Finally :)

May 15, 2014 (2 years ago)
Posted in Blog: Tagalog | Categories: Erotic | Tags:

May 14, 2014 - finally grumaduate na ko. Nagbunga din ang 6 years na pahtitiyaga at paghihirap ko. :) HIndi ko inexpect na dadating ako sa araw na 'to dahil lahat ng tao sa paligid ko nawalan na ng paniniwala at tiwala sakin. Ikaw ba naman ang abutin ng anim na taon sa college eh, kumbaga para akong naging Engineering student na nag-extend pa ng isang taon. Pero sabi nga nila, kapag gusto mo, makukuha mo.

1styear 2nd sem ako nagsimulang maging irregular student. Nagkaron ng iba't ibang kaklase at section. Lahat ata ng year at section sa Psychology Department na-enrollan ko na eh. haha. Kaya pag nasa skul ako maya' maya may kakilala akong nasasalubong. :D Nagtuloy-tuloy na yun hanggang sa mag-4thyear na ko. Sandamakmak na quiz, exams, projects, assignments, requirements ang nakaharap ko. Buti na lang kinaya ko lahat. :) Muntik pa nga akong hindi grumaduate dahil sa thesis ko na pagkamahal mahal ang ambagan, pero buti nalang may mga kaibigan ako na tumulong sakin at naitawid naman. :) Gusto kong i-share sa inyo itong pinakaimportanteng araw sa buhay ko dahil sobrang daming hirap ang pinagdaanan ko pero sobrang sarap ng feeling dahil sa huli ay nakatapos pa din ako. :) Kahapon, pagdating namin ni mama sa PICC halong excitement at kaba nararamdaman ko kasi totoo talaga na ggraduate na ko. Kala ko joke lang eh. Tapos nung paakyat na ko sa stage at tinawag na pangalan ko, sobrang saya ko kasi ang tagal kong hinintay yung moment na yun. Si mama di mapakali sa kaka-picture sakin. haha. It was indeed the best day of my life. :)

Gusto ko magpasalamat unang una kay Lord, sa guidance at strength na binigay Niya. Hindi mangyayari 'to kundi dahil sa Kanya. Sa family ko din lalo na kay mama na nagtiyaga pa din akong pag-aralin kahit ang dami ko nang kapalpakan na ginawa. Sa mga kaibigan ko lalo na dito sa FSS sa support at advice lalo na nung munti... Read More

About the Author :

Joined: December 3, 2013 (3 years old)
Writings: 8

Send PM · Female · Offline

future psychologist :)
12 comments   0 favorite   724 views