Fuck Fianceé: Nowhere Girl

June 30, 2016 (5 months ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Romance, One Night Stand | Tags: , , , , , ,

Fuck Fianceé: Nowhere GirlPart Twenty One: Nowhere Girl

Angie's POV

Kailangan kong tumakbo...

Kailangan kong makalayo sa kanya upang makatakas...

Ito lang ang tanging paraan na naiisip ko upang mabilis ko syang maiwan...

Hanggang ngayon hinihingal pa rin ako. Napagod ako sa kakatakbo, buti na lang nakapagtago ako sa isang malaking puno.

Sumilip ako upang alamin kung sumusunod pa sya sa akin, pero sa mga oras na ito parang mas gusto kong malaman kung bakit nya ako hinahabol. Nakilala nga kaya nya ako?

Natanaw ko si Sebastian na napahinto sa pagtakbo, hinihingal din sya habang palingon-lingon sa paligid. Malamang hinahanap pa rin nya ako.

Nakita ko rin si Lea, magkasunod lang sila, pero dahil medyo malayo ako hindi ko marinig yung usapan nila.

Shocks!

Biglang hinawakan ni Lea yung kamay ni Sebastian!

Okay lang sa akin yun eh, ang masakit lang, nginitian ni Sebastian si Lea...

Okay lang sa akin kahit hawakan si Sebastian ng ibang babae, pero yung magustuhan ni Sebastian yung hawak sa kanya. Yun! Yun ang masakit!

Okay lang sa akin kahit may kasamang ibang babae yung lalaking pinakamamahal ko, ang masakit lang eh yung makitang masaya sya sa piling nito.

Sa nakikita ko mukhang okay na ang takbo ng buhay ni Sebastian, kung ano man ang dahilan ng paghabol nya sa akin, natitiyak kong kaawa-awa yun sa part ko.

Maaaring may gusto lang syang itanong sa akin, o 'di kaya, gusto lang nyang magpaalam ng maayos sa akin. Tangna, I hate damn farewells and the fucking word goodbye!

Mas okay na yung ganito. It's better to leave things this way. Isa pa wala na akong mukhang maihaharap pa sa kanya pagkatapos ng lahat ng ginawa ko sa kanya. Sobrang importante nya sa akin kaya nahihiya talaga ako sa kanya ng sobra.

Nung nakaalis na sila umuwi na rin ako. Alam kong pupunta sila dito sa bohol pero hindi ko talaga inaasahan na makikita ko si Sebastian dito sa memorial ngayon, na kasama si Lea. Kailan pa kaya sila dito?

Ako kagabi lang ako dumating dito sa bohol. May jetlag pa ako pero ginusto kong pumunta ng maaga dito upang puntahan yung puntod ni Sir David. Gusto kong humingi ng tawad sa kanya, alam ko walang ibang tao sa mundong ito na higit kong kailangang hingin ng tawad kundi ang kapatawaran ni Sir Dave.

Feeling ko trinaydor ko sya, sinaksak sa likod. Malaki ang utang na loob ko kay Sir Dave, sya ang tumulong sa pamilya namin, kung tutuusin tinurin nya kaming kapamilya, hindi nya kami minaltrato at sya lang tanging naging sandigan namin sa twing may pinagdadaanan kami. Sobrang nagsisisi talaga ako sa nagawa ko, at sa tingin ko ito na yung parusa ko.

Ang maglakad na luhaan...

Tangna! Parang naglalakad ako sa bubog na may nagbabagang apoy.

Ang sakit...

Ang sakit sakit!

Ngayon bumalik na si Sebastian sa tunay na nagmamay-ari sa kanya. Bakit ko ba sya minahal ng ganito? Ni hindi ko magawang alalahanin yung mga oras na masaya naming pinagsaluhan, masakit kase eh.

Kapag tunay ang pag-ibig, tunay din ang sakit na mararamdaman mo kapag nagkahiwalay kayo...

Sana panaginip na lang ang lahat ng nangyayari ngayon sa buhay ko. Pero sa twing maiisip ko, yung nangyari sa buhay ko noon kasama si Sebastian, yun ang panaginip, at itong nangyayari ngayon, ito yung reyalidad.

I wanna die!
I don't wanna die every seconds of my life!
The hell i'm dying...

Ayoko ng ganito! Tangna! Tangna ko!

Kinakabog ko ang dibdib ko habang paulit-ulit na sinasabi sa sarili ko ang mga katagang, "Tangna mo ka Angie, nararapat lang sayo yan, ang selfish mo! Ang tanga mo!"

Walang ibang dapat sisihin kundi ang sarili ko, kase choice ko yun, and now I realised that I made a wrong decision. Pwede akong tumanggi dun sa offer sa akin ni Sir Marlon noon, pero dahil nabulag ako ng pagkakataon pumayag ako.

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Ayoko munang umuwi sa bahay, iniiwasan ko yung sandamakmak na tanong sa akin ni Nanay. Hindi kase nya alam ang pinaggagagawa ko, ang alam lang nya nagtrabaho lang ako sa maynila, hindi ko inamin sa kanya yung kagagahan ko.

Ang gago ko lang! Nagpakagago sa pag-ibig, lumaban sa tadhana kahit alam na sa bandang huli matatalo din.

And now I have nowhere to run, I even can't hide from my own fears. Palakad-lakad, hindi alam kung saan pupunta. I don't deserve another chance, I don't deserves another journey, I'm totally lost.

Parang bata na nawawala sa isang madilim na kagubatan, hindi alam ang daan pauwi, hindi makakita kahit konting liwanag.

Kung maibabalik ko lang sana ang lahat...

I need a place to unwind and fix my broken heart, and all I can think of the right place is hell.

Malungkot pa rin ako pagdating ko sa bahay. Gabi na nung makauwi ako. Ayoko sanang umuwi pero wala naman akong choice kundi bumalik sa tunay at nararapat kong kalagyan.

Sinalubong ako ni Nanay sa harap bahay namin, "O Angie, bakit ngayon ka lang? Sa'n ka ba nagpupupuntang bata ka?"

"May pinuntahan lang po akong isang matalik na kaibigan."

"Nag-text ka man lang sana para hindi kami nag-aalala sayo."

"Nay, wala naman kayong phone eh!"

"Ikaw talaga bata ka pilosopo ka! Nag-text ka sana dun sa kapatid mo para nasabi nya sa amin!" tapos hinigit nya braso ko at kinaladkad ako papasok ng bahay, "Naku bilisan mo, may bisita ka sa loob, kanina ka pa nya hinihintay!"

"Ha? Sino po?"

"Bilisan mo na lang!"

Pagpasok ko sa loob, nagulat ako nung makita ko kung sino ang bisita ko. Walang iba kundi si Sir Marlon David.

Ano na naman kaya kailangan nya ngayon? May bago na naman ba syang plano?

"Ba't nandito ka?" tanong ko agad sa mataas na tono.

Napatingin sya sa akin, "O, finally, you're here!" sa hitsura nya may galit, may lungkot, pero wala akong pake.

"I wanna talk to you, let's go somewhere else." tumayo sya at mukhang papalabas na ng bahay.

"Kung may gusto kang sabihin, sabihin mo na ngayon dito."

Napahinto sya sa tabi ko, at matapos nya akong tignan ng matalim, si nanay naman ang tinignan nya, "Are you sure you want me to stress out things here? Huh?"

Sa narinig ko napatingin ako kay nanay. Nakatingin sya sa amin at mukhang pinapakinggan nga nya ang usapan namin. Ah, wala nga pala syang alam sa nangyayari.

Ayokong madamay sya kaya wala akong magawa kundi sumama na lang kay Marlon palabas ng bahay.

"Nay, may pupuntahan lang po kami saglit." paalam ko na lang kay Nanay.

Pumayag naman sya kase kilala naman nya si Sir Marlon, ang hindi ko lang alam ay kung paano sya nagkaroon ng tiwala sa kanya.

Pumunta kami sa Condo ni Marlon. Sa dinami-dami ng lugar na pwedeng puntahan bakit dito pa sa place nya? Ganito ba ka-confidential ang sasabihin nya sa akin?

"Bakit dito mo ako dinala?" tanong ko sa kanya habang pina-password nya yung pinto.

"Why not here? Alam mo, nasa bohol tayo, ayokong may makakita na nag-uusap tayo. Baka makarating pa kay Lea, mas lalo pa yung maiinis sa akin."

Sus! Ngayon ka pa talaga nag-alala ng ganyan!

"Would you like a drink?" offer nya sa akin pagkapasok namin.

"Hindi na. Sabihin mo na lang gusto mong sabihin para matapos na!"

"No! I insist, be my guest." tapos pumunta sya dun sa bar nya upang kumuha ng alak. Whisky ata yun, ewan.

"Bakit ba parang ang sungit mo sa akin ngayon? You don't even address me 'Sir' like the way it should be."

"Tsshh. Hindi na ako maidservant sa Mendez, so walang dahilan para tawagin pa kitang sir!" kapal talaga ng mukha nya!

"Y'know what, Angie? I think i'm beginning to like you." tapos inabot nya sa akin yung baso ng alak, "Here."

Ayoko sanang kunin pero para matapos na kinuha ko na lang. At nung nasa akin na umupo na sya sa sofa, habang ako nanatiling nakatayo sa tabi ng pinto.

"O ano, tatayo ka na lang ba d'yan? Halika dito." napansin nya ako.

Naiinis na talaga ako. Andami nyang ligoy! Ba't di na lang kaya nya sabihin yung sasabihin nya, arte!

Umupo na lang ako, malayo sa kanya. Nakapwesto kami sa magkabilang dulo ng mahabang sofa.

Pagkaupo ko nagulat ako nung bigla nya akong sinigawan, "Bakit ang dali lang ng pinagawa ko sayo, hindi mo pa nagawa ng maayos?!"

"Ha?!" napatingin ako sa kanya, "Ginawa ko lahat ng sinabi mo, ikaw itong pabaya! Ang sabi mo sa akin nasa Amerika kayo! Malay ko bang nandun lang kayo sa maynila!"

Napabugtong-hininga sya habang iniikot-ikot yung yelo sa baso nya, "Fuck!" yan lang nasabi nya, siguro natanto nya na sya talaga yung nagkamali.

"Bakit kasi hindi mo ako sinabihan?" patuloy ko, "Tinatawagan ko kayo nina Ma'am Loida pero 'di ko kayo makontak." dagdag ko pa.

Napailing-iling sya na parang nanghihinayang, "Tangna, hindi ko inakalang magkikita sila don. At nagtiwala ako na kahit magkita sila, okay lang, kase hindi naman nila kilala ang isa't-isa."

"Sus!"

"Wait, paano ba sila nagkakilala don?" sunod nyang tanong.

"Ha? Hindi mo alam?"

"Fuck! Itatanong ko ba kung alam ko?"

Napangisi ako. Ang tanga nya, wala syang ideya sa mga pinaggagagawa ng aasawanin nyang babae. Hindi nya alam na hindi pa man sila kasal iniiputan na sya sa ulo.

"Hmm. Mukhang hindi mo kilala yang babaeng gusto mong pakasalan ah!" pangisi-ngisi kong sabi.

"What do you mean?"

Umusog ako palapit sa kanya upang mas marinig nyang mabuti ang sasabihin ko, "Hindi mo ba alam na makati yung ex-fuck fiancee mong yun?"

"Fuck fiancee? Makati? Just what the heck are you telling me right now, Angie?" gulat na gulat sya.

"Simple lang." pinangtaasan ko sya ng kilay, "Makinig kang mabuti sa sasabihin ko, yung si Lea, ni-hire si Sebastian for a one night stan sa shower party nya!"

"Ohw com' on now Angie. Sa tingin mo ba maniniwala ako sa sinasabi mo? Disenteng babae si Lea, hindi nya magagawa yon."

Napahalakhak ako sa sinabi nya, "Ha Ha Ha" tapos nakipagtitigan ako kay Marlon, "Yun ang akala mo Marlon!"

Bigla nyang tinungga yung baso nya at inubos ang laman na alak sa isang lagok lang. Tapos tumayo sya upang muling salinan ng alak yung baso nya doon sa mini bar.

"Sigurado ka ba d'yan sa sinasabi mo Angie?" tanong nya habang abala sya dun sa bar.

"Oo naman... Gusto mo kay Lea mo pa mismo itanong."

Napansin ko na napakamao sya, pero hindi galit o sama ng loob ang nakita ko sa mga mata nya, kundi kalungkutan at pighati. Ito yung hitsura ng lalaking nagdurusa ang kalooban at nadudurog ang puso.

Bigla akong nakadama ng awa para kay Marlon. Biglang nawala yung inis ko sa kanya. Alam kong tulad ko nagmahal lang din sya, kaya nya nagawa ang mga bagay na yon. Sa tingin ko mahal na mahal talaga nya si Lea at nakikita ko ang sarili ko sa kanya.

Pareho lang kami... Nauunawaan ko sya, dama ko ang pait na nararamdaman nya, at ngayon wala kaming magawa kundi magdusa.

Ang pinagtatakhan ko lang, bakit imbes na magalit sya kay Lea, bakit parang nalungkot lang sya, nasaktan at parang walang pake sa sarili nyang ego?

"Alam mo Marlon, I guess it's time to move on. Tapos na ang lahat, talo na tayo, ang mas mabuti pa kalimutan na lang natin ang lahat, 'till we fully recovered..." sabi ko na lang baka sakaling ma-comfort ko sya. Hindi ko ata dapat sya binigla ng gano'n.

"That's bullshit Angie! That's the most bullshit thing I've heard. Move on? Recover? Walang ganon! Those things were just words, they don't really exist! Lalo na yung sinabi mong kalimutan!"

Kumunot kilay ko. Ano kaya ibig nyang sabihin don? Hindi ko kase ma-gets eh.

Tinikman ko itong alak, gumuhit sa lalamunan ko. Oh my gad, the most romantic liquior, whiskey nga, barly mash made whisky. Ganito yung binibigay lagi sa 'kin ni Sebastian dun sa Xclub dati.

"Anyway Angie, kumusta ka naman? How's life treating you now? I'm sure brokenhearted ka rin nyan." tingin ko dina-divert nya sa akin ang usapan, para siguro umiwas o ayaw na nyang makarinig pa na nakakapanakit na salita tungkol kay Lea.

Muling lumapit sa akin si Marlon, dala nya yung bote ng whiskey. Muli syang umupo sa tabi ko at sinalinan nya rockglass ko.

"Ako? Ewan..." napailing ako, "I'm not sure if i'm still breathing... Pero kaya ko 'to, kaya natin ito Marlon!"

Tinaas ko baso ko sa kanya, "Cheers?" sabay kampay sa baso nya. Sabay pa kaming nag-bottom's up.

"Sabagay mukhang okay ka naman..." sunod nyang sinabi, "I mean, look at you, lalo kang gumanda, ang laki ng pinagbago mo, from the hair style and color, up to the way you dress."

Kung hindi pa nya sinabi, hindi ko pa napansin ang sarili ko na nagbago. Dati kasi black yung haircolor ko, buhaghag pa, ngayon straight na at blonde, salamat at natuto akong magpa-salon. Tapos simpleng jeans and blouse shirt lang ako noon, pero ngayon laging dress na suot ko, minsan two inches above the knee pa, tulad ngayon.

But for me it's just part of the grow, I've grown up, syempre iba na taste ko. Anyway, bakit naman nya kaya napansin yun ngayon?

"Mukha lang akong okay noh!" sagot ko.

Physically i'm smiling, mentally crazy, emotionally sad, and deep inside of my heart, i'm dying...

Hindi ko sinasadyang mapatingin sa mga mata ni Marlon matapos ko syang ngitian. Nagkatitigan kami at napalunok ako kase ang lagkit ng tingin nya sa'kin. Parang nagungusap mga mata nya, may kakaibang ningning na parang nagsasabing, 'Damayan mo ako sa aking pighati, at dadamayan kita sa iyong pagdurusa.'

Binitawan nya yung hawak nyang baso dun sa lamesita sa tabi namin, tapos inagaw din nya yung akin at itinabi dun sa baso nya.

Hindi natatanggal yung mga mata nya sa mga mata ko.

Nakadama ako ng kaba nung unti-unti syang umusog sa akin, unti-unti nya akong hinaharap.

"M-marlon, w-what are you thinking?" mukhang alam ko na gusto nyang mangyari, pero bakit?

"You. And your lips..." lalo akong kinabahan sa sagot nya.

Sa tingin ko tinamaan na sya dun sa ininom nyang alak, medyo namumungay na kase mga mata nya. Ako man nararamdaman ko na yung init ng espiritu ng whiskey, pero matino pa naman ako para awatin sya sa balak nya.

"M-marlon... Huwag... Please." pailing-iling.

Umiwas ako ng tingin. Umiwas ako sa mga mata nya na parang may gayuma. Inaamin ko na ang hot ni Marlon, pero kahit sing-hot pa nya si Achilles, hindi ko sya type noh!

"Sshhussh... You smells good Angie..."

You smells good to fuck either Marlon...

Fuck! Ano ba iniisip ko, baka madala ako sa panunukso sa akin ni Marlon. Lalo syang dumidikit sa akin, tapos yung kanang kamay nya nakahawak sa sandalan ng sofa, sa may likuran ko... Read More


About the Author :

Joined: July 10, 2013 (3 years old)
Writings: 177

Send PM · Male · Offline

I dreamt of being a published writer of inspirational and motivational stories, cause I want to inspire those who have physical disabilities and less fortunate people whom are downhearted. I want to bring hope into their hearts and I want them to see a beautiful world that's full of dreams.

I also want to share my thoughts about unconditional love, life's regrets and marital failures through Erotic stories. I may not change your world, but I wish, with my simple works, i've touched your hearts.
3 comments   0 favorite   2,106 views