Harapin Ang Liwanag! Chapter VI

July 17, 2015 (1 year ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Erotic Horror, Sci-Fi and Fantasy | Tags:

Chapater VI: Clanul Razboi (Clan War)!

Dumating ako sa presinto bandang alas tres ng madaling araw at kita kong konte lang ang tao sa loob "Tenyente!" sabi ng pulis na nasa front desk na nagulat ito nung pumasok ako. "Flores, kumusta ang presinto?" tanong ko sa kanya "ok naman Tenyente, teka.. hindi ba dapat nasa ospital ka ngayon?" takang tanong niya sa akin. "Nainip ako isa pa wala naman silang nakitang problema sa akin" sagot ko sa kanya "me balita na ba tungkol sa homicide?" tanong ko sa kanya. "Hindi pa nagpadala ng report ang SOCO baka mamaya o bukas siguro, Tenyente" balita niya sa akin "sige, puntahan ko nalang" sabi ko sa kanya "Tenyente" tawag niya sa akin sabay turo sa kamay ko "oh, salamat" sabi ko sa kanya nung tinanggal ko wrist band ko.

Buti nalang at dinala pala ni Alan ang kotse ko dito sa presinto kaya ito yung ginamit ko papunta sa SOCO laboratory para makakuha ng maagang balita tungkol sa kaso, pagdating ko dun walang tao sa front desk nila kaya umakyat nalang ako sa taas. "Thelma!" tawag ko sa kanya nung nakita ko itong me bitbit na "utak ng tao yan" sagot niya nung tiningnan ko ito sa labas ng bintana ng laboratory niya. "Bakit ka nandito? Kala ko ba nasa ospital ka?" tanong niya sa akin "eh.. sabihin mo nga sa akin kung me balita na ba tungkol sa homicide?" tanong ko nalang sa kanya "as always Lt. Demanding!" biro niya sa akin na nginitian ko lang siya.

"Alright" sabi niya na nasa likod lang niya ako habang naglalakad ito paikot sa examination table niya "tingnan mo ang sugat niya sa leeg, babe" sabi niya na yumuko ako at tiningnan ko ito ng maayos. "Clean cut?" sabi ko dahil wala akong nakitang jagged edge sa sugat ng biktima "not only that, tingnan mo itong x-ray niya" sabay turo nito sa isang section sa leeg ng biktima "sobrang talas ng blade ang ginamit na pati yung collarbone ng biktima nahiwa din nito" paliwanag niya sa akin. "How about their blood works?" tanong ko sa kanya "no alcohol in their system but guess what we found?" tanong niya "what?" tanong ko "poison".

"Lason? Nilason siya bago siya pinatay?" tanong ko kay Thelma "no, yun ang pinaka weird dahil nasa sugat lang nila naka isolate ang lason at hindi sa system nila" paliwanag niya sa akin. "No kidding!" sabi ko sa kanya na hahawakan ko na sana ang balat ng biktima "NO!" sigaw niya bigla kaya napaatras ako at nagulat sa kanya "sorry babe hehehe, I don't want you to touch the body" sabi niya "bakit?" tanong ko "one, you are not wearing a gloves and second" sabi niya sabay turo sa balat ng biktima. "Geeze.." sabi ko nalang nung makita ko ang balat nitong parang kinakain ito ng bacteria. "Saved your life" sabi niya nung dumaan ito sa harapan ko kaya napailing nalang ako.

"Kelan dumapo ang bakteryang ito?" tanong ko sa kanya "bago lang ba ito o nandito na yan?" sunod kong tanong "yun nga ang weird eh, after ko ginalaw ang sugat ng biktima bigla nalang itong lumabas na parang naghihintay lang ito sa loob ng sugat" paliwanag niya. "Come on! Niloloko mo ako right?" nakangiti kong tanong sa kanya na napailing lang ito "the fact is, i'm not" sabi niya na nagulat nalang kami ng biglang gumalaw ang bangkay na ineexamine niya kaya tumakbo kami palabas sa laboratory niya at tumayo sa glass window. Nakita naming tumigil na ito sa pangingisay at dahan-dahang nalusaw ang bangkay sa mesa "Doktora.. yung bangkay po sa morgue" balita ng isang tauhan niya na tumakbo siya papunta dun.

Nakita kong pati ang buto nito natunaw din na walang natira sa bangkay na nakahiga sa exmination table ni Thelma "oh God, yung tatlong biktima ng krimen sa morgue bigla nalang nalusaw" balita niya "make that four" sabi ko sabay turo sa examination table niya "COME ON!" napasigaw siya sa galit. "Ano ang gagawin natin ngayon?" tanong niya sa akin na napalingon ako sa cctv niya "yung video" sabi ko na agad kaming pumunta sa video room nila at tiningnan ang nangyari kanina. "Make me a copy" utos ko sa tech nila at ginawa niya agad ito "what now?" tanong ni Thelma "me evidence tayo sa nangyari kanina thanks sa cctv" sabi ko "make a report regarding with the incident and I can vouche you on that kasi nandito ako at na witness ko ang nangyari" sabi ko sa kanya.

"Good thing nandito ka" sabi niya sa akin "its my job!' sabi ko sa kanya "haayy..." nalang siya kaya inakbayan ko siya "gawin mo nalang ang report mo para mamayang umaga ipresenta natin ito kay Hepe" sabi ko sa kanya. "Later, me ibang evidence pa naman kaming ipaprocess" sabi niya "good, aalis na ako" paalam ko sa kanya "babe, you need to get some sleep" sabi niya sa akin "don't have time, me lalakarin pa ako" sabi ko sa kanya na lumabas na ako ng laboratory niya at sumakay sa kotse ko. Tumunog ang phone ko at nakita ko ang pangalan ni mama sa LCD "hmm..." nalang ako at sinet ang silent ng phone at umalis na ako.

Balik kina Julian at Zoraida: "Ano ho ba ang nangyari?" tanong ni Julian kay Zoraida na huminga ito ng malalim at pinikit ang mga mata niya "hawakan mo ang kamay ko, Julian" sabi ng matanda sa kanya. Lumapit si Julian sa kanya at hinawakan nito ang mga kamay ng matanda na biglang nagbago ang anyo ng paligid at nakita ni Julian sa baba ang mga tauhan ng Reyna na binubuksan nito ang malaking gate ng palasyo. "Kakarating lang natin noon galing sa pagpupulong" kwento ng matanda kay Julian na nakatingin silang dalawa sa karwahe ni Reyna Lucia na pumasok na ito sa palasyo at sumara ang malaking gate sa likod nito.

Nakalinya na silang lahat sa harap ng hagdanan ng palasyo at hinintay ang paghinto ng karwahe ni Reyna Lucia, nung huminto na ito at bumukas ang pinto agad nilang niluhod ang kanang tuhod sa lupa at niyuko ang ulo. "Maligayang pagbalik po, mahal na Reyna" sabay nilang bati kay Reyna Lucia na napangiti siya "kinagagalak kong makita kayong lahat" bati niya sa mga tauhan niya. "Mahal na Reyna, maligayang pagbalik po" bati ni Kapitan Morietta "Kapitan, kumusta kayo dito?" tanong ng Reyna sa kanya na tumayo na silang lahat at binigyan daan ang Reyna nung naglakad na ito papunta sa hagdanan.

"Maayos po ang lahat, kamahalan" sagot ni Kap. Morietta na naglalakad ito sa likod ni Reyna Lucia at huminto ang Reyna nung nasa taas na siya ng hagdanan at tumingin ito sa mga tauhan niya. "Kamahalan?" tanong ni Hen. Guille sa kanya na ngumiti lang ang Reyna sabay talikod nito at pumasok ito sa loob ng palasyo. "Bumalik na kayo sa pwesto niyo" utos ni Hen. Guille sa kanila at pumasok narin ito sa loob ng palasyo. "Magandang gabi sayo, Kapitan Morietta" bati ni Julian sa kanya "hmmm.. Julian" sabi ng Kapitan na tumingin ito sa pintuan ng palasyo sabay hila niya kay Julian papunta sa gilid ng palasyo.

"Ano ho ba ang gagawin natin dito?" tanong ni Julian sa kanya na pinasandal siya sa pader at dumikit agad si Kap. Morietta sa kanya na pinaramdam pa nito ang malulusog niyang dibdib kay Julian. "Kapitan?" sabi ni Julian na nilagay ni Kap. Morietta ang isang daliri sa labi ni Julian para tumahimik ito "nasasabik lang akong makita ka, Julian" sabi ni Kap. Morietta sa kanya. "Kinagagalak ko ding makita ka, Kapitan" sagot ni Julian "galak lang? Hindi ka ba nasasabik na makita ako?" pilyang tanong ng Kapitan sa kanya. Inamoy-amoy pa ang leeg ni Julian "Kapitan..." sabi ni Julian na hindi ito nakinig at dinilaan pa ang leeg ni Julian na natawa naman ito.

"Ang sarap mo palang dilaan Julian" sai ni Kap. Morietta sa kanya na hindi gumalaw si Julian "Kapitan Morietta" sabi ulit ni Julian na hindi parin siya pinakinggan "KAPITAN MORIETTA!" biglang narinig niya ang malakas na boses na nanggagaling sa likuran niya kaya napatigil ito. "Si... si.. He..Heneral ba?" nauutal na tanong ni Kap. Morietta kay Julian na tumango lang siya at pagharap niya hinawakan agad siya ni Heneral Guille sa balikat at inangat siya nito. "Ano ang ginagawa mo?" tanong ni Heneral Guille sa kanya "hehehe.. pasensya na Heneral" natatawang sabi ni Kap. Morietta na nilapit ang mukha niya sa mukha ng Heneral. "Bumalik ka sa pwesto mo!" galit na sabi ng Heneral sa kanya sabay binitawan siya nito.

"O..OPO HENERAL!" sagot ni Kap. Morietta na nagmamadali itong umalis na natawa lang si Julian "ano ang nakakatawa?" tanong ng Heneral kay Julian "patawad po, Heneral" sabi ni Julian "hmp! Tara mag eensayo pa tayo" yaya ng Heneral sa kanya "aaww..." nalang si Julian at sumunod na ito sa Heneral. Sa taas ng palasyo biglang me namataang tatlong barko ang dalawang nagbabantay sa tore "ibigay alam agad ito sa mahal na Reyna" sabi nung isang bantay sa kasamahan niya na agad itong tumakbo pababa sa hagdanan. Kumatok siya sa pinto ng kwarto ng Reyna at bumukas ito "ipagpaumanhin niyo po kamahal ang pag-abala ko sa inyo" sabi nito "ano ang kailangan mo, Leonides?" tanong ng Reyna. "Kamahalan me tatlong barkong papalapit sa dalampasigan natin" balita nito sa Reyna na napatingin si Reyna Lucia sa kanya.

"Ipagbigay alam ito kay Heneral Guille at sabihin mo sa mga tauhan natin na maging alerto" utos ng Reyna "masusunod po, kamahalan" sabi ni Leonides na agad itong umalis at pinuntahan si Heneral Guille. "Mahal na Reyna" tawag ni Zoraida na ngayon ay nagpapalit na ng damit pandigma "maghanda ka, Zoraida" utos nito sa matanda "ano ang gusto niyong gawin ko, kamahalan?" tanong ng matanda "bantayan mo ang Aklat ng Dilim" utos ni Reyna Lucia "masusunod po, kamahalan" sagot ng matanda at lumabas na si Reyna Lucia. Sinalubong siya ni Heneral Guille at ni Julian na ngayon ay nakasuot na ng damit pandigma nila. "Kamahalan" niyuko nila ang mga ulo nila "ako ang kakausap sa kanila, maghintay lang kayo at maging alerto" sabi ng Reyna sa kanila "opo, kamahalan" sagot ni Hen. Guille.

"Morietta!" tawag ni Reyna Lucia nung lumabas na ito ng palasyo na nakita niyang naka damit pandigma na ang lahat ng sundalo niya "kamahalan" sabi ni Kap. Morietta "maghanda ka" utos ng Reyna sa kanya. Nakalinya na ang lahat ng sundalo ng Reyna sa harapan niya "hindi ko alam kung ano ang pakay ng mga taong sakay ng mga barkong ito" sabi ni Reyna Lucia "kung mabuti ang pakay nila tatanggapin natin sila ng maayos" sabi niya na tumingin siya sa lahat ng sundalo niya. "Kung masama man ang pakay nila" putol niya na tumingin siya kay Julian at ngumiti siya "alam niyo na ang gagawin niyo" sabi niya "HAH!" sumigaw ang lahat ng sundalo niya

"Mahal na Reyna nakahanda na po ang lahat ng mga armas natin at nakapwesto na ang mga sundalo" balita ni Hen. Guille sa kanya na nasa likod nito si Julian "mabuti, kami ang lalapit sa kanila para alamin kung ano ang pakay nila sa atin" sabi ng Reyna. "Maghihintay kami sa utos niyo, kamahalan" sabi ni Hen. Guille, naglakad si Reyna Lucia patungo kay Kapitan Morietta at nagbago ang kaninang kapa niya ay naging pakpak na ito at lumipad siya at dinaanan si Kap. Morietta na nakataas ang kamay nito. Nung nahawakan na ito ng Reyna lumipad silang dalawa patungo sa mga barkong papalapit sa teritoryo nila. "MAGHANDA KAYO, HINDI NATIN ALAM KUNG ANO ANG PAKAY NG MGA TAONG ITO!" sabi ni Hen. Guille sa mga tauhan niya "OPO, HENERAL" sagot nilang lahat.

Binitawan ni Reyna Lucia si Kap. Morietta nung nasa ibabaw na sila sa pangunahing barko at dumapo si Kap. Morietta sa harapan mismo ng mga taong sakay nito at dumapo sa likuran niya ang Reyna na naging kapa uli ang pakpak niya. Napatingin lang ang mga taong sakay ng barko sa dalawa "ako si Lucia ang Reyna ng kahariang ito, sino ang namumuno sa hukbong niyo?" pakilala ni Reyna Lucia sa kanila. "Hoy! Tinatanong kayo ng kamahalan ko, sino ang pinuno ng armadang ito?" tanong ni Kap. Morietta sa kanila "ako" sabi nung matandang lalake na naglakad palapit sa kanila "ako si Kapitan Enrico Valdez" pakilala niya. "Magandang gabi sayo, Kapitan" bati ni Reyna Lucia na niyuko nung matandang lalake ang ulo niya.

"Ano ang ginawaga niyo sa dagat namin?" diretsong tanong ng Reyna sa kanya "patawad po, nawala kasi kami at hindi na namin alam kung paano bumalik sa ruta namin" paliwanag ng Kapitan sa kanya. "Naiintidihan ko" nakangiting sabi ng Reyna "saan ba ang punta niyo?" tanong ni Kap. Morietta sa matandang Kapitan "papunta kami ng Maynila mula sa ibang ibayo ng tinamaan kami ng bagyo" paliwanag ng Kapitan. "Kamahalan?" tanong ni Kap. Morietta kay Reyna Lucia na ngumiti ito "tutulongan namin kayo pabalik sa ruta niyo" sabi ni Reyna Lucia na bigla siyang pinigilan ni Kap. Morietta at inamoy nito ang hangin sa paligid nila. "Morietta?" tanong ni Reyna Lucia na biglang napatigil si Kap. Morietta at nilngon ang Reyna "ASWANG!!!!" sigaw niya na agad tumalon si Reyna Lucia sa ere at naging pakpak ang kapa niya na agad binuka ni Kap. Morietta ang palad niya at lumabas ang mahabang espada niya.

"HAAAARKKKKKKK!!!" sigaw nga mga tao sa barko at biglang nagbago ito ng mga anyo "MGA TRAYDOR!" sigaw ni Kap. Morietta na pinagtataga niya ang mga ito nung umabante ito at inatake siya. Humarap si Reyna Lucia sa kanila nung nasa ere na siya at sumigaw ito "Incendiu uimitoare (blazing fire)" na bumuga ng apoy si Reyna Lucia at nasunog ang mga aswang na tinamaan nito at nasunog pa ang ibang parte ng barko. "Mahal na Reyna!" sigaw ni Kap. Morietta na ngayon ay dalawang espada na ang hawak niya at kitang natutuwa pa ito nung pinaghihiwa niya ang mga katawan ng mga aswang. "Morietta!" tawag ni Reyna Lucia sa kanya na agad siyang tumalon na sinundan siya ng maraming aswang "Fulger negru (Black Lightning)" sigaw ni Kap. Morietta na tinamaan ang mga aswang ng kidlat na nanggagaling sa palad niya at nangisay ito nung bumagsak sa sahig ng barko.

Agad hinawakan ng Reyna ang kamay ni Kap. Morietta at lumipad sila pabalik sa palasyo "ASWAAAAANNNNGGGGG!!!" sigaw ni Kap. Morietta para ipaalam sa mga tauhan nila. "Aswang!?!" gulat na tanong ng mga sundalong bampira na agad nagbago ang kulay ng mga suot nila. "Heneral!" tawag ni Julian "Julian, pumasok ka sa palasyo at kami na ang bahala dito" utos ni Heneral Guille sa kanya "Heneral, lalaban po ako" sabi ni Julian. "Huwag matigas ang ulo Julian, mga aswang ang kalaban natin iba sila sa mga taong mortal" paliwanag ng Heneral sa kanya "pumasok ka sa loob at bantayan mo si Zoraida" utos ng Heneral sa kanya na nakita nila sa malayo si Reyna Lucia at si Kap. Morietta.

"Kamahalan, me sampung manananggal ang sumusunod sa atin" balita ni Kap. Morietta kay Reyna Lucia "Morietta" sabi ng Reyna na napangiti si Kap. Morietta sabay bitaw ng Reyna sa kanya at nahulog ito at nawala sa dilim ng gabi. "Bilisan niyo!" sigaw nung nangungunang manananggal na mabilis silang lumipad para makahabol kay Reyna Lucia, "wob... wob.... wob..." bigla nilang narinig sa paligid pero binaliwala lang nila ito. "Wob... wob... wob..." narinig ulit nila ito na huminto pa ang tatlong manananggal para tingnan kung nasaan nanggagaling ang ingay na ito "wala.." sabi nung isa na bigla nalang itong hinablot pataas at nawala ito sa dilim. "Ano ang nangyari?" tanong ng isang manananggal "hindi ko a..." hindi na nito natapos dahil pati siya hinabalot din. "Mga kasama.." hindi na natuloy nung pangatlo dahil pati ito tinangay din.

Isa-isang nawawala ang mga manananggal na humahabol kay Reyna Lucia hanggang sa apat nalang silang humabahol sa kanya at napansin nila ito kaya napahinto sila at tumingin sa likuran nila. "Ano ang nangyari sa mga kasamahan natin?" tanong nung lider ng gurpo nila "wob... wob... wob..." ingay ng pakpak na lumilipad sa paligid nila "maghanda kayo!" sabi nung lider nila. Tumingin sila sa taas, sa baba, sa kanan, sa kaliwa sa ibang direksyon para hanapin kung sino at ano ang nasa paligid nila. Nakalutang silang nakapalibot sa isang position habang nagmamasid sa paligid ng sumulpot nalang bigla si Kap. Morietta sa gitna nilang apat at umikot ito na lahat sila nahiwa ng espada niya at nahulog silang lahat sa dagat. "Hahahaha..." natatawa pa si Kap. Morietta nung sumunod ito kay Reyna Lucia pabalik sa palasyo.

Nung dumating ang Reyna agad siyang nilapitan ni Hen. Guille "mga aswang ang sakay ng barko, Heneral" balita ng Reyna sa kanya "opo, mahal na Reyna" sabi ni Heneral Guille na tinaas nito ang kanang kamay "INCENDIU! (FIRE!)" sigaw niya. Sunod-sunod na pumutok ang mga kanyon nila at tinamaan nito ang tatlong barkong papalapit sa kaharian nila "WAG NIYONG TIGILAN!" sigaw ni Heneral Guille na nakita niyang dumapo si Kap. Morietta at dahan-dahan itong bumalik sa sarili niyang anyo nung naglakad ito palapit sa kanya. "Heneral!" tawag niya "Kapitan, ihanda mo ang mga tauhan mo" "opo, Heneral" sagot ni Kap. Morietta na dinaanan niya si Julian at nilagay ang kamay niya sa dibdib ng binata at nagbago ang kulay ng suot ni Julian. "Yan!" sabi ni Kap. Morietta sa kanya bago ito umalis at tinawag ang mga tauhan niya.

"Mahal na Reyna pumasok na po kayo sa palasyo, kami na po ang bahala dito" payo ni Hen. Guille sa kanya "hindi, ako ang pinuno dito kaya dapat nasa harapan ako" sabi ng Reyna sa kanya. "Julian, pumasok kana sa loob at bantayan mo si Zoraida" utos ng Reyna sa kanya "mahal na Reyna pwedeng dito..". "HINDI!" sigaw ni Hen. Guille sa kanya "sige na Julian pumasok kana sa loob at gawin mo na ang inuutos ko sayo" sabi ng Reyna sa kanya "opo, kamahalan" sabi ni Julian at pumasok na siya sa loob. "MAGHANDA KAYO!" sigaw ni Heneral Guille sa lahat ng tauhan nila nung huminto malapit sa baybay nila ang dalawng barko at nakita nilang nagsilabasan ang mga aswang na tumakbo pa ito patungo sa hagdanan paakyat sa palasyo at nagliparan narin ang mga manananggal.

"KAPITAN MORIETTA!" sigaw ni Reyna Lucia "Sa zboare si apara castelul (lumipad kayo at ipagtanggol ang palasyo)" sabi ni Kapitan Morietta sa mga tauhan niya na nagkaroon ito ng mga pakpak at sabay silang lahat na lumipad para salubongin ang mga manananggal. "PENTRU MAJESTATEA SA REGINA LUCIA (PARA SA MAHAL NA REYNA NA SI REYNA LUCIA!)" sigaw ni Kapitan Morietta nung nasa ere na sila "HAH!" sigaw ng mga tauhan niya sabay labas ng mga espada nila at nagsagupaan na sila laban sa manananggal. "Mahal na Reyna!" tawag ni Hen. Guille "nakita ko, Heneral" sabi ni Reyna Lucia na lumabas sa palad niya ang espada niya at sumigaw siya "PENTRU REGATUL NOSTRU, PENTRU CLANUL NOSTRU, INCARCARE! (PARA SA ATING KAHARIAN! PARA SA ATING ANGKAN! SUGOD!)" lahat sila sumugod nung dumating na ang mga aswang sa harap ng palasyo.

Maraming aswang ang napatay nila nung nagsagupaan na sila, lahat ng mga sundalo ng Reyna ay iniensayo gabi-gabi ni Heneral Guille kahit na nasa panahon sila ng kapayapaan. Ito kasi ang payo ng dating Heneral ng Reyna na si Heneral Enzo kay Hen. Guille "kahit nasa panahon pa tayo ng katahimikan at kapayapaan, hindi masama na talasan natin ang ating abilidad, kakayahan at ating talino pagdating sa digmaan". Me mga bagong dalang armas ang mga aswang kaya hindi naiwasang malagasan ng tauhan si Reyna Lucia pero hindi parin sila tumigil sa pakikipaglaban para hindi makapasok sa palasyo ang mga aswang. "HENERAL!" sigaw ng isang tauhan nila na tinuro nito ang direksyon ng mga barko at nakita nilang me paparating na mala higanting aswang sa palasyo.

Bigla nalang itong dumapo sa harapan mismo ng mga tauhan ng Reyna at isa-isang napatapon nung sinuntok sila nito kaya agad na tumakbo si Heneral Guille papunta dun para harapin ang higanting aswang. "Heneral!" tawag nung aswang sa kanya nung makita siyang papalapit nito na agad itong tumakbo para salubongin siya "HUWAG NIYO SIYANG LAPITAN, AKIN SIYA!" nakangiting sabi ni Hen. Guille na naging higanting bampira ito at nung nag-abot sila naglock ang dalawang kamay nila na nagpapaligsahan sila kung sino ang malakas sa kanilang dalawa. "HUWAG KAYONG UMALIS SA PWESTO NIYO!" sigaw ni Reyna Lucia na me tatlong aswang na nakatuhog sa espada niya.

Sa ibabaw naman isa-isa ding nahuhulog ang mga manananggal na napapatay ng mga tauhan ni Kap. Morietta "Fulger negru (Black Lightning)" sigaw niya na bumagsak sa lupa ang limang manananggal nung tinamaan nito. "Kapitan!" tawag sa isa sa tauhan niya na nakita niyang me tatlong aswang ang nakalusot sa barikada nina Reyna Lucia at pumasok ito sa terrace ng palasyo. "Boris, ikaw muna ang bahala dito!" utos niya sa tauhan niya "OPO KAPITAN!" sagot nito na nagmamadaling bumaba si Kap. Morietta para habulin ang mga aswang na pumasok sa palasyo. "MAHAL NA REYNA!" tawag niya nung papalapit na siya sa terrace "PATAYIN MO SILA!" sigaw ni Reyna Lucia sa kanya na tumango si Kap. Morietta at pumasok ito sa loob.

"GRAAAAHHHHHHHH...." sumigaw si Reyna Lucia at naging itim na dragon siya at binugahan niya ng apoy ang mga aswang na lumapit sa kanya, nagsitakbuhan ang mga ito habang yung hindi nakailag naging abo ito. Sinuntok si Hen. Guille sa mukha ng higating aswang na napaluhod siya "yun lang?" nakangiting tanong ni Hen. Guille sa kanya na sinuntok niya ito sa tyan kasabay ang paglabas ng malaking espada niya sa likod ng higating aswang "GAAAAHHHHHHH...." napasigaw ito sa sakit. Sinuntok muli ito ni Hen. Guille gamit ang isang kamay niya at ganun din ang nangyari me isa pang espada niya ang lumusot sa likod nito at inangat niya ito sa ere at hiniwa ito sa dalawa dahilan para tumakbo palayo ang mga aswang sa kanya.

Kumonte na ang mga aswang sa paligid nila "Heneral, umaatras na yung mga aswang!" balita ni Leonides sa kanya "HAHAHAHA.. AKALA KO BA MATATAPANG KAYO!" pangungutya ni Hen. Guille sa kanila na bumalik ito sa sarili niyang anyo. Lumipad si Reyna Lucia at inatake niya ang dalawang barkong nakaparada lang malapit sa dalampasigan nila at sinunog niya ito, pagkatapos bumalik siya sa naghihintay niyang mga tauhan at bumalik siya sa sarili niyang anyo nung nasa lupa na siya. "Mahal na Reyna tagumpay po tayo!" sabi ni Heneral Guille sa kanya na nagsisigawan at naghihiyawan ang mga tauhan nila sa likod.

"Hindi pa tapos, Heneral" sabi ni Reyna Lucia sa kanya "HUWAG KAYONG MAGING KAMPANTE, MAGING ALERTO!" sigaw ni Hen. Guille sa kanila "OPO HENERAL!" sagot ng mga tauhan nila. "Mahal na Reyna, me tatlong aswang po ang nakapasok sa palasyo" balita ni Boris sa kanya na agad naging anino si Reyna Lucia at pumasok ito sa palasyo. "Heneral!" tawag ni Yuri sa kanya "ano yun?" tanong niya "me masamang balita ako" sagot niya na napalingon sa kanya ang Heneral. Si Yuri ay strategy expert ng kaharian at siya ang nagbibigay ng mga payo kung paano at saan at ano ang gagawin ng mga sundalo ng Reyna. Kaya nag-aalala si Heneral Guille sa sinabi nitong "masamang balita" "ano ang masamang balita, Yuri?" tanong ng Heneral "sa tatlong daang sundalo ng Reyna limangpu't apat ang napatay nila" umpisa niya.

"HMP!" lang ang Heneral "hindi lang yun Heneral" patuloy ni Yuri "me dalawang oras nalang tayo dito sa labas ng palasyo, pagkatapos ng oras na yun limitado na ang galaw natin dahil lalabas na ang araw" balita niya sa Heneral. "Salamat Yuri" sabi ni Hen. Guille sa kanya na niyuko nito ang ulo at bumalik sa pwesto niya "ano ang gagawin natin, Heneral?" tanong ng isang... Read More


About the Author :

Joined: February 5, 2014 (2 years old)
Writings: 114

Send PM · Male · Offline

1 comment   1 favorite   1,628 views