Fuck Fianceé: Living Ghost

June 26, 2016 (5 months ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Romance | Tags: , , , ,

Fuck Fianceé: Living GhostShe is the love of my life.
She is the life of my love.
I came to the point that I have to forget this lovelife.
I came to the point that I have to accept this lovelost.

Forgetting someone is the hardest part of moving on, and the most painful part is accepting the fact that you have to forget this someone.

And the most questionable thing about it, is when no matter how hard you try to forget this someone, you simply just can't. You hate it but still you can't. And even though you know that time can erase the feelings, you know within your heart that you really can't forget.

* * * * * * *

Part Twenty - The Living Ghost

"Kumain na lang tayo sa labas." sabi sa akin ni Lea pagkatapos naming magbihis.

"Ok. Tutal mukhang wala ng time para magluto pa."

"Bakit, gutom ka na?"

"At sino namang hindi magugutom don?" pagbibiro ko, tinutukoy ko yung katatapos lang namin mag-sex.

"Ha Ha Ha" napatawa lang sya.

Gamit yung Nissan X-trail nya naghanap kami ng makakainan sa bayan. Nakakatawa kase para talagang matagal na matagal na kaming magkakilala ni Lea, napaka-kumportable kase namin sa isa't-isa. Sana ganito din ako kakumportable sa sitwasyon ko ngayon.

"Ah, alam ko na." bigla syang nagsalita while driving, "Kainin na lang natin yung favorite food mo?"

Napatingin ako sa kanya, "Bakit, alam mo ba favorite food ko?" pagtataka ko.

"Yes, of course! I just know everything about you, from head to toe."

"Talaga? Sige nga, ano?"

"Ano ka ba?! Ede Japche (chap chae)."

Biglang nawala yung ngiti sa labi ko. Nagtataka ako kung anong klaseng pagkain yung sinabi nya, kase ngayon ko lang yun narinig sa buong buhay ko.

"Ha? Ano yun?" tanong ko.

Iba kase yung nasa isip ko eh. Favorite ko kase Shawarma at siomai, hindi yung tinutukoy nyang yon. Madalas namin yun kainin ni Angie. Twice o trice a week pumupunta kami sa bayan para lang makakain non. Kahit saan kami mamasyal o magpunta, yun lang ang lagi naming kinakain. Yun talaga yung favorite food namin ni Angie.

"Ha Ha Ha" napahalakhak sya, "Sorry babe, hindi mo nga pala maalala. Yun yung palagi mong pinapabili sa akin noon. Japche."

Ah, yun lang pala yon, paborito ko noon. Oo nga noh? Ano kaya yung food na kinakain ko noon? Pareho lang kaya nung kinakain namin ni Angie? Puro lutong-bahay lang kase niluluto sa akin ni Angie, pero masarap talaga yung sinigang na hipon nya. Naalala ko pa kahit simple lang ulam namin sarap na sarap pa rin kami, basta lagi kaming magkasamang kumain, tapos isang plate lang gamit namin.

"I've got an idea." sunod na sinabi ni Lea, "Pano kaya kung ikwento ko sayo yung mga simpleng bagay na katangian mo noon? Baka makatulong sayo yon sa pagbalik ng alaala mo. What do you think?"

"Okay. Minsan ka nang nagka-amnesia, tingin ko mas alam mo gagawin." sagot ko na lang, pero hindi ko sure kung uubra yon.

Minsan na rin kase naming ginawa ni Angie yon. Pinapaalala nya sa akin yung mga bagay-bagay pero wala pa ring kwenta. Leche! Sabagay puro kasinungalingan lang naman pinagsasasabi sa akin ni Angie, pano ko nga naman maaalala yung mga bagay na hindi naman talaga nangyari sa akin? Baka sakaling sa katotohanang dala ni Lea may chance na makaalala na ako.

Nag-park kami sa isang korean restaurant, so korean food pala yung tinutukoy nya.

"Madalas ka ba dito?" tanong ko kay Lea nung makapasok na kami sa loob.

"Actually ngayon lang ako napadpad sa lugar na 'to, but since it's korean restaurant, siguro naman may Japche sila dito!"

Umupo kami dun sa table na malapit sa window, gusto daw kasing nakikita ni Lea yung nasa labas habang kumakain. Eh mga palakad-lakad na tao lang naman at dumadaang sasakyan ang makikita sa kalsada, pero siguro gusto lang nyang makita ang kagandahan ng gabi, yung nightlife ba.

Si Angie naman star gazing ang trip twing gabi. Madalas ko nga yung makita sa taas ng bubong nung apartment namin twing fullmoon at newmoon eh. May pagka-romantic talaga sya.

Umorder na si Lea sa waitress habang pinagmamasdan ko ang buong paligid. At habang hinihintay namin yung order bigla kong naalala yung Xclub na pinagtrabahuan namin ni Angie. Ibang-iba yun sa lugar na ito. Dito tahimik pero doon maingay. Magkahalong sound system music at hiyawan ng mga kalalakihang customers. May stage show kase don ng female strippers.

Siguro sa mga oras na ito marami ng customers don, at kung sakaling nandoon pa si Angie siguradong may ka-table na sya ngayon. Medyo nalulungkot pa rin ako sa twing naalala ko yung trabaho ni Angie doon. I just wish na umalis na talaga sya doon.

"Uy!" nagulat ako kay Lea nung bigla nya akong bungguin sa braso, magkatabi kasi kaming nakaupo sa tapat ng isang rectangular table, "Ba't ka natutulala d'yan?" sunod nyang tanong.

"Ah, eh, wala, may sumagi lang sa isip ko." sagot ko. Dun ko lang napansin na dumating na pala order namin.

Natawa pa ako sa sarili ko nung makita ko ang nakahaing Japche sa harapan ko, putik! Pansit lang pala eh!

"Ano na naman ba iniisip mo ha?" tanong nya sa akin, na mukhang hindi ko masasagot ng totoo.

"Ah, wala, iniisip ko lang kung ano'ng lasa nitong pinapakain mo sa akin." palusot ko na lang.

"Ha Ha Ha Masarap yan, i'm sure magugustuhan mo yan, kase yan nga yung favorite mo dati, diba?"

"Ah, oo nga..."

Nakita ko na sanay syang gumamit ng chopsticks, pwes wala akong panahong mag-aral nyan kaya yung tinidor ang dinampot ko. Tinikman ko itong mangitim-ngitim na pansit, matamis ang una kong nalasahan, actually masarap sya, kakaiba yung lasa nya, Ibang-iba sa ordinaryong pansit na kinakain ko.

Parang naalala ko nga na nakain ko na ito dati, parang natikman ko na nga yung ganitong lasa. Sayang, kung natikman lang ito ni Angie siguradong magugustuhan din nya ito, pareho kase kami ng panlasa nung babaeng yon.

Bakit nga ba hindi ko naisipang idala si Angie sa mamahaling resto na tulad nito? Bakit hindi ko sya pinatikim ng ibang cuisine? Nasanay kase kami sa fastfood at yung mga local cuisine na nagse-serve ng eat-all-you-can buffet. Medyo nakakapanghinayang...pero bakit? Tsk!

"So how's the food? Do you remember its taste?" tanong nitong katabi ko.

"Okay lang. Alam mo Lea parang nakain ko na nga ito dati, hindi ko lang maalala kung saan at kailan."

"See? I told yah! Unti-unti nyan maaalala mo rin yan, huwag mo lang pwersahin o pilitin, okay?"

"Okay."

Napatingin ako sa labas ng bintana. Tinitignan ko yung mga taong naglalakad sa kalsada. Iniisip ko kung bawat isa ba sakanila may pinagdadaanang problema, at kung gaano kalaki o kabigat ang dinadala nila.

Ewan ko kung bakit parang napakabigat ng puso ko ngayon. Nalulungkot ako na hindi ko maintidihan. Uminom na lang ako ng iced tea.

Nalamigan lalamunan ko sa iced tea, "Pppffffttt..." bigla akong nasamid nung muli akong mapalingon sa labas ng window. Paano ba naman parang nakita ko si Angie na nakatayo doon sa kabilang kalsada.

Tinitignan ko syang mabuti at minumukhaan, medyo malayo kase sya pero natitiyak kong si Angie yung nakita ko. Kainis lang kase may pumaradang bus. Natakpan tuloy sya at nung umalis na yung bus, wala na yung babaeng nakatayo na sa palagay ko si Angie nga.

Ano ba?!

Si Angie ba talaga yung nakita ko, o namamalik-mata lang ako?

Fuckshit! Namimiss ko ba si Angie? Pansin ko kanina ko pa sya naiisip...

"Hey! Are you okay?" yun napansin na naman ako ni Lea.

"Ah, oo, i'm good."

"Don't tell me may iniisip ka na naman?"

"Wala 'to, 'wag mo nalang akong pansinin..."

"Is there something bothering you?"

Truthfully, I, myself don't know exactly what is happening to me. Bakit ba ako nagkakaganito? Si Lea ang kasama ko pero bakit si Angie ang nasa isip ko?

Bakit ko ba sya naiisip?

Ayaw ko na syang isipin, gusto ko ng mag-move on sa kanya.

Gusto ko nang kalimutan ang lahat ng panloloko nya sa akin.

But why the hell do I fucking think of her?

"Ahm, Lea..." Hinarap ko sya, "I guess all I ever need is time..." taimtim kong sabi.

"Huh? Time for what?"

Time to forget Angie.
Time to clear my mind.
Time to find a place for you inside my heart.
Time to change my feelings.
Time to learn how to live without Angie, and learn to live with you.
Time to find and replace my self.
Time to ease the pain and to overcome the grief.
Time to gather my emotions.
Time to kill the living ghost of her...

"Time to rest, Lea..." ito lang nasagot ko, "I want to sleep."

"Ayaw mo na bang mamasyal muna?" tanong naman nya.

"Next time na lang. Now that we finally have each other, marami na tayong time together. Sa ngayon umuwi muna tayo, kase gusto ko ng matulog, inaantok na ako eh!"

"Ha Ha Ha Ikaw talaga! Sabagay may point ka don. We now have much time to do whatever we wanna do." tapos yung sumunod na sinabi nya binulong nya sa akin, "And we have more time in bed."

At yun ang una naming ginawa pag-uwi namin sa bahay bago kami natulog. Isa na namang breathtaking anal sex.

"Aaaahhhh Aaaaahhhhhh Ooohhhhh"

Kinabukasan.

Nakaupo lang naman ako sa eroplano pero feeling ko pagod na pagod ako. Medyo nahilo pa ako, shit! Ngayon lang kase ako nakalipad sa ere. Hmm... Ngayon nga lang ba talaga?

Ang aga ng arrival namin sa isang tanyag na airport sa bohol. At habang naglalakad kami palabas ng airport walang tigil sa kakakabog ang dibdib ko. Kinakabahan ako ng hindi ko alam ang dahilan. Ngayon nakaapak na ako sa lugar na kinalakhan ko, sa sarili kong lupain.

May isang lalaking sumalubong sa amin. Sya yung stepfather ni Lea. Nang makita ko si Lea parang nag-iba yung aura nya, kanina jolly sya pero ngayon parang tumamlay nung makita nya yung lalake.

"O, ba't ikaw ang nandito?" tanong agad ni Lea, "Ba't 'di nyo na lang kami pinasundo sa driver?" dagdag pa nya.

Yung lalake naman imbes na sumagot inagaw na lang nya sa akin itong tinutulak kong pushcart ng mga luggage namin.

Muling nagsalita si Lea, "Sabagay, driver ka nga pala sa Mansyon. Hindi ko alam kung pa'no mo napaikot si Mama at pinatulan ka nya."

Nagulat ako sa narinig ko. Stepdad ni Lea, driveri sa Mansyon? Kahit hindi ko pa maunawaan ang nangyayari between them, para sa akin masyadong harsh yung sinabi ni Lea.

Hindi na lang ako kumibo, tulad ng pananahimik nitong lalake. Napabugtong-hininga lang sya sa sinabi ni Lea. Tuloy lang sya sa paglalakad habang tulak yung cart, hanggang makaabot kami sa dala nyang Hyundai Starex.

Sumakay na kami ni Lea sa backseat habang abala yung lalake sa paglo-load ng mga luggage dun sa likod. Nung nakaupo na kami, pinakilala nya sa akin kung sino ang lalaking yon.

"Sorry Sebastian kung nagtataray ako ha? Naiinis lang kase ako sa lalaking yun eh."

"I understand Lea, pero, sino ba sya? Ang alam ko stepdad mo sya eh."

"Oo. Hindi ko alam kung paano yun nangyari. Sya si Arthur. Nung magka-amnesia ako pinakilala na sya sa akin ni Mama na sya daw Ama ko. Nagsasama sila that time, hanggang ngayon, so it only means, na talagang may affair sila diba?" paliwanag nya sa akin.

"Affair? Hindi ba sila kasal?"

"Yan din ang gusto kong malaman. Nakakainis si Mama, kamamatay lang ni Daddy pero nagawa na agad nyang mag-asawa ulit, at ang mas malala pa, bakit sa dinami-dami ng lalake sa mundo, bakit yung driver pa sa Mansyon ang pinatulan nya?"

Sasagot pa sana ako pero naputol na yung usapan namin nung sumakay na yung stepdad nya sa driver's seat. Baka kase marinig nya yung usapan namin eh. Buti na lang at nanahimik na lang din si Lea.

Silence comes next...
Tahimik kaming tatlo sa loob ng sasakyan habang bumibyahe. Maraming laman yung isip ko, tapos dumagdag pa yung affair na yon kay Mama. I mean, kay Mrs. Loida, the fact na hindi ko naman sya tunay na Ina, sa kanya na rin mismo nanggaling.

Nakakabaliw na talaga itong sitwasyon ko, pero at least, malapit na ako sa katotohanan.

Naalala ko tuloy yung panloloko sa akin ni Angie. Saan kaya nya napulot yung magandang kwentong inihain nya sa akin? Macho dancer daw ako, slash, escort callboy. Tsk!

Pero ganun paman nakakapanghinayang at nakakabigla na iwan ko yung buhay ko noon kasama si Angie. Lalo na yung iba ko pang nakasama na nadamay lang at wala naman talagang kinalaman, at, wala naman talagang kaalam-alam sa nangyari sa akin.

Ang babait pa naman nila sa akin, at kahit ano pang manyari sa hinaharap kaibigan na talaga ang turin ko sa kanila. Lalo na si Mareng Eloisa at ang asawa nyang si Pareng Rainier, pati na si Boss Michael na sobrang babait sa akin.

Pinagmamasdan ko yung kalsadang dinadaanan namin. Kokonti lang yung mga bahay na may malalawak na bakuran, tapos maraming puno at gumamela. Mas marami yung nakikita kong green leaves kesa concrete o steel.

Mukhang malayo na kami sa bayan at puro bukid na ang nakikita ko. Nasanay na ako sa siyudad maynila, kaya medyo namamangha at naninibago ako sa ganitong lugar.

Ni minsan kase hindi kami namasyal ni Angie sa mga remote area tulad nito. Lagi lang kami sa mga shopping malls at swimming pools. Hindi ko man lang pala naipasyal si Angie sa ganito kagagandang lugar.

"Malayo pa ba tayo?" tanong ko kay Lea.

"Hmm... As far as I remember, mga half hour na lang siguro. Bakit, naiinip ka na ba?" kumapit sya sa braso ko atsaka sumandal sa balikat ko.

"Hindi naman. Sa ganda ng tanawin dito mukhang magugustuhan ko dito." sagot ko.

"Talaga lang ha? Eh sa pagkakaalam ko gusto mong punuin ng malalaking buildings ang lugar na ito, patayuan ng iba't ibang stablishment at gawing ala Las Vegas."

Napaisip ako sa sinabi nya. Ganun ba talaga ang gusto ko? Sa nakikita ko kase parang gusto ko ang lugar na ito, as is, ayokong madungisan ng polusyon ang kagandahan ng tanawin.

Ang totoo nga nyan pangarap namin ni Angie na mamuhay sa ganitong klaseng lugar. Yung tahimik, malayo sa gulo ng siyudad, sariwang hangin. Sabi ko pa nga sa kanya igagawa ko sya ng hardin na maraming bulaklak. Parang isang paraiso, kasama ng mga magiging anak namin.

"Finally, we're here." magalak na sabi ni Lea.

Mula dito natatanaw ko ang isang malaki at mataas na gate na may mahabang bakod na yari sa bato. Tapos may dalawang guard pa dun sa guard house. Nang makita kami nung guard, automatic na nag-slide yung gate pabukas.

Pumasok kami sa isang malawak na lupain. Simentado ang daan at sa gilid puno ng malalaking punong-kahoy. Maganda yung tanawin, at lalo akong namangha nung matanaw ko na yung malaking mansyon.

Iniisip ko kung gaano ba talaga kami kayaman. Sobrang laki kase ng mansyon, mas malaki pa ata dun sa mga tanyag na hotel na nakikita ko sa maynila.

"Dito ba talaga ako nakatira at lumaki?" naitanong ko na lang sa aking sarili.

Pagbaba namin sinalubong kami ni Mrs. Loida. As usual, beso-beso, kamayan at konting kumustahan. Pero nandun pa rin yung atmosphere ng psywar at kaplastikan. Ewan ko, feeling ko kase ayaw talaga sa akin ni Mrs. Loida, o, ni Mama, my stepmother.

Pinasyal ako ni Lea sa buong Mansyon. Pinakilala nya ako sa mga maids, drivers, at sa lahat ng madaanan naming nagtatrabaho dito. Nalulula lang ako sa laki ng bahay, at sobrang ganda nito, tulad nung mga malalaking bahay na napapanood ko sa pelikula.

Kami ni Angie, sobrang simple lang ng dreamhouse namin. Isang sala, isang kwarto para sa amin, tatlong kwarto para sa mga magiging anak namin, isang malinis na kusina at isang simpleng banyo. Tapos gusto ni Angie malawak yung bakuran namin para makapaglaro ng maayos yung mga bata. Haissh...

Ang dami naming pangarap at gustong gawin sa buhay, pero sa isang iglap lang tinangay na lahat ng hangin.

Yung huling kwartong pinasok namin ni Lea nasa second floor. Sabi nya sa akin ito daw yung dati kong kwarto. Pinagmamasdan ko ang malaking pinto nito. Iniisip ko na sa loob ng kwartong ito, maraming alaala akong naiwan. Sana lang may maalala ako kahit konti sa kung anong meron sa loob ng silid na ito.

"Lea, pwede bang ako muna yung pumasok? Iwan mo muna ako dito." hiling ko sa kanya.

"Huh? Bakit naman?"

"Lahat ba ng gagawin ko kailangan may dahilan?" medyo nairita ako.

Nakakainis kase sitwasyon ko. May gusto akong maalalang babae (Lea) pero hindi ko maalala, may gusto akong kalimutang babae (Angie) pero hindi ko malimot.

I'm like a living ghost. I don't know why i'm here. I'm standing here but I don't feel that i'm existing. I see things, but I can't touch them, I know their names but I don't know who they really are. I am numb like a ghost,I feel nothing but sadness.

"Ang sungit mo naman Sebas--" magsasalita sana si Lea pero binara ko sya, "Please Lea...please try to understand me..."

Napatahimik sya at napatingin sa akin. Puno ng pagtataka at katanungan yung mga mata nya. Alam ko na ang lahat ng ginagawa ni Lea para sa akin, sa kapakanan ko. Alam ko concern lang sya sa akin, at alam ko na mahal na mahal talaga nya ako.

Pero alam ko rin na, sa mga oras na ito walang ibang makakatulong sa akin kundi ang sarili ko.

"Okay." kahit sinabi nya yon alam ko naiirita na sya sa akin, "Anything you wish. Tawagin mo na lang ako kung may kailangan ka, nandun lang ako sa kitchen. Alam mo na kung saan yun diba?"

"Okay." maiksing tugon ko.

Nakatayo pa rin ako sa tapat ng pinto ng dating silid ko nung umalis si Lea. Hinahanda ko lang ang sarili ko sa mga bagay na maari kong makita o madiskubre.

Hinga ng malalim kasabay ng pagbukas ko sa pinto. Bumulgar sa akin ang malaki at maganda kong silid. Sabi sa akin ni Lea hindi daw ginalaw mga gamit ko dito. Pero putcha, hindi ko naman maalala kung ganito ba talaga ang style ng room ko.

Malinis ang kwarto ko, maayos yung pagkakalagay ng bedsheet ng kama. Hindi ko lang alam kung ako ba namili ng design dun sa bulaklakin kong bedsheet.

Sa gawing kaliwa may office table na may nakapatong na laptop. Binuksan ko ito pero naka-off, hindi ko naman alam kalikutin kaya hinayaan ko nalang.

Sunod kong napansin yung component stereo, sa tabi nito may rack of cd. Humugot ako ng isa upang tingnan. Guns N Roses (Chinese Democracy), tumingin uli ako ng isa, Nirvana, sunod-sunod na, Metallica, Nickelback, Red Hot Chilli Pepper, Urbandub, My Chemical Romance, Evanescences, Flyleap, Escape The Fate at kung ano-ano pang foreign rock band na hindi ko naman gaanong kilala.

Pumikit ako habang hawak ko itong mga cds. Pilit kong inaalala kung ganitong klaseng music nga ba ang soundtrip ko noon. Wala akong bahid ng rakista, kaya talagang nagtataka ako kung akin nga ba talaga mga ito.

Iba kase soundtrip namin ni Angie. Hindi kami mahilig sa rock, pati na sa cd collection. Soundcloud lang kami at Spotify downloads. RNB, Pop at Hiphop kami. Snoopdog, Nicki Minaj, Bonethugs N Harmony, Black Eyed Peas, Gloc 9, Tupac, B2K. Ibang-iba dito.

Photo frames yung sunod kong nakita. Mga solo pictures ko, yung isa kaming dalawa ni Lea, magkayakap pa talaga. May isang family picture. Nakapagitna kaming nakaupo ni Lea, sa tabi naman nya nakatayo si Mrs. Loida, at sa tabi ko naman nakatayo ang isang lalake na ngayon ko lang nakita.

Kahit papano ko alalahanin hindi ko talaga maalala kung sino sya, pero since it's family picture, mukhang sya ang ama ko.

Naiiyak ako kase kamukhang-kamukha ko sya. Yung hitsura nya, yung tindig nya, nakikita ko sarili ko sa kanya. Naiiyak ako kase bukod sa hindi ko sya maalala, hindi ko na sya makikita pa ulit. Hindi ko na sya mayayakap, hindi ko na sya makakasama.

I can't remember how good he was to me as a father and as a friend. At dahil sa kalagayan ko ngayon, wala akong ideya kung gaano kaganda yung mga aral na pinamana nya sa akin. Hindi ko alam kung nagagamit ko ba ngayon yung mga principles, wisdoms and values na binigay nya sa akin.

Pinunasan ko luha ko nung may marinig akong katok sa pinto. Pinagbuksan ko sya, si Lea.

"Are you alright?" tanong agad nya. Napansin ata nya na namumula mga mata ko sa luha.

"Lea, gusto ko sanang puntahan yung puntod ni Daddy." sabi ko sakanya.

"Yan nga rin gusto kong sabihin sayo kaya ako bumalik dito." malungkot nyang tugon.

Napansin ko na naluluha din si Lea. Siguro masakit din sa kalooban nya na malamang patay na pala ang Daddy nya. Bakit pa kase kailangang lokohin sya ng Mama nya ng ganun katagal? Bakit nya inilihim kay Lea na patay na si Daddy? At bakit yung si Arthur ang ipinakilala nyang tunay na ama ni Lea?

Alam ko nahihirapan din ang kalooban ni Lea, nararamdaman ko yon. Pareho kaming biktima ng mapaglarong kapalaran, na inabuso ng mga taong nais ibahin ang sariling kapalaran.

Sa tingin ko hindi lang ako ang living ghost...

Magkasabay naming pinuntahan ni Lea ang Mama nya upang itanong kung saan nakalibing si Daddy. Papunta sana kami sa kwarto nito pero tyempo namang nakasalubong namin syang naglalakad sa may corridor sa guest area, isa sa maraming sala na nadaanan... Read More


About the Author :

Joined: July 10, 2013 (3 years old)
Writings: 177

Send PM · Male · Offline

I dreamt of being a published writer of inspirational and motivational stories, cause I want to inspire those who have physical disabilities and less fortunate people whom are downhearted. I want to bring hope into their hearts and I want them to see a beautiful world that's full of dreams.

I also want to share my thoughts about unconditional love, life's regrets and marital failures through Erotic stories. I may not change your world, but I wish, with my simple works, i've touched your hearts.
7 comments   0 favorite   2,656 views