ngayon dito" sabi niya "pero hindi mo gagawin yun" sabi ko sa kanya.

Nagpupumiglas akong makawala sa buhanging binalot niya sa akin pero hindi ako makagalaw "hindi ka makakawala sa buhangin na yan" sabi ni Lala sa akin na kitang-kita ko ang pag-aalala sa mukha niya dahil nakatingin ito sa direksyon nila ni Julian. "Hindi ko maintindihan" sabi ko sa kanya na lumingon siya sa akin "kung ganito pala kayo ka lakas bakit kayo naubos nung gabing yun?" tanong ko sa kanya na binaba niya ang espadang tinutok niya sa leeg ko at pinakita niya ito sa akin. "Alam mo ba kung ano ang espadang ito?" tanong niya sa akin "oo, isa yan sa espada ng alamat" sagot ko sa kanya "tama ka, pero alam mo ba kung ano ang espada ng alamat?" tanong niya "hindi!" sagot ko na tumingin ito sa espada.

"Ang espada ng alamat sa kwento-kwento ng mga matatandang Bailan ay ang espadang ginamit noon ni Una.... " "nung tinalo nila ni Lucille si Hilda" pagputol ko sa kanya na tumingin siya sa akin. "Tama ka, pero bago si Hilda nagamit na rin niya ito noon" kwento niya "bago kay Hilda?" takang tanong ko sa kanya. "Ang kahapon ni Una ang pinangangambahan namin noon, akala namin tapos na ito nung nilubog niya ang Isla" kwento niya na bigla nalang siyang napatigil at tinaas ang espada sa ulo ko. "Sa paglabas ng espadang ito isa lang ang ibig sabihin nito" sabi ni Lala sa akin "ano?" tanong ko ".. ang pagbabalik ng anino niya" sabay hampas ng espada na akala ko tatama ito sa ulo ko pero lumagpas lang ito nung maramdaman ko itong dumaan sa kaliwa ko.

Nung binuka ko ang mga mata ko nakita kong nakatingin lang siya sa akin "akala ko ba papatayin mo ako?" tanong ko sa kanya "...I..Isabella..." tawag niya na nakita kong nagbago ang expression sa mukha niya. "Hihilingin ko ang tulong mo" sabi nito bigla sa akin "a... ano?" gulat kong tanong sa kanya "hindi kilala ni Julian.. ang anak ko ang mga Bailan" sabi nito sa akin "ano ang gusto mong gawin ko?" tanong ko sa kanya "gusto kong iparating mo ito sa kanya" sabi niya na bigla niyang nilagay ang kanang kamay niya sa ulo ko. "Iparating mo sa kanya ang totoong pagkatao ng mga Bailan" sabi niya na bigla nalang lumiwanag ang katawan ni Lala at napapikit nalang ako sa sobrang sinag nito.

Napaatras si Julian nung tinulak siya palayo ni Lorenzo na agad namang sumunod ang ama niya para atakihin siya "Julian.. patawad.." sabi ni Reyna Lucia sa kanya na siya nalang mag-isa ang nakakonekta sa kanya. "Haahh..haahh..haahhh.. wa.. walang anuman ito kamahalan" pagod na si Julian dahil sa maraming enerhiyang nilabas niya kanina pati narin ang Reyna ng mga Bampira na si Lucia. Napaluhod ang isang tuhod ni Julian nung sinalo ng espada niya ang dalawang espada ni Lorenzo at natulak siya nito pababa "wala ka na bang lakas, anak?" tanong ni Lorenzo sa kanya na napapikit na ang isang mata ni Julian. "Hahh..hahh..." hinihingal na siya at nararamdaman na ito ni Lorenzo dahil hindi na gaano kalakas ang pagtulak ni Julian sa espada niya.

"Hindi ito maganda para sa'yo anak" sabi ni Lorenzo na napatingin sa kanya si Julian na agad umikot ang ama niya at binigyan siya ng round-house kick na tumama ito sa dibdib niya at napatumba siya sa lupa. "Bumangon ka Julian!" sabi ni Reyna Lucia habang walang magawa ang mga tauhan niya dahil nanghihina narin sila "BUMANGON KA JULIAN!" sigaw ni Reyna Lucia sa kanya kaya gumalaw si Julian at dahan-dahan siyang bumangon. "Hindi ngayon, anak" sabi ni Lorenzo na binato siya ng maliliit na patalim at tumama ito sa magkabilang balikat niya kaya napatumba muli siya sa lupa. "AAAHHHH!!!" napasigaw si Julian sa sakit at nung pilit niyang abutin ang mga patalim kumikirot ang sugat niya kaya napahiga nalang siya at wala siyang magawa dahil dito.

Naglakad na palapit sa kanya si Lorenzo at tumayo ito sa kaliwang side niya at tiningnan siyang nakahiga sa lupa "kung... " putol ni Lorenzo na tiningnan lang siya ni Julian "kung nabubuhay pa sana kami noon... sigurado akong nalalampasan mo na ang abilidad ko" sabi ni Lorenzo sa kanya. "Pero.. pinili niyong mamatay.." sagot ni Julian na parang nalungkot bigla ang mukha ni Lorenzo, humogot siya ng dalawa pang maliit na patalim at binato niya ito sa magkabilang hita ni Julian na napasigaw ang binata sa sakit. Sinaksak ni Lorenzo ang espada niya sa gilid niya at lumuhod siya "gaya ng sinabi ko kanina, kailangan naming mamatay ng gabing yun" sabi ni Lorenzo "BAKIT?! BAKIT NIYO AKO INIWAN?!" sigaw ni Julian sa kanya na napalingon si Lorenzo sa direksyon ni Lala.

"Dahil nahanap na kami ng anino ni Una" sagot ni Lorenzo na natahimik nalang si Julian at nagulat sa sinabi ng ama niya "..a...anino..ni.. Una?" gulat na tanong ni Julian "oo, hindi kami naubos nung gabing yun dahil sa pinagsamang lakas ng mga Aswang at sundalong kastila" kwento ni Lorenzo. "Naubos kami dahil kasama nila ang aninong matagal na naghahanap kay Una" kwento ni Lorenzo na hiniga ni Julian ang ulo niya sa lupa at tumingin siya sa langit ".... ano ba ang meron sa aninong ito? Bakit niyo ito pilit iniiwasan?" tanong ni Julian. "Hindi ko alam ang boung kwento nila ni Una.. pero ang pagkakaalam ko na naikwento lang din sa akin sa lolo kong si Balin, siya at si Una ay iisa" kwento ni Lorenzo na napatingin sa kanya si Julian.

"Iisa silang dalawa?" tanong ni Julian "oo, hinahanap ng aninong ito si Una para mabawi nito ang itinakas ni Una noon... hindi namin alam kung ano pero ayun sa mga nakakatanda hindi lang espada ng alamat ang dala ni Una" kwento ni Lorenzo. "Ano?" tanong ni Julian na tumayo na si Lorenzo at hinugot niya ang espada niya at tinaas niya ito sa ibabaw ng dibdib ni Julian "ang Aklat ng Dilim" sagot ni Lorenzo. "Patawad anak!" sabi ni Lorenzo na naging isang espada na muli ang espada niya at dalawang kamay na niya ang nakahawak sa hawakan nito "alam kong ikaw ang tinadhanang magdadala sa amin sa liwanag.. pero.." sabi ni Lorenzo na nakita ni Julian ang luha nitong dumaloy sa pisngi niya "patawarin mo ako... amang Una.." sabi ni Lorenzo sabay baba niya ng espada niya at dumaloy ang maraming dugo sa katawan ni Julian nung tumama ito.

Narating na nina Haring Narra at Hen. Romualdo ang pintuan ng dilim na agad pinapwesto ng Hari ang mga tauhan niyang mga Taong Puno para gawin ang pagpigil sa pagbukas ng pinto "ituon niyo ang kapangyarihan niyo sa pinto!" utos ni Haring Narra sa kanila "OPO KAMAHALAN!" sigaw nila. "HAAA MGA ASWANG!" sigaw ng isang Lobo "kamahalan kami ang bahala sa kanila kayo na po ang bahala sa pintuan" sabi ni Hen Romualdo sa kanya. "Sige..." sagot ng Hari na pinagdikit agad nila ang mga palad nila at lumabas ang maraming ugat mula sa lupa na bumalot ito sa pintoan habang umabante naman ang mga Taong Lobo para pigilan ang umaabanteng mga aswang sa pisisyon nila.

Naglaban ang mga Aswang at mga Taong Lobo habang binabalutan ng maraming ugat ng mga Taong Puno ang pintuan ng dilim "HUWAG KAYONG SUMUKO!" sigaw ni Haring Narra sa mga tauhan niya. "Kamahalan!" tawag sa kanya ng isang tauhan niya. "Bakit?" tanong ng Hari "me tao sa ilalim ng pinto!" sagot nito na napatingin ang Hari sa ilalim ng pinto at tama nga siya me taong nakatayo na nakahood sa ilalim ng pinto. "Kalaban ba siya o kaalyado?" tanong ng Hari "kami na po ang bahala kamahalan!" sabi ng isang Lobo at sinugod nila ito para tingnan kung kaalyado ba nila ito o hindi, habang naglalaban ang iba yung tatlo naman ang pumunta sa taong nakatayo sa ilalim ng pinto.

Tumigil sila sampung talampakan lang ang layo sa taong nakahood at tinawag nila ito na hindi sila nito pinansin, nagkatinginan ang tatlong Taong Lobo kaya lumapit ang isa para alamin ito ng biglang sumuntok ang taong nakahood at napatumba sa lupa ang lumapit na Taong Lobo. "Ano ang nangyari?!" gulat na tanong nung isa niyang kasama dahil hindi nila nakitang tumama ang kamao nung taong nakahood sa kasama nila nung natumba ito. "KALABAN ITO!" sabi nung isa kaya umabante silang dalawa ng biglang sumuntok muli ang taong nakahood na napalipad silang dalawa nung tinamaan sila na parang me shockwave mula sa kamao nito at napatumba sila sa tabi nung unang kasamahan nila.

"KAMAHALAN KALABA..." hindi na natuloy nung Taong Lobo ang sinabi niya dahil bigla nalang sumulpot sa ibabaw nila ang taong ito at sumuntok ito dahilan kaya nawasak ang mga katawan nila sa lakas ng shockwave ng suntok niya. "AAAHHHHHHH!" sumigaw ang isang Lobo at umatake ito pagkatapos makita ang sinapit ng mga kasamahan nila "PATAYIN ANG TAONG YAN!" sigaw ng isang Lobo kaya sinugod nila ito ng biglang tumalon paatras ang taong nakahood at sumuntok ito na tinamaan silang dalawa at nawasak ang mga katawan nila sa pressure ng shockwave na pumasok sa katawan nila. Naubos na ng mga Taong Lobo ang mga Aswang kaya inutos ni Hen. Romualdo ang pag-atake sa taong nakahood at sumugod ang mga Taong Lobo papunta sa kanya na tumakbo naman ito papunta sa kanila.

"MAG-INGAT KAYO SA SUNTOK NIYA!" babala ni Hen. Romualdo sa kanila na tumatalon at umiilag sila sa tuwing sumusuntok ang kalaban nila at nung nalapitan ito ng isang Lobo kakagatin na sana niya ng biglang me lumabas na itim na bakal sa lupa na tumuhog ito sa leeg niya. Napatigil silang lahat sa pag-atake nung nakita nila ito "Heneral, tao nga ba siya?" tanong ng tauhan niya na nakita nilang nangisay ang katawan nung kasamahan nilang natuhog ng itim na metal "demonyo!" sabi ni Hen Romualdo. Narinig nilang tumunog ang pintuan ng dilim kaya napatingin silang lahat dito at nakita nilang dahan-dahan itong bumukas "HENERAL!" sigaw ng isa sa tauhan niya "KAMAHALAN!" sigaw ni Hen. Romualdo kay Haring Narra na kita nilang nahihirapan silang isara ang pintuan ng dilim.

"Huwag niyong hayaan bumukas ang pintuang yan!" utos ni Hen. Romualdo sa mga tauhan niya na agad silang kumilos ng biglang tumalon ang taong nakahood at tinas ang kamay nito. Nagulat nalang silang lahat nung lumabas ang malaking itim na metal mula sa lupa at pinutol nito ang mga ugat na tinali ng mga Taong Puno sa pintuan ng dilim. Napaatras silang lahat nung makita nilang nagbagsakan ang mga ugat sa lupa at doon bumukas ang pintuan "KAMAHALAN!" sigaw ng isang Taong Puno "HUWAG NIYONG HAYAANG BUMUKAS ANG PINTO, TULONGAN NIYO AKO!" sigaw ni Haring Narra na pinagdikitm uli nila ang mga kamay nila at lumabas ang maraming malalaking ugat mula sa lupa at binalot nila ito sa pintuan ng dilim.

Tumalon at tumayo ang taong nakahood sa mga ugat at tinaas nito ang dalawang kamay niya at nung binaba niya ito bigla nalang nahati ang mga ugat na binalot ng mga Taong Puno at doon dahan-dahan ng bumukas ang pintuan ng dilim. "MAHAL NA DYOSANG GAIA, TULONGAN MO KAMI!" sigaw ng isang Taong Puno habang tumakbo palayo sa pinto ang mga Taong Lobo at tumayo sila sa grupo ng mga Taong Puno. "Kamahalan, ano ang gagawin natin?" tanong ni Hen. Romualdo kay Haring Narra "maghanda kayo, si Hilda na ang makakalaban natin sa puntong ito" sabi ni Haring Narra na nilabas nila ang mga sandata nila para paghandaan ang paglabas ni Hilda.

Nagulat sila nung makita nila ang malaking itim na kamay sa gilid ng pinto at tinulak nito ang pinto para tuloyan na itong mabukas, nakita nilang lumutang sa harap ng pinto ang taong nakalaban nila at sa likod niya lumabas ang anino ng isang hugis babae mula sa pinto. "HAHAHAHAHAHAHA.. MALIGAYANG PAGBABALIK DYOSA NG DILIM!" narinig nilang sigaw ni Reyna Olivia na nakatayo na ito sa gilid ng pintuan ng dilim. Lumingon kay Olivia ang aninong lumabas sa pinto at sa taong nakalutang sa harapan niya "hmmmm..." lang ang narinig nila galing nito at tumingala ito sa langit at hinigop niya ang itim na ulap.

"Kamahalan!" tawag ni Hen. Romualdo na napatakip sila sa mukha nila dahil umihip mula sa pinto ang malakas na hangin at nung nawala na ito nakita nilang lumutang sa ibabaw ng pintuan ng dilim ang kaluluwa ni Hilda at pumasok ito sa katawan ng taong nakahood. "HUWAAGGG!" sigaw ni Haring Narra dahil ngayon lang niya napansin na ang tao pala yun ay ang katawang hinanda ni Olivia para kay HIlda. "ATAKIHIN ANG TAONG YAN!" sigaw ni Haring Narra sabay abante niya at sumunod sa kanya ang mga tauhan niya pero huli na sila dahil nasa loob na ang kaluluwa ni Hilda na agad itong pinagdikit ang dalawang kamay niya at lumabas ang malalaking itim na metal mula sa lupa at humarang ito sa kanila.

Sinuntok ito ni Haring Narra na nawasak ito kaya nakaabante silang lahat "MAHAL NA DYOSA! SILA ANG GUSTONG PUMIGIL SAYO!" sabi ni Olivia sa kanya na bigla nalang nawala si Hilda at sumulpot ito sa umaabanteng Hari. "HAH!" nagulat si Haring Narra na hindi niya nadepensahan ang sarili niya nung sinuntok siya nito kaya napalipad siya nung tinamaan siya "DEMONYO!" sigaw ni Hen. Romualdo na tumalon ito at hahatawin na sana niya si Hilda gamit ang espada niya ng biglang nawala ito at sumulpot ito sa likuran niya. "HENERAL!" sigaw ng isa sa tauhan niya pero hindi na nakadepensa si Hen. Romualdo nung sinuntok siya ni Hilda at bumaon siya sa lupa.

Umatake ang mga tauhan nina Haring Narra at Hen. Romualdo na pinalibutan nila si Hilda pero bigla nalang silang napatigil nung tinaas nito ang kamay niya at lumabas mula sa lupa ang maraming itim na metal at natuhog silang lahat nito. Lumabas sa hukay si Hen. Romualdo at inatake niya si Hilda na tiningnan lang siya ng itim na Dyosa at bigla siyang napatigil sa ere na hindi niya maigalaw ang katawan niya. "HAH!" nagulat siya sa nangyayari sa kanya na biglang sumulpot si Olivia sa likod ni Hilda at lumuhod pa ito "mahal na Dyosa, natutuwa po ako sa pagbabalik niyo dito sa lupa" sabi ni Olivia sa kanya. "HMP! Ito na pala ang panibagong mundo" sabi ni Hilda na nakita na Hen. Romualdo ang mukha nito na nagulat siya dahil kamukha ito ni Isabella.

Tiningnan ni Hilda ang kamay ni Isabella at kinapa niya ang katawan nito at mukha "gusto ko ang katawang hinanda mo sa akin, Olivia" sabi niya "maraming salamat at nagustohan mo ito, mahal na Dyosa" sabi ni Olivia. "Especial ko talagang pinahanap ang katawan na yan para lang sa iyo, kamahalan" sabi ni Olivia na lumingon si Hilda sa direksyon nina Lorenzo at Julian at lumingon siya sa kaliwa sa direksyon nina Haring Helius at Romolo. Biglang nagulat si Hilda nung tumingin siya sa kanan niya "bakit nandito ang sandatang yan?' tanong niya kay Olivia "ano pong sandata, mahal na Dyosa?" tanong ni Olivia "hmm.. wala.." sabi ni Hilda na naglakad ito at nilampasan lang niya si Hen. Romualdo na nakasuspende sa ere at tumingin siya kay Haring Narra na ngayon ay nakatayo na sa malayo.

"Ano ang pangalan mo, Puno?" tanong ni Hilda sa kanya "I.. Isabella?" gulat na tanong ni Haring Narra "hmmm.. Isabella pala ang pangalan ng katawang ito... ang tinatanong ko ay sa'yo" sabi ni Hilda sa kanya. "Hahh.. ako si Narra ang Hari ng mga Puno" pakilala niya na nakita niyang tumingin sa paligid si Hilda "parang me kulang ata, nasaan na yung tatlong Hari o Reyna na inatasang mamuno ng mga kapatid ko?" tanong ni Hilda. "Parating na sila, huwag kang mag-alala" sabi ni Haring Narra sa kanya, lumapit si Olivia kay Hilda at lumuhod muli siya "mahal na Dyosa, yung dalawang Hari na si Helius ng Engkanto at Romolo ng Lobo ay naghihingalo na ngayon, siya nalang ang natitira sa kanilang hukbong" balita ni Olivia sa kanya.

"Hmm.. ganun ba? Magaling ang ginawa mo Olivia, maganda sana kung tinira mo sa akin ang dalawa para ako na mismo ang papatay sa kanila" sabi ni Hilda "mahal na Dyosa... yung.. pinangako niyo po sa akin?" tanong ni Olivia. "Hmm.. lumapit ka dito, Olivia at hawakan mo ang kamay ko" sabi ni Hilda sa kanya na natuwa ang Reyna ng mga Aswang na agad itong tumayo at lumapit kay Hilda. "Hawakan mo ang kamay ko para maibigay ko sa'yo ang kapangyarihang hinihiling mo sa akin" sabi ni Hilda sa kanya na agad lumuhod si Olivia at humawak sa kanang kamay ni Hilda. Ngumiti si Hilda sa kanya na kita niyang napangiti din si Olivia nung maramdaman niya ang kapangyarihang pumasok sa katawan niya.

"Haha..hahahahaha nararamdaman ko na ang kapangyarihan mahal na Dyosa" natutuwang sabi ni Olivia na napaluhod si Haring Narra sa sobrang pagod at nanghihina narin ang katawan niya habang nakatingin siya sa dalawa. "HAHAHAHAHA MAKIKITA MO NGAYON NARRA ANG BAGONG KAPA...." bigla nalang napatigil si Olivia nung naramdaman niyang hinigop ni Hilda ang kapangyarihan niya imbes na bigyan siya nito. "Do...Dyosa.. ano...." sabi ni Olivia na hinigpitan ni Hilda ang paghawak sa kamay niya at biglang lumabas mula sa katawan ni Olivia ang itim na aura at pumasok ito sa katawan ni Hilda. "Tingin mo ibibigay ko sa'yo ang kapangyarihan ko? HAHAHAHAHAHA" natatawang sabi ni Hilda sa kanya na pilit inaalis ni Olivia ang kamay niya kay Hilda.

"Maawa ka... AAAAAHHHHHHHH..." napasigaw si Olivia nung maramdaman niyang nanghihina na siya "hindi ba gusto mong maging makapangyarihan Aswang? Sumapi ka sa akin at maging parte sa kapangyarihan ko, Olivia!" sabi ni Hilda sa kanya. "HUWAAGGG.. HUWAAAAGGGGG!" sigaw ni Olivia na nabitawan siya ni Hilda nung sumulpot sa harapan nito si Haring Narra at hinampas siya nito ng espada niya na agad natumba sa lupa si Olivia at gumapang ito palayo. "Istorbo ka, Puno!" sabi ni Hilda na agad lumayo si Haring Narra nung lumabas ang maraming itim na metal mula sa lupa at iniilagan pa niya ang mga ito nung papalayo siya.

Pinagdikit ni Haring Narra ang mga palad niya at lumabas ang maraming kahoy sa lupa malapit lang kay Hilda na agad namang naputol ang mga ito nung lumabas din mula sa lupa ang matatalas na itim na metal ni Hilda. "Helius... Romolo... hahhh... kailangan ko ang tulong niyo.." bulong ni Haring Narra sa sarili niya na umaasa siyang marinig ito ng mga kapwa niya Hari na narinig ata siya ng dalawa dahil biglang nagising si Haring Helius sa hinihigaan niya. "Haring Helius!" gulat na sabi nung Taong Punong gumagamot sa kanya, bumangon si Haring Helius na nanghihina pa ito "kamahalan, huwag po kayong kumilos magpahinga lang po kayo" sabi nung gumamot sa kanya. "Tinatawag.. tinatawag ako ni Narra" sabi niya na pilit niyang tumayo pero natumba siya kaya sinalo siya ng mga gumamot sa kanya.

"Kamahalan, magpahinga lang po kayo hindi niyo na po kailangan pang.." "HINDI!" sigaw ni Haring Helius na tinulak niya ang dalawa palayo sa kanya "kailangan ako ni Narra" sabi ni Haring Helius na agad itong pinasok ang kamay niya sa bulsa niya at nung nahawakan na niya ito bigla nalang siyang nawala. Samantala nagising si Ingkong Romolo at pinatigil niya si Dante "kamahalan?" tanong ni Mariz sa kanya dahil huminto narin sila "kailangan ako ni Narra" sabi niya "Ingkong, kailangan niyo pong magamot" sabi ni Dante sa kanya "hindi... kaya ko na ito" sabi ni Ingkong Romolo na bumaba siya kay Dante at parang nahirapan pa siyang tumayo sa sarili niya.

"Ingkong kailangan niyo pong pumunta sa pagamutan" sabi ni Ramir sa kanya "hindi, unahin niyo si Solomon at Dante.. asikasuhin mo ang syudad na ito" utos niya sa kanila "Ingkong.. hindi ko gusto ang sinasabi niyo" sabi ni Dante sa kanya. "Huwag kang mag-alala Dante, nandito naman ako" sabi bigla ni Haring Helius na lumabas ito mula sa portal "Ha.. Haring Helius" gulat nilang sabi "paano po kayo nakagalaw?" tanong ni Dante sa kanya "sa tulong ng Dyosa namin" sagot niya. "Dalhin niyo na si Solomon para magamot na siya pati narin si Welyen" sabi ni Haring Helius sa tauhan niyang nasa likod ni Raul. "Pero.." "huwag matigas ang ulo Dante!" sabi ni Ingkong sa kanya na natahimik nalang ito "ma.. masusunod po, kamahalan" sagot ni Dante na nagdadalawang isip pa itong umalis.

"Sige na Dante, para magamot na si Solomon at si Welyen" sabi ni Haring Helius na niyuko nila ang mga ulo nila sa dalawa at umalis narin sila "mukhang binugbog ka ng husto ni Marawi, Romolo" sabi ni Haring Helius sa kanya. "Hahaha.. wala ito" natatawang sagot ng Hari ng mga Lobo "narinig mo din ba ang tawag niya?" tanong ni Haring Helius sa kanya na tinulongan niyang tumayo si Ingkong Romolo. "Oo, kaya nga ako nagising" sabi ni Ingkong "ako din, sarap na sana ang tulog ko" sabi ni Haring Helius na napangiti silang dalawa at maya-maya ay naging seryoso narin sila "handa ka na ba?" tanong ni Haring Helius sa kanya "oo" sagot ni Ingkong na humawak na ito sa pangil na binigay ng Dyosa nilang si Luna "tayo na" sabi ni Haring Helius na pumasok sila sa portal at nawala sila.

Napaatras si Haring Narra nung sumuntok si Hilda at tinamaan siya sa shockwave nito, tumalon ang Hari para ilagan ang mga itim na metal na lumalabas sa lupa. "Marami ka papalang enerhiyang maibubuga, Puno" sabi ni Hilda sa kanya "hahh..haahhhh hindi pa ito ang katapusan ko, demonyo!" sagot ni Haring Narra na biglang nagalit si Hilda sa sinabi niya na bigla nalang itong nawala at sumulpot sa harapan niya na agad nagtabon si Haring Narra para depensahan ang sarili ni... Read More


About the Author :

Joined: February 5, 2014 (2 years old)
Writings: 114

Send PM · Male · Offline

8 comments   0 favorite   1,612 views