Harapin Ang Liwanag! Chapter XVI

July 25, 2015 (1 year ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Erotic Horror, Supernatural, Sci-Fi and Fantasy | Tags:

Chapter XVI: The Grand Ritual!

Nakarating na kami sa kaharian ni Haring Narra at agad namin siyang sinabihan tungkol sa kalabang humahabol sa amin "uutosan ko ang mga kawal ko na magbantay sa paligid at magpadala narin ako ng mga tauhan sa kubo" sabi ni Haring Narra. "Salamat kaibigan" sabi ni Ingkong Romolo sa kanya "walang anuman yun kaibigan, teka nasaan nga pala si Julian?" tanong ni Haring Narra "naiwan siya kasama si Dante" sabi ko. "KAMAHALAN, KAMAHALAN!" sigaw ng isang tauhan niya "ano yun?" tanong ni Haring Narra "namataan ng mga tauhan natin na nasa labas lang ng kaharian natin sina Julian at si Dante na me kaaway sila" balita ng tauhan niya.

"Magpadala ka ng tauhan natin dun para tulongan sila" utos ni Haring Narra "nagpadala na ako ng hukbong kamahalan" sabi nung tauhan niya "kailanganin ako ni Dante, tutulong din ako" sabi ni Ingkong Romolo. "Pati narin ako" sabi ko na pinigilan ako ni manang Zoraida "hindi ito ang panahon mo, Isabella manatili ka lang dito" sabi niya sa akin "pero.." "Tenyente, hayaan niyo na sila" sabi ni Jasmine sa akin na kita kong nanginginig parin siya "Ituro mo sa akin kung nasaan sila" sabi ni Ingkong Romolo sa tauhan ni Haring Narra na sumunod siya nito pagkatapos silang magpaalam "makikita natin sila sa tore, tayo na" yaya sa amin ni Haring Narra kaya sumunod kami sa kanya paakyat sa taas ng palasyo niya.

Nagulat si Julian nung sinabi ni Dante sa kanya na kapareho ng galaw at abilidad ng tatay niyang si Lorenzo ang kalaban niya ngayon "SIGURADO KA BA, DANTE?" tanong niya "ILANG BESES KO NAKASAMA SI LORENZO SA LABANAN KAYA ALAM KO!" sagot ni Dante. "KUNG GANUN ISA DIN SIYANG BAILAN" sigaw ni Julian "BAILAN!!!" biglang sigaw ng kalaban nila at umabante ito na sa sobrang bilis ng galaw nito hindi nadepensahan ni Julian ang espada nitong tumama sa balikat niya. "AAARRGGGGHHHHHH" napasigaw si Julian sa sakit at tinulak pa ito pababa ng kalaban niya kaya lalo lang siyang napasigaw sa sakit. "JULIAAANNN!" sigaw ni Dante na umabante siya para tulongan si Julian pero humogot ng patalim ang kalaban nila at binato ito kay Dante at buti nalang dumating si Ingkong Romolo kundi tumama na ito sa dibdib niya.

"LUMAYO KA SA KANYA!" sigaw ni Ingkong Romolo sa kanya na hindi siya nito pinansin at tuloy lang ito sa pagbaba ng espada niya sa balikat ni Julian "SABI KONG LUMAYO KA SA KANYA!" sigaw muli niya na umatake siya na umikot ang kalaban niya at si Julian at biglang bumuga ito ng asido na agad naman dumepensa si Ingkong Romolo. Umatras ang kalaban nila dala si Julian at lumayo ito sa kanila "AARGGHHHH!!" sigaw ni Julian na hinila ang mukha niya palapit sa mukha ng kalaban niya "Bai....lan..." sabi ng kalaban niya na nakita niya ang itim ng mga mata nito sa butas ng maskara niya. "Si..sino ka ba?" tanong ni Julian sa kanya na tiningnan siya sa mata nito at sabing "Jul....ian....." na kinagulat ni Julian kaya napahawak siya sa balikat nito at hinila ni Julian ang damit niya kaya napunit ito at nakita niya ang marka sa balikat niya.

"Hi...hi....hindi... im... impo... impo.... huhu...impo...huhu.. hi...hindi... " naiiyak na sabi ni Julian "HINDI!!!" sumigaw si Julian at nagbitaw siya ng malakas na enerhiya kaya napatapon ang kalaban niya at biglang lumabas ang itim na aura sa katawan niya. "HINDI.... HINDI..." sabi ni Julian na biglang naghilom ang sugat niya sa balikat at lumabas ang malaking espada sa palad niya at nagbago ang boses niya "IMPOSIBLENG IKAW YAN..... HENERAL GUILLERMO!" sabi bigla ni Julian na kinagulat nilang lahat. Tumayo ang kalaban niya at inalis nito ang maskara niya at lalo silang nagulat nung nakita ang mukha niya. "SINO KA MANG TARANTADO KA, BUBURAHIN KITA SA MUNDONG ITO!" galit na sabi ni Julian sa kanya na bigla nalang nawala sa kinatatayuan niya si Julian at nasa harap na siya ng kalaban niya.

Nagulat ito kaya mabilis itong umatras pero bago paman siya nakalayo nasa likuran na niya si Julian at sinaksak na siya nito sa likod "AAARGGGHHHHHH!" napasigaw ito nung lumabas ang espada ni Julian sa dibdib niya. "SINO KA!? SINO KAAAAA?!" tanong ni Julian sa kanya na bigla nalang nagbago ang mukha nito at lumabas ang totoong hitsura niya at tumawa ito "HAHAHAHAHA" kaya sa galit ni Julian inikot niya ang espada niya na napatigil ito at napasigaw sa sakit. "SINO KA AT ANO ANG KAILANGAN MO SA AMIN?!" tanong ni Julian sa kanya "ha.. hahaha...hahaha.. matatawag akong mensahero... " sagot nito.

"Kung ganun, ano ang mensaheng dala mo?" tanong ni Ingkong Romolo sa kanya "SAGUTIN MO SIYA!" sabi ni Julian na tinaas niya ang espada niya kaya nangiwi ang mukha ng kalaban niya "iiihhhh... hehehe... KAMATAYAN!" sigaw ng kalaban nila at nagsisimula na itong masunog kaya hinugot ni Julian ang espada niya at lumayo siya. "Hindi ito.. ang katapusan... me paparating na dilim.. sa buong kapuloan... hahaha... magbabalik... magbabalik ang Reyna.... " sabi ng kalaban nila at bago pa ito tuloyang masunog lumingon ito kay Julian at sabing "... siya... ang tatapos sayo...." at naging abo na ito. Lumapit si Ingkong Romolo at Dante kay Julian "hindi siya si Guillermo... nagkukunwari lang ang aswang na iyon" sabi ni Julian sa kanila.

"Ingkong" sabi ni Dante "alam ko Dante, me malagim na mangyayari sa ating lahat kung hindi natin mapigilan ang pagbalik ng Reyna ng Aswang" sabi ni Ingkong Romolo "naniniwala kayo sa Aswang na yun?" tanong ni Julian. "Hindi biro ang dinaanan namin para mapatay namin si Olivia, Julian" sabi ni Dante "dapat noon pa namin napatay si Olivia kung hindi lang sa mga mortal na kaalyado niya noon" sabi ni Julian. "Hindi na importante yan, ang importante ngayon ay mahanap natin kung saan naglulungga ang mga aswang" sabi ni Ingkong Romolo "Ingkong Romolo, Hen. Dante" tawag ng mga tauhan ni Haring Narra "maayos lang kami" sabi ni Dante sa kanila.

"Doon na tayo mag-usap sa kaharian ni Narra nararamdaman kong me nagmamasid sa atin dito" sabi ni Ingkong Romolo kaya naglakad na sila papunta sa kaharian ni Haring Narra kasama ang mga sundalong taong puno. "JULIAN!" tawag ni manang Zoraida na niyakap niya ito "maayos lang ako manang Zora" sabi niya sa matanda habang natutuwa naman akong makita siya "maayos ka lang ba, Isabella?" tanong niya sa akin na tumango ako at nginitian siya. "Me masamang balita ang dala ng aswang na yun, Haring Narra" sabi ni Ingkong Romolo sa kanya "hindi madali ang ginawa natin noon para mapatay ang Reyna ng mga aswang" sabi ni Haring Narra.

"Bakit, ano ho ba ang nangyari noon?" tanong ko sa kanila "napagpasyahan noon ng Konseho na hatulan ng kamatayan si Olivia ang Reyna ng mga aswang dahil sa ginawa niyang pag-atake sa kaharian ni Reyna Lucia" kwento ni Haring Narra. "Kailangan nating kumilos para mapigilan natin ang pagbalik ni Olivia" sabi ni Ingkong Romolo "pero saan tayo magsisimula? Hindi nga natin alam kung saan nagtatago ang mga aswang" sabi ni Dante. "Me mga taong umatake sa amin nung dumalaw kami sa palasyo ni Reyna Lucia" sabi ni manang Zoraida na napatingin silang lahat sa kanya "tama, naalala ko na, nay yung tela" sabi ni Jasmine na me kinuha sa bulsa niya si manang Zoraida at pinakita ito sa akin.

"Isabella, alam mo ba kung ano ito?" tanong niya sabay abot ng tela sa akin "saan niyo nakuha ito?" tanong ko sa kanya "nakuha namin yan doon sa nakalaban ni Julian" sagot niya. "Alam ko logo yan ng gusaling pinag-aari niyo, hindi ba Tenyente?" tanong sa akin ni Jasmine na tiningnan ko ito ng maayos "hindi, nagkakamali kayo" sagot ko sa kanila "bakit nasabi mong mali ito?" tanong ni manang Zoraida sa akin. "Hindi ito ang logo ng kompanya namin" sabi ko sa kanila "walang espada ang logo namin at isa pa hindi naman itim ang kulay ng logo namin kundi asul" dagdag ko "yun ang nakita ko sa gusali niyo, Tenyente" sabi sa akin ni Jasmine.

Tumayo ako at naglakad-lakad "ano ang nasa isip mo, Isabella?" tanong sa akin ni Julian na tiningnan ko siya at yung tela "me naalala ako dati sa lumang bahay namin dito sa Pangasinan" sabi ko sa kanya. "Yung presinto ngayon sa Alaminos?" tanong niya "oo, alam ko nakita ko na ito noon pa pero hindi ko maalala kung saan" sabi ko "hmmm tandaan mo ng mabuti Isabella" sabi ni Ingkong Romolo sa akin. "Yung kapatid ko ang makakatulong sa atin" sabi ko sa kanila "nasaan siya ngayon?" tanong ni Dante "nasa Maynila, shit!" sabi ko bigla "Isabella!" tawag sa akin ni manang Zoraida dahil nagmura ako.

"Ah hehehe pasensya na po, naalala ko lang kasi nung gabing nagkita kami ni Julian sa opisina yun ng kapatid ko" sabi ko na alam kong nagkakagulo na siguro sila ngayon sa Maynila dahil dun. "Bakit ano ang nangyari?" tanong ni Haring Narra "inatake kami ng kaparehong tao nung nasa opisina kami ng kapatid niya" kwento ni Julian "kung ganun, alam na natin kung saan tayo mag-uumpisa" sabi ni Ingkong Romolo. "Kailangan muna natin itong pagplanohan, Romolo" sabi ni Haring Narra "wala na tayong panahon, sa pinakitang lakas ng kalaban natin kanina alam kong malapit na nilang maibalik ang Reyna ng mga aswang" sabi ni Ingkong Romolo.

"Paano nila maibabalik si Olivia kung wala sa kanila ang Aklat ng Dilim?" tanong ni manang Zoraida "tandaan mo Zoraida, hindi nila kailangan ang Aklat dahil alam nila mismo kung paano bumuhay ng patay" sabi ni Ingkong Romolo. Napansin kong parang me pumasok sa isipan ni Julian nung marinig niya ito "kailangan nating alamin kung yung kompanya niyo Isabella ay me kaugnayan sa kanila" sabi ni Ingkong Romolo sa akin. "Tutulong ako sa inyo" sabi ko sa kanya "pero hindi natin pwedeng isali ang kapatid ko nito" dagdag ko "eh paano natin malalaman ang tungkol sa logong yan?" tanong ni manang Zoraida sa akin "me kilala ako at alam ko kung nasaan siya ngayon" sabi ko.

"Sino?" tanong ni Jasmine "dati siyang nagtatrabaho bilang security ng kompanya namin at siya yung namamahala sa seguridad ng building namin paggabi, si Boyet" sabi ko. "Alam mo kung nasaan siya?" tanong ni Dante "oo, nasa kulongan namin siya ngayon sa QCPD" sagot ko "bakit siya nakulong?" tanong niya "ang loko sumali sa bank robbery kaya nakakulong siya ngayon" sagot ko sa kanya. "Sige ito ang dapat nating gawin, ikaw Isabella at Julian puntahan niyo si Boyet at tanungin niyo siya tungkol sa logong yan" sabi ni Ingkong Romolo "habang kami naman ni Dante ay babalik sa tribu namin para manawagan sa ibang tribu ng mga taong lobo sa buong kapuloan" dagdag niya.

"Pupunta ako kay amang Ugat para hihingi ng tulong sa kanila" sabi ni Haring Narra "manatili muna kayo dito sa kaharian ni Narra, Zoraida, Jasmine" sabi ni Ingkong Romolo "hindi ako sasama kay Isabella" sabi bigla ni Julian. "Bakit?" tanong agad ni manang Zoraida "me kailangan akong gagawin" sagot niya "mas importante pa ba sa sitwasyon natin ngayon?" tanong ni Dante sa kanya "oo" sagot ni Julian. "Julian, ano man ang iniisip mo itabi mo muna yan, kailanganin ka namin sa sitwasyong ito" sabi ni Haring Narra sa kanya "pasensya na kayo, pero kailangan ko itong gawin" sabi ni Julian sa amin.

"Ako na ang sasama kay Isabella Ingkong, isasama ko narin si Crispin at si Berting" sabi ni Dante "sasama narin kami sayo Isabella" sabi ni manang Zoraida "delikado ang gagawin nila Zoraida" sabi ni Haring Narra. "Hindi kami mapapalagay kung manatili kami dito" sabi ni manang Zoraida sa kanya "kung ganun ang pasya niyo, naway pagpalain kayo ng buong maykapal" sabi ni Ingkong Romolo sa amin. "Dante, bantayan mo sila ng mabuti at tiyakin mong walang mangyayari sa kanila" bilin ni Ingkong Romolo sa kanya "makakaasa po kayo, kamahalan" sagot ni Dante sa kanya. "Julian" tawag ko sa kanya "maayos lang ako Isabella" sagot niya "saan ka pupunta? Ano ang gagawin mo?" tanong ko sa kanya "me kakausapin lang ako" sagot niya na naging anino siya at mabilis itong umalis.

"Hayaan mo muna siya Isabella, alam kong darating siya sa oras na kailanganin natin siya" sabi ni manang Zoraida sa akin "sana nga po" sagot ko. Pagkatapos magpaalam binuksan na ni manang Zoraida ang portal at pumasok na kaming anim at bago ito sumara nakita namin si Haring Narra at Ingkong Romolo sa dulo ng portal. Lumabas na kami at nakita naming nasa bahay na ulit kami nina manang Zoraida at kita naming nasira ang pader at bubong nila "amoy ng ligaw ng lobo ang pumasok dito" sabi ni Dante sa amin. "Heneral!" tawag ni Crispin sa kanya "magtago kayo" sabi ni Dante sa amin kaya nagtago kami sa likod ng pinto at dahan-dahan silang lumabas.

"Dante" mahinang tawag ni manang Zoraida "dyan lang kayo, me naaamoy kaming lobo sa paligid" balita niya sa amin "kung ganun tumakas nalang tayo dito" suhistyon ni manang sa kanya "manang me alam akong lugar" sabi ko sa kanya. Hinawakan ako sa noo ni manang Zoraida at parang nakita niya ata ang lugar na tinutukoy ko kaya nagbukas siya ng portal at agad kaming pumasok sa loob at sinara agad ito ni Jasmine nung lumabas na si Dante sa portal. "Anong lugar ito?" tanong ni Crispin at kita kong inaamoy ito ni Berting at bigla nalang itong napatabon sa ilong niya "huwag niyong amuyin!" babala niya sa dalawa. "Bakit?" inamoy ito ni Dante at pati siya napatakip sa ilong niya "ano ba ang naaamoy niyo?" tanong ni Jasmine sa kanila.

"Hehehe pasensya na kayo" sabi ko sa kanila dahil alam ko kung ano ang naaamoy nila na agad kong sinara ang pinto ng kwarto ni Elizabeth kaya nakahinga silang tatlo ng maayos "salamat" sabi ni Berting sa akin. "Ano ba kasi ang naaamoy niyo?" tanong muli ni Jasmine "perfume ng kapatid ko" sabi ko sa kanya "bahay niyo ba ito?" tanong ni Dante sa akin "hindi, condo unit ito ng kapatid ko pero hindi niya ito masyado ginagamit" sabi ko. "Bakit niya ito binili kung hindi pala niya ito ginagamit?" tanong ni manang sa akin "pumupunta lang siya dito pag me hidwaan sila ni papa, ito yung takbuhan niya kung ayaw niyang umuwi ng mansion" sagot ko. "Mansion? Ibig sabihin ang yaman niyo pala Tenyente?" tanong sa akin ni Jasmine "papa ko hindi ako, Jasmine" sagot ko sa kanya.

"Magpahinga na muna kayo at kami na ang bahalang magbantay" sabi ni Dante sa amin "ok lang, hindi naman ako pagod" sagot ko sa kanya ganun din sina manang at Jasmine. "Crispin, Berting magbantay kayo" utos niya sa mga tauhan niya na tumango ito at pumwesto sila malapit sa pintuan habang nasa sala namin kaming apat. "Malapit lang ba tayo sa presinto niyo?" tanong ni Dante sa akin "limang kanto mula dito, pinili ng kapatid ko ito para narin matirhan ko" sabi ko sa kanila "ang bait pala ng kapatid mo, Tenyente" sabi ni Jasmine "Issa nalang itawag mo sa akin" sagot ko sa kanya. "Nagugutom ba kayo?" tanong ko sa kanila "ipagluluto ko kayo" sabi ko sa kanila "tutulongan na kita, Isabella" sabi sa akin ni manang Zoraida "sige dahil nagugutom na rin kami" sabi ni Crispin na umiling lang si Dante.

Samantala tumunog ang pribadong celfon ni Don Enrico "sino yan Enrico?" tanong ng asawa niyang si Beatrice "hmm..." lang ang sinagot niya at nag excuse ito na sasagutin niya. Tumingin lang sa kanya si Elizabeth at tinuloy nalang nila ang haponan nila, pagdating ni Don Enciro sa study room niya sinagot niya agad ito "hello" "kailangan kita dito" sabi nung tao sa linya "hmm... darating na ako" sagot niya at binaba na nung caller ang linya. Bumalik siya sa dinning room nila "aalis muna ako Beatrice" paalam niya sa asawa niya "saan ka naman pupunta?" tanong nito "sandali lang ako" sagot lang niya sa asawa niya at kinuha nito ang susi ng sasakyan niya at umalis na siya. "Saan pupunta ang papa mo?" tanong ni DoƱa Beatrice kay Elizabeth na nagkibit balikat lang ito at tinuloy ang pagkain niya.

Habang nagmamaneho siya pabalik sa opisina biglang me sumulpot sa likuran ng kotse niya "ano ang balita?" tanong niya "pumalpak ang lakad namin, napatay ni Julian ang kapareho ni Guillermo" balita ng tauhan niya. Agad pinarada ni Don Enrico ang kotse niya sa tabi at sinuntok niya ang manobela at galit na galit itong nagsisigaw sa pangalan ni Julian "huminahon ka Don Enrico" sabi ng tauhan niya. "Paano ako hihinahon kung hindi niyo mapatay-patay ang demonyong yun!" galit na sabi ni Don Enrico sa kanya "yung nangyari sa palasyo hindi lang pala yun ang kapangyarihan niya" balita ng tauhan niya. "Nasaan na sila ngayon?" tanong niya "ang huling balita namin nasa kaharian parin sila ni Haring Narra" sagot ng tauhan niya.

Tumunog muli ang phone niya at agad niya itong sinagot "parating na ako" sagot niya sa linya "magmadali ka" sabi nung tao sa linya "oo" sagot ni Don Enrico na tiningnan niya ang tauhan niya sa likod sabay baba niya sa celfon niya. "Patawarin mo kami Don Enrico, sa susunod hindi na kami papalpak" sabi nung tauhan niya "haaayy.. si Isabella?" tanong niya "wala sa kubo nung umatake kami, siguro nakatakas na sila" sagot nung tauhan niya. "Hmp!" lang siya "bakit parang alala ka sa kanya? Akala ko ba wala lang siya sayo?" tanong nung tauhan niya "magdahan-dahan ka sa pananalita mo kung ayaw mong masaktan" banta ni Don Enrico sa kanya na biglang namula ang mata niya na kinatakot ng tauhan niya "pa.. patawad Don Enciro" sabi ng tauhan niya na tumango lang ang Don at umalis na ito.

Dinaanan ni Julian ang espada ni Lorenzo sa kubo at tinalian niya ito ng lubid sa hawakan at kinarga niya ito papunta sa dating Kuro at sinaksak niya ito sa lupa kung saan sinunog noon si Lorenzo. Lumuhod si Julian at nilagay niya ang kamay niya sa itim na lupa at pinikit niya ang mga mata niya at biglang gumalaw ang espada ni Lorenzo at lumiwanag ito "ito na" sabi ni Julian na bigla nalang lumipad ang espada ni Lorenzo kaya hinabol niya ito. Tumawid sa dagat pasipiko ang espada ni Lorenzo kabuntot nito si Julian at ilang sandali lang ay bigla itong tumigil at nakatayo itong bumagsak sa buhangin sa isang isla na ngayon lang niya nakita.

Dahan-dahang bumaba si Julian pero bago paman siya nakatapak sa buhangin biglang nakuryente siya at parang me kung anong misteryosong kamay na pumasok sa dibdib niya kaya napasigaw siya. "AAARRRGGGHHHHHH!!!" para kasing pinunit ang dibdib niya at biglang lumiwanag ang dibdib niya at me nakita siyang mga mukha na lumabas nito at hinimatay siya pagkatapos at bumagsak siya sa buhangin sa tabi mismo ng espada ni Lorenzo. Makalipas ang ilang sandali me kung anong tumutusok sa noo niya na pilit niya itong inaalis pero paulit-ulit lang itong tinutusok ang ulo niya kaya agad niyang binuka ang mga mata niya at nakita niya ang isang matanda na nakatingin sa kanya.

"Hmmm... mabuti at buhay kapa pala" sabi nung matanda sa kanya na agad bumangon si Julian at humarap siya sa matanda "si.. sino ka?" tanong ni Julian sa kanya "nasaan ako?" sunod niyang tanong. "Hmmm.. kakaiba ang suot mo, ano ito?" tanong nung matanda sa kanya na kita niya ang suot ng matanda na parang katutubo ito dahil sa suot niyang parang panahon noon ni Lapu-Lapu. "Ito na ang sinusuot ng kasalukoyang panahon" sabi ni Julian sa suot niyang itim na pantalon at itim na kamiseta :"kasalukoyang panahon? hmm.... hindi ko naiintindihan ang sinasabi mo bata" sabi nung matanda sa kanya na lumakad ito at umupo malapit sa apoy at tinusok-tusok niya ito na inaayos niya ang kahoy para mabalanse ang pagkasunog nito.

Tumayo si Julian at tumingin siya sa paligid at nagulat siya dahil maliban sa espada ni Lorenzo marami pang mga espada ang nasa paligid "ano ang pangalan ng islang ito?" tanong niya sa matanda na tiningnan siya nito at tinuro ng matanda ang upoan sa harapan niya. Umupo si Julian at tumitingin-tingin siya sa paligid at tila parang sementeryo ito ng mga espada sa daming mga espadang nasa paligid nila. Tahimik lang ang matanda at nakatingin lang ito sa apoy na sumasayaw sa gitna nila "tanda, tinatanong kita" sabi ni Julian sa kanya na hindi siya nito tiningnan "mga kabataan ngayon hindi na talaga marunong rumespeto sa mga nakakatanda nila" sabi ng matanda sa kanya na tumingin ito sa kanya at tinuro ang espada ni Lorenzo.

"Bakit?" tanong niya "mas mabuti pa siya, pagkakita niya sa akin agad itong lumuhod at binigyan agad ako ng respeto" sabi ng matanda kay Julian na napatingin siya sa espada ni Lorenzo "ang ama ko? Pumunta dito ang ama ko?" tanong niya. "Lahat ng Bailan na nakatanggap ng bakal mula sa bulalakaw ay dumadaan dito" nakangiting sabi ng matanda sa kanya na umayos ito ng upo at tinuro ang isang espada. "Parang kang siya" sabi ng matanda na tiningnan nila ang lumang espada na nakatayo sa pinaka itaas na tuktok ng isla "bakit sino ba siya?" tanong ni Julian "hehehe.. siya lang naman ang unang Bailan" sagot ng matanda sa kanya na kinagulat niya. "Ba... Bailan?" gulat na tanong niya.

"Hmmm... mahina ka ba?" tanong ng matanda sa kanya "ano ang ibig niyong sabihin?" tanong ni Julian na tumayo ang matanda at umikot ito "ang mga espadang nasa paligid mo, ang islang ito, hindi mo parin ba nakuha?" tanong ng matanda sa kanya. Napatayo si Julian at tumingin siya sa paligid "im.. imposible.. akala ko ba lumubog na ang isla noon?" gulat na tanong ni Julian sa matanda na ngumiti lang ito at nagsimula itong maglakad sa dalampasigan kaya sinundan niya ito. "Teka, kung ito ang Kuro bakit hindi bumalik ang mga Bailan dito? Bakit hindi sila umuwi sa islang ito?" tanong niya sa matanda "bakit, bakit ikaw lang ang natirang tumira dito?" sunod niyang tanong.

"Hmm... bakit.. bakit.. bakit..." sabi ng matanda na ngumiti lang ito "ah.. pa-pasensya na po" sabi ni Julian "walang anuman yun bata" sabi ng matanda sa kanya na huminto sila sa isang malaking bato at nung tiningnan ito ni Julian me nakasulat sa pader nito. "Ito ang sagradong bato ng Kuro, ito ang batas at relihiyon ng mga Bailan" kwento ng matanda sa kanya "dito nagsimula ang lahat, bata" dagdag ng matanda. Nakita ni Julian sa pinakaitaas ng pader ang isang taong nakatayo sa isang puntod na tinaas nito ang espada niya sa ilalim ng araw "siya ang unang pinuno ng Kuro, ang espadang hawak niya ay ang kauna-unahang espadang ginawa galing sa bakal ng bulalakaw" kwneto ng matanda kay Julian.

"Nandito ho ba yan sa islang ito?" tanong niya sa matanda na tumingin ito sa paligid kaya napatingin din si Julian "hmm.... wala" sabi bigla ng matanda na napabugnot nalang si Julian "alam niyo palang wala bakit ang tagal niyong sumagot" sabi ni Julian sa kanya. "Bwahahahaha kalma lang bata" sabi ng matanda sa kanya na tinapik siya nito sa balikat at bumalik na sila sa kampo nila "wala ka bang napapansin?" tanong ng matanda sa kanya nung papalapit na sila sa kampo nila "ano ho ang dapat kong mapansin?" tanong ni Julian. "Isla ito ng Kuro, sagradong lugar ng mga Bailan, walang sino mang makakatapak sa lupang ito kundi ang purong Bailan lang" sabi ng matanda sa kanya na biglang napaisip si Julian ng sandali.

"Haayyy... mahina ka talaga, hindi ka katulad sa nauna sayo" sabi ng matanda sa kanya na nauna itong umupo sa upoan niya at umupo narin si Julian at doon lang niya napansin kung ano ang sinasabi ng matanda sa kanya. Sa liwanag ng apoy sa harapan niya nakita niya ang kulay ng balat niya "ka.. kayumanggi?" gulat na sabi niya na napatingin siya sa matanda at magkasing kulay na sila ng balat. "Sagrado" sabi ng matanda sa kanya sabay turo nito sa itaas at nung tumingala siya nanlaki nalang ang mga mata niya nung nakita niya ang mga kaluluwa ng mga Bampirang nakalutang lang sa ere. Napanganga si Julian sa gulat kaya ginamit ng matanda ang kahoy niya at sinara ang bibig ni Julian "hindi mabuti sa isang tao ang nakabukas ang bibig, lalong-lalo na kung nakaharap ka sa apoy" sabi ng matanda sa kanya.

"Pa-paano nangyari ito?" takang tanong ni Julian na napatayo siya at tumingin sa isang daan at tatlong kaluluwa ng mga Bampira na nakalutang lang sa ibabaw ng Isla. "Isa lang ang ibig sabihin niyan, bata" sabi ng matanda na tumingin sa kanya si Julian "espesyal ka sa lugar na ito" dagdag niya. "Ano po ang ibig niyong sabihin?" tanong niya "nararapat ka sa islang ito" sagot ng matanda na tumingin si Julian sa itaas at nakita niya ang kaluluwa ni Reyna Lucia, Hen. Guiilermo at ni Morietta na naghihintay lang sa kanya. "Mahal na Reyna" mahinang sabi ni Julian na napatingin sa taas ang matanda "ah.. ang apoy na pumatay sa huling pinuno" sabi ng matanda na tumingin sa kanya si Julian.

"Alam niyo ang nangyari sa ama ko?" tanong ni Julian na ngumiti sa kanya ang matanda at tinuro ang espada ni Lorenzo "kinwento niya sa akin" sabi ng matanda sa kanya "kinwento ng espada ni Lorenzo ang nangyari sa kanya?" tanong ni Julian. "Hindi mo ba sila naririnig?" takang tanong ng matanda sa kanya "ano ba ang pinagsasabi mo, tanda?" inis na tanong ni Julian sa kanya na umiling ang matanda at umayos ito ng upo. "Ang lahat ng espadang ito ay me pangalan, sa oras na ginawa sila nagsisimula na silang mabuhay at doon lang sila magkakaroon ng boses kung mapatakan na sila ng dugo ng taong magmamay-ari sa kanila" kwento ng matanda kay Julian.

"Kilala mo ba ang pangalan ng espada ni Lorenzo?" tanong ng matanda sa kanya na umiling si Julian "hmm... Lam-ang!" sabi ng matanda na biglang lumipad ang espada ni Lorenzo at lumutang ito sa ibabaw ng apoy. "Lam-ang?" tanong ni Julian na nakita niyang umikot ang espada na parang me tenga ito at lumingon sa kanya "pinapangalanan ng mga bagong pinuno ang espada nila sa mga pinunong sinundan nila" kwento ng matanda. "Isa itong ritwal na ginagawa ng bagong pinuno ng mga Bailan ang pangalanan ng espada niya sa sinundan niyang pinuno para maipagpatuloy niya ang koneksyon ng dati sa panibagong panahon" kwento ng matanda kay Julian.

"Ibig sabihin nito ang lahat ng espadang nasa paligid natin ay mga dating pinuno ng Kuro?" tanong ni Julian "tama!" sagot ng matanda sa kanya "pero, nakakalungkot sabihin dahil dito na naputol ang koneksyon ng mga dating Bailan na namuno noon" sabi ng matanda. "Kung gagawa ako ng espada pwede kong ipangalan ito sa ama ko?" tanong niya "hindi!" sagot ng matanda "bakit hindi?" tanong niya. "Dahil si Lorenzo ang tinakdang maging huling pinuno ng mga Bailan, wala na ang Kuro kaya wala ng dahilan para sundan pa ang koneksyon na yun" sabi ng matanda sa kanya. "Hindi pwede ito! Paano ang legasiya ng ama ko?" tanong ni Julian sa kanya.

"Hmmm... akala ko ba hindi ka interesado sa angkan mo?" tanong ng matanda sa kanya na natahimik nalang si Julian "hehehe." tumawa lang ang matanda na parang nahiya si Julian sa inasal niya kanina. "Kung gusto mong malaman ang lahat, nandyan ang espada niya, hawakan mo lang at dadalhin ka niyan sa panahon na gusto mo" sabi ng matanda sa kanya na naupo si Julian sa upoan niya at tumingin siya sa apoy "lahat ng gusto kong malaman?" tanong niya "hmm... " sagot ng matanda sa kanya na tumingin si Julian sa espada ng ama niya "paano ko malaman ang nangyari nung gabing pinatay ni Reyna Lucia si Lorenzo kung kasama ko ang espadang ito nung pinatakas ako ng ama ko?" tanong ni Julian.

Tumingin sa kanya ang matanda at sabing "tandaan mo, ang espadang yan at si Lorenzo ay iisa, lahat ng nakikita ni Lorenzo nakikita din ng espadang yan" sabi ng matanda sa kanya. "Kung ganun" sabi ni Julian na bigla nalang bumagsak sa harapan niya ang espada ni Lorenzo "hawakan mo lang ang espadang yan" sabi ng matanda sa kanya na tumingin muna siya sa matanda na nginitian siya nito "nandito lang ako" sabi ng matanda sa kanya. Nagdadalawang isip si Julian na abutin ang espada ni Lorenzo kaya huminga siya ng malalim bago niya inabot ang hawakan nito at nung nahawakan na niya ito bigla nalang lumiwanag ang espada at nasilawan siya nito kaya napatakip siya sa mata niya.

"Tandaan mo bata, ano man ang makikita mo, yun ang katutuhanan" paalala ng matanda sa kanya na bigla nalang itong nawala sa liwanag ng espada at sumunod na nangyari ay nakita nalang niyang nakatayo siya sa isang gubat. :"Kilala ko ang lugar na ito" sabi niya sa sarili niya na napalingon siya at narinig niya ang ingay ng kabayo na papalapit sa kanya na agad siyang nagtago sa likod ng puno at nung sumilip siya nakita niya ang tatlong taong sakay ng tatlong kabayo. Nagmasid lang siya at nakinig lang siya sa tatlo nung dumaan ito sa harapan niya "Kapitan, natutuwa kaming uuwi kana sa Kuro" sabi nung isa sa taong nasa gitna nila "natutuwa din akong makita muli ang Kuro" sabi nung nasa gitna.

"Matutuwa nito sa pinunong Lam-ang, Kapitan" sabi nung nasa kaliwa niya na lumabas ako sa likod ng puno at parang hindi nila ako nakita kahit ilang talampakan lang ang layo nila sa akin "hindi ka nila makikita, bata" sabi bigla ng matanda kay Julian. "TANDA!" gulat na sabi ni Julian na natawa lang ito "hindi ka nila makikita kaya huwag kana magtago" sabi ng matanda sa kanya "paanong hindi nila tayo makita?" tanong niya "memorya nalang ito ng espada ni Lorenzo" sagot ng matanda na biglang nagbago ang paligid at nasa harap na sila ng gate ng Kuro. "Ah.. ang tahanan natin" sabi ng matanda nung nakita niya ito "MABUHAY KA KAPITAN LORENZO, NATUTUWA KAMI SA PAGBALIK MO!" sigawan ng mga Bailan na nakita ni Julian ang tuwa at saya ng mga Bailan nung pumasok na sa Kuro si Lorenzo.

"Tingnan mo kung paano siya tanggapin ng Kuro" sabi ng matanda kay Julian na nakatyao silang dalawa sa itaas ng tore "parang pyesta ah" sabi ni Julian "alam mo ba na bago maupo ang bagong pinuno sa Kuro ay kailangan niya munang dumaan sa isang ritwal bago maipasa ng dating pinuno ang tungkolin niya?" sabi ng matanda sa kanya. "Anong ritwal?" tanong ni Julian "panoorin mo" sabi ng matanda sa kanya na nakita ni Julian ang mataas na tore na tinayo sa gitna mismo ng Kuro. "Ano yan?" tanong ni Julian "hahaha ako ang nagpasimuno niyan noon kasi basta-basta nalang pipili ang bagong uupong pinuno na hindi angkop sa ating mga Bailan" sabi ng matanda sa kanya.

"Ano ang gagawin nila dyan? Para saan ba yan?" tanong ni Julian "panoorin mo para malaman mo" nakangiting sabi ng matanda sa kanya na tumayo si Lorenzo sa harap ng magulang niya at natahimik na ang lahat. "NGAYON, UMUWI NA ANG ANAK KONG SI LORENZO" pasimula ni Lam-ang "PANAHON NARIN PARA BUMABA AKO SA TUNGKOLIN KO BILANG PINUNO NIYO" patuloy niya "NAKAHANDA NA ANG LAHAT PARA SA RITWAL, NGAYON SIMULAN NA ANG PALIGSAHAN!" sabi ni Lam-ang na naghiyawan ang buong Bailan at agad nilang pinresenta ang anim na lalahok sa paligsahan sa pag-akayat sa ikalimang palapag ng tore.

"Teka, maglalaban sila?" tanong ni Julian "hehehe oo, noon nahuhulog kasi sa politika ang lahat kung ang bagong pinuno ang mismong pipili na magiging kabiyak niya kaya sa ganitong paraan magiging patas ang lahat" paliwanag ng matanda sa kanya. "SIMULAN NA ANG PALIGSAHAN!" sigaw ni Hen. Amistad na nagsimula naring mag-ingay ang mga tambol sa gilid ng tore at lumapit na ang anim na kababaihan sa gilid ng tore dala ang sandatang arnis nila. "ALAM NIYO NA ANG PATAKARAN NG RITWAL NA ITO, SINO MAN SA INYONG ANIM ANG MAKAKAAKAYAT SA IKA LIMANG PALAPAG NG TORENG ITO AY ANG MAGIGING KABIYAK NI LORENZO!" paliwanag ni Lam-ang sa kanila.

"NGAYON, KUNG HANDA NA KAYO" sigaw ni Lam-ang na tumigil na sa pagtambol "ABANTE!" sigaw ni Nala na agad kumilos ang anim at pumasok sila sa ilaim ng tore papunta sa hagdanan na naglaban pa sila. Naka maskara ang mga kakabaihan at pareho ang mga suot nila kaya hindi mo alam kung sino-sino ang sumali sa palahok na ito "pinuno, tila magagaling ata ang mga kababaihan na sumali ngayon" sabi ni Hen. Amistad kay Lam-ang. "Hahaha tama ka Heneral at alam kong magiging magaling na mandirigma ang magiging esposa mo, Lorenzo" sabi ni Lam-ang na napabugnot nalang si Lorenzo.

"Ang gagaling nilang lumaban" sabi ni Julian dahil wala sa anim ang napatumba dahil magaling silang dumepensa "kailangan mapaalis sa loob o taas ng tore ang kalaban nila kung gusto nilang manalo" paliwanag ng matanda kay Julian. Nakita nilang nasa pangalawang palapag na ang anim at tila magaling nga silang lahat dahil wala pa sa kanila ang naalis sa tore "ayan na!" sabi ni Hen. Amistad nung natadyakan ng isang babae ang kalaban niya at muntik na itong mahulog sa pangalawang palapag pero nakakapit ito kaya nakabalik ito sa loob. "WOOO!" sigawan ng lahat nung nakita nila yun at nakita ni Julian na natutuwa ang matanda sa pinapanood nila.

Nagsigawan ang lahat nung naalis sa tore ang isang babae at nagsimula naring umakyat sa pangatlong palapag ang tatlo habang naglaban parin sa pangalawang palapag ang dalawang babae. "YAAAHHHHH!" sigaw bigla ng matanda na kinagulat ni Julian na tumawa lang ang matanda sa reaction niya "ayun na!" sabi ng matanda dahil me isa nanamang babae ang naalis sa tore kaya apat nalang ang natira. "Ayan, dalawa laban sa dalawa" sabi ng matanda na natutuwa itong nakatingin sa tore, napamangha si Julian sa galing ng mga babaeng ito lalo na sa paggamit ng arnis. "Ayan na!" sabi nung matanda nung nahulog na yung isa pang babae at tatlo nalang sila at nakaakyat na sila sa pang-apat na palapag.

"TATLO NALANG ANG NATIRA!" sigaw ni Hen. Amistad na nagkaharapan na ang tatlo sa pang-apat na palapag at naglaban silang tatlo, nung una dalawa laban sa isa at nung nahulog na yung pangatlo, dalawa nalang ang natira. "Heto na Lorenzo" sabi ni Hen. Amistad sa kanya na napabugnot nalang muli si Lorenzo at tumingin sa itaas ng tore, Umatake ang isang babae at natamaan niya sa balikat, sa gilid ng katawan at sa paa ang kalaban niya na napatumaba ito. "Huwag kanang tumayo, akin na si Lorenzo" sabi nung unang babae na bumangon ang pangalawa at pumorma ito "gusto mo talagang masaktan no?" sabi nung unang babae na hindi siya sinagot nung pangalawa "katawan mo yan" sabi nung una na umatake ulit siya.

"AKIN NA SI LORENZO!" sigaw nung unang babae na bigla nalang yumuko ang pangalawang babae at sinaksak niya sa tiyan ang una gamit ang arnis niya na napaatras ito kaya kinuha niya itong pagkakataon para atakihin siya. Tinamaan niya ang unang babae sa mukha, sa leeg, sa balikat sa gilid ng tyan sa hita niya pababa sa tuhod na napaatras ang unang babae sa dulo ng pang-apat na palapag. Napatingin ang una sa pangalawa na gulat na gulat ito sa pinakitang galing niya "akin si Lorenzo, hindi sayo!" sabi nung pangalawa na binigyan niya ng isang malakas na tadyak ang unang babae na napaatras ito paalis ng platform ng pang-apat na palapag at sinalo ito ng maraming Bailan na naghihintay sa baba.

Nagsigawan ang lahat nung nakita nila ang natirang babae na umakyat na ito sa ika limang palapag at kinuha ang isang tela na isusuot ni Lorenzo sa koronasyon niya. Sumunod ay humarap ang nanalo sa paligsahan kina Lam-ang, Nala at Lorenzo at pinresenta niya ang tela kay Lorenzo na tinanggap naman niya ito. "Lorenzo" tawag ni Lam-ang sa kanya na nilapitan ni Lorenzo ang babae at siya na ang nag-alis sa maskara niya. "YAAAHHHHH!" nagsigawan ang lahat nung nakita nilang si Lala ang nanalo na kinagulat naman ni Lorenzo dahil alam niyang me gusto sa kanya ang babae "akin kana ngayon, Lorenzo" mahinang sabi ni Lala sa kanya na tinaas ni Lam-ang ang kamay nilang dalawa "IPAPAALAM KO SA LAHAT ANG PAG-IISANG DIBDIB NG BAGONG PINUNO NG KURO NA SI LORENZO AT ANG BAGO NIYANG KABIYAK NA SI LALA!" pag anunsyo ni Lam-ang na naghiyawan sila at maya-maya lang ay lumuhod sila.

"Inay" sabi ni Julian na tinapik siya ng matanda at biglang bumalik sila sa isla "kinasal ang ama at ina ko sa araw ng pagbalik niya sa Kuro?" tanong ni Julian sa matanda "oo, malubha na ang karamdaman ni Lam-ang kaya bago pa man siya pumanaw kailangan niyang maipasa ang titolo niya kay Lorenzo" paliwanag ng matanda. "Mahal na mahal ni Lala ang ama mo, kahit alam niyang pangalawa lang siya sa puso ni Lorenzo hindi ito naging hadlang para gawin niya ang tungkolin niya" kwento ng matanda. Tahimik lang si Julian na nakatingin ito sa apoy "kung iniisip mo na kaya ka ipinanganak dahil sinunod ni Lorenzo ang responsibilidad niya bilang pinuno, nagkakamali ka bata" sabi ng matanda na napatingin sa kanya si Julian.

"Bago ka pa man nabuo sa sinapuponan ng nanay mo sinimulan ng mahalin ni Lorenzo si Lala, ang ritwal nilang mag-asawa ang maglaban, hahaha kung gaano kagaling si Lorenzo ganun din kagaling ang nanay mo" kwento ng matanda sa kanya. "Nakita mo kung paano lumaban ang nanay mo, hindi ba?" tanong ng matanda sa kanya "oo.... teka.." sabi bigla ni Julian "bakit?" tanong ng matanda na tumayo si Julian at ginaya niya ang purma ni Lala kanina "ano ang ginagawa mo?" tanong ng matanda sa kanya. "Hah!" sabi nalang ni Julian at bigla siyang umupo sa kahoy "hmmm... " nagtaka sa kanya ang matanda.

"Yung tayo niya at purma niya.. parang nakita ko na noon yan... hindi ko lang mata..." naputol nalang siya at tumingin siya sa taas at nakita niya ang taong iniisip niya na pati ang matanda napatingala din sa mga kaluluwang nakalutang sa ibabaw ng Isla. "Siya ba?" tanong ng matanda na nakatingin silang dalawa kay Morietta "imposible.. " sabi ni Julian "walang imposible bata, kung alam mo ang totoo" sabi ng matanda sa kanya. "Akala ko si ama ang nagturo sa kanyang lumaban pero ang pustora at purma ng pag-atake niya katulad sa nanay ko" sabi ni Julian "hmmm... ang hina mo talaga bata" sabi ng matanda sa kanya.

"Dahil tinuroan siya ni Lala" sabi ng matanda sa kanya na hinawakan muli ni Julian ang espada ni Lorenzo at napunta siya sa kubo ng magulang niya na ngayon ay nakita niyang buntis na ang nanay niya. Nagulat siya dahil nakita niya si Morietta sa loob na nag-eensayo ito habang binibigyan ng utos ni Lala kung paano ito gumalaw at paano ito dumepensa "hindi pa ba kayo tapos?" tanong ni Lorenzo na ngayon ay kakapasok lang sa kubo. "Heneral" tawag ni Morietta sa kanya "hindi ka pa ba babalik sa palasyo, Morietta?" tanong ni Lorenzo "hindi pa" sagot ni Morietta "Mori, yung pustora mo" sabi ni Lala sa kanya "opo, mahal na Ginang" sabi ni Morietta na umayos siya. ... Read More


About the Author :

Joined: February 5, 2014 (2 years old)
Writings: 114

Send PM · Male · Offline

2 comments   0 favorite   1,509 views