Fuck Fianceé: Doubt vs. Regret

October 13, 2015 (1 year ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Romance | Tags:

Fuck Fianceé: Doubt vs. RegretPart Eighteen: Doubt vs. Regret 

Ayoko nang mag-isip, sumasakit lang ang ulo ko. Ang mahalaga ngayon kasama ko na ang kapatid ko, o sabihin na nating, ang girlfriend ko. I have this awkward feeling talaga sa twing maiisip kong pumatol ako sa half sister ko.

"Okay ka lang Sebastian?" tanong sa akin ng katabi ko. Kumalas sya sa yakap at ngayon pareho kaming nagpupunas ng luha.

"Yes i'm fine."

Ngayon ko lang nahalata, kaya pala medyo may alam ako sa english, nakapagtapos pala ako sa kolehiyo at presidente pa pala ako ng isang malaking kumpanya.

Anak mayaman pala ako, na kung tutuusin ay isang prinsipe. Naalala ko tuloy si Angie. Sobrang panloloko pala ang ginawa nila sa akin, nila ni Marlon.

Hindi lang pagkatao ko ang ninakaw nila, pati dignidad ko at pride. Sinira nila ang buhay ko...

Galit ang nararamdaman ko kay Marlon, pero bakit parang iba kay Angie. Sa kabila ng malaking kasalang ginawa nya sa akin bakit parang hindi ko magawang magalit sa kanya?

Dahil ba sa kahit papano ay may pinagsamahan din kami? Na sa loob ng dalawang taon inalagaan pa rin nya ako. Pero maituturin bang aruga yon? Puro huwad! Nagdududa na talaga ako kung minahal ba nya talaga ako.

Kung iisipin, hindi rin naman pera ang habol ni Angie, kase yung malaking halagang ibinigay sa kanya ni Marlon, sa akin din nya ginastos at inilaan.

At kumusta naman ang nararamdaman ko para sa kanya? Nagdududa na rin ako sa sarili ko. Minahal ko nga ba si Angie, o ngayon naaawa na lang ako sa kanya?

"So Sebastian, shall we go?" tanong sa akin ni Lea, "I'm fine now." dagdag pa nya.

"Saan naman tayo pupunta?" tanong ko.

"Punta muna tayo sa bahay, kukunin ko lang mga gamit ko, tapos bukas na bukas babalik na tayo sa Bohol, sa Hacienda Mendez."

Pinag-iisipan ko pa yung sinabi ni Lea nang may kumatok sa pinto, "Lea, uuwi na tayo, discharged ka na." sigaw nito mula sa labas ng pinto na sa tingin ko si Mrs. Mendez, Mama ni Lea.

Binuksan ni Lea ang pinto, tapos hinawakan nya ang kamay ko, "Tara na?"

Nagpatangay lang ako. Pagbukas ng pinto napatingin sa akin si Mrs. Loida, tapos bumaba tingin nya sa hawak-kamay namin ni Lea.

"Ma, pakihatid mo na kami sa bahay." bungad agad ni Lea.

Napansin kong nagkasalubong ang mga kilay ni Mrs. Loida. Hindi ko talaga alam kung tatawagin ko syang Mama o Tita o kung ano.

"Ano bang napag-usapan nyo at mukhang magkasundong-magkasundo na kayo?" tanong nito sa anak nya.

"Ang lahat-lahat Ma. Sinabi ko na kay Sebastian ang lahat!"

"Sebastian? Aba Lea, nasaan na ang paggalang mo sa Kuya mo? Sigurado ka bang magaling ka na at bumalik na lahat ng ala-ala mo?"

Nagkatinginan kami ni Lea. Para bang nagkaroon ako ng konting pagdududa sa sinabing ito ni Mrs. Mendez. Totoo nga kayang lubusan ng bumalik ang lahat ng alaala ni Lea?

"Opo Ma. Naaalala ko na lahat kahit pinakamaliit na detalye ng buhay ko. Mukhang ikaw ngayon ang hindi makaalala Ma? Nakalimutan mo na ba Ma na hindi na kapatid ang turin ko kay Sebastian?"

"Nahihibang ka na talaga Lea! Kahit kailan hindi pwedeng maging mag-asawa ang magkapatid!"

"Whatever you wanna say Ma, but it will not change the fact that I love my brother as strong as he loves me too."

"Ang mabuti pa Lea puntahan muna natin yung doctor mo, at magpatingin ka muna para makatiyak tayo sa kalagayan mo."

"Hindi na kailangan Ma! Magaling na ako!"

"Lea, baka nakakalimutan mo, Ina mo pa rin ako! Hindi mo basta-basta magagawa na lang ang mga bagay na gusto mong gawin! Huwag ng matigas ang ulo mo! Para din naman sayo ito."

Sa nakikita ko ayaw nilang pakinggan ang isa't-isa kaya sumabat na ako, "Lea, sa tingin ko mas makakabuti nga siguro kung magpapatingin ka muna sa doktor mo."

Sa sinabi ko nagdesisyon agad si Lea. Pumayag sya sa gusto ng Mama nya, at ang akala nya sasamahan ko sya, pero nang yayain nya ako tumanggi ako.

"Lea pwede bang kayo na lang ang pumunta? May aasikasuhin lang ako sandali, tapos magkita na lang ulit tayo."

"Pero Sebastian, samahan mo na lang muna ako sa doktor, tapos sasamahan na lang din kita sa lakad mo."

Umiling-iling ako, "Ako na lang mag-isa. Gusto ko lang magpaalam kay Angie at sa iba ko pang nakasama."

Nagulat sya at pinanlakihan ako ng mata, "Huh?! Kay Angie? Bakit mo pa pupuntahan ang babaeng yon? Pwede ba Sebastian?!"

"Lea naman. Kahit papano naman inalagaan ako ni Angie sa loob ng dalawang taon, and you should be thankful for that... Gusto ko lang naman sanang magpaalam ng maayos sa kanya."

Masyado akong nabibilisan sa mga nangyayari. Hindi ko naman siguro pwedeng basta ko nalang iwan si Angie at hindi na magpapakita pa sa kanya kailanman.

Magkaganun man kase, kahit papano nakita ko ang pagmamalasakit sa akin ni Angie noon. Tapos naalala ko pa kanina nung iwan ko sya sa bahay. Sa pagnanasa kong malaman ang katotohanan nagawa ko syang iwan kahit alam kong umiiyak sya at nasasaktan.

Mabuti na lang at pumayag si Lea. Sabi ko tatawagan ko na lang sya dun sa binigay nyang cellphone number pag tapos ko na kausapin si Angie.

Hinataw ko na ang motorsiklo ko nang makaalis na sina Lea sa Ospital. Tinahak ko na ang daan pauwi sa bahay namin ni Angie. Dala ko pa rin ang pagaalinlangan sa puso ko.

Sa mga oras na ito, para bang mas matimbang pa rin ang tiwala ko kay Angie kaysa kay Lea. Siguro dahil sa hindi ko pa rin maalala si Lea at kailan lang kami nagkakilala, compare sa dalawang taon na meron kami ni Angie.

Ngayon kailangan kong mamili. Sasama ba ako kay Lea na sinasabing mahal ko pero wala naman akong maramdaman, o mananatili ako kay Angie na niloko ako at hindi ko maaming mahal ko pero may nararamdaman ako.

Parehong may duda sa pagpipilian ko, pero ayoko namang dumating ang araw na pagsisisihan ko ang magiging desisyon ko.

Sa kalagayan ko ngayon, mas pipiliin ko na ang sumama sa katotohanang dala ni Lea, kesa sa manatili sa huwad na mundo ni Angie.

Pagdating ko sa apartment namin ni Angie nadatnan kong bukas at nakatiyangyang ang pinto. Bigla akong kinabahan dahil sa napaka-unusual na katahimikan sa paligid. Naalala ko yung sinabi ni Angie bago ko sya iniwan kanina. Sabi nya magpapakamatay daw sya kapag tumuloy ako kay Lea. Sana lang walang nangyaring masama sa kanya.

Sa pag-aalala ko tumakbo ako papasok ng bahay, "Angie! Angie!" sinisigaw ko ang pangalan nya habang hinahanap ko sya.

Maliit lang ang apartment namin kaya agad ko itong nalibot. Hindi ko nakita si Angie. Pagtingin ko sa mga cabinet namin sa kwarto wala na rin ang mga damit nya, at tanging mga gamit ko lang ang naiwan.

Na-touch pa ako kase iniwan din nya yung mga alahas ko, relo, bracelet, necklace, lahat ng mamahalin kong gamit wala syang tinangay kahit isa, tanging mga gamit lang nya ang dinala nya. Pati yung passbook namin at naitabing pera hindi nya ginalaw. Tanda na hindi talaga pera ang naging dahilan nya.

At least napanatag ang kalooban ko na walang ginawang masama si Angie sa sarili nya. Ang tanong na lang na nabuo ngayon sa isip ko ay kung magkikita pa kaming muli ni Angie.

Saan naman kaya sya nagpunta? Wala na ba syang balak na bumalik pa dito? 

Nang mapunta ako sa kusina napansin ko agad ang isang piraso ng papel na nakatupi sa ibabaw ng mesa. Dali-dali ko itong kinuha sa isiping liham ito ni Angie para sa akin.

Nang buksan ko ito ang ikli lang ng nakasulat;

"Honey, mahal na mahal kita. Paalam."

Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit bigla na lang akong napaluha sa maikling mensahe sa akin ni Angie.

Ang hirap!

Damang-dama ko ang paghihirap!

Kahapon lang ang saya namin ni Angie, napakalambing pa namin sa isa't-isa, pero ngayon sa isang kisapmata lang wala na kami. Kahapon lang asawa ko sya... Ang sakit...

At bakit ba ako nasasaktan? Dapat nagagalit ako ngayon dahil pinaglaruan lang ni Angie ang damdamin ko. Kung may nararamdaman man ako ngayon sa kanya, yun ay dahil niloko nya lang ako at pinaikot sa kanyang palad!

At si Lea... Pano ko sya mamahalin kung hindi ko naman sya maalala? Ang tingin ko pa rin sa kanya isa pa ring kliyente sa pagiging macho dancer ko.

Kayhirap bitawan ang kasalukuyan para balikan ang nakaraan. Ang pag-ibig ko kay Lea noon, hanggang ngayon pinagdududahan ko pa rin, at ang nararamdaman ko para kay Angie pinagsisisihan ko na ngayon.

Nang maligpit ko na lahat ng gamit ko tinawagan ko na si Lea, "Lea, okay na. Pakisundo mo naman ako dito."

Ngayon kailangan ko nang kalimutan ang kung ano mang namamagitan sa amin ni Angie. Kailangan ko ng burahin ang nararamdaman ko para sa kanya at harapin ang bagong simula kasama ni Lea.

Sa ginawang paglisan na ito ni Angie, sya na rin mismo ang nagpatunay sa mga kasalanan nya, inamin ang kasinungalingan at nagpatotoo sa mga sinabi sa akin ni Lea. Umalis sya ng walang paalam, which makes herself guilty.

Alam kong ito ang pinakamainam gawin ngayon, ang manatili sa tabi ni Lea hanggang sa bumalik na ang alaala ko. Sya lang ang may hawak ng katotohanan sa buhay ko, sya na lang ang tanging mapagkakatiwalaan ko.

Yung mga mahahalagang gamit ko na lang ang dinala ko. Ni-lock ko na lang yung apartment at iniwan ko na lang din sa loob ang motor ko. Sabi ko dun sa landlady babalik ako, at nag-advance na rin ako ng bayad sa renta.

Naglakad na lang ako hanggang kanto at dun ko na lang hinintay si Lea. Pagdating ko sa waiting shed ay sya ring pagdating ni Lea. Bumaba sya sa sasakyan nya at sinalubong nya ako ng yakap.

"O, ano, nagkausap na ba kayo ni Angie?" tanong nya.

"Hindi kami nagkita. Hindi ko na sya nadatnan, umalis na ata."

"Ganun ba... Saan naman kaya sya nagpunta?"

Nagkibit-balikat lang ako, "Ewan ko, at wala na akong balak na hanapin pa sya." sabi ko na lang.

"Eh yung ibang kasamahan mo na sinasabi mo, nakapagpaalam ka na ba sa kanila?"

"Oo, pero tinext ko na lang. Hindi ko na sila pinuntahan."

Hindi na rin naman kasi mahalaga yon. Parte lang sila ng palabas ni Angie. Pero ganun pa man hindi ko matago ang kalungkutan ko. Kailangan ko na silang kalimutan at harapin ang panibago kong buhay kasama si Lea.

"Sebastian, i'm so sorry for you... Hayaan mo, hindi kita pababayaan at mula ngayon itatama na natin ang lahat ng mali."

Nakikita ko ang sincerity sa mga sinasabi sa akin ni Lea. Malaki ang pasasalamat ko at nakilala ko sya. Sa malapelikulang takbo ng buhay ko alam kong magiging maayos din ang lahat at hindi magtatagal babalik na rin ito sa normal.

Habang bumibyahe kami, naikwento ko kay Lea ang naging buhay ko sa loob ng dalawang taon na nakasama ko si Angie. Ang pagiging bouncer ko, macho dancer at callboy.

Kinwento ko sa kanya ang lahat. Pati paghihirap na dinanas namin ni Angie, pati yung mga naging kaibigan namin at nakatrabaho sa Xclub. Kinwento ko kung anong buhay meron ako sa piling ni Angie, pwera na lang sa masasayang sandali namin bilang mag-asawa.

At hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit isa-isa kong naaalala ang bawat maliligayang sandali namin ni Angie, yung mga matatamis na alaalang meron kami. Bagaman hindi ko ito sinabi kay Lea, may portion sa katawan ko na napapangiti. Yung sentrong bahagi.

Ganun din naman ibinahagi din ni Lea sa akin ang naging buhay nya sa kamay ni Marlon. Pati yung pagiging liberated nila ng kaibigan nyang si Mabel. Lahat ng makamundong pinaggagagawa nila. Lahat ng matitinding erotic scheme nila.

Hindi ko alam kung bakit pati yon kinukwento pa nya sa akin. Isa lang ang malinaw, isa na naman ito sa mga masasaklap na katotohanang kailangan kong tanggapin.

Hindi naman namin masisi ang isa't-isa dahil pareho lang naman kaming naging biktima. Kung sakaling naging madumi man ang naging buhay namin sa nakalipas na dalawang taon, yun ay dahil sa mga taong nanloko sa amin.

Bakit ganon? Yung mga bagay na gusto kong maalala, hindi ko basta basta maalala, pero yung mga bagay na gusto kong burahin hindi ko naman basta basta mabura!

Pagdating namin sa magandang bahay nina Lea mahiya-hiya pa akong pumasok sa loob. Tinitingnan ko kung nandito si Mrs. Mendez pero wala namang tao.

"Wala ata sina Mama mo?"

Sa tanong kong ito napatingin sa akin si Lea, nagulat ata dahil sa narinig nyang "Mama mo". Hindi ko pa kasi sya ma-adress na mama ko, bagaman magaan ang loob ko sa kanya at alam kong asawa sya ng Daddy ko, hindi pa rin sya ang tunay kong Ina.

"Wala. Umalis na sila. Sabi sa akin ni Mama luluwas na daw sila sa Bohol. Sabi ko kasi na uuwi na tayo bukas doon kaya mauuna na daw sila."

"Bakit naman kaya?"

"Ewan ko nga rin eh. Natataranta nga sila at nagmamadali. Hahabol daw sila ng flight."

Isa sa mga dahilan kung bakit sumama ako kay Lea ay upang bisitahin ang puntod ni Daddy. Gusto ko syang puntahan at baka sakaling may maalala ako kapag nakita ko ang libingan nya.

Tangna, hindi nga ako ampon tulad ng kasinungalingang sinabi sa akin ni Angie, at nakilala ko nga ang tunay kong Ama pero putcha, puntod na lang nya ang makikita ko, at ang tunay kong Ina nawawala naman. Sana lang hindi ipagkait ni Mrs. Loida ang makita ko sya. Natitiyak ko kase na kilala nya ang tunay kong Ina.

"Teka Lea, diba namatay si Daddy two years ago?"

"Uhm. Oo. Bakit bigla mong natanong?"

"Nabanggit ba sayo ng Mama mo yung tungkol sa last will and testament nya?"

"Oo nga noh?"

"Tsaka, sino ngayon ang nagpapatakbo sa kumpanya? Sino pumalit sa pwesto ni Daddy, at sa pwesto ko?"

Though nagtataka ako kung pano ko naisip mga bagay na ito. Mukhang nasa dugo ko nga ang pagiging negosyante.

"Hindi ko rin alam eh. Wala pa kase kaming maayos na usapan ni Mama. Huwag mo munang isipin yan, hayaan mo, bukas pagdating natin sa hacienda aalamin ko yan kay Mama."

Hindi ko na binalak na kausapin pa si Lea ng maayos tungkol dito, baka isipin pa nya na interesado ako sa naiwang yaman ni Daddy. Ang inaalala ko lang naman baka mapunta lang sa wala ang kumpanyang pinaghirapan ni Daddy.

"Ilagay mo muna dito yung gamit mo." sabi sa akin no Lea pagpasok namin sa isang kwarto.

Sa tingin ko kwarto nya ito. Pambabae kasi ang theme and design. Kung ganito kalaki at kaganda ang bahay nila dito sa Ma... Read More


About the Author :

Joined: July 10, 2013 (3 years old)
Writings: 177

Send PM · Male · Offline

I dreamt of being a published writer of inspirational and motivational stories, cause I want to inspire those who have physical disabilities and less fortunate people whom are downhearted. I want to bring hope into their hearts and I want them to see a beautiful world that's full of dreams.

I also want to share my thoughts about unconditional love, life's regrets and marital failures through Erotic stories. I may not change your world, but I wish, with my simple works, i've touched your hearts.
9 comments   0 favorite   2,744 views