Harapin Ang Liwanag! Chapter XXIX

August 5, 2015 (1 year ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Supernatural, Sci-Fi and Fantasy | Tags:

Chapter XXIX: RAGE!

Hindi sila hinintay ni Hilda dahil lumipad ito papunta sa kanila sabay tutok ng dalawang palad sa mag-ama at lumabas mula nito ang itim na enerhiya papunta sa dalawa na agad naman nilang iniligan. Sabay humugot ng maliliit na patalim ang dalawa at binato nila si Hilda na dinepensahan naman siya ng itim na metal mula sa lupa, napansin ito ni Lorenzo kaya tinawag niya si Julian "anak" "alam ko ama" sagot ni Julian. Pareho silang pumurma at sabay silang bumuga ng apoy papunta kay Hilda na napahinto ito at mabilis na lumabas ang makapal na itim na metal mula sa lupa "HAHAHAHAHA" tumawa lang ito pero bigla itong natahimik nung sumulpot sa magkabilang gilid niya ang mag-ama.

"Incendiu uimitoare (blazing fire)" sabay sigaw ng dalawa na nanlaki nalang ang mga mata ni Hilda at napatabon sa sarili nya nung bumalot sa kanya ang mainit na apoy mula sa dalawa, tumigil sa pagbuga ang dalawa at pareho silang umatras palayo kay Hilda. "HAAAAA!!!" sumigaw si Hilda at hinampas niya ang dalawang kamay niya na agad nawala ang apoy na nakabalot sa kanya at tinuon niya ang mga palad niya sa dalawa. Nakita nilang me namuong itim na bola ng enerhiya sa mga palad nito kaya sinaksak nila pareho ang mga espada nila sa lupa at tinuon din nila ang mga palad nila kay Hilda na napalingon ang huli sa kanila at nagtaka ito.

"ITO ANG SA INYO!!!" sigaw ni Hilda sabay tira niya ng kasing laki ng dump truck na itim na enerhiya sa mag-ama na lalo lang siyang nagtaka dahil imbes umilag nakatayo lang ang dalawa at hinintay ang tinira niya sa kanila. "NGAYON NA ANAK!" sigaw ni Lorenzo na sabay silang nawala sa kinatatayuan nila at dumaan lang ang itim na bolang tinira ni Hilda at sumulpot ang dalawa sa mismong tabi ng Dyosa ng Dilim at sabay nila itong sinaksak. "AGH.." nalang si Hilda nung naramdaman niya ang tatlong espadang bumaon sa katawan niya "amin ka ngayon, Hilda" sabi ni Lorenzo sa kanya na nilingon siya ni Hilda.

"A.. akala ko me gagawin kayo kanina.." sabi ni Hilda sa kanya "dibersyon lang yun, taktika namin" sabi ni Lorenzo na binaon pa niya ang espada niya sa gilid ng tyan ni Hilda "ama, kailangan natin siyang ipasok muli sa loob ng pintuan" sabi ni Julian. "Ibabalik niyo ako sa loob?" tanong ni Hilda sa kanila na nakatingin ang dalawa sa kanya "HAHAHAHAHAHAHA" tumawa ito sabay hawak sa mga espada nila "HUH!" nagulat sila pareho sa ginawa ni Hilda. "Hndii niyo ba naisip na taktika ko din ito!" sabi ni Hilda sa kanila na pilit nilang hinugot ang espada nila pero hindi nila ito mahugot "Julian lumayo ka na!" sabi ni Lorenzo sa kanya "hindi ama!" sagot ni Julian.

"Ako naman!" sabi ni Hilda na nakita nila parehong sumulpot ang malaking bola ng enerhiya sa likuran nila at nung pinagdikit ni HIlda ang dalawang palad niya tumama ito sa mag-ama dahilan kaya nabitawan nila ang espada nila. "HAAAAAAA!!!" pareho silang napasigaw at tinaas pa ni Hilda ang mga kamay niya na umangat ang itim na bola at nung binaba ni Hilda ang kamay niya sabay ding bumagsak ng malakas ang itim na bola kung saan nasa loob ang mag-ama. Nag stretch lang si Hilda at nahugot ang espada na nakasaksak sa katawan niya "ang espada ng alamat" sabi ni Hilda nung nahawakan na niya ito habang hinayaan lang niya mahulog sa lupa ang espada ni Lorenzo.

Nakita niyang nakahiga sa lupa ang mag-ama at namimilipit ito sa sakit, lumutang si Hilda papunta kay Julian at tinuon nito ang dulo ng espada sa binata "alam mo bang si Una ang may-ari ng espadang ito" sabi ni Hilda. "HAAAA...." napasigaw si Julian dahil sa kuryenteng dumaloy sa buong katawan niya epekto sa tinirang itim na bola ng enerhiya ni Hilda "HAHAHAHAHA akala ko ba lalaban kayo bilang Bailan? HAHAHAHA" natatawang sabi ni Hilda na bigla nalang siyang umilag nung dumaan sa gilid ng mukha niya ang dalawang maliit na patalim. "Iba ka.. Lorenzo" sabi ni Hilda nung nilingon niya si Lorenzo at nakita niyang nakatayo na ito at tinuon ang kamay nito sa espada niya na bigla itong lumipad papunta sa kanya. "Oo, totoo ang sinabi ko Hilda" sabi ni Lorenzo na biglang umatras si Hilda dahil sa tatlong patalim na binato ni Julian sa kanya.

"HEH! Pati rin pala ikaw" sabi niya na bigla nalang naalis sa kamay niya ang espada ng alamat nung tinawag ito ni Julian "walang silbi ang espadang yan kung hindi mo yan mabuo" sabi ni Hilda sa kanya. Umatras si Julian palayo kay Hilda pareho ng distansya ni Lorenzo at pumorma siya "hmm.. tingnan natin kung hanggang saan ang lakas niyo" sabi ni Hilda na yumuko ito at nilagay ang kanang palad sa lupa. Narinig ni Lorenzo ang sinabi ni Hilda at doon nakapag-isip siya sa dapat niyang gawin, tumingin siya kay Julian at sa sitwasyon nilang dalawa kaya nakapagdesisyon na siya sa dapat niyang gawin.

"NARRA!" tawag niya sa kaibigan niya "LORENZO?" sigaw nito "me hihingin akong pabor sa inyo" sabi niya na tumayo si Haring Narra "kahit ano!" sagot nito "bigyan mo kami ng oras ni Julian" sabi ni Lorenzo. "Handa na ba kayo?" tanong ni Haring Narra sa dalawa na tumango si Haring Helius at tumayo narin si Ingkong Romolo "ano ang gusto mong gawin namin?" tanong ni Ingkong Romolo kay Lorenzo na nagulat nalang bigla si Lorenzo sa nakita niya sa likod ni Hilda. "JULIAN!" tawag niya sa anak niya "PO AMA?" tanong ni Julian "LUMAYO KA!" sigaw niya na napatingin sa kanya si Julian na nakita niya ang mukha ng ama niya kaya napatingin siya sa tinitingnan nito "HAH! NAIINTINDIHAN KO!" sigaw ni Julian kaya umatras siya palayo kay Hilda.

"Narra! Sasabihin ko sa inyo kung kelan!" sabi ni Lorenzo na naghanda ang tatlo at nag-ipon sila ng lakas para mamaya "Julian!" tawag ni Lorenzo "opo ama!" sagot niya sabay abante nilang dalawa at nakita nilang me lumabas na mga itim na nilalang sa paligid ni Hilda. "Tingnan natin kung matalo niyo ang dilim ko" nakangiting sabi ni Hilda sabay taas ng mag-ama ng espada nila at inatake sila ng mga itim na nilalang. Nahiwa at napatay nilang dalawa ang mga nilalang na nilabas ni Hilda mula sa lupa kaya umatras ito palayo sa kanila na binato nila ito ng maliliit na patalim at lumabas mula sa lupa ang itim ne metal para depensahan siya.

"Nakita mo ba yun?" tanong ni Lorenzo kay Julian nung magkatabi na silang nakatayo malayo lang kay Hilda "oo ama, nakikita ko ang tinutukoy mo" sabi ni Julian "anak, naalala mo ba ang ginawa namin kanina ng nanay mo?" tanong ni Lorenzo na napaisip sandali si Julian "oo" sagot niya. "Nasa likod mo lang ako" sabi ni Lorenzo na umatake silang dalawa at unang tumakbo si Julian papunta kay Hilda at nasa likod si Lorenzo "HAHAHAHA" tumawa si Hilda sabay tutok ng dalawang palad niya sa kanila at tumira siya ng mga maliliit na itim na enerhiya na inilagan ito ni Julian sabay talon naman ni Lorenzo pataas at binato niya ang espada niya papunta kay Hilda at dahil sa sobrang lapit na nila hindi agad lumabas ang itim na metal para dumepensa kay Hilda kaya umilag siya.

Tinuon ni Hilda ang palad niya kay Lorenzo at tinamaan niya ito kaya napalipad niya ito pero nasalo siya ni Julian "ama!" sabi ni Julian "maayos lang ako anak" sagot ni Lorenzo na nakita nilang nakangiti si Hilda habang nakatingin sa kanila. "Sigurado ka bang ako ang pinuntirya mo sa espada mong yun, Lorenzo?" nakangiting tanong ni Hilda na tinayo ni Julian si Lorenzo "maayos lang ako anak, kaya ko na" sabi ni Lorenzo. "Hindi!" sagot ni Lorenzo kay Hilda na nagtaka ito sa sagot niya, kumuha ng maliit na patalim si Lorenzo at binato niya ito kay Hilda na ngumiti lang ito at HINdi man lang ito gumalaw nung papunta na sa kanya ang binato ni Lorenzo.

"Gaya ng sinabi ko sa'yo Lorenzo hindi yan tatam....." natahimik nalang si Hilda nung nadaplisan ng maliit na patalim ang kanang pisngi niya at dumugo ito "hah!" nagulat siya nung hinawakan niya ang pisngi niya at pagtingin niya sa daliri niya. "Du... dugo?" gulat na sabi nito na mabilis gumalaw ang mag-ama at sabay nilang binato ng maraming maliliit na patalim si Hilda na tumama ito sa katawan niya pero hindi ito natinag at nakatayo parin ito. "Pa... paano..." sabi ni Hilda "alam ko na ang sekreto mo Hilda" sabi ni Lorenzo na tinuro ni Julian ang espada ng ama niya kaya napatingin si Hilda doon "siya ang tumutulong sa'yo" sabi ni Lorenzo.

"Siya ang totoong nagmamay-ari sa itim na metal na dumedepensa sa'yo" sabi ni Lorenzo sa aninong natuhog ng espada niya "GRRRR kaya pala sinadya mong ibinato ang espada mo doon" galit na sabi ni Hilda na agad itong kumilos para hugotin ang espada. "NARRA!" sigaw ni Lorenzo na agad pinagdikit ni Haring Narra ang mga palad niya at lumabas mula sa lupa ang naglalakihang mga puno at pinalibutan nito ang Aninong tumutulong kay Hilda. "HELIUS!" tawag ni Haring Narra "areglado" sagot ni Haring Helius na nagbukas ito ng portal at pinasok nito ang puting enerhiya sa loob at nakita nalang nilang lumiwanag sa loob ng mga puno "GRAAAAAAAAAHHHHHH!!!" narinig nilang sumigaw ang Aninong nakakulong sa loob.

"Kami na ang bahala dito, Lorenzo" sabi ni Ingkong Romolo nung tumayo ito sa tabi nila ni Julian "ama?" nagulohan si Julian "anak, hindi sapat ang kapangyarihan natin para matalo natin si Hilda me naisip akong paraan para mabuo natin ang espada ng alamat" paliwanag ni Lorenzo. "Sige, kumilos na kayong dalawa kami na ang bahala dito" sabi ni Ingkong Romolo "magmadali kayo!" sabi ni Haring Helius "maraming salamat sa inyo!" sabi ni Lorenzo "tara na Julian" tawag ni Lorenzo sa kanya "si.. sige po ama" sagot ni Julian at sumunod siya kay Lorenzo. "GRAAAAAAHHHHHHH!!!" sumigaw si Hilda na napatigil silang lahat nung naramdaman nilang yumanig ang lupa at nakita nilang biglang lumaki si Hilda.

"MAGMADALI KAYO!" sigaw ni Haring Narra na tumango si Lorenzo at tumakbo na sila ni Julian palayo sa kanila "saan tayo pupunta ama?" tanong ni Julian sa kanya "lalayo lang tayo ng konti anak" sagot niya. Naging higanti si Hilda kaya naging higanting Lobo din si Ingkong Romolo at naglaban silang dalawa habang pinipiiglan naman ni Haring Narra at Haring Helius ang Anino na nakakulong sa loob ng maraming puno. Nung nakalayo na sina Lorenzo at Julian "tama na ito" sabi ni Lorenzo kaya tumigil siya pati narin si Julian "ama ano ang gagawin natin dito?" tanong ni Julian sa kanya na ngumiti si Lorenzo at hinugot niya ang isa pa niyang espada.

"Anak, oras na para ibigay ko sa'yo ang huling karapatan mo bilang Bailan" sabi ni Lorenzo na nagulat si Julian sa sinabi niya "a.. ano'ng huling karapatan?" takang tanong ni Julian na sinaksak ni Lorenzo ang espada niya sa Lupa at hinawakan niya sa balikat ni Julian. "Anak, napapanahon na para ipasa ko sa'yo ang position ko bilang pinuno ng Kuro" sabi ni Lorenzo "a.. ako.. maging pinuno?" gulat niyang tanong at napatingin siya sa lupa. "Bago ka pa man isinilang noon binasbasan na kita bilang susunod na pinuno ng Kuro" kwento ni Lorenzo "sumang ayun sa akin ang buong Bailan kaya nung ika walong buwan mo sa tiyan ng nanay mo me ginawa kaming lahat na hindi naaayun sa tradisyon nating mga Bailan" kwento pa niya.

Naramdaman ng Anino na me peligrong darating sa kanya kaya nilabas niya ang lahat ng lakas niya at natanggal niya ang espada ni Lorenzo na nagpipigil sa kanya at agad siyang lumusot sa ilalim ng lupa para makatakas sa atake ng dalawang Hari. "Narra!" tawag ni Haring Helius "alam ko, hindi ka makakatakas sa akin!" sabi ni Haring Narra na agad niyang tinuon ang atensyon niya sa lupang dinaanan ng Anino pero mabilis itong kumilos at nakailag sa mga ugat na ibabalot sana niya sa kanya. "GRAAAAAAAAAA!!!" narinig nilang sumigaw si Hilda at ang pagbagsak ni Ingkong Romolo sa kaliwa nila "ROMOLO!" sigaw nilang dalawa "aahh.. lumalakas si Hilda!' sabi ni Ingkong Romolo na me sugat ito sa kanang balikat niya.

"Narra, yung Anino?" tanong ni Haring Helius "na... nawala na siya" sabi ni Haring Narra na bigla silang inatake ni Hilda kaya mabilis silang umilag at tuloy-tuloy ang pag-atake ni Hilda sa kanila "LORENZO!!!" tawag ni Haring Narra habang iniilagan niya ang mga atake ni Hilda. "NARRA!" sigaw ni Haring Helius nung tinamaan siya ng bolang itim na enerhiya ni Hilda at napalipad siya papunta sa isang gusali. "Helius! Ituon mo ang atensyon mo kay Hilda alam kong maayos lang yun si Narra" sabi ni Ingkong Romolo na ngayon ay nakahawak na sa sugat niya sa balikat at pinipigilan nito ang paglabas ng maraming dugo.

Samanatala, napatay namin ang higanting aswang at ngayon ay bumabyahe na muli kami papunta sa pintuan ng dilim "Tenyente" tawag sa akin ni Alan sabay turo nito sa bandang kaliwa namin kung saan me mga pagsabog at pagyanig ang nangyayari. "Julian" sabi ko sa sarili ko "Issa, malapit na tayo" balita ni Andres sa akin kaya nag reload ako ng bagong magazine pati narin si Alan at naghanda kami sa mga aswang na aataki sa amin. Pinarada ni Andres ang humvee dalawang kanto lang ang layo sa pintuan ng dilim at bumaba na kami "kayo!" tawag ko sa mga sakay sa pangalawang humvee "doon kayo sa kabila at mag-ingat kayo" sabi ko sa kanila na tumango lang sila at umalis.

"Dito tayo" sabi ko kina Andres at Alan at tumakbo na kami papunta sa pintuan ng dilim "Tenyente!" tawag ni Alan sa akin sabay turo ng nguso niya sa direksyon na tinatahakan namin "sino yan?" takang tanong ko kaya napahinto kami. "Tao ba yan?" tanong ni Andres sa akin "SINO KA?!" tanong ko dun sa taong nakatayo malapit lang sa pintuan ng dilim "SINO KA SABI EH?!" tanong ko ulit sabay tutok namin ng mga armas namin sa kanya. "Huwag! Huwag!" sigaw nito sabay yuko niya sa lupa kaya nagkatinginan kaming tatlo at nilapitan namin siya "huwag po! Huwag po! Maawa po kayo sa akin" sabi nito sa amin.

"Sino ka ba?" tanong ko sa kanya "ah.. ako si Raadu" pakilala niya sa amin "ano ang ginagawa mo dito?" tanong ni Alan sa kanya "hi.. hindi ko nga po alam kung bakit ako nandito... nagising nalang ako na ganito na ang lugar" paliwanag niya. "Issa, hindi aswang yan" sabi ni Andres sa akin na tinuro niya ang kwentas nito sa leeg "lumayo ka dito, hindi ligtas ang lugar na ito" sabi ko sa kanya "ma.. maraming salamat po.." sabi niya at yumuko pa ito habang papalayo ito sa amin. "Siguardo ka bang hindi aswang yun?" tanong ni Alan kay Andres "me aswang bang nagkukwentas ng cross?" tanong ni Andres kay Alan "tama ka nga" sagot ni Alan "tayo na! Nag-aaksaya lang tayo ng oras" sabi ko sa kanila "yes, Tenyente!" sabay sagot nilang dalawa at tumuloy na kami.

"Ano ang ginawa niyo sa akin?" tanong ni Julian sa ama niya "nag bahagi kami ng mga.." hindi na natuloy ni Lorenzo ang sasabihin niya nung naramdaman niyang me namumuong peligro sa kinatatayoun niya kaya tinulak niya palayo si Julian. Nagulat si Julian sa ginawa ni Lorenzo pero lalo siyang nagulat sa sinapit nito dahil natusok ng maraming itim na metal ang magkabilang braso at magkabilang tuhod ni Lorenzo. "AAAAHHHHH!!!" napasigaw sa sakit si Lorenzo "AMA!!!" sigaw ni Julian na agad siyang tumayo at lalapit sana siya "HUWAG ANAK! LUMAYO KA!" sigaw ni Lorenzo sa kanya kaya napatigil si Julian at doon nakita niyang lumabas sa likod ni Lorenzo ang Anino.

"Matinik ka talaga Lorenzo, napakatalas ng pakiramdam mo" sabi ng Anino sa kanya na nilingon siya ni Lorenzo at nilapit naman ng Anino ang mukha niya sa kanya at ngumiti ito "kumusta kana bata?" nakangiting tanong nito sa kanya. "I.. ikaw yung naramdaman ko noon nung inatake ng mga aswang ang Kuro" sabi ni Lorenzo sa kanya "hehehe.. gaya ng sinasabi ko kanina, matalas talaga ang pakiramdam mo" sabi ng Anino sa kanya. "SINO KA?!" tanong ni Julian sa kanya "hmm... ako lang naman ang kahapon na pilit hinahabol ang ngayon" sagot ng Anino "ah!.. Ano ang ibig mong sabihin?" tanong ni Julian.

Lumakad ito at tumayo sa tabi ni Lorenzo na ngayon ay nakasuspende sa ere dahil sa mga itim na metal na nakatusok sa kanya "ako ang kahapon na puputol sa bukas niyong mga Bailan" sabi ng Anino sa kanya. Hinugot ni Julian ang dalawang espada niya "ang mga espada! Alam mo bang hindi sa inyo yan?" sabi ng Anino sa kanya "ano'ng hindi sa amin? sS Una ang nag mamay-ari nito" sabi ni Julian. "Isa lang ang kay Ruuna, sa mahal na Hari ang isa.. yang nasa kaliwa mo" sabi ng Anino kay Julian na tiningnan niya ang espadang hawak niya sa kaliwa "kay Lucille ito" sabi ni Julian "Lucille? Ah tama! Ang Diwata ng mga Bampira... ang Diwatang ibinigay ang kalahati ng kapangyarihan niya kay Ruuna" sabi ng Anino.

"Ruuna?" tanong ni Lorenzo na nilingon siya ng Anino "hindi ba niya sinabi sa inyo ang totoong pagkatao niya? Ruuna ang totoong pangalan niya at koreksyon sa inyo, hindi siya Bailan kundi isa siyang Atlantean" sabi ng Anino sa kanila na pareho silang nagulat sa sinabi niya. "Bakit mo alam ito?" tanong ni Lorenzo sa kanya "hmm? Bakit?" tanong ng Anino na nilapit nito ang mukha niya kay Lorenzo at sabing "dahil nandun ako nung nangyari ang lahat!" sabay ngiti nito at inataki niya si Julian. Buti nalang nakahanda si Julian nung naging matulis ang kamay ng Anino at nasalo ito ng espada ni Julian "ANAK!" sigaw ni Lorenzo na pilit niyang inalis ang sarili niya sa pagkakatusok.

Umaatras si Julian sa mga ataki ng Anino sa kanya "hindi ka makakatakas sa akin bata!" sabi ng Anino sa kanya na pilit umabante si Julian para maka counter-attack siya pero hindi siya nito binigyan ng pagkakataon. "JULIAN!" tawag ni Lorenzo na iniligan ni Julian ang ataki ng Anino at mabilis siyang tumakbo papunta kay Lorenzo na lumubog sa ilalim ng lupa ang Anino at lumabas ito sa harapan ni Julian kaya napaatras siya para umilag sa mga ataki nito. Nung lumayo siya humabol sa kanya ang Anino kaya binugahan niya ito ng apoy na nagmamadali itong lumusot sa ilalim ng lupa kaya nakakuha ng pagkakataong tumakbo si Julian papunta kay Lorenzo.

"ANAK SA LIKOD MO!" sigaw ni Lorenzo na nilagay ni Julian ang isang espada sa likod niya at nasalo nito ang metal na kamay ng Anino sabay ikot ni Julian at hinampas niya ito gamit ang isa pa niyang espada na hininto ito ni Julian nung dumaan ito sa gilid ng Anino at hinawakan niya ng mahigpit ang hawakan nito at lumiwanag ang espada. "HAAAAAA!!!" napasigaw ang Anino kaya nagmamadali itong lumayo sa kanya at nakita niyang nahiwa niya ang kaliwang bahagi ng tiyan ng Anino. Agad tumalikod si Julian para tulongan ang ama niya ng biglang napatigil nalang siya nung nakita niya ang itim na metal na lumabas mula sa lupa at tumagos ito sa dibdib ni Lorenzo.

"Ah..ho....Jul..i..an..." nauutal na tawag ni Lorenzo sa kanya na nanlaki ang mga mata ni Julian at biglang nanginig ang katawan niya "a... ama.... ama...ko...." sabi ni Julian "HAHAHAHAHA" tumawa ang Anino sa ginawa niya kay Lorenzo. "Alam kong matinik ka Lorenzo pero hahahahahaha" natatawang sabi nito "ikaw ang isusunod ko" sabi pa ng Anino na natutuwa ito sa ginawa niya "LORENZZZOOOOOOO!!!" sigaw ni Reyna Lucia sa loob ni Julian nung makita niya ang nangyari sa kanya "mahal na Reyna, huminahon po kayo!" pinakalma siya ni Hen. Guillermo pero hindi ito nakinig sa kanya. "LORENZOOOOOO!!!!!" "AMAAAAAAAA!!!!" sigaw nina Julian at Reyna Lucia "HAAAAAAAAA!!!" sumigaw si Reyna Lucia sa galit at biglang lumabas ang maraming itim na aura mula sa katawan niya.

Nung nangyari ito nagmanifesto ito sa katawan ni Julian "HAAAAAAAAAA!!!!!!" sumigaw si Julian at lumabas ang maraming itim na aura sa katawan niya na napaatras sa gulat ang Anino nung makita niya ito. "HAAAAAAAAAAAA!!!......GRAAAAAAAAAAAHHHH!!!!" biglang nagbago ang boses ni Julian at bumalot sa kanya ang bolang itim na aura ni Reyna Lucia na napamangha ang Anino sa nasaksihan niya "GAAAA!!!" napasigaw ito nung tinamaan siya sa itim na aura ni Julian na agad siyang lumayo at naghanda sa susunod na mangyayari. "IKAW! IKAW ANG DAHILAN NG ITO!" sigaw ni Julian sa kanya na parang sinapian si Julian dahil maririnig ang magkahalong boses nila ni Reyna Lucia nung nagsalita siya.

"Ibang kapangyarihan ito!" sabi ng Anino na nagmamadali itong tumakas palayo sa kanya pero nahabol ito ni Julian at nahawakan niya ang balikat nito "GYAAA!!!" sumigaw ang Anino sa sakit dahil parang napaso ito sa itim na apoy na mula sa kamay ni Julian. "HINDI KA MAKAKATAKAS SA AKIN!" sigaw ni Julian sa kanya na napatingin ang Anino kay Hilda na ngayon ay nakikipaglaban sa tatlong Hari. "HILDA!" tawag ng Anino sa kanya na binugahan ni Hilda ng asido si Julian nung hinabol niya ang Anino pero dumaan lang ito sa katawan ni Julian nung naging anino siya "JULIAN!" gulat na sigaw ni Haring Narra nung makita niya ito.

"Si Julian ba yun?" tanong ni Haring Helius dahil nagbago ang anyo ni Julian dahil sa magkahalong galit nila ni Reyna Lucia "Ju..Julian... hu..huminahon ka.." sabi ni Lorenzo na pilit niyang binaba ang mga paa niya sa lupa. "AAHHH!!!" napasigaw sa sakit si Lorenzo "LORENZO!" tawag ni Haring Narra sa kanya na agad niyang pinutol ang mga itim na metal na nakatusok sa kanya at sinalo niya ito nung pabagsak ito sa lupa. "Narra.... itayo mo ako.." sabi ni Lorenzo na nagulat si Haring Narra dahil sa dami ng sugat ni Lorenzo lalong-lalo na ang sugat nito sa dibdib buhay parin ito "he..hehehe.. alam ko ang iniisip mo.." natatawa pang sabi ni Lorenzo sa kanya.

Lumapit sa kanila sina Haring Helius at Ingkong Romolo "Lorenzo, si Julian ba yun?" tanong ni Haring Helius sa kanya "oo, AH!... kailangan.. kailangan kong makalapit sa kanya" sabi ni Lorenzo "kailangan mo ng manggagamot" sabi ni Ingkong Romolo. "WALA NA TAYONG PANAHON PA!' sigaw ni Lorenzo "kailangan kong... kailangan kong gawin ang huling ritwal sa kanya" paliwanag ni Lorenzo sa kanila. "Hilda!" tawag ng Anino kay Hilda na umatras ito palayo kay Julian "kailangan nating maging isa" sabi ng Anino sa kanya na hinayaan ni Hilda'ng pumasok ang Anino sa katawan niya at nung mangyari na ito biglang nagbitaw ng malakas na shockwave si Hilda na napatumba silang lahat nung tinamaan sila nito.

Napatumba si Julian sa lupa na agad naman siyang binato ng itim na metal ni HIilda at nasaksak siya nito sa dibdib "Ak! AAAHHHH!" napasigaw si Julian sa sakit at dahan-dahang nawala ang itim na aura sa katawan niya. "Mahal na Reyna!" tawag ni Hen Guillermo sa kanya na biglang napatigil si Reyna Lucia nung nawala ang connection niya kay Julian "JULIAN!!!" sigaw ng Reyna pero hindi na siya narinig ni Julian. "HAHAHAHA yan ang dapat sa inyo!" sabi ni Hilda na biglang lumakas pa ito lalo nung pumasok sa katawan niya ang Anino "Hilda, kailangan na natin silang tapusin" sabi ng Anino sa loob niya "mm.. masusunod!" sabi ni Hilda na tinaas niya ang dalawang kamay niya at nag-ipon siya ng itim na bolang enerhiya sa ibabaw niya.

"Si Julian!" sabi ni Ingkong Romolo na agad silang kumilos papunta kay Julian dala si Lorenzo "kami ang bahala kay Hilda" sabi ni Haring Helius na agad siyang nagbukas ng portal papunta kay Julian. Pagkalabas nila pinaupo ni Haring Narra si Lorenzo sa tabi ni Julian na ngayon ay nakatulala nalang sa langit at hindi na gumagalaw "ikaw na ang bahala dito, Lorenzo" sabi ni Haring Narra na tumango si Lorenzo. Tumayo ang tatlong Hari sa harapan ni Hilda at naglabas din sila ng enerhiya para pang counter sa ibabato ni Hilda sa kanila "alam kong hindi ito maging sapat para mapigilan natin si Hilda" sabi ni Haring Narra.

"HAAA! Wala akong pakialam" sabi ni Ingkong Romolo na tinuon niya ang dalawang palad niya kay Hilda "HMP! Ako din!" sabi ni Haring Helius na ginaya din niya si Ingkong Romolo "hehehe.." tumawa lang si Haring Narra at ganun din ang ginawa niya. "Isasakripisyo niyo ang buhay niyo?" tanong ni Hilda sa kanila "para sa liwanag!" sagot nilang tatlo "kahit ikamamatay pa namin!" sabi ni Haring Narra "para sa kinabukasan!" sabi ni Ingkong Romolo "para sa mga mahal namin!" sabi ni Haring Helius. "HAHAHA ibigay mo sa kanila ang hinihiling nila Hilda" sabi ng Anino sa loob niya "hehehe MASUSUNOD!" sigaw ni Hilda sabay bato niya sa itim na bola ng enerhiya sa kanila at sinalo ito ng tatlo at pilit nila itong itinulak palayo sa mag-ama.

Tinulak din ito ni Hilda papunta sa kanila kaya nagtulakan sila "HUWAG KAYONG TUMIGIL!" sigaw ni Haring Helius "ALAM NAMIN!" parehong sagot ni Haring Narra at Ingkong Romolo "ITULAK MO HILDA!!!" sigaw ng Anino na tumulong din ito sa pagtulak sa itim na bola ng enerhiya. Samantala, hinugot ni Lorenzo ang itim na metal na nakasaksak sa puso ni Julian at nakita niyang parang namumutla na si Julian at tila wala na itong buhay. "Hindi anak... hindi ka mamamatay..." sabi ni Lorenzo na nilagay niya ang kanang kamay niya sa dibdib ni Julian "alam kong naririnig mo ako Julian... anak.. lumaban ka... tandaan mo... kelan man hinding-hindi ka nag-iisa.." sabi niya.

Pinikit ni Lorenzo ang mga mata niya at huminga siya ng malalim at pagdilat niya nasa loob na siya ni Julian kasama ang mga Bampira "HENERAL!" sigaw nilang lahat nung sumulpot si Lorenzo sa harapan nila. "Mga kasama, mahal na Reyna!" sabi niya "Lorenzo.. ano ang nangyayari kay Julian?" tanong ni Reyna Lucia "nasa peligro ang buhay niya pero me paraan para maligtas natin siya" sabi ni Lorenzo sa kanila. "Kahit ano Heneral!" sagot ng mga Bampira "kailangan ko ang lakas niyo" sabi ni Lorenzo sa kanila na lumapit silang lahat sa kanya "Heneral" tawag ni Kap Morietta sabay ipinatong niya ang kanang kamay niya sa balikat ni Lorenzo at lumipat sa kanya ang enerhiya niya. "Salamat, Morietta" sabi ni Lorenzo at sunod-sunod na ang mga Bampira sa pagbigay ng mga enerhiya nila kay Lorenzo.

Sa labas, lumiwanag ang katawan ni Lorenzo na kumonekta ito kay Julian na agad naghilom ang sugat ng binata "naghilom na ang sugat niya" balita ni Lorenzo sa kanila na natuwa silang lahat sa ginawa nila. "Me isa pa akong hihilingin sa inyo" sabi ni Lorenzo "Lucia" tawag niya na niyuko ni Reyna Lucia ang ulo niya at sabing "naiintindihan ko, Lorenzo" "maraming salamat sa inyo sa pagtulong niyo sa anak ko" pasalamat ni Lorenzo sa kanila. Lumapit sa kanya si Reyna Lucia at niyakap siya nito "natutuwa akong makita ka muli, mahal ko" bulong ni Reyna Lucia sa kanya "ako din" sabi ni Lorenzo na umatras si Reyna Lucia sa kanya.

"Heneral! Yung pangako mo sa akin" sabi ni Kap. Morietta sa kanya "hahahaha pasensya kana Mori, siya ang dapat magpasya niyan hindi ako" sagot ni Lorenzo sa kanya na napasimangot nalang si Kap. Morietta at natawa ang ibang Bampira. "Heneral!" tawag ni Hen. Guillermo sa kanya "Guille... hindi, Hen Guillermo" sabi ni Lorenzo "Hen. Enzo maraming salamat!" sabi ni Hen. Guille sa kanya "hindi Guille. ako ang dapat magpasalamat sa'yo sa pag-alaga mo kay Julian" sabi ni Lorenzo sa kanya na niluhod ni Lorenzo ang isang tuhod niya sa kanila at niyuko ang ulo niya. "Tanda ng pasasalamat at pagbibigay pugay ko sa inyo sa lahat ng nagawa niyo sa anak ko" sabi ni Lorenzo habang nakaluhod siya sa harapan nila.

"Hindi na kailangan yan, Heneral" sabi ni Hen. Guillermo sa kanya "mahal namin si Julian kahit ano gagawin namin ang lahat para sa kanya" sabi ni Kap. Morietta sa kanya "oo Heneral" sagot nilang lahat na napaluha si Lorenzo sa pinakita nila ang pagmamahal sa anak niya. "Maraming salamat sa inyo!" sabi ni Lorenzo na niyuko niya muli ang ulo niya tanda ng respeto niya sa kanila na napangiti ang mga Bampira at napatingin silang lahat sa taas. Lumapit si Reyna Lucia kay Lorenzo at nilagay niya ang kanang kamay niya sa ulo nito "Hen Enzo" tawag niya na tinaas ni Lorenzo ang ulo niya, nginitian siya ni Reyna Lucia "regalo ko sa'yo ang immortal mong katawan, regalo ko din kay Julian ang buhay ko" "kami din mahal na Reyna!" sagot ng mga Bampira na napangiti ang Reyna.

"Maraming salamat, Reyna Lucia!" sabi ni Lorenzo na yumuko si Reyna Lucia at nagkaharap na ang mukha nila "mahal na mahal kita Lorenzo, kahit hindi tayo ang tinadhana ikaw parin ang tinitibok ng puso ko" sabi ni Reyna Lucia sa kanya. "Lucia..." tawag ni Lorenzo na nilagay ni Reyna Lucia ang kanang palad niya sa sahig at parang tubig itong gumalaw "nandito lang kami... mananatili kami sa loob niya..." sabi ni Reyna Lucia na nakita ni Lorenzo na dahan-dahan ng bumaba sa sahig ang mga Bampira. "Heneral!" isa-isang tawag nila kay Lorenzo "maraming salamat!" sabi ng iba sa kanya na nakita niyang nawala na yung iba "Heneral Enzo! Hanggang sa muli nating pagkikita!" sabi ni Hen Guillermo na dahan-dahan naring bumaba ang ulo niya sa ilalim ng sahig.

"Heneral! Maraming salamat sa pagkupkop mo sa akin noon! (tumingin sa taas si Kap. Morietta) HOY KAYO! BIGYAN MO SILA NG MAGANDANG LABAN!" sabi ni Kap. Morietta at bumaba narin siya sa sahig. "Lucia.." tawag ni Lorenzo na hinalikan siya sa labi ni Reyna Lucia at ngumiti ito sa kanya "paalam... mahal ko.." sabi ni Reyna Lucia sa kanya nung lumubog narin siya sa ilalim at nakita niya silang lahat na nasa ilalim niya at parang anino silang nawala sa paningin niya. "Maraming salamat sa inyo!" sabi ni Lorenzo na nakaluhod parin siya sa sahig at maya-maya lang ay me narinig siyang mga yapak ng maraming paa at nung tumingala siya nakita niya ang mga pamilyar na mukha na matagal na niyang hindi nakita.

Tumayo si Lorenzo at tinaas niya ang mga kamay niya na biglang sumulpot si Julian sa kinaroroonan niya at nagulat pa ito nung makita siya "AMA!" sabi ni Julian na nginitian niya ito "anak" sabi ni Lorenzo na nakita niyang nagulohan si Julian. "Nasaan na po sina Reyan Lucia?" tanong ni Julian "natutulog na sila anak sa loob mo" paliwanag ni Lorenzo "natutulog?" takang tanong ni Julian "oo, me sasabihin ako sa'yo anak, noong walong buwan ka palang sa tiyan ng nanay mo me ginawa kaming ritwal na nakuha namin sa aklat ng dilim" sabi ni Lorenzo na naging seryoso ang mukha ni Julian.

"Ano po yun ama?" tanong niya "kapareho din ito sa ritwal na ginawa ni Lucia sa'yo noon pero ang pagkakaiba lang nito hindi magiging bato ang mga taong magbigay ng kaluluwa nila" paliwanag ni Lorenzo. "......" hindi nagsalita si Julian "anak, nagbigay ng konting tulong ang mga Bailan sa'yo hindi ka pa ipinapanganak" kwento ni Lorenzo sa kanya "huh?!" nagulat si Julian "hindi mo lang siguro sila nararamdaman dahil hindi ka nga lumaki sa Kuro pero kung itutuon mo ang atensyon mo sa paligid mo ngayon sigurado akong mararamdaman mo sila... hindi... makikita mo sila" sabi ni Lorenzo na nakita niyang pinikit ni Julian ang mga mata niya.

Samantala, malapit ng maubosan ng lakas si Inkong Romolo dahil sa sugat niya sa tiyan at sa balikat "BAKA HINDI NA AKO TATAGAL DITO!" babala ni Ingkong sa dalawa "HINDI PA BA TAPOS ANG MAG-AMA?" tanong ni Haring Helius. "HINDI KO ALAM, BIGYAN PA NATIN SILA NG ORAS!" sabi ni Haring Narra na pinagdikit pa niya ang mga palad niya at lumabas ang malalaking puno sa lupa at naging pader ito sa pagitan nila ni Hilda. "GAWIN MO NA HILDA!" sigaw ng Anino sa loob niya na tinutok ni Hilda ang mga palad niya sa tatlo at lumabas mula nito ang itim na enerhiya at nawasak ang mga malalaking puno ni Haring Narra nung natamaan ito at nagulat ang tatlo sa lakas ng kapangyarihan ni Hilda.

"MAGHANDA KAYO!" sigaw ni Haring Narra na tinaas nilang tatlo ang mga kamay nila at sinalo nila ang itim na enerhiyang tinira ni Hilda sa kanila na napatulak pa sila ng konte "HAAAAAAAAAA!!!" sigaw nilang tatlo sabay tulak nila. "HUWAG KAYONG SUMUKO!" sabi ni Haring Narra sa kanila na tumutulo na ang dugo ni Ingkong Romolo mula sa sugat niya sa tiyan "AAHHH!" napasigaw siya sa sakit at hapdi ng sugat niya. "ROMOLO" napasigaw ang dalawang Hari sa nakita nila "HINDI PWEDE ITO!" sigaw ni Haring Helius na pinikit niya ang mga mata niya at nung dumilat siya biglang lumiwanag ang buong katawan niya at napahakbang siya paabante na nagulat si Haring Narra at Ingkong Romolo sa ginawa niya.

"Helius!" tawag ni Haring Narra na nagkatinginan silang dalawa ni Ingkong Romolo kaya ginaya nila si Haring Helius at nag concentrate din silang dalawa at nung lumiwanag ang mga katawan nila sumunod sila ni Haring Helius at tinulak ang itim na enerhiya ni Hilda. "HAHAHAHA WALA SILANG LABAN SA ATIN HILDA!" natatawang sabi ng Anino sa loob niya na biglang tinigil ni Hilda ang pagtira niya ng itim na enerhiya sa tatlo sabay bilis nitong lipad papunta sa kanila na hindi sila nakareact agad kaya nung hinampas sila ni Hilda gamit ang itim na espada niya napatalsik silang tatlo. Tumama sa pader ng gusali si Haring Narra, napasubsob naman sa lupa si Haring Helius habang tumama naman sa isang nakataob na bus si Ingkong Romolo at naiwan sa harapan ni Hilda ang mag-ama na ngayon ay wala ng dumedepensa sa kanila.

"Aaahh... na... naloko tayo.." sabi ni Haring Narra nung pilit siyang bumangon "NARRA! ROMOLO!" sigaw ni Haring Helius na nakabangon na ito at pumasok sa isang portal para atakihin si Hilda pero na suntok siya nito nung lumabas siya sa portal na ginamit niya at napasubsob muli siya sa lupa. Tumayo si Haring Narra at mabilis siyang bumaba sa ilalim ng lupa pero hindi siya nakalapit dahil sa mga itim na metal na sumalubong sa kanya kaya agad siyang lumabas at dinepensahan ang sarili niya sa mga itim na matutulis na metal na umaatake sa kanya. "Wala ng sagabal" sabi ni Hilda na dahan-dahan siyang lumutang papunta sa mag-ama pero napatigil nalang siya at nung tumingala siya nakita niya ang harapan ng bus na pabagsak sa kanya "HAAAAAAAA!!!" sigaw ni Ingkong Romolo at binagsak niya ang bus kay Hilda.

Tumalon palayo at tumayo siya sa harapan nina Lorenzo para bantayan sila, sumulpot din ang dalawang Hari sa tabi niya at nakita nilang gumalaw ang bus at bigla nalang itong nahati sa dalawa at nung natumba ito nakatayo lang si Hilda at nakangiti itong nakatingin sa kanila. "Simula nung pumasok sa kanya ang Anino'ng yun naging malakas na siya, Romolo, Narra" sabi ni Haring Helius "haahh..haahh... hindi tayo susuko..." sabi ni Haring Narra na ngayon ay napapagod na at nakapikit na ang isang mata niya. Dumura ng dugo si Ingkong Romolo at ngumiti ito "hehehe... haahh... maganda ito..." sabi niya.

"Ano?" tanong ni Haring Helius "isipin niyo... ilang taon na tayong nabubuhay... ano pa ba ang mas magandang katapusan sa paghahari natin?" tanong ni Ingkong Romolo na napangiti din si Haring Helius. "Nakukuha ko ang punto mo Romolo... kung matalo natin siya dito... hindi lang tayo magiging bayani.. magiging alamat na din tayo.. kagaya ng dalawa" nakangiting sabi ni Haring Helius "kung matatalo natin siya..." sabi ni Haring Narra na hindi na sila makatayo ng maayos dahil sa sobrang pagod at sa limitado na nilang lakas. "HMP! Tingin niyo matatalo niyo ako? HAHAHAHA hindi na siguro gumagana ang mga utak niyo" natatawang sabi ni Hilda sa kanila. "Tapusin mo na sila Hilda, gamitin mo ang kapangyarihang binigay sa'yo ng mahal na Hari" sabi ng Anino sa kanya.

"Nararamdaman mo ba sila?" tanong ni Lorenzo sa kanya na tumango si Julian "ngayon, lumuhod ka" utos ni Lorenzo sa kanya na lumuhod si Julian at niyuko niya ang ulo niya "ako si Lorenzo... ang ika isang libo't siyam naraan at siyamnaput siyam na pinuno ng Kuro... ipinapasa ko ang tungkolin kong ito sa aking anak... na si Julian" panimula ni Lorenzo na me narinig na yapak ng mga paa si Julian sa likuran niya. "Pinapangalanan kita Julian bilang bagong pinuno ng Kuro at ang ika dalawang libong pinuno ng mga Bailan" patuloy ni Lorenzo na narinig ni Julian ang pagluhod ng maraming tao sa likuran niya.

"Tumayo ka!" utos ni Lorenzo na tumayo si Julian "binabati kita... Pinunong Julian..." sabi ni Lorenzo sabay sigaw ng maraming tao sa likod niya "HAH!" nagulat si Julian nung lumingon siya at nakita niya sa harapan ang lahat ng mga Bailan na nakatira noon sa Kuro. Tumayo ang isa sa kanila at niyuko niya ang ulo niya "binabati kita mahal na Pinuno!" bati ni Hen. Amistad sa kanya at nakita din niya na tumayo ang isa pa "hindi magiging buo ang ritwal kung hindi kita bigyan ng armas, mahal kong Pinuno" sabi ni Resisyo sa kanya. Isa-isa na silang tumayo lahat "anak, nagbigay sila ng konting parte ng kaluluwa nila sa'yo noon nung nasa tiyan ka palang ng nanay mo" kwento ni Lorenzo sa kanya.

"Bakit po?" tanong ni Julian na hindi siya makapaniwala sa pangyayari "alam namin na magiging totoo ang propesiya ni Naring dahil lahat ng sinabi niya noon ay nangyayari na" paliwanag ni Hen. Amistad. "Kaya agad kaming pumayag noong sinabi sa amin ni Lorenzo ang plano niya" sabi ni Mandu isa sa matandang Bailan ng Kuro noon "ana... Read More


About the Author :

Joined: February 5, 2014 (2 years old)
Writings: 114

Send PM · Male · Offline

3 comments   0 favorite   1,435 views