Harapin Ang Liwanag! Chapter XXIV

July 31, 2015 (1 year ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Supernatural, Sci-Fi and Fantasy | Tags:

Chapter XXIV: War!

Maliwanag na nung bumalik kami ni manang sa palasyo ni Haring Narra at nakita namin ang buong hukbong na naghahanda na para sa pagmarcha namin mamauang gabi sa gusali namin. Nakita ko ang kapatid ko na kausap si Kap. Hernan habang naghahanda narin silang dalawa sa mga gamit nila "maupo ka muna dyan Isabella, ikukuha kita ng gamot para sa mga sugat at pasa mo" sabi sa akin ni manang "sige po" sagot k sa kanya. "Saan ba kayo naggaling at bakit gutay-gutay ang damit mo, Isabella?" tanong sa akin ni Dante na kita kong naka suot narin ito ng pandigma "nag ensayo kami ni manang" sagot ko sa kanya. "Sa nakita ko sa sitwasyon mo parang matindi ata at buong magdamag kayong nag ensayo" sabi sa akin ni Romualdo.

"Me tinuro lang sa akin si manang kaya ganito ako ngayon" nakangiti kong sabi sa kanya "heto Isabella, inumin mo ito" sabi sa akin ni manang nung bumalik na siya "Zoraida, saan ba kayo naggaling ni Isabella?" tanong ni Ingkong Romolo sa kanya. "Sa palasyo ni Reyna Lucia" sagot ni manang "bakit kayo nagpunta dun? di ba delikado?" tanong ni Dante "walang nakakaalam na pumunta kami doon" sagot ni manang sa kanya. "Ate!" tawag sa akin ni Elizabeth na kita ko ang pag-aalala sa mukha niya "maayos lang ako sis, don't worry" sabi ko agad sa kanya nung lumapit ito sa akin kasunod niya si Kap. Hernan.

"Sis, baka ano na yan ha" sabi ko sa kanya "ano ka ba?!" sabi niya sa akin na pareho kaming napatingin kay Kap. Hernan at kita naming nahiya ito "bueno, maghanda na kayo at pagdating ng takip silim lalakad na tayo" sabi ni Ingkong Romolo sa amin. "Dalhin natin siya sa loob, tulongan mo ako Elizabeth" sabi ni manang sa kanya kaya tinulongan nilang ako at pinasok nila ako sa loob at inakyat sa silid. Inihiga nila ako sa bathtub na me tubig at hinayaan nila akong magpahinga dun "salamat" sabi ko sa kanila na wala pang ilang segundo nakatulog na ako "hayaan muna natin siya dito, mamaya pagkagising niya ipapasuot ko sa kanya ang armor ni Lala" sabi ni Zoraida.

"Julian..." nabigkas ko nung nakatulog na ako na tila lumulutang ang katawan ko sa tubig, ang gaan ng pakiramdam ko na para bang lumulutang ako sa kalawakan "Julian...." narinig ko ang pangalan ni Julian. "Echo ba yun?" tanong ko sa sarili ko "Julian...." narinig ko uli ang tinig na tumatawag kay Julian kaya binuka ko ang mata ko at nakita kong nasa loob ako ng isang kubo "Julian..." narinig ko uli ang tinig na yun kaya tumingin ako sa paligid at parang pamilyar sa akin ang kubong ito. Lumabas ako at suminag sa mukha ko ang sikat ng araw kaya napatabon ako sa mukha "Julian..." narinig ko uli ang boses ng babaeng tumatawag kay Julian.

Me nakita akong babae sa malayo na nakapatong ito sa isang puntod at nakatalikod ito sa akin kaya pinuntahan ko ito at habang papalapit ako sa kanya naririnig ko galing sa kanya ang pangalan ni Julian. "Miss.. " tawag ko sa kanya na kita kong nakaputing damit ito at hanggang pwet ang buhok niya, di ata niya ako napansin kaya tinawag ko uli siya "miss.. ok lang ho ba kayo?" tanong ko sa kanya na di parin niya ako pinansin. "Julian...." tawag uli niya kaya naglakad ako papunta sa harapan niya para makita ko ang mukha niya ng biglang nagdilim ang langit at kumidlat ito. Napatingin ako sa paligid dahil lumalakas narin ang hangin "miss... " tawag ko sa babae na nakatayo parin ito sa ibabaw ng puntod at tila hindi niya ata napapansin ang pagbago ng panahon sa paligid namin.

"MISS!" sigaw ko sa kanya na lumingon ito sa akin at nagulat nalang ako nung makita ko ang mukha niya "......hi...hindi..." nasabi ko nalang dahil kamukha ko ang babaeng nasa ibabaw ng puntod at kita kong umiiyak ito. Naluluha siya at biglang tinawag niya ang pangalan ni Julian na bigla nalang sumikip ang dibdib ko kaya napaluhod ako sa lupa at napakapit sa dibdib ko "Julian...." narinig kong tawag niya. "Ah.. a.. ano..ang... nangyayari sa akin..?" tanong ko sa sarili ko na kita kong bumaba sa puntod ang babae at lumapit ito sa akin, habang papalapit siya bigla ding tumigil ang ibang parte ng katawan ko kagaya ng di ko maigalaw ang mga paa ko.

Nakatayo na sa harapan ko ang babae at tumingin ito sa akin "si... sino... ka...?" tanong ko sa kanya na binuksan niya ang harapan ng damit niya at pinakita sa akin ang dugoang tiyan niya ".....I...Isa....bella....?" nauutal kong tanong. Nakita kong nakatingin lang siya sa akin at maya-maya lang ay biglang lumutang ito at biglang me bumalot na dilim sa buong katawan niya, pinilit kong gumalaw pero dahil sa paninikip ng dibdib at nagnumb ang mga paa ko di ako magalaw palayo sa kanya. Tiningnan ko siya sa ibabaw ko at nakita kong nabalutan na talaga siya ng dilim at biglang nagbago nalang ang anyo niya at tumingin siya sa akin na sobrang pula ng mata niya.

"IKAW!" sigaw niya sa akin "a.. ako...?" tanong ko "IKAW!" sigaw niya uli na bigla itong lumapit sa akin at hinawakan niya ako sa leeg "AKIN LANG SI JULIAN.. HINDING-HINDI SIYA MAPAPASAYO!" sabi niya sa akin. Sinakal niya ako gamit ang kanang kamay niya kaya napakapit ako sa kanya at pilit inalis ang kamay niya sa leeg ko "MAMAMATAY KAYONG LAHAT!" sabi niya sa akin "hi... hindi....." sabi ko na parang mawawalan na ako ng malay dahil sa sobrang higpit ng pagkakasal niya sa leeg ko "hin...di..." sabi ko uli "hin....di.... hin..di... hin..di...hindi....HINDIII!" sigaw ko sa kanya na bigla nalang lumiwanag ang katawan ko kaya nabitawan niya ako.

Imbes na mahulog sa lupa lumutang na ako sa harapan niya "si...sino ka?!" tanong niya sa akin "... ako ang liwanag nagmagbibigay ilaw sa dilim.." sagot ko sa kanya "LUCILLEEEEE!" sigaw nung kamukha ko. "Lucille?" nabigkas ko nung narinig ko ang pangalan ng Dyosang si Lucille sa kanya "HINDI!" sigaw niya na bigla nalang umihip ang malakas na hangin kaya napatakip ako sa mukha ko at maya-maya lang ay biglang nawala ang hangin at pagtingin ko nawala na din siya sa harapan ko. Napatingin ako sa paligid at bumalik na sa dati ang panahon at nawala narin ang itim na ulap kanina "sino kaya yun?" tanong ko sa sarili ko "siya si Hilda, Isabella" sabi bigla ng tinig sa likuran ko kaya nilingon ko agad ito at nakita ko si Dyosang Lucille.

"Mag-ingat ka, yung nakaharap mo kanina ay ang katawang lupa na gagamitin niya para makabalik sa mundong ito" sabi niya sa akin "teka.. yung babaeng yun, kamukha ko" sabi ko sa kanya "oo, siya si Isabella ang dating Isabella na namatay noon, ang kasintahan dati ni.." di nalang niya tinuloy. "Alam ko, ni Julian" sabi ko sa kanya na niyuko nalang niya ang ulo niya "gagawin ng kapatid ko ang lahat para lang makabalik dito at ang paghihiganting matagal na niyang gustong makamit" sabi ni Dyosang Lucille sa akin. "Ibig sabihin nito ang katawang lupa na gagamitin ni Hilda ay ang dating nobya ni Julian noon? Paano nila ito nagawa kung kasama ni Julian si Isabella sa museleyo?" takang tanong ko.

"Ang Aklat ng Dilim ay me kakayahang gumawa ng kahit ano, Isabella" sabi niya sa akin "kinwento sa akin ni Una ito, kaya siya nakarating sa gubat namin dahil sa Aklat na yun" dagdag niya. "Marami palang kayang gawin ang Aklat ng Dilim, me iba pa ho ba kayong impormasyon tungkol sa librong ito?" tanong ko sa kanya "hindi masyado kinukwento ni Una ang aklat na yun pero isa lang ang babala niya" sabi niya "ano po yun?" tanong ko "me Aninong nagmamasid sa paligid at naghihintay ng pagkakataong mabawi ito" sabi niya "Anino?" tanong ko. "Oo, isang Anino na matagal ng sumusunod sa kanya kahit saan man siya magpunta" kwento niya "ibig sabihin nasa paligid lang namin ang Aninong ito?" tanong ko "oo, mag-ingat kayo Isabella, hindi lang si Hilda at ang mga Aswang niya ang makakalaban niyo, pati narin ang dilim ng Aklat na hawak nila" babala ni Dyosang Lucille sa akin na dahan-dahan narin itong nawala.

Binuka ko ang mga mata ko at nakita ko ang kisame ng banyo, naramdaman kong gumaling na ang katawan ko at nung umahon ako nakita kong nawala na ang pasa at sugat sa katawan ko. Lumabas ako ng banyo at nakita ko sa kama ang armor ni Lala at sa tabi nito ang espada ni Dyosang Lucille "salamat mahal na Dyosa at wag kayong mag-aalala, habang nasa loob ko ang liwanag niyo hinding-hindi ko hahayaan mananalo ang dilim" pangako ko sa kanya at nagbihis na ako. Lumabas ako ng palasyo at kita kong malapit na palang lumubog ang araw "ate!" tawag sa akin ni Elizabeth na nakahanda na itong bumyahe pabalik ng Quezon City.

"Ok ka na ba?" tanong niya sa akin "oo, ok na ako sis, nasaan sila?" tanong ko sa kanya "nandun nakapila na ang lahat, handa na para sa mangyayari mamaya" sabi niya kaya naglakad kami papunta dun at sinalubong kami ng mga kasamahan namin. "Kumusta ang lagay mo, Isabella?" tanong sa akin ni Haring Narra "maayos na po ako, kamahalan" sagot ko sa kanya sabay yuko ko sa harapan niya "mabuti! kakailanganin namin ang lakas mo" sabi ni Ingkong Romolo sa akin. "Makakaasa po kayo, Ingkong Romolo, Haring Narra, Haring Helius at manang Zoraida" sabi ko sa kanila na napangiti sila sa akin maliban kay Haring Helius na inisnaban lang ako.

Tumingin kaming lahat sa lumubog na araw at nung dumilim na ang paligid siya naman ang pagliwanag ng mga Engkanto at naglabasan na din ang mga tutubi na siyang nag-ilaw sa amin. "NAPAPANAHON NA PARA TAPUSIN NATIN ANG GYERANG ITO" sigaw ni Haring Narra "ALAM KONG NATATAKOT KAYO, AAMININ KO PATI DIN AKO NAKARAMDAM NG TAKOT HINDI DAHIL SA KALABAN KUNDI SA SIGURIDAD NG ATING MUNDO!" dagdag niya. "KAHIT ANO MAN ANG MANGYARI MAKAKAASA KAYO NA HINDI KAYO NAG-IISA, DILIM, LIWANAG MAGKAKASAMA TAYO HANGGANG SA HULI!" sabi niya sa lahat ng hukbong.

Tinaas ni Ingkong Romolo ang espada niya "TANDAAN NIYONG LAHAT, IBIBIGAY KO ANG BUHAY KO PARA SA KALIGTASAN NG LAHAT! WAG KAYONG MAG-ALALA BAWAT LOBO SA TABI NIYO AY NAKAHANDANG MAMATAY PARA SA INYO!" sabi ni Ingkong Romolo sa kanila "HAH! HAH! HAH!" sigaw ng lahat ng mga Lobo. Humakbang sa harap si Haring Helius at tinaas niya ang dalawang kamay niya na nagdulot ito ng liwanag sa ibabaw ng hukbong. "DILIM ANG HAHARAPIN NATIN PERO, WAG KAYONG MAG-AALALA KAMI ANG MAGGAGABAY SA INYO SA DILIM NA YUN!" sabi ni Haring Helius na tinaas ng lahat ng sundalong Engkanto ang mga kamay nila at lumiwanag pa lalo ang paligid.

"Haring Narra, Haring Helius, Ingkong Romolo at Heneral Zoraida, nakahanda na po ang lahat" balita ni Hen. Dante sa kanila "kung ganun, pagpalain sana tayo ng mga Dyosa ng gubat" sabi ni Haring Narra. "Helius!" sabi ni Haring Narra na tumango ito "porta oberta (gate open)" sabi ni Haring Helius at me bumukas na apat na portal sa harapan ng apat na hukbong na pumwesto na ang apat na lider sa kani-kanilang grupo. "Pagpalain kayo ng buong may kapal!" sabi nila sa isa't-isa bago nila binigay ang utos para pumasok sa loob ang mga sundalo nila "ate!" tawag sa akin ng kapatid ko "mag-ingat ka sis, Kap. Hernan ingatan mo ang kapatid ko" bilin ko sa kanya "wag kang mag-aalala Isabella" sabi niya sa akin at pumasok na sila kasama sila sa hukbong ni Ingkong Romolo.

Nagpadala ng tauhan ang tatlong Hari sa Quezon City para maghanda sa pagdating ng mga sundalo, apat na matatanda at dalubhasang Engkanto sa paggamit ng kapangyarihan nila at walong bantay na Lobo. "Sige simulan na natin" sabi nung lider ng grupo kaya pumwesto na yung apat na Engkanto sa apat na sulok ng syudad at tinaas nila ang mga kamay nila na biglang nagkaroon ng di makitang pader ang buong syudad at tinakpan ito. Biglang dumating ang apat na babaeng Engkantada at ginamit nila ang kapangyarihan nila para tawagin ang buong populasyon ng syudad, sa loob ng mga gusali biglang tumigil sa pagtatrabaho ang mga tao at bigla silang tumayo at parang zombie silang naglakad pababa ng gusali.

Sa daan biglang huminto ang mga sasakyan, mga pedestrian bigla nalang tumigil at naglakad palabas ng syudad, mga tao sa mall sunod-sunod silang lumabas sa exit at parang nagmamarcha silang lahat palabas ng Quezon City. Ang mga Lobo naman ang sumusurbe sa lugar para masigurong wala ng Mortal o taong natitira sa lugar, umalolong ang mga inutusang Lobo at nung narinig ito ng lider nila. "Ibalita mo sa kanila na handa na ang lahat dito!" sabi niya sa isang Engkanto na biglang umilaw ang mata niya at biglang me umliaw sa apat na sulok ng syudad at doon lumabas ang apat na hukbong.

Nung dumating na ang lahat agad nagreport ang lider ng grupo kay Haring Narra "kamahalan, nakahanda na po ang lahat" balita niya "magaling, pumwesto kana sa grupo mo" utos ni Haring Narra. "Massusunod kamahalan" sagot niya at bigla itong nawala, tinaas ni Haring Narra ang kamay niya "SUGOD!" sigaw ng Heneral niyang si Acaccia at sabay nagsigawan ang mga tauhan niya at tumakbo sila papunta sa gusali. "HMP! Inunahan ako ni Narra" sabi ni Haring Helius na tinaas din niya ang espada niya at agad sumugod ang mga tauhan niya pati din si Ingkong Romolo at mga tauhan niya. "Isabella" tawag ni manang sa akin na sumakay na kami sa ibabaw ni Dante "SUGOD!" sigaw ko sa lahat kaya umabante kami papunta sa gusali namin.

Sa ibabaw ng gusali, "hehehehe.. paparating na sila" natutuwang sabi ni Marawi "alam niyo na ang gagawin niyo" sabi ni Lorenzo sa lahat ng Bailan na nakaluhod lang sa likuran nila ni Marawi. "Wala pa ang anak mo, Lorenzo" sabi ni Marawi sa kanya "hmmm..." lang si Lorenzo "akin nalang ang isang ito" sabi ni Marawi sa kanya na lumingon sa kanya si Lorenzo "ikaw ang bahala" sabi ni Lorenzo sa kanya. "Maraming salamat, Pinuno!" nakangiting sabi ni Marawi na bigla itong tumalon paalis sa gusali at sumunod sa kanya ang kalahati ng tauhan nila, naglakad si Lorenzo sa kabilang side ng gusali at lumingon ito sa mga tauhan niya na nagsitayoan narin sila "TARA NA!" sigaw ni Lorenzo sabay talon niya pababa ng gusali at sumunod sa kanya ang natitirang sundalong Bailan para harapin ang mga kalaban.

"Kamahalan!" tawag ng isang taong Puno kay Haring Narra na nakita nila ang nagliliparang mga manananggal sa ibabaw ng gusali at bigla itong bumaba para atakihin sila, yumanig din ang daan na dinaanan nila dahil sa magkahalong maligno, aswang, kapre at tikbalang na papalapit sa kanila. "MAGHANDA KAYO!" sigaw ni Haring Narra na sininyasan niya ang isa sa Engkanto at tumira ito ng puting ilaw sa ibabaw para ipaalam sa lahat na makakalaban na nila ang mga aswang. "Kay Haring Narra galing yun!" sabi ni manang Zoraida "MAGHANDA NA KAYO!" sigaw ko sa kanila na hinanda na nila ang mga armas nila at doon nakita namin ang maraming aswang na sasalubong sa amin. "WAG KAYONG MATAKOT! PARA SA LIWANAG!" sigaw ni manang Zoraida at nakasagupa na namin ang mga aswang.

"Si Narra at ngayon si Zoraida, nasaan na ang kalaban!" sabi ni Ingkong Romolo na bigla nalang nabasag ang mga salamin ng gusali at doon naglalabasan ang mga aswang at mga ibang maligno para atakihin sila. "HAHAHAHA ITO NA SALAMAT AT NAGSILABASAN NA KAYO!" natutuwang sigaw ni Ingkong Romolo na naging Lobo siya at umalolong siya para ipagbigay alam sa lahat na magsisimula na ang labanan. "HAH!" sigaw ng lahat at umabante silang lahat at naglaban, samantala sa grupo ni Haring Helius huminto muna sila sa isang lugar habang naghihintay "kamahalan, naglaban na po ang tatlong grupo laban sa mga aswang" balita ng tauhan niya "alam ko" sagot ng Hari na tinaas niya ang kamay niya at nagbukas siya ng portal "maghanda kayo, magiging madugo ang labanang ito" sabi ni Haring Helius at pumasok sila sa loob ng portal.

Pinana ng mga Engkanto ang mga manananggal habang hinihiwa naman ng mga Lobo gamit ang kuko nila ang mga maligno at ibang aswang sa lupa "WAG KAYONG TUMIGIL, ABANTE!" sigaw ni Dante na binabaril ko ang mga manananggal at ibang aswang na lalapit sa amin. Bigla nalang yumanig ang lupang kinatatayoan namin at nakita namin sa kabilang kanto ang tatlong malalaking aswang at mabilis itong tumakbo papunta sa amin. "AKIN SILA!" sigaw ni Hen. Dante kasama nito ang mga tauhan niyang Lobo at sila ang humarap sa tatlong higanting aswang "Isabella!" tawag sa akin ni manang habang nagpapalit ako ng magazine at lumapit ako sa kanya "gamitin mo na ang espada mo, wag ang baril mo" sabi niya sa akin "kampante ako dito manang" sabi ko sa kanya na umiling lang siya at hiniwa niya sa kalahati ang isang aswang "GAMITIN MO NA YAN!" sigaw niya sabay abante niya.

Pinagdikit ng mga taong Puno ang mga palad nila at lumabas ang malalaking puno sa lupa at napigsa nila ang mga aswang na umabante sa amin nung tinamaan ito, ganun din ang ginawa ni Haring Narra at mga tauhan nila. "AAAWWWWWOOOOOOOOOOOO!!!!" umalolong ang isang Lobo na parang me babala ito sa mga kasamahan niya "Dante?" takang sabi ko dahil bigla nalang siyang tumigil sa kakatakbo pati narin ang buong lahi ng Lobo. "AAHHH!! Isa.... AAHHHH...." napasigaw nalang si Dante at nakita kong bigla nalang bumagsak ang mga Lobo at naging tao uli sila "DANTE ANO ANG NANGYARI SA INYO?" tanong ko sa kanya dahil tinatakpan nilang lahat ang mga tenga nila at tila sumasakit ang tenga nila.

"I...INGAY... ITIGIL NIYO NA ANG INGAY NA ITOOOO!!!" sigaw ni Dante na kita kong nangingiyak sa sakit ang mga taong Lobo "ano ang nangyari sa kanila, Isabella?" tanong sa akin ni manang Zoraida. "Hindi ko po alam manang" sagot ko sa kanya dahil pati ako nagugulohan sa pangyayaring ito "ingay.. sobrang sakit..." sabi nung isang Lobo na napa-isip ako bigla "manang.." tawag ko sa kanya "alam ko na, Isabella" sabi niya sa akin na napatingin kami sa gusali at nakita namin ang maraming aswang na lumabas mula nito. "MGA KAWAL, DEPENSAHAN NIYO ANG MGA LOBO" utos ni manang sa mga tauhan niya. "Isabella, ikaw na ang bahala sa sitwasyon ng mga Lobo" utos niya sa akin "masusunod manang!" sagot ko at sinamahan ako ng dalawang Engkanto at tumakbo kami papunta sa gusali.

Habang papalapit na kami sa gusali namin nakita namin si Kap. Hernan at kapatid kong nakikipaglaban sa mga aswang "ELLI!" tawag ko sa kanya nung napatay niya ang kalaban niya "ATE!" sagot niya. "Alam niyo ba ang nangyayari ngayon sa mga Lobo?" tanong ko sa kanya habang magkasama na kaming papunta sa gusali namin "oo ate, alam ko kung paano ito pipigilan" sagot niya "papunta na kami doon sa gusali niyo, Isabella" sabi sa akin ni Kap. Hernan. "Kung ganun, kayo na ang bahala" sabi ko sa kanila na agad nagbukas ng portal si Kap. Hernan at pumasok silang dalawa ng kapatid ko at tumigil kami at nagmasid sa paligid.

"Isabella" tawag sa akin ng isang Engkanto "oh shit!" napamura nalang ako dahil nakita ko ang apat na Bailan na papalapit sa amin "lumayo kana Isabella, kami na ang bahala sa kanila" sabi nung isa pang Engkanto. "HINDI! sabay-sabay natin silang harapin" sabi ko sa kanilang dalawa na nilagay ko sa likod ang M16 ko at hinugot ang espada ko "maghanda kayo!" sabi ko sa kanila "OO" sagot nila pareho. Mabilis tumakbo ang mga Bailan na nakita namin malapit na sila sa amin ng biglang napatalsik sila nung me mga malalaking punong lumabas sa tinatahakan nila kaya napalingon kami sa likuran namin at nakita namin ang anim na Taong Punong gumawa nito "nandito kami!" sabi nung isa "maraming salamat!" natutuwang sabi nung isang Engkanto na kita kong pinapawisan na ito dahil siguro sa takot.

Samantala sa Isla, sinusuot na ni Julian ang binigay sa kanya ng matanda "kasyang-kasya sa akin to ah?" sabi ni Julian "ginawa talaga yan para sa'yo" sabi ng matanda sa kanya "maraming salamat po" sabi niya. "Makisig" sabi ng matanda "ano po?" tanong ni Julian "Makisig ang pangalan ko" sabi ng matanda "ok ang pangalan niyo ah?" nakangiting sabi ni Julian "tandaan mo, dalawang pinuno ng Kuro ang haharapin mo" sabi ni Makisig. Naging seryoso ang mukha ni Julian "alam ko po" sagot niya "sa ngayon ang alam ko si Lorenzo ang namuno sa kanila" balita ni Makisig "siya ang dapat kong talonin para makuha ko ang mga Bailan?" tanong niya.

"Oo, pero kailangan mo munang ilayo si Marawi sa kanya" sabi ni Makisig "paano ko sila paghihiwalayin para ma solo ko ang ama ko?" tanong ni Julian "kailangan mo ang tulong nila, yun ang payo sa akin ni Una" sabi ni makisig. "Sila?" tanong niya sabay turo ni Makisig sa dibdib ni Julian "ang natitirang tauhan niya ang makakatulong sa'yo" sabi ni Makisig "paano ko sila makukumbinsi?" tanong ni Julian. Tumayo si Makisig at naglakad ito papunta sa puntod at kinuha ang lumang espada at bumalik ito kay Julian "ito" pinresenta ni Makisig ang lumang espada kay Julian "ano ang gagawin ko sa lumang espadang ito?" tanong ni Julian.

"Kalahati yan sa kapangyarihan na kailanganin niyo para matalo niyo si Hilda" kwento ni Makisig "kalahati? bakit, nasaan ang kalahati nito?" tanong ni Julian "na kay Isabella" sabi ni Makisig na nagulat si Julian. "Na.. nakay Isabella?" gulat na tanong niya "oo, magmadali ka dahil ngayon nasa gitna na sila ng labanan ngayon" sabi ni Makisig kay Julian "bakti hindi niyo sinabi sa akin kanina?" inis na sabi ni Julian. Nagmamadali siyang sinuot ang kapa niya at ibang mga gamit niyang pandigma "aalis na po ako" sabi ni Julian kay Makisig "wag mong kalimutan ito" sabi ni Makisig sa kanya "lumang espada?" tanong ni Julian na hinampas ito ni Makisig at nagbago ito. "Whoa!" sabi nalang ni Julian "ano ngayon?" nakangiting sabi ni Makisig kaya inabot ito ni Julian at nilagay niya ito sa likuran niya.

Nagbukas ng portal si Makisig at nagtaka si Julian "hindi naman ito ang tamang lugar" sabi ni Julian sa kanya "kausapin mo sila, bago ka pumunta sa gyera" sabi ni Makisig sa kanya. "Ito ba ang sabi ni Una?" tanong ni Julian "oo" sagot ni Makisig kaya nagpaalam na si Julian at naglakad na ito papasok sa portal. "Tandaan mo ang sinabi ko, bata" paalala ni Makisig sa kanya "opo, Makisig" sagot ni Julian na pumasok na siya sa portal. Nakita ni Julian ang nakahelerang mga bahay at gumalaw ang espadang nasa likod niya "naiintindihan ko, pinunong Una" sabi ni Julian na agad niyang tinungo ang bahay na sinasabi sa kanya ng espada.

"MAGING ALERTO KAYO!" sigaw ko sa kanila dahil paparating na uli ang panibagong pangkat ng mga aswang habang nakakalaban ng mga Taong Puno ang mga Bailan "Isabella!" tawag sa akin ng isang Engkanto. Napatingin ako sa itaas at nakita kong me naglalaban sa kabilang gusali malapit lang sa amin "sina Elizabeth at Kap. Hernan yan!" sabi ko sa mga sundalo namin na hawak ko na ngayon ang espada ko at umabante kami para salubongin ang mga aswang. Nakipag espadahan si Kap. Hernan sa mga aswang habang gamit naman ni Elizabeth ang M16 niya na me grenade launcher ito at pinagbabaril niya ang mga manananggal. "Hernan, bigyan mo ako ng opening!" sabi ni Elizabeth sa kanya "masusunod!" sagot ni Kap. Hernan na umabante siya at sumunod sa kanya si Elizabeth.

Nung nakakuha na ng opening si Elizabeth agad niyang kinuha ang bazoka sa likuran niya at tinuon niya ito sa tore ng communication tower na nasa rooftop ng gusali nila at nung kinalabit na niya ito lumipad ang missile papunta dun. Pero di ito nagtagumpay dahil sinakripisyo ng isang manananggal ang buhay niya para di ito matamaan "SHIT!" napamura si Elizabeth dahil wala na siyang reserbang bala para sa bazoka niya. "Wala ng ibang paraan" sabi ni Elizabeth sa sarili niya na nakita siya ni Kap. Hernan na dumaan sa likuran niya at tumakbo ito papunta sa dulo ng rooftop at tumalon ito. "ELIZABETH!!!" sigaw ni Kap. Hernan sa takot na agad niyang sinundan si Elizabeth na ngayon ay nasa kalahati na ng layo sa gusali nila at agad niyang kinalabit ang gatily ng grenade launcher niya at tumama ito sa haligi ng communication tower at sumabog ito.

"YES!!!" sigaw ni Elizabeth at doon lang niya naalala na wala pala siyang pakpak para lumipad kaya napasigaw siya sa takot "AAAHHHHH!!!" ELIZABETH!" tawag sa kanya ni Kap. Hernan na nagbukas ito ng portal at sinalo si Elizabeth nung malipat na ito sa fifth floor. "ANDITO AKO!" sabi sa kanya ni Kap. Hernan "TANGA! BABAGSAK TAYO!" sigaw ni Elizabeth sa kanya na nagbukas ng isa pang portal si Kap. Hernan at pumasok silang dalawa. Nagulat nalang ako nung biglang sumulpot ang dalawa sa likuran ko at gumulong pa ito "ELLI! KAP. HERNAN!" tawag ko sa kanilang dalawa "MISSION ACCOMPLISHED SIS!" sigaw ni Elizabeth na nakita naming bumagsak ang communication tower namin "Isabella, mabuti-buti na ang kalagayan ng mga Taong Lobo" balita sa akin ng isang Engkanto.

Narinig naming umalolong ang mga Taong Lobo kaya napangiti ako "GOOD WORK YOU TWO!" sabi ko sa dalawa na ngayon ay nakapatong sa ibabaw ang kapatid ko kay Kap. Hernan "COME ON! LETS MOVE!" sigaw ko sa dalawa na agad tumayo ang kapatid ko at si Kap. Hernan at umabante kaming lahat. "ISABELLA!" sigaw ni manang sa akin na nakasakay na siya ngayon sa isang Lobo "MANANG!" tawag ko sa kanya "ISABELLA ANGKAS NA!" sigaw ni Dante sa akin kaya sumakay ako sa kanya "maraming salamat, Isabella!" sabi niya sa akin "hindi ako Hen. Dante, ang kapatid ko at si Kap. Hernan ang gumawa nito" sabi ko sa kanya. "Maraming salamat sa inyong dalawa" sabi nung Lobong sinakyan nilang dalawa "walang anuman yun, magkakampi tayo" sabi ng kapatid ko at umabante na kami.

Nakaabnte narin sila Haring Narra at bumalik narin sa pagiging Lobo ang mga ibang tauhan niya "magaling!" sabi ni Haring Narra na napatigil ang mga tauhan niyang nasa unahan "BAKIT?!" sigaw niya. "Kamahalan, Bailan!" sagot ng isang Lobo "maghanda kayo" sabi ni Haring Narra na nakita niyang pinagtataga ang mga tauhan niya na kahit marami silang umatake sa kanila napapatay parin sila at nalalagasan ang mga tauhan niya. Pinagdikit ni Haring Narra ang mga palad niya pati narin ang mga tauhan niyang Taong Puno at lumabas mula sa lupa ang maraming punong kahoy at pinapalibutan nito ang mga Bailan.

Biglang sumabog ang mga punong pinalibot nila sa mga Bailan at nakita nilang lumaki ang mga katawan nito "SUGOD!" sigaw nung isang Bailan at umabante sila, gumamit ng mga portal ang mga Engkanto at sumulpot sila sa likod ng mga Bailan at inatake nila ito. Pero bigo silang patayin ang mga Bailan dahil mabilis silang nakailag sa mga atake nila at sila pa tuloy ang napatay ng mga Bailan "LUMAYO KAYO SA KANILA!" sigaw ni Haring Narra sa mga tauhan nila. "UMABANTE KAYO!" sigaw ng isang Bailan kaya umabante sila "ano ang gagawin natin, Haring Narra?" tanong ng isang Engkanto sa kanya "lakas niyo ang loob niyo" lang ang nasabi ng Hari at siya na mismo ang umabante para harapin ang mga Bailan "SUGOD!" sigaw ng isang Taong Puno kaya sumunod sila kay Haring Narra.

Samantala lumabas sa portal si Haring Helius kasama ang mga tauhan niya malapit sa hagdanan ng gusali "mabuti ito't walang kalaban" sabi niya ng bigla nalang bumukas ang pinto at naglabasan ang maraming aswang. "AAAHHHH!" sumigaw siya sa galit at hinugot ng mga tauhan niya ang mga armas nila at sumugod silang lahat, nagkasalubong sila at agad silang naglaban na marami silang napatay na aswang pero di rin nagpatalo ang mga ito at nalagasan din ang mga tauhan ni Haring Helius. Dumami ang mga napatay nilang aswang ng biglang nagbago ang takbo ng sitwasyon nung sumulpot ang limang Bailan at mabilis itong gumalaw at napatay ang ibang mga tauhan ni Haring Helius.

"MGA PESTI KAYO!" sigaw ng Hari na sinugod niya ang isang Bailan at naglaban sila, nung nakita ito ng kasamahan niya sumali ito sa kanila ni Haring Helius at dalawang Bailan na ngayon ang kalaban niya. "MAHAL NA HARI!" sigaw ng isang Engkanto na agad silang tumakbo para tulongan ang Hari nila habang ang mga Taong Lobo at Puno ay abala sa mga aswang at Bailan na kalaban nila. Bumalik na sa sarili niya si Ingkong Romolo at umabante narin sila papunta sa gusali "WAG NIYONG IHINTO ANG LABAN! ABANTE!" sigaw niya sa mga tauhan niya na maraming bangkay ng aswang at mga maligno silang iniwan sa daan.

Nakalaban ni Haring Narra ang isa sa mga Bailan na umatake sa kanila at natalo niya ito nung napugotan niya ito ng ulo kaya nagalit sa kanya ang mga Bailan at sinugod siya nito "WAG!" bigla silang huminto nung marinig nila ito. Dumapo sa likuran nila si Lorenzo na agad nilang binigyan daan para makaharap si Haring Narra "kumusta kana, kaibigan?" tanong ni Lorenzo sa kanya na tinaas ni Haring Narra ang espada niya "wag na nating paabotin pa ito sa patayan, Lorenzo" sabi ng Hari. "Patwad kaibigan, kagaya ng sinabi ko sa'yo hindi namin kontrolado ang katawan namin" sabi ni Lorenzo sa kanya na hinugot niya ang espada niya.

Naghanda narain ang mga Bailan sa likuran niya pati narin ang mga tauhang nasa likod ni Haring Narra naghanda narin sila "wala na bang ibang paraan para maiwasan natin ito? magkaisa tayong labanan ang dilim?" tanong ni Haring Narra. Tinaas ni Lorenzo ang espada niya at dumapo sa likuran nila ang maraming aswang at naghanda din itong lumaban "wala ng ibang paraan pa, Narra" sabi ni Lorenzo "kung ganun....... SUGOD!" sigaw ni Haring Narra "ABANTE!" sigaw din ni Lorenzo at pareho silang umabante at naglaban sila. "AKO ANG BAHALA KAY LORENZO!" sabi ni Haring Narra sa mga tauhan niya "HAH!" sigaw nila "AKIN SI NARRA!" sigaw ni Lorenzo sa mga tauhan niya "HAH!" ganun din ang mga tauhan niya at nag-abot sila ni Haring Narra at naglaban sila na lumagpas lang sa kanila ang mga tauhan nila at naglaban din ito.

Hiniwa ko sa katawan ang isang aswang at napatay ko ito "BAILAN!" sumigaw ang isa sa mga kasama ko at nakita ko ang anim na Bailan na umabante sa lokasyon namin "MANANG!" tawag ko sa kanya. "Kami na ang bahala sa kanila Isabella" sabi ni Dante sa amin na umabante ang maraming mga Lobo at mga Engkanto para kalabanin sila pero nanatili ang ibang mga Taong Puno para sa proteksyon namin. Tuloy lang kami sa labanan ng biglang me bumagsak na isang tao mula sa itaas dahilan kaya napatapon ang mga kasamahan namin, yung iba nahiwa ng espada niya "sino?" gulat kong tanong at doon lang namin nakita kung sino nung nawala na yung alikabok sa paligid niya.

Nakangiti itong nakatingin sa akin "kumusta kana, binibini?" tanong niya sa akin "sino ka?" tanong ko "ako lang naman ang isa sa pinuno ng Kuro, ako si Marawi" pakilala niya sabay yuko ng ulo "Marawi?" nagulat ako dahil malakas ang tao... Read More


About the Author :

Joined: February 5, 2014 (2 years old)
Writings: 114

Send PM · Male · Offline

1 comment   0 favorite   1,158 views