Harapin Ang Liwanag! Chapter XVII

July 25, 2015 (1 year ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Erotic Horror, Supernatural, Sci-Fi and Fantasy | Tags:

Chapter XVII: Death!

"Issa, ano ang plano mo?" tanong ni manang Zoraida sa akin "hihintayin muna natin maghating gabi para konte nalang ang tao sa presinto" sabi ko sa kanya "paano kung marami pang tao dun?" tanong ni Dante. "Alam ko ang takbo ng presintong yun, Dante kaya nakakasiguro akong konte nalang ang tao mamaya" pasisiguro ko sa kanya "ang sarap ng niluto mo Issa" sabi ni Jasmine sa akin na tinulongan na niya akong magligpit ng plato. "Ako na ang maghuhugas niyan" sabi ni manang Zoraida sa akin "hindi manang me dishwasher kaya hindi mo na kailangan pang hugasan yan" sabi ko sa kanya na binuksan ko ito at pinasok ko ang mga ginamit namin sa loob at naglagay ako ng dishwasher soap at sinara ko ito at pinaandar.

Nakaupo kaming lahat sa sala at nag-uusap sa susunod naming hakbang "nasa pangatlong selda si Boyet, solo siya dun" sabi ko sa kanila na ginuhit ko pa ang buong layout ng presinto para malaman nila kung nasaan si Boyet. "Nasa pinakadulo niyo pala siya nilagay?" tanong ni Dante "oo, nilagay ko siya sa seldang yun dahil naka set na kasi ang schedule ng arraignment niya" paliwanag ko sa kanila. Narinig kong tumigil na sa pag-andar ang dishwasher kaya nagpaalam muna ako sa kanila para asikasuhin ito "sino ang sasama sa kanya para makuha si Boyet?" tanong ni Dante kay Zoraida "huwag mo akong tingnan Dante, pagdating sa ganyan wala akong alam dyan" sabi ni Zoraida sa kanya.

"Pwede tayo Heneral, pwede tayong magkunwaring pulis" sabi ni Crispin "ano ka ba, hindi ganun kadali yun" sabi ni Berting "tama si Berting mahirap na magkunwari tayong pulis dahil hindi tayo kilala ng mga tao dun" sabi ni Dante. "Hindi talaga kayo pwedeng magkunwaring pulis, lalong-lalo na sa QCPD" sabi ko sa kanila na napalingon silang lahat sa akin "bakit naman?" tanong ni Crispin. "Two things, una, kilala namin ang lahat ng mga pulis sa presinto day or night shift man ito, pangalawa, walang makakapasok na kahit na sino kahit pulis pa kayo na walang pahintulot sa Hepe namin o sa Hepe ng mga pulis na dumadalaw dun" sabi ko sa kanila. "Ay, hindi nga talaga pwede" sabi ni Crispin "yun nga lang ang problema, hindi ko pwedeng ilabas mag-isa si Boyet" sabi ko sa kanila.

"Hindi ba me partner ka naman?" tanong ni Dante sa akin "oo, pero hindi ko basta lang hihingin ang tulong ni Alan na hindi magsususpetsa ang ibang kasamahan namin" sagot ko sa kanya. "Ang hirap pala" sabi ni Berting "nay, paano kung idaan natin si Boyet sa portal?" tanong ni Jasmine kay manang Zoraida na nabuhayan kaming lahat nung sinabi niya ito "ano ka ba Jasmine, pinagbabawal sa Konseho na gamitin ang kapangyarihan natin sa labas.." "Zoraida, alam na namin na matagal mo ng ginagamit ang kapangyarihan mo sa labas ng sinasakupan ng Konseho" pagputol ni Dante sa kanya na natahimik nalang siya. "Ano manang Zoraida, pwede ba?" tanong ko sa kanya na tiningnan niya kami isa-isa at sabing "pwede, pero kailangan kong makita ang lugar bago ko buksan ang portal" sabi niya sa akin.

"SAKTO!" sigaw ni Berting na napatigil nalang si Crispin at Dante "bakit?" tanong ko sa kanila "nakabukas ba ang kwarto ng kapatid mo?" tanong ni Dante sa akin "hindi, bakit?" takang tanong ko. "Delikado ito" sabi niya na agad silang tumayo "ano ang nangyari sa inyo, Dante?" tanong ni manang Zoraida sa kanila "paparating ang kapatid mo sa condo niya" sabi ni Crispin. "Imposible, nasa mansion ngayon si.." natahimik nalang ako nung narinig namin ang lock ng pinto sa condo na napalingon ako sa tatlong lobo at nagulat nalang ako dahil bigla nalang silang nawala sa likuran ko at nakita kong nakabukas ang sliding door papunta sa terrace. "Issa!" tawag sa akin ni manang Zoraida na agad tumayo si Jasmine at sabing "desapareixer (disappear)".

Bumukas ang pinto ng condo at pumasok sa loob ang kapatid ko at napahinto ito at tumingin sa amin "Elizabeth.. magpapaliwanag ako sayo" sabi ko sa kanya na napabugnot nalang ito at nilapitan ako "magpapaliwanag ako sis" sabi ko. Malapit na siya sa akin ng biglang lumusot lang ito sa katawan ko na parang wala ako sa harapan niya at sinara ang sliding door ng terrace at nilagay ang mga pinamili niya sa sofa. "Oo, nandito na ako sa condo, maghahanda ako para sayo my love, hihihi.. sige.. see you later.. love you too, mwah!" sabi niya na kita kong naka bluetooth ito at nilagay niya ito sa mesa at pumunta sa kusina. Hindi ako nakagalaw ni hindi man lang ako makapaniwala sa nangyari kanina "ma... manang.. " tawag ko kay manang Zoraida.

"Jasmine, pabigla-bigla ka naman" sabi ni manang Zoraida sa kanya "nagpanic kasi ako kaya nagbigkas nalang ako para hindi niya tayo makita at marinig" sagot ni Jasmine sa nanay niya. "A.. ano ang ginawa mo?" gulat kong tanong sa kanya "desapareixer ang tawag nito na ibig sabihin nawawala tayo sa limang senses niya" paliwanag niya sa akin "ibig sabihin nito..." sabi ko "oo, hindi niya tayo marinig, makita, maramdaman, maamoy at lalong hindi niya tayo hehehehe.." natawa nalang siya "Jasmine!" tawag ni manang Zoraida sa kanya na nakuha ko ang huling sinabi niya. Pumunta ako ng kusina at kita kong naghihiwa ng gulay ang kapatid ko at tila naghahanda ito ng dinner "sino kaya ang kausap niya kanina?" tanong ko "baka boyfriend niya" sabi ni Jasmine.

"Pulis ako, tingin mo hindi ko alam kung sino ang mga umaaligid sa kanya?" sabi ko kay Jasmine "baka bagong prospect, Issa" sabi niya "patay sa akin ang babaeng ito kung isa dun sa mga nanloko sa kanya noon ang pupunta dito" banta ko. "Bakit nandito ang kapatid mo?" tanong sa akin ni manang Zoraida "hindi ko alam, dapat nasa mansion siya ngayon kasama ang magulang ko" sagot ko na narinig kong bigla nalang humatching ang kapatid ko at nagmamdali itong tumkabo papunta sa kwarto niya. "Ano ang nangyari dun?" tanong ni Jasmine "patay tayo, allergic sa aso ang kapatid ko" sabi ko sa kanila na natawa nalang si Jasmine kaya nabatukan siya ni manang Zoraida.

Panay hatching ng kapatid ko sa kwarto niya na nagpapahid na ito ng tissue sa ilong "ano ba yan! Parang haa.haa..hatchiii!" sabi niya na nagmamadali itong pumasok muli sa kwarto "tumambay pa naman sina Dante dito kanina" sabi ko na nag-alala tuloy ako kay Elizabeth. "Me panlunas ako dyan" sabi ni manang Zoraida na tinaas nito ang kamay niya na kita kong gumalaw ang bibig nito na tila me binibigkas ito at maya-maya lang ay tumigil na sa kakahatchi si Elizabeth "whew.. that was weird!" sabi ng kapatid ko na bumalik ito sa kusina at tinuloy ang pagluluto niya. "Buti nalang hindi lobo si kuya Julian kung magkataon sa labas palagi siya matutulog" natatawang sabi ni Jasmine "hay naku!" nalang ako at tiningnan ang kapatid ko.

Samantala sa Isla habang nakahawak si Julian sa espada ni Lorenzo nakalutang siya sa ibabaw ng dating Kuro at ngayon ay pilit pinapasok ng maraming sundalong Kasitla habang denedepesahan ito ng mga tauhan ni Hen. Amistad. "Huwag niyo silang hayaang makapasok sa Kuro!" utos ni Hen. Amistad sa mga sundalo niya "OPO HENERAL!" sigaw nila "Amistad kailangan nating humanda sa opensa nila" sabi Resisyo sa kanya dahil nakita nila ang tatlong kanyon na dala ng mga Kastila. "Hindi nga ito maganda para sa atin" sabi niya kay Resisyo na nilingon niya ang buong Kuro at nakita niyang nagkakagulo narin ito dahil sa pag-atake ng mga Kastila.

"Heneral, nagpadala na kami ng agila para kay pinunong Lorenzo" balita ng isang tauhan niya "mabuti, ihanda ang mga magpapana" utos niya "masusunod Heneral!" sagot ng sundalo niya at umalis na ito. "Pana laban sa kanyon?" tanong ni Resisyo sa kanya "hehehe tingnan natin kung ano ang mas epektibo" natatawang sabi ni Hen. Amistad sa kanya "HENERAL! HENERAL!" tawag ng isang sundalo niya. "Bakit?" tanong niya "nailuwal na po ng mahal na Ginang ang anak niya" balita nito "MAGALING!" sabi ni Hen. Amistad na humakbang ito at sabing "MGA KAWAL! IPINANGANAK NA ANG SANGGOL NI LORENZO! IAALAY NATIN ANG TAGUMPAY NATIN DITO SA BATANG SI JULIAN!" balita niya sa lahat na nagsigawan at hiyawan ang mga sundalo nila at lalo lang silang ginanahang lumaban.

"Ano ang gagawin natin ngayon?" tanong ni Resisyo sa kanya "pigilan ang mga bastardong ito na hindi makapasok sa Kuro sapat para makarating si Lorenzo sa Kuro" sabi ni Hen. Amistad sa kanya na niyuko nila ang ulo nila ni Hen. Amistad at bumalik sila sa pwesto nila. "Lorenzo, magmadali ka, kailanganin ka ng pamilya mo" sabi ni Hen. Amistad sa sarili niya habang nakatingin sa tatlong kanyon na hinahanda na ngayon ng mga Kastila. "Mahal na Ginang kailangan na po nating ihanda ang pagtakas niyo" sabi ng tauhan niya "hindi, hindi ako aalis ng Kuro" sagot ni Lala "paano ang anak niyo? Kung maging totoo man ang hula kay pinunong Lorenzo pati siya.." "hinding-hindi mangyayari yun" sabi ni Lala sa kanila na pumasok ang isang sundalo niya at binalitang malapit ng masira ang gate ng Kuro.

"Mahal na Ginang pakinggan mo kami, tumakas na po kayo!" pagmamakaawa ng tauhan niya "hindi, lalaban ako" sabi ni Lala na tumayo siya kahit kakapanganak lang niya "Emeryo, sabihin mo kay Hen. Amistad na palakasin ang depensa natin, bigyan niyo ng oras na makabalik si Lorenzo dito" utos niya sa sundalo niya "masusunod, mahal na Ginang" sagot nito. Kinuha ni Lala ang gamit niya sa aparador at sinuot ang pandigma niya at ang espadang ginawa ni Resisyo sa kanya "ina, ikaw na ang bahala kay Julian" utos niya sa nanay niya. "Anak, pwedeng pakinggan mo naman ako" naluluhang sabi ng nanay niya "patawad inay, katungkolan kong unahin ang Kuro habang wala si Lorenzo" sabi ni Lala sa kanya.

Naghubad narin ang mga tumulong sa panganganak niya na suot nila at ngayon nakapandigma na silang lahat "nakahanda narin kami, mahal na Ginang" sagot ng mga kababaihan sa kubo niya. Narinig nila ang ingay ng tatlong kanyon sa labas kaya umiyak si Julian dahil sa gulat "huwag kana umiyak anak" sabi ni Lala nung binuhat niya ito at dinikit niya si Julian sa dibdib niya "pakinggan mo ang tibok ng puso ni nanay, anak" sabi niya na kumalma ito. Naghubad narin ang nanay ni Lala at nakapandigma narin ito "kung ganun, lalaban narin ako" sabi ng nanay niya na napangiti si Lala "ano ang iuutos niyo sa amin, mahal na Ginang?" tanong ng isa.

"Alam kung dinedepensahan ng mga kalalakihan ang pader natin, tayo naman ang magiging opensa nila" sabi ni Lala sa kanila "alam na namin ang gagawin, mahal na Ginang" sagot nila. "Ina, manatili ka na muna dito kasama si Julian" utos niya sa nanay niya "kung yun ang gusto mo, mahal na Ginang" sagot ng nanay niya. Niyakap niya muna si Julian at hinalikan niya ito sa pisngi "dito ka lang anak ha, lalabas lang muna si nanay" naluluhang sabi ni Lala sa kanya. Nakatingin lang si Julian sa gilid habang nangyayari ito at nakaramdam siya ng kirot sa puso niya "iiwan muna kita sa lola mo habang wala pa ang tatay Lorenzo mo si nanay muna ang mamuno sa labas, mahal na mahal kita anak" naluluhang sabi ni Lala kay Julian at binigay na niya ito sa nanay niya.

Sinundan ni Julian si Lala palabas ng kubo at nakita niyang nakalinya na ang mga kababaihang Bailan sa harapan ng kubo at me dala silang mga pana "ALAM NIYO NA ANG POSISYON NIYO!" sabi ni Lala sa kanila. "OPO!" sagot nilang lahat kaya nagsimula na silang mag marcha papunta sa gate ng Kuro na napalingon si Hen. Amistad nung mapansin niya ito "salamat naman at parating na sila" sabi niya "MAGHANDA KAYO, MAGSISIMULA NA ANG OPENSA NATIN!" sigaw niya sa mga sundalo niya "OPO HENERAL!" sagot nila. Pumwesto na ang mga kababaihan sa harap ng gate ng Kuro at hinanda narin nila ang mga sandata nila "mahal na Ginang kayo nalang po ang hinihintay namin" sabi ng isang tauhan niya.

"Hintayin niyo ang utos ko" sabi niya na niyuko lang ng sundalo niya ang ulo nila at umakyat si Lala sa itaas ng pader kung nasaan sina Hen. Amistad at Resisyo "mahal na Ginang" niyuko nila ang mga ulo nila. Nakita ni Lala ang mga sundalong kastila na pilit binubuksan ang gate ng Kuro kaya tinaas niya ang kamay niya at nung binaba niya ito binitawan ng mga kababaihang Bailan ang pana nila at biglang nagdilim ang kalangitan sa dami ng bala ng pana na lumipad sa ere papunta sa mga kalaban nila. "HAHAHAHA" tumawa lang si Hen .Amistad nung nakita nilang nagsitakbuhan ang mga kasitla para makahanap ng masisilungan. "Mahal na Ginang, natutuwa akong naririto kana" sabi ni Resisyo sa kanya "bakit Resisyo? Natatakot ka ba?" tanong ni Lala sa kanya na tumawa lang si Hen. Amistad.

Samantala, malapit ng makarating sina Lorenzo at mga tauhan niya sa lugar ng pagpupulong ng biglang napatigil ang isang tauhan niya "bakit Renaryo?" tanong ni Lorenzo na nakita niyang nanlaki ang mga mata nito. Napalingon sila sa tinitingnan niya at pati sila nagulat din dahil nakita nila ang isang agila na papalapit sa kanila. "Pinuno!" sabi ni Renaryo "ANG KURO!" sigaw ni Lorenzo na agad silang bumalik at sumalubong sa kanila ang agila na agad itong dumapo sa balikat ni Balwig "PINUNO, ANG KURO!" sigaw niya "ALAM KO!" sagot ni Lorenzo na mabilis nilang pinatakbo ang kabayo nila. "BAKIT ANO BA ANG NANGYARI?" tanong nung binatang kasama nila "ITIM ANG NAKA BALOT SA PAA NG AGILA" sabi ni Balwig "ano ngayon kung itim?" tanong nung binata "ME UMAATAKE SA KURO!" sagot ni Renaryo "Lala, sana ligtas kayo" sabi ni Lorenzo sa sarili niya.

Marami ang namatay sa mga kastila na umatras sila palayo sa gate ng Kuro dahil pinaulanan muli sila ng mga bala ng pana kaya natigil narin ang pagputok ng mga kanyon nila. "Mahal na Ginang tila naduduwag ata ang mga sundalo nila" sabi ni Resisyo "huwag kang maging kampante Resisyo, hindi pa tapos ang gyerang ito" sabi ni Lala sa kanya na nagbigay siya ng signal gamit ang kamay niya na agad kumilos ang mga kababaihang Bailan. "Ano ang susunod nating hakbang?" tanong ni Hen. Amistad sa kanya "alam kong nangangati kana at ang mga tauhan natin, Hen. Amistad" sabi ni Lala sa kanya na napangiti ito "salamat mahal na Ginang" sabi ni Hen. Amistad sa kanya na humakbang ito sa harapan nila "MGA KAWAL, IHANDA ANG ESPADA NIYO!" sigaw niya na lumingon siya kay Lala na tumango siya "UBOSIN ANG KALABAN!" sigaw niya "OPO HENERAL!" sagot ng mga sundalo niya.

Bumukas ang gate ng Kuro at nagsitakbuhan palabas ang mga sundalong Bailan papunta sa mga sundalong kastila na ngayon ay naghahanda narin sa pagsalakay nila "UBOSIN ANG MGA YAN!" sigaw ni Emeryo na nangunguna sa grupo. "Mahal na Ginang" sabi ni Hen. Amistad "sige Heneral" sagot ni Lala na tumalon ito pababa sa pader ng Kuro sa naghihintay niyang kabayo at agad itong umalis patungo sa mga sundalong kastila. "PARA SA KURO!" sigaw ni Hen. Amistad "BAILAAAANNNN!" sigaw ng mga tauhan niya na agad nilang pinagtataga ang mga sundalong kastila na hindi man lang ito nakadepensa sa mga atake nila.

Isa-isang napatay ng mga Bailan ang mga sundalong Kasitla at napatay din nila ang mga sundalong nag oopera sa mga kanyon na inikot pa nila ito at ginamit nila ito para pasabugin ang mga sundalong kastilang tumakbo palayo sa kanila. "Mahal na Ginang, tagumpay po tayo" sabi ni Resisyo sa kanya na hindi man lang natuwa si Lala sa nakikita niya "bakit po, mahal na Ginang?" tanong ng isang tauhan niya "hindi pa tayo tapos" sagot ni Lala na tinuro niya ang espada niya sa langit. "Bathalang araw, tulongan niyo kami" nabigkas nalang ng matandang Bailan nung makita nila ang dilim na paparating sa Kuro. "IPAGBIGAY ALAM KAY HENERAL AMISTAD NA BUMALIK SILANG LAHAT SA KURO!" utos ni Lala sa tauhan niya na sinunod agad ito "ano ang gagawin natin, mahal na Ginang?" tanong ng tauhan niya "pipigilan natin sila hanggang makabalik sa Kuro si Lorenzo" sagot niya.

Bumalik na silang lahat sa Kuro at agad nilang nilagyan ng maraming kahoy ang gate para hindi ito madaling mabuksan ng mga kalaban, nagbago narin sila ng taktika na pinaghalo na ni Lala ang mga lalaking mamamana at mga kababaihan. "Ano ang estratahiya natin?" tanong ni Hen. Amistad kay Lala "isa lang Heneral" sagot niya "pigilan silang hindi makapasok sa Kuro, utosan ang mga tauhan natin na maghanda ng pana, alam kong lilipad sila patawid sa pader natin" sabi ni Lala sa kanya "masusunod!" sagot niya. "Resisyo, bigyan ng mga espada ang mga tauhan natin, kailanganin natin ang lakas nila" utos ni Lala sa kanya "masusunod, mahal na Ginang" sagot niya.

Nakita ni Julian ang nanay niya sa ibabaw ng pader ng Kuro "inay" tawag niya na bigla itong napalingon sa kanya at kita niyang tiningnan siya na parang nakikita siya nito "Julian, kung ito man ang huling gabi ko dito sa mundo, sana anak mabuhay ka para sa amin ng tatay mo" sabi ni Lala na ikinagulat ni Julian. "Inay..." sabi niya na agad lumingon si Lala sa mga tauhan niya sa baba "PAPARATING NA SILA, IHANDA NIYO NA ANG MGA SANDATA NIYO!" sigaw niya na hinugot narin niya ang espada niya at humarap sa dilim na paparating sa Kuro. Maya-maya lang ay may biglang bumangga sa gate ng Kuro na muntik na itong masira "AYAN NA SILA!" sigaw ni Heneral Amistad na tumalon mula sa ibabaw ng pader si Lala at tumayo siya katabi si Hen. Amistad at naghanda sila.

"BITAWAN NIYO NA!" sigaw ni Lala na agad binitawan ng mga mamamana nila nung dumaan sa ibabaw ng pader ng Kuro ang mga nagliliparang manananggal at biglang nawasak ang gate ng Kuro "ABANTE!!!" sigaw ni Lala na agad silang umabante at sinalubong ang maraming aswang na pumasok sa gate ng Kuro. Doon nakita ni Julian kung paano lumaban ang mga Bailan lalong-lalo na ang nanay niya na ngayon ay naliligo na sa dugo ng mga aswang "HUWAG NIYO SILANG PALAPITIN SA MGA KUBO!" sigaw ni Lala na pumorma silang lahat sa pader na nagdedepensa sa kumyunidad ng Kuro "HUWAG NIYO SILANG HAYAANG MAKADAAN SA INYO!" sigaw niya na pinagtataga nila ang mga aswang na lumalapit sa kanila.

Kung me lilipad sa ibabaw nila agad itong pinapana ng mga mamamana nila at naghanda narin sila ng apoy para pansunog nila sa mga bumagsak na manananggal. Hinugot pa ni Lala ang pangalawang espada niya at mabilis niyang pinaghahampas ang mga aswang na lumalapit sa kanya, tumakbo siya paabante sa mga nakalinyang aswang na yumuko at umikot siya sa pagitan nila at nahiwa niya ang mga ito. "GRAAAHHHHHH.." napasigaw ang ibang mga aswang dahil sa espadang tumatama sa kanila na nakita nilang umatras ang mga ito kaya naghiyawan silang lahat dahil sa tagumpay nila "HUWAG KAYONG MAGING KAMPANTE!" sigaw ni Lala "HINDI PA ITO TAPOS!" dagdag niya "OPO!" sagot nilang lahat.

Samantala malapit na sina Lorenzo sa Kuro at nakikita na nila ang dilim na bumabalot sa buong kumyunidad nila "MAGHANDA KAYO" sigaw ni Lorenzo na agad nilang hinugot ang espada nila at hinugot narin ni Lorenzo ang sa kanya ng biglang me sumulpot na higanting aswang sa harapan nila kaya natapon sila paalis sa kabayo nila. "PINUNO!" sigaw ni Renaryo "MABUTI LANG AKO, MAGHANDA KAYO!" sabi ni Lorenzo sa kanila na umatake yung higanting aswang sa kanila na agad itong nahiwa ni Lorenzo ang ulo na kinagulat nilang lahat. "MAGMADALI KAYO!" sigaw ni Lorenzo sa kanila na sumakay na ito kay Aristas at umalis na ito "PINUNO HINTAYIN MO KAMI!" sigaw ng mga tauhan niya na sumakay narin sa mga kabayo nila at sumunod kay Lorenzo.

Nakita ni Lorenzo na nawasak ang gate ng Kuro at maraming aswang ang pumapasok sa loob kaya wala siyang sinayang na oras at hinugot niya ang espada niya at tinaas niya ito sa ere. "LALAAAA!" sigaw niya na biglang lumiwanag ang espada niya dahilan kaya napalingon sa kanya ang mga aswang at nagtakip ito sa mukha nila "LORENZO!" sagot ni Lala nung makita ang liwanag ng espada ni Lorenzo. Pinaghahampas nina Lorenzo at mga kasamahan niya ang mga aswang na nadadaanan nila dahil hindi ito makatingin sa kanila dahil sa sinag ng espada niya "ABANTE!!!" sigaw ni Lala na agad umabante ang mga sundalo nila para salubongin si Lorenzo.

Bumaba sa kabayo si Lorenzo at agad niyang niyakap si Lala "mabuti lang ba kayo?" agad niyang tanong sa esposa niya "oo, napipigilan namin sila" sagot ni Lala habang naglaban ang mga tauhan nila sa paligid. "Nanganak kana?" gulat na tanong ni Lorenzo sa kanya dahil lumiit ang tiyan niya "oo, ipinanganak ko na si Julian" sagot ni Lala "Pinuno, mahal na Ginang hindi ito ang oras para maglampungan" sabi ni Hen. Amistad sa kanila na natawa lang si Resisyo. "Tara sa kubo, ipapakilala ko sayo si Julian" sabi ni Lala "kami na ang bahala dito" sabi ni Hen. Amistad sa kanila na agad silang tumungo sa kubo kung nasaan si Julian at napaluhod si Lorenzo nung makita niya ang anak nila ni Lala.

"Julian" sabi ni Lorenzo nung binuhat niya ito at naluha siya nung makita niyang kamukha niya ito habang nagpapahid ng dugo si Lala bigla silang nakarinig ng malakas na pagsabog sa labas at yumanig ang lupa. "Lorenzo" sabi ni Lala "patawarin mo ako Lala, pero.. kailangan niyong tumakas ni Julian" sabi ni Lorenzo sa kanya "ano ang sinasabi mo? Hindi mo ba nakitang napigilan namin sila?" tanong ni Lala. "Makinig ka sa akin Lala, me malaking peligro ang darating sa Kuro kaya kailangan niyo ng umalis dito" sabi ni Lorenzo sa kanya "hindi ako aalis, sasamahan kita" sabi niya "paano ang anak natin? Paano si Julian?" tanong ni Lorenzo "ang nanay, siya nalang ang patakasin natin at ibang mga batang Bailan" sabi ni Lala sa kanya.

"Hindi, gusto ko kasama ka niya para maturoan mo siya sa paraan nating mga Bailan" sabi ni Lorenzo sa kanya "mahal.. hinintay ko ang pagkakataong makasama ka lalong-lalo na sa oras nato, huwag mo akong itakwil palayo sayo" sabi ni Lala sa kanya. Me narinig ulit silang pagsabog sa labas at yumanig muli ang lupa kaya binigay ni Lorenzo si Julian kay Lala at lumabas siya at nakita niya ang dahilan ng pagyanig "dyos araw!" sabi nalang niya nung makita niya ang naglalakihang aswang na umaatake sa mga tauhan niya. Lumabas narin sa kubo sina Lala at nanay niya kasama si Julian at pati sila napatigil narin sa nakita nila "kailangan niyo ng tumakas dito" sabi ni Lorenzo sa kanila "hindi!" pagmamatigas ni Lala.

"MAMAMATAY TAYONG LAHAT KUNG HINDI KAYO TATAKAS NGAYON!" sigaw niya kay Lala na binigay niya si Julian sa nanay niya at hinugot ang dalawang espada niya "LALABAN TAYO!" sagot niya. Walang ibang nakitang paraan si Lorenzo dahil sa katigasan ng ulo ni Lala kaya tinawag niya si Aristas na mabilis itong lumapit sa kanya "inay, kayo na po ang tumakas kasama si Julian" sabi ni Lorenzo sa kanya "paano kayo?" tanong nito "wala ng oras nay para magtalo" sabi ni Lala sa kanya. "Dumaan kayo sa likuran at pumunta kayo sa kaharian ni Haring Narra at doon kayo mamalagi" sabi ni Lorenzo sa kanya "natatakot ako" sabi ng nanay ni Lala "huwag kayong matakot" sabi ni Lorenzo na binigay niya ang espada ng liwanag sa kanya.

"A.. ano ang gagawin ko nito?" tanong ng nanay ni Lala "ipapamana mo yan kay Julian paglaki niya" sabi ni Lorenzo sa kanya, lumapit si Lala sa kanya at niyakap siya nito at humalik siya kay Julian "patawarin mo ang nanay at tatay anak ha?" naluluhang sabi ni Lala kay Julian. "Anak, maging matibay ka, maging malakas ang loob mo at maging mabuti kang tao" sabi ni Lorenzo sa kanya. Pagkatapos halikan si Julian sa noo pinasakay na nila ang nanay ni Lala kay Aristas at me binulong si Lorenzo sa kabayo niya na parang naiintindihan siya nito "magmadali ka Aristas!" sabi ni Lorenzo sa kanya na sinampal niya ito sa pwet at agad itong tumakbo patungo sa labasan sa likod ng Kuro. "Lorenzo... ang anak natin" naluluhang sabi ni Lala "alam ko, handa ka na ba?" tanong niya "oo" sagot ni Lala na hinugot narin ni Lorenzo ang isang espada niya.

Umatake sa kanila ang maraming aswang na napatay nila ito at doon nakita ni Julian kung paano lumaban ang mga magulang niya, kapareho ang kilos nilang dalawa na parang sync sila sa isat'-isa. "Yan ang totoong nagmamahalan" sabi ng matanda sa kanya na napalingon siya sa likod niya "nag..mamahalan?" tanong ni Jualin "oo, iisa ang puso nila kaya iisa ang galaw nila" sabi ng matanda kay Julian. Nakita niya kung paano gumalaw at gumamit ng espada ang mga magulang niya na halos walang makakalapit na aswang sa kanilang dalawa. "Ah mabuti at nandito na kayo pinuno!" sabi ni Hen. Amistad nung nagkita na silang tatlo. "Ano ang masasabi mo sa araw na ito, Hen. Amistad?" tanong ni Lorenzo sa kanya "masasabi kong.. magandang araw ito para mamatay" sagot ng Heneral dahil sa dami narin ng saksak sa katawan niya.

Napahinto sila nung umatras ang mga aswang at binigyan daan nila ang isang higanting aswang na dumudura ito ng asido sa lupa "amin siya!" sabi ni Lorenzo na agad tumakbo ang mag-asawa palapit sa higanting aswang. "Ang daya niyo!" sigaw ni Hen. Amistad na hinampas ni Lorenzo ang paa ng aswang at nahiwa ito na mabilis naman siyang yumuko at ginawa siyang platform ni Lala na tumapak ito sa likod niya at hinampas niya ang leeg ng higanting aswang at naputol ito. "YAAAHHHH!!!" sigaw ng mga Bailan nung nakita nila ito dahilan kaya umatras at lumayo ang mga aswang sa kanila "ABANTE!" sigaw ni Lorenzo sa mga sundalo nila na sabay pa silang mag-asawang umabante at nasa likod nila ang mga tauhan nila.

"MAHAL TAGUMPAY TAYO!" sigaw ni Lala "HINDI PA!" sagot ni Lorenzo na huminto siya kaya napahinto din silang lahat at nakita nila sa malayo ang nagtatayuang mga kanyon ng mga sundalong kastila. "PINUNO!" sigaw ni Hen. Amistad na agad silang nagsibalikan dahil pumutok na ang mga kanyon ng mga kastila at tinamaan ang ibang mga Bailan "BUMALIK TAYO SA KURO!" sigaw ni Lorenzo na sunod-sunod ang putok ng mga kanyon ng mga kastila at napapatapon ang mga Bailan na natamaan nito. Nakabalik sina Lorenzo at Lala sa loob ng bakod ng Kuro pati narin ang mga sundalo nila "mahal ang mga tauhan natin" sabi ni Lala na nakita ni Lorenzo ang mga patay na Bailan sa labas ng Kuro.

"Wala tayong laban sa mga kanyon nila" sabi ni Lorenzo sa kanya na nakita nila sa labas si Resisyo bitbit ang dugoan at wala ng malay na si Hen. Amistad "pa... patawad... Lo.. renzo.." ang huling sinabi ni Resisyo bago ito bumagsak sa lupa. Nakita nilang mag-asawa ang mga tauhan nilang nagbabagsakan sa lupa, konte nalang silang natitira sa loob ng Kuro na pilit hinarang ni Lorenzo at mga kasamahan niya ang isang malaking kahoy para hindi makapasok ang mga kalaban nila. "Magmadali kayo!" sabi ni Lorenzo sa natitirang sundalo niya "tumakas na kayo sa likod" utos niya na hindi nila sinunod. "Mamamatay kayo dito kung hindi kayo aalis" sabi ni Lala sa kanila "mga Bailan kami, pinuno, mahal na Ginang, handa kaming mamatay para sa inyo!" sabi ng isang sundalo nila.

"Hindi ito tama, dapat tumakas kayo para lumaban sa susunod na mga araw" sabi ni Lorenzo sa kanila "hindi! Mananatili kami dito kasama kayo" sabi ni Emeryo "hahh.. ha.. mahal" tawag ni Lala kay Lorenzo na hinihingal na ito. Nakita niya ang maraming sugat sa katawan at mga kamay ni Lala "mahal, humiga ka muna" sabi ni Lorenzo sa kanya "hindi, mabuti lang ako" sagot ni Lala na tumulo na ang dugo nito sa lupa pati narin ang mga natitirang Bailan. Tumigil na sa pagputok ang mga kanyon sa labas at nararamdaman nila ang pagyanig ng lupa kaya sumilip sa labas si Lorenzo at nakita niya muli ang maraming aswang na papalapit sa Kuro kasama nito ang maraming sundalong Kastila.

Bilang nalang silang natitira sa Kuro, me mga bata na naghahanda narin sa mga sandata nila at nakita rin niya ang mga patay sa paligid nila at sa mga kubo "hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko" pasimula niya. "Tila, nagkakatotoo nga ang hula tungkol sa akin at humihingi ako ng tawad sa inyo" dagdag niya na lumuhod siya sa mga tauhan niya "pinunong Lorenzo" sabi nung matanda sa kanya "alam namin ang tungkol sa hula ni Naring, pero hindi ikaw ang dahilan sa kaganapang ito" dagdag nung matandang Bailan. "Wari may nangyari ang lahat ng ito dahil narin siguro sa pagiging magaling nating mandirigma" sabi ng isang binata "pero hindi namin kayo sinisisi Pinunong Lorenzo kaya tumayo po kayo" dagdag nito.

"Mahal, hindi ito ang oras para sa usaping yan" sabi ni Lala sa kanya na tumayo siya at nginitian ang mga tauhan niya "kailangan kong tulongan ang mga magulang ko" sabi ni Julian na binatukan siya ng matanda. "Bakit?" taonng niya "ang hina mo talaga bata" sabi ng matanda sa kanya "isa itong alaalala ng kahapon wala ka ng magagawa dahil nangyari na ito noon" paliwanag ng matanda sa kanya. Nakita nilang umayos si Lorenzo at tumingin sa natitirang Bailan "tingin ko katapusan na natin ito" panimula niya "pero.. hindi tayo mamamatay ng walang laban" sabi niya na tinaas ng mga tauhan niya ang mga armas nila. "BAILAN HANGGANG SA KATAPUSAN!" sigaw ni Lala "BAILAN!" sigaw ng mga tauhan nila na nakapila silang lahat na nakatayo sa gitna ng Kuro at hinintay ang mga kalaban nila.

Hinawakan ni Lorenzo ang kamay ni Lala na napatingin sa kanya ito "patawarin mo ako kung sandali mo lang akong nakasama" sabi ni Lorenzo sa kanya "hindi mahal, ang importante magkasama tayo" nakangiting sabi ni Lala sa kanya. "Ang anak natin si Julian" sabi niya "alam kong ligtas si Julian kasama si inay" sabi ni Lala "oo, salamat sa pagmamahal mo Lala" pagpaalam ni Lorenzo sa mahal niyang asawa. "Salamat at minahal mo ako, Lorenzo at binigyan mo ako ng buhay sa katauhan ng anak natin" sabi ni Lala sa kanya. "Lorenzo, Lala, nandito na sila" sabi nung matanda dahil nakita na nilang pumasok na sa loob ng Kuro ang mga kalaban nila. "TANDAAN NIYO, HINDI KAYO NAG-IISANG TATAWID SA KABILANG MUNDO, KASAMA NIYO KAMI!" sabi ni Lorenzo sa kanila.

Nakita ni Julain kung paano lumaban ang natitirang sundalo ng mga Bailan kasama ang mga magulang niya, nung tumagal na nakita nalang niyang mga magulang nalang niya ang natirang nakatayo na pinalibutan sila ng mga aswang. "Hahhh.haahhh.. ma..hal ko..." sabi ni Lala kay Lorenzo na nakasandal ngayon sa likuran niya "Lala.. pagtibayin mo ang loob mo" sabi ni Lorenzo sa kanya na kitang hinihingal narin si Lorenzo sa pagod at sa dami narin ng sugat sa katawan niya. "Lo... renzo... pa... patawad mahal ko... " sabi ni Lala sa kanya na inabot niya ito sa likuran niya at hinawakan niya ito sa tyan at pilit pinapatayo. "Mahal.. huwag muna.." sabi ni Lorenzo sa kanya na bumagsak na ang espada ni Lala sa lupa kaya napaluha nalang si Lorenzo "patawad.. mahal ko.. pa.. tawad... Ju.. lian..." sabi ni Lala na naluha narin si Julian sa nakikita niya.

Nanlambot na si Lala at dahan-dahan narin itong bumaba kaya umabante si Lorenzo para maihiga niya ng maayos si Lala, nahiga ang ulo ni Lala sa pagitan ng mga paa ni Lorenzo at nakita niya ang dugoang mukha ng asawa niya. "Haahh.. La.. la... haah.." hinihingal na siya at nararamdaman na niya ang hapdi ng mga sugat sa katawan niya. "Patawarin mo ako.. mahal ko... huwag... huwag kang mag-alala... susunod ako..." sabi ni Lorenzo na naramdaman niyang lumapit na yung mga aswang sa kanya kaya tinaas niya ang espada niya para ipaalam sa kanila na lalaban pa siya. "Handa... handa akong mamatay... " sabi ni Lorenzo sa kanila na nagpipigil ang mga ito na umabante sa kanya ng biglang "MAGSITIGIL KAYO!" sigaw ng isang tinig mula sa likuran ng mga aswang na agad silang tumigil.

Binigyan nila ito ng daan "bilib ako sa galing niyong mga Bailan" sabi nung taong naglalakad sa gitna ng mga aswang at kasunod nito ang dalawang sundalong kastila "si... sino kayo?" tanong ni Lorenzo sa kanya. "Hindi mo ba ako natatandaan?" tanong nung lalaki sa kanya na tiningnan ito ni Lorenzo pero hindi niya talaga ito matandaan "ako yung binata na kasama noon sa bangkang dumaong sa dalampasigan" sabi nito "si Enrico" dagdag niya. Nakita niyang gutay-gutay na ang damit ni Lorenzo at tumutulo narin ang dugo nito sa lupa "kalma lang, wala ng aatake sayo" sabi ni Enrico na dahan-dahan lumuhod si Lorenzo at tiningnan niya si Lala. "Nakita ko kung paano kayo lumaban, napakagaling niyo, kung hindi lang sa mga kanyon siguro naubos niyo na ang mga sundalo ko" sabi niya kay Lorenzo.

"Lala..." sabi ni Lorenzo na inalis niya ang buhok na nakatabon sa mukha ng asawa niya "gusto kita, aalukin kitang sumama sa akin bilang maging sundalo ko, sa galing mong lumaban pwede mong turoan ang mga sundalo kong lumaban katulad mo" alok ni Enrico sa kanya. "Mahal ko.. huwag kang mag-alala.. malapit na akong susunod sayo" sabi ni Lorenzo kay Lala na hindi niya pinakinggan si Enrico sa alok niya. "Kapitan, tila ayaw ka atang pansinin ng lalaking ito" sabi ng sundalo niya na nilapitan niya si Lorenzo na hiniwa siya nito sa tiyan at bumagsak ito sa lupa "HUWAG!" sigaw ni Kap. Enrico sa mga aswang dahil aabante sana sila para atakihin si Lorenzo.

"Hahaha... kahit ganyan na ang kondisyon mo delikado ka parin..." natatawang sabi ni Kap. Enrico "Kapitan, hinalugad na namin ang buong lugar wala kaming nakitang kayamanan" balita ng tauhan niya. "Nasaan ang kayamanan niyo?" tanong niya kay Lorenzo na hindi niya ito pinansin "yung suot mo noong dyamante, nasaan na?" tanong niya na hindi parin siya pinansin ni Lorenzo "wala kang makukuhang sagot niyan, Kapitan Enrico" sabi ng isang aswang sa kanya. "Hayaan mo na kaming patayin siya" sabi ng isa pang aswang "HINDI!" sigaw bigla ng isang tao "ako ang papatay sa kanya" sabi nito na tiningnan ni Lorenzo kung sino at nagulat nalang siya nung namukhaan niya ito. "I.. ikaw?" sabi ni Lorenzo na tumayo ito sa harapan niya..

"Mabuti at naalala mo pa ako" sabi nito na ngumiti si Lorenzo at sabing "kumusta na ang kamay mo?" tanong niya na ikinagalit ng taong nasa harapan niya "huwag!" pagpigil ng Kapitan sa kanya. "Pangako mong ako ang papatay sa kanya" sabi ni Gilas kay Kap. Enrico "alam ko ang pinangako ko sayo Gilas pero huwag mong kakalimutan ang pakay ko dito" paalala ng Kapitan sa kanya. "Kayamanan? Kayamanan ang ...hanap niyo dito? Hahaha... kaya.. niyo kami inatake... dahil sa kayamanan? Hahahah" natatawang sabi ni Lorenzo sa kanila "wala kayong... makikitang kayamanan dito" dagdag niya na tiningnan niya si Lala "walang kayamanan ang Kuro" sabi ni Lorenzo.

"Kapitan, wala kaming nakikitang kayamanan dito" bumalik yung tauhan niya "punyeta!" sabi ni Kap. Enrico na galit itong nakatingin kay Lorenzo "nangako ka sa akin Enrico" sabi ni Gilas sa kanya "bueno, ikaw na ang bahala sa kanya" sabi ni Kap. Enrico na natuwa si Gilas. "Umalis na kayo!" sabi ni Gilas sa mga aswang na nagsi-alisan narin ito at yung iba lumipad pa "hindi ba sabi ko sayo hindi yun ang huling pagkikita natin" sabi ni Gilas kay Lorenzo na ngayon ay nakaluhod sa tabi ni Lala. "Mahal.. patawarin mo ako kung maisturbo ko ang pagtulog mo" sabi ni Lorenzo kay Lala na lumapit na sa kanya si Gilas bitbit ang espada niya na tiningnan lang siya ni Lorenzo.

"Makakapaghiganti narin ako sa ginawa mong pagputol sa kamay ko" sabi ni Gilas na tinadyakan niya ang espada ni Lorenzo palayo sa kanya sabay taas niya sa espada niya para hampasin si Lorenzo sa leeg. "Huwag kang mag-alala, mabilis lang ito" sabi ni Gilas sa kanya na binaba na nito ang espada niya na nakailag si Lorenzo at kinuha niya ang espada ni Lala at sinaksak niya sa tiyan si Gilas na napatigil ito at tumingin sa kanya. "Hindi magbubunga ang binabalak mo... Gilas.." sabi ni Lorenzo sa kanya na napaluhod si Gilas at hinugot ni Lorenzo ang espada ni Lala sa kanya "ah.. pa.. papatayin kita.." sabi ni Gilas sa kanya na agad itong hinampas ni Lorenzo at naputol ang ulo ni Gilas at gumulong pa ito patungo sa kinatatayuan ni Kap. Enrico.

Biglang umabante ang mga aswang na agad silang pinigilan ni Kap. Enrico "hindi mo kami tauhan Enrico!" galit na sabi nung isang aswang "pero ako ang binigyan ng kapangyarihan ng Reyna niyo para mamuno dito" sabi niya. "Magsialisan na kayo!" utos niya na walang nagawa ang mga aswang at umalis na ang mga ito "magaling, akala ko hindi na tatahimik ang asong ito" sabi ni Kap. Enrico na tinadyakan ang ulo ni Gilas. "Magaling ka ngang mandirigma, tama nga ang sinabi ni Reyna Claudia tungkol sayo Lorenzo" sabi ni Kap. Enrico sa kanya "napapansin mo bang hindi ako lumapit sayo, dahil yun ang babala sa akin ni Reyna Claudia" dagdag niya na bumagsak na sa lupa ang espadang hawak ni Lorenzo at humihingal na ito.

"Ibibigay ko sayo ang huling karapatan para narin respeto ko sa magiting mong pagkatao" sabi ni Kap Enrico sa kanya na sumuka ng dugo si Lorenzo at napatumba siya sa ibabaw ni Lala. "Huwag kang mag-alala, wala ng gagalaw sayo dito, hahayaan na kitang mamatay kasama ang esposa mo" sabi ni Kap. Enrico na tumalikod na ito at naglakad na ito palayo sa kanya. Gumapang ng konte si Lorenzo at kinuha ang espada ni Lala na pinatong niya ito sa dibdib ng asawa niya at umupo siya sa tabi "ma..mahal.. ko.... pa... patawad...patawad.." sabi ni Lorenzo kay Lala habang hinihimas niya ang mukha nito. Naluluha si Julian sa nakikita niya at tila naging wala siyang silbi dahil hindi man lang niya natulongan ang mga magulang niya "mahal... su... susunod ako sayo... " sabi ni Lorenzo na hiniga niya ang ulo niya sa dibdib ni Lala.

Nakaalis na ang mga sundalong kastila at mga aswang sa Kuro at naiwan nalang si Lorenzo'ng naghihingalo sa tabi ni Lala habang nasusunog ang lahat ng kubo ng Kuro "ma.. mahal ko..." sabi ni Lorenzo na hinahalikan niya si Lala sa labi. Maya-maya lang ay me narinig siyang ingay ng pakpak na papalapit sa kanya at nung tiningnan niya ito nakita niya si Lucia na dumapo ilang talampakan sa kanya. "LORENZO" agad siyang tinawag nito at lumapit sa kanya "Lu... cia..." sabi ni Lorenzo na lumuhod si Lucia sa tabi niya at tiningnan siya mula ulo hanggang sa katawan niya "ano ang nangyari dito?" tanong ni Lucia sa kanya "mga... sundalong.. kastila.. at....asw...ang.." sabi ni Lorenzo na nauutal na ito dahil sa dami ng dugong nawala niya.

"Dadalhin kita sa palasyo para magamot ka" sabi ni Lucia sa kanya "hindi... hindi na..." sabi ni Lorenzo na naluha si Lucia nung makita ang kondisyon niya "maawa ka sa sarili mo Lorenzo, bubuhatin na kita at dadalhin kita sa palasyo para magamot ka ni Zoraida" sabi ni Lucia sa kanya na pingilan siya nito. "Hndii.. dito ang lugar ko... ka... kasama siya... sila..." sabi ni Lorenzo na napatingin si Lucia kay Lala "ganun.. ganun mo siya kamahal?" tanong ni Lucia sa kanya "... hahh...hah..o..oo...." sagot ni Lorenzo sa kanya na napaiwas ng tingin si Lucia kay Lala at tumingin kay Lorenzo "pata... ptawarin mo ako.... kung... nasaktan kita..." sabi ni Lorenzo na naluha si Lucia sa sinabi niya.

"Ang... anak namin...si... Julian.." sabi ni Lorenzo "na.. kina Narra... kasama ang.. nanay.. ni.. Lala..." dagdag niya na nakita niyang nagulat si Lucia "bakit?" tanong niya "...nakita ko si Pietra.. naghihingalo sa daan.. kaya agad akong pumunta dito" sabi ni Lucia na nagulat si Lorenzo sa sinabi niya. "Ang anak namin..." sabi ni Lorenzo "pinatakas niya sakay sa kabayo mo" balita ni Lucia sa kanya na natuwa si Lorenzo nung narinig niya ito. "Kung.. ganun... ligtas na siya ngayon.. sa kaharian ni Narra.." sabi ni Lorenzo na pilit niyang bumangon kaya tinulongan siya ni Lucia para maluhod niya ang kanang tuhod niya sa lupa.

"Lucia... naalala.. naalala mo pa ba ang pangako mo?" tanong ni Lorenzo sa kanya na hindi nagsalita si Lucia "..naalala mo pa ba?..." tanong muli ni Lorenzo na tumango lang si Lucia at umiyak na ito "hini...hinihingi kong.. tuparin muna ito.." sabi ni Lorenzo sa kanya na umiling siya at niyakap si Lorenzo. "Hinding-hindi ko yun magagawa, mahal ko!" sabi ni Lucia na tinulak siya ng konte ni Lorenzo para maharap niya ito "... alam mo kung ano ang... sinabi ko noon hindi ba?"..." tanong ni Lorenzo sa kanya na tumulo na ang luha ni Lucia sa mga pisngi niya na pinahiran ito ni Lorenzo at nginitian niya "yun.. ang huling.. hiling ko sayo..." sabi niya na humagolgol ng iyak si Lucia sa narinig niya galing sa taong pinakamamahal niya ng buong buhay.

"Hndi.. hindi ko maibibigay sayo ang kamatayan mo... Lorenzo... mahal na mahal kita..." sabi ni Lucia sa kanya "ang... apoy.. mo lang ang.. makakapagpalaya sa katawan kong ito..." sabi ni Lorenzo sa kanya. "Alam mo?" tanong ni Lucia na tumango si Lorenzo "alam ko.. ang ginawa mo.. sa katawan ko noon..." sabi ni Lorenzo dahil matagal na pala niyang alam na binigyan ng kapangyarihan ni Lucia ang katawan ni Lorenzo na hindi ito mamamatay. "Alisin... mo na ang.. imortalidad sa katawan ko... Lucia..." sabi ni Lorenzo sa kanya na tiningnan niya ito sa mata at hinila siya ni Lorenzo palapit sa kanya at naghalikan silang dalawa.

Tumayo na si Lucia at umatras siya palayo kay Lorenzo "tayo ang tinadhana.. kaya hindi ko kayang gawin ito sayo.." sabi ni Lucia sa kanya "... nangako tayo.. sa.. isa't-isa.. Lucia" sabi ni Lorenzo sa kanya na pinikit ni Lucia ang mga mata niya at humagolgol siya ng iyak. "Naka.. handa na ako... Lucia..." sabi ni Lorenzo sa kanya na binuka niya ang mga mata niya at nakita niyang nakaluhod sa harapan niya si Lorenzo at nakayuko ang ulo nito na parang nagbibigay pugay ito sa kanya. "... Mahal... mahal na mahal kita Lorenzo..." sabi ni Lucia na huminga siya ng malalim at pinikit niya ang mga mata niya "salamat.... Lucia..." sabi ni Lorenzo sabay buga ni Lucia ng apoy kay Lorenzo na napasigaw ang huli nung tumama sa kanya ang mainit na apoy ni Lucia.

"AAARRRGGGGGHHHHHHH!" naririnig niyang sumigaw si Lorenzo habang tuloy lang din siya sa pagbuga ng apoy at maya-maya lang ay tumigil na siya sabayy talikod niya. "Huhuhu.. Lorenzo... Lorenzo..." naiiyak niyang sabi na nakita niyang unang dumapo si Morietta at nagsisigaw ito nung makitang nasusunog si Lorenzo. "HENERAL! HENERAL!" mabilis na tumakbo palapit sa kanila si Morietta na agad niya itong niyakap para pigilan sa paglapit kay Lorenzo habang dumapo narin si Hen. Guillermo at napaluhod nalang ito sa lupa nung makita ang guro niyang nasusunog. "BITAWAN MO AKO... HENERAAAAAALLLLLLL!!!" sigaw ni Morietta habang naluluha narin si Guillermo at tinawag si Lorenzo "GURROOOO!!! HENERALL!!!!" sigaw ni Hen. Guillermo.

"BITAWAN MO AKO! BAKIT MO SIYA SINUNOG?! BAKIT MO SIYA PINATAY?!" pagsisigaw ni Morietta kay Reyna Lucia na tahimik lang itong umiiyak "HENERAL!" "HENERAL ENZO!" tawag ng mga tauhan ni Lucia na ngayon ay napaluhod narin sa lupa at hindi makapaniwala sa sinapit ng dating Heneral nila. "Guillermo" tawag ni Lucia sa Heneral niya na hindi ito nakinig "GUILLERMO!" sumigaw siya "o.. opo kamahalan?" tanong niya habang nagpapahid siya ng luha. "Pumunta ka sa kaharian ni Narra at siguardohin mong nakarating ng maayos ang anak nina Lorenzo" utos niya "pero mahal na Reyna.. si..si.. Heneral.." naiiyak nitong sabi "SUNDIN MO ANG INUUTOS KO GUILLERMO!" sigaw ni Lucia sa kanya.

"OPO!" sigaw ni Guillermo at umalis na ito kasama ang ibang tauhan niya habang tinulak naman ni Lucia si Morietta na napaupo ito sa lupa sabay turo niya nito "TUMAHIMIK KA MORIETTA!" sabi niya. "Bakit... bakit mo ginawa ito sa kanya?" naluluhang tanong ni Morietta "hindi mo naiintindihan...." naiiyak na sabi ni Lucia na napansin na ito ni Morietta kaya tumayo siya at nilapitan ang Reyna "mahal na Reyna.." sabi ni Morietta at doon bumigay si Lucia sa harap ng mga tauhan niya na agad siyang niyakap ni Morietta at napaupo sila sa lupa at nag-iyakan silang dalawa. Napatingin si Moriett... Read More


About the Author :

Joined: February 5, 2014 (2 years old)
Writings: 114

Send PM · Male · Offline

2 comments   0 favorite   1,453 views