Friends with Benefits

September 9, 2014 (2 years ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Erotic Couplings, Romance | Tags:

"Kung pwede lang mawala lahat ng sakit na nararamdaman sa pamamagitan ng yakap, habang buhay ko siyang yayakapin."

Masyadong madaming oras na ang nasayang at ayaw na niyang dagdagan pa iyon.

Tinext ko si Matt. Mabigat man sa loob ay kailangan nang tapusin ang lahat.

Pumayag itong makipag-kita sa kanya.

"Okay lang ba mag-dinner tayo? Di ako kakain." tanong niya.

Pumayag din naman ako kaagad. Nasa bahay ako ng isang friend nang magtext siya. Andun na daw ito sa Shakey’s kaya nagmadali akong umalis di dahil andun na si Matt, kundi gutom na rin ang kumakalam kong sikmura. Pagdating ko dun, nakita ko siyang naka-upo. Umo-order ako ng  lunch, at siya naman ay isang bote ng beer lang ang kinuha.

Pinili kong manahimik habang kumakain. Pinilit na binalewala ang kanyang presensiya, at iwasan ang mga mata. Natapos ako nang hindi man lang nalasahan ang kinain. Wala kaming kibuan hanggang sa makarating sa  kanyang bahay.

Malamig ang paligid. Malamig ang gabi. Nakikita niya sa mga mata ko ang ilang mga tanong ng pagdududa. Mga kutob na may bibitawan akong mga salita na hindi niya magugustuhan. Mga kutob na matagal ko nang nararamdaman.

Habang naka-upo sa sala at nagliliwaliw sa internet, habang tinititigan ko siya sa kanyang mga mata, naramdaman ko na lang ang mga labi niya. Lasang alak. Hindi ko alam kung bakit pero tila may humahatak sa akin na enerhiya. Hinalikan ko din ito, sinagot ang mainit na halik. Mariin, malalim at alam mong may parating na bagyo. Nag-usap ang mga dila nang walang lumalabas na salita.

Naramdaman ko ang mga kamay niya na lumilibot sa buong katawan. Isang kamay ang naglalaro sa kalagitnaan ng kanyang mga binti. Isang kamay sa likod, naglalakbay patungo sa kung saan man.  Mukhang hindi niya matanggal ang mga sagabal kaya nagdesisyon na lang na itaas ang damit at ibaba ang bra.

Napasinghap ako nang angkinin ng bibig niya ang tuktok ng dibdib, pinaglaro doon ang dila, pinaikot-ikot bago tuluyang kinagat at sinupsop na parang bata. Sinapo ng kaliwang kamay niya ang isa pang dibdib, habang ang mga labi niya'y nananatiling abala sa paghalik sa kabila. Hindi ko napigilang magpawala ng isa pang mahabang ungol. Ungol na puno ng libog at pagnanasa.

Iniwan ng bibig ni Matt ang kanyang suso at muli niyang hinagkan sa mga labi. Pinaglandas ko ang mga kamay sa pawisang dibdib at tyan ng lalaki. Iyon ang isa pinakagusto ko parte ng katawan ng lalaki.

Napasinghap akong muli ng maramdaman ang kamay ni Matt na ibinaba ang panty ko na noo'y basa na ng pagnanasa. Napaungol ng maramdamang sinapo niya ang kanyang puke. Dinama ni Matt ang bawat sulok ng kaselanan na kanina lang ay natatakpan pa ng saplot. Ngayon ay malaya na niyang ginagalugad iyon at animo gumuguhit ng maliliit na bilog sa mga sensitibong bahagi niyon na lalong nagpabilis ng aking hininga.

Naramdaman ko ang  bibig niyang hayok sa gutom. Mga bibig na humahalik sa bawat parte ng katawan ko.

Nararamdaman ko ang dilang naglalaro at naglilikot sa katawan, habang gumala ang mga kamay ko sa loob ng pantalon niya. Alam ko na kung anong dapat gawin. Alam na kung ano ang manyayari para buhayin ang lalaki. Nakita niyang pinagpapawisan na ito, nahihirapan huminga at namumula.

 Malapit na. Malapit na. Ata.

Hanggang sa matauhan ako.

"Ayan na naman tayo eh!" sigaw ko.

Tumigil ako. Tumigil siya. Mahirap man ay mabilis na pinatay ang apoy na nararamdaman, bago pa man tuluyang magliyab, at may masunog at masaktan.
Naghanap sa internet ng mapakikinggan na musika. “Slow Dancing in a Burning Room” ang napili kong patugtugin. Nakatulala lang siya sa monitor ng laptop habang nakayakap sa akin. Nang matapos ang isang kanta, pinindot ko ang replay. Tatlong beses na paulit-ulit. Hanggang sa magtanong ito..

"May problema ka ba?"

"Ewan ko. Di ko na kasi alam kung anong nanyayari satin." sagot ko.

"Bakit, ano bang naiisip mo?"

"Sa tuwing magkikita tayo, ganito na lang tayo palagi." rason na naisip kong mas nararapat isumbat kesa sa sabihing "hindi kita mahal.."

"O sige sa susunod, magde-date na lang tayo. Wala nang ganito." sabi niya.

"Hindi eh. Ang gulo."

"Ano bang gusto mo? Maging malalim pa ito?" tanong ni Matt.

"Feel ko lang kasi nagiging unfair ako sayo. Ikaw lagi kang may oras para sa akin, tapos ako walang oras palagi para sayo." sagot ko.

"Di naman, busy din naman ako."

"Ehh, hindi kasi eh." nawawala na ang boses ko. Hindi ko alam pero nagsimulang tumulo ang mga luha. Naramdaman ko bigla ang bigat ng bawat paghinga. Naramdaman kong ang hirap na pala huminga.

"Pakiramdam ko kasi, nasasayang lang yung oras mo eh. Ang tagal-tagal na hanggang ngayon hindi pa rin ako sigurado." umiiyak kong inusal.

"Itigil na kaya natin to? Parang nagdadalawang isip ka naman kasi kung magiging tayo eh." napuputol na rin ang boses niya.

Wala akong nasabi. Para akong sinampal sa kaliwa at kanan kasi alam kong totoo ang mga salitang nanggaling sa kanya. Hindi ko alam kung gusto ko siya. Hindi ko alam kung mahal ko nga b... Read More

Part #: 2

About the Author :

Joined: March 20, 2014 (2 years old)
Writings: 12

Send PM · Female · Offline

She tastes like nectar and salt. Nectar and salt and apples. Pollen and stars and hinges. She tastes like fairy tales.
35 comments   2 favorites   3,011 views