Harapin Ang Liwanag! Chapter III

July 14, 2015 (1 year ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Erotic Horror, Sci-Fi and Fantasy | Tags:

Chapter III: New World, Old Friends!

Makalipas ang ilang minuto nakarating na sila sa isang subdivision at huminto sila sa likod ng dalawang palapag na bahay "halika Julian, tuloy ka" yaya nung matandang lobo sa kanya na una silang pumasok kasunod ang apat na anak ni Solomon. "Maligayang pagdating, amang lobo" bati ng isang babae sa kanya na tumingin ito kay Julian at nagulat ito nung makita siya "Melinda" tawag ni Julian sa kanya. "I..ikaw..." sabi ng babae "Melinda, bisita natin si Julian" sabi ng amang lobo na dumaan ito sa harapan niya at yumuko si Melinda. "Pasensya kana kung maliit lang ang tahanan namin, kaibigan" sabi ng amang lobo. "Hindi ako namimili ng lugar alam mo yan, Solomon" sabi ni Julian sa kanya na napangiti ito "hindi ka parin pala nagbago, kaibigan" sabi ni Solomon sa kanya na naglakad si Julian at tumitingin-tingin sa paligid.

"Ngayon Solomon, ikwento mo sa akin kung ano ang nangyari sa mundo simula nung natulog ako" sabi ni Julian na umupo ang mga taong lobo sa upoan nila pati narin si Solomon at niyaya niyang umupo din si Julian. "Salamat kaibigan, pero pipiliin kong tumayo" sabi ni Julian sa kanya "wala ka bang tiwala sa amin?" tanong ng nakababatang lobo "Mariz!" tawag ni Solomon sa kanya "wala yun Solomon, me tiwala ako sa inyo kaya nga ako nandito, hindi ba?" sabi ni Julian sa kanya na natahimik lang si Mariz. "Pagpasensyahan mo na ang bunso ko, Julian" paumanhin ni Solomon sa kanya "wala sa akin yun, sanay na ako sa ganitong trato lalo na sa mga kalahi niyo" sabi ni Julian sa kanya.

"Bueno, sa pagdaan ng maraming taon marami narin ang nagbago sa paligid natin, nakita mo kanina ang mga nagliparang mga sasakyan at iba't-ibang pagbabago sa lugar" pasimula ni Solomon na nakikinig lang si Julian. "Marami narin sa angkan naming mga lobo ang pumanaw na, yung iba sa edad nila at yung iba sa pakikipaglaban sa mga.. bampira" sabi ni Solomon na napatingin si Julian sa mga anak niya na isa sa kanila ay tila me maitim na balak sa kanya. "Kung me gusto kang gawin.. gawin mo na" sabi ni Julian sa panganay ni Solomon "kung gugustohin ko man hindi ko parin ito magagawa, dahil sa kasundoan niyo ng aking ama" sagot nito.

"Ramir! rumespeto ka at lumagay ka sa lugar!" sabi ni Solomon sa kanya "patawad po ama, hindi ko lang po kasi maiwasang makaramdam ng galit laban sa kanya" sagot ni Ramir sa kanya. "Alisin mo na ang galit sa puso mo Ramir, hindi natin kalaban si Julian bagkus kasapi natin siya" sabi ni Solomon sa kanila "paano po naging kasapi ng mga taong lobo ang isang bampira?" tanong ni Mariz sa ama niya na napalingon sa kanya si Julian at ngumiti siya. "Aaminin ko" panimula ni Julian "ilang angkan ng mga lobo ang napatay ko, ilang coven din ng mga bruha ang nawasak ko.. pero kung isasama mo ang bilang ng dalawang grupo hindi ito aabot sa kalahati ng bilang ng mga bampira ang napatay ko" kwento ni Julian sa kanila.

"Kaibigan, hindi mo na dapat pang banggiitin ang kahapong yun" sabi ni Solomon sa kanya na napatingin lang si Julian sa kanya "konte nalang ang natitirang bampira dito sa pilipinas, bilang nalang din ang angkan ng mga lobo dito" balita ni Solomon sa kanya. "Konte nalang?" tanong ni Julian "oo" sagot ni Solomon "bago ako natulog alam kong nasa isang daan ang angkan ng mga lobo dito sa bansa, halos me pitong coven ang mga bampira dito at alam kong dumadami pa sila pero paano naging konte nalang ang bilang?" takang tanong ni Julian sa kanya. Kita niyang tumingin si Solomon sa mga anak niya bago ito nagsalita "taong 1824 sampung taon ang nakalipas nung natulog ka me isang nilalang na bigla nalang nagpakita ng kakaibang lakas at bilis na pumukol sa aming mga lobo" kwento ni Solomon.

"Akala namin isa itong bampira dahil sa lakas ng mga kamao nito at sa bilis ng galaw niya hindi namin ito matatalo" kwento ni Solomon na tumayo ito at naglakad papunta kay Julian. "Ilang grupo narin ng mga taong lobo ang lumaban sa kanya pero isa-isa silang napatay nito na parang wala lang sa kanya, ni hindi man lang nila ito masugatan" dagdag niya. "Tapos?" tanong ni Julian "napilitan kaming kausapin ang isa sa mga angkan ng mga bampira, na nakatira lang malapit sa sinasakupan naming gubat na pati din pala sila nakasagupa ang taong ito" tuloy ni Solomon "mapa bampira man o taong lobo hindi sinasanto ng taong ito, kaya ito ang rason kaya naging konte nalang ang bilang ng mga taong lobo at bampira dito sa pilipinas" kwento ni Solomon. Napaisip nalang si Julian at napatingin sa malayo "ano ba ang kasarian niya?" tanong ni Julian.

"Hindi namin matukoy, iba ang kinikilos niya Julian.. parang ikaw kung kumilos sa tuwing ginagamit mo ang buong lakas mo" sabi ni Solomon sa kanya na nagulat si Julian sa narinig niya. "Baka ikaw yun bampira at nagkukunwari ka lang natutulog" sabi ni Ramir kay Julian "TUMAHIMIK KA, RAMIR!" sigaw ni Solomon sa kanya na parang aso itong umasta nung tumingin ito sa anak niya na napaatras si Ramir. "Gaya ng sinabi ko sa inyo, kasapi natin si Julian at hindi natin siya kalaban" sabi ni Solomon sa mga anak niya "kung ganun, me iba pang katulad niya ang nabubuhay sa mundong ito" sabi ni Melinda kay Solomon "sinabi sa akin ng nakababata kong kapatid bago ito binawian ng buhay, isang itim na nilalang na naghuhugis na tao ang sumalakay sa kanila. Me lakas ng sampung bampira, sampung lobo kung gumalaw ito at parang halimaw ito kung pumatay" kwento ni Melinda.

Napatingin sa kanya si Julian "me dapat ka bang sabihin sa amin Julian?" tanong ni Melinda sa kanya na napatingin sila kay Julian pati narin si Solomon. "Kung naghihintay kayo ng kasagutan, patawarin niyo ako dahil wala akong alam sa nilalang na tinutukoy niyo" sabi ni Julian sa kanila "tandaan niyo, simula nung namatay si.... (pagtigil niya)... sinamahan ko siya hanggang sa nagising ako kahapon" patuloy ni Julian. "Kung wala kang alam sa nilalang na ito paano natin siya mapipigilan?" tanong ni Melinda. "Meron akong kilala na alam kong me alam sa lahat ng ito" sabi ni Julian "sino, kaibigan?" tanong ni Solomon "ang mangkukulam na si Zoraida" sabi niya "si Zoraida? Hindi ba isa siya sa mga tauhan ni Reyna Lucia?" tanong ni Solomon "oo, kaya nakakasiguro akong me alam siya" sagot ni Julian.

"Teka, kung tauhan siya ng Reyna ng mga bampira ibig sabihin nito.." sabi ni Raul "oo, dalawang daang taon narin siya ngayon, siguro higit pa" sagot ni Solomon "paano natin siya mahahanap?" tanong ni Melinda "ang tanong dyan, kung buhay pa ba siya?" tanong ni Mariz. "Alam kong buhay pa siya, isa siya sa konseho sa kurte ni Reyna Lucia at siya ang nangunguna sa itim na mahika ng konseho kaya alam kong buhay pa siya hanggang ngayon" sabi ni Julian na naglakad ito patungo sa bintana. "Saan natin siya mahahanap?" tanong ni Solomon sa kanya "huwag kayong mag-alala, alam kong nasaan siya... kaya ako na ang lalapit sa kanya" sabi ni Julian sa kanila "samahan kana namin" sabi ni Ramir. "Huwag!" sabi ni Julian "bakit?" tanong ni Raul "isang taong lobo ang pumatay sa asawa niya, kung sasama kayo baka..." sabi ni Julian "aasahan ka namin, kaibigan" pagputol ni Solomon sa kanya.

Binuksan ni Julian ang bintana at lumingon siya sa kanila "huwag niyo akong sundan, alam ko ang pintig ng puso niyo" sabi niya sa kanila at naging anino muli siya at mabilis na lumabas sa bintana. "Ama, nakakasiguro ka bang mapagkakatiwalaan siya?" tanong ni Ramir sa kanya "oo, kahit itaya ko pa ang buhay ko" sabi ni Solomon sa kanya. "Ano ang susunod na gagawin natin?" tanong ni Raul "alam kong alam na din ng konseho ng mga lobo ang paggising ni Julian, maghahanda tayo alam kong ipapatawag nila tayo" sabi ni Solomon sa kanila "Solomon" tawag ni Melinda sa kanya nung me biglang sumulpot na itim na lobo sa pintoan nila "dito lang kayo, ako ang kailangan nila" sabi ni Solomon sa kanila at lumabas na yung lobo sa me pintoan. "Huwag kayong kumilos hangga't hindi ko sinasabi, naiintindihan niyo?" sabi ni Solomon na umoo silang lahat at sumunod si Solomon sa lobong sumundo sa kanya.

"Hmmm... " nagising ako makalipas ang ilang oras at bumangon ako para magbanyo at pagkatapos nakita kong mahimbing na natutulog sa kama si Ben "hmmm... Ben talaga" sabi ko na isa-isa ko ng dinamput ang mga damit ko sa sahig at nagbihis ako. "Ben.. uuwi na ako" paalam ko sa kanya na hindi ito nagising kaya hinalikan ko nalnag siya sa pisngi at lumabas ako ng apartment, ang lamig sa labas buti nalang me jacket ako sa sasakyan at sinuot ko ito. "Hmmm.. ang sarap ng ginawa ni Ben kagabi" nakangiti kong sabi nung nasa loob na ako ng sasakyan ko na sariwa parin sa isipan ko ang nangyari sa amin kagabi. Madilim pa sa labas at kita kong mag-aalas tres palang ng madaling araw kaya pinaandar ko na yung kotse at umalis na ako, habang nasa daan tiningnan ko ang phone ko at me tatlong miskols at dalawang text messages ako.

Huminto ako sa harap ng 7-11 para bumili ng kape at tumambay muna ako dun para basahin ang mga messages sa phone ko "Issa, nasaan ka ba? Kanina pa kita tinatawagan" text galing kay mama. "Ate, nangungulit na si mama call us back" text galing sa kapatid ko "haayy." nalang ako at tinuloy ang pag-inom ng kape ko ng biglang me namataan akong taong umaaligid sa kotse ko. Dala ang kape ko lumabas ako ng store para lapitan yung taong umaaligid sa kotse ko "me kailangan ka ba?" tanong ko dun sa taong nakatayo malapit sa trunk ng kotse ko. Nagulat ito nung marinig ako at napatingin ito sa akin "me kailangan ka ba sa kotse ko?" tanong ko sa kanya at ininom ko ang kape ko habang nakahawak ang isang kamay ko sa baril ko na nasa gilid ko lang. "Ah.. wa..wala po!" sagot nito na umatras ito palayo sa kotse ko.

"Huwag kang gumalaw kundi babarilin kita" banta ko sa kanya na natataranta na ito "bakit ka umaaligid sa kotse ko ha?" tanong ko sa kanya "wa..wala po.. tinitingnan ko lang" sagot niya na kita kong nasa 15-17 taon ito. "Sigurado ka ba?" tanong ko sa kanya "o.opo!" sagot niya na tumango ako "sige, umalis kana!' sabi ko sa kanya na mabilis itong tumakbo palayo sa parking lot ng tindahan "gago yun" sabi ko nung lumapit ako sa kotse ko at tiningnan ko ito baka kasi me ginawa siya. "Miss, ok lang ba kayo?" tanong sa akin nung cashier ng store "yeah, ok lang ako" sagot ko sa kanya na binuksan ko ang pintuan ng kotse "myembro ng grupo ng kabataan yun na nambubukas ng kotse dito sa lugar" balita sa akin ng cashier "ganun ba? Dapat hinuli ko na sana yun" sabi ko "oo, hindi ko alam pulis ka pala" sabi niya "Lt Isabella Rosales, QCPD" pakilala ko sa kanya "sige salamat" sabi ko at sumakay na ako sa kotse ko at pumasok narin ito sa store.

Pagdating ko ng apartment ko dumiretso na ako sa kwarto at hindi na ako nagpalit ng damit at bumagsak nalang ako sa kama at agad nagkumot, nakagawian ko na kasing mag panty lang at sando pagnatulog pero iba ang pagod na nararamdaman ko. Hindi kasi ako sanay matulog sa apartment ni Ben kahit na makailang rounds kami hindi parin ako natutulog dun hanggang umaga, nap lang yung tipong makakabawi ka sa lakas mo at ready kana umuwi o bumyahe. "Hmmm....." nalang ako nung pinikit ko ang mga mata ko at nararamdaman ko na lilipad na ako papunta sa lugar ng panaginip ng biglang tumunog ang phone ko at napadilat nalang ako. "FUCK!" napamura nalang ako nung kinuha ko ang phone ko at tiningnan ko kung sino "SHIT!" nasabi ko nalang at bumangon ako "yes Chief?" tanong ko sa linya.

Makalipas ang kalahating oras nakarating na ako sa address na binigay ni Hepe sa akin "wow, good morning Tenyente!" bati sa akin ni Sgt. Romero "Alan, ano ang problema dito?" tanong ko sa kanya "dalawang katawan sa taas, dalawa sa baba, isa nasa sala at yung isa nasa kusina" balita niya sa akin. "Ugghh... " nalang ako "Rosales" tawag ni Hepe sa akin "yes Sir!" sagot ko nung kinawayan niya ako kaya pumasok ako sa bahay. "Watch your step, Lieutenant" sabi nung agent ng SOCO sa akin "what the fuck!" mahinang sabi ko nung makita ko ang katawan ng biktima sa sofa "Rosales, over here" tawag ni Hepe sa akin kaya lumapit ako sa kanya. "Sir, ano po ang nangyari dito?" tanong ko sa kanya "by the looks of it, someone went wild in this house" sabi niya sa akin na kita sa katawan ng biktima ang maraming sugat at nakakalat ang dugo nito sa paligid.

"I want you to take care of this, Rosales" utos ni Hepe sa akin since ako ang senyor police sa scene maliban sa kanya "yes Sir!" sagot ko at lumabas na siya para harapin ang mga reporters. "Joe!" tawag ko dun sa isa sa SOCO team "hey, sexy!" bati niya sa akin "shut up! What's going on here?" tanong ko sa kanya "well, the first victim in the living room suffers lacerations from the neck, chest, stomach and both legs" paliwanag niya. "What else do you have?" tanong ko "victim number two" sabi niya habang papunta kami sa kusina "suffers the same lacerations, so does victims three and four na nasa taas" paliwanag niya sa akin. "Teka, same lacerations sa katawan nila as in pareho ang locations ng mga sugat nila?" takang tanong ko sa kanya "yeah, at ang pinaka weird pa nito seconds lang ang pagitan ng pagkakahiwa sa mga sugat nila, parang synchronize ang pagkakapatay sa kanila" balita niya sa akin na napaisip din ako.

Umakyat ako sa taas at nandun pa ang SOCO na kumukuha ng mga ebidensya at litrato sa kwarto "oh God!" sabi ko nalang nung makita ko ang dalawang biktima sa kama. "Wear your gloves, Issa" sabi ni Thelma sa akin team lead ng SOCO. "Who do you think did this?" tanong ko sa kanya "don't know, that is why we are here to find out" sabi niya sa akin na kinuha niya ang isang maliit na tela sa gilid ng kama at tiningnan niya ito ng mabuti. "What's up?" tanong ko sa kanya nung tumayo ako sa likod niya "looks like evidence" nakangiting sabi niya at pinasok ito sa maliit na zip lock at pinakita ito sa akin "ano ang pagkakaiba nito sa mga damit dito sa kwarto?" tanong ko sa kanya "well Tenyente if you must know" sabi niya sabay akbay sa akin at sabing "this is a silk and me nakita ka bang silk sa buong kwarto o sa area kung saan ko ito nakita?" tanong niya sa akin na napatingin ako sa paligid at tumingin ako sa kanya "HMP!" nalang ako at nagsulat sa booklet ko.

"Sarhento, tapos na po kami" sabi nung tauhan niya "good, pack things up and bring all the evidence to our lab and inform the coroner na pwede na nilang kunin ang mga bangkay" utos niya sa tauhan niya "right away, ma'am" sagot nito. Bumaba na kami sa sala at nakita kong me kausap si Romero sa labas ng bahay "kamag-anak ng biktima" sabi ni Thelma sa akin "kakausapin ko lang" paalam ko sa kanya "go ahead" sabi niya at lumabas ako ng bahay. "Sarhento!" tawag ko kay Romero "Tenyente, ito nga pala si Silya pinsan ng may-ari ng bahay" pakilala sa akin ni Alan "i'm sorry for you loss" sabi ko kay Silya "salamat po, ano po ho ba ang nangyari sa pinsan ko?" naluluhang tanong niya sa akin "uhm.. sa presinto ko nalang ipaliwanag sa inyo, pwede ho bang sumama kayo sa amin?" tanong ko sa kanya "sige po, magpapaalam lang ako sa asawa ko" sabi niya "Romero, samahan mo siya at isabay mo narin siya papunta ng presinto" utos ko "sige Tenyente" sagot niya.

Pumasok muli ako sa bahay na nakita kong nagliligpit na ng gamit si Thelma "going back to the lab?" tanong ko sa kanya "yeah, dami pa naming ipaprocess na evidence, you look like hell!" sabi niya sa akin na napangiti lang ako. "Ben gave you that much huh?" nakangiting tanong niya sa akin "stupid!' sagot ko sa kanya na natawa lang ito, alam kasi niya ang relasyon ko kay Ben at mga sex-sessions namin kaya alam nito kung ganito ang hitsura ko ibig sabihin nun kakagaling ko lang dun. "Ok lang yun girl, at least you had some hihihi" natatawang sabi nito "shut up, baka marinig ka nila" sabi ko sa kanya dahil mga ranking officers kami sa crime scene at ganito pa ang conversations namin. "Fine! But we should go out sometimes" sabi niya sa akin "alright, basta inform mo agad ako kung me results na kayo" sabi ko sa kanya "alright, Lt. Rosales" sabi niya na sumaludo pa ito sa akin bago ito umalis.

Sinara na namin ang bahay at nilagyan namin ito ng tape sa pintoan at ni lock namin ito "you two remain here" utos ko sa dalawang pulis namin "yes, ma'am" sagot nila at naglakad na ako papunta sa kotse ko. Kinuha ko yung maliit na libro ko at binasa ko ang sinulat ko kanina ng biglang me namataan akong taong nakatingin sa akin sa kanto kaya nilagay ko sa loob ang booklet ko at pinuntahan ang taong yun pero bigla nalang itong tumalikod at naglakad palayo. "TEKA!" sigaw ko sa kanya na patakbo na akong papunta sa kanya na tumakbo narin ito palayo sa akin kaya hinabol ko na ito "shit ang bilis niya" sabi ko nung makita kong papalayo na ito sa akin. Habang tumatakbo kinuha ko yung celfon ko sa bulsa at tinawagan ko si Romero "Alan.. hah..hah.. suspect...hah..hah.." habang kausap ko siya sa linya "Tenyente, ano ang nangyari sayo?" tanong niya sa akin.

"Spotted..hah.. someone suspicious...hah.. chasing him now" sabi ko sa kanya "understood, location?" tanong niya sa linya at sinabi ko sa kanya ang kalye nung makita ko ang sign sa kanto "affirmative! calling for back up!" sabi niya sa linya bago niya binaba ang phone. Binilisan ko pa ang pagtakbo ko at kita kong nahahabol ko na siya pero lumiko ito sa eskinita kaya lumiko din ako at nakita kong wala na siyang madadaanan dahil ktia kong pader na ang nasa dulo. "Shit...hah..hah..hah..." sabi ko nung huminto ako habang nagpapanic na itong naghanap ng daan para malusotan niya. "Bakit ka tumakbo?" tanong ko sa kanya nung nakahinga na ako ng maayos na hindi ako nito sinagot "ano ba ang pangalan mo?" tanong ko habang naglakad ako palapit sa kanya. Kita kong napatigil nalang ito at humarap sa akin dahil kita niyang wala na siyang malulusotan.

"Ano ang pangalan mo? Bakit ka ba tumakbo nung nilapitan kita?" sunod-sunod kong tanong sa kanya habang naglakad ako palapit sa kanya na nakita kong naka baseball cap pala ito, naka itim na damit at hindi ko makita kung ano ang suot niyang pantalon at sapatos. "Sasagutin mo ba ako o... " napatigil nalang ako nung me parang may bakal na sumilaw na lumabas sa laylayan ng sweater niya pababa sa kamay niya kaya kinuha ko ang baril ko at tinutok ko ito sa kanya. "DROP YOUR WEAPON!" sigaw ko sa kanya na hindi ko makita ang mukha niya dahil sa konteng liwanag ng eskinitang kinatatayuan namin at kita kong pumorma ito na parang aatake ito kaya nagpaputok ako ng warning shot sa ere sabay tutok ko ulit sa kanya. "IBABA MO ANG PATALIM MO KUNG AYAW MONG MAMATAY!" sigaw ko sa kanya na bigla nalang itong umabante kaya wala akong nagawa kundi barilin siya.

Limang bala ang binitawan ko na alam kong tumama ito sa katawan niya na tila wala itong epekto sa kanya kaya nagpanic na tuloy ako at napaatras papalayo sa kanya at kinalabit ko muli ang gatilyo. Tatlong bala ang tumama sa dibdib niya wala parin itong epekto at kita kong ilang hakbang nalang siya sa akin at tinaas niya ang kamay niya at doon ko lang nakita ng maayos ang hawak niya. Isang mahabang espada ang hawak niya at tila katapusan ko na ata ito dahil sobrang lapit na nung espada niya sa leeg ko nung binaba na niya ito "AAHHHHH..." napasigaw ako sa takot ng biglang me sumulpot na tao sa pagitan naming dalawa na niyakap ako sa beywang at binuhat ako papalayo dun sa taong tatagain na sana ako. Naramdaman ko nalang na nakaupo na ako sa semento at kaharap ang taong lumigtas sa akin na namukhaan ko ito "i..ikaw...?" sabi ko sa kanya na kita kong nakatingin ito sa taong umatake sa akin.

Lumingon siya sa akin at nginitian ako "hindi ka ba nasaktan?" tanong niya sa akin "....." hindi ako nakasagot dahil sa sobrang gulat at kabado parin ako sa pangyayari kanina "huwag kang mag-alala, ako ang bahala sa kanya" sabi niya sa akin. Lumingon siya sa kalaban ko at tumayo siya at nanlaki nalang ang mga mata ko nung binuka niya ang palad niya at me parang kung anong likidong lumabas dun at naging hugis espada ito. "Ah..." nalang ang nasabi ko at napansin kong kumilos narin ang taong nasa harapan namin kaya hinarap niya ito at walang sabing umabante sila pareho at nakita ko nalang na naglaban silang dalawa. Hindi ako makapaniwala, ni hindi nga ako makagalaw sa na saksihan ko ngayon dahil nung una akala ko namalikmata lang ako dahil nakita ko silang naging.... anino at tila lumulutang sila sa ere.

"To..totoo ba ito?" natanong ko sa sarili ko dahil hindi ako makapaniwala sa nakikita ko, kinuha ko ang baril ko at bumangon ako "TUMIGIL KAYONG DALAWA!' sigaw ko sa kanila na tinutokan ko sila ng baril ko. Biglang huminto ang dalawa at paglingon nila sa akin puro pulang mata lang ang nakikita ko sa mga mukha nila "ha..ah...aahh.." nalang ako at hinimatay na ako. "Isabella...." sabi ni Julian sa kanya na nakita nitong hinimatay ito nung makita sila "Julian..." sabi nung taong nasa harapan niya na napatingin si Julian sa kanya. "Bakit mo ako kilala?" tanong niya "EU sint fantoma din trecut si EU sunt aici ca sa te omoare (ako ang multo ng kahapon at nandito ako para patayin ka)" sagot nito sa kanya "Cine esti tu? (Sino ka ba?)" tanong ni Julian "Moartea! (kamatayan)" sagot nito "Moartea? Nu stiti cine ai de-a face cu (Kamatayan? Hindi mo ata alam kung sino ang kausap mo)" sabi ni Julian sa kanya na tinaas nung kausap niya ang mga sandata niya sa ere na tinatakot siya nito.

"Este ca toate aveti? (yan lang ba meron ka?) tanong ni Julian sa kanya na tinaas niya ang isang kamay niya at kagaya kanina me itim na likidong lumabas sa palad niya at naging espada din ito.. "Acum vom vedea daca intr-adevar ai sunt moartea (tingnan natin kung ikaw nga ba talaga si kamatayan)" sabi ni Julian sa kanya na sabay silang tumakbo at naging anino ulit sila at maririnig mo ang ingay ng mga espada nilang nagtatama. Makitang nasa ere silang dalawa habang naglalaban at nung natadyakan ni Julian ang kalaban niya sa mukha bumagsak ito sa semento kaya mabilis na nag dive si Julian para saksakin niya ito ng biglang nakailag ito at tumama ang espada niya sa semento. Napaatras ang kalaban niya at sumandal ito sa pader na tinaas ang espada nito para depensahan ang sarili niya.

Tumayo si Julian at hinugot ang espada niya sa semento at humarap siya sa kalaban niya na ngayon ay hinihingal at naghahanda sa pag-atake niya "akala ko ba ikaw si kamatayan?" tanong ni Julian sa kanya. Pinatong ni Julian ang isang espada niya sa balikat niya at nakatayo lang itong hinarap ang kalaban niya. "Sino ba ang nag-utos sayo?" tanong ni Julian sa kanya na hindi ito sumagot "pwes, kung ayaw mo akong sagutin.." sabi ni Julian sa kanya na naging anino ang kalaban niya at umakyat ito sa pader pero bago pa man siya nakarating sa tuktok nasaksak na siya ni Julian at bumalik ito sa dati niyang anyo. Hinawakan siya ni Julian sa leeg at sinakal niya ito "sino ang nag-utos sayo?" tanong muli ni Julian sa kanya na hindi ito sumagot "Apoi moartea va fi a ta (pwes kamatayan ang para sayo)" sabi ni Julian na lalo pa niyang hinigpitan ang paghawak sa leeg at hinampas niya ito gamit ang espada niya at naputol ang itaas na parte ng ulo ng kalaban niya.

Hindi agad ito namatay at nakapagsalita pa ito "Dragostea este moartea, moartea este dragoste (ang pag-ibig ay kamatayan, ang kamatayan ay pag-ibig)" sabi nito kay Julian na dahan-dahan na itong nasunog at naging abo ito na inihip ng hangin at nawala na ito sa kamay niya. Napa-isip si Julian sa sinabi nung kalaban niya at napatingin siya kay Isabella na nakadapa sa semento, napatingin siya sa silangan at kita niyang papalabas na ang araw kaya mabilis niyang binuhat si Isabella at pinaupo niya ito sa loob ng kotse niya at bago siya umalis hinalikan niya muna ito sa pisngi at naging anino na siya at umalis. Sakto lang at dumating si Sarhento Romero kasama ang ibang mga pulis "Tenyente! Tenyente!" ginising niya si Isabella at inutosan niya ang ibang mga pulis na mag-imbisitga sa paligid at ginigising niya si Isabella.

Mabilis ang kilos ni Julian para makaiwas sa liwanag ng araw "kailangan kong makahanap ng masisilungan" sabi niya na me nakita siyang abandunang gusali na agad siyang pumasok sa loob at sumandal sa pinakamadilim na parte nito. "Haaa... haa...hmmm.... dragostea este moartea, moartea este dragoste" inulit niya ang sinabi nung kalaban niya kanina, nakita niyang pumasok ang sinag ng araw sa loob ng gusali kaya tinakip niya ang kapa niya sa mukha niya at pinikit niya ang mga mata niya. "Julian... Julian... HOY! GISING!" nagising si Julian sa boses ng taong gumising sa kanya "kanina pa kita tinatawag" sabi nung lalaking gumising sa kanya na bumangon agad siya at lumuhod sa harap ng lalaking gumising sa kanya.

1790 Lumang Pilipinas....

"Pa.. pasensya na po Heneral!" paumanhin ni Julian nung nagising na siya at nakaluhod sa harap ni Guille, isang Heneral ng mga bampira sa sinasakupang kaharian ni Lucia ang Reyna ng mga bampira. "Tumayo ka na at maghanda ka" sabi niyo kay Julian "mag-eensayo ba tayo ngayon Heneral?" tanong ni Julian sa kanya "oo, pansin ko lumambot na yang katawan mo kaya mag-eensayo tayo hanggang madaling araw" sabi ni Hen. Guile sa kanya. Bata pa si Julian sa taong ito nasa desi-otso palang siya at sa lahat ng nakatira sa kahariang ito siya lang ang nag-iisang mortal at ngayon ay tinuturoan siya ni Hen. Guille kung paano lumaban gamit ang espada. "Maghanda ka!" sabi ni Hen. Guille sa kanya nung nasa training ground na sila at nagsimula na silang mag ensayo na wala pang kalahating oras ay napapagod na si Julian.

"Pa.. haa.. pasensya na po..ha.. Heneral.." sabi ni Julian nung hinihingal itong nakayuko sa harap niya "hmp! kalahating oras, Julian" sabi ng Heneral sa kanya na natuwa si Julian nung marining niya ito kaya umupo siya sa sahig at nagpahinga. "Pagod kana agad, Julian?" tinig ng babae na nagmula sa me pintoan at nung makita nila ito niluhod agad nina Hen, Guille at Julian ang isang tuhod nila sa sahig at niyuko ang ulo pagbigay respeto sa kanya. "Ituloy niyo lang ang ginagawa niyo" sabi ni Reyna Lucia sa kanila "salamat po, kamahalan!" sabi ni Hen. Guille na tumayo ito at tinuro niya si Julian na tumayo din ito. "Tandaan mo ang tinuro ko sayo, Julian" sabi ni Hen. Guile sa kanya na pumorma na si Julian para depensahan ang sarili niya at nagsimula na uli sila sa ensayo nila.

Nakaupo lang sa silya si Reyna Lucia habang pinapanood silang dalawa "kamahalan" tawag ni Zoraida sa kanya na me dala itong maliit na plato at me papel itong nakalagay sa ibabaw. Yumuko ng konte si Zoraida at tinaas ang plato malapit lang kay Reyna Lucia "sulat" sabi ng Reyna "opo kamahalan, hinatid ng kartero yan kani-kanina lang" sagot ni Zoraida. Kinuha ito ng Reyna at binasa ang nakasulat nito "...... Heneral!" tawag niya na tumigil sila ni Julian sa pag-eensayo at agad lumapit sa kanya si Hen. Guille at lumuhod ito sa harapan niya "ano po yun, kamahalan?" tanong niya. "Nagpatawag ng pagpupulong ang Konseho ng Limang Angkan" sabi ng Reyna "pagpupulong?" tanong ng Heneral sa kanya "oo, maghanda kayo dahil aalis tayo bukas ng gabi" utos ng Reyna sa kanila "masusunod po, kamahalan!" sagot nilang dalawa ni Zoraida.

"Julian" tawag ng Reyna "kamahalan?" tanong ni Julian na yumuko din siya sa harapan niya "maghanda ka din, sasama ka sa amin bukas" nakangiting sabi ng Reyna sa kanya na natuwa si Julian nung marinig ito. "Mahal na Reyna, kung papayag po kayo isang hukbong ng mga magagaling nating sundalo ang dadalhin natin" sabi ng Heneral kay Reyna Lucia "Guillermo, pagpupulong ito hindi gyera" nakangiting sabi ng Reyna sa kanya. "Ah! pa..patawad po kamahalan, iniisip ko lang po kasi ang kaligtasan niyo" paliwanag ng Heneral sa kanya "naiintindihan ko yun pero ligtas ako, tayo sa pupuntahan natin" sabi ng Reyna sa kanya. "Kayo po ang masusunod, kamahalan" sabi ni Guille sa kanya "ikaw naman kasi Guillermo masyadong.... " sabi ni Zoraida "gusto ko lang makasiguro na ligtas ang Reyna natin, Zoraida" pagputol ni Hen. Guille sa kanya.

"Huwag na kayong magtalo, maghanda nalang kayo para sa paglalakbay natin bukas" sabi ng Reyna sa kanila "opo, mahal na Reyna" sabay nilang sagot at naglakad na ang Reyna papunta sa pintoan "Julian" tawag niya na tumayo si Julian at sumunod sa kanya. "Mahal na Reyna, sigurado ho ba kayong isasama niyo ako bukas?" tanong ni Julian sa kanya nung naglakad na sila papunta sa terrace ng palasyo. "Oo naman, bakit? Ayaw mo ba?" tanong ng Reyna sa kanya "ah.. gusto ko po! Inisip ko lang po kasi na baka wala akong magawa kung me sumalakay sa atin" malungkot niyang sabi sa Reyna. "Hmm... huwag mong isipin yun Julian" sabi ng Reyna sa kanya nung nasa terrace na sila "tandaan mo ito Julian, lahat tayo me kanya-kanyang kakayahan kaya huwag mong isipin yan" paliwanag ng Reyna sa kanya.

"At kung me sasalakay man sa atin, huwag kang mag-alal... Read More


About the Author :

Joined: February 5, 2014 (2 years old)
Writings: 114

Send PM · Male · Offline

5 comments   0 favorite   1,904 views