fixed marriage

April 9, 2013 (3 years ago)
Posted in Story: True Story, Tagalog | Categories: Romance | Tags:

Bago basahin, ang istoryang eto ay gawa gawa lamang..."ma, ayoko pa nga magpakasal e. Isa pa sino papakasalan ko? Wala naman akong boyfriend ah." pagmamaktol ni jessica. Si jessica ay manager ng isang sikat na salon. Sa edad niyang bente otso ay nakapag patayo na sya ng limang branch ng kanyang salon dito sa metro manila. Likas kay jessica ang pagiging masinop kaya di na nkakapagtaka kung bakit ang bilis niyang umangat sa buhay. Maganda din sya. Dating morena ngayon ay maputi na dahil palagi lang sya nasa loob ng salon. May hubog din ang katawan. Ngunit sa kabila ng kanyang kagandahan ay ni minsan hindi sya natuto mag ayos. Oo maraming pampaganda sa salon niya pero ni minsan di niya yun ginalaw para sa sarili niya. "anak, bente otso ka na. Hindi ka na bata. Tumatanda ka iha. Isa pa gusto na namen magka apo" sabi ng kanyang ina. "pero wala pa nga po kong boyfriend." pagdadahilan ni jessica. Sa totoo lang, ayaw pa niya magka boyfriend. Bukod sa sakit sa ulo ay wala syang oras. Buong oras niya nasa trabaho lang. "ah basta! Sa day off mo may papakilala ako sayo!" pagtatapos ng ina. Walang nagawa si jessica kundi bumuntong hininga. Habang sa kabila:"WHAT?! no dad. You're joking right? Bakit ko naman papakasalan yung taong di ko pa nakikita? No no no no! You can't do this to me!" ang di makapaniwalang si frank. Si frank ay isang matipuno at gwapong lalake. Anak siya ng isa CEO director kaya sunod ang layaw niya. Nagtatrabaho siya sa kumpanya ng tatay niya pero wala syang ibang ginawa dun kundi magpa cute sa mga babaeng nagtatrabaho dun. Dahil sa gwapo nga sya, maraming kinikilig na kababaihan sakaniya pag siya ay lumalapit na. For short, babaero at chik boy sya. "son, kelangan mo na lumagay sa tahimik. We're getting old. Isa pa para mag matured ka naman. Puro gimik at babae nalang yang inaatupag mo. Yung trabaho mo dito pasimple mong pinapagawa sa assistant ko para lang makapagpacute... Read More

Part #: 1...

About the Author :

Joined: January 27, 2013 (3 years old)
Writings: 34

Send PM · Female · Offline

2 comments   2 favorites   4,692 views