Harapin Ang Liwanag! Prologue & Chapter I

July 14, 2015 (1 year ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Erotic Horror, Sci-Fi and Fantasy | Tags:

We all die. The goal isn't to live forever, the goal is to create something that will.
Chuck Palahniuk

Prologue:

"Pigilan niyo siya, huwag niyo siyang hayaang makaalis sa mansion!" utos ni Don Faustino sa mga tauhan niya nung nakita nilang me bitbit na damit si Isabella "papa, hayaan niyo na po kami ni Julian, nagmamahalan po kami" pagmamakaawa ni Isabella sa papa niya. "Hindi ka aalis at hindi ka sasama sa taong yun!" galit na sabi ng papa niya "sige! ipasok niyo siya sa kwarto niya!" utos niya sa tauhan niya na hinila nila si Isabella paakyat sa kwarto at ni lock ito.

"PAPA MAAWA KA SA AKIN, MAHAL NA MAHAL KO SI JULIAN!!" pagmamakaawa niya sa papa niya na hindi siya nito pinakinggan "Juan, Arturo tawagin niyo ang ibang kasamahan niyo at sumama kayo sa akin" utos ni Don Faustino sa kanila "sige po, amo!" sagot ni Juan na umalis na sila ni Arturo at pumunta sa kwarto niya si Don Faustino.

"Tino, ano nanaman ba ito?" tanong ni Doña Charito sa asawa niya "ayaw sumunod ng anak mo sa akin kaya ngayong gabi tatapusin ko na ang kahibangan ng babaeng yan" sagot niya sa asawa niya at kinuha niya ang baril sa kabinet at nagpaalam na ito. "Dyos ko Tino, huwag mong gawin yan, matakot ka sa dyos" sabi ni Doña Charito "matakot sa dyos? demonyo ang taong yun Charito, para makawala sa ano mang gayumang binigay ng lalaking yun sa anak natin kailangan ko siyang patayin!" sabi ni Don Faustino na tinulak niya ng mahina ang asawa niya nung pinigilan siya nito.

Pagbaba niya sa sala "amo, nandito na po sila" sabi ni Juan "magaling, tara puntahan natin ang demonyong lalaking yun!" niyaya niya ang mga tauhan niya at sumakay na sila sa kabayo nila patungo sa bahay ni Julian.

Huminto sila nung natanaw na nila ang bahay at naghanda sila "kayong tatlo bantayan niyo sa likod baka makatakas ang taong yun" utos niya sa tauhan niya na naglakad na sila papunta sa bahay ni Julian at nag-iingat sila. "Amo, hindi ba delikado ang ginagawa nating ito? dyes oras pa ng gabi" sabi ni Juan sa kanya "wala akong pakialam, ang importante ma sugpo ko siya ngayon" sagot ni Don Faustino na ngayon ay hawak na niya ang baril niya.

Ilang hakbang nalang sila sa pintoan ng bahay ng biglang nakaramdam sila ng panlalamig sa paligid kaya nagsimulang manginig at matakot ang mga tauhan ni Don Faustino. "Kayo! lapitan niyo ang pinto" utos niya sa dalawang tauhan niya na naghintay lang sila ni Juan sa likuran nila "eh.. amo.. na..natatakot po kami" sabi nung isa na tinututokan niya ito ng baril.

"Gusto mong ikaw ang mauna sa hukay o susundin mo ang inuutos ko?" galit na sabi ni Don Faustino sa kanya na napalunok ito ng laway at nagkatinginan ang dalawang tauhan niya. "Pa..pasensya na po, amo" sagot nung isa na nagsimula na silang lumapit sa pinto ng bahay ng biglang nakarinig sila ng sigaw sa likod "SA LIKOD, DALI!" sigaw ni Don Faustino na kinasa nila ang mga baril nila at tumakbo sila sa likod at lahat sila ay napahinto nung makita ang dalawang tauhan ni Don Faustino na nakabulagta sa lupa habang nakita nila si Julian na nakatalikod sa kanila.

"HA!... a..amo pasensya na pero.. hindi ko na po kaya ito!" sabi nung isang tauhan niya na napatumba pa itong nung kumaripas ito ng takbo nung makita si Julian na hawak sa leeg ang isa sa tauhan ng Don at wala na itong buhay "IKAW!" sigaw ng Don kay Julian na tinutok niya ang baril niya at kinalabit nito ang gatilyo.

Sumunod ang ibang tauhan ni Don Faustino at pinagbabaril nila si Julian na parang hangin lang itong umilag sa mga balang paparating sa kanya "HAA... " sumigaw sa takot ang ibang tauhan ni Don Faustino at tumakbo narin ito sa takot. "MGA DUWAG!" sigaw ng Don sa tumakbong tauhan niya na silang tatlo nalang ni Juan at Arturo ang natira at nagkakarga sila ng bala sa baril nila na ngayon ay nakatayo lang sa malayo si Julian at nakatingin ito sa kanila.

"Bakit mo ito ginagawa sa akin, Don Faustino?" tanong ni Julian sa kanya "hindi ang katulad mo ang gusto kong mapapangasawa ng anak ko!" sagot ng Don sa kanya at tinutok niya uli ang baril niya pati narin ang dalawa na mabilis napatumba ni Julian ang dalawa nung sinakal niya ito at hinila niya ito papalayo kay Don Faustino. "DEMONYO KA!" sigaw ng Don na binaril niya si Julian pero hindi niya ito natamaan.

Tumayo sa ilalim ng puno si Julian na natatabonan siya ng dilim "mahal ako ng anak mo at ganun din ako sa kanya, bakit mo kami pipigilan sa pagmamahalan namin?" tanong ni Julian sa kanya na kinuha nung Don ang baril ni Juan sa lupa at tinutok niya ito. "Hindi.. hindi ang katulad mong demonyo ang magiging asawa ng anak ko" sabi ng Don sa kanya na binaril niya uli si Julian pero hindi parin tumatama ang mga bala niya sa lalake na napahinto nalang si Don Faustino nung naramdaman niyang nakatayo na sa likuran niya si Julian.

Hinawakan siya nito sa balikat na parang inamoy ang leeg niya "ah.. demonyo.. kung balak mong kunin ang buhay ko.. gawin mo na.. dahil kahit kelan.. hinding-hindi kita matatanggap" sabi ni Don Faustino na nanginginig ito sa takot na bigla nalang nawala si Julian sa likuran niya. "Mahal ko si Isabella, hinding-hindi ko gagawin sayo yan...." sabi ni Julian nung papalayo ito sa kinatatayoan niya.

Nung kumalma na si Don Faustino nagmamadali siyang bumalik sa kabayo niya at mabilis niyang pinatakbo ito pabalik sa mansion dahil alam niyang doon pupunta si Julian, malayo palang siya sa gate nila nagsisigaw na ito. "IHANDA ANG MGA ARMAS, ME DEMONYONG PUMASOK SA MANSION!" sigaw niya sa mga tauhan niya na nagmamadali silang kumuha ng armas nila at sumunod sa Don paakyat sa kwarto ni Isabella.

Nung nasa pinto na sila narinig nilang bumukas ang bintana sa loob ng kwarto kaya nagmamadali siyang binuksan ito at doon nakita niya na nakayakap si Isabella kay Julian at balak ng lalaking itanan si Isabella kaya binaril niya si Julian at tinamaan ito sa likod. "JULIAAN!" sigaw ni Isabella na agad lumapit sa kanila ang tauhan ng papa niya "ilabas niyo ang anak ko!" utos ng Don sa kanila na binaril niya uli si Julian na ngayon ay nakatayo malapit sa bintana at nung tinamaan ito nahulog ito sa labas ng bintana.

"Amo, napatay mo na!" sabi nung isang tauhan niya "hindi, hindi ganun kadali ang lahat" sabi ng Don na tumakbo ito sa bintana at nagulat nalang ito nung me aninong sumalubong sa kanya at lumabas ito sa pintoan."SUNDAN NIYO!" sigaw ng Don sa tauhan niya na nagmamadali itong lumabas ng kwarto ni Isabella at bumaba ito sa sala na nagulat sila nung makita nilang magkayakap na ang dalawa at nakahiga na sa sahig ang mga tauhan ng Don. "LUMAYO KA SA KANYA, ISABELLA!' sigaw ng papa niya na parang ginayuma itong nakayakap kay Julian.

"Papa, mahal ko siya, mahal na mahal ko si Julian" sabi ni Isabella sa papa niya na dahan-dahan na ngayong lumapit sa kanila. "Isabella!" sigaw ng mama niya nung makita sila at parang himatayin ito nung napatingin ito sa salamin "DYOS KO!" napasigaw si Doña Charito nung si Isabella lang ang nakikita niya sa salamin.

"DEMONYO BITAWAN MO ANG ANAK KO!" sigaw ni Don Faustino kay Julian na nakangiti lang itong nakayakap kay Isabella "papa, mama, patawarin niyo po ako pero... nagdadalang tao na ako.. ma..magiging lolo at lola na kayo!" natutuwang binalita ni Isabella sa kanila na hinimatay ang mama niya at galit na galit na nakatingin si Don Faustino sa kanila. Biglang nagdilim ang panginin nito at binaril niya si Isabella. "ha..ahh..pa.. papa..." sabi ni Isabella na biglang natauhan si Don Faustino nung makita ang dugong dumaloy sa puting damit ng anak niya "hi.. hindi... hindi... Isa...bella..." nauutal na sabi ng Don sa anak niya "ISABELLAAAAAAA!" napasigaw ang Don na tinutok niya ang baril niya kay Julian na bigla itong nawala kasama si Isabella.

Tumakbo sa labas ang Don at nagpaputok ito sa ere na parang me binabaril ito sa kalawakan "ISUSUMPA KO JULIAN.. HINDING-HINDI AKO TITIGIL HANGGAT HINDI KITA MAPAPATAY! KAHIT AABOTIN PA NG ILANG TAON! HANGGANG SA HULING HININGA KO HAHANAPIN AT PAPATAYIN KITA!"

Sa malayo, kinarga ni Julian si Isabella papunta sa isang isla "Isabella, aking mahal" sabi niya "Ju...Julian.. patawarin mo ako.. aking mahal.." sabi ni Isabella sa kanya "hindi.. ako dapat ang humingi ng tawad dahil di kita naligtas" sabi ni Julian sa kanya. "Ha.. ah.... mahal ko.. wag.. wag kang umiyak.." sabi ni Isabella sa kanya dahil naluluha na si Julian habang nakatingin ito sa kanya. "mahal ko... me..paraan para mabuhay ka.. at magsama tayo habang buhay" sabi ni Julian sa kanya na umiling si Isabella at humawak ito sa mukha niya.

"Mahal ko... hin...di.. yun ang tamang paraan.." "mahal ko.. hayaan mo akong gawin sayo ito.. ayaw kong mawala ka sa akin" sabi ni Julian sa kanya na hinawakan siya sa batok at hinila siya pababa ni Isabella at hinalikan siya nito ".... hindi... ito ang.. panahon natin.... mahal..ko..." sabi ni Isabella na napayuko ang ulo ni Julian at umiyak ito.

"Siguro... sa..susunod na buhay... si..sisiguradohin kong.. yun... yun na ang.... panahon natin... mahal kong... Julian.." sabi ni Isabella na pinahiran ni Julian ang luha niya at naramdaman ng babae ang malamig nitong kamay. "Maghihintay ako.. sa muling pagbalik mo... mahal kong Isabella" sabi ni Julian sa kanya na napangiti sa kanya ang babae "...tandaan mo.. yung.. pangako mo.. sa akin..." "oo, hinding-hindi ko yung kakalimutan, mahal ko" sabi ni Julian sa kanya na hinawakan uli siya sa mukha ni Isabella at nginitian siya "...mahal... na... mahal.. kita... Juliaahhhh..." huminga sa huling pagkakataon si Isabella at binawian na ito ng buhay dahil sa tama ng bala niya sa tyan.

Biglang natahimik ang paligid at nung marinig ni Julian ang huling tibok ng puso ni Isabella binuhat niya ito at "GRHAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA..!!!!" sumigaw siya ng malakas na lumutang pa ito sa ere na parang biglang me bombang sumabog dahil nawasak ang mga punong kahoy sa paligid niya at nagkaroon ng malaking hukay na nakapalibot sa kanya nung sumigaw siya.

"Huhu... hinding.. hindi kita bibigoin.. mahal ko.... maghihintay ako..kahit umabot pa ng ilang daang taon... hihintayin ko ang pagbabalik mo... Isabella..." naiiyak na sabi ni Julian na dinala niya si Isabella papunta sa isang museleyo at pinahiga niya ito sa kabaong. "Sasamahan kita sa pagtulog mo, mahal ko" sabi ni Julian sa kanya na humiga siya sa katabing kabaong at sumara na ang kabaong nila pati narin ang gate ng museleyo.

Dalawang daang taon na ang lumipas nung mangyari yun, natatabunan na ng lupa ang museleyo ni Julian dahil sa tagal na ng panohon ang dumaan. Ang dating isla noon kung saan nakatayo ang museleyo niya ngayon ay ginawang National Park kung saan pinapasyalan ng maraming tao. Nandun parin ang museleyo niya na natatabunan na ngayon ng lupa at naghihintay parin siya sa muling pagbalik ni Isabella sa mundong ito.

Chapter I: Heartbeat!

"Naks, nandito na pala ang supercop ng Quezon City!" biro sa akin ng kasamahan ko nung pumasok ako sa presinto "sa tuwing papasok ako dito ganyan agad ang salubong niyo sa akin, ano suntokan tayo?" biro ko sa kanila na tinaas ang dalawang kamay nila "hindi Tenyente biro lang" natatawang sabi nila. "ikaw Sarhento instead na mag bawas ka ng timbang nagdagdag ka!" sabi ko sa kanya na piniktusan ko ang tyan niya na napayuko ito.

"Tenyente naman, natural na mataba na talaga ako" sagot nito "natural na mataba?" "Rosales, in my office" tawag ni hepe sa akin "hala ka! hehehe" biro nila sa akin "mga gong-gong, sige balikan ko kayo mamaya at tapusin natin ito" sabi ko sa kanila na nagtawanan lang sila. Pumasok na ako sa opisina ng hepe namin "sir!" sumaludo ako sa kanya "sit down, Lt. Rosales" sabi niya sa akin at naupo na ako sa silya.

"Sir" tawag pansin ko sa kanya dahil simula nung pinaupo niya ako di na ako nito pinansin "ah.. sorry" sabi niya "ok lang sir, me kailangan po ba kayo sa akin?" tanong ko sa kanya "hmm.. tumawag yung Chief of Police ng Alaminos, Pangasinan kanina, nahuli daw nila yung suspek na hinabol mo nung nakaraang araw at gusto nilang iturn over ito sa atin" balita niya "nahuli nila si Boyet?!" gulat na tanong ko sa kanya "oo, kahapon lang at naka detain ngayon ito sa presinto nila" balita niya sa akin.

"Mabuti kung ganun, isa kasi siya sa suspek dun sa bank robbery nung nakaraang buwan" sabi ko "tama, kaya umalis kana ngayon at dalhin mo si Sgt. Romero para naman makapag exercise ang taong yun" nakangiting sabi ni hepe sa akin "hehehe, sige sir aalis na ako" paalam ko sa kanya na tumayo ako at sumaludo sa kanya "sige, mag-ingat kayo Lt. Rosales" sabi ni sir sa akin at lumabas na ako sa opisina niya.

Nakita ko si Sgt Romero na nagtitimpla ng kape sa kusina at me pandesal ito sa bibig "pagkain nanaman, Sarhento?" tanong ko sa kanya "Tenyente naman, di pa ako nakapag-almusal kanina" rason niya sa akin na napailing nalang ako. "Me order si Hepe, nahuli ng Alaminos PD si Boyet susundoin natin siya ngayon para dalhin dito" sabi ko sa kanya na nagmamadali itong binitbit ang kape niya at sumunod ito sa akin. "Alam mo, hindi ako magtataka kung aatakihin ka nalang bigla sa puso" sabi ko sa kanya habang nagmamaneho ako "mamomomomomoomm..." "ano? tsk! Romero wag ka ngang bastos, lunokin mo muna yan bago ka magsalita" sabi ko sa kanya na mabilis itong nginuya ang pagkain at nilunok ito "sabi ko, hindi ako aatakihin dahil me gamot ako" sabi niya "ano ang silbi ng gamot kung wala ka namang disiplina sa pagkain" sabi ko sa kanya na inignore lang ako at tuloy lang ito sa pagkain ng pandesal niya.

Dahil sa traffic, tanghali na kami nakarating ng Alaminos at nung malapit na kami sa prisento kung saan naka detain si Boyet "Tenyente, pwede ba tayong mag tanghalian muna?" tanong ni Romero sa akin. "Anak ng put.. haayyy sige nagugutom narin ako" sabi ko sa kanya na huminto kami sa tapat ng karenderya at kita kong natutuwa si Sarhento Romero nung makita niya ang mga naka display na pagkain sa harapan niya.

"Uy! ito manang gusto ko ito, tapos yung kare-kare, ano ito?" tanong niya "nilagang baboy" sagot nung tindera "yan din po manang tapos tatlong kanin, ikaw Tenyente pili kana" sabi niya "ha? akala ko ba sa atin yun?" gulat na tanong ko sa kanya na ngumiti lang ito "anak ng put.. talaga, manang bigyan mo ako nito at isang platong kanin" sabi ko na pumasok na kami sa loob at naupo na kami.

"Talaga ikaw Alan, pagdating sa pagkain di ka nagpipigil ng pera pero pagdating sa load hingi ka ng hingi!" sabi ko sa kanya na natatawa lang ito nung kumakain na kami "miss, isang bote ng pepsi" sabi niya dun sa serbidora "ikaw po ma'am?" tanong nung babae "bote ng tubig kung meron kayo" sabi ko na umalis na ito. "Kaya sobrang payat mo Tenyente dahil di ka masyado nagkakain" sabi ni Sarhento sa akin "payat? ok lang ang payat kesa naman katulad mo na nahihirapang sumakay sa mobile, hoy ikaw ha! magbawas kana ng timbang!" sabi ko sa kanya "hayaan mo na ang timbang ko Tenyente, lifestyle ko na ito eh" sagot niya.

"Hoy Romero! pulis tayo hindi bagay sa isang pulis ang malaki ang tyan, paano mo mahahabol ang kriminal kung me karga ka dyan sa harapan mo" sabi ko sa kanya "kaya nga me mobile car tayo di ba?" natatawang sabi nito sa akin na napailing nalang ako.

Bumalik na kami sa sasakyan pagkatapos naming kumain at makalipas ang ilang minutos nakarating na kami ng presinto "magandang araw" bati ko sa desk officer ng presinto "magandang araw naman, ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo?" tanong niya "ako nga pala si Lt. Rosales at ito naman si Sgt. Romero ng QCPD" pakilala ko sa kanya na pinakita namin ni Alan ang chapa namin. "Sir! (sumaludo ito sa amin) Ah tungkol po ba sa suspek na nahuli namin kahapon?" tanong nung desk officer "oo, susundoin namin siya ngayon para dalhin sa Quezon City" sabi ko "teka lang poTenyente, tatawagan ko lang si Hepe" sabi niya na nagdial ito "sir, andito na po yung pulis galing maynila" paalam niya "sige po sir" sabi niya na binaba na niya ang phone "Tenyente, Sarhento lalabas na po si Hepe" paalam niya sa amin kaya naghintay kami ng sandali sa front desk.

"Lt. Rosales, Sgt Romero ako si Capt. Alberto Maranan" pakilala niya sa amin na sumaludo kami ni Alan sa kanya "Sir!" "please, right these way" yaya niya sa amin at sumunod kami sa kanya papunta sa opisina niya. "Kanina ko pa kayo hinihintay" sabi niya sa amin nung nakaupo na kami sa silya "tumawag kasi sa akin yung hepe niyo para iconfirm ang arrival niyo dito" sabi niya "pasensya na sir medjo na traffic lang kasi kami sa daan" rason ko sa kanya na tiningnan ko si Alan. "That's alright as long as safe kayong dumating dito" sabi niya "anyway, about kay Roberto Ilagan nasa kulongan namin siya ngayon, nahuli namin siya na nangdukot ng bag sa palengke" kwento niya "pwede ho ba namin makita si Boyet sir?" tanong ko "sure, right these way" yaya niya sa amin at lumabas kami ng office niya at dinala niya kami sa detention area nila at nakita namin si Boyet na mag-isa sa selda niya.

"Te..Tenyente?" nagulat ito nung makita ako "walang hiya ka Boyet, from bank robbery to snatching? na demote ata ang status mo" sabi ko sa kanya na tumawa lang ito "hahaha di kasi sapat para sa pamilya ko yung parte ko kaya heto hahaha" natatawang sabi nito sa amin. "Inaayos na ng tauhan ko ang paper works niya para ma release namin siya sa custody niyo" sabi ni Hepe sa amin "Hepe, ako na po ang pipirma sa release papers niya" sagot ni Alan "alright, punta ka lang sa front desk para maprocess na nila ito" sabi ni Hepe. "Salamat sir!" sabi namin sa kanya at sumaludo kami nung nagpaalam ito dahil me meeting pa siya sa head commander ng probinsya nila. "Alan, puntahan mo na para makaalis na tayo" utos ko sa kanya "sige Tenyente" sagot niya at umalis na ito "walang hiya ka talaga Boyet, pinahirapan mo pa ako sa Quezon City dito lang pala ang bagsak mo" sabi ko sa kanya na nakangiti lang itong nagkakamot ng ulo.

"Ok na Tenyente" sabi ni Alan sa akin nung bumalik na ito kasama ang isang pulis at dala ang susi ng selda "tumalikod ka at lumuhod ka, Boyet" utos ko sa kanya na ginawa niya ito "itaas mo ang dalawang kamay mo" utos ko na ginawa niya ito at binuksan na nung pulis ang selda at kinuha ko na yung posas ko at pinosasan ko siya. "Parang nagbawas ka ata ng timbang?" tanong ko sa kanya nung binuhat namin ito para tumayo "eh walang masyadong makain dito eh" sabi niya "me karenderya malapit dito" sabi ni Alan sa kanya "Sarhento, tumahimik ka!" sabi ko sa kanya na natawa si Boyet sa amin. Nagpaalam na kami sa front desk officer at nagbilin ako sa kanya na pasalamatan ang Hepe nila "walang problema Tenyente makakarating sa kanya" sabi nito sa akin at sinakay na namin si Boyet sa kotse namin at umalis na kami.

Mag-aalas dos na nung dumaan kami sa karenderyang kinainan namin kanina at tila uulan ata dahil dumilim ang langit "pwede bang.." "mag diet ka!" sabi ko sa kanya na nilingon nito ang karenderya "gutom ka nanaman, Babski?" natatawang tanong ni Boyet "gusto mo dagdagan ko ng butas yang ilong mo?" banta ni Alan sa kanya. "Romero, tumigil ka at ikaw din Boyet" sabi ko sa kanila "pasensya na Tenyente" sabi ni Alan "ako din, seksi" sabi ni Boyet na tiningnan ko siya ng masama sa rearview mirror. Palabas na kami ng Alaminos ng biglang me humarang sa amin na kotse at buti nalang nakita ko agad ang karga nila kaya pinaliko ko sa kanan ang sasakyan at pinayuko ko sila dahil pinagbabaril kami ng mga taong sakay nito. "Romero, ilabas mo si Boyet dali!" utos ko sa kanya na kita kong nahirapan pa itong lumabas dahil sa laki niya.

Kinuha ko yung armas ko at nagpaputok ako ng ilang beses na tumigil sa pagbaril sa amin ang mga taong tumambang sa amin at sakto din nakalabas na ang dalawa kaya gumapang ako palabas sa passenger side ng mobile car. Nakahanda narin si Alan "Tenyente" tawag niya "wag kang gagalaw" utos ko sa kanya "bantayan mo lang si Boyet" sabi ko na sumilip ako ng konte sa ibabaw ng hood na nakita kong nagpapalit sila ng magazine kaya binaril ko sila at natamaan ko yung isa sa balikat na agad namang nagtago ang dalawa. "Ako si Lt. Rosales ng QCPD! ibaba niyo ang baril niyo!" utos ko sa kanila na pinagbabaril uli nila kami "Boyet dumapa ka!" sabi ko sa kanya dahil high power ang mga gamit ng mga taong ito "Romero, cover me!" sabi ko sa kanya na gumapang ako palayo sa kotse nung nagpaputok si Alan.

Gumapang ako papunta sa puno at sumandal ako sa likuran nito at dahan-dahan akong tumayo at sumilip, kinuha ko yung phone ko at tinawagan ko si Alan "Tenyente, masama ito" sabi niya sa linya "alam ko, tatlo sila yung isa nasa loob ng kotse tapos yung dalawa nasa labas" balita ko sa kanya. "Ano ang gagawin natin? kukulangin tayo sa bala nito kung magstay tayo dito" sabi niya sa akin na nag-isip ako ng paraan para makatakas kami dito. "Tatawag ako ng back-up" sabi ko sa kanya at inoff ko ang call at tumawag ako sa Alaminos PD para humingi ng back-up "sige Tenyente pupunta na kami" sabi nito sa linya at binaba ko na ito. "Punyeta!" napamura ako dahil pagsilip ko uli nakita kong nag advance na yung isa palapit kina Alan kaya lumabas ako sa puno at binaril ko siya. Yumuko ito na saktong nasa linya ako ng kasamahan niya kaya agad akong nagtago sa puno nung binaril niya ako "TENYENTE!" sigaw ni Alan "OK LANG AKO!" sagot ko sa kanya.

Nakaramdam ako ng panghahapdi sa braso ko at nung tiningnan ko ito "shit.. dugo" sabi ko na nadaplisan pala ako dahilan kaya bumilis ang pagtibok ng puso ko "ALAN!" tawag ko sa kanya "TENYENTE!" sagot nito "KAILANGAN NATING MAKAALIS DITO KUNDI HINDI NA TAYO AABOT NG MAYNILA!" sabi ko sa kanya. "ANO ANG PLANO?" tanong niya sa akin na tumingin ako sa paligid at hindi parin kumalma ang puso ko dahil siguro sa maraming adrenaline na dumaloy nito. "COVER ME!" sigaw ko sa kanya na tinaas niya ang baril niya at nagpaputok siya nung similip ako nagtago ang dalawa sa likod ng kotse nila kaya tumakbo ako sa kabilang puno kung saan makakuha ako ng tamang angulo laban sa mga taong bumaril sa amin. Naubos na yung bala ni Romero "WALA NA AKONG BALA!" sigaw niya na narinig siguro siya nung dalawa kaya lumabas muli sila sa likod ng kotse at nagsisimula na silang lumapit sa amin.

Sa malayo biglang nagising si Julian nung marinig niya ang pagtibok ng puso ni Lt. Rosales "Isa...bella..." sabi niya na bumukas ang kabaong niya at lumutang siya, nilingon niya ang kabaong ni Isabella. "Mahal ko.. nagbalik kana.." sabi niya na bumukas ang pinto ng musuleyo at saktong walang araw sa labas dahil maulap ito at narinig niya na pabilis na ng pabilis ang pagtibok ng puso ni Lt. Rosales. "Mahal ko..." sabi ni Julian na naging anino siya nung lumipad palayo sa islang tinutulogan niya ng dalawang daang taon at lumipad siya patungo sa pusong tumatawag sa kanya "hintayin mo ako.. mahal ko.." sabi niya. Nanibago siya sa lugar na dinaanan niya dahil marami na itong bahay at me mga gusali naring nakatayo na dati isa itong gubat kung saan siya nakatira noon pero tila iba na ngayon ang anyo ng lugar na dati ay isang paraiso para sa katulad niya.

Biglang natakpan ng ulap ang araw kaya medjo dumilim ang paligid at sakto ito dahil pwede na akong makaresbak sa kalaban namin. Nakita ko ang dalawa na hindi nila ata ako napansin kaya lumabas ako ng konte sa likod ng puno at babarilin ko na sana sila ng mapansin ako nung pangatlong tao na nasa kotse. "Pare, sa kaliwa niyo!" tawag niya sa mga kasamahan niya na bigla silang lumingon sa akin at buti nalang nakatago ako dahil kung hindi patay na siguro ako sa dami ng balang tinira nila sa akin. "MGA PULIS KAMI!" sigaw ko sa kanila "ALAM NIYO BANG MGA ALAGAD NG BATAS ANG BINABARIL NIYO?" dagdag ko na narinig kong kinasa nila ang armas nila. "ILABAS NIYO SI BOYET, SIYA ANG KAILANGAN NAMIN!" sabi nung isa "SUSPEK NAMIN SI BOYET, HINDI NAMIN SIYA PWEDENG ISUKO SA INYO!" sagot ko. "WALA KAYONG MAGAGAWA. KUNG AYAW NIYONG MAMATAY DITO IBIGAY NIYO SA AMIN SI BOYET!" demanda niya sa amin na napakapit ako sa braso ko dahil humapdi ang sugat ko.

Biglang umihip ang malakas na hangin at lumamig ang paligid, tumayo ang balahibo sa braso ko nung maramdaman kong parang me tumitingin sa akin. "ROMERO!" tawag ko kay Alan "TENYENTE OK KA LANG BA?" tanong niya sa akin. "OK LANG AKO, KAYO?" tanong ko "ME SUGAT AKO SA TUHOD PERO OK LANG AKO PATI SI BOYET" sagot niya na naramdaman ko bigla na parang me nakatayo sa likuran ko na paglingon ko wala namang tao. "Hah!" sabi ko nalang at sumilip ako sa labas kung nasaan na yung dalawa ng magulat nalang ako nung nakita kong nagsisitakbuhan sila bigla pabalik sa kotse nila na parang me kinatatakotan sila. "ROMERO, AALIS NA SILA" balita ko kay Alan na sumilip ito ng konte sa hood ng sasakyan namin at nakita din niyang sumakay ang dalawa sa kotse nila. "TENYENTE" sigaw niya kaya lumabas ako sa likod ng puno at pinagbabaril ko sila na mabilis tumakbo ang kotseng sinasakyan nila papalayo sa amin.

"Ok ka lang ba Tenyente?" tanong ni Alan sa akin nung lumapit ako sa kanila "ok lang ako, Boyet" tawag ko sa kanya na ngayon ay naihi sa pantalon niya sa takot. "Kilala mo ba ang mga yun?" tanong ko sa kanya "si.. sila yung kasamahan ko" nanginginig nitong sabi sa amin "kaya pala gusto ka nilang patayin kasi alam nilang ikakanta mo sila" sabi ko sa kanya. "Tenyente" tawag sa akin ni Alan "bakit?" tanong ko "me sugat ka sa braso" sabi niya "daplis lang ito, tara na baka balikan pa tayo ng mga yun" sabi ko sa kanila na sumakay na muli kami sa sasakyan namin at buti nalang hindi tinamaan ang gulong namin.

"Saan tayo?" tanong ni Alan sa akin "balik tayo sa presinto, palpak yung mga pulis dito" sagot ko "hindi ba tinawagan mo sila?" tanong niya "oo, kaya nga palpak kasi hindi sila sumipot" sagot ko na napatingin ako sa mga puno sa labas. "Ok ka lang ba Tenyente?" tanong ni Alan... Read More

Part #: 1...

About the Author :

Joined: February 5, 2014 (2 years old)
Writings: 114

Send PM · Male · Offline

4 comments   6 favorites   3,842 views