Ghost X

August 19, 2014 (2 years ago)
Posted in Story: True Story, Tagalog | Categories: Romance | Tags:

"Ghost X"
by: Fiction-Factory
(Based on true story)

PRELUDE

Hanggang ngayon hindi pa rin makapaniwala si Sandra na sinagot na nya kahapon ang masugid nyang manliligaw na si Manuel. Hindi matanggal ang ngiti sa kanyang labi, may kung anong kiliti ang nagpapakilig sa kanya.
Bawat minutong lumilipas, minumuni-muni nya ang kanyang boyfriend sa loob ng apat na sulok ng kanilang classroom.

Nakatingin sya kay Mrs. Gomez, na ngayon tinatalakay ang leksyon sa harapan ng klase, pero kahit nakatingin si Sandra, wala parin ang atensyon nya sa mga sinasabi ng kanyang Guro, kundi nasa malayong lupain, sa isang paraiso kasama si Manuel. Nananaginip ng gising, mga pantasyang ayaw matanggal sa kanyang gunita.

Itinukod ang magkabila nyang siko sa armchair at sinalo ng kanyang mga palad ang kanyang baba, nakasalumbaba na nakatanaw sa kawalan. Kunwari masigasig na nakikinig pero ang isipan lumulutang.

Nagulat sya na tila nagising sa malakas na tapik sa kanya ng kanyang katabi. Minulat-mulat nya ang kanyang mga mata at nilingon ang kaklase nyang si Greg, kaibigan ng boyfriend nya.

"Hoy! Nagdi-daydreaming ka na naman d'yan!"
bulong nito at nagkangitian sila.

"Si Manuel na naman yan noh?"
patuloy ni Greg.

Napatingin si Sandra sa kanilang guro,
"Shh... Huwag kang maingay baka marinig tayo ni Mrs. Gomez!"

"Ikaw talaga! O heto, pinapaabot ni Manuel..."

Inabot ni Greg ang isang piraso ng nakatuping papel, mabilis naman itong inagaw ni Sandra sabay tago sa kanyang bulsa. Iniiwasan na mapansin sila ng kanilang Guro na abala pa rin sa pagtuturo.

"Mamaya ko nalang babasahin. Thanks!"

Muling itinuon ang pansin sa kanilang guro. Umayos ng pagkakaupo, pinalibutan ng tingin ang mga kaklase at kunwari nagbukas pa ng kwaderno na animo'y nagti-take note sa leksyon. Pasulat-sulat pero pangalan naman ng boyfriend nya ang paulit-ulit lang na nilalabas ng ballpen.

Nasasabik sya na basahin na ang mensahe ni Manuel.
Walang ibang naririnig kundi tiktak ng wall clock, nanlalamya sa malamlam na pananalita ni Mrs. Gomez. Wala talaga ang loob nya sa klase.

Ilang minuto pa hindi na nakatiis. Muli nyang kinuha ang sulat mula sa kanyang bulsa. Inilatag sakanyang palad at palihim nya itong binasa. Pinapalaki pa nya ang kanyang mga mata upang mabasa ng malinaw ang maliliit na letrang nakasulat.

"Hi Beautiful, how are you? Meet me at the library after class."
napapangiti si Sandra habang binabasa ang sulat sa kanyang isipan.
"P.S. I love you"

Sa sobrang galak na kanyang nararamdaman, halos malukot na nya ang sulat na pilit na idinidikdik nya sa kanyang dibdib. Pakiramdam nya kayakap nya si Manuel sa mga oras na 'to. Nababalot ng pag-ibig ang kanyang kaluluwa.

Pagtunog ng bell, agad nagligpit ng gamit si Sandra. Tuwang-tuwa sya at sa wakas magkikita na rin sila ng boyfriend nya. Nagmamadali sya, pagkasara palang ng zipper ng kanyang backpack umalis na kaagad sya, sinusuot habang naglalakad. Nabunggo pa talaga nya ang kanyang kaklaseng si Gabriel.

"Oops! Sorry!"
paumanhin ni Sandra at dire-diretso lang sa paglalakad.

"Teka Sandra! Sandali!"
pahabol ni Gabriel ngunit hindi sya pinansin ni Sandra.

Palihim na sinundan ni Gabriel ang dalaga, mga isang metro ang distansya, patago-tago sa mga poste ng school building sa pasilyo. Hindi naman nakahalata si Sandra na sinusundan sya ng lalaking abot-langit na may pagtingin sa kanya, at tuloy lang sya sa paglalakad sa corridor. Tinutulak pa nya ang bawat madaanan nyang nakaharang na mga estudyante makagawa lang ng eskinitang dadaanan.

Napahinto si Gabriel nang mapansin nyang huminto sa tapat ng library si Sandra. Naghanap sya ng matataguan para hindi sya mapansin ng dalaga, sa isang matangkad na flowervase naisipan nyang magtago sa mga dahon nito.

Pagkatapat naman ni Sandra sa pintuan ng library, iginala nya ang kanyang paningin para hanapin si Manuel. Biglang nalungkot nang hindi nya ito makita, tila humupa ang kanyang pananabik at naputol ang kasiyahan.

Bigla syang nakaramdam ng kaba, parang nagyelo ang katawan sa pagkakatayo. May kamay kasi na biglang humawak sa baywang nya, hindi lang basta hawak, may kasama pang pisil, mga daliring naramdaman nyang lumubog sa kanyang laman.

"Ang sexy mo talaga..."
malambot na tinig ang kanyang narinig.

Nakilala nya ang boses, hindi sya pwedeng magkamali. Marahang lumingon si Sandra para tignan ang lalaking nakahawak parin sa kanyang baywang.

"Manuel!"
napasigaw pa sya at napangiti.

Umikot si Sandra para harapin si Manuel, kasabay ng pagkapit ng magkabila nyang kamay sa magkabilang balikat ni Manuel, at ang mga kamay ni Manuel nakahawak naman sa magkabilang baywang ni Sandra.

"Pilyo ka talaga! Ginulat mo 'ko ha!"
litanya ni Sandra.

"Ha ha Magugulatin ka pala! Tara, samahan mo 'ko do'n!"

Hinawakan ni Manuel ang kamay ng kanyang kasintahan habang humahakbang papasok sa library. Napatingin pa sa kanila ang mga nadatnan nilang ibang estudyante, naabala kasi ang kanilang taimtim na pagbabasa gawa ng ingay ng halakhak ng magkasintahan.

"Buti nalang wala yung librarian, kundi napalayas na tayo dito!"
magiliw na sambit ni Sandra.

"Oo nga! Ha ha"

Dinala ni Manuel si Sandra sa pinakadulong sulok ng library, nalulula pa sila sa dami ng librong nakapalibot sa kanila, na halos umabot na sa kisame ang pagkakamada ng mga ito.

Napansin ni Sandra na malayo-layo na sila sa ibang estudyante, at hindi na nya matanaw ang mga ito dahil sa mga librong nakahilerang nakalagay sa gitna ng silid.

"Ano'ng gagawin natin dito? Bakit mo ba ako dinala dito?"
pagtataka ni Sandra.

"Shh.."
huni ni Manuel habang isa-isang tinitignan ang mga aklat.

"Nandito lang yun eh..."
sabi sa sarili at patuloy na naghahanap.

"Ano bang hinahanap m--"
tanong sana ni Sandra pero biglang;
"Heto na!"

Hinugot ni Manuel ang isang lumang libro, pinagpag ang alikabok at ipinakita kay Sandra.

"Ano 'yan?"
muling tanong ni Sandra.

"Ito yung tinutukoy ni Prof. Guzman kanina sa klase namin..."

Kinalong ni Manuel ang libro sa kanyang braso at binuksan ang unang pahina nito. Itinukod pa nya ang kaliwang paa para hindi mahirapan.

"FSS' True Ghost Story?! Para saan naman yang librong yan?"
pagtataka ni Sandra.

"Shh... Huwag kang maingay baka marinig ka nila! Hum. Sabi ni Prof., mahiwaga daw ang librong ito, at nag-iisa lang daw sa mundong ito."
paliwanag ni Manuel at muling nagbukas ng pahina.

Napatingin sila sa sumunod na pahina. Isang larawan ng isang babaeng umiiyak sa sulok ng isang madilim na kwarto.

"Yan daw ang Author ng libro. At nang matapos nyang gawin ang librong ito, nagpakamatay daw sya."
patuloy ni Manuel.

"Sus! Nagpapaniwala ka sa ganyan! Tara na! Umalis na tayo!"
anyaya ni Sandra habang kinakabig ang braso ni Manuel.

"Teka lang! Basahin muna natin!"

Nagpupumiglas si Manuel, at sa kahihila ni Sandra sa braso nya bigla nyang nabitawan ang libro at nahulog ito sa sahig. Tumilapon ang isang patalim na nagmula sa loob ng libro.

"Huh! Tama nga si Prof."
manghang-mangha si Manuel kasabay ng pagdampot nya sa patalim.

"Ito yung punyal na ginamit ng Author nung magpakamatay sya!"
patuloy ni Manuel tapos nagkatinginan sila ni Sandra.

"Hindi magandang biro 'to Manuel ha!"
naging siryoso ang hitsura ni Sandra dahil bigla syang nakadama ng kaba at biglang natakot.

Inagaw nya ang punyal kay Manuel, ibinalik sa loob ng libro at sya na mismo ang nagbalik sa libro mula sa dati nitong lagayan.

"Tara na! Umalis na tayo!"
nagpupumilit na talaga si Sandra.

Hinila-hila nya ang kamay ni Manuel, hinahatak palabas. Pero bigla nya itong nabitawan, dumulas ang kamay nya, nawalan ng balanse at napaupo nalang si Sandra sa sahig.

Mabilis namang lumuhod si Manuel sa tabi ni Sandra at mabilis nyang iginapos ang mga kamay nya sa katawan nito, niyakap ang kanyang girlfriend.

"Sorry! Sorry!"
pag-comfort agad nya.

"Ayan! Ikaw kase eh!"
maluha-luhang tugon ni Sandra kasabay ng pagtapik nya sa braso ni Manuel.

Kumalas sa yakap si Manuel at hinarap nya si Sandra. Mukha sa mukha, tapos pinahid nya ang mumunting luha sa mga mata ng girlfriend nya gamit ang kanyang mga daliri.

"Ang ganda talaga ng girlfriend ko."

Napangiti si Sandra sa kanyang narinig, at sa pag-ngiti ni Manuel, nalaglag na naman ang puso nya, nabura na lahat ng alalahanin at sa isang kisapmata ayos na ang pakiramdam nya.

May kung anong bagay ang namumuo sa mga mata ni Manuel na kanyang ipinaparating sa mga mata ni Sandra sa pamamagitan ng malagkit na tinginan.
Nakadama ng kaba si Sandra, pero ngayon hindi na takot kundi kaba ng pananabik at paghahangad.

Unti-unting lumalapit ang mukha ni Manuel kay Sandra. Bumibilis ang pintig ng puso, at nang matanto ni Sandra ang mithiin ng kanyang boyfriend, pumikit na lang ito at nagpaubaya.

Unang nagbanggaan ang kanilang matatangos na ilong, tumagilid lang ng bahagya para bigyang laya ang mga labi na magkatagpo. Sabik na sabik si Sandra na madampi ang mga labing 'yon. Ang mga labi ng kanyang pinakamamahal.
Ito ang kauna-unahang halik ng dalagang si Sandra.

"Uhmm... Manuel..."

Napalanghap ng hangin kasabay ng paglapat ng mga labi nila sa isa't-isa. Hindi maipaliwanag ni Sandra ang kanyang nararamdaman, mainit ang hatid ng mga labi ni Manuel, mamasa-masa at mabango ang buga ng kanyang hininga. Nalasahan ni Sandra ang laway ni Manuel, gayundin si Manuel na napapikit na rin sa sobrang sarap. Punong-puno ng pleasure, napaka-senswal.

Napayakap na si Sandra sa balikat ni Manuel, kasabay ng pag-gapang ng kamay ni Manuel sa likod ni Sandra. Inilalayan nito ang likod ni Sandra habang inihihiga nya sa sahig. Nadama pa ng dilag ang kalamigan ng sahig nang lumapat na likod nito.

Hindi mapaghiwalay ang mga labi nilang dikit na dikit sa isa't-isa. Hanggang mapapatong na si Manuel sa ibabaw ni Sandra, kasabay ng pagbukaka ng dalaga.

"Uhmm... Manuel... Hmhf hmmf"

Panandaliang nagwalay-halik para lumanghap ng panibagong hangin, ngunit mabilis din namang naghalikang muli. Panandaliang nakalimot, nalimot na nasa loob sila ng isang library, kung saan halos isang metro lang ang lapit ng ibang mga estudyante sa kanila, na sa ano mang oras pwede silang mahuli.

Walang pakialam si Sandra kahit pa madumihan ang likod nya sa sahig, ang tanging mahalaga sa kanya ngayon ay magkahalikan sila ng boyfriend nya ngayon at nakapatong sa ibabaw nya.

Biglang lumikot ang katawan ni Manuel. Naramdaman tuloy ni Sandra na parang may matigas na bumabangga sa kanyang pagkababae, kahit parehong makapal na maong ang suot nila nararamdaman parin ni Sandra ang paglapat at pagbukol ng baston ni Manuel sa kanyang hiyas.

Masigasig pang napapahindot si Manuel gawa ng pang-gigigil, ramdam ni Sandra ang bawat hindot, at napahawak na sya sa magkabilang balikat ni Manuel nang maramdaman nya ang pag-gapang ng kamay nito sa dibdib nya.

"Teka sandali Manuel..."
pag-awat ni Sandra kasabay ng marahang pagtulak sa balikat ni Manuel.

"B-bakit?"
natigilan sya.

"Baka kase may makakita sa 'tin dito..."
paliwanag ng dilag.

"Ah. Ano ka ba, hindi naman sila pupunta dito eh!"

Nakatingin si Manuel sa mapupulang labi ni Sandra, akmang hahalikan na sana nyang muli ang dilag ngunit biglang tinakpan ng kamay ni Sandra ang bibig ni Manuel.

"Manuel tama na please... Ayoko dito."
natauhan na talaga si Sandra.

Nadismaya si Manuel pero ayaw nyang pilitin ang girlfriend nya. Bumangon na lamang sya mula sa ibabaw ni Sandra. Nang makatayo na sya, kinuha nya ang kamay ni Sandra para sya naman ang alalayan nyang makatayo.

"Halika ka nga dito! Nadumihan tuloy yang damit mo. He he"
ani Manuel at hinatak nya si Sandra.

Palihim na napapangiti si Sandra habang pinapagpag ni Manuel ang nadumihan nyang likod. Pero napansin nya na biglang nalungkot si Manuel nang maudlot ang halikan nila. Alam nyang nabitin, at bitin na bitin ang boyfriend.

"Hayaan mo Manuel, sa susunod hindi lang halik ang ibibigay ko sayo... Pangako..."

Hindi alam ni Sandra kung bakit nya nasabi yon, nabigla lang sya para na rin maibsan ang kalungkutan ng boyfriend nya.

"Talaga? Hmmm... Ano pa?"
naitanong ni Manuel.

"Basta!"
maharot na tugon.

"Ano nga?!"
kinabig ni Manuel si Sandra at humawak sa baywang.

"Halik at yakap?! Hi hi"
paharot ng paharot kasabay ng pagkapit nya sa mga balikat ni Manuel.

"At ano?!"
napapangiti na si Manuel, nananabik.

"Halik, yakap at lambing?"
nanlalanding sagot ni Sandra.

"Ano pa?"

Sa kakulitan ni Manuel, hinawakan ni Sandra ang kamay nito at inalalayan papunta sa kanyang harapan.

"Atsaka ito..."

Pinahawak ni Sandra ang hiyas nya sa kanyang boyfriend, at kahit pa naka-maong sya, naramdaman parin ni Manuel ang lambot, napapapisil pa ang mga daliri nya.

Napatda at hindi makapaniwalang ipapahawak ni Sandra ang pempem nito sakanya. Napapalunok si Manuel nang magkatinginan sila ni Sandra. Mata sa mata, at ang kamay ni Sandra nakapatong parin sa kamay ni Manuel, na nakahawak naman sa pempem nya. Si Sandra pa mismo ang humahagod, inaalalayan ang kamay ng boyfriend nya, itinataas-baba sa sarili nyang hiyas para lalo itong masalat ni Manuel.

"Si-sigurado ka ba d'yan sa sinasabi mo?"
halos hindi na makapag-salita si Manuel.

"Oo naman... Bakit, ayaw mo ba?!"
kumindat pa si Sandra.

"Syempre gusto! Pangako 'yan ha?!"
sabay yakap kay Sandra para 'di gaanong halata.

"Oo, pangako! I love you..."

"I love you, too..."

Napahigpit ang pagkakayakap nila sa isa't-isa, hindi tuloy nila napansin si Mr. Garcia, ang librarian na may hawak na patong-patong na libro at papalapit ngayon sa kanila.

"Ehem! Ehem! Hoy! Pinapaalala ko sa inyo ha?! Library po ito ha? At nasa school premises po kayo ha?"

Nagulat ang dalawa nang marinig nila si Mr. Garcia, nakalas ang yakap at parehong napangiti.

"Ah... Eh... Sorry Sir, nagka-dramahan lang po at nadala sa emosyon..."
si Manuel ang sumagot.

"Tsk! tsk! Kabataan talaga! Minsan hindi rin ayos ang pagiging multi-tasker eh, lalo na kung ang pinag-sasabay ay pag-ibig at pag-aaral. Tsk! tsk!"
pailing-iling pa ang librarian.

Napapangiti ng palihim ang dalawa habang humahakbang pasalubong kay Mr. Garcia, pinipigilan ang sarili pero gusto na talagang matawa. Nang malampasan na nila mabilis silang tumakbo palabas ng pinto, muli na naman silang tinignan ng mga estudyanteng nagbabasa, at dun sa labas ng library sila nagtawanan.

"Inggit lang yun kase matandang binata! Ha Ha Ha"
banat ni Manuel.

"Ha Ha Ha Malamang! Kase mukhang virgin pa sya! Ha Ha"

Ang hindi nila alam, pinagmamasdan sila ni Gabriel na kanina pa nag-aabang sa kanilang paglabas. Hindi maikaila sa hitsura ni Gabriel ang pagseselos sa magandang pagtitinginan ng dalawa. Hindi nya alam na sinagot na ni Sandra ang kanyang mortal na karibal na si Manuel.

Masamang-masama ang loob nya dahil high school pa lang sila ni Sandra ay nanliligaw na ito, samantalang si Manuel, ngayong college pa lang nya nakilala pero nagkapalagayan na kaagad ng loob.

Nagulat nalang si Gabriel nang makita nyang hawakan ni Manuel ang kamay ni Sandra. Magkahawak-kamay na naglalakad sa corridor. Bawat madaanan nilang estudyante napapatingin talaga sa kanila. Isang gwapo at isang maganda na nasa wastong sukat ang taas-noong hawak-kamay ang naglalakad sa pasilyo ng school.

Hindi rin nakaligtas ang magkasintahan sa paningin ni Sabel, na noon nakaupo sa loob ng isang bakanteng classroom. Pagdaan nina Manuel at Sandra, nanlaki ang mga mata ni Sabel nang makita nya ang kanilang holding hands. Napatayo pa sya sa armchair at mabilis na pumunta sa pinto upang kumpirmahin ang nakita.

Nang makalampas na ang dalawa, do'n na sumilip si Sabel. Sumikip ang kanyang dibdib nang makita ang dalawa, masayang naglalakad at tila sinasaksak ang kanyang puso habang minamasdan ang pagkakagapos ng mga daliri nila sa isa't-isa.

Sumama ang loob ni Sabel dahil malalim ang pagtingin nya kay Manuel. Noon pa man alam nyang nanliligaw na ang binata kay Sandra, ngunit hindi nya inaasahang ganito kabilis ang lahat. Napaluha sya nang maisip nya si Sandra, ang bestfriend nya.

"Alam naman nya na may gusto ako kay Manuel, pero sinagot pa rin nya! Bakit ang sabi mo sa'kin hindi mo sya gusto? Niloko mo 'ko, niloko mo 'ko!"
sambit ni Sabel sa kanyang sarili.

Napasandal nalang sya sa pader at inilabas nalang ang sakit mula sa kanyang mga mata. Mga luha ng pait at pighati. Tunay na nabigla sa kanyang nasaksihan.

"My bestfriend, my worst enemy..."
naibulong nalang nya sa hangin.

May dalawang tao na nasasaktan sa kanilang nabuong relasyon. Si Gabriel at si Sabel. Habang si Sandra, umaapaw ang kaligayahan. Hindi nya alam na may isang tao na, na nagagalit sa kanya. Humihigpit ang pagkakahawak nya sa kamay ni Manuel, at masayang-masaya sa paglalakad. Walang ibang inaalala kundi ang masayang sandali kasama ang kanyang boyfriend.

Hinatid ni Manuel si Sandra sa isang waiting shed sa tapat ng school. Sa sakayan ng jeepney kung saan sasakay si Sandra pauwi ng bahay. Doon lang naghiwalay ang kanilang mga kamay, sa pagsakay ni Sandra. Nag-aalangan pa talagang ihakbang ang paa sa paanan ng jeepney, gusto pa nyang makasama si Manuel kundi lang nya kinakailangang makauwi bago pumutok ang dilim.

"Ale pa-share po ng seat..."
hiling ni Sandra sa tatabihan nyang pasahero, ngunit ang mga mata, nakatingin parin sa boyfriend nya.

Kay Manuel na naiwang nakatayo sa waiting shed, at walang tigil sa kakakaway kay Sandra kaparis ay matamis na ngiti.

"Bye..."
bulong ni Sandra kay Manuel, na animo'y maririnig ngunit sa pagbuka ng bibig alam na ni Manuel.

Kinawayan din ni Sandra ang boyfriend nya habang isinisiksik ang puwet nya sa upuan, pinagkakasya sa makipot na espasyo. At maging sa pag-andar ng jeepney, nakasulyap parin sya kay Manuel. Nakangiti ng todo hanggang tuluyan nang mawala sa paningin nya si Manuel.

Binuksan ang backpack bag, kinapa ang coin purse, at habang dumudukot ng barya pambayad sa jeepney si Manuel pa rin ang nasa kanyang isipan. Tunay ang pagmamahal na nararamdaman ni Sandra para sa kanyang boyfriend.

Hanggang umabot ito sa sukdulan at nagpadala sa bugso ng kanyang damdamin.
Pagdating sa bahay, nadatnan nya ang Tito nya na binubuksan yung gate para mailabas yung kotse.

"Sa'n po kayo pupunta Tito?"
tanong ni Sandra.

"O, dyan ka na pala."
pagkagulat nito,
"Hindi mo ba natanggap yung text ko?"
patuloy ng Tito nya.

"Naku, sorry po hindi ko pa nakita phone ko."
tugon ni Sandra sabay dukot ng phone nya sa bag.

"In-invite kami nung officemate ko, dadalo kami ng Tita mo. Late party eh, kaya ikaw muna bahala sa bahay."
At sumakay na sa kotse ang Tito nya.

Napadungaw si Sandra sa bintana ng kotse habang papa... Read More

About the Author :

Joined: July 10, 2013 (3 years old)
Writings: 177

Send PM · Male · Offline

I dreamt of being a published writer of inspirational and motivational stories, cause I want to inspire those who have physical disabilities and less fortunate people whom are downhearted. I want to bring hope into their hearts and I want them to see a beautiful world that's full of dreams.

I also want to share my thoughts about unconditional love, life's regrets and marital failures through Erotic stories. I may not change your world, but I wish, with my simple works, i've touched your hearts.
3 comments   0 favorite   1,757 views