Harapin Ang Liwanag! Chapter XVIII

July 25, 2015 (1 year ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Erotic Horror, Supernatural, Sci-Fi and Fantasy | Tags:

Chapter XVIII: Secrets!

Nagulat ako nung nakita ko si Ben ang kayakap ngayon ni Elizabeth "why calling me all of the sudden Benny?" tanong ng kapatid ko sa kanya "I just missed you that's all" sagot ni Ben "hmmm.. dahil wala ang sis ko no?" tanong ni sis. "No, not really you are always in my mind, Lizzy" sagot ni Ben na Lizzy pa ang tawag niya sa kapatid ko "kumalma ka Isabella" sabi ni manang Zoraida sa akin dahil napansin na niyang nakakamao na ako. "Teka yung niluluto ko sa kusina" sabi ni sis sa kanya "patayin mo muna, I want you now Lizzy" sabi ni Ben sa kanya na kita kong nanggigigil si Elizabeth sa kanya at natuwa pa ito. "Sige patayin ko na muna yung stove at mauna ka na dun sa kwarto... get yourself comfortable" sabi ng kapatid ko sa kanya na napangiti si Ben.

Nakita kong masayang pumasok sa kusina si Elizabeth kaya sumunod ako kay Ben na ngayon ay hinuhubad narin ang damit niya habang naglalakad ito papasok sa kwarto ng kapatid ko "mag-eenjoy ako ngayon" sabi ni Ben na tinanggal na niya ang belt niya. Umupo siya sa kama at inaalis ang sintas ng sapatos niya at nung nahubad na niya ito nagmamadali siyang hubarin ang pantalon niya at tumalon ito sa kama na naka underwear nalang. "Shit! Ito pala ang ginagawa nila sa likuran ko" sabi ko na hinawakan ako ni manang Zoraida sa balikat na hindi ko ito napansin na sumunod din pala ito sa amin.

"Huminahon ka Isabella, hindi ito ang lugar at huwag ngayon" sabi ni manang sa akin "alam ko, pero sa nakikita ko walang oras o panahon akong palalampasin" galit kong sabi na gusto ko ng patayin si Ben sa oras na yun. "Me mas importante pa tayong aasikasuhin kesa sa sitwasyong ito" sabi ni manang sa akin na alam kong tama siya pero sa puntong ito, ito ang mas importante para sa akin ang maharap ko silang dalawa sa pagtataksil nila sa akin. "Are you ready?" narinig namin ang kapatid ko na ngayon ay naka bra at panty narin itong nakatayo sa pintuan habang nakangiti itong nakatingin kay Ben.

"Wow, ang ganda mo talaga Lizzy" sabi ni Ben sa kanya na dahan-dahan itong naglakad palapit sa kama at tumayo ang kapatid ko sa paanan at tumalikod siya kay Ben at tumuwad siya. "Do you like it?" pilyang tanong ni Sis kay Ben na bumangon ang loko at gumapang ito palapit sa kanya at konte nalang at dumampi na ang ilong ni Ben sa pisngi ng kaliwang pwet ni Sis nung inamoy niya ito "hmmm... ang bango" sabi ni Ben na gumigigil si Sis sa sinabi niya. Umupo si Ben sa dulo ng kama na umatras si sis at tumayo na siya sa pagitan ng mga hita ni Ben "ano ang gagawin mo?" tanong ni Sis sa kanya "hmm.." lang si Ben sabay halik nito sa magkabilang pisngi ng pwet ni Elizabeth.

"Yun ang gagawin ko" sabi ni Ben sa kanya na natawa lang ng mahina si Sis "ano pa?" tanong niya "ito" sabi ni Ben na hinawi nito ang panty ng kapatid ko at siniil ng halik ang butas ng pwet niya na pareho kaming napatalikod ni manang Zoraida. "Dyos ko, ano ba yang ginagawa nila!" sabi nalang bigla ni manang na pareho kaming hindi nakagalaw sa nasaksihan namin "nay, pwede na po... bang... maka.... " putol-putol ang salita ni Jasmine na nakita naming nanlaki ang mga mata nito sa nakita niyang ginagawa ng dalawa kaya napalingon kami ni manang at nanlaki ang mga mata namin dahil nakatuwad na si Elizabeth at wala na itong panty habang nagtaas baba ang mukha ni Ben sa bilis ng pagdila niya sa kepyas niya.

Hinila kami ni manang Zoraida palabas ng kwarto na kung nakikita nila kami siguro matataranta sila pero wala kaming napansin sa kanila nung lumabas kami ng kwarto "Dyos ko, ano ba yun! ngayon lang ako nakakita na ginaganun ng lalake ang ano ng babae" sabi ni manang sa amin. Ngayon lang pumasok sa isipan ko na lumang era nga pala si manang na walang ganitong ritwal sa sex ang panahon nila na napaisip tuloy ako kung saan nakuha ni Julian ang teknik na yun kung wala sa era nila ang ganung pagkain ng lalake sa pekpek ng babae. "Huwag na kayong pumasok dun, nakakahindig balahibo ang ginagawa nila" sabi ni manang na natawa lang si Jasmine.

"Ano ang nakaktawa ha? HOY! ikaw Jasmine pag ako me nalaman na ginagawa mo yan tamaan ka talaga sa akin!" banta ni manang sa kanya "nanay naman, natural lang na ganunin ng lalake ang ano ng babae dahil parte na ito ng ritwal sa sex" paliwanag ni Jasmine sa kanya. "Ganun ba yun? Nung kapanahunan ko noon wala namang ganyang ritwal, halikan lang at pasok na agad" sabi ni manang. "Nay..nay... huwag niyo nang imention ang nakaraan niyo sus naman" sabi ni Jasmine na natawa lang ako sa dalawa pero ang isip ko nasa loob ng kwarto kina Ben at Elizabeth. "Kalimutan mo muna yan Isabella" sabi ni manang Zoraida sa akin.

"Haayyy... sige po, so payag kayo sa.. " naputol nalang ako nung lumabas ang dalawa at hubo't-hubad silang naghahabulan papunta sa sofa na dumapa ang kapatid ko at pumatong sa kanya si Ben at hinalikan siya nito sa batok. "Oh Ben..." narinig naming sabi ni Elizabeth na binaba ni Ben ang kamay niya sa pagitan nilang dalawa at alam na namin kung ano ang ginagawa niya kaya napatakbo kaming tatlo sa kusina at narinig nalang namin ang ingay ng sofa at mga ungol nila. "Dyos ko aatakihin ata ako sa kanila" sabi ni manang Zoraida na natawa lang si Jasmine habang ako ay sumisilip sa kanila "Isabella, huwag mo silang tingnan" sabi ni manang sa akin na hindi na ako nakinig.

Nakita ko kung paano bayuin ni Ben ang kapatid ko na napanganga ito at nakapikit ang mata na tila nasasarapan ito sa ginagawa sa kanya ni Ben "Beenn..Beeenn... aahhhh.." ungol ng kapatid ko. "Gusto ko makita ang pekpek mo" sabi ni Ben sa kanya na umikot ang kapatid ko at tumihaya ito sa sofa at tinaas ang mga paa "shit.. ang kintab na ng pekpek mo" sabi ni Ben sa kanya na inabot ng kapatid ko ang titi niya at sinalsal ito. "Ooohhh... " ungol ni Ben na tuloy lang sa pagsalsal ng kapatid ko sa titi niya "sige na.. ipasok mo na Lizzy" utos ni Ben sa kanya na tinutok ito ng kapatid ko sa hiwa niya at bumitaw agad ito nung naipasok na niya ang ulo at si Ben na ang nagtulak papasok sa loob niya "aaahhh...." napaungol si sis nung sinimulan na muli siyang kantutin ni Ben.

"ISABELLA!" sigaw sa akin ni manang na nagulat ako kaya napalingon ako sa kanila na kita kong natatawa si Jasmine habang nakapam bewang si manang at galing na galit itong nakatingin sa akin. "Me importante tayong aasikasuhin at yan ang inuuna mo? Ano ka ba?" galit niyang sabi sa akin na napakamot nalang ako sa ulo ko at lumapit sa kanila "pasensya na po" sabi ko at umupo ako sa upoan pati narin sila. "So ano ang plano natin, Issa?" tanong ni Jasmine sa akin na pilit kong inaalis ang atensyon ko sa dalawa na nasa sala at hindi nakatulong ang ingay nila lalo na ang mga ungol nila. "Isabella?" tawag sa akin ni manang "ah oo, yung plano" sabi ko na napailing nalang si manang sa inasal ko.

Samantala sa Isla "malapit ko ng maalala ang pangalan ng unang pinuno ng Kuro" sabi ng matanda kay Julian na umupo na ito sa upoan niya "wala na sa akin yun, tanda ang iniisip ko kung ano ang gagamitin ko panlaban sa kampon ng dilim" sabi ni Julian. Napa-isip ang matanda at tumingin ito sa mga espada na nasa paligid nila "wala akong maibibigay sayo dito" sabi ng matanda sa kanya na tumayo si Julian at tumingin sa mga kaluluwang nasa ibabaw nila. "Alam mong hindi mo matatalo ang dilim kung dilim din ang gagamitin mo" sabi ng matanda sa kanya "ano ang magagawa ko?" sabi ni Julian na lumingon siya sa matanda "ang kapangyarihan lang nila ang pwede kong gamitin" sabi ni Julian na napayuko ang matanda at tumingin sa apoy.

".....Me.. alam akong paraan para makakuha ka na panibagong kapangyarihan.." sabi ng matanda sa kanya "ano yun?" tanong agad ni Julian na tumingin sa kanya ang matanda "..bitawan mo sila.. " sabi ng matanda sa kanya. "Bi..bitawan ko sila?" gulat na tanong ni Julian "oo, sa ganitong paraan mo lang makakamit ang kapangyarihan na yun" sabi ng matanda na tiningnan siya ni Julian at tumingin siya sa mga kaluluwa ng mga bampira. "Paano kung hindi ko makuha ang sinasabi mong kapangyarihan? Mamamatay lang ako!" sabi ni Julian sa kanya "haayyyy...wala ka bang tiwala sa akin?" tanong ng matanda "wala!" diretsong sagot ni Julian na napailing ang matanda at tumayo ito.

"Ang kapangyarihan na sinasabi ko ay taglay nito ang lakas ng unang pinuno, pero bago mo ito makuha kailangan mo munang maging purong Bailan" paliwanag ng matanda sa kanya. "Hindi na ako puro at lalong hindi ako Bailan" sabi ni Julian sa kanya "hmm...." lang ang matanda at naglakad ito malapit sa dagat at tumingin ito sa malayo "... nakakalungkot isipin na umasa si Lorenzo na ikaw ang magpapatuloy sa ligasiya niya.. ng mga Bailan..." "huwag niyo akong bigyan ng leksyon, hindi kita ama" sabi ni Julian sa kanya. "Alam ko" sagot ng matanda sa kanya "bilang huling Bailan ikaw lang ang inaasahan na magpatuloy sa lahi natin" sabi ng matanda sa kanya na hindi umimik si Julian.

"Hindi ako interesado sa Bailan, ang sa akin lang ay maipaghiganti ko ang mahal na Reyna at ang mga kasamahan kong bampira" sabi ni Julian "kung ganun, patawarin ako ni Una dahil dito na magtatapos ang lahi ng mga Bailan" sabi ng matanda na bumalik ito sa upoan niya at tumingin sa apoy. Naglakad na si Julian papunta sa dagat "tandaan mo bata, isa kang Bailan, darating ang oras na kailanganin mo ang kapangyarihan na yun" sabi ng matanda na tumingin sa kanya si Julian "kahit itinakwil mo siya, hinding-hindi ka niya bibigoin kung nasa bingit kana ng kamatayan" sabi ng matanda sa kanya na biglang nagbago ang kulay ng balat ni Julian at umangat siya pataas papunta sa maraming kaluluwang naghihintay sa kanya.

Nakaramdan si Julian na parang me dumaan sa katawan niya at nakita niyang umikot ang mga kaluluwa sa ibabaw at nung lumabas na siya sa parang proteksyon ng Isla mabilis na lumipad ang mga kaluluwa pabalik sa katawan niya. "AAARRRGGGHHHHHH!!!!" napasigaw si Julian nung isa-isang pumasok na sa katawan niya ang mga kaluluwa ng bampira at bigla nalang siyang lumiwanag at maya-maya ay bumalik na sa kanya ang mga kapangyarihan nila. Tumingin siya sa matanda na ngayon ay nakatingin sa kanya "heto na ako ngayon, tanda" sabi niya "isang abominasyon na naghahangad ng katarungan!" dagdag niya. "..naiintindihan ko...." sagot ng matanda sa kanya "tandaan mo ang sinabi ko, itinakwil mo man siya pero.. hinding-hindi ka niya pababayaan... " dagdag nito at lumipad na si Julian pabalik sa pilipinas. "... Una... sana, liwanagan mo siya... para malaman niya kung sino talaga siya..." sabi ng matanda na dahan-dahan naring nawawala ang Isla.

Habang nasa ere si Julian bumabalik sa isipan niya ang sinabi sa kanya ng matanda "bibitawan ko sila? Paano ko bibitawan ang mga kaluluwang sinakripisyo ang buhay nila para ma buhay ako?" sabi niya. "Sila ang pamilyang kinagisnan ko bakit ko sila itatakwil?" tanong niya sa sarili niya na me napansin siyang ilaw sa dalawang bangka na lumalawig sa dagat at tila pareho ang distinasyon ng tinatahak nila. "Mga mangingisda siguro" sabi niya na binilisan nalang niya ang paglipad niya pabalik ng pilipinas at para narin makasama ang taong mahal niya, makalipas ang ilang sandali nakarating na ng gubat si Julian at pumunta siya sa lugar ng mga Bailan.

Tumayo si Julian sa lugar kung saan sinunog ang mga magulang niya, lumuhod siya at hinawakan ang lupa "ama, ina, alam ko na po ang nangyari sa inyo" pinikit niya ang mga mata niya ng biglang me narinig siyang yapak sa malayo. "Sino ka?" tanong niya na biglang lumapit sa kanya ang taong nagtatago sa likod ng puno "kumusta kana?" tanong nung tao sa kanya na tumayo si Julian at binato niya ito ng patalim na mabilis itong nakailag. "Hahaha... Bailan ka nga kung ma ituturing" sabi nito sa kanya na hinarap niya ito at nginitian siya "ano ang kailangan mo sa akin, aswang?" tanong ni Julian sa kanya. "Me gustong kumausap sayo" sabi ng aswang "hindi ako interesado" sagot niya "oohh? Alam kong magugustohan mo ang alok niya" sabi ng aswang.

"Kamatayan lang ng lahi niyo ang gusto ko, maliban dyan wala na" sabi ni Julian na lumutang na siya sa ere para atakihin ang aswang nang biglang lumuhod ito at yumuko sa harapan niya kaya napahinto nalang siya. "Buhay.. buhay ang kapalit sa alok na ito" sabi ng aswang sa kanya "ano ang ibig mong sabihin?" tanong niya "Isabella.. " sabi bigla ng aswang "Isa... bella?" takang tanong ni Julian "yun ang sinabi ng kamahalan.. buhay niya ang kapalit" sabi ng aswang na umatras ito palayo sa kanya. "Niloloko mo ba ako?!" galit na tanong ni Julian sa kanya "hindi.. yun mismo ang sinabi ng kamahalan.. me kapangyarihan ang kamahalan na bumuhay ng patay" sabi ng aswang.

"Huwag mo akong insultohin at huwag na huwag mo akong gaguhin!" galit na sabi ni Julian na bigla nalang siyang naging anino na ikinagulat ng aswang na aalis na sana siya ng biglang sumulpot si Julian sa likod niya at sinakal siya nito. "Huwag.. huwag.. i..inutosan lang ako..." sabi ng aswang "sino ang nag-utos sayo? At sino tong kamahalan na sinasabi mo?" tanong ni Julian sa kanya "si... " sabi ng aswang "SINO?!" sigaw ni Julian. "Si... Olivia!..." sagot ng aswang na nagulat si Julian sa narinig niya kaya hinigpitan niya ang pagsakal sa leeg ng aswang "imposible! Patay na si Olviia!" sabi ni Julian "akala niyo lang yun" sagot ng aswang.

Tinutok ni Julian ang patalim niya sa leeg ng aswang "nagsisinungaling ka!" sabi ni Julian na lumingon sa kanya ang aswang at sabing "tingin mo ba pupunta ako dito kung nagsisinungaling ako? Alam nating malakas ka kesa sa akin". Napaisip ng sandali si Julian at tumingin sa aswang "kung totoo man ang sinasabi mo, ano ang kailangan niya sa akin?" tanong niya "ang Aklat ng Dilim" sagot ng aswang na tinulak ni Julian pabaon ang patalim niya sa leeg ng aswang na nagpanic ito at napahawak sa braso niya. "Nasisiraan na ba siya ng bait?" inis na sabi ni Julian "kahit kelan hinding-hindi ko ibibigay sa kanya ang aklat" sabi ni Julian sa aswang "kahit na kapalit nito ang buhay ng pinakamamahal mo?" tanong ng aswang sa kanya na bigla nalang naisip ni Julian si Isabella.

Napalingon siya sa direksyon kung nasaan si Isabella at bigla siyang lumipad at mabilis tinungo ang kinaroroonan ni Isabella "hinding-hindi niya makukuha si Isabella sa akin!" galit na sabi ni Julian at parang bala itong lumipad papunta kay Isabella. Samantala, hinawakan ng aswang ang sugat niya sa leeg at tiningnan niya ang daliri niyang me dugo at dinilaan ito "nagawa ko na po ang inuutos niya, kamahalan" sabi niya na lumabas sa puno ang isang anino "magaling!" sagot nito. "Ano po ang susunod niyong iuutos sa akin?" tanong nung aswang na niyuko niya ang ulo niya "wala sa muna ngayon, me tauhan na akong nakaabang sa kanila" sabi nung anino "masusunod kamahalan" sagot nung aswang.

"So, pwede nating hugotin si Boyet mula sa kulongan niya gamit ang portal mo manang?" tanong ko habang inaalis sa isipan ko ang ingay at ungol ng dalawa sa sala "oo, pero kailangan ko munang magpahinga" sabi niya. "Bakit?" tanong ko "kumakain kasi ng lakas at kapangyarihan sa tuwing magbubukas kami ng portal" paliwanag ni Jasmine "kaya nga hindi naman palaging ginagamit ang portal pagbumabyahe kami dahil nauubos nito ang lakas namin" paliwanag ni manang Zoraida. "Kaya binabawalan ko si Jasmine gamitin ito dahil hindi pa siya masyado bihasa sa kapangyarihan niya, maliban lang kung kinakailangan" sabi ni manang sa akin.

"Kaya pala nung lumabas tayo sa gubat ni Haring Narra parang nanghina kayo?" tanong ko "oo, lalo na kung matagal nakabukas ang portal lalo lang kaming manghihina" paliwanag ni manang. "Narinig niyo ba yun?" tanong ni Jasmine "ang alen?" tanong ko na napansin ko din ang napapansin niya "natahimik na sila" sabi ni manang. Tumayo kami para tingnan sila at nagulat kami dahil wala na sila sa sala "mabuti naman" sabi ni manang at narinig namin ang ingay ng shower sa banyo. "Naligo na sila" sabi ni Jasmine kaya bumalik kami sa kusina "gawin na natin ito habang nasa shower pa sila" sabi ko kay manang na tumango ito "inay, ako nalang" sabi ni Jasmine "hindi, ako na anak" sabi ni manang,

Narinig naming me kumatok sa sliding door kaya kinawayan ko sila para pumasok "gagawin na natin ang plano ko" sabi ko kay Dante "mabuti, dahil hindi ko gusto ang simoy ng hangin sa labas" sabi ni Dante sa amin. "Maupo kana Isabella at ipikit mo ang mata mo" sabi ni manang sa akin kaya sinunod ko siya "Crispin, Berting bantayan niyo ang dalawa" utos ni Dante sa kanila "opo, Heneral!" sagot ng dalawa na tumayo sila sa labas ng kusina. "Tumayo ka sa kaliwa ko Dante dahil bubuksan ko ang portal malapit sa'yo para ikaw na ang humablot kay Boyet" utos ni manang na pumwesto si Dante "anak, sa kanan kita" utos niya at pumwesto narin siya.

Tahimik lang akong nakaupo sa silya at hinawakan na ni manang ang noo ko "ipikit mo ang mata mo Isabella at magrelax ka, hayaan mo lang ako" sabi niya sa akin na ginawa ko ang inuutos niya. Maya-maya lang ay pakiramdam kong lumilipad ako at nakita ko nalang ang sarili ko sa presinto "tara, ituro mo sa akin kung nasaan" sabi bigla ni manang na nakatayo ito sa kanan ko. "O..opo" sagot ko at sumunod siya sa akin "bakit parang iba ata ito dun sa ginawa mo dun sa bahay niyo?" tanong ko sa kanya "nagmamadali kasi tayo kaya ganun, iba ito dahil gusto ko makita ang lugar bago ko buksan ang portal" paliwanag niya.

"Dito manang" sabi ko na pumasok kami sa isang pinto at nakita namin ang tatlong selda sa loob nito "doon sa dulo naka kulong si Boyet" sabi ko sa kanya kaya tinungo namin ito at nakita naming nakaupo sa kama si Boyet. "Siya ba si Boyet?" tanong niya "oo, siya ang kailangan natin" sabi ko sa kanya "sige" sabi niya na parang nagdilim ang paligid at nung binuka ko ang mata ko nakita ko silang tatlo sa harapan ko. "Maghanda ka Dante" sabi ni manang sa kanya na tinaas ni manang ang dalawang kamay niya at bumukas ang portal sa harapan niya "sige na Dante" utos ni manang nung nakita namin si Boyet sa kabila na agad niya itong hinila papasok sa portal at lumusot ito sa kusina ng Condo.

Sa gulat ni Boyet hindi ito nakapagsalita at tila tulala lang itong nakatingin sa amin pero siniguro ni Jasmine na hindi ito mag-iingay kaya gamit ang kapangyarihan niya tinakpan niya ang bibig ni Boyet at tinali na din niya ito. Pagkatapos isara ni manang ang portal agad itong natumba at napaupo sa upoan "nay!" tawag ni Jasmine na agad niya itong nilapitan "maayos lang ako" sagot ni manang na agad akong kumuha ng tubig at pinainom siya. "Magpahinga ka lang dyan Zoraida, kami na ang bahala dito" sabi ni Dante sa kanya na tumayo kami sa harapan ni Boyet na takot itong nakatingin sa amin "Isabella" tawag sa akin ni Dante "ako ang bahala" sabi ko sa kanya at yumuko ako sa tabi ni Boyet.

"Boyet, makinig ka" pasimula ko na tumingin ito sa akin at tumingin kay Dante "Boyet!" tawag ko sa kanya na tumingin ito sa akin "me itatanong ako sa'yo" sabi ko na umiling ito at nagsalita ito na di namin maintindihan. "Jasmine" tawag ko na tinaas lang niya ang isang daliri niya at nawala na yung takip sa bibig ni Boyet "Te... Tenyente..." tawag nito sa akin "relax lang Boyet, walang mangyayari sa'yo" pasiguro ko sa kanya. "Me itatanong ako sa'yo na dapat mong sagutin" sabi ko sa kanya "kung hindi" sabi ni Dante na sinuntok nito ang palad niya na kinatakot ni Boyet "Dante!" tawag ko sa kanya na ngumiti lang ito at pinakita pa ang pangil niya kay Boyet.

"A.. ano.. ano ang kailangan niyo sa akin?" takot na tanong ni Boyet sa amin "tungkol sa building namin, hindi ba naging security ka doon?" tanong ko sa kanya na nakatingin parin ito kay Dante "BOYET! Yung tanong ko sa'yo" sabi ko sa kanya. "Lo... Lobo ka no?" tanong ni Boyet kay Dante na nagkatinginan kami ni Dante "bakit mo alam na Lobo si Dante?" tanong ko sa kanya "kasi.. yun.. yun ang nakita ko sa basement ng building, ng building niyo Tenyente" sabi ni Boyet sa akin. "Anong Lobo ang sinasabi mo?" tanong ni Dante sa kanya na hinawakan siya nito sa balikat at inangat siya nito at pinaupo sa upoan.

"Magkwento ka Boyet" sabi ko sa kanya na tumingin ito sa amin at tumingin kina Crispin at Berting sa me pintuan ng kusina "Boyet!" tawag ko sa kanya na tumingin ito sa akin "maraming katulad niya ang nakita ko sa basement ng building" kwento niya. "Ano pa ang nakita mo?" tanong ko sa kanya "nakakatakot, pero sinigurado niya na hindi nila ako sasaktan basta lang bantayan ko lang ang pintuan para walang ibang makapasok" kwento niya. "Sino?" tanong ko sa kanya "ang papa mo" sagot niya na napatingin silang lahat sa akin "si papa?" gulat na tanong ko sa kanya "oo, yung papa mo si Don Enrico ang nag-utos sa akin na bantayan ang pintuan na yun" sabi ni Boyet.

"Bakit umalis ka sa trabahong yun?" tanong ni Jasmine "hindi naman ako umalis" sagot niya "so nag sideline ka lang maging holdaper?" tanong ko sa kanya "hindi! Parte yun ng utos ng papa mo" sabi niya sa akin. "ANO?! Paano naging parte?" gulat kong tanong sa kanya "ang papa mo ang nag-utos sa amin na holdapin ang bankong yun" kwento niya sa akin "nagsisinungaling ka lang Boyet" sabi ko sa kanya. "Hindi ako nagsisinungaling Tenyente, yung kasamahan kong napatay nung araw na yun na si Nelson parte din siya sa planong yun" kwento niya sa akin kaya kinwelyuhan ko siya "HINDI GANYAN ANG PAPA KO!" sigaw ko sa kanya "Isabella, kumalma ka!" sabi ni manang sa akin na pinigilan ako ni Dante.

"Hindi ako nagsisinungaling, totoo ang sinasabi ko" sabi ni Boyet sa akin "kahit tanungin mo pa ang kapatid mo!" sabi niya na napatigil kaming lahat "si..Elizabeth?" gulat kong tanong sa kanya "oo, nandun siya nung inutosan kami ng papa mo" sabi niya. "Nagsisinungaling ka lang!" sabi ko sa kanya na hinawakan na ako ni Dante at nilayo kay Boyet "hindi ako nagsisinungaling, lahat ng galaw namin naaayun yun sa plano ng papa mo pati ang pagtago namin sa Pangasinan" kwento niya. "Nagsisinungaling ka!" galit kong sabi sa kanya "paano ako nagsisinungalin kung parte ka din sa planong yun!" sabi ni Boyet sa akin na napatigil kami nung marinig namin ang sinabi niya.

"Ano ang sinasabi mo?" tanong ni manang sa kanya "limang taon ng pinaplano ng papa mo ang bagay na ito, hindi lang niya alam kung paano ito isakatuparan" pasimula niya "ang sinabi niya lang sa amin ay holdapin ang banko na yun tapos tumakas kami papuntang Pangasinan at manatili doon habang maghihintay sa susunod na iuutos niya" kwento niya. "Ginawa namin yun, naalala mo yung umambush sa atin? Sila yung mga kasamahan ko sa Pangasinan kaya nga nagtaka ako kung bakit nila ako pinapapatay" kwento niya. "Bakit ito ginawa ng papa? Hindi naman kami naghihirap lalong-lalo na hindi niya kailangan ng pera dahil bilyones ang pera namin sa banko" sabi ko kay Boyet.

"Alam kong hindi pera ang pakay niya dahil wala siyang pakialam sa perang nanakaw namin sa banko at isa pa yung bankong hinoldap namin kakabukas lang yun at walang masyadong pera" kwento niya. Hinugot ni Dante ang patalim niya at tinutok ito sa leeg ni Boyet "ano ang ibig sabihin nito? Ano ang pakay ng amo mo?" tanong niya na bigla nalang lumipad papasok ng kusina sina Crispin at Berting na tumama sila sa ref at gulat kaming napatingin sa kanila. "He.. neral..." sabi ni Crispin at hinimatay silang dalawa "anong?" gulat kong sabi na napatigil si Dante nung napatingin ito sa sala at nanlaki ang mata ko nung nakita ko ang mga mapupulang mata na nakatingin sa amin.

"SINO KAYO!" sigaw ko "Zoraida, Jasmine!" sigaw ni Dante na agad pinatayo ni Jasmine si manang Zoaraida papunta sa likod ni Dante "paano nakapasok ang mga aswang na ito?" takang tanong ni Dante. "Dyos ko, kalagan niyo ako, KALAGAYAN NIYO AKO!" sigaw ni Boyet kaya umabante si Dante para harangan sila "Zoraida kaya mo pa bang magbukas ng portal?" tanong ni Dante sa kanya "pasensya na pero wala na akong lakas para gawin ito" sagot niya. "Ako na ang bahala inay" sabi ni Jasmine na biglang natumba si manang kaya agad namin siyang sinalo ni Jasmine "DANTE!" sigaw ko "CRISPIN, BERTING BUMANGON KAYO!" sigaw niya na dahan-dahan ng gumalaw ang mga tauhan niya.

"Itakas niyo sila, ako na ang bahala sa kalaban natin" sabi ni Dante sa mga tauhan niya "patawad Heneral" sabi ni Crispin na kumilos agad sila at kahit sugatan binuhat ni Crispin si manang Zoraida at pinasan niya ito sa likod niya. "Heneral" tawag ni Berting "UMALIS NA KAYO!" sigaw niya dahil umabante na ang dalawang aswang palapit sa amin "mag-ingat ka Heneral" sabi ni Berting nung nakaangkas na sa likod niya si Jasmine. "PAANO AKO?!" sigaw ni Boyet na nakaupo parin sa silya kaya pinatayo ko siya at sumunod kami sa kanila ni Berting at Crispin papunta sa terrace habang nakalaban ni Dante ang dalawang aswang sa sala.

"Nasaan si Elizabeth at si Ben?" tanong ko na lumingon sa akin si Boyet at sabing "hindi mo ba alam? Sila yan!" sabi niya sa akin na nanlaki nalang ang mata ko at napatingin sa mga aswang "Eli.. zabeth?" takang tanong ko. "HENERAL!" sigaw ng tauhan niya na nakita namin ni Boyet na naging Lobo sila at mabilis na tumakbo sa gilid ng building habang naitulak naman ni Dante ang mga kalaban niya at mabilis siyang tumalikod at tumakbo palapit sa amin at niyakap kami ni Boyet sa beywang at napasigaw kaming dalawa nung tumalon si Dante sa terrace kasama kami. "DYOOOSSS KOOOOOO!!!!!" sigaw ni Boyet habang pababa kami "HUMANDA KAYO!" sigaw ni Dante.

"BAKIT?" tanong ko nang bigla niya kaming binato sa ere "AAAHHHHHHH!" napasigaw kaming dalawa ni Boyet at naging Lobo si Dante at sinalo niya kami na napaupo kami sa likuran niya at mabilis siyang tumakbo kagaya nung dalawa sa gilid ng building. Naka sunod din pala sa amin ang mga aswang kaya binilisan pa nila lalo ang pagtakbo nila "KAILANGAN NATING MAKALAYO SA KANILA!" sigaw ko habang nasa daan na kami at umiilag kami sa maraming kotseng sumalubong sa amin. Lumingon ako at nakita kong nakasunod sa amin ang dalawang aswang at mabilis itong lumipad palapit sa amin "BILISAN MO PA DANTE, BILISAN NIYO PA!" sigaw ko "ALAM KO ISABELLA!" sagot ni Dante.

"Dyos ko, Dyos ko, Dyos ko" paulit-ulit na sabi ni Boyet dahil sa takot niya "kumalma ka Boyet, ligtas tayo" sabi ko sa kanya "HENERAL SAAN TAYO?" tanong ni Crispin sa kanya "MAMAYA NA YAN UNAHIN MUNA NATIN ANG MGA ASWANG" sagot ni Dante. "SUMUNOD KAYO SA AKIN" sabi ni Dante na sumunod sa kanya ang mga tauhan niya at pumunta kami sa isang eskinita malayo sa maraming tao at minamadali niya kaming binaba sa likuran niya at hinarap ang mga aswang. Ganun din sina Crispin at Berting "lumayo kayo, kami na ang bahala sa kanila" sabi ni Berting sa amin kaya lumapit kami kina manang na hindi parin naka recover sa ginawa niya kanina.

"Manang!" tawag ko sa kanya "pasensya na kayo" sabi niya sa amin "wala yun manang" sabi ko sa kanya na kinapa ko ang holster ko at naalala ko "shit! Wala pala akong kargada" sabi ko na nakita kong naglaban na sina Dante at mga aswang. Napayuko kami nung lumipad sa ibabaw namin si Crispin "sabi ko sa inyo delikado ito, Dyos ko, Dyos ko" sabi ni Boyet na nakayuko ito sa likuran ko at umiiyak sa takot. "Boyet! Akala ko ba lalaki ka?" tanong ko sa kanya "hindi mo kasi alam kung ano ang kaya nila!" sabi niya sa akin na napatingin ako sa mga aswang at naisip ko si Elizabeth. Naalala ko nung nagsuntokan kami sa office niya at tila wala lang sa kanya nung ilang beses ko siya natamaan sa mukha at dinilaan lang nito ang dugong dumaloy sa bibig niya.

Napaatras si Dante at si Berting nung sinuntok sila ng mga aswang at kita kong hinihingal na sila sa pagod samantalang parang hindi man lang napagod ang dalawang aswang sa harapan nila. "Kung totoong si Elizabeth at si Benjamin sila" sabi ko sa sarili ko kaya tumakbo ako sa pagitan nila at tumayo ako "ELIZABETH!" tawag ko sa kanya na napatigil ito at nagkatinginan silang dalawa "NAKIKILALA MO BA AKO?" tanong ko sa kanya "ISABELLA, LUMAYO KA!" sigaw sa akin ni Dante "ALAM KO ANG GINAGAWA KO DANTE" sagot ko sa kanya. "Eli! Ako ito si Issa" sabi ko sa kanya na tumingin ito sa akin at maya-maya lang ay nagbago ang anyo nito at naging tao na siya.

"I..ssa?" tanong niya na nakita kong naging kapatid ko na ito at hubo't-hubad siyang nakatayo sa tabi ni Ben "oo, ako ito, naaalala mo pa ba ako?" tanong ko sa kanya na dahan-dahan akong lumapit sa kanya. "ISABELLA!" tawag sa akin ni Dante dahil naghahanda ng umatake ang kasamahan ng kapatid ko "relax lang Dante" sabi ko sa kanya na ngumiti ako at tinaas ko ang kamay ko para ipaabot kay Elizabeth. "Sis, ako ito.. natatandaan mo pa ba ako hindi ba?" tanong ko sa kanya na tumingin ito sa kamay ko at sa akin "Isabella.." tawag niya sa akin "oo, ako ito." sabi ko sa kanya na nasa harapan na niya ako. "Sis" sabi ni Elizabeth na ngumiti ito sa akin kaya inabot ko ang kamay niya at pinsil ko ito "oo, ako ito" sabi ko sa kanya.

Tumingin si Elizabeth kay Ben at tumingin ito sa akin "Sis, ano ang nangyari sa'yo?" tanong ko sa kanya "bakit ka naging..." "aswang?" dugtong niya na bigla niya akong sinuntok sa dibdib kaya napatapon ako at buti nalang nasalo ako ni Dante. "Ok ka lang ba?" tanong niya sa akin "yung.. dibdib ko.." sabi ko sa kanya "Heneral, delikado ito sobrang lakas nila" sabi ni Bertnig sa kanya "wala tayong laban sa kanila" sabi ni Dante habang dahan-dahan na silang umaatras. "Hehehe.. akala mo nakakalimutan kita, Isabella?" sabi ni Elizabeth na lumapit sa kanya si Ben at hinimas nito ang mukha niya. "Do you like what I did to your boyfriend?" tanong niya sa akin na lumabas ang mahabang pangil ni Ben at tumutulo ang laway nito.

"Ben..." tawag ko "wala na si Ben Isabella, tauhan ko na siya ngayon" sabi ni Elizabeth sa akin "ano ang ginawa mo sa kanya?" tanong ko "well, improvement! You don't like what I did? Mas matagal na siya sa kama and we needed someone like him" sabi ni Elizabeth. "Anong someone like him?" tanong ko "prosecutor, BOYET!" tawag ni Elizabeth sa kanya "ilalabas kana sana namin pero since nilabas kana nila, then hindi na namin kailangan pang mag-aksaya ng panahon" sabi ni Elizabeth. "Huwag mong sabihin sa akin si papa.." sabi ko "HAHAHAHA! If you only knew sis, he is the worst!" sabi niya sa akin "enough talking, baby" tawag niya kay Ben na ngayon ay galit na galit na nakatingin sa amin "take care of them for me, but leave my sister alone!" utos niya na mabilis gumalaw si Ben papunta sa amin.

"HUMANDA KAYO!" sigaw ni Dante dahil malapit na si Ben at tumalon ito sa ere para atakihin kami ng biglang bumagsak nalang ito sa lupa at sa lakas ng pagbagsak niya nagkaroon ito ng hukay. Nagulat kaming lahat sa bilis ng pangyayari at nung humupa na ang alikabok nakita namin sa ibabaw ni Ben si Julian na nakatayo ito at nakaharap kay Elizabeth "mabuti lang ba kayo?" tanong niya sa amin. "Ju.. Julian!" tawag ko "hindi ka ba nasaktan, Isabella?" tanong niya sa akin na binaba na ako ni Dante "ok lang ako, medjo masakit ang dibdib ko" sabi ko sa kanya "Julian, salamat naman at nakarating ka" sabi ni Dante sa kanya.

Umatras si Elizabeth nung makita niya si Julian at biglang me itim na telang bumalot sa katawan niya at mabilis itong tumalon sa ere at nagkaroon siya ng pakpak at lumipad ito palayo sa amin. "Ako na ang bahala sa kanya" sabi ni Julian sa amin na narinig naming gumalaw si Ben kaya yumuko si Julian at nung lumipad ito tumalsik sa pader ang maraming dugo ni Ben at hinabol niya si Elizabeth. Pinuntahan namin si manang Zoraida na nakahiga na ngayon sa lupa "kailangan ko lang magpahinga" sabi niya sa amin "pew.. ano yung mapanghi!" sabi ni Berting "putris umihi si Boyet" sabi ni Crispin na nakaupo sa tabi ni manang.

"Ano ang gagawin natin sa kanya, Heneral?" tanong ni Berting kay Dante tungkol kay Benjamin na ngayon ay dahan-dahan naring bumalik sa pagkatao "napatay na siya ni Julian, hayaan nalang natin ang mga pulis ang umasikaso sa kanya" sabi ni Dante. "Hindi pwede" sabi ko sa kanila "kailangan nating dalhin siya sa tamang lugar" sabi ko na sumang-ayon naman si manang Zoraida sa akin "salamat, dalhin natin siya sa ospital kung maaari" sabi ko na bigla nalang me bumagsak sa tabi ni Ben at nagulat kami at nakita namin si Julian na dumapo sa tabi nito "huwag kang mag-alala, hindi ko siya pinatay" sabi ni Julian sa akin na kinarga niya si Elizabeth at lumapit siya sa amin.

Tumingin siya sa silangan "kailangan nating umalis dito" sabi niya sa amin na inamoy ni Dante ang hangin "tama si Julian, naaamoy ko ang masangsang na amoy ng mga aswang" sabi niya. "Saan tayo pupunta?" tanong ni Crispin na tinulongan na siyang tumayo ni Berting habang si Jasmine naman ang tumulong kay manang "si Solomon" sabi ni Dante "kina Solomon tayo" sabi niya "magbubukas ako ng portal papunta dun" sabi ni Jasmine. "Anak" sabi ni manang "inay, hayaan niyo na po ako" sabi ni Jasmine sa kanya "sige Jasmine" sabi ni Julian sa kanya "para hindi nila masundan ang amoy natin" sabi ni Julian. Nagbukas ng portal si Jasmine at pumasok na sila "paano si Ben?" tanong ko "wala na tayong magagawa sa kanya, Isabella" sabi ni Julian sa akin.

"Gusto kong dalhin siya sa.." "hindi na! Wala narin silang magagawa sa kanya" sabi ni Julian sa akin na kita kong me galit sa mata niya nung tiningnan niya si Ben, nagseselos ata si Julian kaya hinayaan ko nalang. Pumasok na kami sa portal at nakatayo kaming lahat sa harap ng isang maliit na bahay na bago paman kami nakalapit sa pinto bigla nalang itong bumukas at lumabas ang isang ale na me bitbit itong espada. "Kayo pala, Heneral" bati niya kay Dante na niyuko nito ang ulo niya "pasensya kana kung biglaan ang pagpunta namin dito, Melinda" sabi ni Dante sa kanya "walang anuman yun, Heneral sige pumasok kayo" yaya niya sa amin kaya pumasok kaming lahat at agad niyang sinara ang pinto nung nasa loob na kami.

Tinali nila si Elizabeth gamit ang kapangyarihan ni Jasmine at hiniga namin si manang Zoraida sa sofa habang ginamot naman ni Melinda sina Berting at Crispin "ano ba ang nangyari, Heneral Dante?" tanong niya. "Inatake kami habang kinukuha namin itong taong ito" sagot niya "bakit? Ano ang meron sa taong ito?" tanong ni Julian "siya yung dating security na nagtatrabaho sa kompanya namin" paliwanang ko. "Teka, ito yung taong kinuha niyo sa Alaminos" sabi ni Julian sa akin "oo, naalala mo pa pala siya" sabi ko "hindi ko makakalimutan ang amoy niya" sabi ni Julian na nilapitan niya si Boyet at bigla nalang itong naihi sa pantalon niya "naman, ang panghi mo Boyet!" sabi bigla nina Berting at Crispin na nagtakip din ng ilong si Dante.

"Ano ang balita sayo, Julian? Saan ka ba nagpunta?" tanong ni Dante sa kanya "me, dinalaw lang ako" sagot ni Julian "pumunta kaba sa palasyo?" tanong ni manang Zoraida sa kanya "hindi, hindi sa palasyo" sagot ni Julian. "Teka" sabi ni Dante na tumingin ito sa gilid ni Julian "hindi ba nasa sa'yo ang espada ni Lorenzo?" tanong niya na napatingin kaming lahat sa kanya "wala na ang espada ni Lorenzo" sagot niya na tumayo ito sa gilid ng bintana. "Nasaan pala si Solomon?" tanong niya na parang ayaw niya atang pag-usapan ang tungkol sa espada ng tatay niya "kasama niya ang mga anak namin, me namataan silang aswang na umaaligid sa unibersidad malapit dito" kwento ni Melinda.

"Hmmm, tila parami na ng parami ang aktibidad nila sa lugar na ito" sabi ni Dante "oo, nung isang araw me napatay silang aswang malapit lang dito sa subdivision namin" kwento ni Melinda. "Ano ba itong nangyayari, Heneral?" tanong niya "me nakuha kaming masamang balita mula sa isang aswang, Melinda" kwento ni Dante "magbabalik na daw ang Reyna ng mga Aswang" dagdag niya. "Imposible naman ata yan! Hindi ba napatay niyo na noon si Olvia?" takang tanong niya. "Oo, at hindi madali ang nangyari noon dahil marami sa ating mga Lobo ang napatay" sabi ni Dante "me nakausap akong aswang sa lugar ng mga Bailan" biglang sabi ni Julian.

"Ano? Ano ang sabi niya?" tanong ko "parang totoo nga ang balita at Dante, sabi ng aswang na yun hindi niyo daw napatay si Olvia" sabi ni Julian na kinagulat nina Dante at mga tauhan niya. "Imposible ito Julian, kami mismo ni Ingkong Romolo at ibang mga kasamahan namin ang nakapatay sa kanya" sabi ni Dante. "Kung ganun, nilinlang lang kayo ni Olvia" sabi ni Julian "dahil yung aswang na nakausap ko, determinado itong sinabi sa akin na buhay pa si Olvia" sabi ni Julian na napaupo si Dante at napatingin sa tauhan niya. "Ibig sabihin nito, yung ginawa natin noon Heneral wala lang din pala" sabi ni Crispin "delikado tayong lahat kung talagang buhay pa si Olvia" sabi ni Berting "alam ko" sabi ni Dante.

"Kailangan nating ipagbigay alam ito ni Ingkong Romolo" sabi ni Dante "kami na po ang babyahe Heneral" alok ni Crispin "kailangan din namin kumuha ng gamot sa Tribu natin" sabi ni Berting. "Mabuti pa kasi kukulangin tayo ng gamot dito" sabi ni Melinda "Jasmine, maaari mo ba kaming matulongan?" tanong ni Dante sa kanya "kahit ano po, Heneral Dante" sagot ni Jasmine "anak, baka manghina ka?" sabi ni manang sa kanya. "Inay, mas malakas ako kesa sayo, hindi ba?" sabi ni Jasmine sa kanya na natahimik nalang si manang at ngumiti ito "bubuksan ko ang portal pabalik sa tribu niyo" sabi ni Jasmine kay Dante.

"Ano ang mensahe mong ipaparating namin kay Ingkong, Heneral?" tanong ni Crispin "sabihin mo sa kanya ang kaganapan dito at tungkol kay Oliva, at iparating mo din sa kanya na kailanganin natin ang tulong ng ibang Tribu ng mga Lobo" bilin niya. "Masusunod Heneral" sagot nilang dalawa at binuksan na ni Jasmine ang portal at umalis na sila sabay sara niya "sa ganyang paraan pala kayo nakakabyahe ng malayo?" tanong ni Melinda "oo" sagot ni Jasmine na umupo siya sa tabi ni manang Zoraida at niyakap niya ito. "Ngayon, ano ang gagawin natin sa kanila?" tanong ni Dante sa amin tungkol kay Boyet at kay Elizabeth.

"Makakakuha tayo ng maraming inpormasyon kay Elizabeth kesa kay Boyet" sabi ko "pero huwag niyo siyang saktan, kapatid ko parin siya" sabi ko sa kanila. Lumutang si Julian palapit kay Elizabeth at tinaas ang kamay niya "gagamitin ko ang kapangyarihan ni Santino, pwede kong makita at maibahagi sa inyo ang laman ng isipan ni Elizabeth" sabi ni Julian "Julian, huwag mo siyang sasaktan" sabi ko "hindi masasaktan si Elizabeth, sa paraang ito lang natin makikita kung ano ang tinatago niya, kesa kakausapin natin siya" paliwanag ni Julian. Pinatong niya ang kanang kamay niya sa ulo ng kapatid ko "humawak kayo sa balikat ko" sabi niya sa amin kaya lumapit kami ni Dante sa kanya at humawak kami sa magkabilang balikat niya "Ipikit niyo lang ang mga mata niyo at huwag kayong maingay" sabi ni Julian na ginawa namin ito.

Nung pinikit na namin ang mga mata namin bigla nalang kaming napunta sa opisina ni Elizabeth at nakita naming nakaupo ito sa likod ng desk niya at me kausap sa telepono. "Talaga? Gusto mong pumunta sa condo mamaya? Hahaha sure, sure.. maghahanda ako para sayo" sabi nito. "Alright Benny, I will see you later" sabi ng kapatid ko na biglang me narinig kaming ingay sa loob ng drawer niya na agad niya itong kinuha. "Hello, ngayon na? Sige" sagot niya na parang nagbago ang reaction sa mukha niya pagkatapos niyang kusapin ang taong tumawag sa kanya at tumayo ito at lumabas ng office niya. "Cynthia, I'll be gone for the rest of the day kaya take a message and tell them I will be right with them as soon as possible" bilin niya sa secretary niya "opo ma'am" sagot nito at pumunta na si Elizabeth sa elevator.

Nakasunod lang kami sa kanya at me ginamit siyang susi at sumara na ang elevator "iba ito ah?" sabi ko dahil ngayon ko lang nakita ito "ano ang ibig mong sabihin?" tanong ni Dante. "Matagal na akong pumupunta sa building na ito pero ngayon ko lang nakitang gumagamit sila ng susi sa elevator na ito" paliwanag ko sa kanya. Bumaba na ang elevator at lalo lang akong nagulat nung lumagpas ito ng lobby at dumiretso ito pababa "teka, me basement ang buidling na ito?" takang tanong ko "hindi ba sabi ni Boyet me binabantayan siyang pintuan?" tanong ni Dante "huwag kayong maingay" sabi sa amin ni Julian na natahimik nalang kami ni Dante.

Makalipas ang ilang minutos bumukas na yung elevator sa isang madilim na corridor at sumunod kami sa kapatid ko papunta sa isang pintuan at nung bumukas ito konti lang ang ilaw ang nakasindi dito. "Mabuti at nandito kana" narinig naming sabi ng isang tao sa loob "pasensya na, me ginagawa pa kasi ako sa taas" sagot ng kapatid ko "ano ang maipaglilingkod ko sa inyo, kamahalan?" tanong ng kapatid ko. "Kamahalan?" takang tanong ni Dante "me balita kana ba sa kapatid mo?" tanong nito sa kanya "wala pa kamahalan, lahat ng kaibigan at kasamahan niya sa presinto tinawagan ko na pero wala parin silang alam sa kinaroroonan niya" sagot ni Elizabeth.

"Hmm.. hindi na bale, me ipapagawa ako sa'yo" sabi nung tao sa dilim "ano po yun, kamahalan?" tanong ng kapatid ko "yung kasintahan ng kapatid mo" sabi nito "si Benjamin?" tanong ng kapatid ko. "Oo, hindi ba nagtatrabaho siya sa Department of Jusitce?" tanong niya "opo, ano ang gusto niyong gawin ko?" tanong ng kapatid ko "gawin mo siyang aswang at gusto ko siya ang pumatay kay Boyet" utos nung tao sa kanya. "Pero kamahalan, labas si Benjamin sa plano natin" sabi ng kapatid ko "hindi mo ba ako susundin, Elizabeth?" tanong nung tao sa kanya "ah.. su.. susundin po kamahalan, sa akin lang po." "hindi ko kailangan ang opinyon mo, gawin mo ang inuutos ko sa'yo" sabi nung tao sa kanya.

"Masusunod po, kamahalan" sagot ng kapatid ko at biglang bumukas ang pinto sa likuran niya at pumasok ang papa ko "Enrico" tawag nung tao sa kanya "opo" sagot ni papa na yumuko din siya. "Yung pinapagawa ko sa'yo?" tanong nung tao sa kanya "nakahanda na ang lahat, ang huling utos niyo nalang ang hinihintay namin" sagot ni papa "ano ang pinaplano nila?" tanong ni Dante. "Hindi ko alam" sagot ko na pati ako napakamot ulo kung ano ang binabalak nila "sige, umalis na kayo at gawin niyo na ang inuutos ko sa inyo" sabi nung taong nasa dilim na kahit pilit namin tingnan hindi namin ito maaninag ang mukha niya. "Julian" tawag ko sa kanya "mahiwaga ang taong ito" sabi niya na lumutang nalang kami nung umalis na si Elizabeth kasama si papa.

Nasa elevator na muli kami "ano ang ipinapagawa niya sa'yo?" tanong ni papa sa kapatid ko "gawin kong aswang si Ben, pa, ayaw ko na" sabi ni Elizabeth sa kanya na kita ko sa mukha ng kapatid ko ang lungkot. "Wala tayong magagawa, nabubuhay tayo ng marangya dahil sa kanya" sabi ni papa "mas gusto ko pang mabuhay sa lansangan kesa maging alipin niya" sabi ng kapatid ko "tumahimik ka, Elizabeth!" sabi ni papa sa kanya. "Kaya naiinggit ako kay Isabella, dahil nakuha niyang umalis sa puder niyo" sabi ni Elizabeth na hinawakan siya ni papa sa leeg at inangat siya nito "huwag na huwag mong babanggitin ang pangalan ng putang yun sa harapan ko!" sabi ni papa sa kanya na naging pula ang mga mata nito sa galit.

"Pa.. papa..." sabi ni Elizabeth na bigla kong sinuntok sa mukha si papa pero tumagos lang ang kamay ko sa mukha niya "ano ang ginagawa mo?" tanong ni Julian sa akin na napatunganga lang ako sa ginawa ko. Nilapit siya ni papa sa mukha niya "susundin mo ang inuutos niya at wala kang karapatan mag reklamo dahil lahat binibigay ko sa'yo" sabi ni papa sa kanya sabay tulak nito at napasandal sa pader ng elevator si Elizabeth. L... Read More


About the Author :

Joined: February 5, 2014 (2 years old)
Writings: 114

Send PM · Male · Offline

16 comments   2 favorites   1,798 views