Poem

Habilin

May 21, 2015 (1 year ago)
Posted in Poem: Tagalog | Categories: Non-Erotic | Tags: , ,

Wag kayong magtaka sa king gawi,
At isipin na ito'y dahil sa ako'y sawi;
Pagkat ang aking dala't iwi-iwi-
Ay hindi ko alam kung san iuuwi.

Nagawa ko nga na sa inyo'y magbigay,
Hindi ng pera o materyal na bagay,
Ni kahit ng aking sariling buhay,
Kundi nakapagdagdag lang ng kulay.

Hindi ko sinasabi to upang isumbat,
Walang saysay ang kabutihan kung ito'y di tapat,
Ngunit ako nga'y nakakaramdam ng pagkasalat,
Ang pagpapasalamat nga ba'y sadyang maalat?

Hindi ko hinahanap ang aking sarili sa inyo,
Dahil hindi gayon ang aking pagkatao,
Kundi bagkus ibig ko lamang na kayo'y matuto,
Na bigyan ng halaga ang kapwa tao.

Nagkagat ako ng labi sa pagpigil,
Baka ako'y magmukhang naniningil,
Dahil ang bawat kabutihan kahit gabutil,
Hindi dapat na naitatakwil.

At kung sa panahong roo'y aking sapitin,... Read More

About the Author :

Joined: July 14, 2013 (3 years old)
Writings: 48

Send PM · Male · Offline

"I love Halloween. the one time in a year where everyone wears a mask not just me.
people think its fun to pretend that youre a monster. me, i spend my life pretending im not."
10 comments   1 favorite   907 views