Harapin Ang Liwanag! Chapter XXIII

July 29, 2015 (1 year ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Supernatural, Sci-Fi and Fantasy | Tags:

Chapter XXIII: Four Sisters!

Nung gabing yun, nagtipon kaming lahat sa labas ng palasyo ni Haring Narra at naghanda siya para sa aming lahat "gulay nanaman?" tanong ng kapatid ko na natawa lang ako sa kanya "sama ka sa amin Elizabeth" yaya ni Dante sa kanya. Umupo siya sa grupo nila kasama si Kap. Hernan at kita kong natuwa ang kapatid ko sa hinanda ng mga Lobo "ito ang tamang pagkain" sabi ng kapatid ko na natawa lang si Haring Narra at Ingkong Romolo "pasensya na po kayo sa kapatid ko talagang mahilig lang talaga yan sa karne kahit nung bata pa kami" sabi ko sa kanila. "Wala yun Isabella, natutuwa kami't nasiyahan siya sa hinanda namin" sabi ni Haring Narra.

Nagkasiyahan, nagkatuwaan, nag-tatalo at sumasayaw sila sa harap ng malaking apoy na para bang wala ng katapusan ang gabing ito kaya sinulit nila ang sinag ng buwan na ngayon ang bilog itong nakasinag sa buong kagubatan. Nakita kong tumingin si Ingkong Romolo sa buwan at pinikit nito ang mga mata niya "sana biyayaan tayo ng lakas ng mahal na Dyosang si Luna sa pagsalakay natin bukas" sabi niya. "Anak ka niya, nanggaling kayong lahat sa kanya Romolo, sigurado akong biyayaan niya kayo ng lakas kagaya sa pagbigay biyaya ng mahal na Dyosa naming si Gaia" sabi ni Haring Narra na humawak ito sa lupa at me sumibol na maliit na bulaklak.

"Pffftt.. wag kayong magdrama lalo na sa gabing ito" sabi ni Haring Helius na uminom ito ng alak at tumingin ito sa mga tauhan niya "ipakita niyo sa kanila na matatag kayo, dahil sa atin sila kumukuha ng lakas, kung ipakita niyo sa kanila na me pangamba kayo sa pagsalakay natin baka mawala ang lakas ng loob nilang sumabak bukas" paliwanag ni Haring Helius. "Hindi mangyayari yun, Helius! Kilala ang mga Taong Lobo sa tapang at lakas nila (sabay tayo ni Ingkong Romolo at tinaas ang baso niya) HINDI BA!" sigaw niya "HAH!" nagsigawan ang mga Taong Lobo. "Hahahaha pagdating sa basagan ng bungo maaasahan talaga kayo, Romolo" natatawang sabi ni Haring Narra.

"Haayy.. wag muna intindihin ang mga yan Isabella, nakainom na kasi" sabi ni manang sa akin na natawa lang ako at nakita kong nag-eenjoy yung kapatid ko kasama sina Dante at nakita ko ding parang naiilang si Kap. Hernan sa kanila. "Ganito kami noon nung nabubuhay pa ang mga Bampira" sabi ni manang sa akin "ganun po ba?" tanong ko "oo, noon si Lorenzo ang nagpasimuno sa ganitong okasyon noong nagsisimula pa siyang maging Heneral ng hukbong ni Reyna Lucia" kwento ni manang. "Ah si Lorenzo, masyadong makulit din ang taong yun, naalala ko noon nung maliliit pa kami kahit nasa gitna siya ng pag-eensayo nila ni Hen. Amistad nakuha pa niyang tumakas para maglaro kami dito sa gubat" kwento ni Haring Narra na kita kong napangiti ito.

"Matalik talaga kayong magkaibigani ni Lorenzo noon, Haring Narra" sabi ko sa kanya "oo, kahit na nung umupo na siyang maging pinuno ng Kuro di parin nawawala ang kakulitan niya" napangiti ang Hari. "Naalala ko noon pinapauna niya si Aristas sa gubat para linlangin akong nandun na siya pero pagdating ko doon sa malaking batong tinatambayan namin noon wala pala ito" natatawang sabi ni Haring Narra "yun pala, nasa likuran ko na pala ito para gulatin ako" natatawa lang kami. "Hindi ko din makalimutan ang ginawa niya sa akin noon nung nilagyan niya ng pulang tinta ang buntot ko" sabi ni Ingkong Romolo "tuloy nahihiya akong maging Lobo baka kasi pagtawanan ako ng mga tauhan ko" dagdag ni Ingkong sa amin na malakas nang tumawa si Haring Helius.

"Hhmmm... naalala ko noon, ewan ko ba kung paano siya nakapasok sa kaharian ko" sabi ni Haring Helius "me puno kasi kaming sa palasyo ko lang ito tumutubo at ang prutas nito ay walang kapantay sa kahit anong prutas dito sa mundo" kwento ni Haring Helius. "Namataan ko lang isang araw na sinusungkit ni Lorenzo ang dalawang bunga nito at mabilis itong nawala, nalaman ko nalang na binigay pala niya kay Lucia ang prutas na ito regalo niya sa ika dalawang taon nila" napangiti si Haring Helius. "Pilyo, makulit, manunugkit at manggugulat, nagpapasimuno minsan sa gulo ng grupo at mapagmahal na tao, yun ang Lorenzo'ng nakilala namin noon" sabi ni manang sa akin.

"Yun Lorenzo ngayon?" tanong ko na natahimik lang silang apat "ganun pa din siya kahit bangkay na siyang gumagalaw ngayon" sabi bigla ni Romualdo "me karanasan ako sa abilidad niya, kung hindi niyo naitatanong siya ang nagbigay ng sugat na ito sa kanang pisngi ko" kwento niya sa amin. "HMP! Magaling na mandirigma ang mga Bailan, kaalyado natin sila noon... pero..." putol ni Ingkong Romolo "... kalaban na natin sila bukas" dugtong niya na tinaas nito ang baso niya. "Para sa ating lahat! Para sa kinabukasan ng sanglibutan, para sa mga mahal natin at pati narin sa mga Mortal!" sabi ni Ingkong Romolo na tinaas namin ang mga baso namin "naway, biyayaan tayo ni Dyosang Luna, Gaia at ni Liwayway sa pagsubok na haharapin natin bukas!" "HAH!" sigaw naming lahat at uminom kami.

Pawis na pawis at nagkaroon ng maraming sugat ang katawan si Julian habang nag eensayo siya sa loob ng kweba, sinusunod niya ang nakasulat sa pader ng kweba "kailangan kong matotonan lahat ito para sa kaligtasan ng lahat pati narin kay Isabella" sabi niya sa sarili niya. Akala niya kasi siya lang mag-isa ang mag-eensayo sa loob ng kweba ang hindi niya alam me nakatira pala sa loob nito, mga Anino ng mga sinaunang Bailan na nagtatago sa loob ng kweba na hindi nakalabas nung sumapit ang trahedya sa buong Isla ng Kuro. Sila ang nakakalaban ni Julian sa loob ng kweba at sila din ang nagbigay ng mga sugat niya ngayon sa katawan.

Nakaupo sa harap ng apoy ang matanda habang inaayos nito ang kahoy para hindi ito mamatay "tingin mo ba makakaya niyang labanan ang dalawa?" tanong ng matanda na bigla nalang sumulpot si Una at umupo ito sa harapan niya. Nginitian siya nito "tandaan mo, kahit kelan hindi nag-iisa ang batang yan" sabi ni Una sa kanya "pero.... hindi basta-basta ang makakalaban niya bukas" sabi ng matanda. "Alam ko, ang ama niyang prodohiya at ang matalinong si Marawi" sagot ni Una "isa lang ang stratehiya ang nakikita ko" dagdag ni Una na tumingin sa kanya ang matanda "hiwalayin silang dalawa?" tanong ng matanda "oo" sagot ni Una.

"Paano niya ito magagawa, yung hukbong na yun hindi sapat para kalabanin ang mga Bailan at ang mga Aswang sino pa ba ang tutulong sa kanya para magawa niya yan?" tanong ng matanda ngumiti si Una na kinainis ng matanda. "Sabihin mo na!" inis na sabi ng matanda na tumayo si Una at tumalikod ito sa kanya at lumutang ito papunta sa tabing dagat "Una?" tawag ng matanda na sinundan niya ito at tumayo sa tabi niya. Nakita niyang tiningnan ni Una ang palad niya at nilagay niya ito sa dibdib "alam mo na kung sino" sagot ni Una sa kanya na napatingin nalang ang matanda sa malayo "tingin mo ba, makukumbinsi niya sila?" tanong ng matanda. "Tumitingin parin sila sa pinaggalingan nila, kung lalapitan niya sila sigurado akong ang espiritu ni Lucille na mismo ang kakausap sa kanila" sagot ni Una.

Samantala sa loob ng kweba, nakakalaban ni Julian ang mga dating mga Bailan at sa huling gabing ito nakukuha na niya ang mga galaw at taktika ng mga espiritung nakakalaban niya. "Alam kong magagawa ni Julian ang lahat" sabi ni Una na nakikita niyang nakikipaglaban si Julian sa loob ng kweba. "Paano kung hindi sila papayag?" tanong ng matanda kay Una "hindi mangyayari yun, tandaan mo nasa loob ni Julian ang Reyna nila" sagot ni Una. "Yun na nga mahal na Pinuno, wala na sa pisikal na mundo ang Reyna nila bakit pa sila susunod sa kanya?" pagdadalawang isip ng matanda na nilagay ni Una ang kanang kamay niya sa balikat ng matanda at nginitian niya ito.

"Noon pa man, kinukwestyon mo na ang kahalagahan ng pamilya kaya ka itinakwil ng pamilya mo dahl dyan" sabi ni Una sa kanya na napayuko nalang ang ulo ng matanda "hindi ka dapat magdadalawang isip lapitan ang pamilya mo dahil sila ang makakatulong sa'yo sa oras ng kagipitan" payo ni Una sa kanya. "Wala na sila" sabi ng matanda na hinarap siya ni Una at nilagay niya ang dalawang kamay niya sa balikat nito "Makisig, magtiwala ka sa kakayahan ng pamilya mo" sabi ni Una sa kanya na tumingin sa kanya si Makisig "patawad, mahal na Pinuno" sabi niya "si Julian ang natitirang Bailan sa angkan mo, dapat magtiwala ka sa kanya kagaya ng tiwalang iniwan ni Lorenzo at Lala sa kanya" sabi ni Una sa kanya na ngumiti si Makisig at tumingin sa direksyon ng kweba.

"Patawad mahal na Pinuno kung nagkakaroon ako ng.... " pinutol siya ni Una "naiintindihan kita, nakita natin ang kasaysayan ng mga Bailan" sabi ni Una sa kanya "siya ang magbabago nito at magbibigay ng tamang daan para sa ating mga Bailan" dagdag ni Una. Tinaas ni Makisig ang kamay niya at pinikit niya ang mata niya "nararamdaman kong nahanap na niya ang tinutukoy ko" sabi nito na bigla nalang gumalaw ang lumang espada sa ibabaw ng mesa sa loob ng palasyo ni Haring Narra. "Huh?!" nagulat nalang ako nung narinig ko ito "bakit Isabella? Me problema ba?" tanong ni manang Zoraida sa akin "ah.. wala po manang, teka lang po babanyo lang ako" paalam ko sa kanya at nag excuse din ako sa tatlong hari at nagmamadaling pumasok sa loob ng palasyo.

Pagpasok ko sa loob ng silid kung saan nakalagay ang espada nagulat nalang ako dahil nakalutang itong nakatayo sa ibabaw ng mesa "ano!?" gulat kong sabi na napatingin ako sa paligid at sa labas ng silid. Dahan-dahan ko itong nilapitan at hinugot ko narin ang baril ko baka kasi me kung anong malignong nasa paligid ko, nung malapit na ako bigla nalang itong lumutang palapit sa akin kaya napaatras ako at tinutok ang baril ko sa espada. "SHIT!" napamura nalang ako dahil lumapit na talaga sa akin ang espada kaya sa napaatras pa ako lalo hanggang sa napasandal na ako sa pader at babarilin ko na sana ito ng biglang huminto ito sa limang talampakan mula sa akin.

"Si..sino ka?" tanong ko sa espada "ano ang kailangan mo?" sunod kong tanong na umiikot lang ito ng mahina "sumagot ka!" sabi ko na bigla itong tumigil at dahan-dahan itong lumutang palapit sa akin. "Sino ka sabi?!" sabi ko na tinutok ko uli ang baril ko at kakalabitin ko na sana ang gatilyo ng bigla itong lumipad papunta sa akin at nahiwa nito ang baril ko na agad kong nabitawan at lalo akong napasandal sa pader sa takot. Tumigil ang espada at nakalutang lang ito sa harapan ko na abot kamay ko na ito "ahh..ano ang kailangan mo bakit mo ako tinatawag?" tanong ko na ewan ko ba kung bakit hindi ako humingi ng tulong sa mga tauhan ni Haring Narra.

Lalong lumapit sa akin ang espada at isang talampakan na itong nakalutang sa harapan ko "teka... gu..gusto mo bang?" takang tanong ko dahil nakaharap sa akin ang hawakan nito kaya dahan-dahan ko itong inabot at nagdadalawang isip pa akong hawakan ito. Dahan-dahan kong inabot ang espada at nung ilang inches nalang ang kamay ko sa hawakan nito bigla nalang itong lumapit dahilan kaya nawahakan ko ito at nakaramdam ako ng panghihila sa katawan ko at sisigaw na sana ako ng biglang hinigop ako papasok sa loob ng espada. "AAAAAAHHHHHHHHH!!!" napasigaw ako habang hawak ko ang espada, madilim ang paligid kaya natakot ako at nagsisigaw, maya-maya lang ay nakadapa ako sa lupa at biglang lumiwanag ang paligid.

"Aray..." sabi ko nung naramdaman kong sumakit ang tyan ko sa lakas ng pagbagsak ko sa lupa pero napatigil nalang ako nung me nakita akong paa sa harapan ko "....." di ako nakapagsalita dahil sa takot. Dahan-dahan kong tinaas ang ulo ko na nakita kong nakasuot ito ng puting damit at nung nakita ko ang mukha nito biglang nawala ang takot ko dahil sa ma ganda at maamong mukha nito lalo pa nung ngumiti siya. Agad akong bumangon habang hawakan ko parin ang espada, tumingin ako sa kanya at sa paligid "wag kang mag-alala ligtas ka dito" sabi niya sa akin "na... nasaan ako?" tanong ko sa kanya na tumingin ako sa kanya at nagulat nalang ako nung nagsalita ito. "Nandito ka sa paraiso ko" sabi niya na di gumalaw ang bibig nito at boses lang ang narinig ko sa kanya.

"Hihihi.." narinig kong tumawa ito pero di gumalaw ang bibig niya "nagtataka ka kung bakit di gumalaw ang bibig ko?" tanong niya sa akin na kinagulat ko "ba... bakit mo alam?" takang tanong ko sa kanya. "Nababasa ko ang isipan mo" sabi niya sa akin kaya napaatras ako "wag kang matakot Isabella, gaya ng sabi ko kanina walang mangyayari sayo dito" sabi niya sa akin na direkta pala niyang sinasabi sa isipan ko. Tumingin siya sa espadang hawak ko kaya inangat ko ito para makita niya ito ng maayos at kita kong ngumiti siya at tumalikod ito sa akin "sumunod ka sa akin, Isabella" sabi niya kaya sumunod ako sa kanya.

"Sino ho ba kayo? Bakit mo ako dinala dito?" tanong ko sa kanya "hindi ako ang nagdala sa'yo dito" sabi niya sa akin kaya napakamot ako sa ulo ko "kung hindi ikaw, sino?" tanong ko sa kanya na huminto siya sa tapat ng malaking puno. "Siya!" turo niya sa malaking puno at nakita ko ang mukha nito "nagagalak akong makita kang muli, Isabella" sabi nung mukha ng babaeng nasa puno "mu. muli?" takang tanong ko sa kanya. "Maliit ka palang kasi noon nung una tayong nagkita at hindi ito ang anyo ko noon" sabi niya sa akin na bigla nalang lumiwanag ang puno at biglang naging tao ito katulad sa ginawa ni Haring Narra.

"Maliit ka palang noon nung nakita kitang naglalaro sa gubat" sabi niya sa akin "ako yung babaeng tumulong sayo nung nagkaroon ka ng sugat sa tuhod" sabi niya sa akin na biglang bumalik sa isipan ko ang nangyari noon. "I..ikaw yung magandang babae na gumamot sa tuhod ko?" gulat na tanong ko sa kanya na nginitian niya ako at tumango ito "oo ako yun, Isabella" sabi niya sa akin "naalala ko noon, me nakita akong malalaking aso kaya ko tumakbo dahil natakot ako sa kanila" kwento ko. "Pasensya kana kung tinakot ka ng mga alaga ko, Isabella" sabi bigla ng isang babae na bigla nalang itong sumulpot sa likuran ko.

"Hindi kasi pangkaraniwang pumapasok ang isang Mortal sa gubat namin" dagdag niya "kaya kita tinulongan noon dahil nakita kong kasalanan ito ng kapatid kong si Luna" sabi nung babaeng puno. "Teka.. Luna...wag niyong sabihin..." napatakip nalang ako sa bibig ko at tumayo sa tabi nung babaeng puno yung bagong dating na babae "oo, tama ka Isabella, ako si Gaia ang Dyosa ng mga Puno" pakilala niya. "Ako si Luna ang Dyosa ng Buwan at nga mga Hayop sa gubat" pakilala niya sa akin na biglang me lumabas na malaking aso sa likuran niya "at ito naman si Misaro ang unang Lobong" pakilala niya "patawarin mo ako hindi ko sinadyang takotin ka, Isabella" sabi nung Lobo sa akin.

Me biglang lumiwanag sa bandang kanan ko at me lumabas na magandang babae "siya naman si Liwayway, ang Dyosa ng mga Engkanto" pakilala ni Gaia "at ang nag-iisang Dyosang palaging huli sa pagpupulong" sabi ni Luna. "Tumahimik ka Luna" sabi ni Liwayway sa kanya "patawarin mo kami kung ganito kami kung umasal, Isabella" paumanhin ni Gaia sa akin "ah.. wa.. wala po yun.." sabi ko sa kanya. Lumapit sa akin si Liwayway at sa tangkad nito nakatingala ako sa kanya "ito ba yung batang tinulongan mo noon, Gaia?" tanong ni Liwayway sa kanya "oo, siya yung iyaking bata na nakita natin sa gubat" sagot ni Luna habang hinihimas nito ang ulo ng alaga niya.

"Hmp! Maganda ang kinahinatnan ng batang ito" sabi ni Liwayway sa akin "bata?" takang tanong ko "pagpaumanhin muna si Liwayway, Isabella" sabi ni Gaia sa akin na nakita kong tumayo si Liwayway sa kaliwa niya habang nasa kanan naman niya si Luna. "Luna, pwede pakisabi sa alaga mong maligo naman siya naaamoy ko ang baho niya kahit sa kabilang dimensyon" sabi ni Liwayway sa kanya "baka sarili mong amoy ang naaamoy mo, Liway" sagot ni Luna na hinarap siya ni Liwayway at tinuro siya nito "kung makapagsalita ka akala mo sino kang mabango!" galit na sabi ni Liwayway sa kanya. "Tumahimik kayong dalawa" sabi ni Gaia "si Luna ang nauna hindi ako.." "SABING TUMAHIMIK KAYO! nasa harap natin si Isabella" ngumiti si Gaia sa akin.

"HMP! Kung nakinig sana kayo sa akin hindi sana nangyari ang gulong ito!" sabi ni Liwayway sa kanila na nakita ko ang katauhan ni Haring Helius sa kanya "nangyari na ang nangyari Liway, wala na tayong magagawa kundi ayusin ito" sagot ni Luna. "Tumahimik kayo!" sabi ni Gaia sa kanila na natahimik nalang ang dalawa "paumanhin po sa inyo, pero ano po ang kinalaman ko sa inyong tatlo?" tanong ko sa kanila. "HAAA?! Seryoso ba ang batang ito?" takang tanong ni Liwayway "hay naku Liway, kung makapagsalita ka parang kahapon lang ang ginawa nating pakikipag-usap sa kanya noon" sabi ni Luna sa kanya. Nakita kong napailing nalang si Gaia at tumingin siya sa akin sabay taas ng dalawang kamay niya at me lumabas na malaking kahoy sa paanan ko at sa kanya at pareho kaming napaangat at iniwan namin sa baba ang dalawang kapatid niya.

"Mabuti dito at makakapag-usap tayo ng maayos" sabi ni Gaia sa akin "HOY! GAIA!" tawag nung dalawa sa kanya nung tiningnan ko sila nakita ko ang babaeng naggiya sa akin kanina at nasa tabi lang ito ng isang puno habang tumitingin ito sa amin. "Sino ho ba siya?" tanong ko kay Dyosang Gaia "siya ang bunso naming kapatid, si Lucille" pakilala niya "SIYA SI LUCILLE?!" napasigaw kong sabi na napangiti sa akin si Dyosang Gaia. Tinaas niya ang isang kamay niya at biglang me kahoy na lumabas sa kinatatayoan ni Lucille at umangat din siya papunta sa amin "HOY! GAIA PAANO KAMI?!" sigaw ni Liwayway "dyan muna kayo" sabi ni Dyosang Gaia sa kanila "HMP! IKAW KASI LUNA ANG TIGAS NG ULO MO!" sabi ni Dyosang Liwayway sa kanya "ANONG AKO?! IKAW YUNG SOBRANG MAKULIT AT KONTRABIDA DITO!" sagot ni Dyosang Luna.

"Haayyy..." nalang si Dyosang Gaia at tinaas pa nito ang mga kahoy na tinayoan namin at di na namin narinig ang dalawa, nakita kong tahimik lang si Lucille at tila mahiyain ito "pasensya kana kung mahiyain ako, Isabella" sabi niya bigla sa akin. Naririnig pala niya ang isipan ko "oo, naririnig ko" sabi niya sa akin "Lucille, nag-usap na tayo tungkol nito hindi ba?" sabi ni Dyosang Gaia sa kanya. "Patawad Panganay, patawad din sa'yo Isabella" sabi niya na ngayon ay narinig ko na ang boses niya "ah..wa... walang anuman yun, Dyosang Lucille" sabi ko sa kanya na kita kong ngumiti ito. Bigla nalang umangat ang dalawa pa nilang kapatid at napalibutan na nila ako, ang tatangkad nilang apat tantya ko nasa sampung talampakan ang taas nila "hmp!" narinig ko galing kay Dyosang Liwayway.

"Tapos na kayong dalawa?" tanong ni Dyosang Gaia sa kanila "hahahaha pasensya kana Isabella kung ganito kami" natatawang sabi ni Dyosang Luna "bilog kasi ang buwan kaya ganyan umasal ang kapatid ko" sabi ni Dyosang Liwayway na tinaas ni Dyosang Luna ang kamay niya "LUNA!" sigaw ni Dyosang Gaia sa kanya "siya kasi!" sabi ni Dyosang Luna "tumigil kayong dalawa!" sabi ni Dyosang Gaia sa kanila. "Alam niyong hindi ako ang nauna kundi siya" sabi ni Dyosang Liwayway na tinaas uli ni Dyosang Luna ang kamay niy ng biglang me malaking apoy ang dumaan sa kanilang dalawa kaya nagulat sila at natahimik bigla.

"LUCILLE!" sigaw nilang dalawa "hindi nababagay sa inyong dalawa ang umasal ng ganyan" sabi ni Dyosang Lucille sa kanila "wala kang karapatang gawin yun Bunso!" sabi ni Dyosang Liwayway "TUMAHIMIK KAYO!" galit na sigaw ni Dyosang Gaia sa dalawa. Ipinaglayo ni Dyosang Gaia ang dalawa at pareho silang tumalikod sa isa't-isa "haayyy.. pasensya kana Isabella" sabi ni Dyosang Gaia sa akin na di tuloy ako makapagsalita. Parang hindi sila ang mga Dyosang binanggit o kinwento sa amin ng tatlong Hari, napansin kong nakatiingin lang sa akin si Dyosang Lucille at ngumiti ito "mataas lang kasi ang respeto nila sa amin kaya ganun nalang ang sinabi nila sa'yo" sabi niya sa akin. "Mawalang galang na po sa inyong apat" pasimula ko "nahaharap po kasi kami ngayon sa isang kalamidad na ikakabura naming lahat kung hindi namin ito mapipigilan" patuloy ko.

"Noon pa man sinabi ko na sa inyo ito pero di kayo nakinig sa akin" sabi bigla ni Dyosang Liwayway "noon yun, iba na ngayon Liway" sabi ni Dyosang Luna "pwede ho bang malaman kung ano yun, Dyosang Liwayway?" tanong ko sa kanya. "HMP! Sinabi ko sa kanila noon pa na itakwil ang Mortal na yun pero hindi sila nakinig sa akin" kwento niya "wala namang ginawa sayo si Una bakit mo siya itatakwil?" bulalas ni Dyosang Lucille. "Tandaan mo Lucy, dahil sa'yo at sa Mortal na yun nawala sa atin si Hilda!" galit na sabi ni Dyosang Liwayway sa kanya "malapit kasi si Liway at si Hilda kaya ganyan siya kung ipagtanggol ito" sabi ni Dyosang Luna sa akin.

Natahimik sila bigla na parang naalala nila si Hilda "tama na yan!" sabi ni Dyosang Gaia "nangyari na ang nangyari, ang importante ang ngayon hindi noon" dagdag niya "Isabella" tawag sa akin ni Dyosang Lucille na lumutang ito palapit sa akin. Tinaas niya ang kamay niya na biglang lumutang ang espadang hawak ko at lumapit ito sa kanya "ang espadang ito ay binigay sa akin ni Una" kwento ni Dyosang Lucille. "Siya mismo ang gumawa nito nung nasa kalagitnaan kami ng labanan" kwento niya "paano niya ito ginawa?" tanong ko sa kanya "binunot niya ang dalawang buto niya sa dibdib at binugahan niya ito ng apoy kaya naging hugis espada ito at ito ang kinalabasan nun" kwento niya sa akin.

Nakita kong hinawakan niya ang hawakan nito at hinampas niya ito sa kaliwa na biglang tumalsik ang mga kalawang nito, hinampas niya ito sa kanan at biglang nagbago ang anyo ng espada at luminis ito. Tinaas niya ito sa ere at biglang lumiwanag ito na para bang nasa harapan kami ng araw sa sobrang sinag nito "ito ang kalahati sa espada ng alamat, Isabella" sabi ni Dyosang Lucille sa akin na napatakip ako sa mata ko sa sobrang sinag nito. Binaba ito ni Dyosang Lucille at nawala na ang sinag nito at nakita kong parang bagong gawa ito at nawala na yung kalawang nito, nilagay niya ang espada sa mga palad niya at pinresenta ito sa akin.

"Ang espadang ito ang makakatulong sa inyo sa pagsugpo sa dilim ni Hilda" sabi ni Dyosang Lucille sa akin "HMP!" narinig namin galing kay Dyosang Liwayway "bakit pa natin sila tutulongan? Hindi na natin laban ito" sabi ni Dyosang Liwayway. "Sa atin nag-umpisa ang lahat Liway, kaya responsibilidad nating tulongan sila" paliwanag ni Dyosang Gaia "responsibilidad natin? kung hindi dahil sa Aklat na yun hindi magiging ganito ang sitwasyon nating lahat!" galit na sabi niya kay Dyosang Gaia. "Teka.. anong Aklat ho ba?" tanong ko sa kanila "ang tinatawag niyang Aklat ng Dilim!" sabi ni Dyosang Liwayway na kinagulat ko nung marinig ko ito.

"A... Aklat ng Dilim?" gulat kong sabi "oo, ang Aklat ng Dilim ang nagbigay ng katawang Mortal sa kapatid namin si Hilda" sabi ni Dyosang Luna "sinabi ko na sa inyo noon na hindi maganda ang pagdating ng Mortal na yun sa gubat natin dahil nararamdaman kong me madilim na nakaraan ang taong yun!" galit na sabi ni Dyosang Liwayway sa kanila. "Alam namin Liwayway!" sagot ni Dyosang Luna sa kanya "teka lang po, ang kwento nila kasi galing sa mga Aswang ang Aklat ng Dilim kaya nila ito binabawi?" takang tanong ko sa kanila. "Hindi galing sa kanila ang aklat na yun, Isabella" sabi ni Dyosang Gaia na tumingin silang tatlo kay Dyosang Lucille na niyuko nito ang ulo at tumingin ito sa akin.

"Ang totoo niyan kay Una talaga ang Aklat na yun, sa umpisa binaliwala ko ito dahil alam kong mabuti siyang tao pero hindi ko maiwasan ang dilim na sumusunod sa kanya" kwento niya "ano po ang ibig niyong sabihing dilim?" tanong ko. "Parang me bumubuntot sa kanyang Anino" sabi ni Dyosang Luna "nararamdaman ko din ito, kaya sinabihan ko si Lucille na iwasan na niya ang taong yun" sabi ni Dyosang Liwayway. "Anino? Baka siguro Anino lang talaga niya yun katulad sa akin na me Anino dahil sa sikat ng araw o sa liwanag ng..." "hindi ganyan ang Anino ang tinutukoy ko, Isabella" putol sa akin ni Dyosang Liwayway.

"Ang Aninong tinutukoy ng kapatid ko Isabella ay parang masamang espiritung sumusunod sa kanya" sabi ni Dyosang Lucille sa akin "wala ni isa sa amin ang alam ng buong pagkatao ni Una, pero nararamdaman namin na parangnanggaling siya sa isang madilim na parte ng mundo" kwento ni Dyosang Gaia. "Isang mundong puno ng digmaan" sabi ni Dyosang Luna "kaya nung ibinigay ko sa kanya ang kalahati ng kapangyarihan ko wala akong nakitang pagpigil o ano mang pagtutol ng katawan niya dahil kusa niya itong tinanggap na para bang sanay na ito sa kapangyarihan" kwento ni Dyosang Lucille.

"Nakakapagtataka nga ang pangyayaring yun dahil alam naming walang Mortal ang maaaring makakahawak sa kapangyarihan namin" sabi ni Dyosang Luna "parang natural lang kay Una ang kapangyarihan ko" sabi ni Dyosang Lucille. "Sa kinukwento niyo po, parang sinasabi niyong kapareho niyo si Una at hindi siya Mortal" sabi ko sa kanila na nagkatinginan silang apat "parang ganun na nga, Isabella" sagot ni Dyosang Gaia. "Hindi katulad namin si Una!" bulalas ni Dyosang Liwayway "paano niyo po nasabi yan, Dyosang Liwayway?" tanong ko sa kanya "dahil sa Aninong nasa likuran niya" sagot nito sa akin "Anino, baka ordinaryong Anino lang ito" sabi ko "hindi Isabella" sabi ni Dyosang Gaia.

"Nung binawi ko ang kapangyarihan ni Lucille sa kanya me nararamdaman akong parang me humihila sa kapangyarihan na binawi ko sa kanya" kwento niya sa akin "totoo yun Isabella, nung ibinigay ko kay Una ang kapangyarihan ko me parang ibang nilalang ang tumanggap nito" kwento ni Dyosang Lucille. "Yung Anino ho ba ang tinutukoy niyo?" tanong ko "oo, isa pa hindi dapat maging ganun ang anyo ni Una" sabi niya "anong anyo?" tanong ko "ang maging isang Bampira!" sagot niya na kinagulat ko. "Ano ho ba dapat ang maging anyo niya?" tanong ko sa kanya na tinaas niya ang kamay niya at biglang me usok na lumabas sa harapan ko at me taong lumabas mula nito "ganito dapat!" sabi ni Dyosang Lucille at nakita ko ang taong tinutukoy niya.

"Ba...Bailan?" gulat kong sabi na nakita kong napakunot ang noo ni Dyosang Lucille "Bailan yan ah?" sabi ko na biglang lumapit sa akin si Dyosang Lucille at nilapit ang mukha nito sa mukha ko "hindi Bailan ang tawag sa kanya!" inis na sabi nito sa akin. "Lucille, pagpasensyahan mo na si Isabella, hindi niya alam ang tungkol sa salitang yan" pagpigil sa kanya ni Dyosang Gaia "pa..patawad ho kung me nasabi akong masama" paumanhin ko sa kanya na narinig kong tumawa sino Dyosang Luna at Liwayway. "Isabella, ang ibig sahini ng salitang yan ay isinumpang nilalang, sa amin nanggaling ang salitang yan" paliwanag sa akin ni Dyosang Luna.

"Si Hilda ang nagtawag kay Una na Bailan, isinumpa siya ni Hilda dahil sa pagtanggi nitong maging kabiyak niya" kwento sa akin ni Dyosang Liwayway "patawad Dyosang Lucille, hindi ko po kasi alam na yun pala ang ibig sabihin sa salitang yun" paumanhin ko sa kanya na tumayo ito at ngumiti sa akin. "Wala yun Isabella, pasensya narin sa inasal ko" sabi niya sa akin at tumingin ako sa espadang nasa palad niya "ito ang espadang ginamit niyo nung tinalo niyo si Hilda?" tanong ko sa kanya na inabot niya ito sa akin at tinanggap ko ito. "Kalahati lang yan sa kapangyarihan na kakailanganin niyo, Isabella" sabi ni Dyosang Lucille sa akin.

"Nasaan ang kalahati nito?" tanong ko sa kanya "na kay Una!" sagot ni Dyosang Liwayway "na kay Una? kung nasa kanya paano ko ito makukuha kung matagal na siyang wala dito sa mundo?" tanong ko sa kanila. "Ang huling supling ni Una ang magdadala nito, Isabella" sabi ni Dyosang Lucille "pag-isahin niyo ang dalawang espada para mabuo ang espada ng alamat" dagdag niya "mga kapatid ko, nararapat narin na ibigay natin ang tulong na kailanganin ng mga tauhan natin" sabi ni Dyosang Gaia. "HMP!" lang ang narinig namin galing kay Dyosang Liwayway "Isabella, ito ang buto ng aking puno, ibigay mo ito kay Narra" sabi ni Dyosang Gaia at lumutang ito at dumapo ito sa palad ko "ang butong yan ay makakapagbigay ng kakaibang kapangyarihan niya" dagdag niya.

"Ibigay mo ang pangil na ito kay Romolo, makakapagbigay lakas ito sa kanya" sabi ni Dyosang Luna "hindi na niya kailangan ang sinag ng Buwan para maging Lobo" dagdag niya. "HMP! Ito naman ang bolang cyrstal" sabi ni Dyosang Liwayway na lumutang ito sa palad ko at naramdaman ko ang lamig nito "kailanganin yan ni Helius kung lalabas ang pinto ng dilim, manghihina ang isang Engkanto pagnasa harapan nila ang pintoang dilim" paliwanag niya "makakapagbigay lakas yan sa kanya, ang sinag ng cyrstal na yan ay ang sinag din ng puso ko" dagdag niya. "Isabella" sabi ni Dyosang Lucille na lumapit siya sa akin at ipinatong ang kanang hinlalaki niya sa noo ko.

"Tanggapin mo ang lakas ko, ito ang kapangyarihang ibinigay ko noon kay Una na ngayon ay ibibigay ko sa'yo" sabi niya na bigla nalang akong nakaramdaman ng lakas at parang gumaan ang katawan ko. "Pansamantala kong ipapagamit sa'yo ito at para narin magamit mo ng buo ang kapangyarihan ng espada ko" dagdag niya "maraming, maraming salamat sa tulong na binigay niyo sa amin" sabi ko sa kanila. "Hindi, kami dapat ang magpasalamat sa'yo Isabella" sabi ni Dyosang Gaia sa akin "paalam Isabella, magtagumpay ako sa laban niyo bukas" sabi ni Dyosang Luna sa akin na dahan-dahan na itong nawala. "HMP! Sana magtagumpay kayo bukas" sabi ni Dyosang Liwayway sa akin na nawawala narin ito "salamat, Isabella" sabi ni Dyosang Gaia na pati ito nawawala narin.

Makalipas ang sandali nawala na ang tatlo at naiwan kaming dalawa ni Dyosang Lucille, hinawakan ko ang espada na nagtaka ako dahil gumaan ito bigla "nasa sa'yo ang lakas at kapangyarihan ko, Isabella" sabi ni Dyosang Lucille sa akin na ngayon ay di na uli gumalaw ang bibig niya. "Maraming salamat po sa inyo, Dyosang Lucille" sabi ko sa kanya "me... babala lang ako sa'yo Isabella" sabi niya "ano po yun?" tanong ko "yung Aninong tinutukoy ko" sabi niya "bakit po?" tanong ko "nasa paligid niyo lang siya" sabi niya sa akin "ano ho ba ang pakay niya?" tanong ko sa kanya "hindi ko alam, pero ang kutob ko siya ang totoong may-ari sa Aklat ng Dilim" sabi niya sa akin.

"Wag po kayong mag-alala kung susulpot man siya kami na po ni Julian ang bahala sa kanya" pasisiguro ko sa kanya na kita kong ngumiti ito "maraming salamat, Isabella" sabi niya sa akin na bigla na din siyang nawawala sa paningin ko. "Tandaan mo, pag-isahin niyo ang dalawang espada para mabuo ang kapangyarihang pipigil kay Hilda" sabi niya sa akin "opo, tatandaan ko yan" sabi ko sa kanya na bigla nalang ding dumilim ang paligid ko at naramdaman ko nalang na bumagsak ako sa sahig ng silid sa loob ng kaharian ni Haring Narra. Tumingin ako sa paligid at nakabalik na pala ako dito kaya agad akong tumayo at bitbit ang espada luambas ako ng palasyo para hanapin ang tatlong hari.

Huling gabi na ni Julian sa kweba at pagkatapos niyang mag-ensayo bumukas na ito at lumabas siyang maraming sugat sa katawan at gutay-gutay ang damit nito "kumusta na, bata?" tanong ng matanda sa kanya. Tinaas ni Julian ang espadang ginamit niya at nung hinampas niya ito biglang nahiwa ang isang puno sampung talampakan ang layo sa kanila "ano po?" nakangiting tanong ni Julian sa kanya "hahahahaha, magaling!" sabi ng matanda sa kanya. "Ang bilis mong matoto tatlong gabi ka palang sa kwebang yun" sabi ng matanda sa kanya "oonga po eh" sabi ni Julian sa kanya na bigla nalang siyang napaluhod at nakaramdaman na siya ng pagod.

Tinulongan siya ng matanda at dinala siya nito sa isang batis kung saan pinalubog niya si Julian "manatili ka muna dyan, bata" sabi ng matanda sa kanya "ano ho ba meron sa tubig na ito?' tanong niya. "Hmm.. ah makakatulong yan sa mga sugat mo" sabi ng matanda "ang sarap sa katawan parang.. gumaan ang katawan ko" sabi ni Julian "hehehe me espesyal na kapangyarihan ang tubig na yan bata, nakakahilom yan ng kahit anong karamdaman, lalo na pagme sugat ka" paliwanag ng matanda sa kanya. "Dyan ka muna at me kukunin lang ako" sabi ng matanda sa kanya na di na siya sumagot kaya hinayaan nalang siya ng matanda at umalis ito.

"Nakita mo ba ang ginawa niya kanina?" sabi ng matanda kay Una "oo, natotonan niya ang teknik kong yun" sabi ni Una "bukas susugod na sila" sabi ng matanda kay Una "alam ko Makisig" sagot ni Una. "Ano ang binabalak mo, Una?" tanong ni Makisig sa kanya na tumingin si Una sa kinakalawang na espada na nakatayo sa pinakataas na tuktok ng Isla "binigay na ni Lucille ang kalahati ng espada kay Isabella, kaya napapanahon narin para ibigay ko kay Julian ang kalahati nito" sabi ni Una. "Hmm.. hindi ko lubos maisip na mabubuo uli ang espadang yun" sabi ni Makisig "akala ko hindi na natin kailangan ang espada ng alamat" dagdag niya.

"Kung pwede lang sana pero sa sitwasyong ito mas higit nilang kailanganin ang kapangyarihan ng espadang yun" sabi ni Una "tingin mo, darating siya?" tanong ni Makisig kay Una na tumingin ito sa kanya. "Sana hindi, sana.. katulad ko nananahimik na siya" sabi ni Una "pero.. hangga't hindi pa niya nababawi ang Aklat ng Dilim na tinakas mo noon alam kong hinding-hindi siya mananahimik" sabi ni Makisig sa kanya. "Hmm..." nalang si Una at tumingin ito sa malayo "kung darating man siya at maghahasik siya ng lagim alam kong (sabay tingin niya kay Julian) pipigilan niya siya lalong-lalo na kung kasama niya ang taong mahal niya" sabi ni Una "me isa pa tayong problema ang dalawang pinuno ng Kuro" sabi ni Makisig.

"Me paraan ang lahat, kaibigan" sabi ni Una "ano naman yun?' tanong ni Makisig "me natitirang kaalyado si Lucia, paglalapitan niya ito alam kong hinding-hindi sila aayaw sa kanya" sabi ni Una. "Pero nangako na silang hindi sila sasali sa gyerang ito?" tanong ni Makisig "oo, gaya ng sinabi ko pagsiya ang lumapit sa kanila hinding-hindi sila aayaw sa kanya" sabi uli ni Una na napailing lang si Makisig. "Sana nga, sige. ihahanda ko ang paglakbay niya bukas" sabi ni Makisig "mas kilala mo si Marawi, Makisig" sabi ni Una na tumingin sa kanya ang matanda "hmp! alam ko, ako na ang bahala sa parteng yan" sabi ni Makisig at umalis na ito. "Lucille, alam kong mahirap paniwalaan pero.. sana sa pagbuo ng espada ng alamat, mabubuo narin ang koneksyon nating dalawa" sabi ni Una sa isipan niya na parang narinig siya ni Lucille dahil lumingon ito sa direksyon niya "Una..." sabi ni Lucille.

Pagkalabas ko ng palasyo nakita ko ang tatlong na nasa mesa parin nila at masaya silang nag-iinuman kaya nilapitan ko sila "paumanhin po sa inyo" sabi ko sa kanila na tumingin sila sa akin. "Ano yun Isabella?" tanong ni Haring Narra sa akin "pwede ho bang makausap ko kayong tatlo?" tanong ko na nagtinginan silang tatlo at tumingin sila sa akin "tungkol sa ano ito, Isabella?" tanong ni Ingkong Romolo. "Sa loob nalang po tayo ng palasyo mag-usap, importanteng-importante po ito" sabi ko sa kanila na una akong umalis kaya agad silang tumayo at sumunod sa akin papasok sa palasyo.

Nung nasa loob na kami ng silid kung saan binalik ng espada ipinaliwanag ko sa kanila ang nangyari sa akin kanina, nakita ko sa mukha nila ang taka at gulat pati narin ang hindi makapaniwalang expression nila. "Teka... paano mo naman nakausap ang mga Dyosa?" tanong ni Haring Helius sa akin "sa pamamagitan ng espadang ito" pinakita ko sa kanila ang dating lumang espada na ngayon ay parang bago na. "Ito ba ang espadang nakuha niyo sa lugar ng mga Bailan?" tanong ni Ingkong Romolo sa akin "opo, ito po yun" sagot ko sa kanya "hindi pala ito espada ng Bailan, ang totoo espada ito ni Dyosang Lucille" kwento ko sa kanila na di sila makapaniwala sa sinabi ko.

"Di ka ba lasing, Isabella?" tanong sa akin ni Haring Helius na natawa naman si Ingkong Romolo "hindi po! sa katunayan me binigay nga sila sa akin para sa inyong tatlo" sabi ko sa kanila at pinakita ko sa kanila ang binigay ng magkakapatid sa akin. Natahimik silang tatlo at napanganga sila nung makita ito "Haring Narra, ito po ang buto sa puno ni Dyosang Gaia" sabi ko sa kanya at binigay ko sa kanya ang butong yun. "Ingkong Romolo, pangil po ito ni Dyosang Luna makakatulong ito sa'yo sa oras na mawala ang sinag ng buwan" paliwanag ko sa kanya at binigay ko tio sa kanya "Haring Helius, ito naman ang bolang cyrstal" sabay abot ko ito sa kanya na napanganga lang siya. "Makakatulong po sa'yo ito sa paglabas po ng pintoan ng dilim" paliwanag ko.

"Pa... paano mo nalaman ang tungkol sa pintoang dilim?" takang tanong niya sa akin "si Dyosang Liwayway po ang nagsabi niyan sa akin" sabi ko sa kanya. Napaupo sa silya si Haring Narra habang tinitingnan niya ang butong binigay ko sa kanya "imposible ito...alam mo ba kung ano ito Isabella?" tanong niya sa akin "ano po, Haring Narra?" tanong ko "buto ito ng pagkabuhay, isa ito sa mga butong itinanim niya noon para mabuo ang gubat na ito" paliwanag niya sa akin. "Ang pangil ni Dyosang Luna hahaha" natawa nalang si Ingkong Romolo "sino ang mag-aakala na matatanggap ko ito mula sa Dyosa ng mga Lobo" dagdag niya.

"Bakit tahimik ka dyan, Helius?" tanong ni Haring Narra "wa.. wala, hindi ko lang lubos maisip na..." di niya tinuloy "na ano?" tanong ni Ingkong Romolo "... wala sa ugali ng Dyosa namin ang magbahagi ng kapangyarihan niya, noon siguro nung nagsisimula pa ang lahat pero... hindi.. hindi ito galing kay Dyosang Liwayway" magdududang sabi ni Haring Helius. "Hindi ako nagsisinungaling sa'yo Haring Helius, ang crystal na yan ay galing talaga kay Dyosang Liway.." "HINDI!" sigaw ni Haring Helius sa akin "HELIUS! ano ang problema mo?" sigaw ni Ingkong Romolo. "Hindi ako naniniwala sa babaeng ito! Mataas ang tingin niya sa aming mga Engkanto at alam niyang mas makapangyarihan kami sa lahat" sabi ni Haring Helius.

"Kaya hindi ako naniniwala sa sinasabi niyang binigay ito ni Dyosang Liwayway dahil me tiwala siya sa kapangyarihan ko at sa aming mga Engkanto!" dagdag ni Haring Helius "hindi dahil binigyan ka ng bagong kapangyarihan ng Dyosa niyo Helius minamaliit na niya kayo" sabi ni Haring Narra. "Nababaliw kana ba Helius?" asar na tanong ni Ingkong Romolo na tinaas ni Haring Helius ang kamay niya pati narin si Ingkong Romolo "MAGSITIGIL KAYONG DALAWA!!!" yumanig ang boses ni Haring Narra sa buong silid at napatigil sila. Naalala ko tuloy ang tatlong Dyosa na di talaga nalalayo ang personalidad nilang tatlo sa tatlong Haring nasa harapan ko.

Nagpaalam nalang ako sa kanila habang nagtatalo parin si Ingkong Romolo at si Haring Helius habang nakahawak nalang sa noo niya si Haring Narra dahil sa inasal ng dalawa. Nakita ko sa labas si manang Zoraida na nakaupo parin ito sa upoan niya at umiinom ito ng alak, nilapitan ko siya at umupo ako sa tabi niya "manang, parang nakarami na ata kayo" sabi ko sa kanya. "Ah hehehe.. maayos lang ako isabella ang totoo niyan hindi ako tinatablan ng ano mang alak" sabi niya sa akin. Kinuha ko yung bote at nagsalin ako ng alak sa baso at ininom ko ito "totoo ba ang narinig ko?" tanong ni manang sa akin "ang alen po?" tanong ko "nagpakita sayo ang apat na Dyosa ng gubat?" tanong niya na tumango ako at kita kong uminom ito ng alak.

"Binigay ko na sa tatlong Hari ang binigay nila sa akin" sabi ko kay manang Zoraida "handa na pala ang lahat para bukas" sabi niya "opo, pati din ako binigyan ni Dyosang Lucille ng kapangyarihan" kwento ko kay manang na napatigil ito sa pag-inom. "Yung espada ba?" tanong niya "oo" sagot ko na nagsalin pa ito ng alak sa baso niya at tinungga niya ito at binagsak pa niya sa mesa ang baso niya at tumayo ito. "Sumama ka sa akin Isabella" sabi niya sa akin na nauna itong umalis kaya in... Read More


About the Author :

Joined: February 5, 2014 (2 years old)
Writings: 114

Send PM · Male · Offline

9 comments   0 favorite   1,339 views