Harapin Ang Liwanag! Chapter XXII

July 29, 2015 (1 year ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Supernatural, Sci-Fi and Fantasy | Tags:

Chapter XXII: Prelude to War!

"Teka, hindi ba napatay si Hilda?" tanong ko kay Ingkong Romolo "oo, napatay nila ni Una at ni Lucille ang katawang lupa ni Hilda pero yung kaluluwa niya ay kinulong nila sa dimensyon ng dilim" paliwang ni Ingkong. "Una, yun yung pangalan na binigay sa amin nung binata" sabi ni Haring Narra "hmp! Imposible ngang si Una yun dahil sampung melinyo ng patay ang taong yun, isa pa hindi na siya makakatapak sa lupang ito" sabi ni Ingkong sa amin. "Bakit?" tanong ni manang Zoraida "dahil sinumpa siya kaya kung babalik siya dito sa lupang ito me masamang mangyayari sa kanya o kay Lucille" kwento ni Ingkong sa amin.

"Ang mga Bailan at Bampira" sabi ko na napatakip ng bibig si manang "hindi ko naman masasabing sumpa nga ang nangyari sa kanila pero yun ang naka saad sa aklat ng kasaysayan namin" sabi ni Ingkong Romolo. "Me nakasulat din ba dun kung paano nila natalo si Hilda?" tanong ni manang "hindi buo ang aklat namin, sa tagal na ng panahon me mga pahina na itong nawawala" sagot ni Ingkong "at least alam na natin kung sino sila" sabi ko sa kanila na napatango si Haring Narra at si manang Zoraida. "Lalabas muna ako at aasikasuhin ko muna ang mga tauhan ko" paalam ni Ingkong Romolo sa amin "Ingkong, yung inalok ko sa inyo kanina" paalala ko sa kanya "oo, walang problema sa akin, sasabihin ko sa mga tauhan ko yan" sabi niya at umalis na ito.

"Matagal na palang me ugnayan ang mga Bailan at mga Bampira" sabi ko "sa sinabi ni Romolo parang ganun na nga" sabi ni Haring Narra "kaya pala sobrang malapit ang mga Bailan at mga Bampira" sabi ni manang Zoraida. "Noon, nung maliit pa tayo akala ko magiging magkaaway si Lorenzo at si Lucia dahil pinakita nila sa atin na di sila magkasundo" kwento ni Haring Narra "yun pala, sa likod nito lihim palang nagkikita ang dalawa" napangiti si manang. "Bakit hindi po sila nagkatuloyan?" tanong ko sa kanila "Bailan si Lorenzo, me batas silang sinusunod at isa pa naka linya siya sa position na magiging pinuno ng Kuro" kwento ni Haring Narra.

"Alam na ni Reyna Lucia noon ang tungkol sa tradisyon at ritwal ng mga Bailan dahil bago palang sila ni Lorenzo pinaalam na niya kay Lucia ang tungkol nito" kwento ni manang "pero...hindi nagbago ang pagmamahal ni Lucia kay Lorenzo kahit alam niyang sa bandang huli hindi sila magkakatuloyan" sabi ni Haring Narra. "Grabe pala ang love story nila" sabi ko "hehehe.. mahal nila ang isa't-isa at naniniwala akong totoo sila sa nararamdaman nila" sabi ni Haring Narra na tumingin ito kay manang Zoraida. Naalala ko tuloy ang sinabi ni Lorenzo sa kanila kaya napangiti nalang ako "bakit Isabella?" tanong sa akin ni manang na umiling lang ako dahil di pala niya napansin na nakatingin sa kanya si Haring Narra.

"Ah lalabas lang muna ako para simulan ko naring turoan ang mga tauhan niyo po Haring Narra paano gumamit ng baril" paalam ko sa kanila "sige Isabella tuloy ka lang" sabi ni Haring Narra sa akin na pansin kong di tumitingin si manang Zoraida kay Haring Narra. Lihim akong natawa sa dalawa dahil pansin kong naging awkward na sila sa isa't-isa, pagkalabas ko ng palasyo sinalubong agad ako ng kapatid ko na ngayon ay naka suot na sa armor niya at me dala na itong M16. "Ano ate, go na tayo?" tanong niya sa akin na kita kong nasa likod niya si Kap. Hernan at me dala din itong M16 "sige, umpisahan na natin ang training" sabi ko sa kanila at sabay na kaming pumunta sa training ground na sinet-up ni Haring Narra para sa amin.

Nung una mahirap turoan ang mga Lobo pati narin ang mga Taong Puno dahil di sila sanay sa ganitong mga armas kaya nakikita kong naiirita na si Elizabeth na kilala sa pagiging mainitin ang ulo paghindi agad makukuha ang instructions niya. "Sis, relax lang" paalala ko sa kanya na huminga ito ng malalim at humarap uli ito sa kanila "once again!" sabi niya na siya yung nagpaliwanag kung paano hawakan at gamitin at paano magpalit ng magazine habang ako naman ang taga demostrate nito. Kita naming nakuha na nila ito kaya binigyan namin sila ng tig-iisang M16 at ibang klaseng mahahabang armas pero di muna namin ito nilagyan ng magazine para hindi masayang ang mga bala at isa pa para safety narin baka kasi mabaril nila ang mga kasamahan nila.

Dumating ang hapon na nakuha na nila kung paano hawakan, itutok at magpalit ng magazine kaya binigyan na namin sila ng live mags at nagsisimula na silang mag target practice na natutuwa naman si Haring Narra at Ingkong Romolo sa pinakita ng mga tauhan nila nung dumalaw sila. "Magaling!" sabi ni Ingkong Romolo "hmm.. tila bihasa na silang gumamit ng mga armas ng Mortal, maganda ito" sabi ni Haring Narra. Dumating si manang Zoraida na pansin kong di niya ata kasama si Jasmine "nasa lolo niya, tinuturoan kung paano gamitin ang kapangyarihan niya ng maayos" sabi niya nung tinanong ko siya tungkol kay Jasmine.

"Isabella, me iba ka pa bang imporamsyon na maidagdag tungkol sa nangyayari ngayon sa lugar niyo?" tanong ni Ingkong Romolo sa akin "yun lang pong nakita naming balita sa tv at sa bolang crystal ni manang" sagtot ko. "Maganda sana kung me iba pa tayong makunan ng impormasyon tungkol sa nangyayari ngayon sa Quezon City" sabi ni Haring Narra na napaisip ako ng sandali at naalala ko si Alan. "Meron ho!" sabi ko agad sa kanila "saan?" tanong ni Ingkong Romolo "hindi saan, kundi sino" sabi ko "sino?" tanong ni manang "yungn kasamahan ko sa presinto, si Alan" sabi ko sa kanila "mapagkakatiwalaan ba natin siya?" tanong ni Haring Narra sa akin "oo" sagot ko sa kanya.

"Kung ganun, kailangan natin siyang makausap" sabi ni Ingkong Romolo "paano?" tanong ko na lumapit sa amin si Kap. Hernan "paumanhin na sa inyo mga panginoon" sabi nito "ano yung Kap. Hernan?" tanong ni Haring Narra. "Kung tungkol sa kasamahan ni Isabella, pwede ho akong makatulong sa inyo" sabi nito na napangiti nalang si Ingkong Romolo "matalino ang batang ito" sabi niya na napangiti si Kap. Hernan. "Kung ganun, papayagan niyo ho ba siyang makapunta dito?" tanong ko sa kanila "kung makakatulong siya sa atin bakit hindi" sabi ni Haring Narra "teka Narra, pag-isipan mo muna ito ng maayos" sabi ni Ingkong Romolo sa kanya.

"Alam ko ang batas na nagbabawal sa Mortal na tumungtong dito pero andito na tayo kaya lubos-lubosin na natin ito at isa pa, kita namang kaibigan natin sila" nakangiting nakatingin sa akin ni Haring Narra. "Salamat po, Haring Narra" sabi ko sa kanya "haayy.. tama ka, sige papayag narin ako" sabi ni Ingkong Romolo na umatras kami kay Kap. Hernan para bigyan siya ng space para magbukas siya ng portal. "Ano ang gagawin niyo?" tanong bigla ni Haring Helius na bigla nalang itong sumulpot sa likuran namin kasama nito si Jasmine "tumahimik ka Helius" sabi ni Ingkong Romolo sa kanya "Romolo, tauhan ko ang yan..." "tama na Helius, hayaan mo na" bara ni Haring Narra na di na siya nagsalita at kita kong nainis pa ito. "Heto na!" sabi ni Kap, Hernan at nagbukas ito ng maliit ng portal "kung handa kana Isabella" sabi niya sa akin.

"Hon! hoy Hon! kanina ka pa dyan!" sabi ng asawa ni Sgt Romero "kakapasok ko lang!" sabi ni Alan na nakaupo ito sa kubeta dala ang Ipad niya "sus, magmadali ka dyan baka ma late ka!" paalala ng asawa niya. "Alam ko" sagot ni Alan "alam ko.. ihahatid ko lang ang mga bata, dapat pagbalik ko tapos kana dyan!" sabi ng asawa niya "oona, sige mag-ingat kayo" sabi niya na umalis na ang asawa niya para ihatid ang mga anak nila. Habang nakaupo sa kubeta tumintingin si Alan sa mga litratong nakuha ng mga tao at pati narin niya tungkol sa itim na ulap sa gusali nina Isabella "ano kaya ito" tanong niya sa sarili niya. "Alan!" nagulat siya nung me narinig siyang tinig na tumatawag sa pangalan niya, inignore niya lang ito baka kasi guni-guni lang niya.

"ALAN!" tawag uli sa kanya na ngayon ay kinakabahan na siya kaya naglinis na siya sa sarili niya at sinuot ang brief at pantalon niya sabay labas nito sa banyo "sino yan? Mirasol, ikaw ba yan?" tanong niya na walang sumagot sa kanya. "Sino kaya.." "Alan naririnig mo ba ako?" biglang me narinig siya na kinagulat niya kaya napatakbo siya sa sala nila at tumingin sa labas baka kasi me nagbibiro lang sa kanya. "Sino yan?! Di niyo ba alam na pulis ako!" sabi ni Alan na kinapa niya ang gilid niya na akala niya nasa holster niya ang baril niya "GAGO!" sigaw ni Isabella na napatigil nalang si Alan "Te.. Tenyente? Ikaw ba yan?" takot na tanong ni Alan "oo, ako ito!" sabi ni Isabella "siya ba?" me narinig na isa pang boses si Alan "tsk ano pa ang hinihintay niyo" me isa pa siyang narinig na tinig na bigla nalang me humawak sa likuran ng polo niya at hinila siya.

"AAAAHHHHH!!" napasigaw si Alan at nakita niyang biglang dumilim ang paligid niya nung patumba siya pero bigla nalang itong lumiwanag nung tumama ang pwet niya sa sahig at nagulat nalang siya dahil wala na siya sa bahay nila. "AAAHHHHHH AAAHHHH" nagsisigaw si Alan kaya nilapitan ko agad siya at sinampal sa mukha kaya natahimik ito "Te. Tenyente?" gulat na sabi niya "gago! tumahimik ka nga!" sabi ko sa kanya na tumingin ito sa paligid. "Shaaaakkk.. ano ang amoy na yun!" sabi bigla ni Ingkong Romolo na napatakip siya sa ilong niya pati narin ang mga Taong Lobo na nasa paligid namin. "Alan, ano ba ang ginawa mo kanina?" tanong ko sa kanya na tumitingin-tingin ito sa paligid "ALAN!" tawag ko sa kanya na tumingin siya sa akin.

"Nag.. ah.. ano ah..." nauutal nitong sabi na napatawa nalang ako "pasensya na kayo" sabi ko sa kanila na tumayo ako "Alan, tumayo ka" sabi ko sa kanya na agad itong tumayo at umatras ito palayo sa amin. "Kumalma ka.. ALAN!" tawag ko sa kanya dahil nagpanic na ito dahil narin sa nakita niyang mga malalaking aso sa paligid niya "Te.. Tenyente.. na.. nasaan ako? Nasaan ako?" tanong nito sa akin "ligtas ka, nasa gubat ka ng mga Taong Puno" sabi ko sa kanya "Ta... Taong Puno.. se..seryoso ka ba?!" gulat na tanong niya sa akin "graaahhh... matatagalan tayo nito" inis na sabi ni Haring Helius na hinarap niya ang kanang palad niya kay Alan at bigla nalang itong napatigil at parang estatuwa itong nakatayo sa harapan namin. "HELIUS!" sigaw ni Haring Narra sa kanya "wala na tayong oras pa, Narra" sabi ni Haring Helius.

"Tenyente.. ano ang nangyari sa akin.." bibig nalang ang gumagalaw kay Alan kahit naawa ako di ko parin maiwasang matawa sa kanya "kumalma ka lang Alan" sabi ko sa kanya habang naglakad ako palapit sa kanya. Tumayo ako sa me kanan niya "ligtas ka dito at sila ang tumulong at tutulong sa atin" dagdag ko "ano.. anong tulong?" tanong niya "alam kong me nakikita kang peligro sa itim na ulap na sumulpot sa gusali namin, hindi ba?" tanong ko sa kanya na nakuha ko ang atensyon niya. "Kaya ka nandito dahil alam kong me alam ka tungkol sa pangyayaring ito dahil kilala kita Alan" sabi ko sa kanya na ginalaw lang nito ang mata niya tumingin sa akin "alam kong iniimbistgahan mo ito" sabi ko sa kanya.

"Kakausapin ko si Haring Helius na bitawan ka basta kumalma ka, ok?" sabi ko sa kanya "o...oo.." sagot niya "Helius" sabi ni Ingkong Romolo kaya binitawan na niya si Alan at bigla nalang umatras si Alan dahil sa takot. Tinaas uli ni Haring Helius ang kamay niya na biglang lumuhod si Alan "wag.. wag.. maawa ka.." sabi nito na humarang ako sa harapan niya "hindi ka nila gagalawin Alan, mababait sila" sabi ko sa kanya. Na kita kong nanginginig parin ito sa takot "Alan, tungkol sa itim na ulap sa gusali namin" sabi ko sa kanya na tumingin ito sa akin "ha... ah.. ano.. ah..." nauutal nitong sabi na di ito makapagsalita. Kaya lumingon ako sa kanila "naiintindihan namin, Isabella" sabi ni Haring Narra na lumayo silang lahat sa amin.

"Ngayon Alan, sabihin mo sa akin ang lahat ng nalalaman mo" sabi ko sa kanya na kita kong bumabalik narin ang kulay sa mukha niya at di na ito namutla "ah.. saan ba ang lugar ito?" tanong niya sa akin. "Lugar ito ng mga Taong Puno, kita mo yun (turo ko sa palasyo) yan ang palasyo ni Haring Narra at itong lugar na ito ang kaharian niya" paliwanag ko sa kanya "..... " blanko lang ang nakikita ko sa mukha ni Alan at bigla nalang itong bumagsak sa lupa at hinimatay. Napansin kong me dumungaw sa me balikat ko at nagulat nalang ako dahil mukha ng malaking aso ang nakikita ko "pwede ko ba siyang... kainin?" tanong nito "Dante!" sabi ko na natawa lang ito at naging tao siya "nagbibiro lang ako Isabella" sabi niya sa akin kaya pala hinimatay si Alan dahil nakita siya.

Itinali nalang namin si Alan sa isang puno habang tinitingnan namin ang mga litratong nakaupload sa iPad niya, nakikita namin na puro litrato ng gusali namin ang nakaupload dito. Merong malinaw at malabong kuha na mga litrato at me video pa ito "panoorin natin" sabi ni Dante kaya pinindot ko ito at pinanood namin ang video. "Nung una maliit lang pala ang ulap tapos ngayon kumalat na sa buong syudad" sabi ni manang Zoraida "aahh.." narinig naming nagigising na si Alan "teka lang" sabi ko sa kanila at nilapitan ko si Alan. "Alan... naririnig mo ba ako?" tanong ko sa kanya na bigla nalang itong napadilat at takot itong nakatingin sa akin "HOY GAGO! AKO ITO!" sigaw ko sa kanya na parang natauhan ito.

"Pa.. pasensya na.. Te.. Tenyente" nauutal niyang sabi "ok lang yun, ok ka na ba?" tanong ko sa kanya na tumingin ito sa ugat na nakabalot sa katawan niya "don't worry ligtas ka, magtiwala ka lang sa akin" sabi ko sa kanya. "A... akala ko.. ku...kwento.. kwento lang ng lolo ko noon nung.. ma.. maliit pa ako..." nauutal niyang sabi "ano ang kwento ng lolo mo?" tanong ko sa kanya na lumapit sa likod ko si Dante at si manang Zoraida. "Tu.. tungkol sa kanila.." turo ng nguso ni Alan sa dalawa "na ano?" tanong ko "mga.. mga maligno.." sabi niya "hindi kami maligno" sabi ni manang Zoraida sa kanya "lalo na ako, hmp!" sabi ni Dante.

"So.. sorry hindi ko naman sinabing.. " sabi ni Alan "wag kana matakot sa amin, Ginoo" sabi ni Haring Narra sa kanya na kinaway lang nito ang kamay niya at natanggal na ang mga ugat na nakabalot sa katawan ni Alan. "Ako si Narra at ito ang gubat ko" pakilala niya sa sarili "ako naman si Romolo, ang Hari ng mga Taong Lobo" pakilala ni Ingkong Romolo "pero ayaw kong tinatawag akong Hari, hindi bagay sa akin" dagdag niya na napailing at napangiti lang si Dante. "Ako naman si Zoraida, isang mangkukulam pero wag kang matakot sa akin hindi ako masamang tao" pakilala ni manang "ako naman si Dante, Heneral ng mga Taong Lobo at ipagpaumahin mo na kanina kung tinakot kita" sabi ni Dante sa kanya na binigay niya ang kamay niya kay Alan.

Nung inabot ito ni Alan agad siyang hinila ni Dante at napatayo na siya "kaibigan, dapat pala hinintay ka muna naming maligo" natatawang sabi ni Dante "Dante!" tawag ni Ingkong sa kanya "patawad, nagbibiro lang ako" nakangiting sagot ni Dante. "Ano Alan, natatakot ka parin ba?" tanong ko sa kanya "hi.. hindi... kanina oo, pero namangha lang ako" sabi niya "bakit?" tanong ni manang sa kanya "gaya ng sinabi ko kanina akala ko kwento-kwento lang ito ng lolo ko noon tungkol sa mga taong katulad niyo para matulog ako ng maaga" kwento niya. "Sasabihin ko sa'yo na totoo kami" sabi ni Ingkong Romolo na tumingin lang siya kay Dante at ngumiti siya.

BIglang nanlaki ang mata ni Alan nung nakita niyang naging malaking aso si Dante at bumalik na din ito sa pagiging tao "ano, naniniwala kana?" tanong ni Dante sa kanya na biglang napahawak sa akin si Alan na parang matutumba ito. "Ligtas ka dito, walang sino mang mananakit sa'yo" pasisiguro ko sa kanya na kita kong napangiti ito at di na takot ang nakikita ko sa mukha niya kundi tuwa "ha..haha.. totoo nga kayo" sabi ni Alan sa amin "teka, bago yan Alan, ano yung mga litratong nakaupload sa iPad mo?" tanong ko sa kanya. "Ah.. oo.. mga litrato yun doon sa gusali niyo Tenyente" sabi niya habang tumitingin siya sa paligid "mga Taong Lobo din ba sila?" tanong niya sa mga kalalakihang nakatayo malapit lang sa amin "yung iba oo, yung mapuputi mga Engkanto yan" sabi ko na napatingin siya sa akin at kita kong nagulat ito.

"Ma.. mga E.. Engkanto?" gulat na tanong niya "ALAN! YUNG PICTURES!" sigaw ko sa kanya na natauhan ito "o.. oo.." sagot niya na naupo kaming lahat at hinintay namin siyang sabihin sa amin ang nalalaman niya. "Pasensya na kung nangangamoy ako hehehe ilang araw na din kasi akong hindi naliligo" paliwanag niya na napailing nalang ako at kita kong pinapahid ang palad niya sa pantalon niya halatang ninerbyos na ito. "Relax ka lang Alan" sabi ko sa kanya na ngumiti lang ito at tumingin sa amin "ok.. ah.. ganito kasi yan naalala mo yung kumpare kong si Ronnie, Tenyente?" tanong niya sa kain "oo, yung pulis Marikina" sagot ko "oo, sa kanya ko unang narinig ito nung nagkita kami nung nakaraang linggo" sabi niya.

"Ano ang sabi niya?" tanong ko "kwento ito ng bayaw niya na nagtatrabaho sa tapat lang ng gusali niyo sa tenth floor ang opisina nila, ang kwento bago daw sumulpot yung itim na ulap me nakita silang babaeng nakatayo sa itaas ng gusali niya" kwento niya. "Me.. babae?" takang tanong ni Ingkong Romolo "oo, saktong alas sais y medya daw itong nakatayo sa ibabaw ng hellipad na parang me tinitinginan ito sa malayo" kwento niya. "Ilang araw nila nakikita ang babae dun?" tanong ko "mga isang linggo din daw kwento ng bayaw niya pero nung lunes hindi na nila nakita yung babae at yung itim na ulap nalang daw ang nakikita nila" kwento niya.

"Me litrato nga ako dito sa iPad ko" sabi niya na pinakita niya sa amin ang litratong nakuha nung bayaw ng kumpare niya pero malabo dahil hindi malinaw ang mukha ng babae "naka itim siya" sabi ni Dante. "Oo, akala nga nila magpapakamatay ito dahil nasa pinakadulo daw ito ng hellipad nakatayo" kwento ni Alan na tiningnan ko ng mabuti ang mukha ng babae pero malabo talaga "teka, Elli!" tawag ko sa kapatid ko na nagpaalam ito sa mga tinuturoan niya at lumapit ito sa amin. "Bakit sis?" tanong niya "sis tingnan mo ito" inabot ko sa kanya ang iPad ni Alan at tiningnan niya ito "sino ito sis?" tanong niya sa akin.

"Hindi mo ba kilala yan?' tanong ko sa kanya "hindi" sagot niya "sigurado ka ba, Elizabeth?" tanong ni manang sa kanya na tiningnan siya ni Elli "me ibig sabihin ka ba manang?" tanong ng kapatid ko na lumapit agad si Haring Narra sa kanila. "Wala, tinatanong lang kita" sagot ni manang Zoraida "Elli tama na!" sabi ko sa kanya "hindi ate eh" sabi niya "alam ko, pagpasensyahan mo na" sabi ko sa kanya "alam kong kilala na ni Alan yan" sabi ko na tumingin ako kay Alan. "Oo" sagot niya "kilala ko itong si Alan hindi mapakali yan paghindi niya malalaman ang totoo" sabi ko sa kanila na natahimik nalang sina manang at kapatid ko. "Sige Alan, tuloy mo" sabi ko sa kanya na ngumiti siya at kinuha ang iPad niya sa kapatid ko.

"Ang totoo niyan, ni research ko talaga ang babaeng ito" kwento niya "ano ang nalaman mo?" tanong ni Ingkong sa kanya "mysteryosa ang babaeng ito, wala akong nakuhang pangalan pero me ideya ako kung sino siya" kwento ni Alan sa amin. Me tiningnan siya sa iPad niya at nung nahanap na niya ito hinarap niya sa amin ang screen at nakita namin ang front page ng isang website tungkol sa mga mysteryoso at nakakakilabot na mga kwento. "Ano yan?" tanong ng kapatid ko "website ito tungkol sa mga mysteryosong tao o lugar dito sa pilipinas" paliwanag niya "bakit mo naman naisipan yan?" tanong ni manang sa kanya.

"Well hehehe.. mysteryoso kasi ang babae kaya napunta ako dito sa site na ito at isa pa po me nakuha akong impormasyon tungkol sa kanya" kwento niya na napatingin kaming lahat sa kanya. "Sabihin mo sa amin" sabi ni Haring Narra "ganito kasi po, me isang blog tungkol sa isang ritwal na ginagawa noon. noon pa" panimula niya "ang ritwal na ito ay ginawaga sa kapanahonang nangyayari ang eklipse" patuloy niya. "Ang eklipse!" sabi ko "ano ang ritwal na ito?" tanong ni manang sa kanya "sabi-sabi o kwento daw ng mga matatanda itong ritwal na ito ay nagbabalik sa kaluluwang matagal ng patay, pero me isang problema" kwento niya.

"Ano?" tanong ko "kailangan ng katawang lupa ang kaluluwang ito at hindi madali ito, dahil ang katawang papasukan ng kaluluwang ito ay dadaan din sa isang ritwal para maging suitable sa kaluluwang papasok sa kanya" kwento ni Alan. "Teka.. parang narinig ko na ito ah?" sabi ni manang sa amin "ano ang ritwal na ito, Zoraida?" tanong ni Haring Helius sa kanya "sa amin ang ritwal na ito" sabi ni manang na nagulat kaming lahat. "Kinwento ito sa akin ng lola kong si Arisa isa sa limang matatandang mangkukulam noon" kwento niya "kung totoo ang sinasabi mo Alan ibig sabihin nito me kaluluwa silang gustong pabalikin dito sa mundo" sabi ni manang.

"Ang kaluluwa ni Hilda" sabi ni Ingkong Romolo "tama, ang parating na eklipse ang pagkakataon nilang maibalik ang kaluluwa ni Hilda dito sa mundo" sabi ni Haring Helius "pero kung walang katawang lupa ang tatanggap sa kaluluwa niya wala din itong silbi, hindi ba?" tanong ng kapatid ko. "Oo, pero sa sinasabi ni Alan sa atin parang meron na silang babaeng nahanap" sabi ni manang sa amin "pero paano yun mangyayari?" tanong ni Alan "bakit, Alan?" tanong ko "kasi ayun sa blog, yung katawang lupa daw ay dapat dumaan sa isang ritwal" kwento niya "so, ano ang problema dun?" tanong ng kapatid ko "dalawang daang taon ang itatagal bago maging handa ang katawan ng tatanggap sa kaluluwang yun" sabi ni manang na sumang-ayon si Alan.

"At ika dalawnag daang taon na sa parating na eklipse?" tanong ng kapatid ko "parang ganun na nga" sagot ni Alan "Narra, Romolo kailangan na nating kumilos" sabi ni Haring Helius "kung balak nilang ibalik si Hilda sa mundong ito kailangan nating masugpo o mapatay ang katawang papasokan niya" dagdag niya. "Alam ko, Helius" sabi ni Haring Narra "kung ganun alam na natin kung saan nila tinatago ang babaeng ito" sabi ni Ingkong Romolo "sa basement ng building namin" sabi ni Elizabeth. "Ah Tenyente, me sasabihin din pala ako sa inyo" sabi ni Alan "ano yun?" tanong ko "simula nung lumabas ang itim na ulap sa itaas ng gusali niyo nagkakaroon ng mahinang lindol ang buong syudad" kwento sa akin ni Alan.

"Ganun ba? Bakit hindi ito ibinalita sa tv?" tanong ko sa kanya "binalita ito nung una pero ang sabi ng Phivolcs wala lang daw ito dahil natural occurance lang daw ito" sagot niya "hindi ba sila nagtataka kung bakit nangyayari ito?" tanong ni manang "hindi" sagot ni Alan. "Meron ka pa bang ibang impormasyon Alan?" tanong ko sa kanya "yan lang nakuha ko dahil pinatigil ni Hepe ang pagimbistiga ko" sabi niya "bakit?" tanong ni Ingkong Romolo "pasensya na pero hindi ko alam, pero... nagtataka ako I mean kilala mo si Hepe di ba Tenyente pagdating sa ganitong pangyayari gusto agad nitong magpa interview" sabi ni Alan. "Bakit ngayon?" tanong ko "baliwala na ito sa kanya na para bang... wala siya sa sarili niya at ito pa" sabi niya.

"Ano?" tanong ko "hindi na siya masyado pumapasok sa presinto na alam nating palagi siyang nakatambay lang sa opisina niya naghihintay ng oras o tawag sa superiors niya" kwento ni Alan "hmm.. kung nagbago bigla ang pamamalakad niya sa pang-araw-araw niyang kilos, ibig sabihi nito" sabi ni Haring Narra. "Sinapian na siya ng aswang" dugtong ko kay Haring Narra na tumango ito "..ibig sabihin nito aswang na si Hepe?" tanong ni Alan "hindi, hawak na ng mga aswang ang katawan niya" sagot ni manang na biglang nagbago ang expression sa mukha ni Alan. "Kailangan nating kumilos!" sabi ni Haring Helius "hmm.. sang-ayun ako kay Helius, Narra" sabi ni Ingkong Romolo "kung nakahanda na ang lahat para sa plano nila, hindi na natin ito paaboting mangyari ang eklipse" dagdag niya.

"Kung ganun, sang-ayun tayong tatlo sa pagsalakay sa lugar ng mga aswang, Helius, Romolo?" tanong ni Haring Narra sa kanila na tumango ang dalawa kaya nakuha namin ang consensus ng tatlong Hari na tumigil ang mga tauhan nila sa pag-eensayo at humarap sa kanila. "Kung ganun, IPINAPARATING KO SA BUONG HUKBONG SA PAGLUBOG NG ARAW BUKAS SASALAKAY TAYO SA LUGAR NG MGA ASWANG!" anunsyo ni Haring Narra na tinaas nilang lahat ang mga sandata nila at sabay silang sumigaw "HAH!". "Isabella, ipakita mo sa amin ang buong lugar na tinatayoan ng gusali niya para malaman natin kung paano natin ito sasalakayin" sabi ni Ingkong Romolo sa akin.

Hiniram ko ang iPad ni Alan at pinakita ko sa kanila ang area kung saan nakatayo ang gusali namin "apat na hukbong ang dapat nating buohin" sabi ni Haring Narra "sino naman ang hahawak sa pang-apat na hukbong?" tanong ni Haring Helius. "Ako" sagot ni manang Zoraida "ikaw? sigurado ka ba, Zoraida?" tanong ni Ingkong Romolo "hindi ba ako karapat-dapat? tumatayo ako para kay Reyna Lucia" sabi ni manang sa kanya. "Hahaha, wag kang mag-alala Ingkong kasama ako ni Zoraida" sabi ni Dante "kami din" sabi ng kapatid ko "panginoon ko, paumanhin po..." "haayy wag kana magsalita pa Kap. Hernan, pumapayag ako" sabi ni Haring Helius na natuwa naman ang Kapitan niya.

"Sino ang pumapangalawa ko kung hindi kita kasama Dante?" tanong ni Ingkong "ako! panginoon ko" sagot ng isang taong kakarating lang kasama ang maraming tauhan niya "ROMUALDO!" sigaw ni Dante. "Redante, matagal-tagal naring hindi tayo nagkita" sabi nung Romulado sa kanya na ang kamayan sila ni Dante "buti at nakarating na kayo, Romualdo" sabi ni Inkong sa kanya "pag ikaw ang tumawag darating agad kami, Kamahalan" sabi ni Romualdo sabay yuko ng ulo nilang lahat. "Mabuti naman manong at nakarating na kayo" sabi ni Dante sa kanya "nasaan si Solomon? bakit wala siya dito?" tanong niya "mamaya ipapaliwanag ko sa'yo Romualdo ang importante nakarating na kayo" sabi Ingkong Romolo sa kanya.

"Sino ho ba sila manang?" tanong ko kay manang Zoraida "sila ang mga magigiting na mandirigma ng mga Taong Lobo" sagot niya "sila ang tinatawag ni Romolo pagme ganitong sitwasyon kinahaharap ang kaharian niya" kwento ni manang. "Kung ganun magagaling pala sila" sabi ko "oo, ang mga abilidad nila ay kapareho ng mga Bailan" sabi ni manang "kapareho?" tanong ng kapatid ko "oo, ang grupo ni Romualdo ang dahilan kaya natalo nila si Olivia noon" kwento niya "kung ganun me panlaban na pala tayo sa mga Bailan" sabi ng kapatid ko. "Iba parin ang mga Bailan Elizabeth, hindi man nagbabago ang anyo nila pero katumbas ay hangin ang abilidad nila, di mo makita pero mararamdaman mo nalang na inatake kana nila" kwento ni manang.

"Me pang apat na tayong hukbong, gusto kong si Romualdo ang manguna sa ikaapat na hukbong natin" sabi ni Ingkong Romolo "hindi!" sagot ni Haring Helius "ano? anong hindi?" tanong ni Ingkong sa kanya. "Mas maganda kung si Zoraida ang mamuna para siya ang tumayo sa bandila ni Lucia, ako sa Engkanto, si Narra sa Puno at ikaw sa Lobo di ba nararapat lang na ganun, Narra?" sabi ni Haring Helius "hmm. sumasang-ayon ako nito" sagot naman ni Haring Narra. "Pero mas bihasa sa pakikipagdigma si Romualdo..." "panginoon, kung ito ang pasya ng ibang mga pinuno mas maganda po na susunod nalang po tayo" suhistyon ni Romualdo kay Ingkong Romolo.

"HMP!" lang si Ingkong Romolo "wag kayong mag-alala Ingkong, Heneral Romualdo andito naman ako para tumulong sa kanila" sabi ni Dante sa kanila "ako din po, nandito din po ako para tumulong" sabi naman ni Kap. Hernan. "Kung ganun hahatiin na natin ang mga sundalo natin para mabuo na ang apat na hukbong" sabi ni Haring Narra "maglalagay din ako ng mga manggagamot para makatulong sa mga me sugat" sabi ni Haring Helius. "Kung ganun, ihanda na ang lahat sa pagsalakay natin bukas ng gabi" sabi ni Haring Narra "hmp! sana magiging maayos ang lahat bukas" sabi ni Ingkong Romolo "wag kang mag-alala kamahalan, gagawin namin ang lahat para masugpo natin ang mga kalaban, isa pa di na ako makapaghintay na makaharap ang mga Bailan" sabi ni Romualdo.

"Mag-ingat ka sa sinasabi mo, bata!" sabi bigla ng tinig na nagmula sa isang puno "sino yan?!" tawag pansin ni Haring Helius sa taong nagtatago sa likod ng puno "baka kako kasi pagsisihan niya ang sinasabi niya" sabi ng matanda nung lumabas ito sa likod ng puno. "Sino ka? Paano ka nakapunta dito?" tanong ni Ingkong Romolo sa kanya "paano mo nalusotan ang mga tauhan kong nagbabantay sa kaharian ko?" tanong ni Haring Narra sa kanya. "Paano? Sino? hehehe.. hindi na importante yun" natatawang sabi ng matanda "ang importante ay ang sasabihin ko sa inyo" sabi ng matanda sa amin na naupo ito sa maliit na kahoy sa harap lang ng puno at nakangiti itong nakatingin sa amin.

"Kamahalan, kilala niyo ba ang taong ito?" tanong ni Romualdo kay Haring Narra "hindi, ngayon ko lang siya nakita" sagot ni Haring Narra "mawalang galang na po, manong" sabi ng kapatid ko "sino ho ba kayo?" tanong niya. "Haayy.. gaya ng sinabi ko hindi na importante kung sino ako, ang importante ang sasabihin ko" sabi ng matanda sa amin "ano ang sasabihin mo sa amin?" tanong ni manang sa kanya na napangiti sa amin ang matanda. "Romualdo ang pangalan mo?" tanong nung matanda na tumango si Romualdo "me maganda at masamang balita ako sa inyo" panimula ng matanda "ang magandang balita, limangpu lang ang Bailan ang makakaharap niyo maliban kay Lorenzo" sabi ng matanda.

"Ano naman ang masama?" tanong ni Dante na seryosong tumingin sa amin ang matanda "ang limangpung Bailan ay ang mga orihinal na Bailan na dumating dito sa gubat mo, Narra" sagot ng matanda na nagulat silang tatlo ni Haring Helius at Ingkong Romolo. "Ibig sabihin nito ang mga matatandang Bailan pala ang makakalaban natin? HAHAHAHAHA wala pala tayong dapat ikatakot" natatawang sabi ni Romualdo. "Tumahimik ka, Romualdo!" sabi ni Haring Helius "pagpasensyahan mo na si Romualdo Helius, hindi niya alam ang pinagsasabi niya" sabi ni Ingkong "bakit, ano ho ba sila?" tanong ng kapatid ko. "Ang limangpung Bailan na yun ang nakaharap ng mga Taong Lobo noon, nakalaban ng ama ko ang mga Bailan na yun na halos maubos ang sundalong dala niya" kwento ni Ingkong Romolo sa amin.

"Kung hindi humakbang ang ama ko para pigilan ito nauubos na siguro ang... " tumingin si Haring Narra kay Ingkong Romolo at di nalang niya tinuloy ang sinasabi niya "me dapat din kayong malaman" sabi ng matanda. "Ano yun?" tanong ni Haring Helius "isa sa kanila ay ang dating pinuno ng Isla ng Kuro" balita ng matanda "ano naman kung dating pinuno siya?" tanong ni Romualdo "ang bawat pinuno ng Bailan ay binibigyan ito ng espada" pasimula ng matanda "ang espadang ito ang magiging sandata niya" kwento ng matanda. "Alam ko na ang ibig mong sabihin, tanda" sabi ni Dante "naalala ko ang espada ni Lorenzo kaya alam ko ang tinutukoy mo" dagdag niya.

"Isipin niyo, dalawang pinunong Bailan magsasama sa iisang hukbong, tingin niyo magiging mabuti ito sa sitwasyon niyo?" tanong ng matanda sa kanila "hindi!" sagot ko na nginitian ako ng matanda at tumayo ito. "Ano ang gusto mong iparating? Wag nalang naming ituloy ang plano namin, ganun ba?" tanong ni Haring Helius sa matanda "hindi! sa akin lang, kung sasalakay kayo bukas dapat handa kayo" sabi ng matanda sa amin. "Ano ang dapat naming gawin sa puntong ito?" tanong ni Haring Narra sa kanya at tumingin ang matanda sa direksyon ng dating Kuro "me kweba sa ilalim ng dating tinirhan nina Lorenzo doon niyo mahahanap ang kasagutan niyo" sabi ng matanda sa amin.

Nakita naming tumalikod ito at dahan-dahan na itong naglakad palayo sa amin "teka, bakit alam mo ang tungkol doon sa isang pinuno?" tanong ni Dante sa kanya "Marawi" sagot ng matanda "ano?" tanong ni Romualdo. "Yun ang pangalan niya (lumingon sa amin ang matanda at sabing) at ako ang nagbasbas sa kanya na maging bagong pinuno bago sila tumakas sa Isla" sabi ng matanda sa amin na dahan-dahan narin itong nawawala. "Manong, teka lang po! Sino ho ba kayo?" tawag ko sa kanya "tawagin niyo nalang akong... kaibigaaann..." at biglang nawala na ito sa paningin namin at iniwan kaming lahat na me tanong sa presensya at sa pagkatao ng matandang nakausap namin kanina.

Nagulohan kaming lahat at tila walang nagsalita dahil siguro nag-iisip kaming lahat sa sinabi ng matanda "kung me paraan para matalo sila, bakit di niyo puntahan yung tinutukoy ng matanda" sabi ni Alan sa amin. "Ako ang pupunta dun" sabi ko sa kanila "sasamahan na kita ate" sabi ng kapatid ko "sige, puntahan niyo at mag-ingat kayo baka kasabwat ng mga aswang o Bailan ang matandang yun" paalala namin ni Haring Helius. "Sasamahan ko narin sila" sabi ni manang sa amin "hindi! kailangan ka namin dito dahil isa ka sa pinuno ng hukbong natin" sabi ni Ingkong Romolo sa kanya. "Sasamahan kayo ng mga tauhan ko Isabella" sabi ni Haring Narra "salamat kamahalan" sagot ko sa kanya.

Kasama ko si Elizabeth si Alan at mga tauhan ni Haring Narra nung pumunta kami sa dating Kuro at sinimulang hanapin ang kwebang sinabi ng matanda "paano natin malaman kung nasaan ang dating kubo nina Lorenzo?" tanong ng kapatid ko. "Kami na po ang bahala dyan" sabi sa amin nung isang tauhan ni Haring Narra na pinikit ang mga mata nila at sabat dinikit nila ang mga palad nila at nagconentrate sila. "Ate" "sshhhh" sabi ko sa kapatid ko at biglang yumanig nalang ang lupang kinatatayoan namin at bumukas ang lupa sa pagitan ng dalawang malalaking puno at nakita namin ang isang hagdanan. "Dito po" sabi nung isang tauhan ni Haring Narra at sumunod kami sa kanya pababa sa hagdanan, nagsindi sila ng ilaw at lumiwanag ang buong paligid nung dumating na kami sa baba.

Mainit ang paligid, me masangsang na amoy dahil sa tagal na ng panahon "ang baho!" sabi ng kapatid ko na tumitingin-tingin kami sa paligid "ano ba ang hinahanap natin dito?" tanong ni Alan "yung makakatulong sa atin" sabi ko sa kanila. "Kumalat kayo at tumingin kayo sa paligid" utos ko sa kanila at nagsimula na silang maghukay sa mga gamit na nakalagay dito at humakbang ako paabante sa dulo ng kweba ng me namataan akong bagay sa pinakadulo nito. "Bagon!" tawag ko sa isa sa tauhan ni Haring Narra "ano po yun, Isabella?" tanong niya "samahan mo ako doon" sabi ko sa kanya na sumunod siya sa akin bitbit ang apoy na nag-iilaw sa amin. Maliit lang ang daanan na kasya ang isang tao "ako ang mauna" sabi niya kaya pinauna ko siya at nung dumating na kami sa pinakadulo nito at nakita naming me extra room pala dito.

"Maliit ito kesa dun sa isa" sabi ni Bagon "oo" sagot ko na nakita naming me mga tela na nakalagay sa paligid at sa dulo me isang bagay na nakatayo sa isang mesa "dito" yaya ko sa kanya kaya sumunod siya sa akin. "Bakal?" tanong ni Bagon "hindi, espada ito!" sabi ko sa kanya na nilapitan namin ito at kita namin nilumaan na ito ng panahon dahil me kalawang ito at napunit yung telang nilagay sa hawakan nito. "KAninong espada kaya ito?" tanong ni Bagon "hindi ko alam" sagot ko na kinuha ko ito at sobrang bigat nito "bakit?" tanong ni Bagon "ang bigat" sabi ko sa kanya na binigay niya sa akin ang ilaw at siya na ang bumuhat sa espada na kita kong nahirapan din siyang buhatin ito.

"Teka!" sabi ko sa kanya "bakit?" tanong niya na inalis ko yung telang nakatabon sa isang pader at nakita namin an me nakasulat sa pader at me drawing ng dalawang tao na nakahawak sila pareho sa espada. "Babae at lalaki yan ah?" sabi ni Bagon "oo, pero.." sinubokan kong basahin ang nakasulat sa pader pero di ko maintindihan "naiintindihan mo ba ang nakasulat sa pader?" tanong ko kay Bagon "pasensya na Isabella limampung taon palang ako, sa tingin ko kapanahonan ito nina Haring Narra" sagot niya sa akin "ALAN! ALAN!" tawag ko sa kanya na nahirapa pa itong pumasok sa kinaroroonan namin "bakit Tenyente?" tanong niya "pahiram ng iPad mo" sabi ko sa kanya na inabot niya ito sa akin kaya kinunan ko ng litrato ang pader.

"ATE!" tawag ng kapatid ko "parating na kami" sabi ko sa kanya kaya bumalik na kami sa dinaanan namin kanina ng mapahinto ako dahil me nakita ako sa ilalim ng tela "mauna na kayo at dalhin niyo yan sa taas" utos ko sa kanila na niyuko lang ang ulo ni Bagon at umalis na sila. Inangat ko yung tela at nakita ko ang isang set ng maliliit na patalim at naalala ko yung binato sa akin ni Lorenzo noon kaya binalot ko ito ng tela at dinala ko ito palabas ng kweba. "Ano ang nahanap niyo?" tanong sa akin ng kapatid ko "ito lang" sabi ni Bagon at pinakita niya ang espada "makakatulong ba sa atin yan?" tanong ni Alan sa amin. "Hindi ko alam, pero yung nakasulat siguro sa pader" sagot ko sa kanya "paumanhin sa inyo, kailangan na nating bumalik sa palasyo" sabi ni Bagon sa amin "sige, pwede isara niyo uli yung kweba?" tanong ko "kami ang bahala" sagot nila at nauna na kaming bumalik sa palasyo.

Bumalik na yung matanda sa Isla at nakita nitong nakaupo na malapit sa apoy si Julian at kumakain ito "saan ka ba galing?" tanong sa kanya ni Julian nung nakita siya nito "ah.. naglakad-lakad lang" sagot ng matanda. Nakita niyang me mga sugat at pasa si Julian sa braso at mukha nito "gamotin natin yan pagkatapos mong kumain" sabi ng matanda sa kanya na tiningnan ni Julian ang mga pasa at sugat niya "wala ito" sagot niya. "Hmm.. kumusta ang pag-ensayo mo?" tanong ng matanda "malapit ko ng matapos" natutuwang sagot ni Julian "magaling, dahil nalalapit narin ang pagbabalik ng dilim" sabi niya kay Julian.

Napatigil sa pagkain si Julian at tumingin sa malayo "alam kong buhay ang ama ko" sabi ni Julian na tumingin lang sa kanya ang matanda "nararamdaman mo din pala siya" sabi ng matanda "oo, at me isa din akong napapansin na kasing lakas din ng ama ko" sabi ni Julian. "Siya si Mawari, isa sa pinuno ng Kuro" sagot ng matanda "nararamdaman kong kapareho ang antas nila ng ama ko" sabi ni Julian na tumingin sa malayo ang matanda "wag kang mag-alala, mabuting tao si Mawari me pagkapilyo lang ito" kwento ng matanda "pilyo?" tanong ni Julian "hahaha... mahilig itong magbiro pero pagdating sa labanan (naging seryoso ang mukha ng matanda) mag-ingat ka" sabi niya.

"Isa lang ang dapat mong malaman kay Marawi, mahilig siya sa hamon, kung me kapareho niyang pinuno sa paligid di ito mag-aatubiling hamunin ito" kwento ng mat... Read More


About the Author :

Joined: February 5, 2014 (2 years old)
Writings: 114

Send PM · Male · Offline

0 comment   0 favorite   1,311 views