Francine

February 7, 2015 (1 year ago)
Posted in Story: Fiction, Taglish | Categories: First Time, Romance | Tags:

Nagmamadaling tumawid si Jenna. Patingin-tingin siya sa kanyang relos, 7:55 am na. Male-late na siya. May memo na siya dahil sa pagiging late. Ang dahilan, simula nang lumipat siya sa bagong inuupahang kwarto, hindi na siya makatulog nang maayos. Katabi lang kasi niyon ang isang ktv. Dagdag pa dito ang maiingay na kalapit kuwarto niya pag gabi. Kalabugan, hiyawan, tawanan at kung anu-ano pang ingay.

Nagsawa na siya sa kakareklamo sa kasera nila na tila walang pakialam kundi ang kanilang buwanang renta. May eyebugs nang umusbong sa kanyang mata dahil dito.

Maaga naman siyang nagising kanina, pero madaling araw pa lang ay pila-pila naman sa paggamit ng kaisa-isahang cr doon ang mga kasama niya.

Pagkatapos niyang bumaba sa jeep, nagmamadali siyang naglakad sa mataong kalsada. Dalawang kanto pa ang layo ng kaniyang pinapasukan, ang Orient Salon. Isang sikat na salon na marami ng branches.

Muli siyang tumingin sa orasan, 7:57 am.

Nagulat na lang ang mga kasabay niya nang makita nilang hinubad ni Jenna ang suot na sapatos na may takong, at ang pagkaripas nito ng takbo habang pumapatak pa ang basa nitong buhok.

* * * * *

"Bruha, anong nangyari sa'yo?" puna ni Brandee, isa sa gay hairstylist ng Orient Salon. Nasa pantry sila na siya ring tambayan ng mga staff ng salon.

Hindi siya agad sinagot ni Jenna, mabilis na isinuksok ng dalaga ang timecard niya sa bandiclock na naroon.

Nabunutan ng tinik ang babae, eksakto alas otso ang nakalagay sa kanyang timecard.

"Haaay. Salamat." hingal na wika ni Jenna,"Akala ko katapusan ko na. Muntik na naman ako."

"Tinakbo mo no?"

"Oo. Grabeng hingal ko."

"Ay susyal kang bruha ka. May lahi ka pala ni Lydia De Vega." biro ni Brandee.

"Sira."

"Napansin mo yung pogi?"

"H-Ha? Saan?"

"Sabi na nga ba hindi mo napansin eh." sabi ni Brandee habang hinihigop ang kapeng nasa tasa."Yung kausap ni Mamang dyan sa labas."

Hinila ng hairstylist si Jenna at sumilip sila sa pintuan. Nakita ng dalaga ang isang lalakeng kausap ng katiwala ng salon.

May itsura nga ang lalake. Maganda ang tindig. Napuna ni Jenna ang tila kalambutan sa kilos nito habang nakikipag-usap kay Mamang.

Binulungan siya ni Brandee,"Sayang itetch, baklush din pala siya. Kanina nga akala ko boypren ni Mamang yan eh...jackpot si Mamang diyan pag nagkataon."

"Anong ginagawa niyan dito? Bakit me dala siyang envelope?"

"Gagah, aplikante yan. Hairdresser din yan."

"Paano mo nalaman?"

"Narinig ko yung pag-uusap nila eh. Kunwari nagwalis-walis ako dun."

"Tsismosa ka talaga."

"Saglit lang naman yun , kasi si Mamang sumisimangot na sa akin. Feeling aagawan ang bakla."

Mahina silang nagkatawanan.

"Bakla ba talaga yan?" ulit ni Jenna. Hindi siya makapaniwala na bakla ang lalaking kausap ng kanilang amo-amohan.

"Oo. Confirmed yan. Kita naman sa pilantik ng kamay eh. Isa siyang namumukadkad na bulaklak." ngisi ni Brandee.

Nakita nina Jenna ang paglakad ni Mamang at ng aplikante papunta sa pantry. Mabilis silang umupo sa mesa. Nagsidatingan na rin ang iba pang staff ng salon. Napailing na lang si Mamang nang makitang late ang mga iyon.

"Siyangapala. May bago tayong hairdresser." sabi sa kanila ni Mamang, ang singkuwenta anyos na katiwala ng salon.

"Si Franco...o pwede ding tawaging Francine." malanding dagdag ni Mamang,"Isa din siyang hairstylist. Baka naman pagnasaan niyo pa siya ha. Hindi natin katalo si Francine, nota din ang kinakain niyan."

Nakarinig si Mamang ng mga panghihinayang sa mga gay staff na naroon. Pero dahil kilalang masungit at istrikta si Mamang ay nahiya silang maging showy sa kanya.

Nagulat si Jenna nang tawagin siya ni Mamang.

"Jenna."

"P-Po?"

"Ikaw na bahala sa kanya ha. I-guide mo siya ngayong araw sa salon natin. Maliwanag ba?"

"O-Opo Mamang."

"Ikaw naman Francine, pag may kailangan ka, sabihin mo lang kay Jenna. Siya ang frontdesk staff at cashier namin dito.

"Opo Mamang."

"Good."

Pumalakpak ang katiwala,"O siya, kilos na. Marami-rami tayong customer ngayon lalo pa't magpapasko."

At nagsipagkilos na sila sa pagbubukas ng salon. 

At umalis na si Mamang. Tuwing umaga ay regular itong naroon para mag-inspeksiyon sa kanila. Matapos magbilin ng kung anu- ano ay aalis na ito at sa hapon o gabi na ang balik kung saan siya naman ang papalit sa cashier ng uuwi naman na si Jenna.

Si Mamang ay matagal ng katiwala ng negosyanteng Intsik, ang may-ari ng salon. Sa kanya ipinagkatiwala ng matandang Intsik ang mga branches na gaya nito.

* * * * *

Ilang oras na ang lumipas. Tama ang sinabi ni Mamang, marami silang mga customers ngayon. Ang ilan pa nga dito ay mga nagpa-appointments pa kahapon. Marami-rami pa ang mga nakalista sa logbook ni Jenna, may darating pa sa mga listahan bukod pa iyon sa mga walk-in customers nila.

Tiningnan niya si Francine, abala ito sa paggugupit sa isang babaeng customer. Pang-pito na niya iyon. Kanina, saglit lang siyang tinanong ni Francine tungkol sa kalakaran ng kanilang salon. Tingin ni Jenna, parang mas bagay na barbero si Francine.  May napapansin kasi siya sa mga kilos nito. Hindi niya maipaliwanag pero mas kapani-paniwala pa yatang maging silahis ito kaysa sa isang bakla. Oo, may lambot sa kilos nito gaya ng mga kasama nilang gay hairstylist. Pero iba ang nakikita niya kay Francine.

Mabilis ang kamay ni Francine sa paggugupit. Magiliw itong nakikipag-chikahan sa customer pero, ang mga mata nito ay focused sa kaniyang ginagawa. Hindi siya gaya ng mga kasama nilang hairstylist na kapag nakikipag-chikahan sa customer ay napapahinto sa ginagawa, kaya tumatagal sila.

Nilapitan ni Brandee si Francine at binulungan,"Francine, may poging customer oh...ano gusto mo ikaw na maggupit sa kanya?"

May isang binatang nakaupo at nag-aantay sa mga customer na naroon. Nagbabasa ito ng magazine para hindi mainip.

"Ano na bakla, gusto mo ba?" dugtong ni Brandee, nag-aantay sa isasagot ni Francine na patapos na sa babaeng ginugupitan.

"Ang gwaferfer naman niyan" nakangiting tugon ni Francine, may bahagyang lalim sa tono ng boses nito. "Kaya lang..." Tumingin si Francine sa kinauupuan ng isang sosyal na ginang na kanina pa halatang inip. "Si Mudra kase kanina pa kinukulit ang beauty ko para gupitan siya. Siya na ang ine-next ko."

Napatingin din si Brandee sa babae, "Bonggeyshous kang Bruha ka, si Madame Claudia yan. Magandang magbigay ng tip yan bakla. Galingan mo ha."

"Sigeh Brandee, ikaw na gumupit kay Pogi." malanding tugon ni Francine,"Mas need ko kasi ngayon ng datungers eh."

"Malandi kang bakla ka," natutuwang kurot ni Brandee sa kanya,"Mukhang dyeta ka sa ratbungers ngayon ah.  Mukhang me lalafangin kang nota-tings mamya kaya die-hard kang magka-chingchings."

Nginitian lang siya ni Francine. Pagkatapos tumayo ng babaeng nagupitan, si Madam Claudia naman ang inasikaso ni Francine.

"Hi Madam," masayang bati ni Francine,"Ang ganda-ganda naman ng byuti mo. Talbog kaming mga sirena sa ganda mo."

Natawa ang magandang ginang,"Bago ka dito ano? Ang guwapo mong bakla."

"Mas keribels kong maging hairstylist Madam, pagagandahin kitang lalo. Walang sinabi si Bea Alonzo pag inayusan kita ng
husto."

"Ay gusto ko yan. Magkakasundo tayo...anong name mo iha?"

"Francine po Madam."

"O sige Francine, pagandahin mo ako ha. At me bonus ka pag nagustuhan ko ang gupit mo."

At inasikaso ni Francine ang ginang, dinala muna niya ito sa ibang puwesto para mai-shampoo ang buhok nito bago gupitan ng
buhok.

Ilang saglit pa...

"Anong masasabi mo Madam?" wika ni Francine sa likod ng ginang habang nakatingin silang dalawa sa harap ng malaking salamin.

"Magnifico. I love it!" papaling-paling ang mukha ng ginang na masaya sa kanyang new look.

"Ikaw na ang gugupit sa akin simula ngayon Francine."

Kumuha ng apat na limandaan ang ginang sa handbag niya at isinuksok iyon sa bulsa ni Francine.

"Tip ko sa'yo yan ha."

"Ay Thank you po Madam."

Pag-alis ng ginang ay kinuha ni Francine ang tatlong limandaan at lumapit kay Jenna.

"Uy ganda, hati-hati na kayo diyan."

Nabigla si Jenna, "H-Ha? Seryoso ka?"

"Oo naman. Why ayaw mo ba?"

"Malaki to ah." Isinasauli ni Jenna ang isanlibo subalit pinigilan siya ni Francine. Pabirong tinampal ng baklang hairstylist ang kamay ng dalaga.

"Ummm...bruha, pasaway ka ha. Bad yang tumatanggi sa grasyaness." wika ni Francine.

"Alam mo nakakatawa ka, bahala ka nga. Sige salamat dito ha."

Ngumiti si Francine. Nakita ni Jenna ang mapuputing ngipin nito. Maganda pala ang ngiti ni Francine. Lihim siyang nanghinayang kay Francine. Sayang at naging bakla ito. Kahit pa hindi siya gaya ng ilang bakla na halos babae na kung manamit at kumilos, lalake pa rin tingnan si Francine lalo na sa tindig at bihis. Kung naging lalake lang ito, tiyak marami itong mabibighaning mga babae.

* * * * *

Ilang araw na ang lumipas, hirap pa rin sa pagpasok ng mas maaga si Jenna. Puyat pa rin siya dahil sa magdamag na ingay ng kaniyang lugar. Lagi pa rin siyang nahuhuli sa paliligo dahil sa haba ng pila sa kanilang cr.

"Hay naku Jenna, dapat maghanap ka na ng ibang mauupahan." wika ni Bambi, isa pa sa mga hairstylist ng salon.

"Oo nga eh. Nahihirapan na ako dun sa ingay. Magulo pa."

"Eh bakit ayaw mo pa kasing umalis dun?"

"Tinatapos ko na lang yung buwan na'to. Eto na yung one-month advance eh, ginamit ko na."

"Tama. Gamitin mo na. Hindi na ibinabalik yan ng mga nagpapaupa eh."

"Me nakita ka na bang malilipatan?" dugtong ni Bambi.

"Wala pa nga eh, pwede ba ako sa inyo Bambi?"

"Hay nako, puno na kami sa kwarto. Dinagdag pa ni Brandee yung kapatid niyang babae. Kaya mas nagsiksikan pa kami lalo."

"Hoy Bruha," sabat ni Brandee,"Nagdagdag ako ng bayad para sa sister ko ha. Reklamo ka dyan."

"Hoy Stariray, magkano lang yun." tugon ni Bambi,"Yung boylet ko nga na nakitira sa'tin noon mas malaki ang dinagdag ko sa upa eh."

"Loka. Malikot naman ang kamay nung boylet mo na yun. Kawatan pala yung hinayupak." ani Brandee.

Tahimik lang na nagbabasa ng diyaryo si Francine sa isang sulok. Naririnig niya ang usapan nila.

"Ikaw Francine," sabi ni Bambi,"Baka me bakante sa inuupahan mo, baka pwedeng dun na lang si Jenna."

"Naku sister, lilipat na din ako ng inuupahan eh. Galit sa bakla yung bruhang kasera ko."

"Bakit? Baka naman naiinggit sa mga boylets na inuuwi mo sa hawla mo?" biro ni Stariray.

"Ewan ko ba? Baka insecure lang ang kasera ko sa beauty ko." tugon ni Francine.

Nagkatawanan sila. Nagbiruan pa sila saglit nang dumating si Mamang. Nagsipagtigil sila at nagsimula ng magsipaghanda sa pagbubukas ng kanilang salon.

Minsan ay napapatingin si Jenna sa puwesto ni Francine habang nanggugupit ito ng buhok. Pinanonood niya ang bagong hairstylist. Tinitingnan kasi niya ang mga kilos ni Francine taliwas sa kilos ng mga kasamahan niyang bakla. Kumbaga, pinagkukumpara ni Jenna si Francine sa kanila.

Nanghihinayang talaga siya dito.

Papasa naman kasi ito bilang lalake kung titingnan, pero kapag kumilos at nagsalita na si Francine, dun pa lang magkaka-ideya ang sinuman na bakla ito.

Isang araw, nahuli ni Jenna na nakatingin sa kanya si Francine sa salamin. Saglit lang iyon. Titig iyon ng isang lalake. Iyon ang natitiyak ni Jenna. Nang mapatingin siyang muli kay Francine, nagkatitigan na silang dalawa.

Kinindatan siya ni Francine at malanding ininguso sa kanya ang guwapong customer na nakaupo sa isang sulok. Gumiri ang baklang hairstylist na wari ay kinikilig sa gwapong naroon.

* * * * *

"Ninety-five thousand? Bakit?" tanong ni Jenna. Kausap niya ang nobyo na si Kirby sa muli nilang pagkikita. Nasa loob sila ng isang mall at kumakain sa foodcourt.

"Mahal, babayaran ko naman sa'yo eh."

"Oo nga, pero para saan? Tsaka anlaki naman. Alam mo naman na halos yun din ang pera ko sa savings ko di ba?"

"Pang-placement ko kasi Mahal. Mag-aabroad ako para sa'tin."

"Aalis ka? Ibig sabihin hindi mo man lang ako kinonsulta at malalaman ko na lang na aalis ka?

"Sorry. Matagal ko nang gustong sabihin to Mahal, pero hangga't maari ayoko rin kasing magkahiwalay tayo."

"Pero ngayon nakapagdesisyon ka na. Ayan nga't kelangan mo na ng pam-placement eh."

"Sorry na Jenna. Magulo din kasi isip ko lately."

"At saan ka naman mag-aabroad?"

"Sa Dubai bilang waiter. Nakapag-aplay na ako sa isang agency. Kailangan ko na lang daw mag-placement fee para makaalis ako next month."

Hinawakan ni Kirby sa kamay ang nobya.

"Jenna, alam mo naman na tambay lang ako dito. Na wala akong makuhang matinong trabaho."

"Graduate ka naman ng pagka-pulis di ba? Pasado ka naman sa board. Bakit ayaw mong mag-aplay ng pagkapulis?"

"Basta. Ayoko talaga eh. Tsaka alam mo naman na napilitan lang akong kunin yung kurso na yun. Teka nga, sabihin mo lang kung ayaw mo akong pahiramin Mahal. Wala namang problema eh."

"Hindi naman sa ganun. Pero sayang naman yung tinapos mo. Ilang years ka ng graduate. Tsaka stable yun. Hindi mo na kailangang mag-abroad. Magkasama pa tayo lagi. "

"Gets ko na Jenna. Sige salamat na lang kung ayaw mo. Hihiram na lang ako sa iba. Para sa future naman natin to eh."

Mahal ni Jenna ang nobyo kahit madalas ay nagtatalo sila sa mga prinsipyo nila sa buhay. Si Jenna kasi ay hindi mapili sa trabaho na taliwas naman sa nobyo niyang si Kirby. Sa dalawang taon nilang magnobyo, naibigay na niya kay Kirby ang lahat dahil sa pagmamahal niya dito.

Kung tutuusin, marami na din siyang naitulong sa lalake. Lalo pagdating sa pinansiyal. Hindi naman problema iyon kay Jenna. Masaya siya sa pagtulong sa nobyo. Mabait din kasi si Kirby at alam niyang mahal din siya nito kahit pa minsan ay malas lang ito sa mga nagiging diskarte niya sa buhay.

Saglit silang natahimik habang kumakain. Sa malayo nakatingin ang kaniyang nobyo na wari'y malalim ang iniisip.

Huminga ng malalim si Jenna. Napabuntung-hininga siya.

"Sige. Okay, ibibigay ko yung pang-placement mo."

"Talaga? Salamat Mahal!" hinalikan siya sa pisngi ni Kirby."Para sa future naman natin to Jenna."

"Ano pa bang magagawa ko? Nakakainis ka! Ang daya-daya mo. Ayoko sanang umalis ka Kirby. Malulungkot ako." may luhang namumuo sa mata ni Jenna.

"Tumatanda na rin ako Jenna, mahirap dito sa'tin. Buti pa sa abroad pwede tayong umasenso."

"Malulungkot talaga ako Kirby. Mami-miss kita. Ngayon pa lang naiiyak na ako eh." 

Pinunasan ni Jenna ng tissue ang mata.

"Kukunin kita Mahal kapag nandun na ako."

"Sana nga...sana....." hindi maituloy ni Jenna ang sasabihin.

"Wag kang mag-alala Jenna, magpapakatino ako dun. Tsaka----Magpapakasal muna tayo bago ako umalis."

"P-Pwede ba yun? Hindi ba magkakaproblema pa ang mga credentials mo sa pagbago ng status mo?"

"Basta. Magpapakasal tayo. Ayokong iwan kita ng hindi tayo kasal. Mamya baka maligawan ka pa ng iba habang wala ako eh."

"Sira."

Hinila siya ni Kirby sa kamay palabas ng mall. Hindi na tumanggi si Jenna nang pumasok sila ng nobyo sa isang motel.

* * * * *

"Ang tanga mo, alam mo ba?" Ang bilis mong mabola ng lalake." sumbat ni Brandee. Gabi na iyon at pasara na ang salon nila. Nasa pantry sila kasama ng iba pang staff ng salon.

"Tsk. Huwag ka namang magsalita ng ganyan ke Jenna. Naloko na nga sinesermunan mo pa." sabat ni Bambi habang nagpapalit ito ng uniporme bago umuwi.

Katabi nila si Jenna. Nakaupo sila sa harap ng lamesa. Namamaga na ang mata ng dalaga sa pag-iyak. 

Ilang tissue na ang nagkalat sa lamesa. Katabi niyon ang isang ashtray na may yosi ni Brandee.

Niyakap ni Brandee ang kaibigan. Muling humagulgol si Jenna sa balikat nito.

Hinaplos-haplos ni Brandee ang likod ni Jenna, kumalma ang boses niya, "Sorry sa nasabi ko ha. Nainis kasi ako sa nangyari sa'yo. Walanghiya yung lalake na yun. Animal siya. Ang kapal ng mukha niya."

Naabutan ni Francine ang nangyayari sa pantry. Kakatapos lang niyang gupitan ang huling customer nila sa araw na iyon. 

"Eto kasing si Francine hindi pa naging lalake eh." biro ni Bambi.

"Kung iyan naging lalake baka nagkandarapa ka naman." nakuha pang magbiro ni Jenna.

Napapailing lang na ngumiti si Francine. Nagpunta siya sa lababo at naghilamos ng mukha. Sa pagyuko niyang iyon ay lumislis ang manggas ng kanyang damit at nahalata ni Bambi ang muscle sa braso nito.

"May napapansin ako dito ke Francine----ang machong bakla nito noh?" puri ni Bambi.

"Kaloka ka Bambi." mailing-iling na sabi ni Brandee,"Kapwa bading natin pinapatos mo pang bruha ka. Kilabutan ka nga. Mas bakla pa sa'yo yang pinagnanasaan mo eh." aniya.

"Hmmmp. Ewan ko ba dito ke Francine. Lakas ng tama sakin ng baklang to eh. Natotomboy ako sa kanya."

Natawa si Jenna sa biruang iyon ng mga kasama.

"O ayan, gumagaan na ang loob ni Ganda," wika ni Francine, "Mas lalo kang nagiging byuti pag nakangiti ka Jenna.  Smile ka na lang. Hayaan mo na. Ganyan talaga ang buhay. Mas lalo kang gumaganda kapag ngumingiti ka."

"Totoo ba yan Francine?" wika ni Jenna.

"Sureness. Pero mas byuti pa rin ako sa'yo ha."

"Loka ka talaga Francine."

"Ano bang nangyari?" tanong ni Francine. 

"Pano kase, yung chorvang boylet nitong si Jenna sabi sa kanya mag-aabroad daw sa Dubai." sabi ni Brandee.

"O tapos anyare?"

"Ayon. Chorva lang pala yung Dubai. Umuwi pala ng Mindoro at itinanan yung isang gerlalu. Na-dyontis pala niya. Waley pala kamalay-malay tong si Jenna na niloloko lang siya nung animal na yun."

"Ganon? Tsk" 

"At pati datung ni Jenna nag-goodbye Manila na rin."

"Wala namang problema kung yung pera lang eh, kaya kong kitain ulit iyon" sabat ni Jenna, "Mas masakit yung...pinagkatiwalaan ko siya. Hindi ko alam na nito lang ay niloloko na pala niya ako."

"Sige Jenna...iiyak mo lang." wika ni Francine. 

Muli na lang naiyak ang dalaga. 

"Baka naman nagpa-chukchak chenes ka din dun ha?" tanong ni Bambi,"Baka dyontis ka na din?"

"Hindi ako buntis, nag-mens ako nung isang linggo." umiiyak na sagot ni Jenna.

"Ay nagpa-chukchak nga ang bruha." ani Bambi.

"Gagah, natural na yan ngayon." sagot ni Francine. "Mas mabuti pa, damayan na lang natin si Jenna. Pasiglahin natin ang byuti nitong si Ganda."

"Alam niyo," sabi ni Jenna, "Mas lalaki pa kayo sa ibang lalaking kilala ko. Kase hindi kayo marunong manlamang sa kapwa niyo."

At nag-group hug silang apat. Ramdam ni Jenna ang kisig ni Francine. Masaya siya sa pagdamay ng mga taong itinuturing niyang mga kaibigan. 

*   *   *   *   *

Lumipas ang ilan pang araw. Nilibang ni Jenna ang sarili sa pagtatrabaho. Hindi na siya tinawagan ni Kirby. Hindi na rin naman niya aasahan pang magku-krus muli ang landas nila. Nasaktan siya ng husto. Gusto niyang kalimutan ang sakit subalit hindi niya alam kung papaano. Mas nagiging close sila ni Francine habang tumatagal. Bagaman hindi kasing kikay ng mga kasama nilang hairstylist si Francine. Hindi maintindihan ni Jenna ang sarili pero gumagaan ang loob niya pag kausap ito.

Minsan, may lalake silang customer na nagpapagupit. Si Brandee ang gumugupit dito. 

"Sino yung babae dun sa counter?" tanong nito kay Brandee.

"Ha? Bakit?"

"Wala naman. May boyfriend na ba siya?"

"At bakit? Type mo siya no?" biro ni Brandee

Naririnig ni Jenna ang usapan na iyon mula sa counter. Napansin niyang nakatingin sa kanya si Francine, seryoso ang tingin nito sa kanya. 

"Wala naman sigurong masama kung sabihin kong oo."

"Naku, dala na sa lalake yan. Kami na lang kung gusto mo. Available ako. Libre ka pa gupit sakin." 

"Hindi nga, seryoso. Type ko siya."

Napapansin ni Jenna ang tila pagkainis ni Francine sa naririnig.

"Aray, sakit naman ng gupit mo." sabi ng babaeng ginugupitan ni Francine.

"Ay sorry po Ma'am." sabi ni Francine.

Pagkatapos magupitan ng lalake ay nagpunta na ito kay Jenna para magbayad.

Tumingin ito sa nameplate na suot ng dalaga, "Jenna...pwede ko bang mahingi ang number mo?"

"H-Ha? Bakit?"

"Okay lang ba? Gusto sana kita maging textmate."

Napasulyap si Jenna kay Francine. Pasimpleng tumitingin ito sa kanilang dalawa.

"Sorry Sir. May boyfriend na kasi ako."

Nagkamot na lang ng ulo ang binata at umalis na ng salon.

Nakita ni Jenna ang pagngiti ni Francine.

"Loka ka, pinakawalan mo naman yung pogi." wika ni Bambi.

Nginitian lang siya ni Jenna.

*   *   *   *   *

Ilang araw ang lumipas. May malaking lalaking pumasok sa salon.

"May bwisita tayo" mahinang sabi ni Bambi, "Nandito na naman si Pulvio."

"Hoy mga bakla! Mga malalanding bakla." sigaw ng lalakeng dumating. Nagsitinginan sa kanya ang mga customer.

Kakatapos lang gupitan ni Francine ang isang binatilyong customer. Pagkatayo ng binatilyo ay nagtungo si Pulvio sa pwesto ni Francine at umupo.

"Langhya ka boy, bakit sa mga bakla ka nagpapagupit? Sa barbero dapat kasi pambakla lang dito."

Sa takot ng binatilyo ay mabilis itong nagbayad kay Jenna at sabay alis.

Tahimik lang na pinagmamasdan ni Francine ang hambog na lalakeng nag-aastang siga sa loob ng kanilang salon.

"Sir, tinatakot nyo naman po yung mga customer namin dito." sabi ni Francine.

"Tinatakot? Nagsasabi lang ako ng totoo bakla."

"Magpapagupit ho ba kayo?" tanong ni Francine kay Pulvio.

"Teka. Sino naman tong baklang epal na to? Ako magpapagupit? Hindi. Bakit?"

"Para sa magpapagupit lang po kasi tong inuupuan niyo. Kung pwede lang po sana tumayo na kayo kase marami pa po kaming costumer."

Dinibdiban ni Polvio si Francine. Napansin ng lalake ang tigas ng dibdib ng beautician.

"Tang-ina, tigas ng dibdib mo ah, ano yan bagong silicon para sa bakla?"

Napailing si Francine, pero mapapansin na tumiklop ang kamay ni Francine. Gusto niyang sapakin ang lalake. 

"Papalag ka bakla? Lalaban ka?"

Tila umuusok na sa galit si Francine. Napansin iyon ni Jenna.

"Tatawag kami sa barangay kung hindi ka aalis dito." wika ng babae. Hawak na niya ang telepono at akmang tatawag sa kanilang barangay. 

Pipitserahan ni Pulvio si Francine. Hinawi naman iyon ng hairstylist.

"Huwag mo akong hawakan." may lambot pero galit na ang tono nito.

"Ma-swerte ka bakla, nasa mood akong sumunod dito kay sexy. Pasalamat ka kundi me kalalagyan ka sakin."

At umalis na si Polvio. Makailang beses pang pumasok iyon sa kanilang salon upang inisin ang mga hairdresser lalo na si Francine. Pansin ni Jenna na nagtitimpi lang si Francine sa kanya. Tingin niya, subukan lang siyang hawakan ni Polvio ay may kalalagyan ang siga sa kanya. Malaki nga ang sigang si Polvio pero mas mukhang matatag ang kaha ni Francine.

*   *   *   *   *

"Jenna!" sigaw ng isang boses na pamilyar kay Jenna. Naglalakad siya pauwi sa knaiyang inuupahan.

"Francine?" pagtataka niya,"Ang aga mo namang lumabas. Di ba mamya pa labas mo?"

"Nainip lang kase ang beauty ko. Gusto ko lang lumabas ng maaga para makapag-relax."

"Baka naman boys ang hanap mo para magrelax."

"Gaga!" tugon ni Francine,"Katapusan ngayon di ba?"

"So?"

"So...sahod ko ngayon ng bonggang-bongga."

"Ay oo nga pala noh...isang buwan ka na nga pala sa salon."

"Uuwi ka na ba?" tanong ni Francine.

"Oo eh. Ngayon kasi ang last day ko sa inuupahan ko. Hanggang ngayon hindi pa ako nakakahanap ng bagong lilipatan. Ayoko na kasi dun dahil lagi akong nale-late sa umaga."

"Sabagay. Anong plano mong gawin ngayon?"

"Ano pa eh di maghahanap ng bagong mauupahan."

"Eh pagabi na ah? Tapos mag-isa ka lang."

"Meaning sasamahan mo ako Francine?"

"Nye, maaga nga akong lumabas kase gusto kong magrelax."

"Ah ganun ba, o sige mauna na ako bakla."

Sa paglakad ni Jenna. Naramdaman niya ang pagpigil ng kamay ni Francine sa kanyang balikat.

"Bruha, joke lang yun. Sige sasamahan kita, baka naman kasi magahasa ka ng di oras. Ako na lang sana."

"Ang alin?"

"Ang mare-reyp. Bruha, anong iniisip mo...rereypin kita? Kadiri ka naman."

"Baliw."

Naglakad-lakad sila sa mga eskenita. May nakita silang room for rent, pero kapwa nila hindi nagustuhan. 

Patuloy sila sa paghahanap. Lakad sila ng lakad sa bawat kanto at eskenita. Bago sumapit ang alas-siyete, may nakita silang medyo disenteng kwarto. Mura lang at may sariling banyo. Maliit lang ito at nagustuhan ni Jenna ang lugar dahil mas malapit ito sa kanilang salon.

Matapos nilang magkasundo ng bagong kasera ay saglit silang nagpahinga ni Francine sa labas.

"Uy, salamat ha. Naabala pa kita." ani Jenna.

Nauubo-ubo si Francine sa layo ng nilakad nila.

"Inubo ka pa tuloy sa abala ko sa'yo."

"Wala yan Ganda. O pano yung mga gamit mo sa dati mong inuupahan?"

"Kukunin ko din ngayong gabi, mga damit lang naman at electric fan yun eh."

"O di kunin na natin. Diyos ko gabi na kaya. Para naman makapag-byuti rest ka na."

"Sure ka? Hindi ba nakakahiya na yun sa'yo Francine?"

"Lubusin mo na habang nasa mood pa yung byuti ko. Tara kunin na natin."

Pumara sila ng taxi at pinuntahan ang dating tinutuluyan ni Jenna. Pagdating doon ay nakasalansan na ang mga gamit na inayos ni Jenna. Nagpaalam silang maayos sa kasera at isinakay ang mga gamit sa taxi. Bumalik din sila agad sa bago niyang tirahan. Si Francine na ang nagbitbit lahat ng mga gamit ni Jenna papasok ng maliit na kwarto ng dalaga.

Sa unang palapag ang kwartong iyon ni Jenna. Kaya naman mabilis na naiayos ni Francine ang mga dalahan niya ng walang anumang hirap.

"Konting linis at pintura lang dito Ganda, magiging singganda ng palasyo ni Elsa na din tong kwarto mo." 

"Palabiro ka talaga Francine. Ginawa mo akong bida ng Frozen."

"Seryoso ako ha. Konting wisik lang ng magic wand at gaganda na itetch."

Natawa si Jenna. Gumagaan talaga ang loob niya kay Francine. 

"Alam mo, kung naging lalake ka lang...liligawan kita."

Nabigla si Francine sa narinig kay Jenna. 

"A-Aba'y bakit naman? Natotomboy ka ba sa byuti ko?"

"Ewan ko ba? Kalimutan mo na ngang sinabi ko yan."

"Binobola mo lang ata ako eh, para mailibre kita ng softdrinks."

"Inuubo ka na nga kanina magso-softdrinks pa tayo?"

"Aba'y walang ubo-ubo sa'kin. Basta go lang ng go."

"Baliw. Basta diyan ka lang ha."

"Saan ka naman pupunta?"

"Me bibilhin lang ako."

"H-Ha? Naku ganda wag na, baka ako lang kasi inaalala mo eh. Okay lang ako pramis."

"Basta. Umupo ka lang diyan at antayin mo ako."

"Bahala ka nga. Basta pag nainip ang byuti ko aalis ako dito."

"Sira ka talaga."

Lumabas si Jenna. Pagbalik niya ay may dala siyang dalawang balot ng pancit, siomai at iba pang pagkain.

"Andame naman nito ganda. Inubos mo na yata laman ng tindahan ah."

"Treat ko yan sa'yo. Salamat ulit sa pagtulong mo kanina."

"Sows. Wala yun. Ikaw pa. Basta pareho kong maganda eh tinutulungan ko."

"Pogi ka sana alam mo. Ang gwapo-gwapo mo kung naging lalake ka talaga."

"Ganon? Echos yan?"

"Hindi echos yan. Nung una nga kitang makita nun nagwapuhan agad ako sa'yo eh. Kaso..."

"Kaso mas maganda ako sa'yo?" sabay malanding tawa ni Francine.

Kumuha ng plato at kubyertos si Jenna. Pinagsaluhan nila ang kanilang naging hapunan.

"Francine?"

"Bakit?"

"Me itatanong ako sa'yo?'

"Maganda ba talaga ako?"

"Oo..sobrang ganda."

"H-Ha?"

"Este, Oo...siyempre maganda. Kaya nga madaming nagkakagusto sa'yong customer na lalake sa salon eh...inaagawan mo kami ng boys dun eh. Ang daya mo nga eh."

"At nagseselos ka naman?"

"Oo. Nagseselos ako."

"Pag may lumalapit sa'kin na lalake?"

"Oo...Ah eh...Hindi...Kwan...Siyempre! Naiisnab ang byuti ko eh."

"Hmmmm...Me gusto ka sa'kin no? Aminin mo na...lalake ka talaga no?"

"Yuckkkk! Sa'yo? Wala akong planong maging tomboy ha."

Nagtawanan silang dalawa. 

"Maiba tayo." sabi ni Jenna,"Ilan na ba naging boypren mo Francine?"

"Wala pa. Shy type ako eh."

"Hindi nga? You mean wala pa talaga?"

"Uu"

"Kahit kiss man lang...sa lalake?"

"Uu nga. Shy type nga ako."

"Grabe ka" lakas ng tawa ni Jenna.

"Secret lang natin yun ah."

"Oo naman. Hindi naman ako mapagkalat ng sikreto eh."

"Eh ikaw naman Jenna," tanong ni Francine,"Ilan na naging boypren mo?"

"Tatlo na. Pero si Kirby lang ang seryoso. Yun nga lang ako naman ang hindi niya sineryoso."

Medyo natahimik si Francine, "Sorry. Hindi ko na dapat tinanong pa yun."

"Huwag ka nga. Okay lang. Narealize ko na rin naman na hindi kami talaga para sa isa't-isa."

Kakatapos lang nilang kumain. Matapos iligpit ni Jenna ang hapag, may kinuha siya sa bag; isang portable dvd na may screen.

"Nood tayo ng dvd, me binili akong pelikula last week pero hindi ko pa napapanood...lovestory."

"H-Ha? Eh uuwi na siguro ako. Maglalaba pa ako ng mga damit ko eh."

"Eh, wala ka namang pasok bukas di ba? Pareho tayo ng araw ng day-off?

Sa kakapilit ni Jenna ay pumayag na rin si Francine.

"Samahan mo muna kasi ako dito. Wala akong kasamang manood nito eh."

Pinatay ni Jenna ang ilaw at nanood silang dalawa.

"Para kunwari nasa sine tayo hihihi." aniya.

Nakasandal sila sa sementadong dingding habang nakaupo sa comforter na higaan ni Jenna. 

Nasa kalagitnaan na ang palabas nang mapansin ng dalaga na nakatulog si Francine sa panonood. 
Naisip niyang napagod din ito kanina sa dami ng customer nila. Kusang humiga si Francine sa comforter nang hindi niya namamalayan. Iniisip siguro nito na nasa sarili na siyang bahay at wala sa kwarto ni Jenna. 

Pinagmasdan ng dalaga ang natutulog na si Francine o Franco sa tunay nitong pangalan.

Tutal ay kampante siya sa kasama. Naghubad ng pantalon si Jenna. Nagsuot ito ng maiksing shorts na nakasanayan na niyang gawin pag nasa bahay.

Muling nanood si Jenna. Tiningnan niya ang natutulog na si Francine. Wala naman siyang nakikitang bakas ng pagiging bakla nito sa pagkakatulog. Lalaking-lalaki pa nga ang asta nito ngayon na mahinang humihilik. 

Nakadama na din ng pagkaantok si Jenna. Ilang sandali pa ay kapwa na sila nakahiga sa comforter.

Isang katawan ang pagitan nilang dalawa sa pagkakahiga.

Hindi na namalayan ni Jenna ang oras pero ramdam niya ang kamay ni Francine na nakayakap sa kanya. Hindi niya matiyak kung nananaginip ba siya ng gising. Mula kasi sa likod ay naamoy ni Jenna ang hininga nito...mabango iyon. 

Dumako ang kamay ni Francine sa boobs niya. Nabigla si Jenna sa nangyari. Hindi na ito panaginip. 

Pero kung panaginip man ito, ayaw na niyang magising.

Yakap-yakap kasi siya ni Francine habang ang kamay nito ay sapo ang isa niyang suso na natatakpan ng suot niyang bra. Ramdam niya ang banayad na pagpisil ng kamay ni Francine sa kanyang dibdib.

Hindi maintindihan ni Jenna ang sarili. Nalilito siya pero higit sa lahat...nagugustuhan niya ang nangyayari. Bagay na naglalaban sa kanyang nagigising na diwa.

"Jenna...ahhhhhhh...Jennaahhhh." mahinang ungol ni Francine. Nananaginip ito.

Hindi siya maaring magkamali. Pangalan niya ang binabanggit ni Francine. Ngunit bakit?

Hinalikan siya nito sa kanyang batok. Tumindig ang kaniyang balahibo sa pagtama ng mainit na labi ni Francine sa kanyang leeg. Sapo pa rin ng lalake ang kaniyang suso.

Sa isip ni Jenna ay namumuo ang isang katanungan. Bakla ba siya o hindi? Bakla, dahil iyon ang pakilala niya sa kanila. Lalake, dahil kamay ng isang tunay na lalake ang sasapo ng ganoon sa kanyang dibdib sa mga sandaling iyon. Lalo pa ang mga katagang sinasabi ng tulog na si Francine.

Patuloy sa paghalik si Francine sa batok ni Jenna. Nakapikit pa rin ito habang nananaginip.

Ramdam ni Jenna ang paninigas ng ari ni Francine sa loob ng pantalon nito sa bandang puwitan niya.
Ipinatong nito ang isang binti sa binti niya. 

Nalilito si Jenna sa nangyayari, sa kabila noon ay may lihim na saya siyang naramdaman dahil maaring totoo ang hinala niya kay Francine...na Franco naman talaga ito simula pa lang. Ang dahilan kung bakit ito nagpapanggap ay ang siyang hindi niya lubos maunawaan. Para saan?

Noon pa man ay may paghanga na siya dito. Lalo pa ngayon na walang anumang masama kung sakaling may gawin sila ni Francine o Franco, o kung simuman siya sa dalawa.  

Huminto sa pagpisil ang kamay ni Francine. Ipinasok kasi nito ang kamay sa loob ng damit ni Jenna. Muli nitong itinuloy ang marahang pagpiga sa dibdib ni Jenna. Umakyat ang labi ni Francine sa buhok ni Jenna, at naglakbay iyon sa tenga ng babae. Hinalik-halikan din iyon ng tulog na lalake.

Naglakbay paibaba ang kamay ni Francine. Umusad iyon pababa sa kanyang tiyan. Dahan-dahan itong naglalakbay paibaba sa kanyang puson...hanggang sa umabot ang daliri nito sa garter ng kanyang suot na shorts.

Humarap ang mukha ni Jenna. Magkatapat na ngayon ang kanilang mukha.

Gusto niyang magpahalik dito. Malakas ang kabog ng kaniyang dibdib sa kaba, pagkabigla, pananabik at samu't-sari pang emosyon.

Dumapo naman sa kaniyang leeg ang labi ni Francine. Ang matangos na ilong ng lalake ay ramdam niya sa kaniyang leeg. ang init ng labi ng lalake ay nagpapasidhi sa kanyang pananabik.

Unti-unting sumusuot ang daliri ng lalake sa loob ng garter ng shorts ni Jenna. Buong pananabik na inaantay niJenna ang susunod na gagawin ng lalake.

Biglang dumilat si Francine. Hindi alam ni Jenna kung kanina pa batid ng lalake ang ginagawa nito sa kanya. 

Napabalikwas ito sabay ng pag-alis ng kamay nito sa shorts ni Jenna.

Nagkatinginan silang dalawa. Ang liwanang ng maliit na screen ng portable dvd ang tanging ilaw sa pagitan nila.

Napatingin si Francine sa relos, alas nuwebe kwarenta'y singko ng gabi. Nakaidlip siya. Nakaidlip silang dalawa.

"A-aalis na'ko Ganda."

"H-Ha? Dito ka na lang matulog. Baka malayo pa ang uuwian mo. Bukas ng madaling araw ka na lang umuwi sa inyo."

"G-Gusto ko sana Ganda."

"Eh iyon naman pala eh."

"Pero kasi kwan..."

"Ano?"

"H-hindi ko nai-lock ng maayos yung pintuan ng inuupahan kong kwarto."

"Ganun ba? S-Sige, bahala ka. Nasa sa'yo naman yan eh."

"P-pasensiya na nga pala. Nakatulog ako eh." medyo husky ang boses ni Francine. Halatang bagong gising.

"Okay lang. Hindi mo na natapos yung pinapanood natin."

"Mukhang ikaw din naman eh...nakatulugan mo na. Hindi mo na nga napatay yung dvd eh."

"Loka ka talaga."

Walang anumang sinabi si Francine sa nangyari sa kanila kanina lang. Hindi na rin iyon inungkat pa ni Jenna.

"Hindi kaya baka naman me magagalit kung dito ka matutulog?"

"Sino naman? Baka boyfriend mo?" wika ni Francine.

"Heller. Wala akong boyfriend. Tsaka anu namang masama kung makitulog ka dito. Hindi ba girlaloo ka din gaya ko?"

"Ah-eh...Oo naman. Kelangan pa bang itanong yan? Girl bonding moment pa naman natin to bruha."

"Kaya nga eh. Tapos aalis ka naman pala."

"Sige Ganda. Hindi na ako magme-make-up ha. Baka kasi mareyp pa ako sa kalsada."

"Gaga ka talaga. Oh sige mag-ingat ka ha."

"Ikaw din. Isara mong mabuti 'tong pinto mo. Mag-lock kang mabuti."

"Ihahatid na kita sa labasan."

"Hindi na. Isara mo na lang 'tong pinto. Okay na ako. Bye Ganda."

"Bye Francine. Ingat ka."

"Ikaw din. Bye."

At umalis na si Francine. Ini-lock namang mabuti ni Jenna ang pintuan ng kwarto.

Pagdating sa kanto ay napailing si Francine. 

Nahihirapan siya sa nangyayari. Hindi niya inaasahan ang bagay na ito. Lalo na yung kay Jenna.

Isang lalaki ang nakasabay ni Francine sa pag-aabang ng jeep sa madilim waiting shed. Silang dalawa lang ang tao doon.

"Ang landi ng lakad mo kanina ah. Pumipilantik pa ang balakang mo" wika ng tambay na lasing.

Hindi siya pinansin ni Francine. Nakatingin lang ito sa parating na jeep sa kalayuan.

"Isnabera ka namang bading ka. Gusto mo ng titi? Ha? Burat gusto mo?" kulit ng lasing sa kanya.

Napailing na lang si Francine sa kanya.

Malapit-lapit na ang jeep na sasakyan niya nang magulat siya sa ginawa ng lasing sa kanya.

Pinisil nito ang puwet niya, "Wow...malaman ang puwet mong bakla ka." tawa nito.

"Puking-ina mo ah." galit na sabi ni Francine. 

Akmang uulitin pa ng lasing ang panghihipo sa kanya nang hindi na nakapagpigil si Francine. 

Sinuntok niya ng malakas sa panga ang lasing. Knock-out itong humandusay sa talahiban. 

Sakto naman ang dating ng jeep na hindi napuna ng driver at sakay nito ang nangyari. 

Sumakay si Francine sa jeep at umandar na iyon palayo. 

Maya-maya lang ay nahimasmasan ang lalaki. Hilo pa rin ito at nawala ang kalasingan. 

"Tang-ina, lalake pala yun? Aruuuyyy! nabasag yata ang panga koooo. Ahhhhhh." wika niya sa sarili.

*   *   *   *   *

Nagkataong kaunti lang ang customer nila sa salon. Medyo nakakapagrelax ang mga staff para makapag-chikahan. 

"Uy bertdey ko ngayon, labas naman tayo mamya." wika ni Bambi

"Ay oo nga pala noh, bertdey mo pala ngayon bakla." ani Brandee

"Ilang taon ka na Bambi?" tanong ni Francine

"28 na ako mare. Hinog na hinog na para kumarengkeng."

"Aba. Dapat pala i-celebrate yang pagdadalagang aso mo. Sige magse-share ako dyan" malanding wika ni Francine.

"Gaga. Kabayo ang lahi niyan." sabat ni Brandee.

Nagkukulitan silang tatlo nang sumali si Jenna sa usapan. 

"Sama ako diyan sa gimmick nyo mga bakla. Aantayin ko na ang out niyo mamya ha. Ilang oras na lang naman eh."

Makalipas ang ilang oras. Nasa isang gimikan na sina Francine, Jenna, Brandee, Bambi at ilan pa nilang kasama. Nagbigay ng tatlong libo si Mamang na regalo niya kay Bambi. 

Marami-rami na rin ang naiinom nila. Sa katunayan, sumuka na si Bambi sa sobrang kalasingan.

"Mga bakla, yari tayo bukas kung hindi tayo makapasok nito." wika ni Bambi.

"Nako, kelangan nating pumasok noh. Kundi goodbye Salon forever na tayo kay Mamang." 

 "Hoy, wala ba kayong napapansin mga bakla? Kanina pa tahimik tong si Francine." ani Brandee.

"Oo nga noh. Teka buhay pa ba yan?" sabi ng isa nilang kasama na beautician.

Tinapik tapik nila si Francine. "Bakla! Hoy Bakla. Buhay ka pa ba? Sagot!"

"Hanuba? Oo buhay pa ako. Etong si Jenna ang nakatulog na sa hita ko."

Nakita nila si Jenna. Lasing na ito. Plakda na sa dami ng nainom na alak.

"Ang bruha talaga. Siya yung sabi na wag tayong maglasheng. Siya pala ang unang susuko."

"Ilan ba nainom niyang si bruha?" tanong ni Brandee.

"Tatlong bote ng beer lang yan kanina ah." sagot ni Bambi.

"Hinde ah. Nakapitong bote na ata yan eh." sabi ng isa pa nilang kasama. Lasing na din ito.

Maiingay na sila sa loob ng bar. Panay lasing na rin ang mga tao sa loob ng bar na iyon.
Pasado alas-onse na ng gabi. Nag-aya na si Francine na umuwi.

"Hoy mga bakla, Keribels nyo pa bang umuwe?" tanong ni Francine.

Sa kanilang grupo, si Bambino at Jenna ang mahina-hinang uminom. Kaya sila madalas ang halos gumapang na pagtapos ng ganitong gimikan. O kaya naman ay sumuka sa labis na kalasingan.

"Oo keribels pa." tugon ni Brandee at mga kasama nila.

"Hoy Francine. Ikaw na bahala diyan kay Jenna ha, Ihatid mo sa bahay niya yan at baka kung san pa mauwi yang bruha na yan."

"Sige keribels ko ng i-fetch itetch." sagot ni Francine.

Matapos magbayad. Nagkanya-kanyang uwi na ang kanilang grupo. Si Brandee ang umaalalay sa halos matumba na si Bambi.  Sumakay sila ng taxi. 

Pumara din ng taxi si Francine. Sumakay sila ni Jenna.

Bagsak na halos sa kalasingan si Jenna. Me tama na rin ng alak si Francine. Medyo malayo-layo na rin ang binabiyahe nila nang matandaan ni Francine na isandaan piso na lang pala ang natitira niyang pera sa wallet. Natandaan niyang iyon na lang ang natira sa wallet niya nang sagutin niya ang higit kwatro mil sa nainom nila. Inabot kasi ng diyes mil sais siyentos ang tab nila sa bar. 

"Manong, dyan nyo na lang iliko sa kabilang kanto."

Sumunod naman ang driver. Huminto ang taxi sa kanto malapit sa inuupahan ni Francine. Otsenta'y sais pesos ang halaga ng babayaran nila. Inabot ni Francine ang isandaan at saka inalalayan ang hilong si Jenna palabas ng taxi. Nagmura pa ang driver nang iyon lang ang inabot ni Francine na pasahe. Napailing na lang si Francine sa pagharurot paalis ng abusadong taxi driver.

Hindi na maintindihan ni Francine ang sinasabi ni Jenna. Naglulupasay na ito sa matinding kalasingan. Binuhat na lang niya sa kanyang braso si Jenna. 

"Hoy bakla, babae yan ah. Ano yan kukulamin mo para lumipat kaluluwa mo diyan sa katawan niya?" biro ng isang lalakeng tambay na laging bumibiro sa kanya.

Mabuti naman at kaunti lang ang tao sa oras na iyon. Maagang nagsipagtulog ang mga tambay dahil sa lamig ng panahon. 

Iniakyat ni Francine si Jenna sa kanyang inuupahang maliit na studio type unit na nasa ikalawang palapag. Dahil nakainom, dahan-dahan sa pagpanhik si Francine habang bitbit ang tulog nang si Jenna.

 Sa wakas nakapasok na rin siya sa kwarto niya. Dahan-dahan niyang inilapag si Jenna sa malambot na kutson ng kaniyang kama.  

Nabigla si Francine, bumangon ang babae at sabay suka ng magkahalong alak at kinain nito. Napunta iyon sa pang-itaas ng babae.

Medyo nabawasan ang pagkalasing ni Jenna. 

"Naparami ang inom mo Ganda." pag-aalala niya.

"Saan tayo bakla? Kaninong kwarto to?"

"Kwarto ko to. Dito na kita dinala kasi kinulang pamasahe ko sa taxi. Kukuha lang ako ng pamasahe tapos ihahatid na kita sa inyo." Wika niya. Binuksan niya ang drawer malapit sa kama at kumuha ng mga perang papel. 

"Hindi ko na kayang bumiyahe bakla. Antok na antok na ko talaga."

"H-Ha?"

"Di ba nakitulog ka na rin sakin? Ngayon ako naman ang makikitulog sa'yo." wika ni Jenna habang naghihikab.

Gumala ang tingin ni Jenna sa loob ng kuwarto ni Francine. Sa ilang beses na niyang nakitulog kina Brandee at iba pa niyang kaibigang bakla ay napuna niyang ibang-iba ang kuwarto ni Francine. Wala kasi iyong anumang bakas ng kabaklaan ni Francine. Lalakeng lalake pa nga ang itsura ng kuwartong iyon.

Kumuha ng palanggana si Francine. Nilagyan niya iyon ng tubig. Kumuha din siya ng bimpo at ibinabad iyon sa palanggana. Dinala niya iyon kay Jenna.

"Punasan nga kita nang mahimasmasan ka."

Pinunasan siya ni Francine. 

"Yucky ka naman kase Bruha. Me suka pa yung damit mo. Pupunasan ko lang."

Nilinis iyon ni Francine. 

"Me extra ka bang damit?"

"Meron" inaantok na sagot ng babae, "Diyan sa bag ko. Pakikuha diyan sa loob."

Kinuha ni Francine ang t-shirt sa loob ng bag.

"Magpalit ka na. Lalabas muna ako."

"Bakit lalabas ka pa? Maria Clara ba ang peg mong bakla ka?"

Nabigla siya nang hinila paitaas ni Jenna ang suot na damit sa kanyang harapan. 
Nahulog iyon sa sahig. Mas nabigla siya nang hubarin din ni Jenna ang suot niyang bra sa harap niya.

"Hindi kasi ako natutulog ng may bra eh. Alam mo din yan di ba na ganyan tayong mga girlaloo?"

Hindi nakapagsalita si Francine. Nakatingin siya sa may kalusugan na suso ni Jenna. Kay ganda ng hugis ng suso nito. Pati na ang saktong laki ng pinkish na nipple nito. Umaalog-alog pa ang suso ni Jenna sa marahang paggalaw nito.  

Bumagsak na sa kama ang dalaga. Ginigising siya ni Francine pero naghihilik na talaga ito. Napatingin siya sa wallclock, alas dose y medya na ng madaling araw. Nahiga na rin siya sa tabi ng babae. Tumalikod siya dito. Sa sandaling iyon. Pilit nilalabanan ni Franco ang nararamdaman para kay Jenna. 

Ilang oras ang lumipas, naalimpungatan si Francine. Napadilat ng kaunti ang inaantok pang mata niya.Magkaharap na pala sila ni Jenna. Mahinang humuhilik pa ang babae. Halos mapabalikwas si Franco sa napuna niya. Nakatapat kasi ang suso nang natutulog na si Jenna sa kaniyang mukha.  Gumalaw pa ng kaunti si Jenna at dumikit ang nipple ni Jenna sa labi ni Franco. Ramdam ng lalake ang lambot niyon. Napayakap si Jenna sa ulo ni Franco. Mas lalong dumikit ang labi ni Franco sa nipple ni Jenna. 

Natigilan si Franco. Hindi niya alam ang dapat gawin. Itutuloy ba niya o iiwas siya? Ang hirap nun sa kagaya niya. Tinatablan siya sa nangyayari at ang gising niyang pagkalalake sa loob ng kaniyang pantalon ang matigas na ebidensiya doon.  Bumagon si Franco. Napaupo siya sa gilid ng kama. Dumilat naman ang mga mata ni Jenna.

"Bakit? Bakit ka umalis?"namumungay ang mga mata nitong nagtanong.

Hindi kumibo si Franco. Nagsalitang muli si Jenna.

"Ayaw mo ba? Hindi mo ba gusto?"

Tumayo si Franco. 

"Lasing ka lang Jenna. Nakainom ka lang."

"Halata namang gusto mo rin eh. Bakit ka ba ganyan? Ano ka ba talaga?"sabi ni Jenna.

"Kung pwede ko lang sanang sabihin lahat-lahat sayo..."

"Eh di sabihin mo sakin. Kasi ako ramdam kong may tinatago ka. Hindi ko lang alam kung ano."

"Pangit ba ako?"

"Maganda. Sobrang ganda."sagot ni Franco. Wala nang bakas ng kabaklaan sa boses niya.

"Feeling ko lalake ka talaga. Umamin ka nga."

Tumunog ang alarm clock sa kuwarto. Alas singko na ng umaga. Mula sa labas ay narinig nila ang pagtilaok ng manok.

"Lalabas na ako Jenna. Aalis na lang muna ako."

"Saan ka pupunta?"

"Basta."

"Iiwan moko dito?"

"Iiwan ko naman sayo ang duplicate key. May pagkain diyan sa maliit kong ref. Pwede mo namang initin sa kalan para may almusal ka." 

"Aalis ka talaga?"

"Huwag kang mag-alala Jenna. Maayos din ang lahat. Malalaman mo din ang lahat sa tamang oras."

Nag--ayos ng sarili si Franco at lumabas na ng pinto. Siya na din ang nag-lock ng pinto sa paglabas niya.

*  *  *  *  *

"Ilang araw nang hindi pumapasok si Francine ah. ano bang nangyari sa baklang yun?" tanong ni Mamang sa kanila.

"Hindi ko nga rin po alam eh. Hindi rin makontak sa cellphone niya nung isang araw pa." tugon ni Brandee.

"Baka naman nakipagtanan na sa papa niya." biro ni Bambi.

Tiningnan lang siya ng masama ni Mamang.

"Jenna." tawag ni Mamang.

"Po?"

"Me nakakita daw senyong dalawa ni Francine nung nakaraang linggo. Me nasabi ba siya sa'yo?"

"Wala naman po."

"Sigurado ka?"

"Opo Mamang."

"Ano kayang nangyari dun? Hindi man lang mag-abiso kung aabsent siya. Me nakakaalam ba sa inyo ng bahay ni Francine?"

"Ako Mamang." tugon ni Bambi,"Pero nung nagpunta ako kagabi, wala na daw si Francine dun. Hindi na daw dun nakatira eh."

"Anong sabi ng kasera niya?"

"Mabait naman daw si Francine. Hindi naman daw delayed kung magbayad. Tsaka tahimik at marunong naman daw makisama sa kanila eh."

"Ano kayang nangyare sa tao na yun. Dami pa namang customer na hinahanap siya. Lalo si Madam Claudia."

Inasikaso na ni Mamang ang pagmamando sa iba pa nilang tauhan. Hindi pa rin mawala sa isip ni Jenna ang nangyari sa kanila ni Francine nung gabing iyon. Nakadama ng lungkot ang dalaga sa biglaang hindi na pagpasok ni Francine. 

"Nasan na kaya siya?" tanong niya sa sarili.

Nagsidatingan na ang ilang mga customers. Ilang sandali pa, isang text ang nareceive ni Jenna . Halos sumigaw siya sa tuwa nang malaman kung sino iyon.

Francine: Ganda, kamusta na kayo diyan? Pasensiya na kung ngayon lang ako nakatxt. May importante lang akong inasikaso.

Nireplayan agad ni Jenna si Francine.

 Jenna: Anong nangyare sau? Nasan ka na? Bakit hindi ka man lang nagtext? 

Francine: Basta. Jenna, may ipagtatapat din ako sayo.

Jenna: Sabihin mo na. Tsaka miss mo ko noh?

Francine: Miss talaga kita Jenna.

Jenna: Kelan ka pupunta dito? Miss na miss din kita alam mo ba yun.

Francine: Mamaya pupunta ako diyan. May importante lang akong kailangan gawin.

Jenna: Ano ba yang gagawin mo na yan? Tska anong oras ka pupunta?

Francine: Maya-maya lang. Malapit na rin ako diyan. Tatapusin ko lang yung gagawin ko at pupuntahan na kita. Tsaka may ipagtatapat ako sayo mamaya.

Jenna: Tungkol saan? Sabihin mo na.



Hindi na nagreply si Francine. Tinawagan niya ito ngunit nakapatay na cellphone nito.

Buong pananabik na hindi malaman ni Jenna kung ano ang gagawin. Ano kayang sikreto ang sasabihin ni Francine sa kanya? Malulungkot ba siya? Matutuwa ba siya? Hindi niya maintindihan ang sarili. Pero isang bagay lang ang hinihiling niyang sana'y ipagtapat sa kanya ni Francine. Isang bagay lang. At iyon ang gumugulo sa isipan ni Jenna sa simula pa lang.

 Bigla na lang nagulat si Jenna. Napahinto din sa ginagawa ang mga staff ng kanilang salon. May mga ingay ng sirena ng mga pulis mobile. Papunta iyon sa lugar nila. Mabilis ang pagdating ng mga iyon. Nagsipagsilipan ang mga customer sa labas mula sa malaking clearglass bintana ng salon. Nakisilip na rin si Mamang, Brandee, Bambi at iba pang staff. Tumuntong naman mula sa kanyang counter si Jenna.

Nagsidatingan ang mga sasakyan ng NBI sa isang malaking gusali sa mismong tapat ng kanilang salon. 

Nagsibabaan ang mga alagad ng batas at pumwesto sa mataas na bakod ng malaking gusali. Armado silang lahat ng matataas na kalibre ng armas.

"Si Francine yun ah!" puna ni Bambi sa isang lalakeng nakasuot ng NBI overall at may hawak na baril. 

May kausap sa earpiece si Francine. Pinamumunuan nito ang team ng NBI sa gagawin nilang pagpasok sa gusali.

"Si Francine nga yan...Shit sabi ko na nga ba. Lalake talaga yang si Francine" tili ni Bambi.

Napatingin si Francine sa kanilang salon.

"Francine!!! Francine!!!" sigawan ang mga hairstylist sa kanya lalo na si Mamang. Nagtitilian sila kay Francine na tila nakakita sila ng action star.

May hinahanap si Francine sa mga naroon sa salon. Nang makita ni Francine si Jenna sa bandang counter ay ngumiti ito. Nginitian niya si Jenna. Halos lumundag naman ang puso ni Jenna.

Mabilis na kumilos ang mga unipormadong operatiba at pumasok sa loob ng gusali. Ilang saglit pa, nakarinig ng malalakas na putukan sa loob. Nagsipag atrasan sila sa bintana sa takot na tamaan ng ligaw na bala.

Kabadong-kabado naman si Jenna. Kinakabahan siya para kay Francine...sa pagkakataong iyon...Franco na ang pangalang nais niyang itawag sa lalakeng iyon.  

Nakarinig sila ng palitan ng putok ng baril sa loob ng gusali. May ilang pagsabog sa loob at paglabas ng mabahong usok ng amoy ng nasusunog na kemikal.

Ilang media van ang nagsidatingan sa paligid ng gusali. Isang reporter ang naglakas loob na magreport na aktwal na putukan na nagaganap ng sandaling iyon. Nagulat siya ng mga isang malakas na pagsabog sa tukto ng gusali. Napatakbo siya upang umiwas sa nagbabagsakang debris mula sa itaas. Mga nasusunog na lata at container ng mga hindi pa matiyak na kemikal ang nagbagsakan sa ibaba ng gusali.

Ilang sandali pa ay unti-unting humupa ang barilan.

Nagsipagdat... Read More

About the Author :

Joined: July 11, 2014 (2 years old)
Writings: 78

Send PM · Male · Offline

I love to write erotic stories. I also write in Wattpad under the same name. My stories will be published soon.
57 comments   4 favorites   5,385 views