Harapin Ang Liwanag! Chapter XXVI

July 31, 2015 (1 year ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Supernatural, Sci-Fi and Fantasy | Tags:

Chapter XXVI: DUO!

Di makapaniwala si Julian na nasa harapan niya ang nanay niya "... anak...." tawag ni Lala sa kanya na pinigilan siya ni Lorenzo nung humakbang ito para lapitan si Julian "tandaan mo ang sitwasyon natin, Lala" paalala ni Lorenzo sa kanya. "Pero Lorenzo si Julian ito... anak natin siya..." naluluhang sabi ni Lala "alam ko, iba na ang sitwasyon natin ngayon kesa noon" sabi ni Lorenzo sa kanya na tinaas ni Lorenzo ang espada niya at tinutok niya ito kay Julian. "Kalaban na natin siya ngayon..." sabi ni Lorenzo na nilingon niya si Lala "mahal... patawad.." sabi ni Lorenzo at biglang nawala sa tabi ni Lala si Lorenzo "LORENZO!" tawag ni Lala sa kanya nung nakita niya itong sumulpot malapit lang kay Julian at naglaban ang mag ama.

Napaluhod si Lala sa lupa at humagulgol ito ng iyak "HAAAAA" sumigaw si Lorenzo nung umatake siya kay Julian bagay na sinalubong din ng sigaw ni Julian kasama ang espada niya "isa lang ang dapat mong tandaan kay Hen. Enzo, Julian" sabi ni Hen. Guillermo. "Ano yun Heneral?" tanong ni Julian habang dinedepensahan niya ang sarili niya "mabilis si Hen. Enzo lalo na sa ganitong malawak na lugar, kung mapigilan mo ang galaw niya tiyak kong matatalo mo siya" payo ni Hen. Guillermo kay Julian. "Wag mong isantabi ang lakas at kapangyarihan niya, Julian" paalala ni Reyna Lucia sa kanya "opo, kamahalan" sagot ni Julian na umatras siya palayo kay Lorenzo at binaba niya ang palad niya sa lupa .

Alam agad ni Lorenzo kung ano ang gagawin ni Julian kaya tumalon siya at lumabas mula sa lupa ang maraming putik na bumalot sa paa ni Lorenzo "LALA!" tawag ni Lorenzo sa asawa niya na narinig nalang ni Julian ang nagliparang bala ng pana na papunta sa kanya. Agad na tinaas ni Julian ang kanang kamay niya at lumabas ang maraming bato na humarang sa mga bala ng panang tinara ni Lala sa kanya. "Alineo, Lazaro" sabi ni Lorenzo na hinampas niya ang putik na bumalot sa mga paa niya at nakawala siya nito at dumapo siya sa tabi ni Lala na ngayon ay nakaluhod na sa lupa at naghanda na para panain si Julian.

"Lala, paalala ko sa'yo ang sitwasyon natin.." "alam ko, wag mo akong pagsabihan!" inis na sabi ni Lala sa kanya na tumayo si Lala at naghanda ito "... mahal kong anak..." sabi ni Lala na pinahiran ni Lorenzo ang luha niya. "Tahan na mahal" sabi ni Lorenzo na lumingon sa kanya si Lala "...handa na ako, mahal ko..." sabi ni Lala na biglang nagulat si Kap. Morietta nung nakita niya ang pagbabago sa kulay ng mata ni Lala. "JULIAN MAGHANDA KA!" sigaw ni Kap. Morietta "HA?! bakit?" tanong agad ni Julian "nagbago ang kulay ng mata ni Ginang Lala... " sabi ni Kap. Morietta "ano ngayon kung nag bago?" tanong ni Hen. Guillermo "gusto kong malaman mo Julian.. ang nanay mo... dalubhasa siya sa pagpana..." kwento ni Kap. Morietta.

"Tapos?" tanong ni Julian "hindi lang yun.. kilala siya sa pagiging magaling na mangangaso sa gubat.. at wala siyang iniiwang buhay na kalaban pagdating sa digmaan" kwento ni Kap. Morietta "magaling ang nanay ko kung ganun?" tanong ni Julian. "Oo, pero hindi lang yun" sabi ni Kap. Moretta na nagulat nalang si Julian nung nakita niyang humakbang ang nanay niya sa kanan at biglang nawala ito sa paningin niya. "Ta... tama ba ang nakikita ko?" gulat na tanong ni Julian "yun na yun.. ilusyon ang kapangyarihan niya Julian" sabi ni Kap. Morietta sa kanya "walang ni isa sa kalaban niya ang makakatalo sa kanya dahil sa ilusyon niya" sabi ni Kap. Morietta na bigla nalang me lumipad na bala ng pana papunta kay Julian na agad na humarang ang malaking bato sa likod niya. "Nasa likod siya!" sabi ni Hen. Guillermo "Julian, umalis ka sa kinatatayoan mo.. DALI!" sigaw ni Kap. Morietta sa kanya na agad kumilos si Julian.

Tumakbo si Julian sa kanan na sinalubong naman siya ni Lorenzo at nag-abot ang mga espada nila at nagtulakan silang dalawa "nakikita mo ba ang nanay mo, anak?" tanong ni Lorenzo sa kanya na pilit siya nitong tinutulak. "Sa kanan mo!" sigaw ng isang Bampira na nasa likod ni Hen. Guillermo na agad umilag si Julian at dumaan sa pagitan nila ni Lorenzo ang bala ng pana "lumayo ka Julian" sabi ni Hen. Guillermo na binigay niya ang lakas niya kay Julian kaya naitulak niya si Lorenzo at agad siyang tumalon palayo sa ama niya na sinundan siya ng maraming bala ng pana na agad niyang pinaghahampas gamit ang espada niya.

"Sa likod mo!" babala ni Kap. Morietta dahil nasa likuran na niya si Lorenzo at bumuga ito ng malaking apoy na tinamaan si Julian at bumagsak siya sa lupa. Nakita ng mag-asawa na nababalutan ng apoy ang katawan ni Julian at akala ni Lala mamamatay na ang anak nila kaya tumakbo siya para tulongan ito pero pinigilan siya ni Lorenzo. "ANAK NATIN SIYA!" sigaw ni Lala sa kanya "ALAM KO LALA, TINGNAN MO NG MABUTI!" sabi ni Lorenzo sa kanya na napatigil nalang si Lala sa pagpupumiglas nung makita niya na bigla nalang nawala yung apoy. "Ano.." gulat na tanong ni Lala at nakita nilang nababalutan ng tubig ang buong katawan ni Julian na parang taong tubig itong nakatayo malayo sa kanila "hehehe... sabi ko na nga ba, hindi ka umilag sa apoy ko alam kong gagawin mo yun, Lusendo" sabi ni Lorenzo "maraming salamat at naalala mo pa pala ang teknik ko, Heneral" sabi ni Lusendo isa sa Bampira sa loob ni Julian.

"Pa... paano nangyari ito?" takang tanong ni Lala "nasa loob ni Julian ang natitirang sundalo ni Lucia, Lala" sabi ni Lorenzo sa kanya "akala ko.. kwento lang ito ni Olivia" sabi ni Lala "totoo yun mahal, nasa loob ng anak natin ang mga kaluluwa ng mga sundalo ko noon, pati narin si...." sabi ni Lorenzo na si Lala na ang dumugtong "Lucia!". Nawala na ang tubig na bumalot sa katawan ni Julian at pumalit ang apoy na kulay asul ni Lucia at sa ibabaw ni Julian lumabas ang imahe ni Lucia na nakatingin ito sa kanila. "Ikaw.." sabi ni Lala "alam kong hindi ito ang tamang panahon" pasimula ni Lucia "patawarin niyo ako sa ginawa ko sa anak niyo, ginawa ko lang ito para sa kaligtasan niya" dagdag ni Lucia na humigpit ang hawak ni Lala sa pana niya.

"Lala... wag kang magalit sa akin alam kong di katanggap-tanggap ang ginawa ko kay..." di na natuloy ni Lucia ang sasabihin niya dahil dumaan sa dibdib niya ang bala ng pana ni Lala at kita din niyang umabante ito. Agad tumalon palayo si Julian na nawala na ang apoy na bumalot sa katawan niya "Serendo!" tawag ni Hen. Guillermo "masusunod Heneral" sagot niya na binalutan niya ng buhangin ang katawan ni Julian at nung tumigas na ito naging armor na niya ito. "LUCIAAAA!!!!" sigaw ni Lala na sunod-sunod na ang pagtira nito kay Julian pati narin si Lorenzo kinuha narin niya itong pagkakataon para atakihin si Julian na agad dumepensa si Julian laban sa mga magulang niya.

Samantala, nawala na ang gusali namin nung bumagsak ito at mabuti nalang at nailigtas ng mga Engkanto ang ibang kasamahan namin na malapit sa gumuhong gusali "salamat naman" pagod na sabi ni Haring Narra. "Kamahalan, yung mga aswang nag si takbohan na sila" balita ng isang Lobo "hahahaha alam kasi nilang di sila mananalo sa atin" natatawang sabi ni Ingkong Romolo "wag... hah... wag..... hah... wag kang.. pa...papasigurooooo..." sabi ni Haring Helius na bigla nalang itong bumagsak sa lupa. "HELIUS!" tawag ng dalawang hari sa kanya na agad namin siyang nilapitan at kita naming nanghihina siya "ano ang nangyari sa'yo Helius?" tanong ni Ingkong Romolo sa kanya "e... ewan ko ba.. pa... parang bigla.. bigla nalang akong... aaahhh..." parang hihimatayin si Haring Helius nung inakay siya ng dalawang Hari.

"AAHHHH KAMAHALAN!" sigaw ng isang Taong Puno kaya napalingon kami sa kanya at nagulat kaming lahat nung makita namin ang nagbagsakang mga Engkanto "ano... ano ang nangyayari dito?" gulat na tanong ni Haring Narra na nakita naming nakahiga na sa lupa ang mga ito. "HELIUS! ANO BA ANG NANGYAYAYRI SA INYO?" gulat na tanong ni Ingkong Romolo sa kanya na pati kami di alam kung ano ang nangyayari sa buong hukbong ng mga Engkanto. Di pa nakatulong nung napansin kong me mabilis na taong tumakbo papalapit sa amin "MANANG!" tawag ko sa kanya na tumingin siya sa direksyon sa taong papalapit sa amin. "Me masamang kutob ako, Isabella. NARRA! ROMOLO! MAGHANDA KAYO!" babala ni manang Zoraida sa kanila na bigla nalang tumalon ang taong nakita namin.

Tiningnan namin siya na dumaan sa ibabaw namin hanggang sa pagdapo niya malayo lang sa kinatatayoan namin, napatabon kami sa mga mukha namin nung dumaan ang maraming alikabok na nagmula sa lupang dinapoan niya. "Alam ko ang nangyayari sa kanila" sabi nito sa amin na lumabas ito sa alikabok at nakita namin si "MARAWI!" sigaw ni manang Zoraida "hello!" bati nito sa amin na nginitian pa kami. "Na... nasaan si Benson? Ano ang ginawa mo sa kanila?" tanong agad ni manang sa kanya na nagkibit balikat lang ito at tumingin sa paligid "tila, marami ata kayong ginawa sa lugar na ito" sabi nito sa amin. "Sabi mo, alam mo ang nangyayari sa kanila, ano yun?" tanong ko sa kanya, umayos si Marawi at niyapos nito ang dibdib niya at tumingin ito sa likuran niya "dahil dyan!" sabi niya na biglang nawala ang alikabok sa paligid at nanlaki ang mga mata namin nung makita namin ang malaking pintoan na itim sa kinatatayoan dati ng gusali namin.

Napaluhod si Haring Narra sa lupa nung makita niya ito at di makapaniwala sa pangyayaring ito "nawawala ang lakas ng mga Engkanto dahil sa pintoang yan" kwento ni Marawi sa amin na parang wala lang itong nakatingin sa amin. "Pa.. paano mo nalaman ito?" takang tanong ni manang sa kanya "hmp! ang pintoang yan ang humihigop sa kapangyarihan nila, habang nandyan ang pintoan ng dilim mawawala ang kapangyarihan nila at ang malala pa nito.. ikamamatay nila" kwento ni Marawi sa amin. "Dyos ko, JASMINE!" sigaw ni manang Zoraida na nag-aalala siya kay Jasmine na nasa grupo ng mga Taong Puno at Engkanto na nanggagamot ngayon sa mga sugatan.

"Narra, kailangan nating mapigilan si Olivia" sabi ni Ingkong Romolo sa kanya "alam ko Romolo, pero paano?" tanong ni Haring Narra "ako dapat ang magtanong sa'yo nyan Narra, hindi ikaw" sabi ni Ingkong Romolo sa kanya. "Teka, teka, teka... alam kong gipit na kayo ngayon sa oras, pero wag niyong kakalimutan... nandito ako.." sabi ni Marawi "dapat isa sa inyo ang magbigay sa akin ng tamang laban... yung labanan na ikatutuwa ko" sabi ni Marawi sa amin. Natahimik kaming lahat ng sandali ng biglang nagsalita si Ingkong Romolo "Narra, wala akong ibang alam kundi ang lumaban, alam kong bihasa ka sa ganitong bagay kaya inaatasan kitang pigilan mo si Olivia sa binabalak niya" sabi niya.

"Paano ikaw?" tanong ni Haring Narra "ako ang bahala sa Bailan na ito" sabi niya na nakita naming napangiti si Marawi "Romolo.... teka... ikaw yung batang paslit na nakita ko noon na umaaligid kay Damian, ikaw ba yun?" tanong ni Marawi sa kanya. "Zoraida" tawag ni Ingkong Romolo na lumingon si manang sa kanya "ikaw na ang bahala kay Helius, alam kong me kapangyarihan kang gumamot" sabi niya ".... si.. sige" sabi ni manang Zoraida "para madalaw ko din si Jasmine" dagdag niya na binigay ni Ingkong Romolo si Haring Helius kay manang Zoraida. "Romolo, kailangan mo ang tulong ko" sabi ni Haring Narra "mas nakakatanda ako sa'yo Narra, isa pa hindi ako ginawang pinuno ng ama ko ng ganun-ganun lang" nakangiting sabi ni Ingkong Romolo sa kanya.

"Romualdo, Dante" tawag niya sa dalawa "kamahalan?" "Ingkong?" sagot nila "gusto ko ituon niya ang suporta niyo kay Narra, wag niyong hahayaang mabuksan ni Olivia ang pintoan na yan!" utos niya sa dalawa. "Ingkong, gusto kong manatili sa.." "DANTE! SUMUNOD KA SA INUUTOS KO!" sigaw niya kay Dante na napayuko nalang ang ulo ni Dante "hehehe.. magaling.." sabi ni Marawi. "Isabella!" tawag sa akin in Ingkong Romolo "ano po yun?" tanong ko "di ba dapat nasa tabi ka ni Julian ngayon?" tanong niya sa akin na nginitian niya ako "SI JULIAN!" sigaw ko at napatingin ako sa direksyon niya.

"Maganda ito, ang anak ni Damian ang makakalaban ko" sabi ni Marawi na tumabi pa ito para bigyan daan ang grupo ni Haring Narra "kumilos na kayo!" sabi ni Ingkong Romolo "Romolo" sabi ni Haring Narra. "Alam ko Narra" sagot niya sabay hawak nito sa dibdib niya na tumango si Haring Narra at tumakbo na siya papunta sa pintoang itim at nagdadalawang isip pa sina Dante at Romualdo na sumunod kay Haring Narra "magkikita pa tayo, pangako ko sa inyo yan" sabi ni Ingkong Romolo sa kanila. "Ingkong" sabi ni Dante "tara na, Dante!" tawag ni Romualdo sa kanya na agad siyang sumunod kasama ang ibang tauhan niya at ang mga Bampira.

Dinala na mga taong Lobo at Puno ang mga Engkanto para ilayo sila sa pintoan ng dilim habang nakatingin si Ingkong Romolo sa papalayo na ngayong grupo ni Haring Narra "matapang, matikas at me paninindigan" sabi ni Marawi na nilingon siya ni Ingkong Romolo. "Yan ang katangiang nagustohan ko sa ama mong si Damian" dagdag ni Marawi "wag mong bastusin ang pagkatao ng ama ko" sabi ni Ingkong Romolo sa kanya "hindi ko binabastos ang ama mo, Romolo" sabi ni Marawi "sa katunayan nga, siya lang ang tanging nilalang na matatawag kong kaibigan at kaaway" dagdag ni Marawi na ngayon ay hinuhubad na ang pang-itaas niyang damit dahil napunit na ito.

"Naalala kita noon, marami kang napatay na kalahi ko" sabi ni Ingkong Romolo sa kanya "inatake niyo kami, wala kaming magawa kundi rumesponde sa ginawa niyo" sagot ni Marawi na hinubad narin ni Ingkong Romolo ang pang-itaas niyang damit. "Marami ng napatay si Marawi, wala narin akong lakas para lumaban ng matagal sa kanya" sabi ni Ingkong Romolo sa isipan niya dahil nakikita niyang nasa kondisyon parin si Marawi. "Wala na akong ibang paraan kundi.." sabi niya sa isipan niya at hinawakan niya ang pangil na binigay ni Dyosang Luna sa kanya "me problema ba?" tanong ni Marawi sa kanya "wala" sagot ni Ingkong Romolo na nginitian niya si Marawi "yan.. yan ang gusto kong makita" sabi ni Marawi sa kanya na pumorma na ito.

"Kung handa kana!" sabi ni Marawi na umabante na ito at umatake kay Ingkong Romolo na mabilis gumalaw ang Hari ng mga Lobo at dumepensa agad siya, umikot sa likod niya si Marawi at balak sana siyang hampasin nito ng tumalon si Ingkong Romolo kaya nakaiwas siya. "Magaling!" sabi ni Marawi na pareho silang napangiti sa abilidad nila "tingnan natin kung makakaiwas ka paba nito" sabi ni Marawi na bigla itong nawala kaya inamoy siya ni Ingkong Romolo na agad niyang hinampas ang espada niya sa kaliwa at biglang sinalo ito ng espada ni Marawi at nagtulakan silang dalawa. "Hahaha..." natawa si Ingkong Romolo "bakit?" tanong ni Marawi "nakakalimutan mo na ata na Lobo ang kalaban mo at hindi normal na tao" sabi ni Ingkong sa kanya na tinulak niya ito at napaatras palayo sa kanya si Marawi.

"Hindi mo maloloko ang ilong ko, Marawi" sabi ni Ingkong sa kanya na natawa lang din si Marawi "tama ka nga, muntik ko ng makalimutan" sabi ni Marawi na pareho silang natawa "bueno" sabi ni Marawi na bigla itong humugot ng tatlong maliit na patalim at binato ito kay Ingkong Romolo. Hinampas niya ang tatlong maliit na patalim ni Marawi at agad siyang umabante na biglang nawala sa harapan niya si Marawi at naamoy nalang niyang nasa ibabaw na niya ito kaya tinaas niya ang espada niya at nawala uli ito. Naamoy niya ito sa kaliwa niya kaya hinampas niya ang espada niya sa direksyon na yun pero walang Marawi ang sumulpot, nanlaki nalang ang mata niya nung naramdaman niya ang espada ni Marawi na malapit na sa leeg niya at buti nalang mabilis siyang nakailag kung hindi napugotan na siya nito.

"Haa..haahh..haahhh..." hinihingal si Ingkong Romolo nung nakalayo siya kay Marawi na sumulpot nalang bigla sa kanan niya na akala niya nasa kaliwa niya "hehehehe.. magaling, yan ang hinahanap ko sa kalaban ko" sabi ni Marawi na nakapatong ang espada niya sa balikat. "Pa... paano mo.." gulat na tanong ni Ingkong Romolo "paano ko naloko ang ilong mo? hahahaha simpleng teknik lang kaibigan" sabi ni Marawi sa kanya na tinuro nito ang damit niya sa lupa na nagulat nalang si Ingkong nung makita niya ito sa kaliwa niya "kaya pala" sabi niya. "Kailangan kong bilisan ang galaw ko para di mo mahabol ang amoy ko" sabi ni Marawi sa kanya na tumingin ito sa direksyon nina Lorenzo at Julian.

"Ako ang kalaban mo!" sabi ni Ingkong Romolo sa kanya nung umatake ito pero nasalo ni Marawi ang espada niya na di man lang siya nito tiningnan "alam ko" sabi ni Marawi na napaatras niya si Ingkong nung tinulak siya. Nawawalan na ng lakas si Ingkong Romolo at halatang pagod na pagod na siya, dahil sa edad niya at sa tindi ng labanan na dinaanan niya kanina kaya nanghihina na siya ngayon. "Wa..wala na akong ibang paraan..." sabi niya sa sarili niya na hinawakan na niya ang pangil na tiningnan siya ni Marawi at nanlaki ang mata nito nung sinaksak ni Ingkong Romolo ang pangil sa puso niya "AAAAHHHHHHH!" napasigaw si Ingkong Romolo at biglang bumalot sa kanya ang asul na aura na nagmula sa pangil na sinaksak niya.

Napatabon sa mukha si Marawi nung bumitaw ng malakas na enerhiya ang katawan ni Ingkong Romolo at napatalon siya palayo sa kanya "aahh..haaa.... a.. ano ito?" tanong ni Marawi. Nung tiningnan niya si Ingkong Romolo nanlaki uli ang mata niya dahil tumambad sa harapan niya ang higanting Lobo na halos kasing laki ito ng tatlong palapag na gusali. "GRAAAAHHHHHHH!" sumigaw ito na napaatras si Marawi dahil sa shockwave na dulot ng sigaw nito, sinaksak ni Marawi ang espada niya sa lupa at kumapit siya nito para di siya mapalipad nito. "GRAAAAHHHHHH!!!" sumigaw uli ito pero nakailag si Marawi at napatingin siya sa kaliwa niya at nakita niya ang malaking paa nitong sumalubong sa kanya.

Napalipad si Marawi nung tinamaan siya nito at bumagsak siya limampung talampakan mula sa kinatatayoan niya kanina, tumakbo ang higanting Lobo papalapit sa kanya kaya wala siyang nagawa kundi tumakbo din kaya hinabol siya nito. "GRAAAAAAAAAHHHHHHHHH!" sumigaw uli ito na napasubsob si Marawi sa lupa nung tinamaan siya sa shockwave nito "AAAAAHHHHHHHH!' sumigaw si Marawi dahil di siya tinigilan nito na kahit bumaon na siya sa lupa di parin tumigil ang shockwave sa pagtama sa kanya. Hinampas ng higating Lobo ang butas ng lupa kung saan nakabaon si Marawi at bumaon pa lalo sa ilalim si Marawi nung tinamaan siya nito.

"GRAAAAAHHHHHHH!" sumigaw sa ere si Ingkong Romolo na ngayon ay naging higanting Lobo dahil sa pangil na binigay ni Dyosang Luna sa kanya, napahinto sina Haring Narra at mga kasamahan nito nung nakita nila ang higanting Lobo sa malayo. "INGKONG!" sigaw ni Dante "Romolo... " sabi ni Haring Narra "magmadali tayo, kailangan nating sugpoin si Olivia" sabi ni Haring Narra na nauna siyang tumakbo kasunod ang mga kaalyado niya "Ingkong" sabi ni Dante. "Redante, alam kong ligtas si Haring Romolo, halika na" yaya ni Hen. Romualdo sa kanya na napangiti si Dante "malakas si Ingkong Romolo, naniniwala ako sa kanya" sabi ni Dante na ngumiti si Hen. Romualdo sa kanya at sumunod na sila kay Haring Narra.

Napaatras ang higanting Lobo nung maramdaman niyang yumanig ang lupa at biglang lumiwanag ang hukay, agad siyang tumalon nung nagbitaw ng malakas na enerhiya si Marawi na nawasak nito ang lupang pinagbaonan niya. "AAAAAAAHHHHHHHHHHHH!!!!" sumigaw si Marawi na ngayon ay puno na ng dugo ang katawan niya at agad itong tumalon para makaalis sa hukay niya at nung dumapo ito malayo kay Ingkong Romolo nakangiti itong naliligo sa sarili niyang dugo. "HAHAHAHAHAHAHAHAHA!" tumawa ito ng malakas na tiningnan lang siya ng higanting Lobo "GRAAAAAAAAAAHHHHHHHHH" tumira uli ng shockwave si Ingkong Romolo na hindi ito inilagan ni Marawi bagkus sinalubong pa niya ito na parang di na siya nasaktan sa ataking ito "HAHAHAHAHAHAHA" tumatawa lang siya nung umabante siya.

Hinampas siya ng kanang paa ni Ingkong Romolo at parang bola si Marawi na tumatalbog sa lupa hanggang sa tumama ito sa pader at nawasak ito at napasok siya sa loob ng gusali. Sinigawan ni Ingkong Romolo ang gusali at nawasak ang ibabaw nito at nakita niyang nakadapa sa loob si Marawi, dahan-dahan itong tumayo at napatumba pa ito nung nadulas ang kamay niya sa dugo niya. "He... he...he..." natawa parin ito na pilit nitong bumangon na tiningnan lang siya ni Ingkong Romolo. Naawa ata siya kay Marawi dahil nakadapa nalang ito at di na gumalaw kaya hinayaan nalang niya ito at tumalikod siya para puntahan ang grupo ni Haring Narra para tulongan niya. Nagsisimula na siyang lumayo sa kinarorounan ni Marawi ng biglang napahinto nalang siya nung maramdaman niyang me kakaibang nangyayari sa likuran niya.

Napalingon si Ingkong Romolo at nanlaki ang mata niya nung makita niyang nakatayo na si Marawi at kahit dugoan na ito nakuha pa niyang ngumiti at dahan-dahang tinaas ang kanang kamay niya sa ere. "He..he..he..." narinig pa niya itong tumawa at sabing "gu...gusto ko.. ito...." sabi ni Marawi na tumingala ito sa langit "AAAAHHHHHHHHHHH..." sumigaw ito bigla na agad humarap sa kanya si Ingkong Romolo na ngayon ay naging higanting Lobo at binuka niya ang bibig niya para titirahin niya ito gamit ang shockwave niya ng biglang "PUMARITO KAAAAA! MANABEEEEEEE!!!!" narinig niyang sigaw ni Marawi na agad niya itong sinigawan "GRAAAAAAAAAAAHHHHHHH" nagbitaw ng malakas na shockwave si Ingkong Romolo.

Sa Isla "HINDIIIIII!" sigaw ni Makisig nung lumipad ang espada ni Marawi at nawala ito sa dilim ng gabi "MARAWWWIIIIIIIIII!" sigaw niya dahil wala na siyang magawa nung nawala na ang espada sa paningin niya. Papunta na ang shockwave ni Ingkong Romolo kay Marawi ng biglang sumulpot ang espada ni Marawi at pinigilan nito ang shockwave ng higanting Lobo "AAAAHHHHHHHHHH" sumigaw si Marawi nung nahawakan na niya ang espada niya at binalik niya ang shockwave na tinira ni Ingkong Romolo sa kanya. Tumalon ang higanting Lobo at tumama sa maliit na gusali ang shockwave niya at bumagsak ito, nanlaki ang mata ni Ingkong Romolo dahil nakita niyang nababalutan ng kuryente ang buong katawan ni Marawi at biglang naghilom ang mga sugat niya.

"Hahahahha" natawa si Marawi nung nasa kamay na niya ang espada niya "maligayang pagbabalik kaibigan" bati niya sa espada niya na bigla itong lumiwanag "alam ko, alam ko" sabi ni Marawi na parang kinakausap niya ang espada niya. Tumingin si Marawi sa higanting Lobo at tumalon siya sa pinakamataas na tuktok ng gusali para ma level silang dalawa "ngayon na hawak ko na ang totoo kong espada" sabi ni Marawi "ipakita mo sa akin ang totoo mong kapangyarihan, HARI NG LOBO!" sigaw ni Marawi na biglang tumingala ang higanting Lobo at umalolong ito "AWWWWOOOOOOOOO!" malakas na alolong at dahan-dahan na itong lumiit hanggang sa naging hugis tao na ito at lumabas na ang totoong anyo sa ikalawang ebulosyon ng mga Taong Lobo.

"Sa wakas!" sabi ni Marawi na ngayon ay bumalik na ang lakas niya nung nahawakan na niya ang espada niya, sa kabilang gusali nakita niya ang hugis ni Ingkong Romolo at me hawak na itong mahabang sandata na me dalawang matatalas sa dulo nito. "Hiningi mo, ibibigay ko" sabi ni Ingkong Romolo sa kanya "hehehehe, gusto kong kalabanin kita sa buo mong kapangyarihan hindi pakonte-konte lang" sabi ni Marawi sa kanya. Tumalon si Ingkong Romolo at dumapo siya sa lupa na nagdulot pa ito ng konting hukay, tumalon din si Marawi sa lupa at kagaya ni Ingkong Romolo nagdulot din ng hukay nung dumapo siya. "Matagal ko ng gustong makalaban ang pinakamakapangyarihan Lobo sa kasaysayan, ngayon matutupad na ang pangarap ko" nakangiting sabi ni Marawi sa kanya.

Tinaas ni Ingkong Romolo ang sandata niya at pinaikot-ikot niya ito na nagdulot pa ito ng hangin sa ibabaw niya "hehehehe.. hanging habagat" sabi ni Marawi na natutuwa pa itong makita. Hinampas niya ang espada niya sa kanan at nahiwa ang lupa nung tinamaan ito hanggang sa dulo ng gusali na tinayoan niya kanina at nahati pa ito. "Handa kana ba?" tanong ni Ingkong Romolo sa kanya na ngayon ay malaki na ang pinagbago niya mula nung ginamit niya ang pangil ni Dyosang Luna. Inikot-ikot ni Marawi ang ulo at braso niya at ngumiti ito "oo, handa na ako" sabi ni Marawi na naramdaman niya ang kapangyarihan ni Ingkong Romolo.

"Tama ito" sabi ni Marawi "ano'ng tama?" tanong ni Ingkong Romolo "makapangyarihan kapa kesa sa akin, alam mong hindi patas sa aming mga Bailan kung hindi kami ang dehado?" nakangiting sabi ni Marawi. Naalala ni Ingkong Romolo ang narinig niya noon kay Lam-ang "hindi patas sa ating mga Bailan kung hindi tayo ang dehado" sabi noon ni Lam-ang kay Lorenzo nung nakaharap nila si Haring Voltaire. "Pare-pareho nga kayo" sabi ni Ingkong sa kanya "ha?" tanong ni Marawi "narinig ko din noon yan kay Lam-ang ang ama ni Lorenzo" sabi ni Ingkong sa kanya "hahahaha Bailan kami, kaibigan, mas lalakas kami kung malakas ang makakalaban namin" sabi ni Marawi sa kanya. "Handa ka na ba?" tanong ni Marawi sa kanya "oo" sagot ni Ingkong Romolo na pareho na silang pumorma "HAAAA!" sabay nilang sigaw nung umabante sila.

Tumakbo na ako papunta sa direksyon ni Julian at nararamdaman ko ang malalaking kapangyarihan sa deriksyo na tinatahak ko ng biglang me nakita akong ilaw sa kaliwa ko at buti nalang nakailag ako kung hindi masasagasaan ako nito. Nakita ko ang SUV na muntik ng mabangga nung umilag ito sa akin at nung huminto ito lumabas ang matabang mama at galit na galit itong sinugod ako "PUTANG INA KA SINO KA BA HA!? PAHARANG-HARANG KA SA KALYE!" galit itong tinuturo ako "hoy! bingi ka ba? kinakausap ki..." napatigil nalang ito nung makita ang suot ko at mga dugo sa mukha at katawan ko. "Putcha ano ang nangyari sayo?' tanong agad niya sa akin "bakit ka nakapasok dito?" tanong ko sa kanya "anong nakapasok? daanan kaya ito ng kotse" pilosopong sagot niya sa akin.

Doon ko lang naalala ang tungkol sa nangyari sa mga Engkanto "tama, kung wala ang kapangyarihan ng Engkanto nawawala narin ang barrier na nilagay nila sa buong syudad" sabi ko sa sarili ko na tiningnan ako ng masama ng matabang mama. "Miss ok ka lang ba?" tanong niya sa akin "lumayo kana dito, mapanganib ang lugar na ito lalong-lalo na sa buong syudad" babala ko sa kanya "lumayo kana dito!" sabi ko sa kanya. "Miss hindi mo ba ako kilala? konsehal ako ng syudad na ito bobo to" sabi niya sa akin na bigla nalang itong napahinto nung me nakita siyang aswang na papalapit sa ami. "LUMAYO KANA!" sabay tulak ko sa kanya at hugot sa espada ko na hinampas ko ang aswang nung umatake ito sa amin at naging abo ito nung naputol ko ang ulo "PUTCHA..A..A ASWAAAANGG" sigaw niya sabay takbo sa kotse niya at mabilis itong lumayo.

Napansin ko ang kalyeng tinayoan ko "malapit lang ito sa presinto" sabi ko na agad akong tumakbo papunta doon at nakita kong walang tao sa loob kaya kinuha ko yung susi ng mobile namin at sumakay agad ako. "Shit! kailangan kong ipaalam sa kanila ang kaganapang ito" sabi ko na binuksan ko ang speakerphone ng mobile dahil alam kong maririnig ito ng mga Taong Lobo kahit malayo sila sa akin. "MGA KASAMA SI ISABELLA ITO, NAWALA NA ANG BARRIER NA NILAGAY NG MGA ENGKANTO SA BUONG SYUDAD! UULITIN KO NAWAWALA NA ANG BARRIER NA NILAGAY NG MGA ENGKANTO SA BUONG SYUDAD!" sabi ko sa speakerphone sabay harorot ko ng takbo ng mobilen patungo sa direksyon nina Julian.

Napahinto ang mga Taong Lobo na sumusunod kay Haring Narra "bakit?" tanong ng Hari sa kanila "kamahalan, binalita ni Isabella na nawawala na ang barrier na nilagay ng mga Engkanto sa buong syudad" balita ni Hen. Romualdo sa kanya. "Dyosang Gaia, hatiin ang hukbong at ipagbigay alam sa iba na bantayan ng mabuti ang bawat dulo ng syudad at siguradohin niyong walang mortal lalong-lalo na ang tinatawag nilang reporter na makakapasok sa loob" utos ni Haring Narra. "Masusunod kamahalan" sagot nila at humiwalay ang ibang sundalong kasama ni Haring Narra "kayo, sumunod kayo sa akin!" utos ni Haring Narra at tinuloy nila ang pagtakbo papunta sa pintoan ng dilim na ngayon ay nakalutang lang sa pwesto ng gusali noon nina Isabella.

Umatras palayo si Julian sa mga magulang niya nung sabay siyang inatake nito at nasira ang putik na binalot ni Serendo sa katawan niya kaya lumayo siya sa kanila para makapag-isip ng stratehiya. "Lala" tawag ni Lorenzo na tumingin sa kanya ang asawa niya "yung pangalawang porma natin" sabi ni Lorenzo sa kanya na napatingin nalang si Julian sa dalawa at biglang umatake si Lala sa kanya na ngayon ay hinugot na niya ang espada niya at si Lorenzo naman ang biglang nawala sa paningin niya. "HINDI!" sabi ni Kap. Morietta "bakit?' tanong ni Julian "pangalawang porma, ito yung.." di na natuloy ni Kap. Morietta ang sasabihin niya dahil si Reyna Lucia na ang gumalaw para sa kanila.

Mabilis na ngayong kumilos si Julian na si Reyna Lucia na ang nakahawak sa katawan niya at napapantayan na niya ang galaw ni Lala, naramdaman ni Reyna Lucia ang mainit na apoy ni Lorenzo sa likuran niya kaya tumalon siya pataas. Umilag si Lala sa apoy ni Lorenzo na binugahan din ni Reyna Lucia si Lorenzo "Incendiu uimitoare (blazing fire)" sigaw niya na mabilis umilag si Lorenzo at napatingin ito kay Julian. "Lucia!" narinig niya galing kay Lorenzo na bigla nalang sumulpot si Lala sa likuran niya na agad umikot si Julian at sinalo ng espada niya ang espada ni Lala at naglaban sila hanggang sa dumapo sila sa lupa. Umatake sa likod ni Julian si Lorenzo na biglang lumabas ang isa pang espada sa kanang palad niya at ito ang ginamit niyang pandepensa laban kay Lorenzo.

Kaliwa't kanan ang depensa ni Julian laban sa mga magulang niya "LALA!" tawag ni Lorenzo na agad lumayo ito at binugahan ni Lorenzo ng apoy si Julian na agad din siyang nagbuga ng apoy para i-counter ang ataki ng ama niya. "JULIAN!" tawag ni Kap. Morietta na hinarap ni Julian ang kanang palad niya sa nanay niya at napigilan niya ang mga bala ng panang tinira sa kanya "wag kang tumigil, Julian" sabi ni Hen. Guillermo habang tuloy lang siya sa pagbuga ng apoy. Lumayo si Lorenzo nung naubosan na siya ng hangin kaya hinabol siya ngayon ng apoy na binuga ni Julian at sumulpot naman sa likuran niya si Lala para atakihin siya na humarap agad siya. Bubugahan na sana niya ng apoy na bigla nalang me dinura si Lala na pumasok ito sa bibig niya kaya nabilaukan siya at napaatras kay Lala.

"Ano ang nangyari sa'yo Julian?" tanong ni Hen. Guillermo sa kanya "lason!" sabi ni Kap. Morietta "ano'ng lason?" tanong ni Reyna Lucia "lason yung dinura ni Gng. Lala na nalunok ni Julian kanina" paliwanag ni Kap. Morietta. Biglang nahilo si Julian at pasuray-suray siya nung umatras siya palayo sa nanay niya na tiningnan lang siya ni Lala at sinundan siya nito, naramdaman niya ang ama niya malapit lang sa likuran niya kaya umikot siya at hinampas ang espada niya na di niya natamaan si Lorenzo. "Ilan ang binigay mo sa kanya?" tanong ni Lorenzo kay Lala "sakto lang para maparalisa ko ang ibang parte ng katawan niya" sagot ni Lala.

"Ahh.. ano ang..." sabi ni Julian na parang nawawala ang lakas ng mga braso niya kaya nabitawan niya ang espada niya at sumunod ay ang biglang pangangatog ng mga tuhod niya na parang nawawalan narin ang lakas nito. "Mahal na Reyna ano ang gagawin natin?" tanong ng isang Bampira sa likod ni Hen. Guillermo "Morietta, ikaw ang mas nakakaalam kay Lala ano ang dapat gawin kung tinamaan ka sa lason na ito?" tanong ni Reyna Lucia sa kanya, "Bilisan mo Morietta" sabi ni Hen. Guillermo sa kanila dahil nawawala narin si Julian sa harapan nila dahil dahan-dahan naring nawawala ang connection nila sa kanya.

"Eh. ah.. wa.. walang tinuro sa akin ang Ginang kundi paano lang gumamit ng espada" sabi ni Kap. Morietta "MORIETTA!" sigaw ni Hen. Guillermo "JULIAN!" sigaw niya dahil pumipikit narin ang mata ni Julian na kasama nila sa loob. "Morietta, kung hindi natin mapigilan ang lasong ito mawawala ang connection natin ni Julian kung tuloyan na siyang mawawalan ng malay" paliwanag ni Reyna Lucia sa kanya. "Me... me alam ako pero hindi ko alam kung tatalab ito" sabi ni Kap. Morietta "kahit ano, basta makaligtas lang si Julian!" sabi nung isang Bampira sa likod niya "Lusendo!" tawag ni Kap. Morietta sa kanya "ah! alam ko na ang binabalak mo Kapitan!" sabi nito.

"Lorenzo" tawag ni Lala "alam ko Lala" sagot niya na napatingin sila sa direksyon ni Marawi "tinawag din pala niya ang espada niya" sabi ni Lorenzo "makapangyarihan ang kalaban niya" sabi ni Lala. "Hmm... kilala ko si Marawi" sabi ni Lorenzo na nakatingin kay Julian na ngayon ay nakaluhod sa lupa habang nanghihina na ito at nawawala-wala ang liwanag ng katawan niya. "Hindi madaling matalo si Marawi lalong-lalo na kung hawak niya ang espada niya, alam mo yun" sabi ni Lorenzo kay Lala "ano ang gagawin natin kay Julian?" tanong ni Lala "susundin natin ang inuutos ni Olivia" sagot ni Lorenzo.

Lalapitan na sana nila si Julian ng biglang sumuka ito at lumabas ang maraming tubig mula sa bibig niya "hindi!" sabi ni Lorenzo na nagkatinginan sila ni Lala, agad silang tumakbo para pigilan si Julian "ako ang bahala sa kanila, ituloy mo lang ang ginagawa mo Lusendo" utos ni Reyna Lucia sa kanya. "Opo, kamahalan!" sagot niya na pinikit ni Reyna Lucia ang mga mata niya at biglang lumabas ang maraming apoy sa katawan ni Julian at naging hugis bilog ito para protektahan si Julian para di siya malapitan ng dalawa. Napaatras ang dalawa at biglang binagsak ni Lala ang kamay niya sa lupa na biglang pumutok ang lupang kinaroroonan ni Julian at lumabas ang maraming buhangin sa ilalim niya.

"Hindi niya mapatay ang apoy ko, Lusendo bilisan mo!" sabi ni Reyna Lucia sa kanya "opo, kamahalan!" sagot nito at tuloy lang siya sa pagpuno ng tubig sa tiyan ni Julian para mailabas nito ang lasong nalunok niya kanina. "Hanapin mo ang lason sa ugat niya para bumalik na sa normal si Julian" utos ni Hen. Guillermo sa kanya "ginagawa ko na Heneral" sabi ni Lusendo "Renelo, Matias" tawag ni Hen. Guillermo "masusunod Heneral" sagot ng dalawa. Bumalot sa apoy ang buhanging nilabas ni Lala mula sa lupa para mapatay nito ang apoy na nilabas ni Reyna Lucia "Lorenzo!" tawag ni Lala "alam ko!" sagot niya sabay talon niya sa ibabaw at tinaas ang espada niya.

Kumidlat ang kalangitan na tumama ang tatlong kidlat sa dulo ng espada niya at binagsak niya ito papunta kay Julian, lumayo si Lala para di siya matamaan nito at sumabog ang buhangin na binalot niya kay Julian nung tumama ang kidlat sa ibabaw nito. Dumapo si Lorenzo sa tabi ni Lala at naghintay sila sa resulat sa ginawa nila "para makasiguro tayo" sabi ni Lorenzo na pareho nilang nilagay ang kanang palad nila sa lupa at pinikit nila ang mga mata nila. Yumanig ang lupang kinaroroonan ni Julian "ano ang nangyayari?" tanong ni Hen. Guillermo dahil naramdaman nila ito at napatingin silang lahat sa itaas.

"Mahal na Reyna" tawag ng mga Bampira sa kanya "balak nilang ikulong si Julian" sagot niya "GAWIN NIYO NA!" sigaw ni Hen. Guillermo "opo Heneral!" sagot ng dalawa at lumiwanag bigla ang mga katawan nila. Maraming buhangin ang nilabas ni Lala mula sa lupa at binugahan ito ni Lorenzo ng apoy para tumigas ito at lumipas ang ilang minuto nakita ng dalawa na naging salamin na ang buhangin na binalot ni Lala sa anak nila. "Tapos na!" sabi ni Lala na nakikita nila sa loob si Julian na nakaluhod ito at di na gumagalaw "dadalhin natin siya sa harap ng pinto.." naputol nalang si Lorenzo nung nakita nilang gumalaw ang salamin na binalot nila kay Julian.

Nung nakita ito ni Lorenzo agad siyang kumilos at niyakap niya sa bewang si Lala at lumayo silang dalawa "BAKIT?!" takang tanong ni Lala sa kanya "kilala ko sila Lala" sabi ni Lorenzo "at yung dalawang ito ang pinakadelikado kung pinagsama sila" paliwanag niya habang lumalayo sila kay Julian. "Ano ba ang pinagsasabi mo?" tanong ni Lala na bigla nalang huminto si Lorenzo nung nakalayo na sila at nakita nilang biglang lumiwanag sa loob si Julian. Maya-maya ay sumabog ito at nasira ang salaming ginawa nila kanina "nahanap ko na ang lason" sabi ni Lusendo kaya pinuno niya ng tubig ang katawan ni Julian at sinuka niya ito kasabay ang itim na likidong lason na nalunok niya kanina.

Matapos isuka ni Julian ang lason dahan-dahan ng bumalik ang liwanag sa katawan niya "haahh..haahh..haahh..." hiningal siya sa nangyari sa kanya kanina at dahan-dahan narin siyang tumayo "salamat sa inyo" sabi niya sa lahat. "Julian!" tawag ni Reyna Lucia sa kanya "po?" "ipakita mo sa kanila ang lakas mo" sabi ng Reyna sa kanya "masusunod... kamahalan!" sagot ni Julian na biglang lumakas ang liwanag ng katawan niya at lumipad papunta sa kamay niya ang espada niya. "Humanda ka Lala" sabi ni Lorenzo sa kanya na humakbang pakanan si Lala at bigla itong nawala habang hinawakan ng dalawang kamay ni Lorenzo ang espada niya at tinutok niya ito kay Julian.

"LAM-ANG!" sigaw ni Lorenzo at biglang lumiwanag ang espada niya at bigla nalang itong naging dalawa "ang totoong anyo ng espada niya" sabi ni Hen. Guillermo "Julian, magiging seryoso na ang labanan sa puntong ito kung inilabas na ni Lorenzo ang totoong anyo ng espada niya" paliwanag ni Reyna Lucia sa kanya. "Walang problema sa akin, kamahalan" sagot ni Julian "nakahanda narin po ako" dagdag niya na agad siyang umatras nung marinig niyang paparating ang bala ng pana ng nanay niya at doon sumugod si Lorenzo na binato nito ang espadang nasa kaliwang kamay niya. Umilag si Julian at umabante na din siya para salubongin ang ama niya ng mapansin niyang gumalaw ang kaliwang balikat nito kaya nilagay niya agad ang espada niya sa likod at doon tumama sa espada niya ang espada ni Lorenzo.

"Magaling!" narinig niya galing kay Lorenzo dahil nakita niya ang manipis na lubid na nakatali sa babang hawakan ng espada niya nung hinila ito ni Lorenzo, sunod-sunod din ang pagtira ni Lala ng pana kay Julian habang nakikipaglaban siya sa ama niya. Lumayo si Julian na hinabol siya ng espada ni Lorenzo at sa tuwing lalapit siya yung espada naman na nasa kanang kamay ng ama niya ang sasalubong sa kanya. "Pang malayo at malapitan ang depensa at opensa ni Lorenzo, Julian" sabi ni Hen. Guillermo sa kanya "kami ang bahala sa depensa mo Julian ikaw na sa opensa" sabi ng ibang Bampira sa kanya. "salamat!" sabi niya sa kanila.

Agad binalutan ng tubig ni Lusendo si Julian nung binugahan siya ng apoy ni Lorenzo at agad nagkaroo ng itim na usok ang paligid ni Julian nung biglang sumulpot si Lala sa likuran niya na di siya natamaan ng espada ng nanay niya. Combo ang ginawa ng mga Bampira at ni Julian laban sa magulang niya, naabotan ni Julian si Lorenzo sa gitna ng kalye at hahampasin na sana niya ito ng biglang sumulpot nalang ang espada ni Lala sa likuran niya kaya napatalon siya pataas. "Lala!" sigaw ni Lorenzo na bumuga ng lason si Lala papunta kay Julian na agad namang niyang sinalubong ng apoy nung binugahan niya ito at napatigil nalang si Julian dahil sumulpot sa ibabaw niya si Lorenzo at nakataas ang espada nito.

"AKIN KA!" sigaw ni Hen. Guillermo na lumaki bigla ang kaliwang kamay ni Julian at sinalo ang espada ni Lorenzo nung binaba niya ito hinagis niya ito papunta kay Lala na ngayon ay tumigil na sa pagbuga ng lason. "ITONG SA INYO!" sigaw ni Julian nung hinagis niya si Lorenzo at tumama siya kay Lala na pareho silang napatumba sa lupa kaya tinaas agad ni Julian ang espada niya "Fulger negru incendiu avalansa (black lightning fire avalanche)" sigaw ni Julian. Tinira niya ang magkahalong kapangyarihan ni Reyna Lucia at Kap. Morietta na lumabas ito mula sa dulo ng espada niya at tumama ito sa mga magulang niya.

"SAPOL!!!" sigaw ni Kap. Morietta nung nakita nilang tumama ang pinagsamang kapangyarihan nila ni Reyna Lucia... Read More


About the Author :

Joined: February 5, 2014 (2 years old)
Writings: 114

Send PM · Male · Offline

11 comments   3 favorites   1,566 views